Chained to the Past (Imperfec...

By zxantlyx

175K 2.9K 200

[Imperfect Girls Series #2] Jade Emersyn Cuevas has always been played by her past boyfriends. She either get... More

Chained to the Past
Introduction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39 (Part 1 of 2)
Chapter 40 (Part 1 of 2)
Chapter 40 (Part 2 of 2)
Epilogue
Author's Note

Chapter 39 (Part 2 of 2)

3K 50 7
By zxantlyx


Chapter 39 (Part 2 of 2)

Tahanan

PUMASOK ako sa loob ng kotse ni Hugh.

Agad akong napangiti nang maliit nang maamoy ang pamilyar na pabangong amoy baby. Iyon pa rin ang gamit niya pagkatapos ng dalawang taon dahil lamang sinabi ko.

"Talagang pinanindigan mo na 'yong pabangong 'to, ano?" saad ko.

Napatingin ito nang sandali sa akin. "Yeah. You told me that you liked that smell on me, so that's what I use."

Gumala ang aking tingin sa loob ng kanyang kotse. Tagal ko na rin kasing hindi nakakapasok dito! Isang buong taon din.

Nang dumapo ang aking tingin kay Hugh ay agad kong nadatnan itong may maliit na ngiti sa kanyang labi habang nakatingin sa harapan.

Agad pumasok sa aking isipan ang pagtataka. "Bakit ka pala nandito? Akala ko ba may aayusin ka sa bar?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Tumingin ito ng sandali sa akin at agad binalik ang tingin sa unahan. Nagkibit-balikat ito bago nagsalita. "I left," maiksi niyang sagot.

Bahagyang umangat ang aking kilay sa sinagot niya. "Luh, ba't ka umalis? Malapit nang gumabi. Dadami na ang customers niyo," sabi ko at tumingin pa sa orasan ng aking cellphone.

"They can handle it. They've done it for a whole year, half a day wouldn't be a problem," simple niyang sagot.

Hinayaan ko na lamang siya pagkatapos noon. Sandali lamang ang kanyang ginugol sa pagmamaneho dahil sobrang lapit lang talaga ng coffee shop sa aking condo.

Nang makarating ako sa harap ng elevator ay mabilis akong tumigil at tumingin kay Hugh na nasa likuran ko lamang. Nakapamulsa na ito habang nakatingin sa akin.

"Alis ka na," maliit ang ngiti kong sabi sa kanya. Bahagyang tumaas ang kanyang kilay, nagulat sa aking sinabi. "I mean, kasi, kailangan ka talaga nila sa bar, Hugh!" pagbawi ko.

Tumawa ito nang mahina at saka umiling. "Nope. I'm still taking you home," pagpupumilit niya.

Umawang ang aking labi nang lagpasan niya ako at tuloy-tuloy na pumasok sa nakabukas na elevator. Walang tao doon at kaming dalawa lamang ang nasa harapan ng elevator.

Wala akong nagawa kung hindi ang pumasok sa loob at samahan siya. "Pagkatapos mo akong ihatid sa condo, aalis ka na?" tanong ko ulit habang dahan-dahang sumasarado ang pintuan ng elevator.

Nakatingin lamang ako sa kanya, hinihintay ang kanyang sagot. "No," sagot niya sabay iling.

Bumagsak na lamang ang aking balikat nang marinig iyon. Mukhang wala na talaga akong magagawa kung hindi hayaan na lamang siya.

Tahimik lamang kaming dalawa hangga't sa makarating na kami sa floor ng aking condo. Mas nauna akong lumabas sa kanya at nanatili siyang nasa likuran ko.

Nang makapasok ako sa loob ng condo ay mabilis kong binuksan ang ilang ilaw sa loob at agad tumingin sa kanyang gawi, hinihintay siyang makapasok nang tuluyan. He closed the doors behind him.

Nang makarahap ito sa akin ay mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit sa kanyang baywang. Tumingala ako para makita siya at nadatnan ko na lamang itong nakatungo sa akin.

Nanlaki pa ang kanyang mga mata dahil sa pagkabigla ngunit mabilis iyong napalitan ng maliit na ngiti. Naramdaman ko na lamang ang kanyang braso na pumapalibot din sa aking katawan at hinihila ako sa baywang, mas malapit sa kanya.

Ngumiti ako nang malawak sa kanya nang maramdaman ko ang malakas na pagkabog ng kanyang puso. It was beating so fast, just like mine!

Agad na nagtagpo ang aming mga mata. I felt how his body vibrated against mine when he let out a soft laugh. Ramdam ko ang marahan niyang paghaplos sa aking baywang.

