Tulang Walang Tugma (Pahayaga...

Por miss_reminisce

919 178 207

"Mananatiling ikaw ang paksa ng aking tula kahit mahirap nang ipilit na maibalik ang dating tugma" Hindi lubo... Más

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Wakas
Pahayag ng May Akda

Kabanata 12

16 5 3
Por miss_reminisce

Kabanata 12

NANATILING akong tahimik ng ilang sandali. Tumila na ang putok ng baril ngunit nanatili pa rin akong nakaupo sa ilalim ng lamesa. Nagtungo sa isang silid ang binibining nilapitan kanina ni Lazaro habang siya'y nagtungo sa labas upang alamin kung ano ang nangyari.

Lumabas ako sa ilalim ng lamesa na tila ba ngayon lamang ako nakalabas sa aking lungga. May kirot man sa aking damdamin ngunit ano ang aking magagawa. Mas makabubuti na tanggapin ko na lamang sa aking sarili ang nangyaring iyon. Masakit man para sa akin ngunit patuloy akong mas masasaktan kung pilit ko itong dadamhin.

Pagkalabas ko sa aklatan ay nasilayan kong patungo sa akin si Mang Jose. "Senyorita, tayo na ho'y umalis na rito" nangangambang saad nito. "Saan ho ba nanggaling ang malakas na putok ng baril?" tanong ko.

"Ayon ho sa aking naulinigan ay galing ho iyon sa bayan sa plaza de mayor ho mismo" tugon nito. Sandaling nanlaki ang aking mata, duon nagtungo si Kuya David. "Ang Kuya David ho at si ama naroon sila!" Nangangamba kong sambit. Umiling lamang si Mang Jose. "Senyorita kailangan na ho natin umalis, hindi po natin alam baka may insidente po muling mangyari....batid ko hong mabuti lamang ang kalagayan ng iyong kapatid" wika nito.

Napahinga ako nang malalim at tumango sa kaniya. Kung narito man ngayon si Kuya David ay paniguradong pauuwiin na rin ako nito sa bahay. Pagkasakay ko sa kalesa ay agad na pinalakad ni Mang Jose ito. Napatikhim ako, "Mang Jose si G-ginoong L-Lazaro ho?" hindi ko mapigilang tanong.

"Nagtungo ho siya sa plaza de mayor Senyorita, siguro ho'y para alamin kung ano ho ang nangyari" tugon nito. Napatango ako at umupo sa kalesa. Isinandal ko ang aking likod sa sandalan, nasisilayan ko ang mga taong pumapasok na rin sa kani-kanilang tahanan.

Hinihiling ko na sana'y mabuti ang kalagayan nina Kuya David at ama. Hindi ko lubos maisip na may naglakas loob na magpaputok ng baril sa Plaza De Mayor. Napahinga ako nang malalim at pilit na pinapagaan ang aking sarili.

Ilang sandali pa'y nakarating na rin kami sa mansyon at agad na bumaba si Mang Jose upang ako'y kaniyang alalayan. Pagkababa ko'y agad kong nasilayan si ina na nasa asotea habang masayang nakangiti sa akin.

Patakbo akong nagtungo sa kaniya at agad itong binigyan ng isang mahigpit na yakap. "Mabuti at ayos lamang ang iyong kalagayan, narinig ko ang balitang naganap sa bayan. Lubusan akong nangangamba dahil sa ikaw ay naroon" nag-aalalang tinig ni ina.

Humiwalay ako ng yakap sa kaniya at ngumiti ng matamis. "Nasa aklatan ho ako ina nang maganap po ang insidente" tugon ko. Hinaplos ni ina ang aking pisngi at aking balikat. "Labis-labis ang aming pangamba ng iyong ama dahil ang batid namin ay ikaw lamang ay nasa iyong silid ngunit nabigla kami nang iulat ni Anna na wala ka roon" wika muli nito.

Sandali akong napatigil sa kaniyang sinambit. Narito si ama. "Narito ho si ama?" taka kong tanong. Napakunot ang noo ni ina. "Kanina pa siya narito, saglitan lamang kaming nagtungo sa bayan at daglian din kaming bumalik rito" tugon nito.

Nanlaki ang aking mga mata habang nakatingin kay ina, narito si ama kanina pa. Ngunit ayon kay Kuya David siya'y pinaunlakan ng imbitasyon ni ama. "Hindi po ba't pinaunlakan ni ama si kuya David na magtungo sa bayan?" Taka kong tanong kay ama.

