A Hidden Gem (Fate Series#3)

By omyerika

8.7K 645 2.4K

Princess Naomi Mikayla Madriaga is the demure and gullible Interior Designer student of University of Santo T... More

Author's NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Author's NOTE

Chapter 38

60 3 0
By omyerika

"Yay! You really know me talaga!"


Tuwang tuwa si Mackey nung binigay ko sakaniya yung paborito niyang frappe. Alalang-alala ko pa na yung flavor na yun yung madalas niyang binibili pag pumupunta kaming Starbucks simula noon hanggang ngayon.


Ngumiti lang ako sakanya at umupo sa upuan sa tapat ng table niya.


"Alam mo ba, nung college tayo, hindi pwedeng dumaan ang isang linggo na hindi tayo nagmimilktea o nagfrafrappe hahaha. Medyo adik kasi tayo dito noon eh." Tumawa si Mackey nung naalala yung mga panahong yun.


"Yeah, naalala ko. Inimbitahan mo pa nga yung UP crush mo dati nung nasa Starbucks tayo eh," sabi ko at bigla siyang napatahimik. Kinagat ko yung ibabang parte ng labi ko habang inaalala yung college milktea and frappe days namin. "Pati yung panahon na binibilhan tayo ni Gino ng milktea at frappe pag sinusundo niya ako para lang umuwi na tayo agad at hindi na tumambay pa sa mga store dun hahaha."


Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Mackey nung sinabi ko yun sakanya.


"H-how did you.. You remembered?" Tanong niya.


Ngumiti ako nang tipid at tumango, "Yeah, naalala ko na ang lahat."


Kinwento ko sakanya yung ibang mga importanteng nangyari noon para mapatunayan na naalala ko na ang lahat. Kinwento ko rin kung paano bumalik saakin yung memories ko at na hindi ko pa nasasabi sa iba, sakanya palang.


"Aww. I'm feel so honored naman na ako pa talaga yung unang nakaalam," sabi ni Mackey na may paghawak pa sa dibdib niya dahil na-touched daw siya na siya yung una kong nasabihan.


Tumawa ako, "Nag-sisisi nga ako eh hahaha joke. Wag mo nalang muna sabihin sa iba, please?"


Ngayon ko lang narealize na dapat pala hindi ko muna sinabi kay Mackey, madaldal pa naman ito huhu.


"Hoy! Marunong kaya akong magtago ng sekreto. I'm the secret holder sa barkada natin," sabi niya with a smug smile.


"Secret holder ka dyan. Baka secret teller," pabiro kong sabi sakanya sabay irap dahil kabaligtaran nun ang ugali niya talaga.


Literal na walang sikreto ang hindi mabubunyag sakanya dahil sa kadaldalan niya. Sobrang bait naman ni Mackey pero madadal at makulit nga lang hahaha.


"Hindi kaya! Promise!" Sabi niya pa sabay hawak ng isang kamay sa dibdib.


Tumawa nalang ako sakanya, "Oo nalang."


"Pero bakit ba ayaw mong sabihin sa iba? Ayaw mo nang balikan yung nakaraan ganun?" Tanong niya sabay inom ng frappe niya.


"Kahit naman naalala ko na ang lahat, hindi na mababalik ang nakaraan eh. Kaya bakit ko pa sasabihin na naalala ko na ang lahat?" Sabi niya at mapait na ngumiti.


"Malay mo, may gustong magbalik. Hindi ka ba curious kung ano talagang nangyari pagkatapos na pagkatapos niyong maaksidente? At kung anong nangyari sainyo ni Gino?"


Tinignan ko siya at nag-isip kung gusto kong malaman kung anong nangyari at bakit ako iniwan ni Gino.


"Curious. Ano bang nangyari?"


Mas lumapit pa saakin si Mackey at aaktong bubulong na kaya nilapit ko yung tenga ko sakanya at handa ng makinig.


"Tanungin mo si Gino," bulong niya at agad bumalik sa upuan niya na tumatawa pa dahil sa success siyang paasahin ako. Sarap batukan.


