Chapter 40: The Second Proposal
Hanna's P.O.V
"What?! Viel is your fiancée?!"
Kitang-kita ko sa mata ni Kuya Alex yung pagkagulat sa sinabi ko.
"And that damn bastard did not bother to give you at least a good engagement ring?!"
Parang gusto kong biglang matumba sa kinauupuan ko sa sinabi nyang iyon. So iyon pala yung problema nya? Yung singsing at hindi yung pagiging engage ko kay Viel. =____= Why do I always end up with crazy people?
"Ano ka ba naman Hanna! Akala ko ba I need to help you to get rid of that Viel?! Tapos ngayon malalaman ko na lang na ikakasal na pala ang kaisa-isa kong prinsesa?! I thought he's not good for you huh?! Na makakasama sa—"
"Stop it Kuya!" sabi ko. "I'm fine. Wala naman akong nararamdamang masama these few days. I'm fine."
Mabigat na napabuntong-hininga si Kuya sa tabi ko saka nya ako inakbayan at hinila ako palapit sa kanya. Ginulo nya yung buhok ko.
"Nag-aalala lang naman ako sa'yo princess..."
" I know Kuya..." then I smiled at him.
"But marriage is another thing!" pag-iiba nito ng usapan saka ako nilayo mula sa pagkaka-akbay nya. "Sigurado ka na ba dyan?! Nasa college ka pa lang ah!"
"Pero I'm at the right age na naman eh! At isa pa, wala pa namang exact date ng kasal namin. Siguro matagal pa iyon..." well, I doubt that.
Alam nyo naman kung gaano ka-excited na makasal kami si Viel di ba? Pero hindi ko na sinabi iyon kay Kuya Alex. Baka atakihin ito sa puso.
"Basta ako, princess, kung saan ka masaya susuportahan kita." sabi nya. "Nagulat lang ako sa sinabi mo. Kaya pala bumalik ka sa Westside. Sabagay mas gusto ko doon kaysa sa Eastside. Too perfect to be true ang mga tao doon! Hindi ka bagay doon! Hindi ka naman perfect eh!"
Hinampas ko si Kuya sa biro nya pero tinawanan nya lang ako.
"But seriously, I'm glad na hindi ka naman pala pinabayaan ng Viel na iyon. Pero bakit ang cheap ng singsing na binigay nya sa'yo?! Hindi ba nya alam na prinsesa ka?! Mas bagay sa'yo yung mga mamahaling singsing!"
"Kuya, paulit-ulit na lang tayo! Sabing biglaan lang yung proposal ni Viel di ba?" =___=
Muling bumuntong-hininga si Kuya Alex at saka ako mahigpit na niyakap.
"I never thought that my little princess will soon be married. At inunahan mo pa talaga ako huh? But nonetheless, I am so happy for you Hanna. Finally, you don't need to run away from him. I hope na gumaling ka na so you two can be together until the end."
I smile a little sa sinabi ni Kuya. Nasabi ko na rin sa kanya na alam na ni Viel ang tungkol sa kalagayan ko. And it makes me sad sa tuwing pumapasok sa utak ko yung sakit ko.
How long can we be together? I wonder. Can I even give Viel a son or daughter?
Natatakot ako dahil sa sobrang saya ko ngayon baka bigla na lang ako kunin ni Lord.
"Please, let me live..." piping hiling ko then tears flow from my eyes.
"O bakit ka umiiyak?" panic na sabi ni Kuya Alex. "May masama bang nangyari?"
"W-Wala!" nakangiting sabi ko kay Kuya saka ko pinahid yung mga luha ko. "Masaya lang ako."
"You should be." nakangiting sabi din ni Kuya. "You deserve it Hanna."
"Pero paano si Papa? Should we tell him?"
Nakita kong natigilan si Kuya Alex at saka biglang dumilim ang aura nito. Okay. Nakalimutan ko palang sabihin that Kuya Alex and my father were not in good terms. Simula yata ng nagka-isip si Kuya lagi na itong nakikipag-away kay Papa.
