Chapter 7

3.5K 78 3
                                    

tw: violence

Chapter 7

Always Been Him

UMAGANG-UMAGA pa lamang ay agad na akong ginising ng dalawa kong kaibigan. May balak kasi silang makipagkita kayna Hugh, dahil inaya kagabi si Nica ni Hugh. Pumayag naman kami dahil pare-parehas naman kaming available at walang pasok.

Halos ilang oras din kaming bumiyahe bago muling makarating sa syudad. Dahil nakapag-ayos na naman kami sa vacation house ni Maia ay diretso na lamang kami sa mall kung saan napagkasunduan naming magkita-kita.

Si Maia kasi ay kikitain rin ang kaniyang naka-match sa isang dating app. Napakagaga nga eh. Pumuntang dating app para maghanap ng fuck buddy. Parang bobo lang, nilagay pa sa bio na 'no dating, just fucking'. Nasa dating app tapos no dating? Buti nalang may biyayang lumapit sa kaniya.

Coincidentally, magkabarkada sina Andre, ang fuck buddy ni Maia, at si Hugh, na nakakausap ngayon ni Nica.

Malay ko. According to the two of them, NIca and Hugh, walang namamagitan sa kanilang dalawa. Noong huli kong nakausap si Hugh, para bang hindi talaga romantic relationship ang habol niya kay Nica. Tapos tuwing nababanggit namin si Hugh kay Nica ay wala naman itong halos reaksyon.

Bahala na sila dyan. Basta isa lang ang alam ko at iyon ay ang single na ako. 'Di tulad nila, mga nagsilandi na. Nako, dalaga na talaga ang mga kaibigan ko. Akala ko hindi na 'to magkakaroon ng mga jowa eh.

Yung isa, nasobrahan sa pakikipaglandian, kaso puro fling lang naman, walang sineseryoso. Yung isa naman, masyado atang nakulangan.

Nang dumating kami sa coffee shop sa loob ng mall ay agad naming nasilip sa glass doors ang apat na lalaking nakakumpol sa isang maliit na lamesa. Ang lalaki nilang tignan, mas lalong nagmumukhang maliit tuloy yung lamesang namamagitan sa kanila.

Mabilisan lamang kaming nagpakilala sa isa't-isa. Nakilala ko na rin ang dalawa nilang kaibigan na hindi ko nakita noong nasa bar kami dahil pinauwi na ako. Si Kurt at Jaydee pala sila.

Ang galing ng grupo nila 'ah? Very diverse. May dalawang purong pilipino, isang mukhang may lahing chinese o korean, at isang halatang may halong pagka-amerikano base pa lamang sa kaniyang mga mata. Sobrang magkakaiba din sila ng mga style ng pananamit.

Ang galing. Kahit matatanda na sila, ang cucute.

Mabilis lang din kaming umorder ng mga inumin at nang makuha ang mga iyon ay agad din naman kaming naglakad-lakad para maghanap ng mga iba pang gagawin.

Akala ko ay mayroon na silang nakaplano para sa araw na 'to pero napatigil na lamang kaming pito nang mapagod kami sa kakaikot nang wala man lang ginagawa.

Napagkasunduan namin na gumawa na lang ng mga bagay na kailangan naming gawin. Nagkataon na kailangan din pala ni Hugh bumili ng sapatos, katulad ko.

Si Nica at Jaydee naman, dahil pareho lang din silang nagsusuot ng salamin sa mata ay nagtingin sila ng frames sa isang store.

Si Kurt, sa tingin ko ay tumingin ng ibang bagay para sa sarili niya. Si Maia at Andre ay sumunod na lang din sa amin ni Hugh.

Naglabas na lamang ako ng mahinang buntong-hininga kasabay ng pagtingin ko sa lalaking katabi ko. Naglalakad kami ngayon papunta sa store ng bilihan ng sapatos. Parehas lang din naman kami ng gusto ng brand kaya mas mapapadali kami.

Kasabay ng pagtingin ko sa kaniyang gawi ay ang pagtingin din nito sa akin dahilan para manlaki nang kaunti ang aking mga mata. Agad akong tumikhim at umiwas ng tingin sa kaniya, tuloy-tuloy pa rin ng lakad habang nakatingin sa unahan.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now