Love Will Find A Way

By iloveaxclu

18.7M 126K 17.8K

She is a stranger to him. He is a stranger to her. She's simple and nice. He's a playboy. Will he ever chang... More

Description
Prologue
Chapter 1 [Part 1] - Laureen
Chapter 1 [Part 2] - Luigi
Chapter 1 [Part 3] - The Dare
Chapter 1 [Part 4] - The Expert
Chapter 1 [Part 5] - Reasoning
Chapter 2 [Part 1] - The Event
Chapter 2 [Part 2] - Accident
Chapter 2 [Part 3] - Small World
Chapter 2 [Part 4] - Post It
Chapter 2 [Part 5] - Zoom In
Chapter 3 [Full....] - OMG
Chapter 4 [Part 1] - Guide
Chapter 4 [Part 2] - Dinner
Chapter 4 [Part 3] - Courage
Chapter 5 [Part 1] - Pancakes
Chapter 5 [Part 2] - Lost
Chapter 6 [Part 1] - First Week Funk
Chapter 6 [Part 2] - Stares
Chapter 7 [Part 1] - Rematch
Chapter 7 [Part 2] - Assumptions
Chapter 8 [Part 1] - Blue Team
Chapter 8 [Part 2] - No Guts, No Glory
Chapter 8 [Part 3] - Ripple Effect
Chapter 9 [Part 1] - Unexpected *
Chapter 9 [Part 2] - Unexpected **
Chapter 10 [Part 1] - Guilt
Chapter 10 [Part 2] - Clueless
Chapter 11 [Full....] - Mood Swings
Chapter 12 [Part 1] - Hon *
Chapter 12 [Part 2] - Hon **
Chapter 13 [Part 1] - Friday Night
Chapter 13 [Part 2] - Tick Tock
Chapter 13 [Part 3] - Every Little Thing She Does
Chapter 14 [Part 1] - The Engagement
Chapter 14 [Part 2] - Babies *
Chapter 14 [Part 3] - Babies **
Chapter 15 [Part 1] - We're In This Together
Chapter 15 [Part 2] - I Got Your Back
Chapter 16 [Part 1] - The New Us *
Chapter 16 [Part 2] - The New Us **
Chapter 17 [Part 1] - This Means War *
Chapter 17 [Part 2] - This Means War **
Chapter 17 [Part 3] - This Means War ***
Chapter 17 [Part 4] - This Means War ****
Chapter 18 [Part 1] - You've Been Invited *
Chapter 18 [Part 2] - You've Been Invited **
Chapter 19 [Part 1] - TLC
Chapter 19 [Part 2] - TLC
Chapter 19 [Part 3] - TLC
Chapter 20 [Part 1] - Steps
Chapter 20 [Part 2] - Steps
Chapter 21 [Part 1] - Changed and Unchanged
Chapter 21 [Part 2] - Changed and Unchanged
Chapter 21 [Part 3] - Changed and Unchanged
Chapter 21 [Part 4] - Changed and Unchanged
Chapter 22 [Part 1] - When The Going Gets Tough
Chapter 22 [Part 2] - When The Going Gets Tough
Chapter 22 [Part 3] - When The Going Gets Tough
Chapter 23 [Part 1] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 2] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 3] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 4] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 5] - Hard To Breathe
Chapter 23 [Part 6] - Hard To Breathe
Chapter 24 [Part 1] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 2] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 3] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 4] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 5] - Memory Lane
Chapter 24 [Part 6] - Memory Lane
Chapter 25 [Part 1] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 2] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 3] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 4] - Back In The Game
Chapter 25 [Part 5] - Back In The Game
Chapter 26 [Part 6] - Back In The Game
Chapter 26 [Part 7] - Back In The Game
Chapter 26 [Part 8] - Back In The Game
Chapter 27 [Part 1] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 2] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 3] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 4] - Mr & Ms
Chapter 27 [Part 5] - Mr & Ms
Chapter 28 [Part 1] - All or Nothing
Chapter 28 [Part 2] - All or Nothing
Chapter 28 [Part 3] - All or Nothing
Chapter 28 [Part 4] - All or Nothing
Chapter 29 [Part 1] - Firsts
Chapter 29 [Part 2] - Firsts
Chapter 29 [Part 3] - Firsts
Chapter 29 [Part 5] - Firsts
Chapter 29 [Part 6] - Firsts
What's Your Fave LWFAW Part? :)
Chapter 30 / Last Chapter [Part 1] - Every End Is A New Beginning
Chapter 30 / Last Chapter [Part 2] - Every End Is A New Beginning
Chapter 30 / Last Chapter [Part 3] - Every End Is A New Beginning
The Long Wait Is Over :) Ang Love Will Find A Way Book ay Nandito Na :)
Love Will Find A Way Book - Part 2 is out! :)

