✔ || Hot Mom

By mariyachacha

1M 21.9K 8.3K

PUBLISHED UNDER IMMAC PPH [ WARNING R18 ] A thirty-six-year old single mother who fell in love with her son's... More

Single Mom I
Prologue
Hot 1
Hot 2
Hot 3
Hot 4
Hot 5
Hot 6
Hot 7
Hot 8
Hot 9
Hot 10
Hot 11
Hot 12
Hot 13
Hot 14
Hot 15
Hot 16
Hot 17
Hot 18
Hot 19
Hot 20
Hot 21
Hot 22
Hot 23
Hot 24
Hot 25
Hot 26
Hot 27
Hot 29
READ THIS FIRST BEFORE YOU PROCEED
Hot 30
Hot 30 (OLD VERSION)
Hot 31
Hot 31 (OLD VERSION)
Hot 32 ( OLD VERSION)
EPILOGUE
Epilogue (OLD VERSION)
SPECIAL CHAPTER I (OLD VERSION)
ANNOUNCEMENT 2.0
SOON TO BE PUBLISHED
IMMAC SHOPPE BOOK UPDATE
IMMAC PPH SHOPEE BOOK DETAILS
BOOK GIVEAWAY
BOOK GIVEAWAY WINNER
SANTI

Hot 28

18.4K 541 152
By mariyachacha


Chapter 28

Gael Sevirino Torres

Christmas is a special day to spend in the warm circle of family and friends. But for me, I mostly spent my Christmas with my bestfriend's family.

Lalo na ngayon, tuluyan na akong iniwan ng aking pamilya. Umalis na sila at lumipad papuntang Amerika gaya nang pina-plano ni Mama. Last week pa sila umalis na wala 'man lang paalam.

I sighed as I starred at the 'House For Sale' signage in front of our house. She also decided to sell our house and live on the other side of the world.

Iniwan na talaga nila ako.

Mag-isa na naman akong mag-ce-celebrate ng pasko kaya kay na Santi na naman ako makikigulo. Mabuti pa doon, masaya at alam kong importante ako.

Hindi na ako pumasok at baka hanapin pa ako nila Santi. Maghahanda kami kaya busy ang lahat. Kami ni Santi ang madalas nagluluto, kaya ngayong araw kami pa rin ang cook.

Pinagpapahinga na kasi namin si Tita Crisanta at Manang Linda. Kaya na naman naming dalawa iyon. Easy.

Habang naglalakad pabalik ng bahay nila Santi natigilan ako nang makita ang Lola ni Santi na pababa ng kotse. Kasama rin si Nikita na mukhang buntot talaga ng kan'yang Lola.

“Nandito kaya silang lahat?” rinig kong tanong ng matanda.

Hindi naman ako kalayuan sa kanila kaya rinig na rinig ko ang boses nila. Hindi pa lang din sila napapagawi nang tingin sa direksyon kung nasaan ako kaya hindi pa nila ako nakikita.

“Siguro po, Lola. Nandito po ang lahat ng kotse nila sa labas...” Natigilan si Nikita sa pagsasalita nang makita ako. Nilibot kasi niya ang kan'yang paningin sa paligid at napatingin sa direksyon ko.

“Siya iyong Sevi, hindi ba?”

Lumipat ang tingin ko sa Lola niya na nakatingin din sa akin at kinukumpirma kung sino ako. Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa na parang kinikilatis ang buong pagkatao ko.

Hindi ako nagpatinag sa intensidad na bumabalot sa amin ngayon. Tumayo pa ako nang tuwid at naglakad palapit sa kanila. Kung nandito sila para saktan ulit ang mag-iina ko, daraan muna sila sa akin.

“Ako nga po. May kailangan po ba kayo?” Huminto ako sa labas ng gate nila Tita Crisanta at hinarap ang pamilya niya.

Nakasunod naman ang tingin nila sa akin. Totoong iba ang awra na binibigay ng matandang 'to. Pero para sa pamilya ko sisiw lang siya sa akin.

