A Hidden Gem (Fate Series#3)

By omyerika

8.7K 645 2.4K

Princess Naomi Mikayla Madriaga is the demure and gullible Interior Designer student of University of Santo T... More

Author's NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Author's NOTE

Chapter 39

68 3 0
By omyerika

"Apo!"


Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nung biglang sumigaw si Lolo Anton na may panlalaki pa ng mga mata. Tinignan ko yung tinitignan ni lolo at nagulat nung nakitang muntikan ko ng lagarihin yung kamay ko kaya binitiwan ko agad yun.


Anim na buwan na ang nakakalipas at nandito na ulit ako sa Batangas. Sinusubukang mamuhay katulad nung panahong hindi ko pa alam ang lahat tungkol sa past namin ni Gino at sa nangyari sakanya. Sinusubukan kong kalimutan pero ayaw niyang matanggal sa isip ko kaya madalas, nawawala ako sa sarili.


"Ano ba naman kasi 'yang iniisip mo at muntikan mo ng maputol yung kamay mo? Simula nung umuwi ka, wala ka na sa sarili. May nangyari ba sa Maynila?" Nag-aalalang tanong ni lolo.


"Wala po, lo. Pagod lang po siguro ako," dinahilan ko nalang at pumunta nalang sa likod ng work shop para magsketch ng mga design para sa mga kliente ko.


Madalas nandito lang ako sa maliit na kubo, na kami mismo ni Lolo Anton ang gumawa para may lugar ako para magtrabaho ng payapa. Gawa siya sa bamboo at hindi siya masyadong open kaya may privacy pa rin ako pag nagtratrabaho o nagpapahinga.


Napatingala ako nung may biglang kumatok sa may pintuan at nakita ko si papa. Tumayo agad ako at nag-mano sakanya.


"Hi pa. Napadaan po kayo? Bakit po?" Tanong ko at bumalik ulit sa pwesto ko kanina.


"Wala naman. Tumawag kasi yung lolo mo na hinihiwa mo na raw yung kamay mo haha." Tumawa nang konti si papa at natawa rin ako.


"Si lolo talaga, muntikan lang po. Hindi ko namalayang malapit na pala yung lagari sa kamay ko hahaha." Natawa ako sa pagiging exaggerated nanaman ni lolo.


"Nag-aalala lang kami sayo, 'nak. Simula nung bumalik ka galing sa Maynila ay parang tumamlay yung itsura mo at nawala ka sa sarili eh. Hindi ba dapat masigla ka ngayon dahil sa wakas bumalik na kamo ang lahat ng memorya mo?" Sinundan ako ni papa at umupo si papa sa upuan katapat ng desk ko at tinignan ako na may pag-aalala. Umupo na rin ako sa upuan sa kabilang side ng desk.


Nalaman na pala rin nila na alam ko na lahat. Hindi na ako nagtanong sa pamilya ko kung bakit hindi nila sinabi saakin yung tungkol kay Gino dahil sila mismo ang nagpaliwanag saakin na kinailangan daw nila ako ilayo kay Gino dahil delikado raw yung buhay ko kapag pinagpatuloy pa namin yung relasyon namin at kaya hindi na nila sinabi dahil alam nilang pag nalaman ko ay magpupumilit akong bumalik pa rin kay Gino, which is totoo naman.


Hindi ako galit sakanila, nagtatampo lang dahil sa hindi nila pagsabi saakin pero gets ko naman na ginawa lang nila yun para protektahan ako.


Marami rin akong tanong lalo na kay Gino. Pero mas pinili kong manahimik nalang at ipagpatuloy yung buhay ko ngayon.


Tsaka wala rin naman si Gino ngayon sa Pilipinas eh, sabi ni Mackey ay umuwi na raw siya sa New Zealand.


Matipid ko siyang nginitian tsaka binalik yung tingin sa iniisketch ko. "Yun nga po yung problema eh. Yung naalala ko na ang lahat."


"Pero wala kang magawa kahit na gusto mong ibalik yung dati?" Tanong ni papa.


Napatigil ako sa pag-shashade pero nanatili akong nakayuko. Kinagat ko yung ibabang parte ng labi ko dahil may nararamdaman akong nagbabadyang mga luha.


"Alam kong gusto mong bumalik sa dati ang lahat pero hindi na yun pwede, anak," sabi ni papa sabay abot nung kamay ko at hinimas himas ito. "Pero pwede naman kayo magsimula ulit."


