Chapter 41: Celebration
Hanna's P.O.V
"Sira-ulo ka talaga! Akala ko pa naman may kumidnap na talaga sa akin kanina!"
Tawa na lang ang naging sagot sa akin ni Viel at saka ko naman sya hinampas sa braso. Natatawa pa rin ito sa akin habang sinasalinan nito ng wine yung baso ko.
"Maganda nga iyon eh! Para hindi ka talaga magkakahinala na magpopropose pala ako ulit sa'yo ngayon. Effective naman yung ginawa ko di ba?"
"Oo na lang!" iyon na lang ang sabi ko saka nakipagtoss kay Viel at sabay naming ininom yung wine.
"Penge pa nga kami nung steak!"
Napalingon naman ako sa kabilang mesa namin sa abandonadong building na iyon sa Westside.
"Ano ba?! Bakit hindi pa kayo umaalis huh?!" asar na sabi ni Viel sa mga nasa kabilang mesa.
"Eh sa nagugutom na kami eh! Ikaw na nga yung naghingi ng tulong sa amin tapos hindi mo pa kami papakainin?! Grabe! Wala kang puso! Hindi ka saging Viel! Hindi ka saging!" kunwari'y nagdadramang sabi ni Renji. Corny nya.
Natawa na lang ako sa kanya at saka ko binigay sa kanya yung steak na hindi ko pa nababawasan.
"O ayan!" sabi ko.
"Salamat Mama Hanna!" nakangiting sabi ni Renji at saka sya kumain.
Halatang gutom sya eh no? Sabagay, nagviolin solo pa ito sa amin kanina. At hindi ko aakalain na ang galing pala talaga nyang tumugtog ng violin. Ang layo kasi sa mukha nya yung nagpiplay ng violin. Renji never fails to surprise us.
Pero mas nagulat ako kay JD. Paano kaya sya napilit ni Viel na magplay ng piano? At marunong pala syang magpiano?! O______O
Ang galing din ni Sean magsaxophone at ang ganda talaga ng boses ni Ronan. No wonder na singer ito. Pero yung boses nya ay hindi lang pangrock, pang ballad pa. Galing nya! Fan na ako ni Ronan! Leader sya ng Degree Celsius di ba? Fan na ako! >//////<
"Nagustuhan mo ba yung ginawa ko?" biglang sabi ni Viel. Napaharap ako sa kanya. "Pasensya na huh? Hindi ako masyadong nakapagplano. May nangyari kasi kanina eh!" asar na sabi nito saka tinapunan ng masamang tingin si JD.
Si JD naman ini-enjoy lang nito yung iniinom nitong alak. Anong nangyari?
"Muntik na kaming makulong kanina Hanna." sagot ni Renji.
"HUH?!" gulat na sabi ko. "Seriously?!"
"Oo..." sabi naman ni Sean. "Ito kasing si JD eh! Ang daming alam!"
"Bakit anong nangyari?!" tanong ko.
"Nagbasag lang naman ng salamin yang si JD sa may jewelry shop para makuha yung singsing na gusto nya." sagot naman ni Ronan.
"Huh?!"
"Don't worry." sabi naman ni Viel. "Bayad iyon. Actually, sobra-sobra pa nga. Mabuti nga lang at nakapagbail kami at napatunayang wala kaming kasalanan o ninakaw sa shop kaya nakalabas din kami after an hour."
Napatingin na lang ako kay JD. Napatanga. Ano bang naisip nya at kailangan pa nyang magbasag para lang doon sa singsing kung bayad naman pala?! Ano yun?! Trip nya lang?!
JD noticed that I am looking at him then he just smile.
A bad boy is still a bad boy. Tsk! JD Vilalafuerte. When will you change?
"Since nagsicelebrate na rin naman tayo..." biglang putol ni Renji sa katahimikan ng paligid. "Bakit hindi mo kami kantahan Hanna?"
"H-Huh?"
"You can sing right?"
Paano nalaman ni Renji iyon?! Family members lang nakakaalam noon ah!
"S-Saan mo nalaman yan?!"
"I have my source..." makahulugang sabi ni Renji saka sya ngumisi sa akin.
He's dangerously mysterious! Kanino nya nalaman iyon?!
"You can sing?" takang tanong sa akin ni Viel. "Bakit parang hindi ko yata alam iyon?"
Paano nalaman ni Renji kung hindi din naman pala alam ni Viel?!
"Sing for us Hanna kahit iyon na lang yung bayad mo sa performance namin kanina." sabi ulit ni Renji. "You have a beautiful singing voice am I right?"
Lahat kami ay nakatingin kay Renji maging si Viel at JD. We were all wondering how Renji knows about that thing.
"Ayoko!" sabi ko." Hindi ako marunong kumanta! Basag ako kumanta!"
"Ows? Gusto mo ba na ilabas ko pa yung ibedensya ko?"
Huh?! May ibendensya?!
"You're lying..." sabi ko.
"No I'm not." nakangitng sabi ni Renji. "Gusto mo bang iparinig ko sa kanila yung kopya ko nung mga kinakanta mo noong highschool ka pa?"
SAAN NYA NAKUHA ANG BAGAY NA IYON?! PAANO NYA NALAMAN?!
"You're gonna sing or what?"
Inuutusan ba ako ng baliw na 'to?!
"Renji, ano ba yang pinagsasabi mo?" sabi naman ni Viel. "Wag mo ngang pinatitripan si Hanna!"