Chapter 29 [Part 4] - Firsts

192K 2.5K 1.4K
By iloveaxclu

[Laureen’s POV]

 

 

Sabado.

Madami ding nakasuot ng gaya ko.

Pang-jogging.

Andito ako para mag-jog. Sa Wednesday na ang laban naming dalawa ni Jake sa Bacolod. Doon na gaganapin ang regional competition ng badminton. Bukas na ang last practice namin sa school. Kelangang maging fit ako.

Kasama ko sina Charm at Aaron, pero pinauna ko na silang dalawa na tumakbo. Naka-couple attire ang dalawang yun at ayokong maging third wheel sa kanila.

Wala pa si Jake, male-late daw sya dahil tinutulungan nya pa daw si Kara na i-tono ang gitara nito.

Si Billy, susunod na lang din daw. Susubukang sumunod. Inaasikaso nya ang mga requirements nya para sa passport renewal nya. After graduation, pupunta na sya ng ibang bansa at doon mag-aaral ulit. Pinapasunod sya ng ate nya. Nalungkot ako nung sinabi ni Billy yon sa akin. Alam kong nalungkot din sya. Pero para sa kanya din naman yun.

At mas makakabuti yun para sa aming dalawa. Sana.

At sana mahanap na nya ang para sa kanya.

Mas ok na mawala ang pride mo para sa taong mahal mo, kesa mawala ang taong mahal mo dahil sa pride mo.

 

Kara….

Tinamaan ako don. Tama naman sya. Kaso minsan ang daling sabihin pero ang hirap gawin. Pero sabagay kung mas higit ang pagmamahal, madali lang ang lahat ng bagay. Kaya nga nauso ang Love conquers all.

Hingang malalim Laureen.

Gusto kitang kausapin Luigi pero ano bang sasabihin ko?

OK. Ano nga bang sasabihin ko?

Practice….

Luigi, sorry na, hindi ako makapagsalita nung huling kita natin sa bahay. Na-pipi ako eh. Nadudurog ang puso ko kasi nasaktan kita nung nalaman kong alam mo na pala na ni-kiss ako ni Bil---

Ayyyy! Mali, mali…. Wag ganon Laureen, baka lalong magalit si Luigi.

Ulit.

Luigi, I’m sorry. Sorry kung nasampal kita. Nasaktan lang ako sa sinabi mo. Hindi ganon yun eh. Si Billy, sya ang pinakaclose na lalaki sa akin, kaibigan ko sya, pero hanggang don lang yun. Ikaw. Ikaw ang mahal ko.

Hmmm…. Parang dead na dead naman ako kay Luigi nyan.  Hindi naman masyado. Baka umepal naman masyado si Luigi.

Feeling pa naman yun.

Iba na lang.

Luigi, alam mo, magpapaliwanag naman talaga ako dapat, kaso kasi hindi ko alam bigla akong natameme nung araw nay un, natataranta din ako kasi nagiimpake ka. Hindi mo din ako pinapansin ilang araw na, tapos….

Luigi….. Aaaaaaah! Ano bang sasabihin ko?

Ayoko naaaaaa.

Nalulungkot na ako. Gusto ko lang sabihin na miss na kita. Miss na kita sobra. Miss ko na yung tayo.

Miss na kita Luigi.

Nalulungkot na ako ng sobra. Inangat ko ang ulo ko at inikot ang tingin ko sa paligid ko. Madaming tao ngayong araw.