Tumingala ako at tinignan siya na may pagtataka dahil sa sinabi niya. Unti unti kong napagtanto yung ibig niyang sabihin at bago pa man ako makapagsalita ay nagsalita na ulit siya.


"Hinihintay ka niya sa labas," sabi ni papa na agad ko rin nagets.


Nagmadali akong lumabas ng kubo at pumunta sa harap ng workshop. Nung malapit na ako doon ay binagalan ko yung lakad ko at pasimpleng inayos yung sarili ko. Sinilip ko muna kung andoon nga siya at nakita ko nga siyang andoon, tinitignan yung upuan na gawa ko mismo.


Lumapit na ako sakanya at tumikhim para makuha yung atensyon niya. "Gino."


Nakuha ko naman yung atensyon niya. Nagulat siya nung una pero agad din nabawi atsaka ngumiti saakin. "Hey, Princess."


"Hi." Nahihiya akong ngumiti sabay yuko pero unti unting nawala yung ngiti ko dahil nakita ko yung binti niya at biglang naalala yung huli naming pagkikita sa hospital. "Kamusta binti mo?"


"Alam mo na pala talaga," sabi niya at tinaas yung binti niya para i-stretch ng konti.


"Sorry," sabi ko dahil parang hindi ko na dapat yun tinanong.


"Okay lang. Alam ko namang malalaman at malalaman mo rin eh. I just didn't expect that you will find out that way." Nilaro niya ng konti yung kanang binti niya habang nakatingin dito at nakapout. "Okay naman ako but I still need to be cautious."


"Buti naman," sabi ko at ngumiti nang konti nung nakitang nagagalaw niya iyon ng mabuti at sinabi niyang okay na. Akala ko permanent yun eh.


"I missed you," bigla niyang sinabi at unti unti ko ulit siyang tinignan.


Nakita ko yung mukha niyang ilang taon ko ring hindi nakita at nung nakita ko ulit ay hindi nakilala ng utak ko pero tinibok pa rin ng puso ko. Ang lalaking kung makatingin ay parang pinupunta ka kung saan gamit ang mga mata niyang mapupungay at nakakahumaling niyang ngiti.


Bigla ko nalang siyang niyakap nang mahigpit. "Namiss din kita."


Sobra ko siyang namiss na halos ilubog ko na yung mukha ko sa dibdib niya kaya amoy na amoy ko yung scent niya at ramdam ko yung tibok ng puso niya. Halos mapaiyak na rin ako dahil sa saya.


Niyakap niya rin ako pabalik at nagyakapan kami doon ng ilang minuto bago tuluyang bumitaw na sa isa't isa. Kung pwede nga hindi na naming bibitawan ang isa't isa eh.


Nagkwentuhan kami pagkatapos nun at hinintay lang magsara si lolo ng shop bago umuwi sa bahay para kumain. Hindi pa rin ako makapaniwalang andito na ulit siya kaya hindi ko namamalayang hindi ko na natatanggal yung tingin ko sakanya.


"Why?" He asked and nervously chuckled.


Nasa bahay na kami at naghihintay na sa may sala habang nagluluto pa si mama.


"Wala. Hindi lang ako makapaniwalang andito ka na ulit." Nahihiya akong umiwas nang tingin sakanya. Masyado ka naman pahalata, Naomi.


Bigla niyang hinalikan yung pisngi ko kaya nanlaki yung mga mata ko at tumingin agad kila mama at papa na nasa kusina tapos si lolo naman ay nasa kwarto niya.


"Baka makita tayo nila papa," sabi ko na parang teenager pa rin na takot mahuli ng mga magulang.


Natawa naman siya at inabot yung kamay ko sabay intertwined sa kamay niya. Ngumiti siya habang nakatingin dito. "If you're up for it, hindi na tayo maghihiwalay."


"Oo naman noh!" Napasigaw na tuloy ako dahil sa sobrang saya kaya napatingin saamin sila mama at papa. Nahiya tuloy ako bigla at halos itago na yung sarili ko kay Gino.


Tumawa si Gino sabay yakap saakin. "Masyado pong naexcite, tito at tita."


Pinalo ko siya ng mahina sa gilid ng tyan niya at tumikhim sabay ayos na nang sarili na parang wala nangyari.


