Arken Needs

By kulitaaay

498K 12.9K 948

Reihan was twelve years old when his mother brought a ten year old boy saying he's gonna be his younger broth... More

Arken
M2M
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46: Introducing Hans side-story.
EPILOGUE
Mío

30

6.2K 182 3
By kulitaaay


Reihan's

Nagdaan ang ilang araw na pabalik-balik ang ama ni Arken saamin. Hindi ko alam ang mararamdaman ko pero alam kong mahirap din kay Arken na patuloy niyang tanggihan ang ama niya sa pag alok nito na isama siya sa Australia para doon na mag-aral at makasama ito. He wants Arken back to his care and the only one refusing is Arken, mama was okay with it dahil sabi niya ay matagal na daw na hinahanap si Arken ng papa niya. As for me, mama doesn't even want to hear what is my say about this. Parang sila-sila lang ang magdedesisyon kung aalis si Arken o hindi, hindi ko gusto ang pakiramdam na ito, I'm Arken's lover and I should have a say whether he will go or not, but I know I can't say that to my mom, all I can say is I don't want Arken to leave because he's my younger brother.

“'Ma, nagtitiwala ka ba talaga sa lalaking 'yun? What if hindi niya tratuhing tama si Arken?” I argued with my mom. Ilang araw na kasi akong wala sa hulog dahil sa kaba na baka bigla na lang pumayag si Arken na pumunta sa Australia kasama ang papa niya, but he's been assuring me these past few days that he isn't going anywhere and he won't leave me, but I'm still nervous.

“Reihan, kilala ko si Aiyden, mabuting tao iyon, nawalay lang talaga kay Arken dahil hindi siya gusto ng mga magulang ng mama ni Arken, he doesn't even know that the woman who gave birth to his child was already long gone, saakin niya lang nalaman noong isang araw.” Paliwanag ni mama habang nagluluto. I hissed. Ganon na lang iyon? Pagkatapos naming alagaan si Arken at pagkatapos niyang lumaki saamin bigla na lang niya kukunin?

“I don't care, ma. Ayaw din naman ni Arken na sumama sakanya, at ayaw ko din.” Matigas kong sabi. Lumingon naman saakin si mama at sinamaan ako ng tingin.

“He just want to be with his son, Reihan, and he's already persuading Arken, soon enough papayag din yang kapatid mo, pwede naman siya laging kumontak dito saatin.” Hindi ako makapaniwalang napatitig kay mama. Bakit parang gustong-gusto niya itaboy si Arken? Bakit parang hindi niya man lang mamimiss si Arken at parang wala siyang pakialam na malalayo si Arken saamin? Naninibago ako sakanya.

“'Ma! Are you hearing yourself? K-Kapatid ko yung mapapalayo, ma. Anak mo! Eight years mo siyang naging anak, bakit parang wala lang sayo na malayo siya saatin?!” Hindi ko napigilang magtaas ng boses dahil sa inis. I'm paranoid, natatakot ako sa mga susunod na mangyayari kung sakaling umalis nga si Arken. Hindi ko kakayanin.

“Reihan, kumalma ka nga, hindi ko legal na inampon si Arken, walang papeles na nagsasabi na legal siyang nasa poder ko, sa tingin mo kung ipilit ng tatay niyang kunin si Arken, may laban tayo? Wala!” Inis na rin na singhal saakin ni mama. Napahawak ako sa ulo ko at napailing. I can't believe this. Ngayon pang may relasyon na kami ni Arken? Ngayon pang masaya na kaming dalawa?

“Pero, ma, I can't lose Arken..” Naluluha ko nang sabi. Natigil naman si mama sa ginagawa niya pero hindi siya lumingon saakin. Ilang segundo siyang natahimik bago ulit nagsalita.

“This is also hard for me, Reihan.” Buntong hininga ni mama bago pinagpatuloy ang ginagawa niya. Lihim na lang akong napamura at balak ko na sanang umalis ng kusina pero natigil ako nang makita ko ang papa ni Arken na nasa bukana ng kusina at mukhang kanina pa nakikinig saamin.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kapag nakikita ko siya. Inis? Pangamba? o Panlulumo?

