Tulang Walang Tugma (Pahayaga...

By miss_reminisce

919 178 207

"Mananatiling ikaw ang paksa ng aking tula kahit mahirap nang ipilit na maibalik ang dating tugma" Hindi lubo... More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Wakas
Pahayag ng May Akda

Kabanata 11

22 5 16
By miss_reminisce

Kabanata 11


SERYOSONG mga tingin ang kanilang ginagawad sa isa't isa, tila ba wala sa kanilang dalawa ang gustong pumutol ng mga koneksiyong iyon. Napatingin ako sa kamay ni Lazaro na mahigpit na nakakapit sa aking palapulsuhan. Binalingan ko ito ng tingin, ngunit hindi ito matinag dahil sa nakapako lamang ang tingin nito kay Jacinto.

Tumikhim ako, kapwa silang napatingin sa akin, lakas loob kong kinakalas ang kanilang kamay mula sa pagkakahawak sa akin. Kusang pinakawalan ni Jacinto ang aking kamay at nagsusumamong napatingin sa akin.

Nagitla ako nang bigla akong hilahin ni Lazaro patungo sa kaniyang likuran habang patuloy pa ring hawak ang aking palapulsuhan. "P-paumanhin kung ako'y padalos-dalos sa aking mga ginawa....Binibining Solana, ikinalulugod kung ikaw ay aking masilayang muli.." nangungusap na saad nito habang nakatingin sa akin.

Ngumiti ako ng tipid at tumango upang matapos na ang tensyong namamagitan dito sa labas ng resto. Mistulang isa kaming mga sikat na artista na gumagawa ng serye. Tumingin si Jacinto kay Lazaro at bahagya itong yumuko.

"Paumanhin sa aking nagawang kapangahasan" saad nito kay Lazaro. Tumango nang marahan si Lazaro, iyon na rin ang naging hudyat nito upang umalis, ngunit bago ito umalis ay binalingan muli ito ako ng tingin.

Nang makaalis ito'y binalingan ako ng tingin ni Lazaro, ang kaninang seryoso nitong tingin ay napalitan ng kalmado. "Ginoong Lazaro ang akala ho ba'y kapangahasan ang humawak sa kamay ng isang binibini, ngunit bakit hanggang ngayon ay iyo pa ring haw-"

Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang bigla nitong bitawan ang pagkakahawak ng kaniyang kamay sa aking palapulsuhan. Napangiti ako ng palihim, tumikhim ito at umiwas ng tingin.

Ibig sabihin ba non ay kung aking hindi pa sasabihin sa kaniya na hawak nito ang aking kamay ay wala itong balak kumalas?

"Ano ang iyong ginagawa rito?" napalingon ako sa kaniya nang magtanong ito, "Kakain sana kami rito ni Kuya David ngunit pinaunlakan siya ng imbitasyon ni ama sa bayan" tugon ko. Tumango-tango ito "K-kumusta ang iyong kalagayan?" napataas ang aking dalawang kilay dahil sa tanong nito. Hindi ako makapaniwala na kinakumusta na rin nito ang aking kalagayan.

Napangiti ako. "Mabuti na ang aking kalagayan Ginoong Lazaro, salamat sa iyong mga hinandog na prutas at r-rosas" saad ko at ngumiti ng matamis. Umiwas ito ng tingin sa akin at ibinaling ang kaniyang mga mata sa kaliwang dereksiyon. Dahil sa kaniyang ginawa ay malaking porsyentong totoo nga ang sinabi ni Kuya David na siya ang naghandog ng mga prutas na iyon.

"Ang saad ng iyong Kuya David ay masama ang iyong pakiramdam....kaya't nagtanong ako kay Eliana kung anong magandang....ihandog sa taong may sakit" wika nito habang hindi nakatingin sa akin. Napasilay muli ako ng aking ngiti hindi ko akalain na magagawa pa nitong magtanong upang mahandugan lamang ako.