"Oh siya, tama na kayo dyan at kumain na kayo dito," sabi ni papa at tumayo na kaming dalawa ni Gino para tumulong sa paghahain nang biglanh bumukas yung pintuan nagpakita si Emily na hingal na hingal.


"Takte! Wa.. walang tricycle sa terminal kaya naglakad tuloy ako!" Sabi ni Emily na hinihingal pa.


"Sure kang naglakad ka? Para kang nagmarathon eh," sabi ko sakanya.


"Ayan yung excited," natatawang sabi ni mama habang hinahain yung pagkain.


"Eh sabi niyo po may nagbabalik sa buhay ni ate eh! Syempre hindi ako pwedeng mahuli sa chika at totoo nga!" Tumingin si Emily kay Gino. "Buhay ka pa pala, Kuya Gino?"


"Emily," bawal ko sakanya.


Pero tumawa lang si Gino. "Hahaha. Kamusta ka naman, Emily?"


"Ops! That's FA Madriaga to you, Kuya Gino," sabi ni Emily at pinakita yung uniform na pang-FA na soot soot niya.


"Oo nga pala hahaha. Sorry, FA Madriaga," sabi ni Gino at nakisama nalang kay Emily.


"Oh siya, tama na yan at kumain na tayo," sabi ni lolo na kakalabas lang ng kwarto niya at nauna nang umupo sa hapagkainan.


Sumunod na rin kami at sabay sabay nang kumain. Kinuha na ni Gino yung isang bowl ng rice at imbis na lagyan muna yung kanya ay nilagyan niya muna yung akin.


"Huy, ang dami naman nyan," bulong ko nung napansin kong ang dami na ngang nasa plato ko pero hindi pa siya tumitigil sa kakalagay. Parang nilapat lang niya yung lahat ng laman ng bowl saakin eh. Tss.


"Tama lang naman ah? You're already skinny tapos hindi ka pa kumakain ng tama? That's not healthy, Princess," mahinang sabi niya at nilagyan pa ng isang sandok na kanin yung plato ko.


"Ang taba ko na nga ehh." Nag-pout ako.


"Asan dyan yung taba?" Tanong niya bago kinuha yung ulam at binigyan na ako.


"Aish, ako na," inis na sabi ko at kinuha sakanya yung bowl ng sinigang para i-serve na yung sarili ko.


Narinig ko pa siyang tumawa nang konti bago kumuha ng rice para sa sarili niya. Pagkakita ko sa plato niya ay ang dami niya rin nilagay. Gutom yarn?


"Naghahanap ka lang pala ng kasama eh hahaha," asar ko sakanya sabay tawa.


"Dinadamayan lang kita," sabi niya tsaka ngumisi. "Besides, namiss ko luto ni tita."


"Hayaan mo, sa susunod na pumunta ka dito, mas marami pa ang iluluto ko," sabi ni mama.


"Nako po, mukhang mapapadalas na nyan yung punta dito ni Kuya Gino," pabirong sabi ni Emily at lahat kami ay natawa.


"Paanong mapapadalas, eh taga ibang bansa itong si kwan," sabi ni lolo na parang nanghihingi ng tulong kay papa kung anong pangalan ni Gino.


"Gino, tay," sabi ni papa kay lolo nung nakalimutan ni lolo yung pangalan ni Gino.


"Babalik ka pa sa New Zealand, Kuya Gino? Akala ko magstastay ka na dito. Paano na kayo ni ate? Long distance?" Tuloy tuloy na tanong ni Emily at nahalata kong sinipa siya ni mama sa ilalim ng mesa para tumigil siya.


Para naman akong nalungkot nun, sa sobrang saya ko hindi ko naisip na saglit lang pala siya dito at babalik din siyang New Zealand kasi doon na siya nakatira eh.


"Actually, I'm staying here for good," sabi ni Gino kaya napatingin ako sakanya at tumingin din siya saakin sabay ngiti tsaka kinuha yung kamay ko mula sa ibabaw ng lamesa, "And I'm planning to marry Naomi soon. If she let me."


"Omg," rinig kong sabi ni Emily.


Habang ako ay walang maisagot dahil sa gulat sa biglaang pagpropose niya. Kasal? Agad agad? Kanina lang kami nagbalikan ah? Kakasal agad? Hindi ba panaginip ito? Bakit ang bilis ng mga pangyayari?


"Teka, teka. Hindi ka ba masyadong nagmamadali, Gino? Aba, kasal na itong pinag-uusapan natin dito ah," biglang sabi ni papa.


