✔ || Hot Mom

By mariyachacha

1M 21.9K 8.3K

PUBLISHED UNDER IMMAC PPH [ WARNING R18 ] A thirty-six-year old single mother who fell in love with her son's... More

Single Mom I
Prologue
Hot 1
Hot 2
Hot 3
Hot 4
Hot 5
Hot 6
Hot 7
Hot 8
Hot 9
Hot 10
Hot 11
Hot 12
Hot 13
Hot 14
Hot 15
Hot 16
Hot 17
Hot 18
Hot 19
Hot 20
Hot 21
Hot 22
Hot 23
Hot 24
Hot 25
Hot 26
Hot 27
Hot 28
Hot 29
READ THIS FIRST BEFORE YOU PROCEED
Hot 30
Hot 30 (OLD VERSION)
Hot 31
Hot 32 ( OLD VERSION)
EPILOGUE
Epilogue (OLD VERSION)
SPECIAL CHAPTER I (OLD VERSION)
ANNOUNCEMENT 2.0
SOON TO BE PUBLISHED
IMMAC SHOPPE BOOK UPDATE
IMMAC PPH SHOPEE BOOK DETAILS
BOOK GIVEAWAY
BOOK GIVEAWAY WINNER
SANTI

Hot 31 (OLD VERSION)

13.2K 342 168
By mariyachacha


Chapter 31

Thobias Christian Gutierrez


Pagbaba namin ng hagdan, dumiretso ako sa lagayan ng mga susi at kinuha ang car key ko. Papunta na kami sa grad ball, obviously ako na naman ang mag-da-drive.

“Santi, ako magmamaneho.” Natulala ako nang agawin sa akin ni Sevi ang susi sabay takbo palabas ng bahay.

Dafvck! Ayoko pang mamatay.

“Hoy, gag*! Akin na 'yan! Bawal kang magmaneho, baka mamatay tayo ng maaga.” Hinabol ko agad si Sevi palabas ng bahay.

Hindi ko na siya naabutan nang nakapasok na agad siya sa loob ng driver's seat. Naningkit ang mga mata ko na nagtungo sa labas ng kotse kung saan side siya nandoon.

Ilang ulit akong kumatok sa bintana ngunit hindi niya ako pinapansin. “Sevi! Huwag ka na kasing makulit. Ako na ang mag-da-drive!”

Hindi niya pa rin ako pinansin kaya no choice ako kun'di pumunta sa kabilang side at doon sumakay. Subukan niya lang talaga na magpalipad papuntang langit, uunahin ko siya.

Ayokong masira ang gabi ko kaya hahayaan ko na lang siya. It's time for him to learn. Hindi iyong palagi siyang nagmamadaling mamatay.

“Ayusin mo, Sevi. Hindi pa ako nagkakajowa,” pagbabanta ko bago umupo sa tabi niya.

“Maniwala ako sa'yo. Eh, sino 'yong Denise na taga tourism?” nang-aasar niyang tanong.

Matalim ko siyang tiningnan. “Wala ka na do'n. Tara na nga!” Hinampas ko siya sa braso bago umiwas nang tingin.

Denise is someone who is always there to comfort me.

Habang nasa kalsada on the way papuntang school, naaamaze ako na hindi siya nagmamadali. Ang smooth niyang mag-drive na sobrang nakakapanibago.

“Anong nangyari, pre? Bakit bigla kang naging gentle?” I chuckled, glancing at him.

“Nag-pa-practice lang in case of emergency.” Nilingon ko siya at nakita ang malaking ngiti niya na parang may magandang iniisip. “Gusto ko kasi, ako ang maghahatid at sundo sa kambal kapag papasok na sila sa school. Kung papayag din sana ang Mama mo, gusto ko rin siyang ihatid-sundo.” Nilingon niya ako saglit. Nakangiti pa rin siya na tila abot langit.

Pati ako nahahawa sa ngiti niya habang nag-ke-kwento ng mga future plans niya sa family niya. Hindi naman halatang excited ang future step dad ko. Yuck!

Nakakasuka 'man isipin, sa ayaw 'man o sa gusto ko, magiging step dad ko talaga siya. He'll marry my mother for sure.