“R-Reihan, son, uhm, I didn't mean to eavesdrop but I heard almost everything,” Sabi niya. Iniwas ko ang tingin sakanya at hindi naman agad kumibo si mama. Pasalamat at wala ngayon si Arken sa bahay, nasa school siya at may inaasikaso, ako naman ay nag absent talaga para makapag usap kami ni mama patungkol sa tatay ni Arken.

“Arken is already eighteen, the decision to come with me is all on him, I'm just here to pursue him but I promise, he'll comeback once he finished his studies and we get to bond as a father and son until then, you won't lose him, son.” Paliwanag niya. I won't lose him? Baliw ba siya? Ilalayo niya saakin si Arken at iyon ang pinaka ayaw kong mangyari noon pa man. I won't accept this.

“No, he won't go with you. He'll stay with me.” Matigas kong sabi sakanya at saka ko siya tinalikuran. Narinig ko naman na tinawag pa ako ni mama pero hindi ko na sila pinansin. Umakyat ako sa kwarto namin ni Arken at doon ako maghapon na nagmukmuk.

Wala naman nagbago sa relasyon namin ni Arken, he's still all over me, he's still sweet and he's still being my boyfriend. Nasaakin pa din ang centro ng atensyon niya at hangga't maari ay ayaw niya akong maapektuhan sa pagdating ng tatay niya but I just can't help it, I'm going insane, I'm paranoid and I'm freaking scared. Hindi ko alam pero ang pakiramdam ko ang may hindi magandang mangyayari.

Hapon ng alas singko ay dumating si Arken at agad niyang napansin na wala ako sa hulog. Agad niya akong nilapitan at tumabi saakin ng higa.

“Hi, love. What's wrong?” Tanong niya habang ang ilong niya ay inaamoy ang leeg ko. Humarap ako sakanya at yumakap. Naka unipurme pa siya at halatang pagod pero napakabango niya pa rin.

“Arken, you won't leave me, right?” Umaasa kong tanong habang mahigpit ko siyang yakap-yakap. Humigpit din ang yakap niya saakin bago niya hinawakan ang mukha ko para tumingin sakanya.

“Hey, Reihan, diba sabi ko sayo wala kang dapat na ipangamba, I'm not going anywhere, okay, love?” Pilit niyang isinisiksik iyon sa ulo ko noong isang araw pa lang pero hindi ko alam kung bakit hindi ko iyon mapaniwalaan. Kahit na hindi gumaan ang pakiramdam ko ay tumango pa rin ako sakanya.

“Promise me.” Pilit ko kay Arken. Tumango naman siya at hinalikan ako sa noo.

“I promise, I'll stay.” Malambing niyang sabi. Even tho I'm still feeling paranoid, I want to believe him and I'm really holding onto his promise.

———

Arken's

Ilang araw na wala sa hulog si Reihan. It's surely because of my father's arrival. Kahit ako ay hindi okay sa nangyayari, I know my father just want to know me more because I'm his only child but I can't and won't leave Reihan. We can get to know each other without me leaving anyone here in the Philippines.

“Are you sure you won't go with your father?” Tanong ni Hamdel. Nasa school cafeteria kami at kumakain. Kanina ko pa nga hinihintay si Reihan dahil sabay kaming kakain pero wala pa rin siya.

“Hamdel, leaving Reihan was never in my options.” Sagot ko sa tanong ni Hamdel. Napatango naman siya.

“Well, this is your dream, being with kuya Reihan as his lover was your fantasy, noon pa man ay siya lang ang nakikita mo at sakanya lang lagi ang atensyon mo, and now that he's already your lover, of course you won't easily leave him, but what are you gonna do about Tito Aiyden?” Banggit ni Hamdel sa papa ko. He already met my dad because for some reason, halos kilala lahat ni Dad ang kaibigan ko at ang mga kakilala ko. Talagang gusto niyang pumasok sa buhay ko and I don't really know what to feel about it.

