Chapter 10

3.5K 71 2
                                    


Chapter 10

In Love

NANG dumating ang linggo ay wala na akong nakatambak pang kahit anong trabaho. Wala na akong kinakailangan pang gawin kaya mag-chichill lang muna ako ngayong araw.

Early in the morning, I attended a mass and immediately went home after that. I changed my clothes into a black oversized hoodie and shorts. I also tied my long brown hair into a messy bun and started cleaning my condo.

Sunday is my chill day and at the same time my cleaning day. Masyadong busy kapag weekdays kaya linggo lamang ako nakakapaglinis nang maayos.

Pagkatapos na pagkatapos kong maglinis ay napagpasyahan kong bumili na ng makakain para sa tanghalian. Wala na akong stock ng mga pagkain sa aking condo kaya kinakailangan kong pumunta ng grocery store.

Hindi na ako nag-abala pang magpalit ng damit dahil hindi naman ako masyadong pinawisan sa aking paglilinis.

Pinulot ko na ang aking wallet at cellphone at nagsusuot na ng tsinelas para makalabas nang biglaan akong makarinig ng doorbell sa aking pintuan, dahilan para mapatigil ako.

Wala naman akong ine-expect na kaibigan na pumunta rito. Busy rin sina Maia at Nica.

Nang buksan ko ang aking pintuan ay agad bumungad sa akin ang isang lalaking nakasandal ang kamay sa gilid ng aking condo.

Tumingin ito pabalik sa akin at saka ngumisi. "Musta na?" kaswal nitong tanong sa akin.

Ang kaniyang mga mata ay namumula na para bang ilang araw na itong walang tulog. Pawis na pawis din na tila'y tumakbo pa siya papunta sa aking condo. May hawak-hawak na bukas na bote ng alak habang halatang nakainom na, maagang-maaga pa lamang.

"Pa..." bulong ko.

"Jade! Buti naman kilala mo pa ang tatay mo?" sarkastiko nitong sagot.

Inilipat niya ang kaniyang tingin sa aking likuran at pilit na sumisilip pa sa loob ng aking condo.

"Si Jake ba nandyan din? Tara, aayain kong tumagay kami! Nakaka-miss na rin ang batang 'yon!" tuwang-tuwa nitong tanong.

Sinubukan pa niya buksan pa nang todo ang aking pintuan ngunit agad ko iyong pinigilan.

"Wala rito si Jake, Papa. Kung siya lang pala ang hahanapin mo, mas mabuting pumunta ka sa apartment niya. For sure, mahahanap mo siya doon," walang emosyon kong sagot. Baka nga makita pa niya kasama ang babae niya.

Agad nawala ang malawak na ngiti sa kaniyang labi nang marinig ang sinabi ko.

Sa sobrang magkasundo ni Jake at ni Papa ay halos maging magkaugali na sila. Sa pagsusugal, pag-iinom, at paninigarilyo. Lahat. Mas katanggap-tanggap pa siguro na si Jake ang anak nito. Tatanggapin niya naman agad iyon. He would even take it as a compliment.

Tumikhim ito at inayos ang kaniyang pagkakatayo. "Jade, anak—" Pinutol ko na ang kaniyang sasabihin nang marinig na lumabas ang salitang anak mula sa kaniyang bibig.

"Kailangan mo ng pera?" pagod kong tanong sa kaniya.

Tinatawag lang naman niya akong anak niya kapag may kailangan siya eh.

Seryoso itong tumingin pabalik sa akin at saka tumango. "Magbabayad kasi ako sa utang ko sa tindahan. A-At saka doon na rin sa mga maintenance sa bahay—"

"Hindi mo na kailangan magpaliwanag. Para namang dyan talaga mapupunta ang perang ibibigay ko sa 'yo," muli kong pagputol sa kaniyang sasabihin.

Noong isang linggo, ang palusot niya ay ipangbibili daw niya ng gamot niya. Pero saan napunta? Sa alak.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now