“Siya nga pala, Santi, may naisip ka na bang pangalan ng kambal?”

Mabilis pa kay flash ang pagkunot ng noo ko sabay lingon sa kan'ya. “Ha? Gag* ka ba?! Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba ang magulang?”

“Kalma! Tinatanong lang kita para may ambag ka naman.” He chuckled. “Joke! Pero seryoso nga, anong gusto mong pangalan para masabi natin sa Mama mo.”

I sigh.

Never naman sumagi sa isip ko na magbigay ng pangalan sa mga kapatid ko. Hindi naman sa ayaw ko, naisip ko lang na sila ang mas may karapatan kasi sila ang magulang. Pero kung hinihingi nila ang opinyon ko, why not!

Sumandal ako at tahimik na nag-isip. Gusto ko 'yong pangalan na maaalala nila kami everytime na tatanungin sila kung bakit iyon ang pangalan nila. Minsan kasi darating tayo sa punto ng buhay natin na magiging curious tayo sa lahat ng bagay.

Dumaan din ako sa pagiging bata na nagtatanong kung bakit ang pangalan ko ngayon ang pinangalan sa akin ni Mama. Minsan naman, nagiging assignment, or trending sa social media na kailangan magpagalingan ng history.

At ayokong maging kawawa ang mga kapatid ko pagdating doon.

“Dos and Uno kaya?” suhestiyon ni Sevi.

“No, masyado nang gamit.” I shook my head. “Ayaw mo ng jr nating dalawa?” suhestiyon ko naman sabay lingon sa kan'yan na may mapaglarong ngiti.

“Gag*! Ang baduy!”

“Aray!” Hinampas niya ako sa mukha kaya napaurong ako. “Gag* ka rin!” I hissed. “Maganda naman mga pangalan natin, ah. Unique and hot.” Muli akong sumandal at pinag-krus ang aking braso sa may bandang dibdib.

“Aba, syempre! Hot at pogi rin ang may-ari.” Pagsang-ayon niya sa akin.

I chuckled. “Kanino pa ba magma---”

“Oo na nga! Ilang beses mo pa bang gagamitin ang Mama mo? Alam mo namang kahinaan ko 'yon.” He tsked.

Natawa na lang ako sa pag-amin niya. Nagsasabi lang naman talaga ako ng totoo. Kay Mama ko namana ang lahat nang nakikita at nararamdaman ng mga taong nakapaligid sa'kin. Alangan namang si Papa, e si Mama ang nagpalaki at kasama ko.

“Mag-drive ka na nga lang diyan. Focus. Hindi 'yong kung saan-saan napupunta isip mo,” sermon ko sa kan'y at saka tinuro ang kalsada sa harap namin.

“I know! Huwag mo akong lecture-an. Ang gulo mo kasi--- Santi!” Lumingon siya sa akin kasabay nang bigla pagliwanang ng mukha niya.

Napalingon ako sa tabi ko at laking gulat na makita ang isang malaking truck na babangga sa amin.

“Sevi! No!” sigaw ko at tinakpan ang mukha ko.

Sobrang bilis na nang tibok ng puso ko, lalo na nang umikot ang kotse at kitang-kita ng dalawa kong mga mata na si Sevi ang tinamaan ng truck.

Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko na namalayan kung ano ang mga sumunod hanggang sa nawalan na ako ng malay.

***

Nagising ako na sobrang sakit ng ibang parte ng katawan ko. Malabo pa ang paningin ko pero may ilan-ilan akong nakikita. Hindi ako familiar sa lugar, pero ramdam kong umaandar kami.

“Gising na ang isa. Sir!” May tumapik sa akin na agad kong binigyang pansin.

Kinakausap niya ako pero hindi ko siya masyasong maintindihan. If I'm not mistaken, nasa ambulansya ako.

“Nauubusan na ng dugo itong isa.”

Hindi ko alam kung ako ang tinutukoy ng kausap niya pero wala naman akong nararamdamang masakit sa dibdib ko. Masakit lang sobra ang paa at braso ko.

Pipikit pa lang sana ako nang bigla kong naalala si Sevi. Si Sevi ba ang tinutukoy niya?