"Tss, akin na nga yang frappe mo!" Napasigaw tuloy ako kaya napatingin saamin yung mga katrabaho niya.


"Luh! Walang bawian. Bleh hahaha." Nagbelat pa ang babaita at mas lumayo pa saakin. "Pero seryoso, mag-usap kayo ni Gino. Masasagot nun lahat ng tanong mo."


"Pati yung pag-iwan niya saakin?" Inis na tanong ko tsaka kunot-noong ininom yung drink ko.


"He didn't want to leave you, actually," sabi ni Mackey kaya tumingin ulit ako sakanya at kita sa mukha niya na seryoso siya sa sinabi niya, "That's why you should talk to him. Kasi kung ako yung magsasabi sayo baka hindi kompleto yung details."


Pagkatapos namin maglunch ni Mackey ay pinasyal niya ako sa isa sa mga ginagawa nilang bahay sa isang subdivision sa Quezon city.


"Good morning po, Architect Manansala," bati kay Mackey ng mga trabahador dito.


"Good morning din po. Pumunta na ba dito si Engineer Trinidad?" Tanong ni Mackey sabay hanap kay Kenzo na siyang engineer din dito sa bahay na ito.


"Hindi pa po eh," sabi nung trabahador.


"Ahh okay. Tara na po," sabi ni Mackey at nag-inspection na ng mga ginawa at ginagawa nila.


Seeing her work today, I could really see that she's more mature now. Hindi tulad dati na ginagawa niyang biro halos lahat pero kita ko rin na hindi na ganun ka-genuine yung smile niya na pati mga mata ngumingiti. Some experiences can change people talaga.


"Oh, Engineer, aga natin today ah!" Sarkastikong sabi ni Mackey nung dumating na si Kenzo.


"Sorry, something came up lang haha. Anyway, kanina pa ba kayo?" Tanong saamin ni Kenzo.


"Hindi, halos kakarating lang din namin," sagot ko.


"Ahh okay. Bakit ka nga pala napadaan? Ikaw ba yung interior designer dito?" Nagtatakang tanong ni Kenzo.


"Huh? Hindi hahaha. Sinamahan ko lang si Mackey," sabi ko.


"Ano ka ba? Siya supervisor natin ngayon kaya umayos ka," pabirong sabi ni Mackey sabay akbay saakin.


"Baliw hahaha." Tumawa kami nang konti.


"Sayang, akala ko pa naman siya yung bagong interior designer dito. Nagpapabuild-in furnitures kasi yung may-ari, sinabi ko na sa interior design department sa firm pero hanggang ngayon wala pa rin response. Tsk," namomoblemang sabi ni Kenzo at pumamewang pa.


"Marami ata silang ginagawa ngayon eh? Half of their team is working in a new project, condo ata?" Sabi ni Mackey habang nag-iisip din, "Pwede ko naman gawin yun since part din naman ng trabaho ko yung interior."


"Luh! Wag kang ano dyan, Pag-asa. Inaako mo nanaman lahat ng responsibilidad kahit hindi naman dapat, dami dami mo na ngang ginagawa. Sinasagad mo nanaman yung sarili mo," inis na sabi ni Kenzo.


Kasi naman itong si Mackey, nasosobrahan sa sipag. Kwento pa nga saakin ng mga kaibigan namin, kulang nalang nga raw, gawin niya lahat ng trabaho kahit hindi naman sakanya. Mayaman naman siya kaya hindi na kailangan ng doble kayod tsaka hindi naman siya naprepressure sa bahay. Sadyang gusto lang niyang pahirapan yung sarili niya.


"Kung wala kayong makita, ako nalang. Tulungan ko kayo," suggest ko.


"Eh paano yun? Hindi ka naman dito nakatira. Tsaka, wag na, sabihan ko nalang ulit yung interior design department kung may spare na tao pa sila," sabi ni Kenzo tsaka naglakad na papaalis.