All my life I've been contented with mama Rein and Reihan as my family, but with my father's arrival, I don't know if I should be happy or what. It confuses me lalo na at gusto niya akong ilayo kay Reihan.

“I don't know, he seems nice, but you know me, I'll always choose Reihan.” Napapagod kong ani. I'm so tired of this topic, hindi ko rin gusto na nakikitang nababahala si Reihan dahil dito.

“Arken! Arken!” Nagulat ako nang biglang pumasok si Harper sa cafeteria at pinagtatawag ang pangalan ko na parang may hinahabol siya. Nagtinginan naman halos lahat ng estudyante sakanya na nandito sa cafeteria. He's making a scene. Hindi ko na sana siya papansinin dahil hindi pa rin kami magkaayos pero nang makita niya ako ay agad siyang lumapit saakin.

“Fuck yourself, Harper.” Inis kong ani at iniwas ang tingin sakanya. Dadagdag pa siya sa problema ko. Hindi naman kumibo si Hamdel dahil ayaw niyang maipit saaming dalawa.

“No, fuck you, I'm not here to pick a fight, okay?” Galit rin na singhal saakin ni Harper pero hindi ko siya pinansin. “Wow, I just wanted to say that Reihan is in trouble but you're still like this—” Agad niyang nakuha ang atensyon ko sa sinabi niya.

“What?! Where is he?” Agad akong tumayo at kinwelyuhan siya. He rolled his eyes at me.

“Outside the campus, he's with Gaston—” Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at agad akong tumakbo palabas ng cafeteria at palabas ng campus. Nang makarating ako sa labas ng gate ng school ay nakita ko ang guard sa gilid na kasama si Reihan at Gaston na parehong may bangas ang mga mukha. Nag-init agad ang ulo ko at hindi agad ako nakapag-isip ng makita ko na putok ang labi ni Reihan.

Mabilis akong lumapit sakanila at agad kong kinwelyuhan si Gaston na nagulat. Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita pa at agad ko siyang sinuntok sa mukha.

“Arken! What are you doing?!” Gulat na napatayo si Reihan pero agad ding napaupo ulit sa pagkakaupo niya sa gilid ng gate. Hindi pa sana ako tapos kay Gaston pero nang makita kong hindi makatayo si Reihan ay agad ko siyang nilapitan.

“What the fuck happened and why are you with him again?!” Inis kong singhal bago ako lumuhod sa harap niya at tiningnan ko ang mukha niya. Hinawakan ko rin ang binti niya at napamura siya.

“A-Aray, masakit!” Sigaw niya. Napasinghal ako at inangat ang pants niya at kita kong may pasa siya sa isang binti. Mukhang pinalo. Napamura ako. Who the hell did this?!

“Boss, napaaway ho silang dalawa doon sa tapat ng convenience store. May mga lalaking bumugbug sakanila.” Biglang sabat ng guard. Hindi ko siya nilingon pero kumunot ang noo ko. It's not Gaston who did this? Tsk. Who the hell?

“Fucking fuck, so fucking obnoxious!” Rinig kong sigaw ni Gaston pero hindi ko rin siya pinansin.

“Does it hurt? Should we go to a hospital?” Nag-aalala kong tanong kay Reihan dahil baka may bali na siya sa binti. Hindi naman siya kumibo. Tiningnan ko siya at nakaiwas ang tingin niya saakin. I sighed and set aside my anger. He's probably upset that I acted recklessly and punched Gaston. Can he blame me? Palagi ko na lang silang nakikitang dalawa na magkasama at ngayon ay nabangasan pa siya kasama ang gago. Ang akala ko ay si Gaston ang nakaaway niya.

“What happened?” Si Hamdel na kasama si Harper. Pareho silang napatingin kay Gaston at Reihan na parehong nakasalampak sa sahig. Kinalma ko ang sarili ko bago nagsalita.