Grupo. Pamilya. Couples. At dahil sa kanila naramdaman kong nag-iisa ako. Walang kasama. Natanaw kong huminto sina Aaron at Charms, humarap sa direksiyon ko si Charms, kumaway sya at sumesenyas na sumunod na ako sa kanila ni Aaron.  Sumensyas din ako, pinaderecho ko lang sila ni Aaron, maya-maya ako tatakbo. Nagkaintindihan kami ni Charms kaya nagsimula syang lumakad, pero bago pa sya tuluyang nakalayo, pinahinto sya ni Aaron at pinunasan ang noo nya ng pawis.

Aaw.

Masaya ako para sa kanila. Pero may kurot sa akin. Parang nalungkot ako para sa sarili ko. Yumuko na lang ako at binaling ang tingin ko sapatos ko.

“Ang daya mo talaga!”, nasambit ko sabay ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Don’t move”

Napa-angat ang ulo ko sa boses na narinig ko.

“Sshh”

Gaya ng sinabi nya hindi ako gumalaw.

May kinukuha ito sa may balikat ko.

A yellow butterfly.

--------------------------------------------------------------------------------------------

“Pasensya ka na Miss. Mahilig kasi ang anak ko sa butterflies eh, ayun”, nilahad nya ang isang kamay nya sa akin kung saan andoon ang paru-paro.

“Ah ganon ba? Ok lang”, sabi ko sa kanya, pinunasan ko ang luha ko at ngumiti sa kanya.

“Here”, inabutan ako nito ng isang panyo.

“Nakakahiya naman sayo”, sabi ko sa kanya.


Ngumiti ang babae at nakita ko ang malalim nitong dimples at gumuhit ang maninipis nyang labi, “Kunin mo na”, malumanay na sabi nya sa akin.


“Salamat”, inabot ko ang panyong binibigay nya sa akin at ipinunas yun sa mga mata ko.

“Malinis yan. Kakaiyak-iyak ko lang din kasi kanina, pero hindi ko yan nagamit “

“Ganon ba?”

Tumango ang babae sa akin.

“Kanina pa kita nakitang nakatungo dyan. Akala ko nagpapahinga ka lang kasi naka-rubber shoes ka eh, pero gumagalaw ang balikat mo kaya napaisip ako kung umiiyak ka ba. Tama nga ako”

Ngumiti lang ako sa babae.

“Madaya ba sya? O baka naman parehas lang kayong madaya?”, sabi nito.

“Huh?”, confused kong tanong.

Ngumiti ito, “Dinadaya nyo ang sarili nyo parehas kasi hinahayaan nyong magka-ganyan kayo.”

Napayuko ako sa sinabi ng babae.

“Kakasabi ko lang nito sa isang kaibigan kanina, gagamitin ko din sayo…. Actions may not always bring happiness, but without action, there is no happiness”

Inangat ko ang ulo ko at nakita ang nakangiting mukha ng babae.

“Pasensya ka na ulit. Ang gaan lang ng pakiramdam ko ngayon. Though, hindi na ako at merong ng iba, masaya na din ako kasi napatawad na nya ako. Yun ang mahalaga sa akin, napatawad na nya ako at hindi na sarado ang puso nya. Ano ba ‘to kung anu-ano ang nasasabi ko. Hehe”, mahinang sabi ng babae.

“Mahal mo pa sya?”

Ngumiti lang ang babae sa akin ng bahagya.

“Para sa akin, love and courage, related sila sa isa’t-isa. It takes courage to fight for someone you love, pero it takes a lot more courage para hindi na lumaban, tanggapin na lang at i-let go ang isang taong mahal mo so that they can have a new beginning and a happy life. A happy life with someone else.”

Mas parang sinasabi nya yun sa sarili nya kesa sa sinasabi nya ito sa akin.

“Ah baka hinahanap na ako ng anak ko, iniwan ko lang kasi sya sandali sa pinsan ko eh. Panigurado matutuwa yun sa butterfly na ‘to. Sige Miss!”

Kumaway sa akin ang babae at tuluyan ng umalis.

----------------------------------------------------------------------------------

[Luigi’s POV]

*iphone ringing*

[Max calling….]

Sinagot koi to agad.

“Max! Nakita ko si Nicole kanina dit----”

“Alam ko, alam ko! Gi! Help us!”, sabi nito sa kabilang linya.

“Alam mo?”, tanong ko sa kanya.

