The Mafia Lord's Possession

By Kiara_Chan08

3.1M 69.7K 4.3K

"You are my possession... my priceless possession" -Rave Adrian Silvestri- Highest Ra... More

Author's Note
Chapter 1: Alone
Chapter 2: Scared
Chapter 3: Doubt
Chapter 4: Dangerous
Chapter 5: Beautiful
Chapter 6: Faint
Chapter 7: Serious
Chapter 8: Whisper
Chapter 9: Serve
Chapter 10: Mortgage
Chapter 11: Caress
Chapter 12: Astonished
Chapter 13: Pretend
Chapter 14: Crying
Chapter 15: Favorite
Chapter 16: Embraced
Chapter 17: Impetuous
Chapter 18: Mischievous
Chapter 19: Open
Chapter 20: Truth
Author's Note
Chapter 21: Loud
Chapter 22: World
Chapter 23: Smile
Chapter 24: Fast
Chapter 26: Hurt
Chapter 27: Happiness
Chapter 28: Voice
Chapter 29: Beloved
Author's Note
Author's Note Again
Chapter 30: Forgotten
Chapter 31: Memory
Chapter 32: Promise
Chapter 33: Catch
Chapter 34: Lost
Chapter 35: Longing
Chapter 36: Walk
Chapter 37: Remember
Chapter 38: Figurative
Author's Note
Chapter 39: Sibling
Chapter 40: Sleep
Chapter 41: Name
Chapter 42: Nervous

Chapter 25: Crazy

65K 1.6K 71
By Kiara_Chan08

Crazy is mentally deranged, especially as manifested in a wild or aggressive way.

*****

Chapter 25

"You are my sunshine, my only sunshine. You make me happy when skies are grey. You never know, dear, how much I love you. Please don't take my sunshine away," rinig kong kanta ng isang malamyos na tinig. Napatigil ako sa paglalakad ko ng makita ko ito na naka-upo sa lilim ng kahoy sa sekretong lugar namin at nakatanaw sa kapaligiran.

Ang akala ko ay may klase ito ng ganitong oras, kaya nga ngayong oras ako nagpunta. Oo, tama kayo. Iniiwasan ko siya mag-iisang linggo na, just like what I said. Tatalikod na sana ako para umalis na lang ng lumingon naman ito at nakita ako.

"Rave!" tawag nito. Isang tango lang ang sinagot ko at pinilit kong maging seryoso ang pagmumukha ko. Tumayo ito at lumapit sa akin na nakangiti. Mas nagliwanag tuloy ang buong paligid at mas tumibok ng mabilis ang puso ko. That's how her smile affected me.

"Ang tagal mo nang hindi pumupunta rito ha," saad nito.

"Just busy," malamig na sagot ko. Tumango lang ito. "Ah sige, aalis na ako. Nakalimutan kong may pupuntahan pa pala ako," pagsisinungaling ko.

Magsasalita pa sana ito pero inunahan ko na ng pagtalikod. Ikinuyom ko ng mahigpit ang kamao ko para mapilit ang mga paa kong humakbang papalayo rito. I felt her stares in my back. Kaya ng nakakalayo na ako ay hindi ko maiwasang lumingon.

Parang piniga ang puso ko sa nakikitang kalungkutan sa mga mata nito. Gusto kong tumakbo pabalik rito at pawiin ang lungkot nito at palitan ng ngiti. Pero bumalik sa isip ko ang sinabi ni Akari sa akin na nagpamulat sa akin sa realidad.

"Alam kong lage kayong nagkikita ni Krish. Hindi man niya sinasabi sa akin pero nakikita ko naman sa kilos at mukha niya. At sa nakikita ko sayo, malapit ka na sa bagay na yun. Alam kong wala akong karapatan na sabihin ito dahil buhay niya ito pero matalik ko siyang kaibigan kaya please Adrian, layuan mo si Krish. Alam mo naman kung ano tayo diba at lalong-lalo ka na. You will be the next Primo kaya malapit ang kapahamakan sayo. And for goodness sake you had a fiancee. Ayaw ko lang mapahamak ang kaibigan ko. Her goodness and purity doesn't belong in our world."