"Why are you suddenly hugging m-"

Napatigil ito sa pagsasalita nang mabilis akong tumingkayad at inabot ang kanyang mukha. Mabilis ko siyang pinatakan ng halik sa labi dahilan para mapatigil ito. "Thank you," makulit kong saad.

Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso kasabay ng mas paglawak ng aking ngiti. His eyes widened because of what I did. Natawa pa ako nang mahina dahil sa reaksyon nito.

"Hmm... Na-miss kita," bulong ko at sinubsob ang aking mukha sa kanyang leeg. Nang kumuha ako ng hangin ay mabilis na inatake ang aking ilong ng mabango nitong amoy.

Now, this is home. Siya ang tahanan ko.

Mas lalo ko lamang hinigpitan ang aking yakap at mas siniksik pa ang aking sarili sa kanya.

Ilang segundo pa ang lumipas nang maramdaman ko ang unti-unting pag-init ng aking mukha nang mapagtanto ang aking ginawa kanina.

Tangina, nahihiya na tuloy ako! Sino ba naman kasi ang bigla-bigla nalang manghahalik? Wala pa ngang kami!

We still haven't talked about us. Masyado akong nalasing kagabi para makapag-usap kami nang matino. Hindi ko na nga maalala ang kalahati ng nangyari kagabi!

Ramdam ko ang pagkawala ng init ng palad ni Hugh sa aking baywang at naramdaman iyon sa aking leeg. He tried to gently hold me on the side of my face, wanting for me to face him.

Umiling ako at mas siniksik pa ang aking sarili sa kanya. "'Wag. Nahihiya ako..." bulong ko sa kanya.

Natawa ito nang mahina at nanatili ang kanyang mga kamay sa gilid ng aking mukha. Hinaplos niya ang buhok ko at saka ako hinalikan sa taas ng ulo.

"I love you, Jade," he whispered.

Mas lalo lamang lumakas ang kabog ng aking puso sa binulong nito. He said it so many times to me already, but hearing it, with him beside me really hits hard. Isang taon ko rin iyong hindi naririnig nang malapitan.

Tahimik lamang kaming dalawa habang mahigpit pa rin akong nakayakap sa kanya. Nang unti-unti nang mawala ang pag-init ng aking mukha ay muli ko na siyang hinarap.

Our faces were only inches apart when I looked up at him. Ngumiti ako sa kanya at muling inabot ang kanyang labi. Napapikit ako nang magtagal ang aming labing magkalapat. Finally, for the longest time, I've finally felt his soft lips on mine.

Ang isa niyang kamay ay nasa gilid pa rin ng aking mukha, habang ang isa ay nakasuporta sa aking leeg. Ramdam ko ang haplos ng kanyang hinlalaki sa doon.

Lalayo na sana ito mula sa aking pagkakahalik nang mabilis kong ipinalibot ang isa kong kamay sa kanyang leeg at hinila siya pababa sa akin.

I moved my lips against his, making him moan. Bahagyang umangat ang gilid ng aking labi nang marinig iyon mula sa kanya.

Pucha. Oo, na-miss ko siya. But, I also missed his soft lips. Sino ba namang hindi?

Iginaya ko ang aking ulo sa gilid nang maramdamang tumugon na ito sa aking mga halik. I opened my mouth to kiss him better, at hinayaan niya lang ako.

Naramdaman ko na lamang ang kanyang kamay na nasa aking pisngi na gumapang papunta sa aking baywang.

Mas hinigit niya ako palapit sa kanya dahilan para tuluyan nang magdikit ang aming mga katawan. Ramdam na ramdam ko ang kanyang matigas na dibdib sa akin. Inangat ko ang isa ko pang kamay at pinulupot din iyon sa paligid ng kanyang leeg. My hands started to play with his soft, black hair.

Tanging ang tunog lamang ng aming mga labing naglalapat ang aking naririnig sa loob ng medyo madilim at tahimik kong condo. Hindi ko na lamang namalayan na unti-unti na pala akong napapaatras.

Naramdaman ko na lamang ang aking likuran na tumama sa couch dahilan para mapaupo ako at mapabitaw mula sa kanya. I opened my lazy eyes, getting dizzy because of his kisses. Nakita ko ang pamumula ng kanyang mukha pababa sa kanyang leeg.

His lips quickly chased mine when I suddenly sat down on the couch. He once again kissed me hungrily and I responded back with the same intensity, even giving him more. Napaungol na lamang ako sa pagitan ng aming paghahalikan nang marahan niyang kagatin ang aking pang-ibabang labi.

Ang kaliwa kong kamay ay gumapang sa gilid ng kanyang leeg habang ang isa naman ay inabot ang unang butones ng kanyang dress shirt na suot.