“Nasabi na nya sa akin. Magkasama kami dito sa park. Help us Gi!”, balisang sabi nito.

“Bakit anong meron?”

“Nawawala si Enzo! Lagot ako. Iniwan nya yun sa akin kanina eh. Nung pagkatapos nyong magkita, gusto dawn yang magpahangin lang saglit kaya iniwan nya sa akin si Enzo. Kaso nalingat ako. Umiiyak na si Nics”, sabi ni Max sa kabilang line na halos umiiyak na din.

“Asan kayo?”

-----------------------------------------------------------------------------------------------

“Max! Saan mo ba kasi iniwan si Enzo? Naman Max eh! Malalagot ka talaga sa akin! Umalis lang ako saglit eh!”, umiiyak na sabi ni Nicole.

“Hindi ko naman sinasadya eh, bumibili lang naman ako ng cotton candy tapos paglingon ko wala na pala sa tabi ko si Enzo. Huhu, Nics, I’m so sorry.”

“Max, tigil na. Calm down Nics. Makikita natin siya, ok?”, sabi ko sa kanilang dalawa.

“Pano kung hindi. Pano kung hindi natin sya Makita Gi? Enzo nasaan ka na? Nasaan ka na anak?”, umiiyak na sabi ni Nicole.

“Kumalma ka Nics”, pag-aamo ko ditto.

*Kulog*

“My God! Takot si Enzo sa kulog, baka umiiyak nay un. Uulan pa ata. Maaaaax! Malalagot ka talaga sa akin”, galit na sabi ni Nicole.

“Sorry na pinsan”, kinakabahang sabi ni Max.

--------------------------------------------------------------------------------------------------

[Laureen’s POV]

Binalikan na ako nina Aaron at Charm sa bench kung saan ako nakaupo, at sabay-sabay na kaming tumakbo.

Napatigil ako dahil sa isang maliit na iyak na narinig ko.

“Charmie! Aaron!”, tawag ko sa kanilang dalawa.

“Ow?”, biglang hinto nina Aaron at Charm na nasa unahan ko lang.

“May bata o!”

Sama-sama naming pinuntahan ang umiiyak na bata sa may damuhan. Mukhang nawawala ito.

“Mo-mmy….”, umiiyak na sabi ng bata.

“Baby, asan ang mommy mo?”, yumuko ako at hinaplos ang likod ng bata. Maganda ang bihis ng bata at may suot pa itong kwintas.

“Mo-mmy….”, ang paulit-ulit lang na sinasabi ng bata.

“Charm, kawawa naman sya, tulungan natin hanapin ang kasama nya”, sabi ko kay Charm na yumuko din para makita ang mukha ng bata ng mas malapitan. Ganon din si Aaron.

“Bes, baka inglishero yan, baka hindi ka naiintidihan”, sabi ni Charm.

“Charm naman eh!”, sabi ko sa kanya.

“Subukan mo lang!”, nakataas kamay na sabi ni Charm.

“Baby, who’s with you?”, tanong ko sa bata.

“My mommy….”, umiiyak na sabi ng bata.

“Sabi ko sayo eh!”, sabi ni Charm sa akin.

“Ang galing mo talaga Love!”, sabi naman ni Aaron, “Pa-kiss nga!”

“Weh, para-paraan ka Love, ha!”, sabi ni Charm sa kanya.

“Ayaw mo?”, pilyong tanong ni Aaron.

“Huy, kayong dalawa nga, wala kayong pinipili ah! May problema pa tayo o!”, sabi ko sa kanila. Nagsisimula na naman kasi silang dalawa na maglambingan.

“Ikaw kasi eh”, sabi ni Charm kay Aaron, tinusok nya ang tagiliran ni Aaron.

Aysows talaga!

“Come baby….”, sabi ko sa bata. Ayoko syang pwersahin na kargahin dahil baka matakot lang sya lalo sa amin.

*Kulog*

“Waaaah! Mommy!”, nagulat ang bata kaya napayakap ito sa braso ko. Kahit ako nagulat din.

Pati si Charm nagulat din at napayakap kay Aaron.

“Don’t be scared baby”, sabi ko sa bata.