Umiling si ina. "Ang iyong kuya David ay nasa kwartel hindi ba?" tugon nito. Napailing ako at napahinga nang malalim. Hindi si ama ang nagpaunlak kay kuya David, ngunit sino?

Agad akong naglakad patungo sa opisina ni ama. "Solana ikaw ay saan tutungo?" Naguguluhang tanong ni ina. Hindi ko ito tinugon at dali-daling nagtungo sa ikalawang palapag. Kumatok ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto, nagtatakang napatingin sa akin si ama at ibinaba nito ang kaniyang hithit na tabacco.

Dali-dali akong nagtungo sa kaniyang harapan. "Ama nais ko pong malaman kung pinaunlakan niyo po ba ng imbitasyon si Kuya David upang magtungo sa bayan?" Kalmado kong saad. Huminga nang malalim sa akin si ama habang walang bakas ng pagtataka sa kaniyang mukha.

"Huwag mo akong paandaran ngayon Solana marami akong ginagawa" napaawang ang aking labi dahil sa kaniyang sinambit. Huminga muli ako nang malalim. "Ama...oo o hindi lamang po ang nais kong marinig mula sa inyo...hindi ho ba kayo nangangamba kay Kuya David? Siya ho'y nasa bayan dahil may naglahad ho ng sulat galing sainyo na siya'y inyong pinapanhik sa bayan" nagsusumamo kong tinig.

Tumayo sa silya si ama at tumingin sa akin. "Hindi ko siya pinaunlakan ng imbitasyon na magtungo sa bayan....akala ko ba ay matalino ang tinuturing mong Kuya David ni bakit hindi nito kayang kilalanin ang aking sulat kamay?!" Tugon nito.

Nagtataka akong napatingin kay ama, ano ang ibig nitong ipahiwatig? May alitan ba sila ni Kuya David? Bakit tila ang nag-aalab ang dugo nito sa kaniyang sariling anak.

"Kung wala ka nang nais sabihin ay maaari ka nang umalis" kalmadong saad ni ama. Umupo ito sa kaniyang silya at muling hinithit ang kaniyang tabacco. Hindi ako makapaniwala sa kaniyang tinuturan, tila wala itong nararamdamang malasakit kay Kuya David. Ni hindi man lang ito nagpakita ng pangamba.

Ano ang nangyayari saiyo ama? Tila hindi na ikaw ang aming ama na dati naming nakilala.

"Hindi ko na kailangang mangamba sa iyong kapatid. Kaya niya na ang kaniyang sarili...palagi itong naghihimasok at humahadlang sa aking desisyon....kaya't nararapat lamang na danasin niya kung ano man ang kaniyang kinahaharap ngayon!" mariing saad nito.

Napailing ako ng paulit-ulit sa kaniya, hindi ko akalaing sa sarili naming ama mismo nangagaling ang katagang iyon.

"Ano ang iyong tinuturan ama?...siya'y inyong anak" matalim at naluluha kong sambit. Napatingin sa akin si ama at pinatay ang baga ng apoy sa kaniyang tabacco.

"Wala akong anak na marunong manghimasok at pilit humahadlang sa aking desisyon!" matalim na saad nito dahilan upang mapaatras ang aking paa. Nangingilid ang aking luha habang nakatingin kay ama.

Bakit ganiyan ka magsalita ama? Tila hindi na kita kilala, mas matimbang pa ba saiyo ang kapangyarihan at salapi kaysa sa aming iyong kadugo't laman. Hindi kita maintindihan, kapakanan mo lamang ang iniisip ni Kuya David ngunit pilit mong binabalewala iyon.

Napahinga ako nang malalim habang nakatingin kay ama. Sumandal ito sa kaniyang upuan at hinawakan ang kaniyang sentido. Dahan-dahan akong yumuko at naglakad patungo sa pinto. Binalingan ko ito ng tingin at seryosong nakatingin ito sa akin.

Bago ko isinara ang pinto ay tumingin ako sa mga mata ni ama. "Tila hindi na ho ikaw ang aming ama na dati naming nakilala"

Halos mabunutan ako ng tinik nang makalabas ako sa opisina ni ama. Tandang-tanda ko dati noong mga bata pa lamang kami na madalas kami nitong tinatanong kung ano ang hilig naming mga pagkain dahil ito'y kaniyang ibibili para samin. Malimit din kaming ipinapasyal ni ama tuwing sasapit ang pasko at aking kaarawan. Nang mga panahong ako'y unti-unting nang nagdadalaga ay naging doble ang pagprotekta nito sa akin. Palagi nitong inaalam kung ako ba'y may problema o wala. Ngunit ngayo'y unti-unti nang nagbago ang lahat.

