✔ || Hot Mom

Da mariyachacha

1M 21.3K 8.2K

PUBLISHED UNDER IMMAC PPH [ WARNING R18 ] A thirty-six-year old single mother who fell in love with her son's... Altro

Single Mom I
Prologue
Hot 1
Hot 2
Hot 3
Hot 4
Hot 5
Hot 6
Hot 7
Hot 8
Hot 9
Hot 10
Hot 11
Hot 12
Hot 13
Hot 14
Hot 15
Hot 17
Hot 18
Hot 19
Hot 20
Hot 21
Hot 22
Hot 23
Hot 24
Hot 25
Hot 26
Hot 27
Hot 28
Hot 29
READ THIS FIRST BEFORE YOU PROCEED
Hot 30
Hot 30 (OLD VERSION)
Hot 31
Hot 31 (OLD VERSION)
Hot 32 ( OLD VERSION)
EPILOGUE
Epilogue (OLD VERSION)
SPECIAL CHAPTER I (OLD VERSION)
ANNOUNCEMENT 2.0
SOON TO BE PUBLISHED
IMMAC SHOPPE BOOK UPDATE
IMMAC PPH SHOPEE BOOK DETAILS
BOOK GIVEAWAY
BOOK GIVEAWAY WINNER
SANTI

Hot 16

18.7K 460 75
Da mariyachacha


Chapter 16

Gael Sevirino Torres

After kong dumaan sa bahay nila Tita Crisanta galing school, umuwi muna ako para magpalit ng damit pangtulog. Mag-da-dalawang linggo na kasing hindi umuuwi si Santi kaya kailangan kong puntahan at kumustahin ang mag-i-ina ko. Hindi ko na kasi sila puwedeng pabayaan lalo na ngayong wala siyang kasama sa bahay.

Ayaw pa rin kasi niyang pauwiin si Manang Linda na nasa probinsya. Naaawa na raw kasi siya sa matanda, matagal ng hindi nakakauwi kaya hinahayaan na muna niyang sulitin ang bakasyon niya.

May choice 'man ako o wala, pupuntahan ko pa rin sila sa kabilang bahay. Kulang na nga lang ay doon ako matulog, ayaw nga lang ni Tita Crisanta.

Naiintindihan ko naman siya. Kaya ang ginagawa ko na lang, imbis na hayaan siyang matulog mag-isa sa bahay nila, dito na ako natutulog sa kotse.

Tapos na akong magbihis kaya oras na para ayusin ang night life ko sa aking kotse. Nagdala na rin ako ng food at water in case na magutom ako at makaramdam ng uhaw. Mabuti na iyong handa palagi.

Pinarada ko lang ang kotse ko sa tapat ng bahay nila Tita Crisanta at inayos ang mga upuan para comportable naman ako sa pagtulog.

Mag-da-dalawang linggo ko na rin itong ginagawa simula nang umalis si Santi papunta sa papa niya. Hindi ko rin naman siya masisisi, pero nasisiguro ko namang babalik siya.

He loves his mother very much.

Pagkatapos kong mag-ayos ng kotse, ginawa ko na ang daily routine ko. Umupo ako sa likod ng raptor ko habang nakatingin sa bahay nila Tita Crisanta.

Medyo madilim na kaya halos lahat ng ilaw sa bahay nila ay bukas. Mas maigi na 'yon para nakikita niya ang lahat ng dinadaanan niya.

Ito ang ginagawa ko gabi-gabi bago matulog si Tita Crisanta. Pinapanood ko ang bahay niya na parang cctv. Hindi ko 'man siya nakikita mula dito sa labas, atleast alam kong ligtas siya.

Maaga naman natutulog si Tita Crisanta. Recently before nine ng gabi tulog na siya. Gano'ng oras kasi namamatay ang ilaw sa kwarto niya. Mabuti na lang talaga ang isang side ng kwarto niya harap na ng bahay.

Nawala ako sa concentration nang makaramdam ako ng kung ano sa balat ko. Makati. Masakit. Shit!

Tinaas ko ang braso ko dahilan para makita ko kung ano 'yon. Ikaw lang pala, sinisira mo pa ako sa momentum.

“Tangina, lamok ka lang!” saad ko at hinampas ng medyo malakas ang braso ko. “Tatay ako at asa...”

Wala nga pala kaming label. Importante pa ba 'yon?

Hello, may twins na, oh! Maghahanap pa ba ako ng label?

I chuckled at my own thoughts.

Actually, I'm still planning to court her after everything what is currently happening. I don't want to take advantage since Santi is not at home. I want to court her decently and officially.