"Teka, hoy! Sasama ka ba saamin mamaya nomnom?" Pahabol na tanong ni Mackey kay Kenzo. Dahil Saturday ngayon at halos lahat sila ay walang pasok kinabukasan kaya napagdesisyonan na mag-club mamayang gabi.


"Pass," sabi ni Kenzo tsaka tinaas yung isang kamay niya.


"Hmp. KJ," bulong ni Mackey sabay pout.


Inakbayan ko naman siya. "Hayaan mo na si Kenzo haha. Ano? Tara na ba?"


"Rarara!" Excited na sabi ni Mackey sabay hawak sa beywang ko at umalis na doon.


May ginawa pa si Mackey sa office bago kami umuwi at naghanda na para sa clubbing namin. Nagsoot si Mackey ng maroon backless silk cowl neck top and a black pants with a stiletto heels.


While I wore a black deep v neck halter tie top and white pants. Then nang hiram nalang ako kay Mackey ng sapatos which is yung black heels niya.


"Sexy! Hahaha picture tayo," sabi ni Mackey at nagselfie na muna kami bago umalis gamit yung sasakyan niya.


Wala pa yung mga kaibigan namin pagkarating namin dito sa isa sa mga club sa BGC. Hindi rin daw sasama si Thomas dahil marami daw siyang ginagawa pero susunduin niya pa rin ako mamaya. Pati rin si Ava dahil marami pa raw siyang papers. Si Edwin din hindi pwede. That leads us to..


"Mackey! Naomi!"


Bago pa man namin tuluyang makita kung sino yun ay bigla na niyang hinagis yung sarili niya saamin.


"What the? Mia!" Sigaw ni Mackey dahil muntikan na siyang ma-out of balance.


"Ay sorry hahaha. Bakit ka kasi nag-heels, gurl? Pustahan huhubarin mo rin yan mamaya," sabi ni Mia na kasama na rin si Rach.


"Hindi naman ako masyadong sasayaw eh!" Depensa ni Mackey.


"Hindi ka na nga masyadong umiinom, hindi ka pa sasayaw? Anong gagawin mo, sightseeing?" Tanong ni Mia.


Mackey smirked na parang yun nga talaga yung balak niya kaya binatukan siya ni Mia.


"Gaga! Kaya hindi ka nadidiligan eh," sabi ni Mia sakanya.


"I'm saving this until marriage, duh." Inirapan ni Mackey si Mia.


"Ay nako, bahala ka nga. Ikaw ba, Naomi? Sightseeing ka lang rin?" Tanong ni Mia saakin.


"Iinom ako hahaha. Grabe kayo," sabi ko sabay tawa.


"Wassup, bitches?!" Biglang umakbay saakin si Kim na kakarating lang, "Ano? Tatayo lang tayo dito? Hindi mauubos yung alak sa loob kung andito lang tayo. Tara na!"


Pumasok na kaming apat sa loob ng club at bumungad saamin ang lakas ng music at ang disco light. Marami rami yung tao dito pero nakakalakad pa naman kami papunta sa kung saan.


Umupo na kami sa isang booth nagsimula nang mag-inuman at mag-sigawan, I mean, kwentuhan. Nakakaloka naman kasi yung music, halos hindi kami magkarinigan dahil sa lakas.


"Sayang wala si Ava. Edi sana kompleto tayong mga babae ngayon," sabi ko sabay pout.


"Tehh, kung sumama man yun baka mamaya dalhin niya pa hanggang dito yung libro at laptop niya," sabi ni Mia sabay inom nung drink niya.


"Sobrang sipag noh?" Sabi ni Mackey.


"Oo, kaya magbestfriend kayo eh. Mamamatay na kayo sa sobrang sipag," sarkastikong sabi ni Kim.


"Speaking of which, dahan dahan sa pag-inom kung ayaw mong mapunta ulit sa operating room," bilin ni Rach kay Mackey dahil minsan ng naoperahan si Mackey dahil sa ulcer niya, isa sa mga dahilan nun ay ang pag-inom ng sobra sobra.