Kahit na may iniinda akong sakit, pinilit kong makabangon na agad namang pagpigil sa akin ng katabi ko. “Huwag na po muna kayong gumalaw. Malapit na po tayo sa Hospital.”

“N-nasaan si Sevi? Anong nangyari kay Sevi?” Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Kahit mahirap, pinilit ko pa rin na makapagsalita. “Please, t-tell me. Anong nangyari kay Sevi?” Napangiwi ako nang unti-unti ko nang naradaman ang hapdi ng mga sugat ko.

Tang*na!

“He's fine, pero marami nang dugo ang nawawala sa kan'ya.”

“Dugo? Bakit?” naguguluhan kong tanong. “Bakit maraming dugo?!” pag-uulit ko pa.

Lumipat ang tingin niya sa may bandang itaas ko at nag-da-dalawang isip kung sasagutin ba niya ang tanong ko.

“Nandito na tayo!” Boses ng babae na kausap kanina ng lalaking katabi ko.

Naramdaman ko ang paghinto ng ambulansya at ang ingay sa paligid. Bumukas ang pinto at sinalubong kami ng maraming nurse, napansin ko rin si Papa sa mga naghihintay sa amin.

Naramdaman ko ang paggalaw ng hinihigaan ko palabas ng sasakyan. Pagkababa ko nilapitan agad ako ni Papa.

“Santi, what happened? Anong nararamdaman mo?” tanong agad ni Papa.

Hindi ko siya pinansin at hinanap si Sevi.

Naligaw ang mga mata ko sa ambulansya na may isa pang binababa. Mas lalo akong nanghina nang makita ang suot nitong puti na punong-puno na ng dugo. Nahagip din ng mga mata ko ang bandang dibdib nito na may nakatusok.

Fvck! It's Sevi.

“P-papa! Si Sevi!” sigaw ko at hinarap si Papa. “Papa, iligtas mo si Sevi!” Bumibigat na ang talupak ng mga mata ko, nanghihina na rin ako sa mga oras na 'to.

Tinatakbo na kami papasok sa loob ng Hospital. Nasa tabi ko lang si Papa at kitang-kita ko ang pag-aalala sa kan'yang mga mata.

“P-pa... s-si Sevi.” Nararamdaman ko na rin ang aking mga luha. Hindi sumasagot si Papa kaya hinanap ulit ng mga mata ko si Sevi.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto kong tumayo at tulungan si Sevi. Nakakainis. Bakit wala akong magawa?! Bakit nangyayari ito sa amin?!

“Come with them inside. I'll call your mother, Santi,” rinig kong sabi ni Papa bago ako pinasok ng mga nurse na kasama namin sa isang kwarto. Naiwan si Papa sa labas. Naiwan ang tingin ko sa kan'ya dahilan para makita ko si Sevi na halos kasunod lang din namin.

Bago magsara ang pinto, kitang-kita ng dalawang mga mata ko ang duguan at walang malay na si Sevi. He's pale and looks hurt.

He's alive, right?

Hindi ko na alam ang sunod na mga nangyari nang may iturok sila sa braso ko. Nagdilim ang paningin ko at nagising sa isang maliwanag na kwarto.

Am I dead?

No! It can't be. Gising na gising pa ako kanina bago ipasok sa operating room.

“Santi?”

Kaagad akong napalingon sa tumawag sa akin. Nakita ko si Papa, at doon ko napagtanto na hindi pa ako patay.

I sighed.

Fvck! Kinabahan ako doon.

“What are you feeling right now? May nararamdaman ka pa bang masakit?” tanong ni Papa habang naglalakad palapit sa akin.

Umiling ako. “I'm pretty good.”

Medyo okay na ako kumpara kanina. Maybe they injected some painkiller.

Pagkalapit sa akin ni Papa, hindi ko maipaliwanag ang ekspresyong pinapakita niya sa akin. Parang may gusto siyang sabihin na hindi ko maipaliwanag kung ano ba 'yon.

Magtatanong na sana ako nang bigla kong naalala si Sevi. Kumusta na kaya si Sevi?

“Pa, si Sevi nga pala. Ano na ang nangyari sa kan'ya?” sunod-sunod kong tanong.