Napalunok ako nang hinawi ng matanda si Nikita at hinarap ako. Sasampalin niya ba ko? Or bibigyan ng pera para lang layuan ang anak niya?

Natawa na lang ako sa isip ko. Imposible namang mangyari 'yon, galit na galit nga siya kay Tita Crisanta. Tsk.

“Ilang taon ka na nga ulit, Sevi?” tanong niya na hindi ko inaasahan.

Natanong niya na yata ako nito noong nagkaharap kami. Ulyanin na ba siya?

My brows knitted. “Twenty-one po. Bakit niya po ulit tinatanong?”

Walang nagbago sa ekrepsyon ng mukha niya. She still has a commanding presence.

“Sa edad mong 'yan, bakit nagustuhan mo pa rin ang anak ko? Aware ka naman siguro na magkasing edad lang kayo ni Santi. He's your bestfriend, right?“ shee asked with authority in her voice.

Walang preno rin ang kan'yang bibig sa pagsasalita. Kaya hindi na rin nakakapagtaka kung lahat ng taong nakapaligid sa kan'ya kung hindi galit, mayroon na ring pagkakahalintulad sa ugali niya. Like her granddaughter and my Mother.

“Mahal ko po siya, hindi pa rin po ba sapat na dahilan 'yon?”

“Are you trying to make me laugh? Mahal mo si Crisanta? Bakit?” sunod-sunod niyang tanong na parang hindi makapaniwala sa sagot mo. “She's fifteen years older than you, Ijo.”

“I don't see anything wrong with that po.”

“Marami ka pang makilala na mas bata sa'yo. 'Yong makakasama mo pagtanda,” aniya pa, tila kinukumbinsi ako na baguhin ang nararamdaman ko.

I shook my head. “Si Tita Crisanta lang po ang nakikita ko at gusto kong makasama pagtanda.”

“See? You still call her Tita where you should call her by her name or some cheesy endearment for a young adults like you.”

Bigla akong natahimik at napaisip sa sinabi niya. Wala naman sigurong mali kung iyon pa rin ang tinatawag ko sa kan'ya. Nirerespeto ko siya at doon ako nasanay.

“Lola, tama na po 'yan. Nandito po tayo para makipag-ayos kay Tita Crisanta.”

Lumipat ang tingin ko kay Nikita na nasa likod ng Lola niya. Totoo na ba talaga ang pinapakita niya? Kasi kung hindi, wala na akong aasahan pa sa kan'ya na magbago.

“I respect her.” Bumalik ang atensyon ko sa matandang nasa harap ko. “I won't call her anything I want unless she'll tell me to do so. Ayoko pong maging bastos sa nakakatanda sa akin kaya hangga't maaari nag-iingat po ako sa mga sasabihin ko. Kaya kung wala na po kayong sasabihin, puwede na po ba akong pumasok? Marami pa po kasi kaming gagawin.” Nginitian ko sila kahit hindi naman karapat-dapat.

Hindi na siya nakapagsalita. Bahagya na lang akong tumango bago ko sila tinalikuran.

Para na naman akong nakakita ng multo nang pagtalikod ko ay nandoon pala si Tita Crisanta, nakatayo sa may gate.

“K-kanina pa po ba kayo diyan?” I asked, stuttering again.

Umiling siya. “Kararating ko lang. Pumasok ka na sa loob. Ako na ang bahala dito.”

Nagda-dalawang isip pa ako kung susunod ba ako sa utos niya at iiwan siyang mag-isa kasama ang dalawang 'to. Ayokong ipagkatiwala ang mag-ina ko sa katulad nila kung hindi naman nila deserve.

Wala pa rin talaga akong tiwala sa kanila.

“I'm fine, Sevi. Doon ka na sa loob, hinahanap ka na ni Santi.” Umalis siya sa may gate para padaanin ako. “It's okay, Sevi. You should go.” She smiled.

Wala na... ngumiti na siya. Talo na naman ako.