"We better not." seryosong sabi nito. "And I don't think that he will like Viel for you. Alam mo namang numero unong kontrabida yung matandang iyon."
Ako naman ngayon ang napabuntong-hininga.
Kuya Alex is right. I don't think he will like Viel.
Viel's P.O.V
"Ito maganda!" si Sean.
"Hindi ito!" Ronan.
"I think he will like this one." JD.
"Ito nga sabi eh!" si Renji.
Nasa may isang sikat an jewelry store ako ngayon at balak ko sanang pumili ng official wedding—I mean engagement ring namin ni Hanna. Pero kapag minalas-malas ka nga naman, sumama pa itong tatlong bugok na ito at hinila pa nila si JD! Ican't believe this guy! At kailan pa ito nauto ng 3 idiots huh?!
"Wag nga kayong magulo! Hindi ako makapili sa ingay nyo eh!"
"Akala ko ba magulo tapos ngayong maingay? Ano ba talaga pre?" sabi ni Renji.
Hindi ko na lang sya pinansin at saka ako umikot sa iba pang display ng mga singsing sa shop na iyon.
Kung bakit kasi ang hirap pumili ng singsing eh! At saka bakit ba ako kinakabahan?! Bibili lang naman ako ng singsing ah! Kainis naman!
Then, sa pagtingin ko sa isa sa mga display ng mga singsing na naroon, isang singsing ang umagaw ng pansin ko.
Isa iyong napagandang star ring. Sa gitna ng singsing naroon ang double star at napapalibutan ito ng napakaraming kumikinang na diamonds. Kung titingnan mong mabuti, isa lang itong accessory ring. Hindi sya mukhang engagement ring. Pero ewan ko ba, noong makita ko iyon, si Hanna agad ang naalala ko.
She loves uniqueness and simplicity at the same time.
"Miss, I like to take this one!"
"Huh?!"
Napatanga ako sa may-ari 'yata' ng shop nang bigla syang lumingon sa direksyon ko.
She wears a heavy make up pero bumagay naman sa mukha nito. She even wear a deep red lipstick. And she have this smoking eye shadow. In short, she looks like a thug girl. Lumapit sya sa akin while chewing a bubble gum at maya-maya pinapalobo at pinapaputok iyon. Pinaputok nya pa yung napalaking bubble gum nito nang nasa harapan ko na sya. =__="
"Yan ba? Hindi ko binebenta yan."
"Ano Viel may nakita ka na ba?"
Lumapit sa akin yung tatlong bugok. Si JD andun pa rin sa pwesto nya kanina at ang sama ng tingin sa isang singsing na naroon. Bibilhin nya yun panigurado!
"Yes." sagot ko sa tanong ni Sean. "Pero hindi daw nila binebenta. But I really like this one!" sabi ko pa saka tinuro yung singsing.
"Nasaan?" sabi naman ni Renji saka nilalagpasan ng tingin yung star ring. "Alin ba dito?!"
"Yung star!"
"HUH?!" hindi mapakapaniwalang sabi nito. "Eh hindi naman yang mukhang engagement ring ah!"
"Eh sa iyan yung gusto ko eh!"
Binigyan ako ng bagot na tingin nung tatlo.
"Di nga? Seryoso ka? Iyan yung ibibigay mo kay Hanna?" sabi ni Sean.
"Yung totoo? Ikaw yung magsusuot o si Hanna?"
"SILKY?!!!"
Napalingon kami sa direksyon ni Ronan ng bigla na lang syang magtaas ng boses.
"O bakit? Problema mo?" cool na sabi nung babaeng thug—I mean nung Silky pala.
"Anong ginagawa mo dito huh?!" O.A na sabi ni Ronan. "Sinusundan mo ako no?!"
Hindi sumagot yung babae sa sinabi ni Ronan sa halip, kinuha nito ang bubble gum na nginunguya sa bunganga nito at saka iyon ipinahid sa buhok ni Ronan. Nagulat kaming lahat sa ginawang iyon ng babae.