Gusto ko naman may magandang makwento sa mga anak namin, hindi 'yong puro problematic lang. Hindi 'man siya kagaya ng isang fairytale, at least naparanas ko sa Mama nila maging isang prinsesa.

I leaned back and stared at the house. I can still feel the sadness of their house even if I'm here outside.

Mahahalata mo talaga agad ang lungkot kapag wala ang kahit isang miyembro ng pamilya. Lalo na sa bahay namin, lahat sila wala ako na lang palagi ang naiiwan.

Nawala na naman ako sa momentum nang may dumaan na kotse sa harap ko. Napatingin ako doon at pinanood ang pagdaan niya. Nanlaki ang mga mata ko at nagmadaling bumaba ng kotse nang makitang si Santi iyon.

Hindi ako puwedeng magkamali, siya iyon. Kahit mabilis at saglit ko lang nakita ang driver hindi ako puwedeng magkamali na si Santi talaga 'yon. Sa ilang taon naming magkaibigan, at ilang beses kong pagsakay sa kotse niya imposible nang magkamali ako.

Tumayo ako sa gitna nang kalsada at pinagmasdan ang likod ng kotse. Napangiti naman agad ako nang makitang hindi nga ako nagkamali sa nakita.

May malaking sticker ng 'Mama' sa likod ng kotse niya. I knew it.

Hindi niya talaga matitiis ang Mama niya.

Kinabukasan pagkatapos ko ulit dumaan sa bahay nila Tita Crisanta dumiretso na ako sa pagpasok. Ginagamit ko na ang raptor ko dahil wala naman si Santi para maging hatid-sundo ko. Tinatamad kasi akong mag-drive.

Excited na naman akong pumasok para kausapin si Santi. I'm not sure kung papansinin niya ba ako, pero susubukan ko pa rin. Halos hindi na rin kami nagkikita, kapag nasa iisang classroom kami doon ko lang siya nakikita. Lumipat pa nga siya ng upuan para hindi ako makatabi.

“Nakita mo ba si Santi?” tanong ko sa isang kaklase namin na si Ja---Janelle Almasa? As far as I remember.

Tahimik kasi 'to sa kaklase at hindi masyadong nagsasalita kaya siya na lang ang tinanong ko kaysa doon sa mga malalandi kong kaklase.

Bakas sa ekspresyon niyang nagulat ko siya sa pagtatanong ko. We're not usually talking talaga, kaya nakakagulat din.

“Ah--- hindi,” tipid niyang sagot. Umiiling pa siya habang sinasabi 'yon.

Nginitian ko siya. “Sige. Salamat, Janelle.”

Tinalikuran ko na siya at pinagpatuloy ang paghahanap kay Santi. Ilang babae pa kaya ang mapagtatanungan ko bago ko makita si Santi?

Ayokong magtanong sa mga lalaki dito wala kasing mga kwenta. Kapag babae kasi center of attraction agad si Santi kaya mas madali ko siyang mahahanap kapag babae ang pinagtatanungan ko.

Katulad ngayon, may mga naririnig akong nasa gym daw si Santi. Hindi lang masyadong malinaw kasi nagbubulungan lang naman sila.

“Girlfriend niya kaya 'yon?”

“Hindi 'man lang sila kumuha ng kwarto, talagang sa public place pa nila ginagawa 'yon.”

“Akala ko pa naman ideal guy, wala rin palang pinagkaiba sa mga lalaki diyan.”

“Kilala niyo ba 'yong girl?”

“Tourism daw 'yon kaya maganda.”

Kapag gwapo talaga para lang din sa mga magaganda. Tsk.”

Iilan lang 'yan sa mga naririnig ko habang nilalakad ang daan papuntang gymnasium. Hindi ko sila naiintindihan, pero habang tumatagal parang nakukuha ko na ang ibig nilang sabihin.

Lalaki rin naman ako, dumadaan sa stage ng pagiging malandi. Papunta pa nga lang siya, paalis na ako. Magiging Tatay na ako kaya kailangan kong ayusin ang buhay ko.

Natigilan ako paglalakad nang salubungin ako ni Aziel. Hinahangos siya at mukhang kanina pa ako hinahanap. Para kasing nakakita siya ng multo pagkakita sa akin.

“Pre! Nabalitaan mo na ba? Si Santi, pre!” Huminga pa siya ng malalim bago ako hinawakan sa balikat. “May kahalikan si Santi sa gym!”

Hindi ko alam ang isasagot ko kay Aziel. Naririnig ko na naman sa daan, pero ngayon lang nag-sink in sa akin na si Santi nga pala iyon.