"Kaya nga sightseeing lang ako ngayon, diba?" Umirap si Mackey at ininom yung lemonade niya.


Tumawa nalang ako at ininom yung drink ko.


"Nami, si Gino," bulong ni Mackey at sa hindi malamang dahilan ay bigla siyang hinanap ng mga mata ko.


Nakita ko siya na kakarating lang kasama ang isang lalaki at pumunta sila sa isang table na halos puro mga babae nag nandoon. Biglang nag-init yung dugo ko nung hindi lang siya nakipagbeso-beso sa mga babaeng yun kundi umupo pa talaga siya sa gitna nila. Ang landi.


"Uhm, Nami," tawag saakin ni Mackey kaya napatingin ako sakanya.


"Ano?"


"Y-yung baso mo. Mababasag na sa sobrang higpit nang hawak mo," nauutal pang sabi ni Mackey kaya medyo nawala yung init ng ulo ko at binitawan na yung baso ko.


Eh bakit naman kasi biglang uminit yung ulo mo, Naomi? Nagseselos ka? Bakit kayo pa ba? Bumalik lang memorya mo pero hindi na kayo.


Teka, nagbreak ba kami?


"Share naman dyan, ano pinagbubulungan niyo?" Tanong ni Rach nung napansing may pinag-uusapan kami ni Mackey.


Hindi naman ako makasagot dahil hindi ko alam ang isasagot ko kay Mia.


"Yung boyfriend niya." Tinakpan niya yung bibig niya sabay tawa.


"Tss, anong boyfriend? Wala akong boyfriend," inis na sabi ko at napatingin dun direksyon kung nasan si Gino.


Kausap na niya yung babaeng katabi niya ngayon at hindi lang basta katabi niya kundi sobrang lapit pa nila sa isa't isa, nagtatawanan pa. Uso po space!


Napatayo ako sa upuan ko kaya lahat sila napatingin saakin.


"Mag-ccr lang ako," paalam ko at agad pumunta sa C.R. para pakalmahin yung sarili ko.


So bakit ka naiinis, Naomi? Kasi may kalandian siya at ikaw wala? Edi maghanap ka ng sarili mo, easy! Ang dali ka niyang iwan at kalimutan dahil lang nagka-amnesia ka. Edi ibigay mo sakanya yung gusto niya, yung tuluyan mo nang makalimutan si Gino Dela Vega.


Nag-retouch muna ako bago lumabas ulit. Dumeretso ako ng booth at uminom nang uminom.


"Gago, anong nakain mo dun sa C.R. at nagkagana ka dyang uminom?" Tanong ni Kim pero hindi ko siya pinansin at patuloy lang nakatingin ng masama sa direksyon nila Gino.


Nung naramdaman kong hindi ko na kaya at medyo nahihilo na ako ay tumayo ako tsaka pumuntang dancefloor para sumayaw kahit hindi naman ako marunong sumayaw haha.


Putek, bahala na. Nagcecelebrate ako dahil naalala ko na ang lahat! Wohhh! Siguro dahil na rin sa alak kaya ako nagkaroon ng lakas ng loob at energy, and I kind a like it kahit medyo umiikot na yung mundo ko.


Biglang may kamay na pumalupot sa beywang ko at hinarap ako sakanya. It was a random guy with curly hair and a cute dimple. Mas bata yung itsura niya saakin, siguro mga college palang ito.


"Hi, miss. Mag-isa ka lang?" Bulong niya.


"N-no. Kasama ko mga kaibigan ko," sabi ko.


"Ahh. Same. Sayaw tayo?" Aya niya.


Pinalupot ko naman yung mga kamay ko sa leeg niya at nagtiptoe para bumulong sa tenga niya, "Ano bang ginagawa natin?"


Lumayo ako sakanya while biting my lower lip, hindi ko alam bakit ko yun ginawa at nakita kong nag-smirk siya tsaka parehas na kaming sumayaw. Halos nagdidikit na rin yung mga katawan namin and alam kong sinasadya niyang bungguin yung sarili niya saakin kaya naman medyo lumalayo ako pero dahil na rin sa dami ng tao dito ay hindi ako makaiwas sakanya.