"Asa." bale-walang sabi nito saka muli akong hinarap. "Sinabi ko ng hindi pwedeng bilhin yan kaya pumili ka na lang ng iba."
Nang makabawi ako sa gulat ko sa ginawa nya kay Ronan ay hinarap ko ulit sya.
"But I like this one!"
"Para kanino ba 'to kung sakali mang ibenta ko?"
"For the girl I love."
"Iyon oh!" tirada ni Renji sabay hampas sa likod ko. "Kinilig ako doon! Promise!"
Tinapunan ko ng masamang tingin si Renji nang magsimula na syang tumawa.
"Pang ilang babae mo na syang minahal?" tanong sa akin nung Silky.
HUH?
"Sagutin mo na lang ako ng matapos na!"
Baliw yata 'tong babaeng 'to! Ang siga pa! At kaano-ano nito si Ronan?
Napalingon ako sa direksyon ni Ronan na sunod-sunod na ang pagmumura dahil sa dumikit na bubble gum sa buhok nito. Muli kong hinarap yung babae.
"First and last."
"Boom!"
Binatukan ko na si Renji sa sinabi nya. Can't he leave me alone even for just one day?!
"1 million."
Muli kong napatingin kay Silky.
"Huh?"
"1 million pesos kapalit ng singsing."
"WHAT?!!!" sabay-sabay na sabi namin nila Renji, Sean at Ronan. Napalingon naman sa direksyon namin si JD at saka kami nilapitan.
"Ah!" iyon ang reaksyon nya nang makita nya si Silky.
"Oh Hi JD!" sweet na sabi ni Silky. "Hindi mo naman nasabi na kaibgan mo pala si JD." sabi nito saka humarap sa akin. "Sige, libre na lang yang singsing...in exchange with Jasper Dwane Villafuerte."
HUH?!
"Magkano ba yung singsing?" tanong ni JD.
"1 thousand na lang para sa'yo JD—ay mali! 1 million pesos pala!"
Tumango-tango naman si JD at saka may binunot sa bulsa nito. Isang blank check.
"There. Isulat mo ang gusto mong presyo dyan at ibigay mo na sa kaibigan ko yung singsing na gusto nya. Isama mo na rin yung heart shape ring doon!" ani nito saka tinuro yung lugar kung saan ito nakapwesto kanina.
Nakita ko ang pagkairita sa mata ni Silky nang marahas nitong kuhain sa kamay ni JD yung blank check at saka naman nito kinuha yung singsing na gusto ko at saka ibinato sa direksyon ko.
"There's your ring bastard!" ani nito saka kami tinalikuran.
Ano bang problema ng babaeng iyon?! Inaano ko sya?! At wala ba 'tong box?!
"Hoy JD!" sabi ko ng may biglang maalala. "Hindi mo na kailangan bayaran yung singsing na 'to. I can manage! Anong tingin mo sa akin?! Mahirap?!"
"Tsk!" sabi na lang si JD saka ako tinalikuran at bumalik sa lugar kung nassan yung singsing na gusto nya at binasag nito yung salamin.
Nag-alarm tuloy yung security sa jewelry shop sa ginawa nya. Pero mukhang wala itong pakialam. Basta kinuha na lang nito yung singsing sa loob.
"Think of it as my wedding gift." sabi ni JD at saka tuluyang lumabas ng shop.
Napailing na lang ako saka napabuntong-hininga. Bakit ba ako nasama sa mga baliw na tao?
Binuksan ko yung kamay ko at tiningnan ko yung singsing then I smile. I know Hanna will love this ring.
"Umalis na tayo dito bago pa dumating yung mga pulis!" sabi naman ni Sean.
"Sira-ulo talaga si JD! Idamay ba daw tayo sa kalokohan nya?!" asar na sabi ni Renji habang hinahanap yung nag-iingay na alarm. "Hoy Ronan tara na!"