And she's right. Kaya mas nakumbinsi akong tama itong ginagawa ko ngayon. Kahit naman hindi nito sabihin ay gagawin ko parin ang pag-iwas rito.

*****

"Ikaw na bahala sa mga investors. Make sure you will close the deal," saad ko sa representative ko sa kompanya. Kahit kailan ay hindi ako nagpapakita sa mga empleyado at mga ka-business partner ko. May representative lang akong pinapadala. They just know my name but they don't know me.

It's the rule of the Primo to keep low profile to the public. Mahirap na malaman ng maraming tao kung anong klase ang pamilya namin. I'm using my mother's maiden name here in WU. Kahit naman doon sa London, kaya kahit isa sa mga kaklase ko ay hindi alam na isa akong Silvestri.

Patuloy lang ako sa paglalakad sa hallway habang nakikipag-usap sa cellphone kaya hindi ko namalayan na may nabangga na pala ako. "Aray!" daing ng pamilyar na tinig. Nagkalat rin sa sahig ang dala-dala nitong libro.

"Are you okay mi...," hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng mag-angat ito ng mukha. "Krish," bulong ko sa sarili.

"Oh Rave, ikaw pala," masiglang saad nito. "Pasensya na hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko," sabay yuko at pulot sa mga librong nagkalat. Habang ako ay nakatayo lang doon at tinitingnan itong nagpupulot.

Oh fuck! I miss her so much.

Mag-iisang buwan na kasi na hindi ko ito nakikita pero lage ko naman ito nakikita sa isip ko. Tumayo na ito pagkatapos na hindi ko man lang natulungan.

"Long time no see ha."

Nagtiim-bagang lang ako at tumango. "Kung okey ka lang naman, aalis na ako," walang emosyon kong saad pagkatapos ay nilagpasan ito. Mabibigat na hakbang ang ginawa ko para lang huwag itong balikan at kausapin pa ng matagal.

Biglang may dumaloy na boltaheng kuryente sa akin ng hinawakan ng maliliit na kamay nito ang braso ko para pigilan akp. Napatigil ako sa paglalakad at lumingon rito. "May kailangan ka?"

"M-may nagawa ba akong masama sayo?" saad nito sa malamlam na mga mata na nagpapasakit sa aking puso. "Pansin ko kasi na iniiwasan mo ako."

"Wala at oo iniiwasan kita. Hindi kasi ako nakikipag-kaibigan sa kagaya mo at isa pa baka mamis-interpret ng fiancee ko ang pakikipaglapit mo sa akin. So from now on, stay away from me Miss De Silva," malupit kong saad rito na nagpabitaw nito sa aking braso. Para naman akong sinuntok ng ilang beses sa sikmura sa nakikita ko ngayon sakit sa mukha nito. Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko at sabihin rito na nagsisinungaling lang ako.

"Adrian!" napalingon ako sa tumawag sa akin. Nabigla ako ng makita ko si Darlene na papunta sa akin wearing those skimpy dress. "Kanina pa kita hinahanap ha," sabay yakap nito sa braso ko at hinalikan ako sa labi.

Nakita ng gilid ng mata ko ang pagbaling ni Krishna ng paningin sa ibang deriksyon. "Who is she?" maarting tanong sa akin ni Darlene.

Sasagot na sana ako ng maunahan ako nito. "I understand," rinig kong sabi nito at walang emosyong tumingin sa akin. "Goodbye then," pamaalam nito na para bang ito na ang huli naming pagkikita.

Tumalikod na ito at walang lingong naglakad. Biglang umangat ang kamay ko at napahakbang ng bigla akong pigilan ni Darlene. "Anong gagawin mo?" naiiritang tanong nito. Ikinuyom ko na lang ang palad ko at inalis ang pagkakayakap nito sa braso ko. At sa huling pagkakataon ay tiningnan ang papalayong pigura.

There goes my angel, my heaven in hell.

"Adrian!" tawag nito sa akin ng tumalikod na ako at magsimulang maglakad papalayo.

"Anong ginagawa mo rito Darlene?" tanong ko.