"Pagod na ako hahaha. Pahinga muna ako," sabi ko at aalis na sana pero bigla niya akong pinigilan.


"Samahan na kita. I like to know you more," sabi niya na may smile na pang-aakit sa labi niya.


"Okay." Pumayag naman ako dahil gusto ko rin may makausap dito.


Pumunta na kami sa bar counter at umorder na ng drinks, nilibre na niya ako at nagkwentuhan kami ng konti. Halos siya lang dumadaldal, napag-alaman ko na ang pangalam niya si Gerald at tama ako, college student palang siya. Nahinto lang yung pag-uusap namin ng biglang may tumawag saakin.


"Wait lang," paalam ko at lumayo muna kay Gerald para sagutin yung tawag. Inalog ko muna nang konti yung ulo ko para mawala yung pagkablurd ng paningin ko bago sagutin yung tawag ni Thomas. "Hello, Thomas?"


[Hey. Are you done yet? I can't pick you up tonight because I have an emergency meeting to attend to but I'll send my mom's driver to pick you up.]


"Ahh, o-okay. Maya-maya pa naman kami matatapos dito. Sasa...Sasabay nalang siguro ako kila Mackey." Sabi ko sakanya.


[Oh okay. Wait, are you okay? You sound kind a weird? Are you drunk already?] May pag-aalalang tanong ni Thomas.


"Huh? Hindi ah.." pinilit kong buksan yung mga mata ko dahil nagblublurd na talaga paningin ko. "Sige na. I'll call you later. Bye."


Pagkababa ko ng tawag ay muntikan na akong matumba pero swerte ko at may sumalo agad saakin kaso pagkakita ko kung sino yun, parang binabawi ko agad yung sinasabi kong sinwerte ako. Tss.


"A-anong ginagawa mo--Aish!" Agad akong lumayo sakanya pero biglang sumakit yung ulo ko kaya sinalo niya ulit ako.


"You're so naive," may pagkairita niyang sinabi at kinarga ako sa likod niya tsaka pumunta kami kung saan.


Maya maya lang ay binaba na niya ako at napansin kong asa parking lot na kami. Umalis siya saglit at may kinuha sa loob ng CUV niya, para siyang kotse na mas maliit sa SUV, binuksan niya yung likod nito at bumalik siya na may dala dalang tubig.


"Upo ka muna and drink this," sabi niya sabay bigay saakin nung tubig.


Dahil nahihilo pa ako ay umupo na ako sa likod ng CUV niya pero hindi ko tinanggap yung tubig.


"Drink this, para mawala yung pagkahilo mo," sabi niya at pwersang binigay saakin yung bottled water.


"B-bakit mo ba ako dinala dito?" Iritang tanong ko at tinignan siya ng masama.


"The guy you're talking to earlier put something on your drink, kaya ka nahihilo ng ganyan. Bakit mo ba kausap yun? Kilala mo ba kung sino yun?" Tanong niya.


Umiwas ako nang tingin habang nakakunot noo pa rin, "Wala ka na doon."


"Nag-away ba kayo ni Thomas kaya may ibang lalaki kang kasayawan at kausap kanina?" Tanong niya pa na nakapagpainit ng dugo ko.


Para kasing sinasabi niyang malandi ako, tss.


Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa CUV niya at marahas na binato sa dibdib niya yung bottled water na kinagulat niya. Parang lahat ng alak sa system ko ay biglang kumulo dahil sa inis ko sakanya ngayon.


"Hindi ko naman boyfriend si Thomas para mag-away kami at maghanap ako ng ibang lalaki. Pero kung sabagay, yung boyfriend ko nga, kinalimutan ako at naghanap ng ibang babae eh!" May panggagalaiting sabi ko sakanya habang siya ay gulat na gulat sa sinabi ko.


"A-anong ibig mong sabihin? Naalala mo na--" pinutol ko yung sinasabi niya.