Bahagya akong sumilip sa kaniyang mukha, napabagsak ang aking balikat nang makitang wala itong kahit anong reaksiyon. Aking hinala pa naman na mukha itong mahihiya sa akin, ngunit malabo itong mangyari.

"Bumuti ang aking kalagayan dahil sa iyong mga handog, Ginoong Lazaro" wika ko. Tumingin ito sa akin, ngunit nayamot ako ng bahagya dahil wala itong reaksiyon. "Mas makabubuti pa rin kung ikaw ay uminom ng gamot" wika nito. Ngumiti ako sa kaniya at iniwas ang aking tingin. Ano pang halaga ng gamot kung masilayan ka lamang ay bigla nang nagiging maayos ang aking kalagayan.

"Hindi ko na kailangan ng gamot Ginoong Lazaro dahil......masilayan lamang kita'y humihilom na ang sakit na aking nararamdaman" wika ko at sumilay ng ngiti sa kaniya. Mas lalo akong napangiti nang malapad nang wala itong reaksiyong nakatingin sa akin, hindi ko tuloy mabatid kung naibigan ba nito o hindi ang aking banat para sa kaniya.

"Ginoong Lazaro, bihira ka lamang kung ngumiti, kung ngumingiti ka man ay tipid lamang?" walang wisyo kong tanong. Humarap ako sa kaniya at ngumiti ng matamis. "Ginoong Lazaro, nararapat lamang na ikaw ay ngumiti nang malapad dahil baka ikaw ay mahirapan na masumpungan ang iyong mapapangasawa kung tipid ka lamang kung ngumiti" wika ko. Napakunot ito ng kaniyang noo habang nakatingin sa akin.

Sandali akong natigilan at napangiwi nang aking mapagtanto na tila ba nirereto ko ang aking ginoong napupusuan sa iba. Hindi dapat ganoon ang aking tinuran.

"Ah. Kaligtaan mo na ang aking sinabi Ginoong Lazaro" saad ko at umiwas ng tingin. Humarap ito at pinamulsa ang kaniyang dalawang kamay sa itim nitong pang-ibaba. Sandali kaming natahimik at pinagmasdan ang pangilan-ngilang kalesang dumaraan.

Ilang sandali pa'y napatikhim ito. "Paano kung nasa tabi-tabi lamang ang aking nais mapangasawa?" napalingon ako sa kaniya. Ibig sabihin ba non ay mayroon na siyang napupusuang Binibini? Iyon ba ay si Paulita? kaya ba nito hinahayaan na magtungo si Paulita sa kaniyang opisina ay dahil sa may pagtingin siya rito.

Humarap ito ng tingin sa akin. "Paano Binibining Solana kung nasumpungan ko na ang Binibining nais kong mapangasawa. Ibig sabihin ba non ay kailangan ko nang ilapad ang aking mga ngiti upang maramdaman nito na ako'y maligaya sa tuwing siya'y aking kasama?" wika nito. Napaiwas ako ng tingin.

Ang hirap isipin na sakaling may napupusuan na si Lazaro habang ako'y patuloy siyang hinahangad. Napahinga ako nang malalim. "Kung sa tingin mo'y ikasasaya ito ng kaniyang puso Ginoong Lazaro, gawin mo ang lahat ng iyong makakaya upang ipasilay ang nais mong ipasilay" wika ko at tipid na ngumiti.

Nakatingin lamang ito sa akin at hindi ko mabasa kung ano ang kaniyang nais ipahiwatig. Napaiwas ako ng tingin. "Ahh. Ginoong Lazaro ako'y mauuna na. Maraming salamat" saad ko at tipid na ngumiti.

Sa mundo na kung saan nakikipagsapalaran kang umibig kailangan tanggapin mo rin ang iyong pagkatalo. Inaamin ko sa aking puso na mahirap lumikha ng mga tula na may wastong mga tugma. Sa nararamdaman ko ngayon hindi ko pa man din natatapos ang nililikha kong tula tila ba nagpaparamdam na naman ang liko-likong mga tugma.