"Syempre binibisita ka. Hindi ka na kasi pumupunta sa condo at kapag tinatawagan naman kita ay parating busy ang phone mo."

"Sana sinabihan mo muna ako bago ka pumunta rito," galit kong saad rito. Dumagdag pa kasi ito sa bigat ng nararamdaman ko ngayon. Ang gusto ko lang ay mapag-isa at uminom, baka makatulong iyon sa pagmanhid ng utak at puso ko.

"Diba sabi ko nga na laging busy yung phone mo at bakit pa hihingi ako ng permiso para makita ka. I had all the rights because your my fiancee."

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ito. "Get this to your mind Darlene, you don't have the rights on me because no one owns me. Maghintay ka kung kailan ako makikipagkita sayo. Now, if you don't want to pull offs my shares in your family's company, get out from my sight!" mahina pero mariin kong saad rito.

"Y-you, you're son of a bitch!" malakas na sigaw nito. Umamba na sana itong samapalin ako ng mapigilan ko ito.

"Yeah, I'm a son of a bitch. But you don't have the rights to slap me."

Dahil si Krishna lang ang nararapat na sumampal sa akin pagkatapos ng ginawa at nasabi ko rito.

Binitawan ko ang kamay nito at iniwan ito roon na nakatunganga.

Isang linggo pa nagdaan na parati kong nakikita sa panaginip ko ang nasasaktang mga mata nito at papalayong pigura nito na hinahabol ko hanggang sa mawala na lang na parang bula. Kaya hindi ako masyadong nakakatulog sa gabi. Lage rin maiinitin ang ulo ko na ikinagpagtataka ni Nate dahil hindi naman ako nagkakaganito dati.

Hindi rin tumatalab ang alak na lage kong iniinom para makalimot sandali. Kaya nitong huli ay hindi ko na natiis na sulyapan ito ng pasekreto

At para naman akong pinagsakluban ng wala man lang ako makitang katiting na kalungkutan rito. Ganun parin ito, masayahin at laging nakangiti. Siguro hindi nga nito dinamdam ang mga sinabi ko. Sino ba naman ako para pag-ukulan nito ng damdamin.

Marami ring mga lalaking lumalapit rito at nagpapalipad hangin at marami na rin akong boteng nababasag sa kakahagis ko sa pader.

At ito binabagtas ko ang daan papunta sa paborito nitong lugar para lang masulyapan ito. Ako na ang ipokrito, ako pa itong nagtataboy pero ako rin naman lumalapit. Pagkarating ko roon ay bumilis ng tibok ang puso ko sa pigurang nasilayan ko. Nakasandig ito sa puno at base sa paghinga nito ay mahimbing itong natutulog.

Dahan-dahan akong lumapit rito at tumalungko. Bigla nawala ang mabigat na bagay na nakadagan sa aking puso ng makita sa malapitan ang maganda at maamong mukha nito ulit. "I'm so sorry Angel," madamdaming kong bulong rito. Mahina kong hinaplos ang pisngi nito.

"Why I can't stay away from you?"

Tanong ko rito pero lalong-lalo na sa sarili ko. Hindi ko na kasi alam ang gagawin. Ang alam ko lang pag lumipas pa ang ilang araw na hindi ito nakikita at hindi nakakahingi rito ng tawad, sigurado akong ako'y mababaliw.

*****

05-09-15

-LG-

Continue Reading

You'll Also Like

376K 5.4K 82
Men were just pretty distractions she used and discarded. Commitment bored her. Control thrilled her. Until the night he just saved her. He wasn't a...
491K 3.1K 7
HIGHEST-RANK ACHIEVED # 1 IN ROMANCE #1 IN GENERAL FICTION #1 IN MATURE-CONTENT MATURE-CONTENT | SPG | R18 Alcohol. Dirty music. Embraced by sadness...
2.5M 49.1K 34
Rank # 1 in Romance [06.13.19] Warning: |R-18| Mature Content. Fabio "You broke me, but I still love you."
459K 7.7K 34
Austin Christoff El Gracia Hombres Crueles Series #2 Beware of them, because they have their own little secrets. [Read at your own risk] R18+ Contain...
Wattpad App - Unlock exclusive features