Ikaw Ang Pangarap (Completed...

By Gidgetwitty

1.3M 9.9K 3.8K

"Ikaw ang pangarap ko, Celine! Ang babaeng nagpatibok sa pihikan kong puso." Paanong paniniwalaan ni Celine... More

Chapter 1 (First Meeting)
Chapter 2 (Love is in the air)
Chapter 3 (Asaran ang peg)
Chapter 4 (It might be you)
Chapter 5 (Suyuan)
Chapter 6 (Revelation)
Chapter 7 (Always)
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 13 List of readers with comments
Chapter 14
Chapter 14 List of readers with comments
Chapter 15
Chapter 15 Lists of Readers with Comments
Chapter 16
Chapter 16 Readers with comments
Chapter 17
Chapter 17 (Readers with comments)
Chapter 18
Chapter 18 (Readers with Comments)
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Message for my readers
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
chapter 39
Chapter 40 (Life after 2 Years)
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45 (The Final Chapter and Epilogue)
Attention to all readers:

Chapter 44

21.2K 194 34
By Gidgetwitty

Chapter 44

    Please play the music.

  "Ethan!!!" Humahagulgol na nakasalampak sa damuhan si Isabel habang nakaalalay dito si Celine na tahimik na umiiyak.

  "May awa ang Diyos, Isabel. Makikita rin nila si Ethan." Yumakap si Celine sa pinsan na nanginginig ang buong katawan.

  "Mahal na mahal ko si Ethan. HIndi ko kakayanin kung mawawala siya sa akin, Celine." Patuloy ito sa pag-iyak.

   "Bilis! Tulungan ninyo kami dito!   

   "May tao dito!"

   "Himihinga pa ito, Sir!"

   "Bilisan ninyo, kailangan madala agad ito sa ospital!

   Sabay na napatayo si Celine at Isabel nang marinig ang kaguluhan mula sa mga bombero. Maya-maya lang ay nakita nilang buhat ng mga ito ang walang malay na lalake papunta ng ambulance.

  "Ethan! Oh my God!" Tumakbo si Isabel patungo sa stretcher. Sumunod si Celine sa pinsan.

    May nakatakip na oxygen mask kay Ethan. Nakapikit ang mga mata nito. May mga natamo itong sunog sa mga braso at dibdib pero sa di maipaliwanag na dahilan ay wala itong sugat kahit isa sa mukha.

   Hinawakan ni Isabel ang palad nito. "Ethan, please gumising ka.  Huwag kang susuko please. Mahal na mahal kita."

   "Ma'am, sumunod na lang po kayo sa ospital. Kailangan pong madala agad si Sir."

   "Hindi, sasama ako sa kanya!" Umiiyak na sabi ni Isabel.

   "Ma'am, sumun___" mag-proprotesta pa sana ang paramedic ngunit nang makita nito ang maamong mukha ng dalaga na puno ng paghihinagpis ay lumambot ang puso nito. "Sige po, Ma'am. Sakay na po kayo."

    "Isabel, susunod agad kami sa ospital," sabi ni Celine.

    Tumango lang si Isabel. Hawak pa rin nito ang kamay ni Ethan.

   Kaaalis lang ng ambulansya nang dumating ang mga in-laws ni Celine. Nakapangtulog pa ang mag-asawang Romulo at Carmela, pinatungan lang ng mga ito ang suot ng roba. Ngayon lang nakita ni Celine na magulo ang mga buhok nito, halatang hindi na nagkaroon ng oras para magsuklay.

   "Celine, salamat at ligtas kayo ng mga bata." Umiiyak na niyakap ni Carmela ang manugang. Samantalang pinutahan naman kaagad ni Romulo ang mga apo na hawak ng mga yaya.

   "Mama, si Ethan po dinala sa ospital. Kailagan po nating sumunod na," humihikbing wika ni Celine.

   "Si Ethan? Paanong___" naguguluhang tanong ni Carmela.

   "Niligtas niya po kaming lahat kanina nang magkasunog. Pero bago po siya nakalabas ay may sumabog sa loob ng mansyon," kuwento ni Celine habang lumuluha.

   "Oh my God! Is he okay?" napatutop ito sa bibig. Nayanig sa narinig.

  "Hindi ko po alam. Sumama na po si Isabel sa ambulansya."

  "Si Liam, kailangang tawagan si Liam," sabi ni Carmela.

  "Ako na ang tatawag. Let's go, kailangan na nating iuwi ang mga bata sa mansyon. Then we can go to the hospital," sabi ni Romulo. Kalong nito si Andrew.

  "Liam, ang papa mo ito," umpisa ni Romulo nang mabosesan sa kabilang linya ang kagigising na anak.

   "Pa? Bakit kayo napatawag ng ganitong oras? Is everything okay?" biglang naging alerto ang boses nito.    

  "Listen, please don't panic. Ligtas ang pamilya mo, nagkaroon ng sunog sa mansyon ninyo kanina."

   "What?!!! Si Celine at ang mga anak ko?" natataranta nitong bulalas.

   "As I said, ligtas silang lahat. Pero Liam, si Ethan na sa ospital ngayon. Actually, we are on our way there."