"Oo, naalala ko na ang lahat! Grabe, wala ka man lang planong sabihin saakin ang totoo noh? Bakit? Masaya ka na nagka-amnesia ako dahil finally maiiwan mo na ako na wala akong kaalam alam?" Naiiyak na tanong ko sakanya, "Tapos ngayon nagmamaang-maangan ka na hindi tayo magkakilala? Grabe, Iniwan mo na nga ako sa ere, ginawa mo pa akong tanga!"


"Hi-hindi, Naomi. Hindi ganun yun."


"Kahit ano pa man yun. Iniwan mo pa rin akong mag-isa," mahina pero madiin kong sinabi.


Aalis na sana ako pero nahabol niya agad yung kamay ko at hinala ako pabalik sakanya. Niyakap niya ako mula sa likod habang nagpupumiglas ako.


"Naomi, teka. Makinig ka, please," pagmamakaawa niya.


"Bitiwan mo ako! Hoy! Bitiw!" Sigaw ko habang nagpupumiglas sa yakap niya.


"Hindi kita planong iwan, Naomi. Hindi kita iniwan." Sinubsob niya yung ulo niya sa balikat ko at ramdam ko yung lungkot sa mga salita niya kaya napatigil ako sa pampupumiglas.


Doon ko lang napagtanto na kung gaano ko namiss itong yakap na ito. Kung gaano ko kagustong mayakap siya ulit pero hindi sa ganitong sitwasyon, hindi sa ganitong emosyon.


"Funny how you say that, parang totoo. Pero kung hindi mo ako iniwan, bakit wala ka nung paggising ko? Bakit hindi na tayo hanggang ngayon?" Naluluhang tanong ko at dahil doon ay lumuwag yung pagkakayakap niya saakin kaya buong pwersa kong tinanggal yung pagkakapalupot ng mga kamay niya saakin at lumayo sakanya.


"I-I'm sorry."


Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero imbis na gawin ko yun ay naglakad na ako paalis at hindi nagtangkang lumingon sakanya dahil alam ko na sa oras na lumingon ako ay babalik ako sakanya at hahaba pa ang usapan, which is hindi ko pa kaya sa ngayon.


Pumara na ako ng taxi at umuwi na sa bahay ni Thomas. Tinext ko na rin yung mga kaibigan ko na biglang sumama yung pakiramdam ko kaya umuwi na ako.


Pagkarating ko sa bahay ni Thomas ay nagulat ako nang halos magkasabay kami ni Thomas, nauna lang ako saglit.


"Hey, are you alright? Umuwi ako agad nung narinig kong iba yung boses mo eh--" Naputol yung sinasabi niya nang bigla ko siyang yakapin sabag hagulgol.


Hindi siya nagsalita at ilang segundo lang ay niyakap din ako pabalik. Nagyakapan lang kami doon ng ilang minuto hanggang sa napagdesisyonan naming pumasok na sa loob. I didn't talked neither did he, hindi lang niya ako iniwan hanggang sa tumahan ako at nakatulog na.


Kinabukasan, bumaba ako na meron ng nakahandang breakfast sa hapag-kainan, sabi nung katulong ni Thomas ay umalis raw siya ng maaga kaya hindi niya ako masasabayan sa pagkain pero siya naman raw ay siya raw nagluto para saakin. May nakita pa akong note na kasama nun.


Good morning, Naomi. Made you your favorite breakfast so you'll be happy throughout the day (I hope). Call me if you need anything. Have a nice day :)))

- Thomas


Napangiti naman ako dahil doon at kumain na. Niyaya ko na rin yung mga katulong ni Thomas, since napadami yung niluto ni Thomas at hindi ako baboy para maubos lahat ng ito, jusko.


Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na yung pinggan, aangal pa sana yung mga katulong pero dahil makulit ako ay hinayaan na nila ako. Wala naman kasi akong ibang gagawin, tsaka hindi ako sanay na may ibang gumagawa ng paghuhugas ng pinggan noh.