"Hindi! Maiiwan ako dito! Hindi pa kami tapos ng babaeng iyon!" ani ni Ronan at saka tinalon yung mga display sa shop at saka nagtuloy-tuloy sa pinto na pinasukan ni Silky kanina.
"Tsk! Ano ba yan! Naririnig ko na yung mga sirena ng pulis!" sabi ni Sean at saka napatingin sa labas. "P*ta! Tara na!"
"Hoy Viel tara na!" sabi sa akin ni Renji saka ako hinila palabas.
Muntik ko ng malaglag yung singsing buti na lang nasalo ko. Sira-ulo tlaga 'tong si Renji.
Pero mas sira-ulo si JD. =____="
Hanna's P.O.V
OH MY GAD! Kapag siniswerte ka nga naman! Bumagsak na naman ako kay Sir Ignacio!
"O Hanna?! Is that you?!" sabi pa ni Sir. Wow! Close na kami ngayon?! "Long time no see! How are you? At isa pa, anong ginagawa mo dito? You're supposed to be graduated already right?"
Ano ba yan! Kailangan ko pa bang ikwento kay Sir Ignaco yung talambuhay ko?! Ano ba yan! Sabagay mabait naman 'tong si Sir. Topakin nga lang. At ngayon wala syang topak. Good.
"Excuse me Sir..."
Lahat kami ay napalingon sa may pintuan nang may magsalita. Good timing sila ah! Ayos! Iwas chimis kay Sir.
"What is it?" maawtoridad na sabi ni Sir.
"May estudyante ba kayo dito na nagngangalang Hanna Adriano?"
Lahat ng mga kaklase ko automatic na napatingin sa akin ganoon din si Sir. Bakit? Anong kailangan ng mga hoodlum na 'to sa akin?
"Yes. Why?" sabi ni Sir.
"Sir, kailangan lang po sya. Kung pwede po Sir, i-eexcuse po namin sya. Pinapatawag po sya sa guidance."
Huh?! Ako?! Pinapatawag ng guidance?! Bakit Anong nagawa kong violation?!
"Wala naman akong nagawang masama ah!" sabi ko saka biglang tumayo.
"Ikaw ba yun Miss?" sabi sa akin ni hoodlum number one. "Sumama ka na lang sa amin Miss Hanna."
"Ayoko ko nga!"
Nagulat ako nang bigla na lang pumasok yung mga hoodlum saka ako hinila palabas ng classroom. Teka! Parang nangyari na sa akin 'to noon ah!
"Ano ba! Bitawan nyo nga ako!" déjà vu! Parang nakita ko na talaga ang eksena na 'to noon! "Bastards!"
"Sumama ka na lang ng maayos sa amin Miss Hanna at sisiguraduhin naming walang mangyayaring masama sa'yo." nakangising sabi sa akin nung hoodlum number two.
Mahigpit nila akong hawak kaya kahit anong pilit kong makawala sa pagkakakapit nila ay hindi ko magawa.
At isa pa, napansin ko din na hindi sa guidance ang punta namin. Actually nasa labas na kami ng building namin. Papunta kami ngayon sa isang abandonadong building.
'My God! Anong balak nilang gawin sa akin?!' sa isip ko.
Nagsimula na akong kabahan, I don't know this people! Help!
"Ano ba! Bitawan nyo ako!"
"TUMIGIL KA NGA!" malakas na sigaw sa akin ni hoodlum number three.
"Brad, takpan kaya natin yung mata nito para hindi nya makita yung lugar na pagdadalhan natin sa kanya?" suhestiyon ni hoodlum number four.
NO!
"Tama! Magandang ideya yang naisip mo!" sabi ni hoodlum number three—yung parang pinakaleader nila at saka nito kinuha yung malaki nitong panyo sa likod na bulsa nito at saka iyong tinupi at inilapit sa akin.
"No!" sabi ko.