Without breaking the kiss, I tried to remove the buttons of his black dress shirt. Ramdam na ramdam ko na ang pag-iinit ng aming paligid habang ang mga kamay ko naman ay nanlalamig sa kaba.

Ngayon ko lang ulit 'to gagawin pagkatapos ng dalawang taon. 'Di ko na nga maalala ano bang pakiramdam noon.

I successfully unfastened three of the buttons from his dress shirt. Naramdaman ko na lamang na lumapat ang aking kamay sa kanyang mainit na dibdib, dinadama iyon. I earned a groan from him as his hand reached for mine.

Mabilis siyang lumayo mula sa aking mga labi. Agad nagsalubong ang aking kilay sa ginawa nito at napatingin sa kanya, gusto pang habulin ang kanyang labi.

"Hu—"

Naputol ang aking pagtawag sa kanyang pangalan nang maramdaman ko ang mahigpit niyang paghawak sa aking kamay.

Naguguluhan akong tumitig sa kanyang mukha. Nakakunot ang kanyang noo habang nakapikit pa rin ang mga mata. His lips were swollen while his neck was already crimson red. He looked like he was in pain as he slowly placed my hand down to my side.

Malakas ang kabog ng aking puso kasabay ng pagbagsak ng aking balikat.

Ah... Ayaw ba niya? Naiintindihan ko naman. Wala pang kami. If he only does it with his lovers, then I understand and respect his preference.

"S-Sorry..." mahina kong sabi at umiwas na ng tingin mula sa kanya. Kusa na akong lumayo at sinandal ang aking likod sa couch. I bit my lower lip and took in a deep breath.

I need to calm myself down. Masyado na akong nag-iinit.

Napatingin ako sa kanyang gawi nang marinig ang malalim nitong pagbuntong-hininga. Pinanood ko siyang lumuhod sa aking harapan at tinukod ang kanyang braso sa gilid, kinukulong ang aking katawan sa pagitan ng kanyang mga braso.

Mabilis ang pagtaas-baba ng aking dibdib habang hinihintay ko ang susunod nitong gagawin. Kahit siya ay ganoon din, mabilis at malalim ang paghinga. Nang tumingin ito sa akin ay bahagya pa ring nakakunot ang kanyang noo.

"No, Jade. I just—It's not that I don't want to do it with you. Believe me, I want to," hirap na hirap niyang saad.

Bahagyang nanlaki ang aking mga mata nang marinig iyon. Then why did he stop? I was already the one who's initiating it, so I'm sure he knows that I also wanted it. Hindi rin naman ako lasing ngayon.

Agad nagtagpo ang aming mga mata at mas naramdaman ko pa ang paghigpit ng kanyang hawak sa aking kamay. I saw how frustrated he was just by looking at his eyes. Lumipat ang aking tingin sa aming kamay nang pagsiklupin niya iyon.

"But, I can't do it with you if I have something else in mind. I want to give you my full attention when we do it," dagdag niya.

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at dahan-dahang tumango. Muli akong humugot ng malalim na hininga. "Ano bang nasa isip mo?" mahina kong tanong.

Muli itong humugot ng malalim na hininga. "You were with Jake earlier... You didn't tell me he was the one you were meeting," he softly said.

Tuluyan na niyang nakuha ang aking buong atensyon sa sinabi niya. He saw Jake? Ayaw ko lang naman na mag-alala siya kaya hindi ko agad sinabi...

"Sorry, hindi ko muna sinabi sa'yo sa text dahil baka mag-alala ka. Plano ko naman talagang sabihin sa'yo pagkatapos," pagpapaliwanag ko.

Nanahimik ito nang marinig ang paliwanag ko. Nagtagpo ang aming mga mata at kitang-kita ko doon ang pagdadalawang-isip. It's like he's having doubts.

"May problema ba tayo?" tanong ko pa. "May kailangan ba akong ayusin? Sabihin mo na agad. I don't want us to have any miscommunication."

He let out a soft sigh and averted his gaze from me. Inangat pa niya ang isa niyang kamay at saka pinagsiklop ang isa pa naming mga kamay.

"W-What if your feelings for him come back? What if he wants to get back with you, and he will do anything just to do that?" nag-aalala niyang tanong.

I felt how my heart clenched just by seeing him worrying. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. I've never seen him feel this... insecure and doubtful of himself and us. Nasanay akong sobrang pursigido siya.

Pero siguro nga ay nag-iba na 'yon ngayon. Sinabi ko na sa kanya na gusto ko na rin siya pabalik kaya mas nag-aalala siyang mawala ang kung anong mayroon kami ngayon. Ganoon din naman ako. Ayaw kong mawala siya.