"Sure na po akong si Naomi yung gusto kong pakasalan at makasama habang buhay. Kung papayag po kayo at kung gusto rin niyang magpakasal saakin, pinapangako ko pong hindi ko siya pababayaan. Huwag po kayong mag-alala dahil katulad nga po ng sinabi ko sainyo kanina, hindi na po gaano magiging delikado yung buhay niya kasama ako. At pinapangako ko po sainyo na proprotektahan ko siya at yung magiging pamilya namin sa kahit na ano, sa abot ng makakaya ko." Buong buo yung boses niya at parang may sinseridad ang mga salitang binitawan niya sa harap ng pamilya ko.


Katahimikan ang bumalot saaming lahat pagkatapos magsalita ni Gino at ramdam ko yung kaba na nararamdaman niya mula sa pagkakahawak niya sa kamay ko kahit pa hindi yun halata sa itsurang pinapakita niya ngayon. Hinigpitan ko yung hawak ko sa kamay niya kaya napatingin siya saakin at nginitian ko siya.


Malalim na bumuntong hininga si lolo. "Edi kung ganun, kailan niyo balak ipakasal?"


"Tay!" Saway ni papa.


"Bakit? Mukha namang desente yung binata eh at mukhang mahal na mahal niya ang apo ko. Okay na yun, nasa tamang edad na rin naman sila," sabi ni lolo na mukhang approve naman talaga na ikasal kaming dalawa.


Habang nagtatalo si papa at tatay doon ay humarap saamin si mama para kausapin kami.


"Sigurado na ba kayo? Ikaw, Naomi? Gusto mo rin bang magpakasal kay Gino?" Tanong ni mama.


Tumingin ako kay Gino at ngumiti, "Opo." Walang alinlangan kong sinabi.


Alam kong delikado nanaman itong pinapasok namin at magpapakasal agad kami pero sa tagal ng panahon na hindi kami magkasama, ayaw ko nang mahiwalay pa sakanya. At simula noon hanggang ngayon, sigurado na talaga akong siya yung gusto kong pakasalan kahit pa ang dami naming pagsubok na pinagdaanan.


"Sige, pero hindi ngayon ah. Marami ka pang kailangan patunayan, Gino lalo na sa matandang iyon," pabirong sabi ni mama sabay turo kay papa.


"Luh, sinong sinasabihan mong matanda dyan?" Sabi ni papa nung narinig yung sinabi ni mama.


"Ikaw! Bakit, may problema ka?!" Sigaw pabalik ni mama.


"Hehe, wala. Kumain na nga lang tayo," pag-iibang topic ni papa na halatang ayaw niya munang pag-usapan muna iyon.


Pagkatapos kumain ay si Gino ang pinaghugas ni papa ng pinggan at pati yung malilinis na ay pinahugas niya rin para lang mas dumami yung huhugasin ni Gino. Pero syempre hindi yun yung dinahilan ni papa kesyo madumi raw at hindi nalinis ng mabuti. Kulang nalang ipahugas niya yung lahat ng pinggan namin eh, baka nga pati sa kapitbahay isama niya, amp.


Buti nalang dito na pinatulog nila mama si Gino dahil gabi na raw at delikado nang bumyahe kaso nga lang sa sala siya.


Magmamadaling araw na pero hindi pa rin ako makatulog, unang una ng dahilan doon ay nasa sala lang namin yung adik na lalaking kakabalik lang sa buhay ko pero nag-aya na agad magpakasal.


Lumabas na ako para sana silipin si Gino kaso walang tao doon sa sala. Tanging unan at kumot lang na pinahiram namin sakanya. Asan siya?


"Gino?" Mahinang tawag ko sakanya at medyo kinabahan na dahil baka nananaginip nga lang ako kanina, na baka walang Gino na nagbalik.


O baka naman umalis dahil biglang natauhan sa mga pinagsasabi niya kanina at nagbago bigla yung isip?


Parang nabunutan naman ako ng tinik at nakahinga nang maluwag nung nakita ko si Gino na nakaupo sa bench na gawa sa kahoy sa likod ng bahay namin kung saan nakikita yung dalampasigan.


"Huy," tawag ko at medyo nagulat siya kaya natawa ako tsaka tumabi sakanya. "Anong ginagawa mo dito? Malamok dito ah."


"Nag-iisip lang," tipid na sabi niya habang nakatingin sa malayo.


