✔ || Hot Mom

By mariyachacha

1M 21.3K 8.2K

PUBLISHED UNDER IMMAC PPH [ WARNING R18 ] A thirty-six-year old single mother who fell in love with her son's... More

Single Mom I
Prologue
Hot 1
Hot 2
Hot 3
Hot 4
Hot 5
Hot 6
Hot 7
Hot 8
Hot 9
Hot 10
Hot 11
Hot 13
Hot 14
Hot 15
Hot 16
Hot 17
Hot 18
Hot 19
Hot 20
Hot 21
Hot 22
Hot 23
Hot 24
Hot 25
Hot 26
Hot 27
Hot 28
Hot 29
READ THIS FIRST BEFORE YOU PROCEED
Hot 30
Hot 30 (OLD VERSION)
Hot 31
Hot 31 (OLD VERSION)
Hot 32 ( OLD VERSION)
EPILOGUE
Epilogue (OLD VERSION)
SPECIAL CHAPTER I (OLD VERSION)
ANNOUNCEMENT 2.0
SOON TO BE PUBLISHED
IMMAC SHOPPE BOOK UPDATE
IMMAC PPH SHOPEE BOOK DETAILS
BOOK GIVEAWAY
BOOK GIVEAWAY WINNER
SANTI

Hot 12

22.5K 543 140
By mariyachacha


Chapter 12

Crisanta Gutierrez

Pagkatapos naming mag-dinner, sakto naman ang pagdating ni Sevi. Nandito pa raw ang parents niya kaya hindi siya makaalis ng bahay before dinner.

“Nandito na si Sevi, Santi. Laro na tayo ng scrabble!”

Nilingon naming lahat si Nikita na kanina pa nag-aaya maglaro ng scrabble. Ayokong sumali kaya si Sevi ang kanina pa nila hinihintay.

Napagod ako maghapon kay Nikita. Sa sobrang daldal niya parang gusto ko na lang takpan ng arinola ang bibig niya. Kung madaldal siya noong bata pa, mas madaldal siya ngayon.

Lahat na yata ng lalaki na nakalandian niya nasabi na niya sa akin kanina sa isang upuan lang namin. Aniya pa, matagal na raw niyang crush si Sevi.

“Teka lang naman, palagi kang nagmamadali.” Lumipat naman ang tingin ko kay Santi na patayo pa lang mula sa dining table. Mukhang naiinis na rin siya sa pinsan.

Si Nikita kanina pa nakatayo. Nandoon na nga siya malapit kay Sevi.

“Hindi ka ba napapagod na bata ka? Kaninang umaga ka pa hindi mapakali,” ani ko na lang habang nililigpit ang pinagkainan namin.

“Oo nga, Ma. Kung anong kinakulit niya noon, mas nag-triple pa yata ngayon,” pagsang-ayon naman sa akin ni Santi.

“Grabe ka naman, Tita. Na-miss ko lang talaga kayo. One month vacation nga lang ako ngayon.”

“Mabuti naman.”

Nagkatinginan kami agad ni Santi nang pareho ang lumabas sa bibig namin. Pabulong lang iyon kaya kaming dalawa na magkatabi lang ang nakarinig.

Natawa na lang kami pareho bago ako bumalik sa pagliligpit ng mesa.

“Tara na nga, maglaro na tayo,” anyaya na lang ni Santi bago pa siya mas mainis sa pinsan.

“Sige, ayusin niyo ng dalawa ang mesa,” rinig kong sabi ni Sevi.

Hindi na ako nag-abala pang tingnan sila dahil sa ginagawa ko. Malalaki na sila, alam na nila ang ginagawa nila.

“Tita, tulungan na po kita.”

Halos mabitawan ko ang hawak kong baso sa biglang pagsulpot ni Sevi sa tabi ko. Akala ko ba ay maglalaro sila?

Kaagad kong nilingon ang dalawa sa sala. Baka makita nila kaming dalawa. Mabuti na lang at busy sila sa pag-aayos ng mesa para sa scrabble. Kaya pala inutusan niya ang dalawa para makalapit sa akin.

Huminga muna ako ng malalim bago binalik ang atensyon kay Sevi. Pinilit ko rin na maging seryoso para hindi niya ako mahalatang kinakabahan sa presensya niya.

Hindi nga siya nagbibiro, nililigpit na nga ni Sevi ang mga plato sa mesa.

Wala ngayon si Manang Linda, nagpaalam na uuwi sa probinsya habang nandito si Nikita sa bahay. Matagal na rin kasi siyang hindi nakakauwi dahil wala akong nakakasama dito sa bahay, lalo na ngayong buntis ako. Wala rin naman akong balak na sabihin kay Nikita na buntis ako, baka makarating pa sa bahay namin.