I leaned down on him and went in nearer. Bumitaw ako mula sa pagkakahawak ng kanyang mga kamay at kinulong ang kanyang mukha sa pagitan ng aking mga palad. Mabilis akong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa noo. Pagkatapos ay marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi.

Sobrang lakas ng kabog ng aking puso habang iniisip kung itutuloy ko ba ang sasabihin ko sa kanya. Baka isipin lang niyang sinasabi ko ang mga katagang iyon dahil sa nangyayari ngayon.

Sa huli ay napagdesisyunan kong hindi pa rin iyon sabihin. My lips lingered and stayed on his forehead for a while. Lumayo lamang ako nang kaunti para magsalita.

"I like you, Hugh. Ikaw lang ang gusto ko at gugustuhin ko," buong puso kong bulong sa kanya. "So, please, sabihin mo sa akin kung ano pa ang bumabagabag sa isip mo. Sasabihin at ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat," dagdag ko at muling tumingin sa kanya.

I saw how a small smile reached his lips when he heard my response. Napangiti din ako dahil doon. I like this. Hindi na namin hinahayaan pang lumipas ang ilang araw para lamang maayos ang isang problema. I like how open we are with each other.

Inayos ko muna ang pagkakalagay ng kanyang damit at binalik ang pagkakabutones noon. Hindi ko na alam kung paano kami napunta sa posisyon kung saan siya ang nakahiga sa couch habang ang kalahati ng aking katawan ay nakapatong lamang sa kanya. Pilit naming pinagsisiksikan ang aking katawan sa couch.

Ang aking ulo ay nakalagay sa kanyang dibdib, habang ang isa niyang braso ay nakapulupot sa aking likod, iniiwasan akong mahulog. Ramdam ko ang bawat haplos ng kanyang kamay sa aking baywang habang nilalaro naman ng isa ang aking buhok.

"Nag-usap lang kami ni Jake. Nag-sorry siya dahil hindi na daw niya kinayang lagi niyang naiisip," maiksi kong pagpapaliwanag. "Nagpyansa pala siya ilang buwan lang matapos ipakulong ni Papa. Grabe, hindi manlang siya nagtagal doon..." nanghihinayang kong dagdag.

Tumingala ako sa kanya para tingnan ang kanyang reaksyon. Nanatili siyang seryoso, mukhang malalim ang iniisip.

Muli kong binalik ang pagkakapatong ng aking ulo sa kanyang dibdib at mas isiniksik pa ang aking sarili sa kanya.

"Pwede namang hindi pa rin tayo hangga't hindi ka pa talaga sigurado. Maghihintay naman ako. Gusto kong mawala muna ang lahat ng doubts mo," mahina kong bulong.

Ayaw kong magiging kami nang dahil lamang umuwi siya, nandito na sa tabi, kahit nagdadalawang-isip pa naman siya. I don't want him getting any doubts. I want to assure him first that he's the only one.

Marahan kong tinataas-baba ang aking kamay sa kanyang dibdib, hinahaplos iyon. Muli akong tumingala at mabilis siyang hinalikan sa kanyang baba.

"Maghihintay ako, Hugh. Lagi naman akong maghihintay sa'yo," I said with a small smile painted on my lips.

Wala naman masyadong nagbago sa pagitan naming dalawa pagkatapos noon. We both decided that we were still exclusively dating, but not in a relationship.

Araw-araw ay magkasama kami. Tuwing may pasok ako ay siya ang nagpupunta sa akin condo, o di kaya'y ako ang pupunta sa kanyang bar. Tuwing weekends naman ay awtomatikong nasa bahay niya kami.

I treated him as if he was already my partner. Gusto kong iparamdam sa kanyang siya lang.

Para bang magkakonekta ang aming utak nang malamang may koneksyon na ulit si Maia at Andre. Nang mag-birthday si Hugh, ilang linggo matapos niyang makauwi ay nalaman ko na lamang na sinusubukan niya ulit na paglapitin ang dalawa.

Wala akong masyadong maalala noong gabing iyon dahil sa sobrang kalasingan. Tangina kasi ni Kaylee eh! Siya 'yong kaibigan ni Hugh na nilasing ako.

A few days after that, I already got the promotion that I have long been waiting for. Malawak ang ngiti akong naglakad papunta sa gawi ni Nica. May maliit lamang na ngiti sa kanyang labi at nang makalapit ako ay mabilis niya akong niyakap.

"Congratulations, Jade. I'm really proud of you," mahina niyang bulong.

"Thank you, Nica! Sa bar ni Hugh, ah? Celebrate tayo!" tuwang-tuwa kong saad. Tumingin pa ako sa iba ko pang katrabaho at inaya rin sila.

Nang makarating ako sa lobby ay agad kong nakita ang kotse ni Hugh sa harapan. Mabilis akong naglakad papunta doon at saka sumakay sa passenger's seat.