Ito ang isa sa pinakamasakit para sakin ang magbago ang pakikitungo sa iyo ng mga taong higit na pinapahalagahan mo.

Agad akong nagtungo sa aking silid at kumuha ng pluma at tinta. Susulatan ko si Kuya Samuel, nais kong iulat sa kaniya ang mga naging kilos ni ama. Kung maaari lamang ay nais ko na itong umuwi upang makausap din nito si ama. Hindi ko nais na magkaroon muli ng sila ng alitan ni kuya David.

MINULAT ko ang aking mata nang marinig ko ang tilaok ng manok. Tumayo ako sa aking katre at sandaling nag-ayos ng aking sarili. Dahil sa pagod at pag-iisip ay madali kong naipahinga ang aking sarili. Ibig ko sanang hintayin ang pagbabalik ni Kuya David ngunit hindi ko na ito nahintay.

Lumabas ako sa aking silid at nagtungo sa silid ni Kuya David, kumatok ako ng dalawang beses habang hinihintay ang kaniyang pagtugon. Kumatok muli ako ngunit katulad kanina ay walang tumugon doon. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at ang katahimikan na silid ni Kuya David ang bumungad sa akin.

Hindi ba ito umuwi kagabi? Sandali kong nilibot ng tingin ang kaniyang silid, naalala ko dati na ayaw na ayaw ako nitong papasukin sa kaniyang silid dahil sa nagdadala ako roon ng mga kalat katulad na lamang ng tuyot na mirasol, damo at mga bato.

Dahan-dahan kong isinara ang pinto at nagtungo sa hapag-kainan, napabagsak ang aking balikat nang hindi ko madatnan sina ina at ama na nakaupo roon at hinihintay ako para sabay-sabay kaming kumain. Pakiramdam ko nagbago ang lahat.

"Magandang umaga Binibini, kayo po'y kumain na araw po ng linggo ngayon batid kong kayo'y tutungo sa kumbento" bati sa akin ni Anna, hinila nito ang isang silya upang ako'y umupo. Hinanda nito ang mga pagkain at nilagay sa aking harapan.

"Sina Ina?" tanong ko. "Nagmamadali ho silang nagtungo sa bayan kanina ng inyong ama" tugon nito, bigla kumabog ang aking dibdib dahil sa sinambit ni Anna. Nagmamadali? Ano ang kanilang dahilan?

"Si Kuya David nakauwi ba siya kagabi?" Tanong kong muli habang nakatingin sa kawalan. "Ayon ho kay Manang Loring hindi ho siya umuwi kagabi" napatingin ako kay Anna. Nang marinig iyon, siya'y hindi nakauwi ngunit saan ito nagtungo?

"Sa aking palagay ho nanatili sa kwartel si Ginoong David, siguro ho'y naging abala sila sa pagninilay patungkol sa naganap na kaguluhan kahapon" wika muli nito. Napatango-tango ako, maaaring iyon ang dahilan ni Kuya David kung bakit ito hindi nakauwi kagabi.

Ngunit hindi ko pa rin maiwasang hindi mangamba sa kaniya dahil sa may namumuong alitan sa pagitan nila ni ama. Maaaring nabuo ang alitang mayroon sa kanila ay dahil sa hindi ko pagsang-ayon na ipagkasundo ako kay Jacinto. Pilit na nanghihimasok si Kuya David sa mga desisyon ni ama dahil sa may hindi kanais-nais itong nakikita. Kaya't sanay maging mulat si ama pagdating ng araw.

HALOS katatapos lamang ng misa ngunit nanatili pa rin ako sa loob ng kumbento upang mag-alay muli ng dasal para sa ikabubuti at ikaaayos ng aming pamilya. Hinihiling ko sa Maykapal na hanggat maaari'y basbasan niya ang aking ama upang maging mulat ito sa katotohanan at hindi puro kapangyarihan at salapi ang kaniyang iniisip.