Ngumiti ako at yumuko sa kaniya. Dahan-dahan akong tumalikod at naglakad papaalis. Subalit hindi pa man ako nakakalayo nang marinig ko ang tinig nito. "Binibining Solana, n-nais mo bang sumama sa akin?" dahan-dahan akong napalingon sa kaniya at kinunutan ito ng noo.

Naglakad ito patungo sa sa akin. "May mga bagay lang akong nais tanungin saiyo...lalo na ang patungkol sa mga tulang walang tugma" wika nito. Habang nakatingin sa akin. Ano ang ibig mong sabihin Lazaro? Kung sakaling bubuuin ko ba ang mga tulang nawala sa tugma ay maaaring magkaroon ng walang hanggang pag-iibigan?

Napatikhim ako at napaningkit ng aking mga mata. Bakit ko nanaising bumuo ng tula kasama siya kung iba naman ang hinahanap niya. "Sa tingin ko Ginoong Lazaro, hindi ako ang tamang tao para iyong maging kasama sa pagbuo ng iyong tula dahil hindi naman ako si.....Paulita" wika ko.

Napakunot ito ng kaniyang noo habang nakatingin sa akin. Nagtataka akong napatingin sa kaniya iniisip ba nito na hindi kapani-paniwala ang aking sinasabi? "Ang iyong sinambit kanina ay iyo nang natagpuan ang nais mong mapangasawa sa tabi-tabi at sa tingin ko'y si Paulita na iyon dahil sa madalas siyang nasa iyong opisina" saad kong muli.

Napabaling ito ng ibang direksiyon at binasa ng kaniyang dila ang kaniyang ibabang labi. Ngayon ko lamang nasaksihan ang bagay na iyon sa kaniya bakit tila mas dumagdag iyon upang siya'y maging mas nakahahalina.

Ilang sandali pa'y napakunot ako ng aking noo nang marinig ko ang marahan nitong pagtawa. Tinitigan ko ito sa kaniyang mukha at halos kumabog ang aking dibdib dahil sa ngayon ko lamang ito makitang ngumiting abot hanggang kaniyang tainga.

Tumingin ito sa akin habang nakasilay pa rin ang kaniyang ngiti. "Bakit napasok sa ating usapan si Binibining Paulita?" Tanong nito. Napahinga ako nang malalim at tumingin sa kaniya. "Dahil noong mga panahong nagtungo kami sa inyong opisina ay naroon siya....siya ba'y inyong sekretarya?" wika ko.

Huminga nang malalim si Lazaro at nawala na ang kaniyang masayang ngiti. Naghihinayang ako dahil tila may bayad ang kaniyang pagngiti, kung may pagkakataon lamang ay huhulugan ko ito ng napakaraming salapi upang tumagal lamang ang kaniyang ngiti.

"Siya'y hindi namin sekretarya" Tugon nito. Napaningkit muli ako ng aking mga mata, napahinga ako nang malalim ang totoo'y hindi ko na nais ungkatin ang nakaraan ngunit sabik ako na malaman sa kaniya ang kasagutan. Hindi ko maiwasang makaramdam ng yamot sa tuwing aking nakikita si Paulita tila kase isa itong maybahay ni Lazaro kung umasta.

"Bakit....bakit iyo lamang itong hinahayaan na magtungo sa opisina niyo ni Kuya David at.." napaiwas ako ng tingin sa kaniya. "H-hinahayaan mo na handugan ka nito ng iyong damit sa p-pali-, kaligtaan na lang natin iyon Ginoong Lazaro" nayayamot kong sambit.

