✔ || Hot Mom

By mariyachacha

1M 21.3K 8.2K

PUBLISHED UNDER IMMAC PPH [ WARNING R18 ] A thirty-six-year old single mother who fell in love with her son's... More

Single Mom I
Prologue
Hot 1
Hot 2
Hot 3
Hot 4
Hot 5
Hot 6
Hot 7
Hot 8
Hot 9
Hot 10
Hot 11
Hot 12
Hot 13
Hot 14
Hot 15
Hot 16
Hot 18
Hot 19
Hot 20
Hot 21
Hot 22
Hot 23
Hot 24
Hot 25
Hot 26
Hot 27
Hot 28
Hot 29
READ THIS FIRST BEFORE YOU PROCEED
Hot 30
Hot 30 (OLD VERSION)
Hot 31
Hot 31 (OLD VERSION)
Hot 32 ( OLD VERSION)
EPILOGUE
Epilogue (OLD VERSION)
SPECIAL CHAPTER I (OLD VERSION)
ANNOUNCEMENT 2.0
SOON TO BE PUBLISHED
IMMAC SHOPPE BOOK UPDATE
IMMAC PPH SHOPEE BOOK DETAILS
BOOK GIVEAWAY
BOOK GIVEAWAY WINNER
SANTI

Hot 17

18.1K 458 133
By mariyachacha


Chapter 17

Crisanta Gutierrez

Two weeks ng hindi umuuwi si Santi. Two weeks na rin akong hindi nakakatulog ng maayos. Pinipilit ko naman para sa kambal, kaya lang miss na miss ko na talaga si Santi.

I'm always wondering if he's doing fine, o kumakain ba siya sa tamang oras. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa anak ko.

Ito ang pinakamatagal naming hindi magkasama. Noon sumasama siya sa mga camping na inaabot lang ng ilang araw, minsan pa nga pinapapunta pa niya ako kung nasaan sila dahil namimiss na raw niya ako.

Growing up, Santi is a really really sweet boy. Ayaw din niyang humihiwalay sa akin.

Kaya sobrang hirap para sa akin na wala siya lalo na ngayon na palagi ko siyang gustong nakikita. Pero kailangan ko siyang intindihin. Nagkamali ako at kailangan kong pagbayaran iyon.

Nasa tamang edad na rin siya para magdesisyon para sa sarili niya. Maghihintay na lang ako kung kailan niya ako patatawarin.

Nasa dining table lang ako kumakain ng strawberry at honey. Nowadays ito ang palagi kong hinahanap kapag wala akong gana kumain. Parang ito na kasi ang nagiging comfort food ko ng hindi ko alam kung paano nangyari.

Bigla ko na lang siya nasabi tapos ayon na... palagi ko nang hinahanap.

Isusubo ko na ang last piece ng strawberry na sinawsaw ko sa honey nang biglang may nag door bell. Kung sino ka 'man, hindi puwedeng hindi ko muna ito isusubo.

Ngumiti ako at masayang sinubo ang strawberry na hawak ko bago tumayo at nagtungo sa pinto. Nakakailang door bell na kasi, parang gusto nang sirain. Baka si Sevi lang 'yon na mangungulit na naman.

Lumabas ako ng bahay at dali-daling naglakad papunta sa gate. Kapag si Sevi talaga 'to matatamaan siya sa'kin. Palagi na lang pinagti-tripan itong door bell ko. Nakakapasok naman siya sa ayaw at sa gusto ko.

Desisyon amp.

Naiirita kong binuksan gate.“Sino ba 'yan---” Umurong ang dila ko nang makita ang hindi ko inaasahang tao na tatayo sa harap ng bahay namin.

What is she doing here?

It's been twenty-one years since I last saw her. She's too old.

“M-mommy?”

I still can't believe she's here. Galit ako sa kan'ya pero naiiyak ako. Ang tanda na ng Mommy ko, tandang-tanda ko pa noong huli naming pagkikita. Bata pa siya noon na sobrang layo na sa itsura niya ngayon.

I think I missed her.

Naiiyak na talaga ako, pero kailangan kong itago sa kan'ya. Hindi ko pa rin makakalimutan lahat ng pagpapahirap niya sa amin noong pinagbubuntis ko pa si Santi kaya napilitan akong umalis.

Walang kasalanan noon si Santi pero hindi niya pa rin ito matanggap. Kaya mas pinili ko na lang lumayo at palakihin siya ng mag-isa.

Pinagmasdan kong mabuti si Mommy at si Nikita na nasa likod niya. Umiiwas siya nang tingin sa akin.

Mukhang alam ko na kung bakit sila nandito.

Parang bumalik ang lahat ng luha ko. Hindi na pala ako naiiyak.

Tumayo ako ng tuwid at walang emosyon silang tiningnan. “Bakit nag-abala pa kayong dumalaw? Walang may sakit---”

Hindi ako pinatapos ni Mommy. Hinawi niya ako at pumasok ng wala 'man lang pahintulot ko.

