MYRNA, THE GOOD DAUGHTER

By NassehWP

17.9K 721 74

Makakaya mo bang ipagpalit ang napakabait, napakasipag, maalalahaning at higit sa lahat napakaganda't simplen... More

Synopsis
CHAPTER 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Author's Messages
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52

Chapter 18

227 14 1
By NassehWP

Chapter 18

Hinahatid at sinusundo gamit ang kalabaw. Walang palya ang pagbibigay ng bulaklak ng kulay dilaw na gumamela. Halos araw-araw din akong nakakatanggap ng bar nuts, chooey choco at kung ano-ano pang matatamis na kendy ang natatanggap ko. Madalas tumatambay sa bahay at walang oras na hindi ako binubuliglig. Iyan ang lahat ang ginagawa ng lalaking masugid kong manliligaw na si Noliveros Santillan.

Araw-araw niya akong nililigawan at hinaharana. Mapa-araw man o mapa-gabi lagi silang tumatambay ng mga kaibigan niya sa amin at kakantahan ako ng mga kanta ni Parokya ni Edgar o kung minsan naman ay kanta ng Silent Santuary at ng iba pa.

Kung bibilangin ko ang araw na panliligaw niya nasa isang buwan ng mahigit ang tinagal non. Ang tagal na niyang nanliligaw pero hindi ko pa din siya sinasagot.

Nalaman na din ng mga kaibigan ko ang panliligaw ng lalaki sa akin kaya panay ang tudyo nila sa akin na magkakaboyfriend na raw ako. At sa sobrang bilis kumalat ng balita sa aming barangay naging usap-usapan ako sa aming lugar. Pinaguusapan ako ng mga matatanda. Marami silang komento na hindi ko nagugustuhan tulad ng...ke bata-bata ko pa daw ay kumekerengkeng na ako. Ang iba naman ay maaga daw akong mabubuntis dahil sa pagiging makiri ko. Meron pang, ganon na nga daw ang buhay namin ay nakukuha ko pang lumandi. Marami pa akong ibang naririnig mula sa mga kapitbahay namin malilinis ang budhi bagamat hindi ko na lamang pinapansin kasi ako naman ang mas nakakaalam kung ano ang totoo. Todo tanggol naman sa akin ng mga kaibigan kong sina Wilma at Almira. Maging ang mga kaibigan ni Noli ay pinoprotektahan ako.

Ayoko naman pumatol dahil ang turo sa akin ng mga magulang ko. Hindi dapat pumapatol ang bata sa mga matatanda kahit pa na mali ang ginagawa ng mga ito ay dapat magpakumbaba pa din.

Sina Tatay at Nanay naman ay walang tutol sa panliligaw ng lalaki sa akin. Tuwang-tuwa pa ang mga ito dahil sa wakas ay may nanliligaw na sa akin at kabarangay pa nila! Ganon ang mga kapatid ko na halos magtatalon pa dahil ang paboritong Kuya Noli nila ang manliligaw ko. Palibhasa kasi ay panay bigay ng lalaki sa mga kapatid ko ng mga mansanas at mga tsokolate kaya gustong-gusto ito ng mga bata.

Iyong kalabaw, nalaman ko kay Tatay na hindi na pala pinabayaran ng tatay ni Noli. Ang sabi raw ng matandang lalaki ay paunang regalo na raw sa aming magkakapatid gayong hindi naman kami inaanak nito at wala naman may birthday sa amin. Gayunpaman nagpasalamat pa din kami sa natanggap na blessing. Blessing kasi ang tawag namin kapag may dumarating na isang bagay sa buhay namin. Tulad ng kalabaw. Blessing iyon para sa amin. Isang napakalaking blessing.

Matuling ang pagdaan ng araw. Ang oras ay hindi napapansin bagamat abala ang lahat sa nalalapit na pagtatapos ng mga senior na gaya ko.

Kasalukuyang kaming nasa loob ng auditorium na mga senior. Nagpapraktis kasi kami ng martsa para sa graduation. Isang linggo nalang kasi magtatapos na kaming mga fourth year. Ga-gradweyt na kami!

