✔ || Hot Mom

By mariyachacha

1M 21.3K 8.2K

PUBLISHED UNDER IMMAC PPH [ WARNING R18 ] A thirty-six-year old single mother who fell in love with her son's... More

Single Mom I
Prologue
Hot 1
Hot 2
Hot 3
Hot 4
Hot 5
Hot 6
Hot 7
Hot 8
Hot 9
Hot 10
Hot 11
Hot 12
Hot 13
Hot 14
Hot 15
Hot 16
Hot 17
Hot 18
Hot 19
Hot 20
Hot 21
Hot 22
Hot 23
Hot 24
Hot 25
Hot 26
Hot 27
Hot 28
Hot 29
READ THIS FIRST BEFORE YOU PROCEED
Hot 30
Hot 30 (OLD VERSION)
Hot 31
Hot 31 (OLD VERSION)
Hot 32 ( OLD VERSION)
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER I (OLD VERSION)
ANNOUNCEMENT 2.0
SOON TO BE PUBLISHED
IMMAC SHOPPE BOOK UPDATE
IMMAC PPH SHOPEE BOOK DETAILS
BOOK GIVEAWAY
BOOK GIVEAWAY WINNER
SANTI

Epilogue (OLD VERSION)

16.8K 467 317
By mariyachacha


Epilogue

Crisanta Gutierrez - Torres


After three years...

“Santi!” Pinagpapawisan na ako kakabahol sa batang malikot na 'to. Mabuti na lamang at dala ni Sevi si Dos dahil kung hindi baka makunan pa ako.

Yes, I'm five months pregnant, and it's a girl. Sa lahat ng puwedeng maging masaya, si Sevi iyon. Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto niya ng babae. Matagal na naming napag-usapan 'yon, ngayon lang kami pinagbigyan. Siguro alam ni Lord kung kelan kaya na namin ulit.

Si Sevi ang nagbigay ng pangalan sa kambal. He named our first born same as our Santi, and he named the second born as his jr and we called him Dos.

Nabanggit niya sa akin na si Santi raw ang nag-suggest noon bago sila maaksidente. Siguro isa na 'yon sa mga sign ng langit bago siya kinuha sa amin. Marami pang sign na hindi ko na napagtuonan nang pansin noon. Kung alam ko lang sana, baka napigilan ko pa na mangyari 'yon.

Pero sabi nga nila, lahat may dahilan, pati ang pagkawala niya. At kapag may nawala, may dumarating na mas higit pa.

Dumating ang kambal sa buhay namin nang araw na nawala si Santi. Bilang ina, mahirap para sa akin na mawalan ng anak, pero dahil sa mga naiwan kasama ko, kailangan kong maging mas malakas.

Hindi naman gugustuhin ni Santi na makita kaming nahihirapan lahat, kaya kahit masahirap at masakit pa rin para sa amin, kailangan naming maging masaya para sa kan'ya.

He did not sacrifice his life for nothing, we should live our life to the fullest.

“Mama! Mama! Look!”

Huminto ako nang tumakbo pabalik si Santi habang may tinuturo siya sa langit.

“Papa told us Kuya Santi is up there. Is he riding on the big flying bird?”

Napatingala agad ako at tiningnan kung ano ang tinutukoy niya. May nakita akong eroplano na agad nakapagpangiti sa akin.

I looked back at Santi before kneeling so that I could talk to him better. He was just three years old and still curious about anything what he saw

I'll talk to him in a nice way. “Yes, he's up there in heaven, pero hindi siya nakasakay doon. When you grow up, you'll understand what we're trying to say.” I smiled and messed up his hair.

He just nodded and smiled. He really looks like his brother. Kaya minsan nababawasan din talaga ang pagka-miss ko sa kan'ya.

“Okay po, Mama.” Hinalikan niya ako sa pisngi at saka niyakap.

Bukod sa itsura, pati ugali ni Santi nakuha niya. Malapit na tuloy akong maniwala sa reincarnation na sinasabi nila.

Niyakap ko na rin siya bago binuhat at tumayo. Kaya ko pa naman silang buhatin sa ngayon, hindi pa naman masyadong mabigat ang tiyan ko.

Papasok na sana kami sa loob ng bahay nang napansin ko ang pagbukas ng gate. Mukhang nandito na ang mag-ama ko.

“Love, we're here!”

“Mama!”

Tama nga ako, nandito na ang lahat ng makukulit. Nagpababa na rin si Santi at tumakbo papunta sa Papa niya.

“Papa!”

Pinanood ko lang silang dalawa na parang ilang taong hindi nagkita. Kahit kanino talaga sweet 'yon si Santi. Malayo sa ugali ni Dos na parang may sariling mundo palagi, pero selfless din katulad ng Kuya Santi nila.