Kinarga ko ang bata at pinunasan ang pisngi nito, “We’ll find your mommy, ok?”

Tumango-tango ang bata, halata pa din ang takot nito sa mukha.

“Ang kulit talaga ng panahon ngayon, maaraw tapos bigla kukulog. Mukhang uulan na Bes. What’s happening to earth?”, sabi ni Charm.

“Oo nga, kaya dapat gawin mo na ang mga dapat mong gawin kasi baka mamaya maubusan ka na ng panahon, diba Love?”, sabi ni Aaron na may pilyong ngiti kay Charm.

“Weh! Ayan ka na naman, para-paraan ka naman Aaron eh. Hahaha! Halika nga dito”, sabi ni Charm at yumakap sya kay Aaron.

“Hehe. Ang sinasabi ko lang, habang may panahon at pagkakataon kang sabihin at iparamdam sa isang tao na mahal mo sya, gawin mo na”, pagpapaliwanag ni Aaron, sabay halik sa noo ni Charm.

Haaaay. Ang dawalang ito talaga o.

Binalik ko ang atensyon ko sa batang mahigpit na nakakapit sa braso ko.

Binuhat ko at kinarga ang bata, “What’s your name baby?”, tanong ko dito.

“Enzo!”, sigaw ng isang babae.

----------------------------------------------------------------------------------------------------

“Enzo!”

“Enzo baby!”

Napatingin ako sa babaeng tumatakbo papunta sa harapan ko.

“Mommy….”, sabi ng bata at mas umiyak pa ito na mas malakas kesa sa iyak nya kanina.

“Baby!”, lumapit sa akin ang babae at inextend ang mga kamay nya. Sumama naman ang batang lalaki sa kanya.


“Ikaw yung babae kanina diba? Anak mo sya?”, tanong ko dito.

“Ako nga. Hi. Buti na lang ikaw ang nakakita sa anak ko. Salamat”, nangingilid ang luha ng babae.

“Walang anuman”, sabi ko sa kanya.

“Thank you talaga”, ulit nito.

“Cuz! Bigla kang nawawala akala ko kung saan ka na lumiko”, sabi ng bagong dating nababae habang nakatukod ang mga kamay nya sa tuhod nya, hinihingal ito,  “Waaaah! Enzooooo! Buti nakaita ka na. Waaaah!”, sabi nya pa, nangingilid din ang mga luha nito sa mata.

“Tita Max….”, hikbi ng bata.

Pero sa sunod na taong dumating tuluyang napako ang mga mata ko.

Na sya ding parang napako ang tingin sa akin.

“Laureen….”

--------------------------------------------------------------------------------------------------

“Laureen….”, mahina nyang sabi.

“Luigi….”, mahina ko ding sambit.

Di ako makapaniwalang nasa harapan ko sya ngayon.

Nagtinginan lang kaming dalawa.

“Aah Bes, bili lang kami ni Aaron ng water”, narinig kong sabi ni Charm, pinisil nya ang kanang braso ko.

“Gi, pare…. Samahan ko lang si Charm ha”, sabi ni Aaron.

“How did you get here baby?”, tanong ng babaeng tinawag na Tita Max ng bata.

“I j-just f-followed the b-butterfly p-po….It f-flew away k-kasi”, humihikbing sabi ng bata.

“You really scared us”, sabi nung Max.

“I think we should go na din”, sabi ng babae na kumarga sa bata, “Miss, thank you ulit ha. Gi, una na kami baka pagod na si Enzo. Saka baka umulan eh”, sabi pa nya.

Tumango lang si Luigi sa kanya.

---------------------------------------------------------------------------------------------

Nakaalis na ang mga kasama namin.

Pero parehas pa rin kaming walang imik ni Luigi.

Nakatingin lang ako sa mukha nito, at ganon din sya sa akin.

Nasaan na ang mga pinractice kong speech?

“Laureen….”

“Luigi….”

Sabay naming sabi sa isa’t-isa.

Dahil don napayuko si Luigi.

Hingang malalim Laureen.

“Luigi, may sasabihin ako sayo. Nung gabi na nakita mo kami ni Billy, wala yun, hindi ko al----“, panimula ko pero naputol ang sasabihin ko dahil sa sinabi ni Luigi.