"Iniisip mo ba kung paano mo mababawi yung mga pinagsasabi mo kanina? Hahaha. 'Wag kang mag-alala, okay lang naman saakin. Siguro nagulat oh dikaya na-overwhelmed ka lang kanina sa mga pangyayari kaya mo yun nasabi--"


Hindi ko na natapos yung sinasabi ko nang bigla niya akong hinalikan sa labi. Nung tutugon na sana ako ay doon naman siya tumigil tsaka bumulong sa tenga ko.


"Pinag-iisipan ko lang yung magiging pangalan ng mga anak natin."


Bigla akong namula pagkasabi niya nun at hinampas nalang siya para hindi niya yun makita. "Bwiset! Hahaha."


Tumawa siya at nilapit yung sarili saakin tsaka ako inakbayan. Sinandal ko naman yung ulo ko sa balikat niya at naramdaman kong hinalikan niya yung gilid ng noo ko, which felt really good and surreal.


"Bakit hindi ka pa pala natutulog?" Tanong niya.


"Natatakot akong matulog. Baka kasi pag gising ko, wala ka nanaman eh haha." Tumawa ako nang pilit dahil parang ang korni nung sinabi ko, pero yun yung nasa isip ko talaga eh.


Na baka niloloko nanaman ako ng panaginip ko at nagkukunyaring realidad nanaman.


"I'm sorry." Bigla niyang sinabi kaya nagtaka ako at umayos nang upo para tignan siya.


Hanggang sa mapagtanto ko yung tinutukoy niya. Nagsosorry ba siya dahil sa nangyari yung aksidente?


"Ako nga dapat yung mag-sorry sayo eh. Inakusahan kitang iniwan mo ako habang nakaconfine ako sa hospital, yun pala mas nauna pala akong nagising kesa sayo at kailangan mo pang dumaan sa surgery dahil sa paa mo." Kinagat ko yung ibabang parte ng labi ko para pigilan yung pagbagsak ng mga luha ko tsaka niyakap siya ng mahigpit. "Sorry, kasi wala akong alam sa nangyari at wala ako sa tabi mo nung mga panahon na iyon."


Kinwento na lahat ni Thomas saakin yung mga nangyari pagkatapos ng accidente kaya naging malinaw na saakin ang lahat tsaka umamin na rin sila papa na nilayo raw talaga nila ako kay Gino noon para sa ikabubuti ko.


Kahit na alam kong iniisip lang nila papa yung kapakanan ko ay nagalit pa rin ako sakanila at hindi sila pinansin ng ilang araw nun.


"Hindi rin naman naging madali sayo at sorry kasi wala rin ako nung mga panahon na iyon." Hinahagod na ni Gino yung buhok ko habang magkayakap kami kaya mas lalo tuloy ako naiiyak.


"Bakit kasi nilayo nila ako sayo eh? Tss," sabi ko at pasimpleng pinunasan yung luha ko.


"Ginawa lang naman ni tito yun dahil alam niyang yun yung mas nakakabuti sayo. Noong una ayaw ko pang tanggapin, talagang pinagpilitan kong makita ka, and when I finally saw you, I realized that baka nga mas okay yung buhay mo ng wala ako." Tumawa pa siya sa huli niyang sinabi.


"Sira! Hahaha. Baka nga ikaw yun eh, nasa New Zealand ka na nga eh," sabi ko at humiwalay na nang yakap. Nag-indian seat ako sa upuan ko at humarap sakanya.


"Yeah, I was there but I preferred it here." Ngumiti siya sabay kuha yung kamay ko at inintertwined niya sa kamay niya.


"Bakit naman? Para ngang mas maganda yung buhay doon kesa dito sa Pinas eh."


"Cause my home is here. You are here," sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.


Unti unting naglapit yung mga mukha namin hanggang sa tuluyan nang nagdikit yung mga labi namin sa isa't isa.


Hinawakan niya yung gilid ng mukha ko habang mas lumalalim pa yung paghahalikan namin. Naramdaman ko yung init na namumuo sa katawan ko, ito ba yung sinasabi nilang sensation?


Pero bago pa man mapunta kung saan iyon ay tumigil na ako na ikinapagtaka niya.


"Sorry," nasabi ko nalang habang nakayuko dahil alam kong gusto niya pa na higit pa doon pero hindi ko pa kayang ibigay sakanya yun.