"Congrats, Jade," bati sa akin ni Hugh. Nang tumingin ako sa kanyang gawi ay nakita ko itong may hawak-hawak na bouquet.

Mas lalong lumawak ang ngiti sa aking labi at tinanggap iyon. Hinalikan ko siya pisngi at tinitigan ang bouquet na puno ng mga pulang rosas.

"Salamat, Hugh..." bulong ko. Ilang minuto ko pa 'yong tinitigan hangga't sa maalala ko ang kanina ko pa naiisip na ideya. "Nga pala! Tingin mo ba okay lang na imbitahin ko si Andre? Alam kong puro ka-team ko lang naman ang imbitado, pero kasi imbitado rin si Maia..." tanong ko sa kanya.

Natawa ito nang mahina at saka sinimulan ang makina ng kotse. "He's still your friend, Jade. You can call him, especially if it's for Imo," sagot niya na ikinatuwa ko naman.

Mabilis kong kinuha ang aking telepono at tinawagan si Andre. Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot.

"Good evening, Jade. What's with the call?" bungad niya.

"Invite kita sa small party ko, Andre! As a friend," sabi ko. "Na-promote na 'ko, 'di ba?" dagdag ko pa. Baka kasi 'di niya na naalalang napromote ako sa sobrang dami niyang ginagawa!

Narinig ko ang mahina nitong pagtawa sa kabilang linya. "I can't attend it as your friend, Jade. Your workmates might see it in a wrong way," sabi nito.

Napalabi ako kasabay ng pagbagsak ng aking balikat. "Eh, as a boss? Bawal pa rin ba?"

"I don't really know. Employees don't usually invite their CEO to a small party," sagot niya pa pabalik.

Inis akong tumingin kay Hugh at saka nilagay sa loud speaker ang telepono. "Hugh, kausapin mo nga," utos ko kay Hugh at nilapit sa kanya ang telepono.

Hugh took a quick glance at my phone. "Go to the bar as my friend, Andre. Even if it's not in the room where Jade will be celebrating," sabi ni Hugh, sinusubukang mapa-oo si Andre.

Nahigit ko ang aking hininga nang ilang segundo kaming walang naririnig mula sa kanya.

"I still have work," maiksi nitong sagot.

I let out a frustrated groan. "Nandoon si Maia!"

'Yon na ang huli kong naiisip na sasabihin para mapapayag ito. Kapag ito hindi pa talaga gumana, hindi ko nalang alam!

Muling natahimik ang nasa kabilang linya. Hindi na ako nag-eexpect pang umoo siya ngunit nagulat na lamang ako sa sinagot nito.

"She will be there?" makahulugan niyang tanong.

"Oo. Nasa trabaho pa nga lang siya ngayon, pero sigurado akong pupunta siya doon."

"Alright. I'll come," mabilis niyang sagot dahilan para mapangiti ako.

"Yiee! Sunduin mo na rin siya, ha? Text ko sa'yo address kung nasaan siya," mabilis kong banggit at binabaan ito ng tawag.

Katulad na lamang ng gusto namin ni Hugh, pagkatapos ng gabing iyon ay nalaman na lamang naming dalawa na sila na.

Tangina, ang galing talaga namin maging kupido! 'Di man namin malagyan ng label ang relasyon namin, at least 'yong mga kaibigan namin meron na?

Isang buong buwan ang lumipas nang bigla na lamang mag-aya sina Maia at Andre na mag-bar naman kami.

Nandoon sina Nica, Maia, Andre, at Kurt. May kasama ring babae si Kurt na hindi ko kakilala.

"Nica!" tawag ko sa kaibigan ko nang harapin ko siya. Seryoso ang itsura nito at walang kaemo-emosyon sa mukha. "Aww, Nica..." mahina kong bulong at niyakap ito.

Naramdaman ko na lamang siya na tahimik na umiiyak sa aking dibdib. Nasa loob na kami ng room kung saan nandoon na ang lahat.

Inabutan ko ito ng juice at sinubukang patahanin. "Nandito lang ako kung kailangan mo ng pagsasabihan," bulong ko.

Tumigil na rin si Nica sa pag-iyak pagkatapos noon. Habang ako naman ay sunod-sunod na kinuha ang iba't-ibang klase ng alak. Hindi ko na lamang namalayan ay unti-unti na pala akong nahihilo.

"Mashakit ulo ko..." mahina kong bulong. "My head hurts," ulit ko pang reklamo.

"Hm-mm. Just stay like this, okay?" Hugh softly whispered and placed my head on top of his shoulder.

Pinikit ko ang aking mga mata ngunit nang ma-bored ako ay muli akong tumingin sa buong paligid.