Napatingin ako sa kaniya at nakatingin lang ito sa akin. Napahinga ako nang malalim, "Nasaan ang inyong kalesa?" tanong nito. Inirapan ko ito at tinuro sa kaniya ang kalesang nasa kabilang kalye. Napatikhim ito at humarap sa akin.

Nagitla ako nang hawakan nito ang aking palapulsuhan at tumakbo ito nang mabilis. Hindi ako makapaniwala sa kaniyang ginawa, halos mapakurap ako habang kami'y tumatakbo. Ako'y may nararamdaman na poot sa kaniya kanina ngunit narito ako ngayon nagpapatianod sa kaniya. Ang hirap magtanim ng galit sa isang nakahahalinang Ginoo.

Halos mapatingin pa sa amin ang mga paisa-isang taong nang makarating kami sa kalye. Nanlaki rin ang mata ni Mang Jose nang makita niya kami ni Lazaro sumaludo pa ito kay Lazaro. Binitawan na ni Lazaro ang pagkakahawak nito sa aking palapusluhan. At nagtungo kay Mang Jose nakita kong tinapik nito ang balikat ni Mang Jose at may binulong dito.

Maya-maya pa'y sumakay si Mang Jose sa kalesa. Napaharap sa akin si Lazaro at inilahad nito ang kaniyang palad sa akin. Napakunot ang aking noo, ang inaakala ba nito ay ako'y magpapatulong sa kaniya na sumampa sa kalesa? halos sanay na akong sumampa sa kalesa at walang mga mintis ang aking pagsakay roon. Ako'y may nararamdamang poot, hindi ko batid kung bakit ako nagtatanim ng poot sa kaniya pakiramdam ko ang babaw-babaw ko ng tao.

Inilapat ko ang aking kamay sa kaniyang palad upang makasampa ako sa kalesa. Akin nang binabawi ang aking sinasabi sa aking isipan may kataasan ang aming kalesa hindi ko kayang umakyat ng mag-isa roon.

Pagkaupo nito sa kalesa ay agad itong pinalakad ni Mang Jose. Halos hindi ako makahinga dahil sa halos tatlong pulgada lamang ang espasyo namin sa isa't isa. "Tayo'y magtutungo sa aklatan" panimula nito. Napatingin ako sa kaniya at tumango, pagkatapos ay ibinalik ko muli ang tingin ko sa harapan.

Narinig ko ang kaniyang pagtikhim. "Ikaw ba'y may nais na aklat roon?" Tanong muli nito. Napailing ako, maalala ko na wala na roon ang aklat na aking ibig dahil may nakabili na roon. Nanlaki ang aking mga mata, tutungo kami sa aklatan, sana'y huwag muling magtagpo ang aming landas ni Leonora.

"Ano ang nangyayari saiyo?" Napatingin ako kay Lazaro at nginitian lamang ito. "Wala, aking iniisip lamang kung ano ang aking magiging buhay kung sakaling aking mapapangasawa si Jacinto" saad ko, napakunot ang noo nito at naging seryoso ang tingin nito sa'kin.

"Akala ko ba'y iyong hindi ibig ang kasal tinuran ito sa akin ni David" wika nito. Napatingin ako sa kaniya at tinugon ko lamang ito ng kibit balikat. Tumingin na muli ako sa harapan ng kalesa at sumandal sa sandalan.

Ilang sandali kaming natahimik. Hindi ko batid kung bakit ibig ko itong biruin ngayong araw. Kanina'y napupuot ako sa kaniya ngunit nang hinawakan lamang nito ang aking kamay ay bigla iyong nagbago. Ngayon ay wala na akong nararamdamang poot sa kaniya nais ko lamang itong biruin upang sumilay muli ang kakaiba nitong ngiti.

Siya pa rin ang tinitibok ng puso ko kahit na mawalan man ng tugma ang ating tulang liriko.

Narinig ko ang kaniyang pagtikhim. "Ikaw ba'y....may yamot sa akin?" Hinarang ko ang aking abaniko sa kalahati ng aking mukha at palihim na ngumiti. Nawala ang ngiti ko nang lumingon ito sa akin, tinugon ko iyon ng kibit balikat.