Tahimik akong lumabas sa kumbento, dala-dala ko rin ngayon ang liham na ipapabot ko kay Kuya Samuel. Palabas na ako nang kumbento nang maaninag ko ang isang pamilyar na binibini suot ang ternong puting saya at ang may kakintanban nitong buhok.

Agad akong lumapit sa kaniya at hinawakan ito sa kaniyang balikat, gulat itong napalingon ngunit nang makita ako nito'y lumuwa ang malaki nitong ngiti. "Binibining Solana, ikaw ay ikinagagalak na muli kong makita!" saad nito habang nakasilay ang ngiti sanhi upang sumingkit ng kaunti ang mapupungay nitong mga mata.

Yumakap ako sa kaniya ng mahigpit at humiwalay ako sa kaniya. "Masaya rin ako na ikaw ay aking muling makita Binibining Eliana" wika ko, napangiti ito at humawak sa aking kamay.

Si Eliana ay ang aking naging matalik na kaibigan, nabuo ang aming pagkakaibigan dahil sa palaging nagtatagpo ang aming landas sa kumbento, akin itong nakasama noon sa padasal at hindi naman sinasadya non na matabig ang mga kandilang nakahilera dahilan upang mawala sa hanay ang ilan at nawalan ng apoy.

"Kumusta Binibini?" Tanong nito. Napangiti ako "Ako'y ayos lamang binibini, inaamin kong mayroong mang suliranin na sumisibol sa amin ngayon ngunit hindi iyon hadlang upang hindi maging masaya" saad ko, napatango-tango ito at tumingin sa akin ng seryoso.

Isa sa kapansin-pansin sa kaniyang mukha ay ang ang kagandahan ng kaniyang mga mata at ang bahagyang kapulaan ng kaniyang labi.
Ang akala ko dati'y kapatid ito ni Lazaro at ni Miranda ngunit halos manlaki ang aking mata nang sabihin nitong isa siyang personal na soltera ni Miranda.

Ngumiti ito sa akin. "Kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon naniniwala ako na malalampasan mo iyan Binibining Solana" wika nito at tinapik tapik ang aking balikat. Ngumiti ako sa kaniya pabalik. "Maraming Salamat Binibining Eliana, batid ko naman na nariyan ka sa aking tabi sa tuwing ako'y masasaktan" saad ko.

Ngumiti ito. "Bakit naman ikaw ay aking tatalikuran? Wala iyon sa aking bokabularyo" wika nito at marahang tumawa. "Ikaw ay masyadong nang mabait sa'kin kailangan na kitang handugan ng gantimpala....hayaan mo sa oras na dumating ang aking Kuya----" napatigil ako sa aking pagsasalita at napaiwas ng tingin sa kaniya, naalala kong hindi angkop na banggitin ko 'yon sa kaniya.

"K-kalimutan mo na iyon, Binibini," wika ko at umiwas ng tingin. Napangiti siya nang tipid at napatango bago umiwas ng tingin.

"W-wala iyon batin naman nating
may mas nararapat na Binibini sa iyong Kuya," wika nito. Ngumiti lamang ako sa kaniya at kumawit sa kaniyang braso upang mawala ang ilangan namin.

Kahit nais ko pa rin silang magkatuluyan ay wala naman ako sa posisyon para pangunahan sila sa kanilang nararamdaman.

Akmang magsasalita si Eliana nang biglang may magsalita sa aming likuran. "Binibining Solana" kapwa kami napatingin sa mala-anghel na tinig na iyon. Halos mapangiwi ako nang makita kong muli si Leonora, tipid itong nakangiti sa akin.

"Mabuti at nagtapo muli ang ating landas dito sa kumbento Binibining Solana" wika nito. Napatingin sa kaniya si Eliana at tipid na ngumiti ito kay Leonora. Batid kong halos matulala rin sa kaniya si Eliana dahil sa mala-diwata nitong ganda.

Ganiyan din ang una kong pagkakakilanlan sa kaniya ngunit hindi ko gusto ang tabas ng dila niya.

Naramdaman kong bumulong sa akin si Eliana. "Ako'y mauuna na tiyak na mayroon kayong mahalagang pag-uusapan" wika nito. Kahit na hindi ko ito nais umalis sa aking tabi ay napatango na lang ako dahil sa baka may gagawin pa ito sa pamilya Villaflores.

Napatango ako at yumukod ito kay Leonora ngumiti pabalik sa kaniya si Leonora. Napaharap ako kay Leonora at blangkong ekspresiyon lamang ang iginawad ko rito.