Wala pa kami sa totoong pangyayari pero todo na ang ngiti ko. Ramdam na ramdam ko na kasi ang matagal ko ng inaasam-asam. Ang makapagtapos ng hayskul.

Maghapon ang praktis namin kaya naman si Noli walang oras sa panliligaw. Malayo kasi ang upuan nila sa amin. Hindi kasi magkakasama ang upuan ng babae at lalaki. Hiwalay kaming mga babae sa lalaki. Ginawa 'yon para iwas raw sa kalokohang gagawin ng ibang estudyante. Si Almira naman todo bigay sa praktis ng martsa. May pakembot-kembot pa nga siya habang umaakyat ng stage. Habang su Myrna tamad na tamad ang itsura. Parang hindi siya excited na makapagtapos ng hayskul. Siguro may dalaw kaya wala siya sa mood. Kanina pa kasi siya nagtataray sa amin lalo na kay Mark na palaging tumatabi sa kaniya at binubuliglig ang babae. Si Denver ayun kahit may praktis nagagawa pa din magpapogi sa mga mas first year. Ang landi talaga ng lalaking ito.

Katatapos lang naming sa unang round ng praktis ng lumapit si Noli sa pwesto ko.

"Bakit ka nandito?" Sitang tanong ko sa kaniya. "Baka hanapin ka sa upuan niyo ah," wika ko pa.

Naupo muna siya sa tabi ko bago sagutin ang tanong ko.

Sina Wilma at Almira nagpaalam na gagamit ng CR.

"Breaktime naman kaya pwede na tayong magusap." Nangingiting sabi pa niya. "Miss pala kita hehe," pahabol pang sabi niya.

Naginit ang mukha ko.

"Magtigil ka nga Noli kita mong nasa gym pa tayo eh." Namumulang saway ko sa kaniya.

"Maano naman? Naguusap lang naman tayo ah? Saka bakit ka namumula diyan? Maysakit ka ba?" Magkakasunod na tanong niya. "O baka naman kinikilig kalang kasi sabi ko, Miss kita?" Bigla niyang dugtong at ngumisi ng nakakaloko.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Mainit lang kaya namumula ako!" Sikmat ko sa kaniya. Hindi ko pinahalata sa kaniya ang bigla kong pagkataranta baka kasi makahalata siya.

"Asus. Amin-amin din pag may time Myrna," kantiyaw pa ni Noli sa akin.

Sinamaan ko uli siya ng tingin. Wala talagang pinipiling lugar ang magsasakang ito!

"Bumalik kana nga sa upuan niyo! Panggulo kalang dito eh." Taboy ko sa kaniya pero hindi siya nakinig sa halip ay inilagay niya sa likuran ko ang braso niya at pinatong sa may sandalan ng upuan ko.

"Ang mahal ko naman pinagtatabuyan ako. Hindi mo ba ako namis?" Parang nagtatampong sabi pa nito bagamat may nakakalokong ngisi sa mga labi nito.

Pinandilatan ko siya ng mga mata ng marinig ang salitang nagpabilis ng ritmo sa aking dibdib. Tinignan ko si Noli.

"A-anong pinagsasabi mong lalaki ka! B-baka may makarinig diyan sa 'yo eh!" Namumula uling sabi ko at mabilis na inalis ang tingin sa lalaki baka kasi makita na naman niya kung gaano na kapula ang mukha ko.

"Mahal ang gusto kong itawag sa 'yo Myrna, Iyon ang napili ko kasi mas bagay sa 'yo." Aniya at nginitian ako ng pagkatamis.

Mabilis akong napatingin kay Noli ng marinig uli ang boses niya. Nagtama ang aming mga mata. Nakakatunaw ang tingin niyang iyon. Tila ba para nitong sinusukat ang pagkatao ko.

"H-hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi kaya gumaganyan ka na naman?" Iyon ang lumabas sa bibig ko ng wala akong maisip na sasabihin. Bigla kasing na blangko ang isipan ko.

Umismid siya.