Iyan ba ang gugustuhin kong makasama ni Santi hanang nagkakaisip? No way. Kahit maghirap kaming dalawa, hindi ko siya hahayaang maging katulad nilang lahat.

Sinarado ko na lang ang gate at nagpipigil na makagawa ng gulo. I'm pregnant, I need to calm down.

Sinundan ko lang sila nang tingin. Nililibot ng mga mata ni Mommy ang buong paligid. Nasa labas pa lang kami ng bahay pero jina-judge na ako sa isip niyan.

“Not bad for a class a chinese,” she mumbled.

Umawang ang bibig ko sa narinig. Binubulong niya ba 'yon o talaga pinaririnig sa akin? At anong tawag niya kay Mr. Chang? Class A chinese?

The hell!

She's insulting my poor dead husband. Sana bumangon siya sa hukay at dalawin siya pag-uwi. Tsk.

“Siya nga pala...” Nagulat ako nang biglang lumakas ang boses niya at nilingon ako. “Ano itong sinasabi ni Nikita na buntis ka raw at sa bestfriend pa ni Santi? Wala ka ba talagang delikadesa at kung sinu-sino na lamang ang inuuwi mo dito sa bahay? Hindi ka ba nahihiya sa anak mo at sa asawa mong nasa hukay?” she insulted me one more million times with her eyebrows on flick.

Napatingin ako bigla kay Nikita na nagtatago sa likod ng Lola niyang kasing tabil ng dila niya. Akala mo kung sinong mga perpekto pero hindi naman alam ang salitang respeto.

Mabuti na lamang at tama ang pagpapalaki ko kay Santi, hindi katulad nila. Tama rin ako na huwag magtitiwala sa kahit na sino, kahit kadugo ko pa.

Inirapan ko siya at binalik ang tingin kay Mommy. Nanay ko pa rin ang kaharap ko ngayon, kaya kahit masakit ang lahat ng sinabi niya, igagalang ko pa rin siya katulad ng palagi kong ginagawa.

“Opo, buntis ako. Siguro naman po puwede na ngayong matanda na ako.” I tried to smile.

“Binibiro mo ba ako, Crisanta? Mukha ba akong nagbibiro sa'yo?”

Umiling ako. “No.” I chuckled. “Do I look joking? Sinasagot lang naman po kita. Mali na naman po ba 'yon?”

“Mali kasi pumatol ka sa bata. Matanda ka na nga pero 'yang utak mo hindi ko alam kung saan mo iniiwan. Hindi naman kita pinalaking boba, ah.”

“Baka nga po boba ako kaya hanggang ngayon mali para sa inyo ang mga desisyon ko sa buhay. Kaya nga po umalis na lang ako para hindi kayo madamay sa mga eskandalong ginagawa ko. Perpektong pamilya kayo hindi po ba?” I forced to smile.

Kunwaring concern pero gusto lang naman talaga niya akong makitang nahihirapan at ipamukha lahat ng mga katangahan ko. Masaya na siya?

Plastikan na kung plastikan.

“Noon pa 'man alam ko nang mangyayari 'to. Bata ka pa lang matigas na ang ulo mo kaya palagi kaming nag-aaway ng papa mo. Pinagtatanggol ka niya kahit mali---”

“Pinagtatanggol niya ako kasi siya lang naman talaga ang nagmamahal sa akin. Kaya kahit ayaw niya, pumayag siyang umalis ako dahil sa'yo. Tama rin ba na i-judge ang sarili mong anak habang bata pa? Nanay rin ako at hindi ko iyon magagawa sa mga anak ko kahit sobrang tigas ng kanilang mga ulo,” sabad ko.

Nanalamig na naman ako hindi dahil sa takot. Nanlalamig ang mga kamay ko sa sobrang inis. Kung hindi ko lang talaga siya Nanay baka kung ano pa ang magawa ko sa kan'ya. I'll slapped her just like I did to her sipsip na apo.

“Naririnig mo ba mga sinasabi mo, Crisanta? Anak din kita kaya mahal kita. Pinagsasabihan lang kita---”

“I'm old enough to your sermon. Baka nakakalimutan niyo po, thirty six years old na ako at may binatang anak.”

“Speaking of Santi nga pala, nasaan ang apo ko? Kukunin ko siya sa'yo sa ayaw at sa gusto mo. I can't just leave him to a woman like you. Isang pagkakamali talaga na hinayaan kitang palakihin ang apo ko.” Luminga-linga pa siya at hinahanap si Santi.

Hindi niya ako pinakinggan.

Fvck!

Hindi ba talaga siya marunong makinig? Sarili lang talaga niya ang palagi niyang iniisip.

At hindi ko ibibigay ang anak ko sa kan'ya. Mabuti na lang pala at nandoon siya sa Papa niya.

“He's not here,” tipid ko na lang na sagot.

“Then, we'll wait for him,” she said.

“Nasa school po si Santi, nag-aaral ng mabuti.”

Naramdaman ko ang paninigas ng katawan ko sa nagsalita. If I'm not mistake, si Sevi iyon. Boses pa lang niya nakukulitan na agad ako.