Pero walang nagawa ang pagpupumiglas ko dahil mahigpit na nitong naitali sa may mata ko yung panyo. And now its total darkness...endless darkness.
"Saan nyo ako dadalhin?!" No! Help! Viel!
"Manahimik ka na lang kung ayaw mong pati yung bunganga mo takpan namin!"
Natakot naman ako sa banta nila kaya nanahimik na lang ako. I am starting to cry habang hila-hila nila ako sa kawalan.
What's going to happened to me?
"Nandito na tayo..." sabi nung isa sa mga hoodlum na may hawak sa akin at saka nila ako binitawan.
Napalingon-lingon ako sa paligid. Wala talaga akong makita.
Nakarinig ako ng malakas na pagsara ng pinto. No! Iniwan nila ako dito?! Nasaan na ba ako?!
Inabot kung yung pagkakabuhol ng panyo sa likod ng ulo ko at saka iyon pinilit tanggalin. At nang matanggal ko na yung pagkakabuhol noon ay saka naman ako nakarinig ng malakas na putok.
At ang sumunod na nangyari ay nagpalaki ng mata ko.
Inuulan ako ng mga iba't-ibang kulay ng confetti. Doon pala nanggaling yung putok na narinig ko kanina.
At sa harapan ko, nakita ko si Viel, nakatayo at nakangiti habang hawak nito ang isang bouqet ng roses. At sa likuran nya naroon ang barkada nito and they started playing sweet music.
JD is on the piano. Si Renji naman sa violin. Si Sean naman sa saxophone at si Ronan naman ang kumakanta. The song their playing is SPEND MY LIFE WITH YOU by Eric Bennet. Iyon yung music na pinilay ng 3 iditos nung magsayaw kami ni Viel noong welcome party 4 years ago.
Napansin ko din sa isang sulok yung table for two with matching candlelight and petals of roses sa may mesa. Mayroon ding dalawang plato ang naroon at saka mga kubyertos at wine glass.
So, this is...
"Miss Hanna Adriano..." sabi ni Viel sa akin at saka lumuhod sya sa harapan ko. "Will you spend the rest of you life with me?" dugtong pa nya saka inabot sa akin yung mga bulaklak.
Gulat man ay tinanggap ko naman iyon. At saka mula sa bulsa ng suot nitong tuxedo at inilabas nito ang isang singsing at saka nya iniharap sa akin.
"Hanna, will you marry me?"
Hindi ko namalayan na nakatakip na pala yung isang kamay ko sa bibig ko habang umiiyak. I am so shock sa mga nangyari.
Ang akala ko pa naman may masama ng gagawin sa akin yung mga hoodlum na iyon. Iyon pala, kasama ang mga iyon sa plano ni Viel sa akin na pagpopropose. Pero kinabahan talaga ako doon ah!
"Y-Yes! Yes Viel! I will marry you!" sabi ko na lang saka inabot sa kanya yung kamay ko.
He smile then isinuot nya yung singsing na hawak nya sa ring finger ko. Sa ibabaw ng unang singsing na binigay nya sa akin.
The ring is simply beautiful. A star ring. So cute!
"Can I just see you every morning when I open my eyes?" sabay ni Viel sa kinakanta ni Ronan at saka sya tumayo at inilagay nito ang mga braso nito sa may baywang ko at saka kami sumayaw sa tugtog na nililikha ng mga kaibigan nito. "Can I just feel your heart beating beside me every night? Can we just feel this way together till the end of all time? Can I just spend my life with you?"
Viel is singing in blend with Ronan's beautiful voice. Pero para sa akin, mas maganda pa din ang boses ni Viel. And while his singing those lines, he's wiping away my tears.
I am so happy that God gives me Viel. And I am so happy that this day forward, we will be together...forever.
A/N: Natawa lang ako sa mga tirada ni Renji. Bwahahaha! Bakit ba ang CUTElit mo? XD Hala kay JD anyare?! Galit nagbabasag?! Leave comments! ^_____^
#kasalanna!