“Go get your car, Hamdel. Let's bring him to a hospital.” Mahina kong sabi bago ko ulit nilapitan si Reihan. Hinuli ko ang mukha niya at pinatingin ko siya saakin.

“Love, why aren't you saying anything?” I asked the obvious. Napairap naman siya.

“Basta-basta ka na lang sumusuntok, hindi mo pa nga alam ang nangyari, tingnan mo yung tao, lumpo na!” Galit niyang sabi. I sighed again and looked at Gaston who's glaring at me. Mukhang malala nga ang pagkabugbug sakanya. Napailing ako at binalik ang tingin kay Reihan.

“I'm sorry, but cooperate and let's get you to a hospital first, hm?” Kumbinse ko sakanya. Tumango naman siya pero tumingin pa rin kay Gaston.

“Isama natin si Gaston.” Sabi niya na ikinaselos ko agad pero hindi na ako nagsalita pa dahil halatang hindi niya nagugustohan ang inaakto ko. Kinalma ko na lamang ang sarili ko hanggang sa dumating na si Hamdel. Inakay ko siya papasok sa kotse at si Harper na ang nagpaalam sa guard para kung sakaling hanapin kami sa loob ng campus.

Luckily pagdating namin sa hospital at pagkatapos tignan ng doctor si Reihan ay wala naman daw itong bali pero bugbug lang ang mga laman ng kaliwang binti niya. Samantalang si Gaston naman ay kinailangan i-admit sa hospital kaya tinawagan namin si Kline para siya na ang mag asikaso dito.

Agad kong inuwi si Reihan at pagkapasok pa lang namin sa bahay ay galit na agad si mama dahil tinawagan daw siya ng school secretary namin dahil sa nangyari. Hindi ko alam pero mas galit saakin si mama pero hindi na lang ako kumibo hangga't makapasok kami ni Reihan sa kwarto.

Inayos ko ang binti niya at pinahiga ko siya nang maayos sa higaan. Nakatingin lang naman siya saakin kaya nginitian ko siya.

“Do you want something to eat? I'll cook.” Alok ko. Ngumuso naman siya bago ako hinila para halikan sa labi. Agad kong tinugon ang halik niya bago niya pa iyon tapusin.

“I'm sorry about earlier, I was just upset so I was acting like that.” Sabi niya na nakapag pagaan sa pakiramdam ko dahil kanina pa talaga ako hindi makalma dahil sa inakto namin kaninang dalawa. I don't like it when we're having a misunderstanding.

“Me too, I'm sorry, I acted stupid without asking, what happened anyway?” Tanong ko dahil hindi pa din siya nag kekwento kung ano ang nangyari at nabugbug sila ni Gaston sa labas.

“Gusto ko lang naman bumili ng sandwich sa labas kaso nakita ko si Gaston na pinagtutulungan ng limang lalaking may mga hawak na kahoy na pamalo—” Pinutol ko agad ang sasabihin niya.

“So you helped him without thinking what might happen to you? Reihan, we've talked about this, I don't want you near that guy at alam mo ding ayaw na ayaw kong nababangasan ka.” Inis kong sabi. Agad niya namang natikom ang bibig niya. Magsasalita pa sana ako pero biglang pumasok si mama. Umayos agad ako ng upo.

“Eto, kumain ka, Reihan. Arken, bumaba ka, mag-uusap tayo.” Galit na sabi ni mama. Naguguluhan man dahil parang kanina pa talaga galit si mama ay tumango pa rin ako. Inayos ko lang ang kakainin ni Reihan at inabot yun sakanya bago ako sumunod kay mama na nakamasid pa pala saamin.

Ang akala ko ay sa sala kami mag-uusap pero pinapasok ako ni mama sa kwarto niya. Doon pa lang ay alam kong ayaw niya na agad marinig ni Reihan ang pag-uusapan namin.

“Ano po yun, ma?” Tanong ko. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan dahil seryosong-seryoso si mama habang nakatingin saakin. Hinintay ko siyang magsalita pero tumalikod siya saakin bago nagsalita.