"Ano ang iyong nais iulat Binibining Leonora?" mahina kong saad. Ngumiti ito, "Batid kong nakausap kana muli ng aking kapatid, at nagpapasalamat ako saiyo dahil nagawa mo siyang kausapin kahit panandalian lamang" wika nito.

Tumango-tango ako, "Walang problema Binibini, sa totoo lang madali lamang makipanayam sa'kin basta't iginagalang din ang ang aking mga desisyon" saad ko. Ngumiti ito ng matamis. "Iyan ang aking hinahanap sa isang Binibini, umaasa ako na sa mga susunod na araw ay iyo nang muling mapagbibigyan ang pag-ibig na nais ng aking kapatid....dahil sa totoo lamang...ako'y may kakilalang Binibini, at nais muli nitong ungkatin ang kanilang nakalipas at buo na ang kaniyang desisyon na muling buksan ang puso nito sa kaniya" wika nito.

Mahinahon at kalmado ang pagkakasambit nito sa akin ngunit hindi ko maiwasang mabigyang kahulugang sarkastiko ito. Hindi ko rin maiwasang kutuban sa kaniyang mga sinasabi.

"Sumama ka sa akin at ikaw ay aking ipakikilala sa kaniya" wika nito at bahagyang hinila ang aking braso. Walang salita akong sumama sa kaniya kahit ang totoo'y nayayamot ako sa kaniya.

Napatigil kami sa isang malaking puno at luminga-linga sa paligid si Leonora. "Señiorita Susmitha!" Biglaang sigaw nito . Napatingin ako sa kaniya, hindi ko batid kung bakit biglang kumabog ang aking dibdib.

Susmitha? Iyon ang pangalang aking nabasa sa aklat kahapon.

Napalingon ako sa direksiyon ng mga mata ni Leonora, bahagyang nanlaki ang aking mata dahil hindi ako makapaniwalang ang Susmitha'ng kaniyang tinutukoy ay ang Binibining nakatagpo namin kahapon sa aklatan.

Ang Binibining dahilan ng aking paninibugho.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya habang naglalakad ito palapit sa amin. Bahagyang hinahangin ang kaniyang kulay tsokolateng buhok at ang aliwalas ng kaniyang mukha na tila ba kahit hindi na ito gumamit ng kolorete ay lalabas pa rin ang kaniyang kagandahan.

Tila kahit binibini ay mapapaibig ito dahil sa nakahahalina nitong atensiyon. Akin nang nauunawaan kung bakit tila nahulog sa kaniya nang ganon kabilis si Kuya David.

"Buenos dias Señiorita (Good morning Senyorita)" Mahinhing bati nito. Halos mawindang ako sa ganda ng kaniyang tinig. "Buenos dias" tugon ni Leonora.

"Kailan kapa nakabalik? Mabuti at nakapaglaan ka ng oras kahit na abala ka sa iyong trabaho bilang isang boluntaryo sa pagamutan" wika ni Leonora, hindi ko mapigilang hindi humanga sa kaniya, siya ay isang doktor! At bihira lamang akong makatagpo ng ganito.

"Aking pinagplanuhan ang pagdalaw rito sa San Ignacio at pinaunlakan naman nila ang aking nais" tugon nito at mahinhin itong ngumiti. Napabaling ang tingin sa akin ni Susmitha

"Tila ikaw ay akin nang nakita" wika nito sa akin. Napangiti ako ng matamis at tumango sa kaniya. "Marahil ay tayo'y nagkita na sa aklatan Binibini" saad ko. Hindi ko mapigilang hindi kabahan sa kaniya habang ito'y kaniyang kinakausap.

"Binibining Susmitha, ang ngalan ng marilag na binibini na nasa aking tabi ay Solana......ang mapapangasawa ng aking kapatid na si Jacinto" napatingin ako kay Leonora nang sambitin nito ang tungkol doon.

Ngunit unti-unti kong nauunawan iyon, hindi pa man ako pumapayag sa pagkakasundo sa amin ni Jacinto ngunit balak pa rin iyong ituloy ni ama.

Naramdaman kong may dalawang pares ng mata ang nakatingin sa akin. Napangiti ako nang makita kong nakatingin sa akin si Susmitha, ngumiti ito pabalik sa akin. "Marahil ay hindi na ako magtataka kung bakit ka naibigan nito" wika nito sa akin at purong ngumiti.