Narinig ko siyang ngumisi tsaka kinuha yung baba ko gamit yung dalawang daliri niya para iangat yung mukha ko at iharap ulit sakanya. Hinalikan niya ako ulit pero saglit lang.


"Don't be," sabi niya sabay halik din sa noon ko. "I love you."


Ngumiti ako dahil gets niya na ayaw ko pa. "I love you too."


Nanatili muna kami doon ng ilang minuto hanggang sa pinapak na talaga kami ng lamok kaya pumasok na kami haha joke, malalim na kasi ang gabi tsaka baka maabutan pa kami ni lolo dahil ilang oras nalang ay magigising na yun.


Ang aga pa naman niyang magising dahil naglilibot pa siya sa bayan para batiin lahat ng tao. Para ngang nangangandidato si lolo eh dahil halos lahat ng madaanan namin kinakausap niya, amp.


Naging maganda naman ang daloy ng relasyon namin ni Gino, wala na akong hihilingin pa dahil matagal ko na itong pinagdarasal na sana ay bumalik siya saakin.


"Anak! Pakitulungan naman ako sa mga pinamalengke ko dito oh!"


Narinig namin na kakarating lang ni mama mula sa palengke kaya agad kumaripas ng takbo si Gino para tulungan si mama. Sinilip ko sila mula sa bintana at nakitang nagulat si mama nung si Gino ang lumapit, nagmano muna si Gino bago tulungan si mama.


Halos mag-iisang buwan na rin simula nagkabalikan kami ni Gino at halos isang buwan na rin siyang namamalagi dito sa bahay, kulang nalang nga ampunin na siya ni mama dahil parang mas anak na niya si Gino kesa saamin eh haha.


Halos isang buwan na rin siyang pinapahirapan ni papa dahil tuwing andito siya, kung ano anong pinapagawa ni papa sakanya. Kawawa nga eh, ang layo ng binabyahe mula sa trabaho sa Manila tapos pag dating dito inuutusan pa rin siya ni papa.


"Oh? May pupuntahan kayo?" Tanong ni mama nung nakitang nakabihis na rin ako na pang-alis. Nag-mano muna ako sakanya bago siya sagutin.


"Sa shop po, ma. May trabaho lang," sabi ko.


"Linggo ngayon ah? May trabaho ka?" Nagtatakang tanong ni mama habang inaayos niya yung pinamili niya sa kusina.


"Eh ma, wala naman pong day-off yung trabaho ko, minsan na nga lang po magkaroon ng kliente eh haha." Pabiro kong sinabi pero totoo yun. Wala na ngang kliente tapos magdaday-off pa ako? Ano nalang kikitain ko, pag ganun?


Nagpaalam na kami ni Gino kay mama bago umalis. Pagkarating sa shop ay nandoon na yung kliente ko kaya hiyang hiya at todo yung hingi ko ng tawad dahil late ako, buti nalang mabait si madam.


Pagkatapos namin magdiscuss nung kliente ko ay pumasok naman si Gino sa office para bigyan ako ng kape.


"Grabe. Boss doon sa Manila, sekretary naman dito hahaha. Thank you," biro ko sakanya sabay tawa at ininom na yung kape na ginawa niya. Tumawa rin siya tsaka umupo sa upuan sa tapat ko.


"What do you think of working in Manila? Sayang yung mga works mo kung sa Batangas mo lang pinapakita," sabi niya habang tinitignan yung mga sample sketches na pinakita ko sa client kanina.


"Gusto ko nga sana eh. Kaso wala akong alam kung saan pwedeng magtrabaho doon tsaka walang job opening sila Mackey pati rin yung pinagtratrabahuan nila Tyne." Nag-pout ako habang nililigpit yung mga gamit ko.


"You could be a stay-at-home interior designer there or I could recommend you to a company I know, if you want." Suggest ni Gino.


Lumawak yung ngiti ko sa narinig ko. "Talaga? Sige sige tapos magstastay nalang muna ako kay Kim or kay Mackey hanggang sa makahanap ako ng pwede kong matuluyan doon."


Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Or you could stay at your boyfriend's place."


"Nope," agad kong sinabi. Alam naman niyang ayoko ng ganun eh, pumayag lang ako dati dahil kasama naman si Emily pero ngayong kaming dalawa nalang sa isang bubong, parang delikado ata yun?