Ngumiti na lang din ako at sinunod siya. Mabagal lang ang bawat paghakbang ko, umaasa na maririnig ko pa rin ang pinag-uusapan nila. Hopefully.

“Hindi ko tatanggapin ang mana. Gawin niyo ang lahat ng gusto niyong gawin doon, sa isang kondisyon...” Mas binagalan ko pa lalo ang paglalakad. “Huwag na kayong babalik dito kung hindi niyo rin naman re-respetuhin ang mga taong mahal ko.”

What?

Mahal niya na ako?

***

Crisanta Gutierrez

I heard him. I heard everything what he said. And that's what made my heart beat faster.

“Hindi ko tatanggapin ang mana. Gawin niyo ang lahat ng gusto niyong gawin doon, sa isang kondisyon...” I paused and looked at her straight into her eyes. “Huwag na kayong babalik dito kung hindi niyo rin naman re-respetuhin ang mga taong mahal ko.”

Sa dami ng nagawa niyang kasalanan sa akin at kay Santi, umaasa pa rin ako na magkakaayos kaming pamilya. Hinihintay ko lang naman na tanggapin niya ako at ang mga taong mahal ko.

I didn't asked her to drive her away, but giving her the choice... to choose me.

I can't read her. She remained silent for a few seconds until her lips parted.

“Okay, I won't bother you anymore,” tipid niyang sagot na iniiwasan kong marinig.

I thought she gonna change her mind. But she still the same person I know twenty one years ago.

She doesn't love me.

“Tara na, Nikita.” Tinalikuran niya ako at hinawakan sa braso ang apo niya.

Tumingin sa akin saglit si Nikita bago binalik sa Lola niya. “La, akala ko ba---”

“I said let's go. We've already get what we need.”

Hindi na nakapalag si Nikita sa Lola niya at sumunod na lang dito. Pinanood ko lang sila hanggang sa makapasok na silang dalawa sa kotse.

“Merry Christmas...” I mumbled as I watched them leave.

Isa na naman sa mga wish ko ang nasayang. Hindi na yata talaga kami mabubuong muli.

Bibisitahin ko na lang siguro si Papa sa bahay sa susunod na araw bago kami tuluyang magkalimutan.

Nagpatuloy ang gabi ko kahit medyo mabigat pa rin ang pakiramdam ko sa nangyari. May pamilya pa rin naman akong uuwian kahit na wala sila. Mas masaya nga lang talaga na wala nang alitan sa pagitan ng aming pamilya.

It's already eleven in the evening. One hour left before Christmas.

"Ma, you want?” alok sa akin ni Santi sa hawak niyang wine.

Kung hindi lang siguro ako buntis hindi ko talaga siya uurungan. “I'm pregnant, remember?” I chuckled.

Tumawa siya na tila inaasar ako. “I know, Ma. Sinisigurado ko lang kung nag-iingat ka ba.” He smiled.

“I am, so thank you for teasing me.” I rolled my eyes, for fun.

“Sige na, Ma. Hahanapin ko lang si Sevi. Kanina ko pa hindi nakikita, e.”

Tumango lang ako bago siya umalis. Iilan na nga lang kami sa bahay nagkakawalaan pa. Saan naman kaya nagpunta ang batang 'yon?

Lumipas ang ilang minuto na hindi na rin nawala sa isip ko si Sevi. Hindi ko rin siya nakikita simula pa kanina kaya tutulong na lang din ako sa paghahanap sa kan'ya. Wala rin naman akong ginagawa.

Tumayo ako at nagtungo sa may hagdan. Maybe he's sleeping or taking a nap. Pagod siya kanina sa pag-aasikaso nitong lahat kaya baka nagpapahinga lang siya.

Paakyat na sana ako nang biglang nagawi ang mga mata ko sa labas ng bahay. There's someone sitting outside alone. Maybe it's him.

Kaagad akong nagtungo sa may pinto at pinagmasdan mabuti kung si Sevi nga iyon. Kanina pa siya nawawala, I didn't expect him to be there alone.