Bigla namang tumunog yung phone ko at nakitang tumatawag saakin si Kim kaya agad ko yun sinagot.


"Hello?"


[May gagawin ka ba ngayon?]


"Wala, bakit?"


[Great. Dalhan mo ako ng kape. Aish, bigla biglang nagka-emergency sa hospital, eh may hangover pa ako.] Rinig ko pa sa boses niya yung pagkabagong gising at pagkairita niya.


"Sige, maliligo lang ako," sabi ko at umakyat na ng kwarto.


[Okay, salamat. The best ka talaga!]


"Oo na, oo na hahaha. Bye," paalam ko at pinatay na yung tawag.


Pumunta na akong Mcdo at bumili na ako ng kape nang makakakain nung mabait kong kaibigan na iyon na pumasok kahit may hangover, tapos dumeretso na ako ng hospital kung saan nagtratrabaho si Kim.


Umakyat na ako ng second floor dahil sabi ni Kim andoon daw siya pero halos malibot ko na yung buong second floor pero wala pa rin siya hanggang sa mapadaan ako sa isang room.


"Tumakas ka nanaman, Mr. Dela Vega."


Napahinto ako nung narinig ko yung apilyedong iyon. Mr. Dela Vega? Hindi kaya si Gino yun? Psh, baka iba, dami kayang Dela Vega sa mundo.


"Doc, sabi ko naman po sainyo, Gino nalang."


Sa hindi malamang dahilan ay umatras ako palapit ulit sa kwartong yun nung narinig ko yung boses ni Gino. Anong ginagawa niya sa hospital? Napahamak nanaman ba siya? Baka nakipagrambulan nanaman.


"Anyway, saan ka nanaman pumunta kagabi? Hindi ba sinabi ko na sayo, kailangan mo ng mag-triple ingat dahil one more heavy activity at pwede nang ma-amputate 'yang paa mo," malumanay na sabi nung doctor.


Amputate? Ibigsabihin, tanggalin yung paa niya?! Bakit naman?


"Excuse me po," sabi nung nurse na dadaan na may tulaktulak na pasyente na nasa wheelchair.


"Ay, sorry po." Naglakad na ako palayo dun at hinintay nalang si Kim sa nurse station dito sa second floor pero hindi ko pa rin maiwasang isipin yung narinig ko kanina.


Bakit asa hospital si Gino? Bakit kailangan i-amputate yung paa niya? Dahil ba yun nung niligtas niya ako mula sa pagkakalunod? Hindi naman siguro aabot sa amputation yun eh.


Bigla ko naman natanaw si Gino na nasa isang wheelchair kaya agad akong yumuko at pinunta lahat ng buhok ko sa harap para takpan yung mukha ko.


Nung nakita kong lumagpas na sila saakin ay wala sa sariling sinundan ko sila. Pumasok sila sa isang kwarto na may signage na 'Physical Therapy room'.


Dahan dahan akong sumilip sa loob at nakita ko siya sa harap ng mga equipment na pang physical therapy. Parang sumikip yung dibdib ko sa nakita ko lalo na nung pinipilit niyang tumayo kahit halatang masakit para lang pumunta dun sa railings.


"I thought you should know."


Biglang may nagsalita kaya napatingin ako dun at nakita si Kim na nakatayo sa likod ko habang nakatingin din kay Gino. Nagtataka ko siyang tinignan.


"Kahit na ayoko sakanya para sayo kahit dati pa. I still think that you should know what happened to him after the accident," paglilinaw niya.


Unti unti kong napagtanto kung anong accident yung sinasabi ni Kim, "The accident, two years ago?"


Naalala ko na, yung sinabi niyang nastuck yung paa niya bago kami mabangga. Hindi kaya dahil dun yun?


"Yeah. He nearly lost his right leg, luckily the doctors manage to saved it. Pero kahit na tapos na yung operation and pagthetherapy niya, there are risks. Isa na dun ay yung pwede niyang tuluyang mawala yung paa niya kung maiinvolve siya sa kahit anong mabibigat na physical activities," kwento ni Kim.