“Ako na diyan, Sevi. Doon ka na lang maglaro.” Binitawan ko ang basong hawak ko at pilit na inaabot ang mga platong inaayos niya.

“Inaayos pa naman po nila ang mesa. Saglit lang naman po 'to.” Hindi siya tumitingin sa'kin.

Wala na rin akong nagawa nang kunin niya ang mga platong pinagpatong-patong niya at dinala sa lababo.

“Huhugasan ko na rin po 'to bago ako maglaro,” aniya pa nang hindi pa rin ako tinitingnan. Binuksan niya ang gripo at nagsimulang maghugas ng mga plato.

Nalaglag ang panga ko sa mga pinaggagawa niya. Seryoso ba siya? Kung hindi lang busy ang dalawa baka kung ano na ang isipin nila kay Sevi.

Pagkatapot kong pagmasdan ang likod ni Sevi na naghuhugas, pinagpatuloy ko na rin ang paglilinis ng mesa. May iilang baso na lang ang naiwan. Napunasan na rin pala ni Sevi ang mesa.

Para akong lalamunin ng lupa sa kabang nararamdaman habang nilalakad ang distansya namin ni Sevi. Kailangan ko kasing dalhin sa kan'ya ang mga baso para mahugasan na rin. Siguro, ako na lang din ang maghuhugas?

“Tita, ako na rin po ang maghuhugas ng mga baso. Pakidala na lang po dito.”

Shit. Muntik ko na namang mahulog ang mga basong hawak ko. Natigilan din ako sa gulat.

Naririnig niya ba ang isip ko?

Imposible naman na mangyari 'yon, hindi naman siya superhero. Gaga ka, Crisanta! Kung anu-ano na namang iniisip mo.

Napailing na lang ako bago lakas loob na lumapit kay Sevi. Tahimik at maingat ko na lang na nilapag ang mga baso sa kitchen sink.

“Salamat, Sevi.”

Mabilis pa sa alas quatro ang pagtikom ko ng aking bibig dahil sa salita na lumabas doon. I'm not planning to thank him, or maybe talk to him.

Ano bang nangyayari sa katawan ko? Bakit nagkukusa na lang siya sa kung anong gusto niyang gawin ng walang paalam sa akin? Nababaliw na yata ako!

Tinalikuran ko kaagad siya bago pa ako mas lalong mabaliw sa sasabihin niya. Baka lamunin lang ako ng sarili kong katangahan.

“Bilisan mo na d'yan, hinihintay ka na nila Santi,” ani ko na lang at nagmadaling naglakad palayo sa kan'ya.

Hindi na siya nagsalita kaya mas nakahinga ako ng maluwag. Mabuti at alam na niya kung kailan at hindi dapat magsalita.

Nasa living area na ako kung nasaan ang magpinsan. Mukhang hindi naman nila kami napansin.

“Nasaan na si Sevi? Magsimula na tayo para makarami,” ani Nikita, nililibot ang mga mata sa bahay.

“Gaga ka!” Santi chuckled.

“Shet! Ang sipag naman ng future husband ko!” Tumayong bigla si Nikita sabay palakpak nang makita si Sevi sa kusina na naghuhugas. “Kaya sa'yo ako, e!” aniya pa.

Pangiti-ngiti pa siya na parang nag-e-enjoy sa pinapanood. Aba itong batang 'to, baka sa akin pa nagmana ng kalandian. Mapapatay talaga ako ng tatay nito kapag nalaman ang pinaggagawa niya dito sa bahay.

Bahagyang tumaas ang isang kilay ko at nilapitan si Nikita sa kinatatayuan niya. “Isa pa, Nikita, ibabalik na talaga kita sa bahay niyo! Kung gusto mong magtagal dito, maghunos dili ka sa kalandian mo! Ikalma mo 'yang pechay mo at baka mapasukan ng hangin at bigla na lang lumobo 'yang tiyan mo.” Pinalo ko siya sa pwet para matauhan sa pinaggagawa.

Malandi pa naman ang Sevi na 'yon. Baka nga patulan ang Nikita na 'to, mayayari talaga siya sa akin.

Bumaba ang tingin ko kay Santi nang marinig ko siyang tumatawa.

“Isa ka pa, Santi. Magtapos ka muna ng pag-aaral bago ka mangbubuntis, ha? Mahal na ang mga bilihin ngayon.” Akala siguro niya hindi siya kasama sa sermon ko.

Hindi porket may pinagkukunan kami ng pera, hahayaan ko na lang siyang gawin ang lahat ng gusto niya. Puwede niyang gawin lahat, huwag lang bagay na 'yon sa ngayon. Been there, done that.