Binalik nito ang tingin sa harapan. "Ako'y walang pagtingin kay Paulita...siya'y unica hija ng tagahukom kaya't ayos lamang sa amin kung ito'y pumapasok sa opisina dahil may pinapaulat ang kaniyang ama" paliwanag nito.

Napakagat ko ang aking labi upang mapigilan ang aking ngiti. Nagpapaliwanag sa akin si Lazaro! Hindi ko lubos akalain na magpapaliwanag ito. Pakiramdam ko tulo'y kami'y magkasintahan na nagkaalitan kaya't sinusuyo at pilit na nagpapaliwanag ito.

"At ang iyong binabanggit patungkol sa palikuran ay....hindi ko batid na dumating siya sa mga panahong iyon. Nagtaka na lamang ako dahil nilagay nito ang aking damit malapit sa palikuran....pagkalabas ko'y sinambit nito sa akin na ikaw ay naghihintay, ngunit noong kakausapin na kita ay wala ka na roon." Mababang tinig na paliwanag nito.

Unti-unti kong ibinaba ang aking abanikong nakatakip sa aking mukha. Huwag ka nang magpaliwanag aking sinta dahil ikaw ay aking pinapatawad na...

Nagulat ako nang lumingon ito sa akin. At agad na nagtama ang aming mga mata, sandaling nakapako ang aming mga mata sa isa't isa tila ba may lubid na humihila sa mga iyon. Ganito pala ang pakiramdam na pakipagtitigan sa isang Heneral Lazaro Villaflores, tila dinadala ka nito sa mga alapaap.

Ganitong klaseng pakiramdam ang aking hinahanap kay Jacinto ngunit bigo ako na mahanap iyon.

Napaiwas kami ng tingin sa isa't isa nang magsalita si Mang Jose. "Narito na ho tayo" saad nito. Napaiwas ako ng tingin at tumikhim si Lazaro nauna itong bumaba at tulad ng aking inaasahan ay nilahad nga nito ang kaniyang kamay sa akin.

Kapag kami'y magkasama ni Lazaro wala sa bokabularyo namin ang 'kapangahasan'

Pumasok kami sa aklatan at halos kaming dalawa lamang ni Lazaro ang naroon. Nagpunta kami sa likurang bahagi ng aklatan, nakasunod lamang ako sa kaniya habang ito'y tumitingin ng mga libro.

Babasahan ba ako ni Lazaro ng maikling kwento? O gagawan ako nito ng isang tula? Sinenyas niya na maupo ako sa may tatlong silya habang nasa gitna ang isang lamesa at may nakapatong na lampara at isang tinta. Magalang akong sumunod sa kaniya at piniling maupo sa silya.

Nanatiling tumitingin ito sa libro. Palagian talaga sa kaniya ang pagkunot ng kaniyang noo habang sinusuri nito ang bawat aklat. Napapansin ko rin ang pagtaas baba ng kaniyang tatagukan, tila isa siyang tanawin na hindi nakasasawang tignan.

Umiwas ako ng tingin nang lumingon ito sa akin, pekeng tumikhim ako. "Maaari ka ring maghanap ng libro kung iyong nanaisin" wika nito. Tumingin ako sa kaniya at umiling, wala ako sa wisyo para magbasa ngayon, pagmasdan na lamang kita buong maghapon ay ayos na.

Ilang sandali pa'y may dala na itong apat na libro at isang pluma. Napakunot ang aking noo, siya ba'y mag-aaral? Dito ba niya pagninilayan ang kasong kanilang iniimbestigahan? Umupo ito sa katapat kong upuan at ibinababa ang apat na libro napatingin ako roon at napatango-tango, dahil hindi iyon patungkol sa kaso.