Santo 'yon at never nakikipaglandian. Lalo na siguro ang makipaghalikan sa public place. Alam ko 'yon kasi bestfriend niya ako.

Hinawi ko si Aziel at nagtatakbo na papunta sa gym.

Gago ba siya?

Ngayon pa talaga siya gagawa ng ganiyan kung kailan bawal si Tita Crisanta ma-stress. Alam naman niyang pinagbabawal 'yon dito sa school tapos doon pa talaga niya gagawin sa maraming tao.

Nakakainis.

Ang bobo talaga niya sa part na 'yon!

Malilintikan talaga siya sa akin kapag pinatawag ng Dean ang Mama niya dahil sa pinaggagawa niya. Graduationg pa 'man din kami. Ewan ko na lang kung hindi siya magkaroon ng record.

Huminto ako sa harap ng main entrance ng gym. Maraming tao na parang may artistang inaabangan.

Iyan na nga ba ang sinasabi ko, Santi! Santisima ka talaga!

Kapag nakarating talaga 'to sa Dean's office wala ka nang kawala. Hindi kasi nagpapaturo sa akin ng basic skills, ayan tuloy. Tsk.

Mariin akong pumikit bago nagpipigil nang inis na hinawi ang daan para makapasok. Nakakairita!

May ilan pang nag-vi-video kaya mas lalong ako napikon.

“Itigil niyo 'yan bago ko kayo masuntok lahat!” pagbabanta ko sa kanilang lahat.

Sa takot nila sa akin, agad nilang tinago ang hawak nilang mga cellphone at isa-isang naglabasan ng gymnasium. Gan'yan ang tama behavior, marunong makinig sa gwapo. Tsk.

Hinintay ko muna silang makalabas lahat bago hinanap ng mga mata ko si Santi. Wala pang isang minuto nang paghahanap nakita ko naman kaagad siya.

Nagulat ako sa nakita at hindi rin makapaniwala sa kayang gawin ni Santi. Habang tinitingnan sila, para akong nanonood ng xrated na live.

Fvck!

Ganiyan ba ang gawain ng matinong tao? Well, hindi ko naman matatawag na matino akong tao kaya nevermind na lang.

Very unusual lang kasi hindi ganiyan ang bestfriend ko. Ang kilala kong Santi sobrang tinong tao at hindi gagawa ng ganitong kaguluhan.

“Sabi sa'yo marunong din humalik si Santi, e.”

Napalingon ako sa nagsalita at nakitang si Azeil na naman 'yon. Sinundan din pala ako ng mokong. Nakipatong pa siya ng kamay sa balikat ko at ngiting-ngiti na pinapanood si Santi at iyong babaeng kahalikan niya.

Inirapan ko siya at muling binalik ang tingin kay Santi.

I cleared my throat. “Girlfriend ba niya 'yan?”

“Wala namang girlfriend si Santi.”

“Eh, sino 'yan? Saan niya napulot?” tanong ko pa.

“Hindi ko nga rin kilala. Pero narinig ko na taga tourism daw, Denise ang pangalan.”

“Kanina pa ba sila dito? Suwayin mo na nga,” utos ko sabay siko sa kan'ya.

“Bakit ako? Ayoko nga, baka masapak pa ako niyan.” Umurong siya at umiling-iling.

“Alangan namang ako?” tanong ko sabay turo sa sarili ko.

“Oh, bakit hindi ikaw? 'Di ba mag-bestfriend naman kayo.”

“Ahm...” Naglakbay ang mga mata ko para maghanap ng sasabihin. “Sabihin na lang natin na... tangina, galit nga sa'kin 'yan. Kaya ikaw na lang!” pag-amin ko na lang. Wala kasi akong maisip na dahilan.

Malalaman din naman nila, bakit itatago ko pa?

“Aba, hindi ko na problema 'yan. Hayaan mo na lang kasi. Minsan lang naman 'yan makatikim ng labi.” Aziel chuckled.

“Siraulo!” Matalim ko siyang tiningnan bago binalik ang tingin kay na Santi.

Naghahalikan pa rin sila no'ng babae na parang wala ng bukas. Hawak na hawak din si Santi doon sa hita ng babae na nakapatong sa hita niya, habang ang isang kamay naman niya ay nasa batok ng babae.

Shit! My eyes!

“Aziel, pigilan mo na bago pa magkahubaran ang mga 'yan!” utos ko at nakangiwing umiwas ng tingin.