"Ano ang iyong dala?" Napalingon si Susmitha kay Leonora dahil sa tanong nito. Itinaas nito ang isang may kalakihang takuyan. "Ako'y may dalang kakanin, ginawa ko ito kani-kanina lamang" malumanay na wika nito at muling ngumiti.

"Para kanino iyan Binibini? para ba iyan saiyong unang pag-ibig?" tanong muli ni Leonora, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba sa bawat salitang kanilang binibitawan. Tila ba bawat letra ay mahalaga sapagkat madadala ako nito sa kasagutan.

Mahinhing tumawa si Susmitha, kitang-kita ang pagningkit ng mga mata nito. "Tama ka, para nga ito sa aking unang pag-ibig ngunit sa tingin ko'y may nararapat na tao ang balang araw magbibigay sa kaniya ng mga bagay, katulad nito" wika nito at muling tumingin sa akin at ngumiti.

Ngumiti ako pabalik sa kaniya, kahit hirap na akong unawain ang lahat ay pilit ko na lamang itong ipinapasok sa aking isipan.

Tumawa nang marahan si Leonora. "Aking hinala na ang tuloy mo ay sa kwartel sapagkat naroon lamang ang iyong unang pag-ibig hindi ba?" saad muli ni Leonora habang nakangiti ito.

Tila nawawala ako sa bulwagan ng kanilang usapan dahil hindi ko lubos maunawaan ang kanilang sinasambit. Habang mas tumatagal ay may namumuo nang konklusyon sa aking isipan.

Dahan-dahang napatango si Susmitha at marahan na ngumiti. "Aking hinala na muli nitong maiibigan ang aking dalang kakanin para sa kaniya" wika nito.

"Ikaw Binibini saan ang iyong tungo mamaya?" napalingon ako sa kaniya ng tanungin ako nito. Ngumiti ako. "Ako'y magpaabot ng telegrama para sa aking nakatatandang kapatid, Binibing S-Susmitha" saad ko at muli akong ngumiti.

Tumango ito sa akin. "Napakaganda ng iyong ngiti, tiyak na iyan ang naging dahilan kung bakit siya nahulog saiyo" wika muli nito, kahit hindi ko man batid kung sino ang kaniyang tinutukoy, pinilit ko na lamang ngumiti sa kaniya.

"Tama ka Binibini ang kaniyang matatamis na ngiti ang dahilan kung bakit napatibok nito ang puso ng aking kapatid" singit ni Leonora. Hindi ko ito binalingan ng tingin dahil sa tuwing naririnig ko ang tinig nito'y hindi ko maiwasang makaramdam ng yamot.

"Ikaw ay humayo na Binibini, ating napasarap ang ating kwentuhan tiyak na hinihintay na ni Heneral ang iyong handog na kakanin" wika ni Leonora. Napangiti sa kaniya si Susmitha.

Sandali akong napatulala, Heneral? Si Kuya David at Lazaro lamang tumatayong Heneral dito sa San Ignacio, malabong magpadala ito ng kakanin sa mga katabing baryo dahil sa batid kong may mga katipan na ang mga ito.

Isa lamang ang tumatakbo sa aking isipan, si Lazaro, aking maalala nang mga panahong kami'y nasa aklatan ay halos hindi matinag ang tingin nila sa isa't isa. Tila ba sila'y matagal nang magkakilala, at nababatid din ni Susmitha ang pangalan ni Lazaro.

At kung hindi ako nagkakamali ay si Susmitha ang babaeng tinutukoy sa pamagat ng isang tula. Hindi ito nais na ipabasa sa akin ni Lazaro dahil ayon sa kaniya 'hindi ako nito nais masaktan'

Napalunok ako ng dalawang beses tila hindi ko na naririnig ang kanilang pinag-uusapan dahil tumatatak sa aking isipan na maaarinng si Lazaro ang unang pag-ibig na binabanggit ni Leonora.

Si Lazaro ang unang pag-ibig ni Susmitha, siya ang babaeng nakalathala sa pamagat ng isang tula. Ang babaeng nagpapasaya kay Lazaro.

Seguir leyendo

También te gustarán

3.2M 167K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...
4.5M 123K 62
(#2) Highest Rank #2 ♥ & Wattys 2017 WINNER ♥ - Meet Hezekiah Avery Muñoz, a martyr girl. Kahit sinasaktan na siya ng taong mahal niya minamahal niy...
32M 817K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...