Kaya heto ako ngayon, sa edad kong 'to pino-problema ko pa rin ang pagbubuntis ko.

“Opo, Ma.” Tinikom niya ang kan'yang bibig, pinipigalan ang tumawa.

“Si Tita naman hindi mabiro,” ani Nikita bago muling umupo. Umakto pa siyang nagtatampo sa akin.

“Alam ko namang gwapo ako, kaya huwag niyo na akong pinag-aawayan.”

Kusang gumalaw ang katawan ko para lingunin si Sevi. Naglalakad na siya palapit sa amin.

Ngiting-ngiti pa siya na parang nag-e-enjoy sa mga nangyayari.

Napatingin pa siya sa akin saglit at pasimpleng kumindat.

“Tara na, maglaro na tayo,” anyaya niya pagkalapit sa amin.

Umiwas naman agad ako para padaanin siya. Akala ko naman matino na iyong Sevi na kilala ko, isip bata pa rin pala.

I admit, gusto ko kung paano siya mag-switch ng personality niya depende sa sitwayson. He knows when and where to be mature and childish at the same time.

***

Gael Sevirino Torres

I can't hide my happiness because of this fvcking smile. I tried to cover it and act normal in front of her. But the whole time washing the dishes, I can't stop smiling.

Who wouldn't, when she thanked you for doing the dishes? Para tuloy akong nasa langit buong oras.

Hindi tuloy ako nakapagsalita. Tangina!

Pagkatapos kong maghugas narinig kong nagsesermon si Tita. Pinagsasabihan niya ang dalawa na parang may nagawang kasalanan.

Sumingit na ako bago pa humaba ang usapan.

“Alam ko namang gwapo ako, kaya huwag niyo na akong pinag-aawayan.”

Nilingon nila akong lahat kaya agad ko silang nginitian. Hindi ko naman sila masisisi.

Mula sa peripheral view ko, kitang-kita ko si Tita na titig na titig sa akin. Kaya wala nang paligoy-ligoy kong tiningnan si Tita at agad na kininditan bago pa ako mahalata nila Santi.

Minsan lang ito mangyari kaya nilulubos ko na.

“Tara na, maglaro na tayo,” anyaya ko sa kanila at saka dumaan sa harap ni Tita.

Kaagad naman siyang tumabi sa daraanan ko kaya mas lalo akong napangiti. Iwas na iwas, ah.

Umupo naman agad ako sa gilid, left side ni Santi na right side naman ni Nikita. Magkatapat naman silang magpinsan.

Hindi pa nag-iinit ang pwet ko sa pagkakaupo nang magpaalam naman si Tita na aakyat na para matulog. Ganoon na lang 'yon? Hindi niya talaga ako panonoorin na maglaro?

Pakikitaan ko pa naman siya ng mala-einstein kong galawan.

“Mamaya ka na, Tita. Maaga pa, oh!” pigil sa kan'ya ni Nikita sabay turo sa malaking wall clock nila.

Eight o'clock pa nga lang ng gabi, masyado pang maaga.

Gusto ko rin sana siyang pigilan kaso masisira ang plano kong pag-iwas para mamiss niya ako. Tama na iyong isang kindat lang kanina para mabuhayan siya ng dugo.

“Hayaan mo na, Nikita. Pinagod mo yata si Mama kanina sa kakulitan mo,” kontra naman ni magaling na Santi.

Matalim ko siyang tiningnan kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. Hindi rin marunong makisama ang isang 'to, e.

Kahit isang game lang sana, oh! Siya na nga lang ang inaasahan kong makapipigil sa Mama niya, ginatungan pa nga. Tsk.

“Sige na, maglaro na kayo diyan. Aakyat na talaga ako. Goodnight, everyone. Goodnight, Anak.”  Sumunod ang mga mata ko nang yumuko si Tita para halikan si Santi.

“Ako po wala, Tita?”

Parang kumalabog ang puso ko nang sabay-sabay silang tumingin sa akin, lalo na si Tita Crisanta na may pagbabantang mga mata.

“Mama mo?” Santi asked.

I awkwardly smile. “Joke.” Nag-peace sign pa ako para kay Tita Crisanta.

“Puwede namang ako na lang ki-kiss sa'yo.” Nikita chuckled.

“Nikita!” suway agad ni Tita Crisanta sa pamangkin.

Kanina ko pa 'to napapansin. Nagseselos ba siya kay Nikita?

Napapangiti tuloy ako sa ideyang naiisip ko. Kung nagseselos nga siya, posibleng may chance na maging kami?

Tangina! Kinikilig si Sevi! Shit!

“Haharot ka na nga lang, Nikita, kay Sevi pang hindi marunong makuntento.”