Bakit kaya siya nandito? Kanina pa kaya siya? Baka napakinggan niya pang lahat ang pinag-uusapan namin.

Wala na sa akin ang atensyon nila, kun'di nandoon na sa taong nasa likod ko. Pinagmasdan siya ni Mommy at tiningnan mula ulo hanggang paa bago binalik sa akin ang tingin.

“Nikita, siya ba 'yong crush mo na nakabuntis sa Tita Crisanta mo?” Mata pa lang ni Mommy maiinis ka na, lalo na sa mga lumalabas sa bibig niya.

Tama ba na magsalita siya nang gano'n sa harap ko? Parang pinamumukha pa niya na inagawan ko ang paborito niyang apo.

Bwisit.

Tumango lang naman si Nikita sa likod ni Mommy. Magsalita ka lang talagang bata ka ng hindi maganda sa harap ko baka hindi mo gugustuhin ang gagawin ko.

“Ijo, ilang taon ka na nga ulit?” usisa pa niya, ngunit bakas pa rin ang pagmamataas.

“Twenty one po, same as her and Santi.” Naramdaman ko ang mga yabag ni Sevi papalapit sa amin habang nagsasalita.

“Oh, my God, Crisanta! Nakikita mo ba 'yang ginawa mo? Sinira mo ang buhay ng bata. Hindi ka ba talaga nag-iisip?!” she exclaimed, frustrated.

“She's not at fault. Ako po ang unang nagkagusto---”

“Sevi, would you please stop?! She's not talking to you.” I stopped him and glared at him. “Hindi mo kailangan gawin 'yan. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko,” I said emphatically.

“I'm just trying to help. Minamaliit ka niya,” pakikipagtalo pa niya.

“Alam ko, kaya nga ako ang kailangan makipag-usap sa kan'ya.” Binalik ko ang tingin kay Mommy. “Puwede po ba umalis na kayo? Buntis po ako baka nakakalimutan niyo.”

Hindi ako pinansin ni Mommy. Nilingon niya si Sevi. “Alam ba ng mga magulang mo na magkakaroon na sila ng apo sa Nanay ng bestfriend mo?” taas kilay pa niyang tanong.

“Mommy! Kapag hindi po kayo tumigil, baka mapilitan po akong tumawag ng pulis.”

“Bakit hindi mo gawin? Gusto mo ba ako pa ang gumawa para sa'yo?” hamon niya sa akin. “Kung nahihiya ka, sana nag-isip ka muna bago ka bumukaka sa harap ng batang 'yan. Ikaw pa nga ang dapat ikulong dahil diyan sa pinaggagawa mo. Nakakahiya ka,” mariing sabi niya na parang pinamumukha pa sa akin lahat ng sinabi niya.

Fvck.

Huminga ako nang malalim at umiwas nang tingin. I need to calm down. Ayoko nang maulit ang mga nangyari. Baka sa susunod tuluyan na silang mawala sa akin.

Hinawakan ko ang tiyan ko at pinakalma ang aking sarili. Crisanta, kaya mo 'to.

“Lola, tumigil na po kayo. Sasama na lang po ako.”

Para akong nabuhayan ng dugo nang marinig ang boses ni Santi. Nandito siya?

He's back.

“Anak...” nakangiti kong hinanap si Santi sa paligid.

Mas lalo naman akong napangiti nang makita siyang nakatayo malapit sa gate. Diretso lang ang tingin niya sa direksyon ng Lola niya.

Lalapitan ko na sana siya para yakapin at kumustahin, bigla naman siyang umalis at pinuntahan ang Lola niya.

“Lola, let's go.” Hinawakan niya ang Lola niya sa braso at inalalayan sa paglalakad. “Tara, Nikita.”

Pinapanood ko lang siya at hinintay na tumingin sa akin. Pero nabigo ako. Parang dinudurog na naman ang puso ko sa pag-aakalang umuwi siya dahil sa akin.

He's ignoring me like I was never existed.

“Tita... are you okay?” rinig kong tanong ni Sevi sa tabi ko. Naramdaman ko rin ang paghawak niya sa braso ko na agad ko namang hinawi.

Nilingon ko siya. “I'm not. Kaya please lang... umalis ka na.” Naglakad ako pabalik sa bahay at iniwan siya.

Tama naman sila, kaya nawala na sa akin lahat.

Continue Reading

You'll Also Like

9.5K 224 23
Kirsten Danielle Delavin a 26 year old Model and Beauty Queen.. A model who returned to the place she used to call HOME. Kirsten, a girl who believes...
84.1K 231 3
Blind eyes, loud hearts. To tame him is to scheme your way into his most destructive part. You can compete for superiority, target his weakness and l...
1.4K 51 35
[Casa de Salvador #1] A perfect wedding and a full of love and faithfulness marriage is one of the things that Tymm Arces Narciso looked forward to...
577K 17.2K 86
Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng ibang tao. She has a third eye. Hindi n...