Nang tumingin ako sa gawi nina Maia at Andre ay agad napakunot ang aking noo nang makita sila. Lumingon ako sa kabilang gawi at nakita naman sina Kurt at ang babae nitong naghahalikan na rin.

Putangina naman! Ano 'to?! Mga walang respeto sa mga single!

Wala sa sarili akong tumayo mula sa couch. Naramdaman ko pa ang kamay ni Hugh sa aking braso na pinipigilan ako ngunit mabilis ko iyong tinanggal.

Naglakad ako papunta sa gawi nina Maia at Andre na nagtatawanan kahit magkatitigan lang naman sila. Napatigil pa ako nang maramdaman na may natapakan ako.

"Oops, sorry..." mahina kong bulong, hindi na alam kung narinig pa ba ako ng dalawa.

Nang ibalik ko ang aking tingin kay Maia ay nakataas na ang kanyang kilay sa akin, tinatanong kung anong ginagawa ko.

Bigla akong kinilabutan sa kanyang pagtaas ng kilay. Hala, ang sungit.

Muli akong tumalikod at bumalik sa gawi nina Hugh at Nica.

"Tangina, ganyan na ba talaga kapag in love? Gago, biglaan nalang silang tumatawa!" sigaw ko.

Sinubukan akong sawayin ng dalawang magkapatid ngunit hindi ako nagpatinag.

"Puta, anong meron? Bakit bigla nalang silang tumatawa kahit nagtititigan lang naman sila?" bitter kong tanong. "Tapos, 'yong isa pa dyan! Gago, naghahalikan na. Tangina, respeto naman sa mga single! Tatlo-tatlo kaming single dito, oh!" dagdag ko pa.

Bigla ko na lamang naramdaman ang panghihina ng aking tuhod dahilan para alalayan ako ni Hugh. Pinaupo niya ako sa couch at binigyan ng tubig.

"Calm down, Jade. Just drink water, okay?" bulong niya at hinawi ang basang buhok mula sa aking noo.

Halos hindi ko na masyadong maintindihan ang sinasabi nito dahil sa sobrang kalasingan. Ang alam ko lamang ay kinuha ko ang tubig mula sa kanya at uminom doon kahit punong-puno na ako.

"Looks like someone is already complaining on why she's single!" rinig kong sigaw ng isang lalaki.

Kumunot naman ang aking noo dahil doon. Ako ba pinaparinggan noon? Aba, gago siya, ah! Tangina, bastos talaga! 'Di naman kailangan ipaglantaran na single ako.

Naramdaman ko ang mahinang pagtawa ni Hugh sa aking tabi. "It's fine. Let her wait longer," sagot niya.

Mas lalo lamang akong napasimangot dahil doon ngunit wala na akong sapat na lakas para magreklamo pa. Dahil sobrang tindi na rin ng sakit ng aking ulo ay pinikit ko na lamang ang aking mga mata.

Hindi ko na lamang namalayan ay naiuwi na pala ako ni Hugh ng gabing iyon. Nagising na lamang ako nang masakit pa rin ang ulo.

Agad kong inabot ang aking telepono sa gilid at tiningnan ang oras. Tangina. Tanghali na.

Buti na lamang at weekend. Hindi naman kasi ako magpapakalasing nang ganoon kung alam kong may pasok kinabukasan, 'no!

Naglinis ako ng aking sarili dahil hindi na ako nakapagpalit pa kagabi. Nagsuot ako ng gray na t-shirt at itim na dolphin shorts bago mabilis na kumuha ng dalawang piraso ng tinapay.

Tinali ko ang aking buhok gamit ang hair clamp bago lumabas ng condo. Dala-dala ko lamang ang aking sarili at cellphone nang pumunta sa bahay ni Hugh.

Automatic na naman kasi na nagpupunta ako sa ka bahay niya kapag ganito. Hinihintay niya na nga siguro ako eh.

Tuloy-tuloy ang aking lakad papunta sa loob at hindi na nag-doorbell pa. I opened the big door of his house and stepped inside.

Bahagya akong napatigil nang unang-unang bumungad sa akin ay ang sigaw ng isang babae.

"We were really trying to break it off, Kuya! She's not the only one who's affected by that fucking setup! Kahit ako naaapektuhan din!" boses iyon ni Hana. "Well, fuck! Ngayon nangyayari 'to!" dagdag pa niya.

Mabilis akong tumalikod at bubuksan na sana ulit ang pintuan para lumabas nang bigla na lamang akong makaramdam ng malakas na pagtulak sa aking pwet.

"Ay, gag—"

Tumingin ako sa aking likod at kasabay noon ay ang pagkahol ni Archie. Nakalabas ang dila nito habang pilit akong inaabot.