Bumaba ang tingin ko kay Dos na nasa tabi ko na pala at may pinapakita sa akin.

“Bumili po kami ni Papa ng orange egg. Favorite po ni Santi.”

Natawa ako sa orange egg dahil kwek-kwek iyon. Sa edad nilang dalawa,napakatuwid na nilang magsalita. They're both smart just like their Kuya Santi. Ganitong edad rin noon si Santi noong nakakapagsalita na siya ng tuwid.

Yumuko at binuhat si Dos. “For Santi? What about yours? Anong binili mo po?” malambing na tanong ko sa kan'ya.

Umiling siya.

“Ayaw niyang magpabili, siya naman daw po ang sumama sa akin.”

Nilingon ko Sevi na siyang sumagot sa tanong ko sa anak. Nasa harap na pala namin siya.

He kiss me na palagi niyang ginagawa tuwing umuuwi at umaalis siya ng bahay.

Ngumiti ako at muling tiningnan si Dos. “Good boy naman po pala ng baby ko. Next you can buy whatever you want, okay?”

He nodded and handed the kwek-kwek to his brother.

Kitang-kita naman sa mukha ni Santi ang saya nang makita ang paborito niya. “Thank you!” aniya pa at napayakap sa Papa niya sa sobrang tuwa.

Pumasok na rin kami sa loob dahil malapit na rin magdilim. Umalis lang saglit sina Sevi para bumili ng strawberry at honey na pinaglilihian ko na naman. Ewan ko ba bakit sa dami ng puwedeng pagkain, paulit-ulit itong nagugustuhan ko.

Nilagay ko muna sa mangkok ang kwek-kwek bago ko binigay kay Santi. “Thank you po, Mama.” Ngumiti siya bago naglakad papunta sa sala kung nasaan si Dos na busy na sa panonood sa ipad.

“Dos, hanggang dinner ka lang po diyan, ha? After dinner bawal na.”

“Opo!“ sagot naman ni Dos sa akin. Nakaupo siya sa mahabang sofa na nakatalikod sa kitchen.

“Hayaan mo na po muna, Love.”

Nilingon ko si Sevi na nakaupo na sa gilid ko. Umupo na rin ako at tinabihan siya.

“Hindi puwede, Sevi. Lalaki ang mga batang 'yan  na malayo ang loob sa atin kapag gadgets ang palaging kaharap nila. Mabuti na iyong habang maaga pa may time sila sa atin para kahit paglaki nila hindi sila mahihiya sa atin na mag-open ng mga bagay na nangyayari sa kanila.”

Tumango-tango si Sevi at saka ako muling hinalikan. “The best ka talaga, Love. Kaya love na love kita, e.”

Naningkit ang mga mata ko. “Bolero ka kahit kailan.”

He laughed. “No, I'm not. Nagsasabi lang po ako ng totoo.”

Tumawa na lang din ako at nagsimulang kainin ang binili nilang strawberry at honey.

“Love, alam mo ba, favorite ko 'yan?” biglang sabi ni Sevi sa tabi ko sabay turo sa kinakain ko.

Hindi ako aware.

Nagtataka ko siyang tiningnan. “Seryoso ka ba? Baka pinag-ti-tripan mo na naman ako.”

Ngumiti siya at saka kumuha ng isang strawberry at sinawsaw sa honey. Sinubo niya iyon na parang sanay na sanay siyang kainin iyon.

“Simula high school, 'yan ang madalas na baon ko sa school. Alam ni Santi 'yon lahat.”

Bigla akong natahimik nang marinig ang pangalan ni Santi. Kahit may Santi na kami ngayon, alam ko na agad kung sinong Santi ang pinag-uusapan namin.

I sigh. “Kumusta na kaya si Santi. Masaya kaya siya kung nasaan 'man siya ngayon.”

Bumaba ang tingin ko sa mga kamay namin nang naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Sevi. “For sure. Alam mo naman po 'yon, konting bagay lang masaya na siya. Lalo na po ngayon na nakikita niyang nagbunga ang mga sakripisyon niya.”

Napangiti ako. “'Cause you're a great father and a husband.” I hold his hand back.

He proposed to me right after he get off the stage. And got married one month after he and Santi graduated.

Hindi rin siya pumayag na ga-graduate ng hindi ga-graduate si Santi kahit wala na siya. Nag-effort pa talaga siyang magpagawa ng standee para makapag-march din si Santi sa stage.

He never failed to amaze me.

“And you're a hot wife.” He chuckled.

Nagbagong bigla ang mood ko. Malapit na akong umiyak tapos bigla siyang magbibiro. Kainis.