Nakatingin lang ako kay Gino habang kinakwento yun ni Kim. Sinusubukan niyang maglakad na may alalay na railings sa gilid niya at ng physical therapist.


"Kaya ba lumala ulit dahil sa nangyari sa resort? Y-yung nalunod ako?"


"Oo," direktang sabi ni Kim.


May tumulong luha sa mata ko na agad ko naman pinunasan. So he risk his life again, just to save me again?


"Alis na ako. Ito na yung breakfast mo." Binigay ko na sakanya yung breakfast meal galing Mcdo at nagmadali akong umalis ng hospital dahil hindi ko kayang tignan si Gino na naghihirap nang dahil saakin.


Ngayon naging malinaw na saakin ang lahat kung bakit niya ako iniwan. Kung bakit hindi siya nagpakita ng dalawang taon saakin. Yun ay dahil para mabuhay siya, dahil sa tuwing kasama niya ako ay laging napupunta sa piligro yung buhay niya para lang mailigtas ako. Hindi nga niya gustong iwan ako, gusto lang niyang mabuhay.


"Are you not feeling well? If you want we could just eat at the house,"


Napatingin ako kay Thomas at napagtanto kanina pa pala ako wala sa sarili at malalim yung iniisip dahil sa nangyari kanina. Hindi ko nalamayang gabi na pala at magdidinner kami ngayon ni Thomas sa isang restaurant sa may Intramuros.


"H-hindi, okay lang ako."


Napag-alaman kong closed na yung restaubar nila Gino. Sayang, sikat pa naman yun sa mga turista pero mukhang hindi na nila kayang imanage, since si Tita Helen at si Gino nalang yung nagmamanage ng mga businesses nila, sabi sa isang article.


Kumain na kami ni Thomas, masarap naman yung pagkain at comforting naman yung presence ni Thomas pero hindi tuluyang nawala sa isipan ko si Gino. Mukhang mag-isa rin siya sa nagdaang taon.


Pagkatapos kumain ay naglakad lakad na kami ni Thomas sa Intramuros kung saan may mga lanterns na nakasabit sa bawat puno. Ang ganda at ang mas lumiwanag ang kapaligiran.


Naalala ko na dito yung isa sa mga random na naging pagkikita namin ni Gino as strangers at dito kami tuluyang nagkakilala dahil sa trabaho. Dito rin niya ako unang niligtas mula sa kapahamakan. Ang bilis ng panahon at hanggang ngayon ay niniligtas niya pa rin ako.


"May I?" Tanong ni Thomas na humihingi ng permisong hawakan yung kamay ko.


Tinignan ko lang yung kamay ni Thomas at imbis na ibigay sakanya yung kamay ko ay nakayuko akong humarap sakanya.


"Thomas, naalala ko na ang lahat." Tumingala ako at pilit na ngumiti kahit na ngangingiyak na dahil alam kong masasaktan siya sa susunod kong sasabihin at ayoko yun. Ayokong saktan ang pinakamatalik kong kaibigan. "And I'm sorry."


Pero kailangan ko iyon gawin dahil pag hindi, hindi lang ako sakanya magsisinungaling, kundi sa sarili ko.


He deserves so much better dahil napakagenuine niyang tao and any girl will be lucky enough to be his girlfriend. Full package na siya eh, kaso hindi siya yung mahal ko. Gusto ko siya pero hindi matitimbang yun sa pagmamahal ko kay Gino.


Dahan dahan niya akong hinala palapit sakanya tsaka ako niyakap. "I know. Kahit na hindi mo pa naalala ang lahat, alam kong siya ang mahal mo."



-----------------<3-----------------

Continue Reading

You'll Also Like

18K 1K 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
10.6K 460 39
(COMPLETED) Alexandria Margaux is a strong independent woman. How can she live a life by her own? Without the feeling of being controlled.
630K 39.5K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
2.8K 249 42
The Walton Brother's She's a mix of beauty and mess, going through countless of battles that left her pain and scars that were never healed. Celine...