"Hindi ko naman sya pinagtitripan ah! Dahil totoo lahat ng sinasabi ko."
At matapos noon, inilabas ni Renji yung cellphone nya sa may bulsa nito at akma nitong ipiplay ang kung ano man yung nakasalang sa music player nito nang bigla na lang akong tumayo at napa-upo sa may harapan ng piano then I started to play the keys.
Viel's P.O.V
I love this place.
But its hunted without you.
My tired heart.
Is beating so...slow.
Our heart sings less.
Than we wanted. We wanted.
Our hearts sing cause.
We do not know. We do not know.
Hanna is really have a good singing voice. Paano ito nalaman ni Renji?!
Nilingon ko sya at saka naman nya ako nginitian at inaangat nito sa akin ang phone nito at saka bumulong.
"Madami ako nyang dito? Gusto mo?"
Paano nya nakuha ang mga iyon?!
Muli akong nanuod sa pagkanta ni Hanna at sa pagplay nito ng piano.
To light the night, to help us grow.
To help us grow.
It is not safe.
I always know.
Her voice is warm and sweet. Lahat kaming nasa loob ay nakikinig sa kanya. Even JD. Hanna's voice can make the world around her to stop just to listen to her voice. Her voice warms my heart.
You can catch me.
Don't you run. Don't you run.
If you live another day in this happy little house
The fire is here to stay.
She's singing and at the same time concentrating on playing the piano keys. She looks like a professional pianist. She actually looks like a goddess to me right at this moment. She looks magical.
To light the night, to help us grow.
To help us grow.
It is not safe.
I always know.
Then after a while, she look straight into my eyes and then she smiles.
How lucky I am to fall in love with this amazing woman. What's with Hanna that I didn't got the chance to see? What's more to come from her?
I am here to stay.
I am here to stay.
Hanna's P.O.V
"Wuuu! Bravo! Magnifico! Excellente! Muy Bien! Muy Bien!"
Inis na lumapit ako kay Renji at saka ko hinabalot mula sa kamay nya yung cellphone nya. At nakita ko nga doon, yung mga videos ng pagkanta ko noong highschool pa lang ako. Binura kong lahat ng nakita ko doon.
"Kahit burahin mo yan dyan, may kopya ako nyan sa computer ko Mama Hanna." natatawang sabi ni Renji. "More! More! Encore!" natatawa pang sabi nito.
"Burahin mo yung mga iyon ah!"
"At bakit naman? Ang gaganda kaya! Collection ko iyon no! Balak ko ngang ipasubasta iyon kay JD at Viel eh para kumita ako! Bwahaha!"
Huh?! Kay JD?! Bakit nasama si JD?
"Magkano mo ba binebenta iyon Renji?" biglang sabi ni JD.
"Hehehe! Pag-iisipan ko muna!"
"JD!" hindi makapaniwalang-sabi ko.
"What? Ang ganda kaya ng boses mo. Bibili ako ng kopya."
Napailing na lang ako sa mga iyon.
Maya-maya pa, nakaramdam ako nang may bigla na lang pumulupot na braso sa baywang ko. At sa paglingon ko, nakita ko si Viel.
"Tama si JD sa sinabi nya. Ang ganda ng boses mo wife. Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin iyon huh?" sabi nya saka nya hinahalik-halikan yung leeg ko.
"A-Ano ba Viel! Nakakahiya sa kanila!"
"Hayaan mo yang mga yan! Sanay na ang mga yan sa atin." bale-walang sabi nito.
"Oo nga! Sana'y na kami sa kakornihan mo Viel!" sabay-sabay na sabi ng 3 idiots.
"Shut up!"
Muling napuno ng tawanan yung kwarto na iyon. So okay din pala yung ginawa ni Renji ano?
Pero hindi ko sya mapapatawad kapag binenta nya talaga yung mga video na mayroon doon sa computer nya! Ma-virus sana iyon! Tsk!
***
"Hoy Renji!"
Nilingon nito ang nagsalita.
"O, Papa Viel bakit?"
"Ibigay mo sa akin lahat ng kopya mo ng pagkanta ni Hanna."
"EEEHHH?! Bakit?!"
"Bibilhan ko lahat!"
^_________________^ Ang lapad ng ngiti sa labi ni Renji.
"100 million. Walang discount."
"Sigurado ka bang ibibigay mo lahat ng kopya na mayroon ka? As in lahat?"
"Oo. I promise!" sabi pa nito saka nagtaas ng kanang kamay.
"I'll put the tab sa account mo. Then ibigay mo na lahat ng kopya mo noon okay?! Dahil oras na malaman ko na may natira pa ni isa dyan sa'yo, lagot ka sa aking hapon ka!"
"Yeah sure! Ibibigay ko sa'yo lahat."
"Siguraduhin mo lang!" ani nito saka sumunod sa mga naunang lumabs ng kwarto.
"Si Papa Viel talaga..." nailing na sabi ni Renji. "Selfish!"
A/N: Sa mga magtatanong kung anong title ng kinanta ni Hanna. "Little House by Amanda Seyfried" po ang title ng kantang iyon. Iyon yung kinanta ni Amanda sa movie na "Dear John" wala lang nagandahan lang ako. Hehehe. "Spend my life with you by Eric Bennet and Tamia" naman yung kay Ronan at Viel sa previous chapter.
9 chapters to go. . .
Vote & comment!