"Inyo nang natapos ang pagninilayan niyong kaso ni Kuya David?" tanong ko habang nakatingin sa libro, napatingin ako sa kaniya at nakakunot ang noo nito. Napahawak ako sa aking bibig, aking maalala na hindi ko nabanggit sa kaniya na narinig ko ang usapan nila ni Kuya David noon.

Ngumiti ako sa kaniya. "Paumanhin, Ginoong Lazaro hindi ko sinasadyang mapakinggan ang inyong pinag-uusapan" wika ko. Tumango ito at binuklat ang isang aklat. "Hanggang ngayon ay pinagninilayan pa lamang namin iyon ng iyong Kuya, ngunit may namumuo nang konklusiyon sa amin" wika nito.

Ibinababa nito ang tinta sa lamesa at tumitig ito sa aking mga mata. "Kaya't hanggang maaari ay huwag kang basta-basta sumama kay Jacinto dahil sa hindi natin batid na baka ikaw ang kanilang maging pain" seryosong saad nito at ibinalik muli ang tingin sa libro.

Hindi ko batid kung may tunog paninibugho ang kaniyang tinig ngunit mas nangingibabaw sa kaniya ang pag-aalala.

Napangiti ako, "Ako'y nangangako na ako'y hindi sasama sa kaniya....saiyo lamang ako sasama" wika ko. Tumingin ito panandalian sa akin at kinuha ang isang pluma, wala itong reaksiyon sa aking sinambit at piniling magsulat sa isang pluma. Napangiti ako sa kawalan habang nakatingin sa kaniya.

Sumandal ako sa sandalan ng silya habang binuklat din ang isang libro. Siguro'y nahihiya lamang ito sa akin kaya't hindi ito tumugon sa akin sinambit.

Binuklat ko ang libro at puro tulang patungkol sa pag-ibig at kasawian ito, napakunot ang aking noo bakit noong ako'y naghahanap ng ganitong tema ng libro ay wala akong makita ngunit nang siya ang naghanap ay mayroon na muli ito.

Binuklat ko muli ang gitnang pahina ng libro at binasa ko ang pamagat nito. 'My Felicidad, Susmitha' ( My happiness, Susmitha) nakasulat kastila ito, hindi ko mapigilang maantig dahil sa makapukaw damdamin nitong pamagat.

Akmang babasahin ko na ang unang talata ng tula nang bigla itong kinuha ni Lazaro. Napakunot ang aking noo. "Huwag na lamang ito ang iyong basahin" maotoridad na saad nito. Napataas ako ng kilay, "Iyan ang nais kong mabasa Ginoong Lazaro" wika ko. Umiling ito at binigay sa akin ang ibang libro. "Ito na lamang ang iyong basahin" suhestiyon niya.

Napailing muli ako, "Hindi ko ibig ang nobela Ginoong Lazaro mas hilig ko ang mga tula" nayayamot na tugon ko. Huminga ito nang malalim. "Maraming mga tula riyan" wika muli nito. At tumayo upang ibalik ang libro ngunit tumayo rin ako at hinarangan ito.

"Aking naibigan ang aklat na iyan Ginoong Lazaro" pakikiusap ko at pumikit ng dalawang beses, gawain na palagi kong ginagawa kina ama't ina at kuya David at Samuel sa tuwing ako'y may nais.

Napailing ito, "Mas makabubuti kung ibang libro na lamang ang iyong basahin" saad muli nito. Umiling ako at pilit na kinuha sa kaniya ang libro, dahil mas matangkad ito sa akin ay agad nitong nalilihis ang libro sa akin.

"Bakit iyong hindi nais na ipabasa sa akin iyan?" Nayayamot kong tanong habang pilit na kinukuha sa kaniya ang libro. Ibinababa niya ang libro at nilagay sa kaniyang likuran lumapit ako sa kaniya at nilagay sa magkabilaang gilid ang aking kamay upang kunin ito sa likod.