“This is the first time I'll ask you a favor, Arken. Sumama ka na sa papa mo.” Agad akong nanlumo sa sinabi niya pero agad din akong umiling.

“I don't want to, ayaw ko kayong iwan dito, ma, lalo na si kuya Reihan.” Nakikiusap kong sabi. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong gustong mawala ni mama Rein pero nasasaktan ako sa ginagawa niya ngayon. Mula noong kupkupin niya ako ay tinuring niya na akong parang totoong anak at kita ko na minahal niya rin ako bilang totoong anak. Kaya bakit bigla niya na lang akong gustong itaboy nang basta-basta na lang?

“Mas magiging maayos si Reihan kung aalis ka, Arken.” Matigas na sabi ni mama. Kunot na kunot na ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ano bang ibig niyang sabihin? This is confusing me.

“Ma, aksidente ang nangyari kanina kay Reihan, I have nothing to do with this, please, ma? Wag mo naman akong ipagtabuyan—” Pinutol niya agad ang sasabihin ko.

“Arken! I'm tired of this, hindi ko na kaya ang mga pinaggagawa mo sa anak ko!” Biglang taas boses ni mama. Gulat akong napatitig lang sa galit niyang mukha. Hindi ako nakasagot. Anong ibig niyang sabihin?

Bigla siyang naglakad palapit saakin at ang sunod niyang ginawa ang mas lalo kong ikinagulat. She slapped me hard on my face. Malakas niya akong sinampal na napalingon pa ako sa gilid dahil sa lakas niyon. Hindi ako nakakibo at mas lalong hindi ako nakapag isip agad kung bakit niya iyon ginawa. Bakit galit na galit siya saakin ngayon?

“D-Did I do something wrong to deserve that slap, mama?” Disappointed kong tanong. Mama Rein never slapped me even before, hindi siya nananakit nang pisikal kaya't gulong-gulo ako ngayon bukod sa naninikip din ang dibdib ko. I feel neglected. Feeling ko ay ayaw niya na saakin kaya niya ito ginagawa para sumama na ako kay Dad.

“Something wrong? Hah, Arken, you did the unspeakable but I stayed silent because I love the both of you, pero hindi ko na kaya, hindi ko na talaga kaya.” Nilingon ko si mama nang pumiyok siya habang sinasabi iyon. Dumaloy ang mga luha niya kaya agad akong nagulat at lumapit sakanya pero umatras siya agad.

“Ma? What is it?” Naguguluhan ko pa din na tanong. Umiling-iling siya habang umaatras. Napaupo siya sa gilid ng kama niya habang umiiyak at parang nanghihina.

“You're calling me that while you're doing something nasty to my own son? To your own brother?” Kumalabog ang dibdib ko sa sunod niyang sinabi. Parang bigla kong naintindihan ang lahat ng inaakto niya at agad akong natakot sa mga susunod niya pang sasabihin.

“Alam ko ang lahat, Arken. Alam kong may relasyon kayo ng anak ko, I know everything but I stayed silent.” Parang binagsakan ako ng malalaking yelo sa ulo ko nang sabihin iyon ni mama.

End of chapter 30

Continue Reading

You'll Also Like

39K 841 20
The carnal games they're playing is dangerous yet addicting. The lustful days they have are like drugs. It was fun and thrilling. He likes the game s...
46.6K 1.8K 27
[WARNING: R-18] [BL] A mascular man who dislikes couples of the same sex. Every time he sees a boyfriend of the same sex, he becomes irritated. For h...
1.5M 43.6K 54
Caius Hera Xaveria and his family migrated in Manila. He met this sadistic and an evil Gaea Zeus Dark that everyone need to be scared of. One time, C...
505K 10.2K 33
BROTHER'S DESIRES by mayordamiel. Hindi siya dapat mahulog sa kanyang nakatatandang kapatid pero madidiktahan ba niya ang kanyang isip at dibdib kung...