"Technically, I'm already your fiancée. Close enough to be your husband, right? Tsaka wala naman akong gagawing masama eh. Behave ako, promise," sabi niya at nagtaas pa ng kamay na parang nagpapanatangmakabayan pero umiling ako. "Really? Kahit practice lang, bawal?"


Bigla naman akong natawa doon. "Anong practice? HAHAHA Gino, umayos ka nga!"


Adik talaga 'toh. Anong practice pinagsasabi niya? Bahay bahayan? Hahaha, putek.


"Ang daya talaga. Bakit kay Thomas pumayag ka?" Nag-pout at umiwas nang tingin saakin na parang batang nagtatampo.


Nung tapos na ako sa pagliligpit ay lumapit na ako sakanya at pumwesto sa harap niya habang nakaupo pa siya. Kinulong ko yung mukha niya gamit yung dalawang kamay ko at pinaharap ito saakin, pinisil ko iyon kaya napanguso tuloy siya kahit nakakunot yung noo.


"Wala naman po kasing malisya yung kay Thomas tsaka halos lagi naman siyang wala doon," paliwanag ko sabay halik sa labi niya. "Tsaka ikaw yung mahal at papakasalanan ko kaya wag ka na magselos dyan, okay?"


Pinalupot na niya yung mga kamay niya sa may bandang beywang ko at mas nilapit ako sakanya para yakapin ay isandal yung gilid ng mukha niya sa tyan ko. "Okay."


Umalis na rin kami nung natapos ko na yung work ko. Pumunta na kami sa isang restaubar na may live music para kumain ng dinner. Nagtawag na sila ng pwedeng kumanta sa audience at syempre, hindi magpapatalo itong lalaking ito at umakyat na ng stage nung tinawag siya.


"Good evening po! Anong pangalan at anong kakantahin?" Tanong nung lead singer.


"Gino and will you marry me, yung title ng kanta," sabi ni Gino.


"Medyo kinabahan ako dun ah hahaha, akala ko tinatanong mo na ako," sabi nung lead singer at natawa na may kasamang kaba. Natawa rin kami natawa, bakit naman kasi ganung title? "Pero oo na agad pag ganito kagwapo yung nagtanong diba? Hahaha. Sariling compose po ba yan, sir?"


"Yeah. It's for my wife," sabi niya habang nakatingin direkta saakin. "Future. Future wife."


Nag-aww yung audience at nagsimula na silang magpatugtog. Nakita ko pang bumulong si Gino sa lead singer at sa kabanda nito tapos tumango naman sila bago magsimula.


Maganda naman yung tono at yung lyrics, nagtutugma naman yung tugtog ng banda sa kinakanta ni Gino. As expected, ganda ng song. Syempre, si Gino ang nagcompose eh.


Nung patapos na yung song ay biglang bumaba si Gino at naglakad papunta saakin. Huminto siya sa harap ko at pinatayo ako. Magkaharap na kami ngayon habang patuloy pa rin siya sa pagkanta. He was looking straight into my eyes while singing the song.


"I never want to be without you.
When you're with me, there's nothing I can't do.
So let's make a life, just me and you."


Nagulat nalang ako nung bigla siyang lumuhod sa harap ko na may hawak hawak ng singsing sa kamay niya.


Malaking diamond siya sa center na may maliliit na diamond pang nakapalibot sakanya, para siyang halo style.


Naghiyawan ang audience habang patuloy pa rin tumutugtog yung musika bilang background music namin.


"Will you mary me, Princess?"


Bwiset 'toh haha. Hindi naman kailangan ng singsing eh! Tsaka nakailang beses ng nagtanong, hindi pa rin alam ang sagot ko? Kailangan itanong pa sa harap ng maraming tao hahaha.


"Kailangan pa bang itanong yan? Hahaha. Yes, a million times, yes." Sinoot na niya yung singsing saakin tsaka tumayo at niyakap ako ng mahigpit habang nagsipalpakan yung mga tao sa paligid.



-----------------<3-----------------

Continue Reading

You'll Also Like

7.8K 375 25
Celestine Clover Davis woke up without remembering anything. She's been at that hospital for years now and this guy keeps on coming back to take care...
2.4K 246 43
EXPENSIVE SERIES #2: Avery who just visited her best friend, accidentally took selfies in a wrong phone which belongs to the famous actor, Ethos-who...
2.3K 577 43
Barbara was the kind of girl a guy who would want to date. A typical beautiful, kind and a family oriented type of girl but all of these characterist...
1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...