"Dahil hindi ko ibig na ikaw ay masaktan" mahinang wika nito, napatingala ako sa kaniya at agarang nagtama ang aming mga mata. Nakatingala ako sa kaniya habang siya'y bahagyang nakayuko, halos kumabog nang malakas ang aking dibdib dahil sa lapit nito sa akin.

Napaiwas ako ng tingin, ngayon ko lamang napansin na halos kami'y magkadikit na at mukhang ako'y nakayakap sa kaniyang baywang. Dali-dali akong napahiwalay sa kaniya nang makarinig kami ng yapak.

Agad kong iniwas ang tingin sa kaniya at huminga nang malalim, iniwas din nito ang kaniyang tingin at nagbuntong hininga,
Naglakad ito at nagtungo sa mga hanay ng libro at ibinalik ang librong aming pinag-aagawan.

Pagkalagay nito'y naglakad muli ito pabalik sa akin ngunit natigilan ito sa kaniyang paglalakad nang may tumawag sa kaniya. "Ginoo, maaari ba akong magtanong?" Nanlaki ang aking mata nang makita ko ang Binibining aking nasaksihan kahapon, ang babaeng dahilan nang unang pagtibok ng puso ni Kuya David.

Lumingon sa kaniya si Lazaro at halos matulala si Lazaro sa kaniyang kinatatayuan nang makita nito ang binibini. Napaawang ang labi ng binibini nang makita nito si Lazaro.

Kinurap nito ang mapupungay nitong mga mata habang hindi inaalis ang tingin nito kay Lazaro. Pinagmasdan ko si Lazaro at halos hindi rin matanggal ang tingin nito sa kaniya. Sa panahong iyon tila nakaramdam ako ng kirot sa aking puso tila nagawa ring patibukin ng Binibining ito ang puso ni Lazaro sa unang pagkakataon pa lamang. Bagay na hindi ko kayang gawin.

"Lazaro?" Napatakip ako sa aking bibig nang sambitin nito ang ngalan ni Lazaro. Sila ba'y magkakilala?

"Sus-"

Hindi na nito natuloy ang kaniyang sasabihin nang makarinig kami ng tatlong putok ng baril agad kong tinakpan ang aking tainga at agad nagtungo sa akin si Lazaro, nag-aalala nitong dinala ako sa ilalim ng lamesa. Pinaupo niya ako roon habang ang kamay ko'y nasa aking tainga.

Naririnig ko mula sa labas ang mga hiyawan. "Dito ka lamang, hanggat maaari huwag kang lalabas hanggat hindi pa tumitigil ang mga putok" wika nito, napatango ako. Nangangamba ako nitong tinignan bago ito tumayo.

Isang malakas muling putok ng baril ang umalingawngaw at nakita kong napaupo sa sahig ang binibini habang nakatakip ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang tainga. Agad kong nasilayan na tumakbo patungo sa kaniya si Lazaro at hinawakan nito ang magkabilang kamay ng bababe na nakahawak sa kaniyang tainga.

Sa huling putok ng baril ay halos hindi ko na iyon marinig dahil sa tila namanhid ang aking mga tainga dahil sa nakapako ang aking mga mata sa kanilang dalawa. Halos hinawakan na ni Lazaro ang likod ng palad ng Binibini habang patuloy ang pag-alingawngaw ng putok, kitang-kita ko rin ang kaniyang mga matang nag-aalala at halos dumikit na ang kaniyang baba sa ulo ng binibini.

Iniwas ko ang aking tingin sa kanila at hindi ko napigilan ang pagtakas ng aking luha.

'ako'y lubusang naninibugho'

Continue Reading

You'll Also Like

125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
8.9K 640 73
This Series is Connected to Marcos Family where the 17th President of the Republic of the Philippines has a Daughter named "MARIA LOUISSE ERICA CASSA...
1.7M 90.4K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...
32M 817K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...