Papatahimikin ko pa sana ito nang bigla ko nang mapansin ang dalawang tao na sumilip sa aking gawi. Ngumiti ako kay Hugh at kumaway dito.

Nang lumipat ang aking tingin kay Hana ay mabilis nawala ang aking ngiti. "Lalabas na muna ako," paalam ko sa kanila.

Patalikod na ako nang muli akong makarinig ng ingay. It was Hana's heels clicking on the marbled floor. Napatingin ako pabalik sa kanya at pinanood itong maglakad palapit sa akin.

Namamaga ang kanyang mga mata, halagang umiyak siya, habang mamumula naman ang kanyang mukha. Sinukbit niya ang kanyang itim na sling bag at agad nagtagpo ang aming mga mata.

Pinagtaasan ko ito ng kilay nang makalapit siya sa akin. She let out a soft sigh and grabbed the handle of the door.

"I'll go now, Kuya. Sa inyo muna si Archie. I still need to... fix things," walang emosyon niyang saad. Tumigil pa ito at muling tumingin kay Hugh. "Just... remember what I said. If you don't want to come with me, then fine. I'll do it alone."

Iyon ang huling katagang narinig ko mula sa kanya hangga't sa tuluyan na itong lumabas. Napatingin na lamang ako sa asong nakaupo sa aking harapan.

Dahil tanghali na rin akong nakapunta sa bahay ni Hugh ay tanghalian na rin na pagkain ang naabutan ko.

Despite him looking distracted, he still grabbed my plate and he was the one who cut the steak he bought for me.

Pinanood ko lamang siya habang ginagawa iyon. Sumilay ang maliit na ngiti sa aking labi.

He has always done this ever since he came back. He knew that I never liked knives anymore because of the incident with Jake. So, he always volunteers to cut my food if it's needed to be cut with a knife.

Binigay niya sa akin ang aking plato at mabilis ko naman siyang hinalikan sa pisngi. "Thank you, baby!"

We just spent our whole afternoon inside his room watching a movie. Nasa may paanan namin si Archie.

Tumingin ako sa gawi nito at agad napansin ang kanyang pag-zozone out. Mahigpit ko siyang niyakap at saka pinatong ang aking ulo sa kanyang dibdib.

Agad niya naman akong napansin at hinaplos ang aking buhok.

"Distracted ka?" mahina kong tanong.

"Just thinking of something," maiksi niyang sagot. Tumingala ako para tingnan siya.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at mabilis siyang hinarap. "Tara, labas tayo? Para naman mabawasan ang stress mo," aya ko sa kanya.

Mabilis ko lamang siyang napapayag. Sandali lang ang balak namin kaya iniwan na muna namin ang natutulog na aso.

Ako ang nag-drive ng aking kotse papunta sa isang lugar. Si Nica ang nagsabi sa akin ng lugar na 'to! She said that it's a peaceful place with a lake in the middle.

Walang katao-tao nang magpunta kami doon. Madilim na ang paligid at tanging ang isang puno lamang malapit sa lawa ang pwedeng puntahan.

Nang bumaba ako ng kotse ay mabilis akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin. Napapikit pa ako at dinama iyon.

Tama nga si Nica. It's very peaceful here.

Hinintay ko si Hugh na makalapit sa akin at agad pinagsiklop ang aming mga kamay. Magkadikit kami at sabay na naglakad papunta sa malapit na lawa.

Tumigil kami nang ilang sandali doon, parehas kaming tahimik. Tumingala ako sa taas at agad napangiti nang makakita ng maraming bituwin sa langit.

Binitiwan ko ang kamay ni Hugh at tinuro iyon. "Tingnan mo! Ang ganda," manghang-mangha kong saad.

Nang lumingon ako kay Hugh ay nakatingin na rin ito sa taas. Sumilay ang maliit na ngiti sa kanyang labi at saka tumango.

Muli kong binalik ang aking tingin sa taas. Ilang minuto kaming nanatiling tahimik at pinapanood lamang ang mapayapa at madilim na langit.

Magsasalita na sana ako nang bigla ko na lamang maramdaman ang presensya ni Hugh sa aking likuran. I immediately felt his arms surround me as he pulled me in him.

Mabilis na lumapat ang aking likuran sa kanyang matigas na dibdib. Napahawak ako sa kanyang kamay na nakapatong sa aking maliit na tyan. Hinahaplos niya iyon habang pinatong niya naman ang kanyang baba sa aking balikat.

I tilted my head to the side to give him more space. Napapikit ako sa sarap nang maramdaman ang init ng kanyang katawan na pumalibot sa akin.