Nang napagtanto kong si Sevi nga iyon ay agad akong lumabas at dinaluhan siya. Malayo ang tingin niya na parang may malalim na iniisip.

“Anong ginagawa mo dito, Sevi?” Umupo ako sa tabi niya at sinundan nang tingin ang tinitingnan niya.

Nasa direksyon ng kanilang bahay ang tingin niya, at kita rin 'yon mula dito. Madalim nga lang sa parteng iyon kaya hindi ko alam kung tama ba ang iniisip ko.

“I spent Christmas alone more often dahil palagi silang wala dito sa Pilipinas, pero ngayon mas ramdam ko nang mag-isa na lang talaga ako. Mukhang hindi na talaga sila babalik. Binebenta na nila ang bahay namin.”

Tama nga ang iniisip ko. Bilang lang sa kamay ko ang mga araw na wala siya dito sa bahay tuwing pasko. I always welcomed him open arms 'cause I how it feels when you celebrate alone without your parents.

At least may Santi ako kaya hindi ko masyadong nararamdaman. Pero siya? Kami na lang ni Santi ang nandito para iparamdam sa kan'ya na hindi siya nag-iisa. Dadagdag pa ang mga kambal para samahan siya.

“So, anong tawag mo sa'min? Si Santi? Itong dalawang bata sa tiyan ko?” May halong biro kong sabi habang nakaturo sa malaki kong tiyan. Hindi naman sa sinisira ko ang moment niya, gusto ko lang siyang pasayahin saglit.

Tatlong buwan na lang din lalabas na itong pinagbubuntis ko, at magiging Tatay na talaga siya.

Tumingin siya sa akin. Nakangiti siya pero bakas ang lungkot sa kan'yang mga mata. “Salamat po, Tita, sa pagtanggap niyo po sa'kin dito.”

I creased my forehead. “If you keep calling me Tita, baka isipin ng mga anak mo na pinsan ka lang nila at hindi ama. So, now, call me Crisanta, or love?” I suggested him. “But I won't call you that--- that thing.” I added and looked away.

I also heard him earlier about that endearments. I'll allow him to call me whatever he wants but I won't do the same. It's not my thing. Never.

Ayos na ako sa pangalan lang, basta matatawag ko siya kung kinakailangan.

“S-sure po kayo?”

Nilingon ko siya at nginitian. “Ngayon ko lang ginawa 'yan, kaya umayos ka kung ayaw mong mapatalsik sa bahay ko.”

Kung kanina ay halos umiyak na siya habang kausap ko, ngayon naman ay abot langit na ang kan'yang mga ngiti.

“Then, I'll call you Love... from now on?” pag-uulit pa niya para kumpirmahin ang sinabi ko.

I nodded. “Sure. Huwag mo lang aasahan na tatawagin din kitang Love. It's not my thing anymore. Matanda na ako, hindi na uso sa akin ang gan'ya---”

I could not continue what I was going to say.

He kissed me.

“I no longer care what you call me. What's  more important is...” he paused and took a deep breath. “Tayo na?” he asked.

“Sinasagot pa ba 'yan? We're having a baby, Sevi. Hindi lang isa, kun'di---”

“I love you po.” Pagputol na naman niya sa sasabihin ko.

He kissed me again, but this time it's not a secret anymore.

Continue Reading

You'll Also Like

24.1K 229 8
Warning: 18+ Twins, Valerian and Valerius have shared everything since childhood-except Maze, the object of their affection. In some unexpected turn...
19.4K 32 2
DESPERADA SERIES 1: WITHIN YOUR LIES (COMPLETED) Sebastian Mattheo Hidalgo x Aoi Rihann Perez "You're mine now, woman. And you can't run away from me...
110K 4.3K 19
Touching every part of your body is heaven to me. But being with you is a hell for everyone. CS#1
63.6K 891 20
RATED 18+ Violence, Sex, Nudity, Language, Substance, Sexual Violence, Suicide You CAN SEE the PAIN in HER EYES. YOU CAN HEAR the PAIN in HER CRIES. ...