Talagang ngayon pa niya sinabi 'yan kung kailan nandito si Tita. Minsan hindi ko rin talaga gusto ang tabas ng bibig ni Santi. Gusto ko na lang siya pagulungan ng kotse sa inis ko sa kan'ya.

Pasalamat talaga siya magkakasama rin kami sa isang bahay very soon. Magiging anak din talaga kita,  Santi. Baka gutumin pa kita sa tabil ng bibig mo. Tsk.

Napilitan akong ngumiti kahit nag-iinit na ang tenga ko sa inis. Kalma, Sevi, buntis si Tita.

Hinayaan ko na lang din umakyat si Tita Crisanta bago pa may masabi ulit si Santi tungkol sa akin. Paninirang puri na ang ginagawa niya, pinapalagpas ko na lang talaga dahil kay Tita.

Mahal ko si Tita Crisanta, kailangan ko rin mahalin at tanggapin si Santi kahit sobrang sama ng ugali niya. Bwisit!

Nakakalahating game pa lang kami parang tinatamad na agad akong tapusin. Gusto ko tuloy puntahan si Tita sa itaas.

Pakiramdam ko ay sobrang talino ko na sa biglang naisip. Bakit nga ba hindi ko siya puntahan? Busy naman ang dalawa, hindi ba?

Right, Sevi! Puntahan mo na lang si Tita Crisanta, just like the old days.

Napangiti ako bago tumayo. “Punta lang ako saglit sa cr,” pagda-dahilan ko.

Tinalikuran ko sila agad at nagmartsa papunta sa hagdan. Kahit nakatalikod, ramdam ko ang mga mata nilang sumusunod sa akin.

“Dadayo ka pa talaga sa taas, Sevi?” Si Santi, nagpapatunay na totoo ang conclusion ko.

Pinapanood nga nila ako.

“Mas gusto ko cr ng kwarto mo. Huwag niyo na rin ako hintayin, baka humiga ako saglit.”

Hindi na ako naghintay pa ng sagot ni Santi. Tumakbo na agad ako paitaas at huminto sa harap ng pinto ng kwarto ni Tita Crisanta.

Matagal na bago ko huling ginawa ito, kaya medyo kinakabahan ako.

Huminga muna ako ng malalim bago lakas loob na kumatok sa pinto. Nanatili akong nakatayo at naghintay ng ilang minuto sa pagasagot ni Tita. Nang walang sumagot ay muli akong kumatok ng dalawang beses.

Baka nga natutulog na siya?

Naghintay pa ulit ako ng ilang minuto sa harap ng pinto, bago napagpasyahang bumalik na lang ulit sa ibaba nang wala na talagang sumasagot.

Mukhang napagod nga siguro ang mag-ina ko.

Mas lalo tuloy akong pinanghina. Umasa pa naman akong makikita siya tapos hindi naman pala. Nakakainis. Dapat pala kanina pa ako umakyat.

Napakamot ako sa ulo at saka hinarap ang direksyon ng hagdan. Sweet dreams na lang sa dalawang mahal ko.

Masama pa rin loob ko, ah.

Papaalis pa lang ako at hindi pa nakakaisang hakbang palayo nang biglang bumukas ang pinto. Namalayan ko na lang din ang paghila sa akin papasok ng kwarto at ang sarili kong nakasandal sa likod ng pinto.

Madilim ang paligid. Pero dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan, kitang-kita ko si Tita Crisanta na nakatayo sa harap ko.

Umawang ang labi ko sa bilis nang tibok ng puso ko. Kanina gustong-gusto ko siyang makita, pero ngayong nasa harap ko na siya hindi ko na magawang makapagsalita.

Gusto ko lang naman sabihin na namiss ko siya.

“I miss you... Sevi.”

Mas lalo akong natahimik. Hindi ko inaasahan ang lahat ng 'to.

Fvck!

Hindi sa pagmamayabang, ngayon lang talaga ako natahimik sa harap ng babae. Sa sobrang galing ko sa lahat ng bagay, bakit pagdating kay Tita Crisanta parang naninibago ulit ako?

I just wanna kiss her right --- she kiss me.

Continue Reading

You'll Also Like

51.5K 4.3K 65
For mature readers only 18+ and up! Please be guided! After retiring as the leader of Branco Di Lupi, Domingo Bajamonti chose to live a simple life...
270K 14.9K 37
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
153K 9.2K 45
"Just because you're rich doesn't mean you take the shortcuts!" Simpleng babaeng nakapasok sa isa sa pinakasikat na paaralan sa Pilipinas pero nagbag...
280K 1.3K 3
Our relationship was founded with lies. I gave her a new name. A new persona as Anselma Garcia. I call her Selma. Sel. The name used by the woman tha...