Tumawa lang si Aziel sa tabi ko. “Bahala ka diyan sa bestfriend mo,” aniya, nakangiting nang-aasar. “Bye!” Kumaway siya bago ako tinalikuran at iniwan.

“Hayop ka!”

Kapag nakita ko talaga siya mamaya malilintikan siya sa'kin. Bwisit na Aziel.

“What are you doing here?”

Shit.

Narinig niya kami?

Napalunok muna ako bago ko siya hinarap. “Ah... napadaan lang.” I forced a smile.

“Napadaan, o baka binabantayan?” His lips set in a hard line.

Napilitan akong tumawa para hindi niya mahalatang napapahiya na ako. Shit!

“Bakit naman kita babantayan? Matanda ka na,” saad ko.

Napatingin ako sa babae sa tabi niya na nakangiting  pinapanood kami. May comedy show?

“Mauna ka na, Denise, dadaanan na lang kita mamaya.” Santi kissed the girl in front of me without any hesitation.

“Bye, baby,” saad ng babae bago kami iniwan na dalawa ni Santi.

Totoo nga ang chismis. Kapag sa harap mo na ginagawa ang mga bagay na ginagawa mo, hindi nakakatuwa.

Shit! I can't.

“Now, tell me. Pinapabantayan ba ako ni Mama sa'yo? Oh, baka naman Tatay na rin kita simula ngayon?” He chuckled annoyingly.

I shook my head. “Hindi totoo ang sinasabi mo, Santi. Nandito ako para kausapin ka tungkol kagabi. Nakita kita sa labas ng bahay niyo---”

“Bakit naman ako babalik doon? Nagpapatawa ka ba?”

“Hindi rin ako nagbibiro, Santi. Kung nag-aalala ka sa Mama mo bakit hindi ka na lang umuwi? Wala siyang kasama sa bahay niyo.”

“Hindi ba nandoon ka naman palagi? Bakit hindi ka na lang doon tumira at magsama kayong dalawa? Tutal 'yon din naman siguro ang plano niyo matagal na bago pa kayo bumuo ng bata.”

Hindi ko itatanggi na galit na galit talaga siya sa akin. Kulang na nga lang umusok ang ilong niya at umapoy ang mga mata niya sa galit.

“I'm not here to start a fight, Santi. Concern lang ako sa kalagayan ng Mama mo, at sa kalagayan mo. Hindi mo ba nakikita ang ginagawa mo? You're making a scene, at kapag nakaabot 'yan sa Dean baka ipatawag ka nila.”

“Edi pupunta ako. At least ako hindi nagtatago kapag gumagawa ng kalokohan. Ikaw ba anong kaya mong gawin? Sipingan ang Mama ko kapag gabi kaya nawawala ka na lang bigla---”

I punched him.

Alam kong mali ako pero hindi naman tama ang mga lumalabas sa bibig niya. I respect him, kung re-respetuhin din niya ako. Kung babastusin naman niya ako ng gano'n hindi ko ako magdadalawang isip na gawin ulit 'yon.

Gumalaw lang ang ulo niya sa suntok ko dahil hindi naman sobrang lakas no'n kagaya ng ginawa niya sa akin sa hospital. Pasalamat siya puyat ako.

“Hindi naman tayo aabot sa ganito kung kakausapin mo ako ng maayos. Tinutulungan lang kita.”

“I don't need your help.” Hinarap niya ako na may matalim na tingin. Napansin ko rin na mapula ang pisngi niya dahil sa suntok ko. “Huwag ka na ulit lalapit sa'kin,” aniya bago ako binangga at nilagpasan.

Hindi na ako nakapagsalita. Mas okay na nga sigurong huwag na lang kaming magkalapit na dalawa. Baka kung ano pa ang sunod na mangyari sa amin.

“Siya nga pala... huwag na lang sana ito makarating kay Mama.”

Continua a leggere

Ti piacerà anche

9.5K 224 23
Kirsten Danielle Delavin a 26 year old Model and Beauty Queen.. A model who returned to the place she used to call HOME. Kirsten, a girl who believes...
140K 5.9K 52
SKYLER VILLAFUERTE- isang lalaking playboy, kinababaliwan at campus crush. Lahat ng babae ay nakukuha niya dahil sa taglay na kagwapuhan at kakisiga...
Seduced Da Cher

Narrativa generale

3.5M 112K 20
Alejandros Vejar is happy and he is gay. Nothing is wrong with being gay. His family loved him. It took a while for his father to accept him but he s...
51.4K 4.3K 65
For mature readers only 18+ and up! Please be guided! After retiring as the leader of Branco Di Lupi, Domingo Bajamonti chose to live a simple life...