“Kahit kelan talaga hindi ka marunong magseryoso. Iiyak na ako, e!” Hinampas ko siya sa braso.

“Seryoso naman po ako, ah. Hot naman po talaga kayo. You're a hot mom!” He winked.

Kinurot ko siya sa braso dahilan para mapasigaw siya sa sakit. “Aray! Love!”

“Akala ko ba strong ka? Nanggigigil lang ako.”

“Masakit. Sorry na po. Pinapangiti lang naman po kita. Mahal, aray!”

Kaagad akong natigilan nang marinig ang huling mga sinabi niya. He called me mahal.

Tumahimik ako at umupo nang maayos, hindi nakaharap sa kan'ya. So, may mahal na siya. Good for him, kung sakali na mauna akong mamatay may makakasama pa siya sa pagpapalaki ng mga bata. Tsk.

Narinig kong humagalpak ng tawa si Sevi dahilan para mas mainis ako. Sa tingin niya ba nakikipagbiruan lang ako? Nakakainis.

“Ang bilis mo talagang magselos, Love. Binibiro lang kita para bitawan mo na ako.” Hinawakan niya ako sa braso pero tinanggal ko iyon.

Binabawi ko na pala na he never failed me. Kasi ngayon pa lang parang gusto ko na siyang sakalin. Bwisit.

Sino kaya 'yong mahal na iyon? Siguro maganda 'yon at sexy sa trabaho niya. Magsama silang dalawa. Hindi ako luluhod at magmamakaawa sa isang taong hindi nakikita ang worth ko. Kung ayaw na niya sabihin niya.

I sniffed when I feel like I was going to cry. Bakit kasi buntis ako? Ayan tuloy ang bilis kong umiyak at masaktan.

“Love? Umiiyak ka ba?” Sinubukan niya ulit akong hawakan pero hinawi ko lang ulit iyon. “Love, nagbibiro lang naman ako. Hindi naman kita ipagpapalit kahit kanino. Sorry na.”

I bit my lower lip. Naiiyak talaga ako. Nakakainis naman itong hormones na ito. Maliit na bagay iniiyakan.

Pero kung ayaw na talaga niya sa akin, wala na akong magagawa. Hindi ko ipipilit ang sarili ko. Basta nasa akin ang mga bata. Bahala siyang gumawa ng sarili niyang anak sa bago niya.

“Love, sorry. Hindi ko inisip na masasaktan pala kita, lalo na't buntis ka. I love you.”

“Papa, are you two fighting?”

Kaagad akong napalingon sa boses na iyon. It's Santi, hawak ang mangkok na pinagkainan niya.

Kahit pagharapin ang dalawa, madali naming nakikilala ang kambal. Fraternal twins kasi sila kaya hindi sila magkamukha. Resemblance ni Santi ang isa at ang isa naman ay pinaghalong mukha namin ni Sevi.

Nilapitan naman agad ni Sevi ang anak niya at kinuha ang hawak nito. “Hindi po, anak. Naglalaro lang kami ni Mama. Wanna join?”

Tumango naman agad si Santi na may malaking ngiti. Kinalong siya ni Sevi at nilapit sa akin.

Ayan na nga, sinasali na ang anak kaya wala na akong choice kun'di kausapin siya. Magaling din talaga ang isang 'to. Tsk.

Nilapit ni Sevi ang bibig niya sa tenga ni Santi at mukhang may ibubulong.

“Santi, sabihin mo kay Mama na mahal na mahal ko siya. Sabihin mo na siya lang ang pinakamamahal ko sa buong mundo,” bulong ni Sevi na rinig na rinig ko naman. Nakatingin pa nga siya sa akin na may malaking ngiti habang ginagawa iyon.

“What about us? You don't love us, Papa?” Nilingon siya ni Santi na mukhang disappointed sa sinabi ng Papa niya.

Nagulat si Sevi sa reaksyon ng anak niya kaya natawa na lang ako. Ayan, ayusin mo 'yan.

Mabuti nga sa'yo.

Tumingin pa sa akin si Sevi na mukhang humihingi nang tulong. Nagkibit-balikat ako at tinawanan siya.

“Bahala ka diyan,” I mouthed bago tumayo.

Mag-pe-prepare pa ako ng dinner namin. Wala na si Manang Linda dito sa bahay, isang taon na ang nakakalipas. Pinauwi ko na siya sa kanila dahil kailangan na rin niyang magpahinga at makasama ang kan'yang pamilya.

Marami na siyang naitulong sa amin na hinding-hindi ko makakalimutan. Ngayong summer nga pupunta kami sa Marinduque para bisitahin siya at magbakasyon na rin. Namimiss ko na rin kasi siya.