"Myrna, Maayos ang tulog ko kahit buong gabi kitang iniisip. At kahit mapuyat pa ako ng ilang gabi okay lang basta ikaw ang laman ng isipan ko." Pahayag pa ni Noli na siyang nagpainit lalo ng mukha ko.

Nakakarami na talaga siya!

"A-ang corny mo naman." Kunway punla ko sa kaniya.

Natawa siya bagamang hindi naman naasar.

"Ang sabihin mo, Kinikilig ka kasi nalaman mong buong gabi kitang iniisip." Panunudyo pa niya sa akin.

Umingos ako upang pagtakpan ang sarili. Totoo ang sinasabi niya. Kinikilig ako at nagugustuhan ang sinabi niya. Pero 'wag naman sana siyang derekta kasi konti nalang maiihi na ako sa upuan ko!

Bahagya niyang inilapit ang sarili sa akin. Napalunok ako at napapasong umusog ako palayo sa kaniya. Ang lakas kasi ng kabog ng dibdib ko. Tapos iyong mga kulisap sa tiyan ko nabuhay at nagkakagulo. Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ring ay gusto ng tumalon ng puso ko.

"A-anong g-ginagawa mo Noli...n-nasa gymnasium tayo." Pautal-utal na tanong ko sa kaniya bagamat hindi tumitigil ang kabog sa aking dibdib. Palakas iyon ng palakas.

"Gusto ko lang itanong..." pabitin na sambit pa niya.

"A—anong itatanong mo?" Kabadong tanong ko pabalik sa kaniya.

Ilang segundo siyang hindi muna sumagot sa akin. Nakatitig lang siya sa akin na para bang ako ang pinakamagandang babae sa paningin niya.

"Kailan mo ako sasagutin?"

Napalunok ako bigla. Hindi alam ang isasagot.

"Myrna?"

Tumikhim ako.

"H-hindi ko pa alam Noli." Mahinang sagot ko. Iyon naman talaga ang totoo. Hindi ko alam kung kailan ko siya sasagutin gayong ang tagal na niyang nanliligaw sa akin. At isa pa, abala kaming lahat sa nalalapit na pagtatapos kaya kailangan magpokus roon.

Matagal siyang nakatingin sa akin. Inaarok ang damdamin sa pamamagitan ng kaniyang mga mata.

"Hindi mo pa alam? Bakit?"

"Ewan ko. Siguro kasi...marami tayong pinagkakaabalahan."

Lumayo na siya sa akin at naupo ng maayos sa katabing upuan ko.

"Ayaw mo ba sa akin Myrna?" Narinig ko pang tanong ni Myrna. Hindi siya tumitingin sa akin. Nasa ibang dereksyon ang paningin niya.

Lumunok ako. Hindi agad nakasagot. Iniwas ang tingin sa kaniya.

"Umaasa ako Myrna..."

Napatingin ako kay Noli.

Lumingon siya sa akin.

"Sana hindi ako mabigo sa ginagawa ko."

Hirap na napalunok ako. Nagiwas uli ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang kakaibang emosyong iyon sa mga mata ni Noli na hindi ko mapangalanan.

Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa kaniya. Masyado akong nadadala ng lahat. Tulad ng palapit na pagtatapos namin at sa lahat ng pwedeng mangyari.

Pero nasisiguro kong...

Hindi ko siya mabibigo.

NASSEHWP

Continue Reading

You'll Also Like

6.6K 684 72
" දන්නවද අභී..! එයා හරියට වැස්සක් වගේ...!" " වැස්සක් !?...'' '' ඔව් වැස්සක්...එයාගෙ ආදරෙත් හරියට වැස්සක් වගේ...කාලයක් මාව ඒ වැස්සෙන් තෙම්මලා....එයා ය...
33.2K 525 51
What the title said. You are a Worker Drone BTW Slow Updates because My motivation is dying.
55K 2.3K 22
Story about a married couple who's life was so toxic to live in. ⚠️ !!!𝗔𝗧𝗧𝗘𝗡𝗧𝗜𝗢𝗡!!!⚠️ ♡ This story is going to contain domēstic abu$e, so r...