Chapter 2

5.5K 94 5
                                    


Chapter 2

Not Someone Like Them

NARINIG ko ang mahinang pagtawa ng lalaking kausap ko kanina kasabay ng pagsilay ng maliit na ngiti sa kaniyang mga labi. "I'm sorry, Miss. I'll make them shut up now," he said with a smile.

Napatigil pa ako nang kaunti nang marinig ang pamilyar nitong boses. Nakaawang nang kaunti ang aking mga labi habang nakatitig pa rin sa kaniya. Pinaningkitan ko pa ito ng mata, sinusubukan pa ring kilalanin ang kaniyang mukha.

Pagkatapos ng ilang segundong pagtitig dito ay kusa na lamang umiling ang aking ulo. Tangina, ayaw ko na! 'Di ko na lang aalamin kung saan ko siya nakilala o nakita! Masakit na nga ulo ko, mas pasasakitin ko lang sa pag-iisip kung sino ba siya. 'Wag na lang, hoy!

Imbis na pag-isipan pa kung sino ba talaga ang lalaking nakausap ko ay tinignan ko na lamang ang tatlo pa nitong kasama. Pinaglandas ko ang aking matalim na tingin sa mukha ng tatlong lalaking natigil din sa pag-aasaran dahil sa reklamo ko.

Ang isa sa kanila ay mayroong pagka-blonde ang buhok, halata rin na iba ang kulay ng mata nito dahil hindi ito kasing dilim tignan kumpara sa mata ng dalawa. Nakasuot ito ng purong itim na damit at pangbaba na may kasamang iba't-ibang alahas na kulay pilak. He was a bit shorter than the other two men standing beside him.

Ang isa pa niyang katabi ay may kulay brown na medyo wavy na buhok. Nakasuot din ito ng salamin at ng simpleng damit na t-shirt at pantalon. Halos magkasing-tangkad lamang ito at ang natitirang lalaking hindi ko pa natatapunan ng tingin.

Huling dumapo ang aking tingin sa lalaking may-ari ng cellphone. Ang mahaba nitong buhok ay nakaipit lamang sa mababang pusod. Kita ko rin ang kakaunting parte ng kaniyang tattoo na hindi natatabunan ng kaniyang pang-itaas.

Pinaningkitan ko ito ng tingin, sinusubukang i-focus ang aking tingin sa kaniya. Umiling-iling pa ako nang kaunti dahil medyo lumalabo na ang aking paningin sa sobrang dami ng aking nainom na alak. "'Di ba ikaw yung nasa dating ap—"

Nanlaki ang aking mga mata nang maramdaman ko na lamang ang marahas na paghatak sa akin ni Maia mula sa gilid. Nakaawang ang mga labi akong napahiga sa hita nito. Mariin akong napapikit nang maramdaman ang kirot sa aking ulo kasabay ng pag-ikot ng aking paningin.

Parang gago naman eh! Hindi manlang nagsabi na hihilahin niya ako, e 'di sana kusa ko na lang ibinagsak ang sarili ko!

Sinubukan kong muling buksan ang aking mga mata at bumungad lamang sa akin ang gumagalaw na kisame ng bar. Para bang sinapak ako nang malala sa mukha dahil sa sobrang hilo ng aking nararamdaman. Hindi na kinaya pa ng aking katawan at biglaan na lamang akong nawalan ng malay.

Kunot-noo kong unti-unting binuksan ang aking mga mata. Napapikit pa ako nang mariin nang madaanan ang aking mata ng ilaw mula sa streetlights. I groaned as I let my eyes adjust to the light.

Nang makapag-adjust na ang aking mata ay iniikot ko ang aking paningin sa aking buong paligid. Bumungad sa aking tabi si Jake na seryoso lamang nakatingin sa unahan habang ang isang kamay ay nakahawak sa manibela. His other hand was playing with the bottom of his lip.

Napalunok na lamang ako at iniiwas ang tingin mula sa kaniya. Tangina, matulog na lang kaya ulit ako? Baka mag-away na naman kami eh! Masakit pa ulo ko para sa isa na namang away!

Pipikit na sana ulit ako, tahimik na humihiling na hindi niya napansin na gising na ako. Dahan-dahan kong pinikit ang aking mga mata kasabay ng unti-unting pagdausdos ng aking likuran sa upuan.

"Jade," rinig kong tawag nito sa akin.

Napatalon ako mula sa upuan kasabay ng pagdilat ko sa aking mga mata. "Ay, putangina," mahina kong mura. Gago, bakit niya nahalata?! Ayaw ko na ngang mapansin niya eh!

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now