“I miss you”, sabi nya ng mahina at puno ng sinseridad.

Nagsimulang gumilid ang mga luha ko sa mata, “N-namiss d-din kita Lui----“.

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil naglakad na ng mabilis si Luigi papunta sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Namiss din Luigi”, umiiyak kong sabi sa kanya habang yakap nya ako ng mahigpit, “Sobrang miss kita”

“Tahan na Laureen. Tahan na”, sabi nito at hinaplos-haplos ang likod ko, “Sorry. I’m so sorry sa lahat-lahat. Naging makitid ang pagiisip ko.”

“Huhuhuhu. Lu-ui-gi”, patuloy lang ako sa pagiiyak.

Bumitiw sya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang pisngi ko. Pinunasan nito ang mga luha ko at hinawi ang buhok ko sa may noo, “Mahal kita Laureen. Parang halos mabaliw na ako nung nagkahiwalay tayo. Kahit saan ako tumingin, ikaw ang naaalala ko”, sabi nya.

Hindi mapatid ang luha ko lalo dahil sa sinabi nya.

“Tahan na please. Sorry talaga. Babawi ako promise, kung hahayaan mo lang ako”, pagsusumamo niya.

“I hate you!”, sabi ko sa kanya.

Lumungkot ang mukha nito.

“I hate you kasi nagpamiss ka masyado. Miss na miss kita, di mo ako pinapatulog sa gabi sa kakaisip sayo”, sabi ko sa kanya.

Doon.

Doon ko ulit unang nakitang ngumiti si Luigi pagkatapos ng mahabang panahon.

“I love you. I love you Laureen”, sabi ni Luigi sa akin.

“I love you too Luigi”, sabi ko sa kanya.

Sumeryoso ang mukha ni Luigi.

Tinrace nito ang linya ng ilong ko at ng labi ko.

At unti-unting nilapit ang mukha nya sa mukha ko.

Naramdaman ko na lang na lumapat na ang mga labi nya sa labi ko, pero ilang segundo lang ay naramdaman ko na ding nabasa ang pisngi ko.

Pumapatak ang ulan.

Nagbitiw kami ni Luigi dahil doon at parehas na napatingin sa mga ulap.

At pagbalik ng tingin ko sa mukha nya, nasilayan ko na naman ang napaganda nyang ngiti.

“Umuulan na, tara na uwi na tayo”, sabi ko sa kanya, hinigit ko sya para makasilong kami.

Pero bago pa ko makatakbo, hinigit na nya ako pabalik sa pwesto ko.

“Bakit pa tayo tatakbo, eh basa na din naman tayo”, sabi nya sa akin ng nakangiti.

“Eh baka magkasakit tayo”, sabi ko sa kanya.

“Hindi yan…. Enjoyin na lang natin ang ulan, Hon”, sabi nya sa akin ng nakangiti.

Napangiti ako.

Hon.

Ang tagal kong hindi narinig yun.

Ngumiti din ako sa kanya, “Hon”, tumango-tango ako, “Yes, enjoyin na lang natin”, sabi ko sa kanya.

Pagkatapos ay naglakad kami ng mabagal sa ulan ng magkahawak ang kamay.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

                 *dedicated to shrliejoy. Panalo inisa-isa mo. Kwela ang #20, naaliw ako.

Pero higit pa sa pagbanggit ng obvious, ang ganda din ng sagot mo bluetangerine. Maiksi, pero yep, there are little stories of firsts/beginnings :)

 

Eto lang ang update ko today. Hehe.

 

Malapit na. Malapit na mag-wakas ang kwentong ito. :)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Continue Reading

You'll Also Like

15.2K 317 5
Second installment of the "THE BOSS" Twin Series. This story is stand alone with five chapters. First Installment: BTW - It's Love! (Story in partner...
523K 9.4K 33
Please, read the Student Terror Part 1 first.
9.9M 122K 117
Magaling humalik. Magaling sa kama. Hindi torpe. Gwapo. Lahat ng iyan, wala kay Kendrick. Lahat ng iyan, naging dahilan para iwan...
36.5K 3.3K 76
It follows the life of a merman named Yuelo who will try to live on the land to achieve his mission to assassinate the person whom he believes is the...