    "Jesus! What happened?"

    "Niligtas niya ang mag-anak mo. Hijo, naka-stand by na ang company plane natin sa airport para makauwi ka kaagad."

    "I'm leaving right now. I need to speak to my wife, Pa."

  "Celine, kakausapin ka ni Liam." Inabot nito ang cell phone sa manugang.

     "Hello, Liam!"

     "Honey, are you okay? Ang mga babies natin?"

   "Maayos kaming lahat, hon. Please umuwi ka na," nagsimula na namang pumatak ang mga luha ni Celine.

     "I'm on my way to the airport, honey. I'll see you soon. I love you!"

     "I love you too, Liam.

     Nadatnan nila si Isabel sa waiting room ng ospital.

     "May balita na ba kay Ethan?" tanong kaagad ni Carmela sa dalaga.

   "Ka-aadmit lang po sa ICU, Tita. Iniintay ko po ang doktor na lumabas."

    Napalingon silang lahat nang lumabas ang isang doktor galing sa loob ng ICU.  Lumapit ito sa grupo nila.

  "Kayo po ba ang pamilya ni Ethan Rodriguez?" magalang nitong tanong.

     "Kami po, doktor. Kumusta na po si Ethan?" tanong ni Carmela.

   "He suffered first and second degree burns all over his arms and chest. Masuwerte siya at hindi malala ang mga sugat niya. Inilagay lang namin siya sa ICU for precaution dahil delikado siya sa infection. He's on antibiotics and pain killer. He will also need dressing changes twice a day and daily cleaning of the wounds to remove dead skins. Otherwise, I don't anticipate any more complications. And by the way, gising na rin siya." Mahabang paliwanag ng manggagamot.

    "Thank you, doc!" sabay-sabay na bulalas ng grupo.

    "Kailan po namin pwedeng puntahan si Ethan?" tanong ni Isabel.

    "Give the nurses at least another 30 minutes then you can go and see him for a short period. Just make sure you don't tire him," babala nito sa ma-authoridad na boses.

    "Diyos ko, salamat po at niligtas ninyo si Ethan." Napaiyak na sambit ni Isabel.

     Napayakap si Celine sa pinsan. "Ang bait talaga ng Diyos, Isabel!"

     Please replay the song.

    "Ethan," mahinang bulong ni Isabel sa nakapikit na lalake. Nakabenda ang mga braso nito at dibdib.

    Dahan-dahang nagmulat ito ng mga mata. "I-Isabel," anas nito.

   "Ethan, kumusta ka na? May masakit ba sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Isabel.

   "O-okay na ako, m-medyo kumikirot ang mga sugat ko but I feel better."

     "Akala ko, iiwan mo na ako," tumulo ang mga luha nito.

    "P-pwede ba naman iyon, hindi pa tayo nag-uusap ng masinsinan," bahagyang ngumiti si Ethan.

   "Kaya nga magpagaling ka kaagad."

   "Para sa iyo, Babe."

  "Sige, magpahinga ka na. Bawal kang mapagod sabi ng doktor. Babalik na lang ako uli mamaya," paalam ni Isabel.

   "Isabel," tawag ni Ethan nang tumalikod na si Isabel para umalis.

   Napalingon uli ang dalaga. "May kailangan ka pa, Ethan?"

  "Pwede bang makahingi ng isang kiss para gumaling agad ako?" inosentei nitong hiling.

     Napangiti si Isabel sa anyo nito. Lumapit ito para gawaran ng halik sa pisngi ang lalake pero umiling ito. "Sa lips please."

    "Wow, ikaw ha!" Pagtataray nito kunyari.

    "Sige na, di ba gusto mo akong gumaling agad?"

    Walang magawa si Isabel kung hindi sundin ang hiling nito.

   "I love you, Isabel," bulong ni Ethan.

   "I love you too, Ethan."

     "Celine!" Tumakbong nilapitan ni Liam ang asawa sabay yumakap ito ng mahigpit. 

      "Liam! Mabuti at nakarating ka kaagad."

     "Kung pwede ko lang liparin kaagad ang Pilipinas ay ginawa ko na. Are you really okay?" Sinipat nitong maige si Celine.

      "Okay ako," nakangiting nitong sagot.

      "Ang mga babaies natin?" nag-aalala pa rin ang tono ng boses nito.

      "Walang problema. Pero bukas dadalhin ko sila sa pediatrician nila para ma-check na rin."

       "Sasamahan ko na kayo sa check up."

       "O ito na pala si Isabel, tayo naman ang pumasok sa loob. Two at a time lang kasi ang pwedeng dumalaw kay Ethan sa ICU," sabi ni Celine.

       "Nasaan nga pala sila Mama at Papa?" tanong ni Liam sa asawa.

     "Kauuwi lang. Nag-aalala kasi sa mga apo nila. Sila ang unang dumalaw kay Ethan kanina," kuwento ni Celine.

        "Tara, hon. Puntahan na natin si Ethan."

       "Hi Cuz!" bati ni Liam.

       "Hi Liam, Celine," nakangiting sagot ni Ethan.