Tungkol naman sa pamilya ko, Papa passed away three years ago. Halos magkasunod lang sila ni Santi, dahil na rin sa katandaan at nang malaman niya ang pagkawala ng apo niya kaya inatake siya sa puso.

Hindi pa rin kami masyadong nakakapag-usap ni Mama, she's being distant to me after what happened last-last Christmas. I don't know why, pero makakabuti na rin siguro 'yon sa amin. Naging tahimik na ang pamilya namin simula noon.

Magkaayos na rin kami ng pamilya ni Sevi, dahil sa ginawa ni Santi sa anak nila. Isa na rin siguro 'yon sa naging tulay para magkaayos ang dalawang pamilya. Santi always know what's the best for everyone.

May nakakasama na rin pala kami ngayon dito sa bahay, si Roxane at Suzane, three years na sa amin si Roxane samantalang si Suzane mag-iisang taon pa lang. Halos magkasing-edad lang sila, around twenty-eight siguro. Marami na kasing gawain dito sa bahay, kaya kinakailangan ko rin ng makakasama.

Hawak ko naman ang oras ko sa trabaho, kaya anytime puwede akong pumasok. Mahirap nga lang talaga pagsabayin ang lahat lalo na kung may dalawang tatlong malikot kang kasama sa bahay. Pati ang Tatay kasi sumasali pa sa gulo ng mga bata.

“Ate Crisanta, request po ni Dos kanina fried chicken,” ani Suzane sa tabi ko.

“Kay Santi po tinola na marami raw pong papaya,” ani naman ni Roxane.

“Sige, 'yon na lang iluto natin dito sa manok. Tulungan niyo na lang ako.”

Nag-prepare na kami ng dinner dahil baka maya-maya makaramdam na nang gutom ang mga alaga ko. Ang hirap talagang magpalaki ng mga bata. Jusko!

“Mama, I'm hungry na po!”

Iyan na nga ba ang sinabi ko. Hindi pa nga kami nakakapagsimula.

“Saglit lang, Dos. Kumain ka na muna ng orange egg.” Nalilito na tuloy ako kung ano ang uunahin kong gawin.

“Ubos ko na po, Mama.”

Nag-angat ako nang tingin at tiningnan ang direksyon ni Santi at ng kan'yang ama na natatawang nakatingin sa akin.

Aba't bumabawi ang loko.

“Anong tinatawa mo diyan? Pakainin mo mga anak mo,” I mouthed. Ganito ang gawain namin para hindi kami marinig ng mga bata.

Medyo mahirap din talaga kapag bata pa ang asawa mo 'no. Ikaw ba naman ang magpakasal sa mas bata sa'yo ng fifteen years, ewan ko na lang kung hindi ka mas maagang tumanda. Wala pa naman akong forty, pero tang*na, nararamdaman ko na ang hirap sa buhay.

“I love you...” he mouthed back and then smirked. “Halika, Dos, ipapatikim ko sa'yo itong favorite namin ng Mama mo,” tawag niya sa anak niya.

Napangiti na lang ako bago binalik ang aking atensyon sa pagluluto. On the other hand, kahit ganiyan si Sevi, responsableng ama naman siya at asawa.

Never niyang pinaramdama sa amin na may kaagaw kami sa oras at atensyon niya kahit busy rin siya sa pagtatrabaho.

Tama nga si Santi, magiging mabuting ama ang pinagkatiwalaan niya ng kan'yang puso. At hindi lang ang mga kapatid niya ang magiging masaya dahil mayroon silang kalalakihang ama, pati na rin ako na matagal din naghintay ng totoong pagmamahal.

Kahit sa huling pagkakataon ng kan'yang buhay, kami pa rin talaga palagi ang iniisip niya.

I miss you, baby.

We will always be thankful for having you in our lives. We love you so much, Santi.

--- THE END ---

Continue Reading

You'll Also Like

58.2K 2.2K 44
Julian Verces, a gay engineering student that fell in love with a city girl. He had principles about adoring guys he like, but what if he will bend...
Seduced By Cher

General Fiction

3.5M 112K 20
Alejandros Vejar is happy and he is gay. Nothing is wrong with being gay. His family loved him. It took a while for his father to accept him but he s...
280K 1.3K 3
Our relationship was founded with lies. I gave her a new name. A new persona as Anselma Garcia. I call her Selma. Sel. The name used by the woman tha...
153K 9.2K 45
"Just because you're rich doesn't mean you take the shortcuts!" Simpleng babaeng nakapasok sa isa sa pinakasikat na paaralan sa Pilipinas pero nagbag...