Napadilat na lamang ako nang bigla kong maramdaman na hinalikan niya ako sa gilid ng aking labi. Natawa pa ako nang mahina at tumingin sa kanya.

"Jade," mahina niyang tawag sa aking pangalan. Patuloy ang kanyang paghaplos sa aking tyan.

Lumawak ang ngiti sa aking labi kasabay ng mabilis na pagtibok ng aking puso. "Hmm?" tanong ko sa kanya.

Mas lalo pang humigpit ang kanyang pagkakayakap sa akin. Ilang segundo pa ang lumipas nang hindi pa rin nasusundan ang kanyang sinasabi.

"Ano 'yon?" ulit ko.

Narinig ko itong nagpakawala ng mahinang buntong-hininga bago marahang piniga ang gilid ng aking baywang.

"Can I come back to you now?" bulong niya.

Napatigil ako kasabay ng bahagyang panlalaki ng aking mga mata. Mas lalo lamang bumilis ang tibok ng aking puso na para bang lalabas na ito mula sa aking dibdib.

Agad akong napabitaw mula sa kanyang pagkakayakap at mabilis siyang hinarap.

"A-Ano?" nauutal kong tanong.

Agad nagtagpo ang aming mga mata at kita ko ang aliw na dumaan doon. He let out a soft chuckle before reaching for my hand and interwinding it with his.

Inangat niya naman ang isa niya pang kamay at inilapat sa aking pisngi. "Can I come back home to you? Now?" dahan-dahan niyang tanong.

Mabilis kong naramdaman ang pag-iinit ng aking pisngi at alam kong ramdam niya iyon. Ang gilid ng aking mga mata ay unti-unti na ring namamasa. I can feel my chest tightening because of the overwhelming feeling.

Nanatili kaming nakatitig sa mata ng isa't-isa bago ako dahan-dahang tumango. Mas lalong lumawak ang ngiti sa kanyang labi nang malaman ang aking sagot.

I bit my lower lip before placing both of my hands behind his neck. Mabilis ko siyang hinila sa isang yakap at agad niya namang pinulupot ang kanyang braso sa aking baywang.

Tumingkayad pa ako para lamang maabot siya. "Totoo na talaga 'to?" pabiro kong tanong. "Wala nang hihintayin pa?" dagdag ko pa.

I felt how his body vibrated against mine as he caressed my back. "Yeah."

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi pinipigilan ang aking sarili sa sobrang pagkakangiti. Mabilis akong humiwalay sa kanya ngunit nanatili ang kanyang kamay sa aking baywang. Agad nagtagpo ang aming mga mata.

Inangat ko ang dalawa kong kamay at kinulong ang kanyang mukha sa pagitan noon. I flashed him my sweetest smile as I leaned in nearer.

"Mahal na mahal kita, Hugh," bulong ko.

Para bang may sumabog sa loob ng aking dibdib nang sabihin iyon sa kanya. Sobrang bilis ng tibok ng aking puso na para bang may humahabol doon.

Kita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Hugh. Napatigil pa ito nang sandali bago siya napangiti. "Damn, Jade. You will rip my heart out of my chest," tuwang-tuwa niyang sabi.

Natawa naman ako sa kanyang sagot. Kitang-kita ko ang pagkinang ng kanyang maaamong mata habang nakatitig pabalik sa akin.

Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong buhatin at mas hinigit pa sa aking baywang. Napatili na lamang ako sa gulat at napakapit sa kanyang leeg.

Mabilis niya lang din akong binaba. "I love you too, Jade," bulong niya.

Pansin ko kung paano bumaba ang kanyang tingin sa aking labi. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at mabilis na inabot ang kanya.

I closed my eyes tightly. I felt how my heart exploded together with the feeling of his soft lips brushing against mine. Mabilis niyang tinanggap ang aking mga halik at tumugon din.

Mas hinigit niya ako sa aking baywang habang ako naman ay mas hinihila siya pababa. Nang mawalan kami ng hininga ay humiwalay kami sa isa't-isa ngunit nanatiling magkadikit ang aming mga noo.

I slowly opened my eyes only to see his. Kinagat ko ang loob ng aking pisngi bago tumawa nang mahina. Muli kong pinikit ang aking mga mata at muling inabot ang kanyang malambot na labi.

I'm finally home, with him. Siya ang tahanan ko.

⛓️

-zχαnтℓуχ

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
159K 3.8K 33
She is the daughter of Albuera's former mayor. The looks. The wealth. The power. She has it all. She can get what she want. Who she wants. Wherever a...
32.8K 1.3K 43
Kasabay ng pag-usad ng panahon ay ang pagkatuto ni Claudine. Kasabay ng pagyabong ng mga puno ay ang kanyang pag-unlad. Kasama siya. Palagi. Ngunit k...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...