       "Ethan, thank you sa lahat ng ginawa mo para sa pamilya ko. Thank you for saving them," seryosong sabi ni Liam.

       "Kahit sino ay gagawin ang ginawa ko, Liam."

      "Hindi, Ethan. Iba ka, napakabuti ng puso mo," madamdaming sabad ni Celine. "Salamat, Ethan."

       Bahagyang tumango si Ethan, halatang naaasiwa sa mga papuri ng mag-asawa.

      "I owe you big time, cousin! How can I ever repay you?" biro ni Liam.

        "By agreeing to be my bestman," simpleng sagot ni Ethan.

     Sabay na napanganga si Liam at Celine sa masayang mukha ni Ethan.

       After two months...

      Habang pinapatayo muli ang bagong mansyon nila Liam at Celine ay nakapisan muna ang mga ito kina Don Romulo at Dona Carmela.

    "Daddyyyy!!!" sigaw ng kambal nang makitang dumating si Liam galing sa trabaho.

     "Hello my two beautiful princesses!" Yumuko ito para buhatin ng sabay ang dalawang bata.

        "Daddy, I miss you!" sabi ni Kimmy.

        "Me too, daddy!" ayaw patalo na sabad ni Alexa.

       "I have a surprise for both of you," masayang sabi ni Liam sa mga anak.

         What is it, daddy?" sabay na tanong ng mga ito.

         "Let's go outside."

        "Yehey, daddy. Dog!" Bulalas ng dalawang paslit. Nagmamadali itong bumaba sa bisig ng daddy nila para malapitan ang labrador retriever na tuta.

          "Daddy, what's her name?," natutuwang tanong ni Kimmy.

          "Sweetheart, it's a he," natatawang sagot ni Liam.

          "A boy puppy?" inosente nitong sabi.

          "What about Max? It's a strong name," mungkahi ng ama.

          "Okay, daddy. I like Max!" Tumalon-talon na sang-ayon ni Alexa.

          "I guess Max is okay," nag-iisip na wika ni Kimmy.

       "Anong nangyayari dito, mukhang nagkakatuwaan kayong mag-ama," puna ni Celine na sumunod sa labas.

          "Mommy, daddy got us a dog," nagmamalaking bida ni Kimmy.

          "And his name is Max!" sabad ni Alexa.

          Umakbay si Liam sa asawa.

          Please look at the photo.

         "Hmmm, who's going to clean after him and who's going to feed him?" kaswal na tanong ni Celine habang nakatingin kay Liam.

          "Daddy!!!" sabay na sagot ng kambal. Sabay hagikgik.

          Napakamot na lang sa batok si Liam.  

      Si Ethan naman ay tuluyan ng gumaling. Wala na itong benda, at tuyo ng ang mga sugat nito sa katawan. Si Isabel naman ay hindi na tumuloy sa Singapore nang mag-propose ng kasal ang nobyo.

      "Thank you for not giving up on us, Isabel," seryosong sabi ni Ethan. Kasalukuyan silang nakaupo sa sala ng oras na iyon.

     "You are my life, Ethan."

     "I love you more each day, Isabel."

    "I love you too, Babe."

    "Pwede ba tayong magpakasal na next month? Ang tagal pa ng six months," reklamo nito.

    "Kaunting tiis pa. Paunahin na muna natin sila Celine. Tutal ikakasal na sila in three months sa church. O tapos after another three months tayo naman, di ba?"

     "Ang tagal ko pang mag-iintay nito," Napabuntong hininga ito.

    "Ayaw mo niyan para mas lalo kang masabik sa akin," tudyo ni Isabel.

      "Pwede bang mag-advance na lang," pilyo ang ngiti nito.

      "Hindi po pwede. Dalagang Filipina yata itong magiging misis mo," tanggi ni Isabel.

        "Doon din naman ang punta non."

       "Ah basta, magtiis ka na lang muna," umirap ito sa lalake.

        Napailing na lang si Ethan habang nakatitig kay Isabel.

******May isang kabanata na lang po ang natitira bago matapos ang istorya na ito.

        Thanks for reading!!!

@Gidgetwitty (If you want to follow me on Twitter and Instagram)

Gidget Corpuz (Facebook)

http://www.facebook.com/groups/gidgetwitty/  (Please join our open reading group Kim Xi FanFic Stories by Gidgetwitty)

www.facebook.com/KimXiFanFicStoriesByGidgetwitty. (Please like our fan page also. Thanks.)           

Continue Reading

You'll Also Like

75.8K 1.6K 45
(MIKHAIAH) an 18+ STORY
48.5K 1.1K 21
Paano kung ma-inlove si Ken Chrysander na isang certified playboy sa isang gangster-girl like na katulad ni Neko, na wala man lang ka-inte-interes sa...
116K 2K 41
Whenever someone mention the name SUE MELODY SANCHEZ ang palaging nasasabi ng mga tao is: "Damn that Sexy, naughty, bitchy girl." Lahat siguro ng mag...
63.7K 533 10
Ang kwentong ito ay umiikot sa pinakasikat na Love Team ng Pilipinas. Blitzen Claus has always been the ultimate matinee idol. Gwapo, mayaman, magino...