Pagkatapos kong magtanong doon lang pumasok sa isip ko na baka iyon ang gusto niyang sabihin. What's with his face? May nangyari ba na hindi maganda?

A moment of silence enveloped us. And he seems to be looking for the right words to tell the news.

“Pa, just tell me the truth. Whatever it is. Please,” mariing pagmamakaawa ko sa kan'ya.

He let out a deep sigh before parting his lips. “He's in a coma, Santi. May tama ang puso niya dahil sa bakal na bumaon sa dibdib niya. He needs a heart transplant as soon as possible.”

Sa mga unang salita pa lamang ni Papa, para na agad akong nawawala sa sarili. Nilalamig din ako at parang unti-unting naguguho ang lahat sa paligid ko.

This can't be happening. Paanong nangyari na siya ang napuruhan kung ako naman ang dapat na tatamaan ng truck. He saved my life. He always saves me, even when his life is at risk.

Naiiyak akong tumingin kay Papa. “P-pa... meron po ba akong magagawa para iligtas si Sevi? Kailangan niyang mabuhay... k-kailangan siya ng mga kapatid ko.”

Alam ko ang pakiramdam na lumaki ng walang ama, kaya alam ko na ka-kailanganin nila si Sevi. Pinalaki ako ni Mama na puno ng pagmamahal, na kahit wala akong ama ipaparamdam niya sa akin na I don't need one. Pero iba pa rin talaga kung kumpleto ang pamilya.

Growing up, we don't usually talk about my dad, but there were a few times I wish I had one.

Not that I'm complaining, but I also know how to be jealous of other people who grew up with a father and a whole family. That's why I'm happy that Sevi know how to be one.

Hindi lang niya pinaramdam kay Mama, pinaramdam din niya sa akin na mapagkakatiwalaan ko siya na maging isang mabuting ama sa mga kapatid ko. Nakikita ko ang lahat ng paghihirap niya para lang alagaan si Mama, kaya hindi ako papayag na mangyari ulit sa mga kapatid ko ang nangyari sa akin.

I can give my heart.

I will give my heart if that is the only thing that will help Sevi.

“Mahina na ang puso ni Sevi, anak. Mahihirapan na tayo sa paghahanap ng donor. Ginawa ko rin ang lahat ng magagawa ko. Tumawag na ako sa lahat ng Hospital, pero wala--- sorry.” Yumuko si Papa. Nakikita ko naman na ginawa niya rin ang lahat.

If that's the case, my heart is always available.

Masaya na ako na nakikita sila na masaya. Hindi naman ako mawawala, na kay Sevi pa rin ang puso ko.

Hindi ko rin kakayanin na mabuhay kung si Sevi na mas kailangan ng pamilya niya ang mawawala. I can be their father, but I will never be their father.

Iba pa rin talaga ang pakiramdam ng totoong pagmamahal ng isang ama. At nakikita ko iyon kay Sevi. Nakakasiguro ako na mamahalin at aalagaan niya ng mabuti si Mama at ang mga kapatid ko... kahit wala na ako.

Kung dito magtatapos ang kwento ko, at least, nabuhay ako na puno nang pagmamahal.

I am always grateful to my mother for never leaving my side.

To my best friend whom I love and I will always love, thank you for loving my mother unconditionally.

To my brothers, I'm sorry if you can't see me anymore, but I'm guaranteed that I won't be lost in your heart and mind.

To myself, thank you for all your hard work and sacrifices. I pretty sure, even if I'm not around, I will always be in their heart.

I will not be gone, I'm just here, guiding them from above.

Continue Reading

You'll Also Like

Condemn Her By chabilita

General Fiction

8.9K 169 7
Tatiana Faith couldn't have asked for more from her beautiful life and an almost perfect boyfriend - not until she got pregnant by a complete strange...
3.5M 92.8K 58
[WATTYS 2016 WINNER] BOOK 2 OF IMPROBUS ILLE IMPERIUM "Ang mundong iyong kinalakihan hindi mo pa nakikilala ng lubusan. Bawat ngiti katumbas ay kasin...
182K 5.4K 7
BL/short story (COMPLETED)
24.1K 229 8
Warning: 18+ Twins, Valerian and Valerius have shared everything since childhood-except Maze, the object of their affection. In some unexpected turn...