✔ || Hot Mom

By mariyachacha

1M 21.9K 8.3K

PUBLISHED UNDER IMMAC PPH [ WARNING R18 ] A thirty-six-year old single mother who fell in love with her son's... More

Single Mom I
Prologue
Hot 1
Hot 2
Hot 3
Hot 4
Hot 5
Hot 6
Hot 7
Hot 9
Hot 10
Hot 11
Hot 12
Hot 13
Hot 14
Hot 15
Hot 16
Hot 17
Hot 18
Hot 19
Hot 20
Hot 21
Hot 22
Hot 23
Hot 24
Hot 25
Hot 26
Hot 27
Hot 28
Hot 29
READ THIS FIRST BEFORE YOU PROCEED
Hot 30
Hot 30 (OLD VERSION)
Hot 31
Hot 31 (OLD VERSION)
Hot 32 ( OLD VERSION)
EPILOGUE
Epilogue (OLD VERSION)
SPECIAL CHAPTER I (OLD VERSION)
ANNOUNCEMENT 2.0
SOON TO BE PUBLISHED
IMMAC SHOPPE BOOK UPDATE
IMMAC PPH SHOPEE BOOK DETAILS
BOOK GIVEAWAY
BOOK GIVEAWAY WINNER
SANTI

Hot 8

29.5K 589 112
By mariyachacha


Chapter 8

Gael Sevirino Torres

Mabigat ang pakiramdam ko nang humiga ako sa aking kama habang hawak-hawak ang isa sa tatlong pregnancy test na nakuha ko sa basurahan. Hindi ako sigurado kung ito ba ang dala ni Tita Crisanta kanina, pero malakas ang kutob ko sa mga ito.

Tinaas ko ang pregnancy test at tinitigan itong mabuti sa ere. If she's pregnant, who is the father?

“Magiging tatay na ako?” I asked to myself out of the blue.

Dali-dali akong umupo sa kama at hindi makapaniwala sa sinabi. Why did I say that?

Hindi pa nga ako sigurado kung ito nga ba talaga ang tinapon ni Tita Crisanta kanina. Baka hindi ito sa kan'ya?

Ew!

Hinagis ko ang hawak kong pregnancy test sa basurahan. Dahil magaling akong shooter, nakapasok ito nang walang mintis sa loob.

Natulala na naman akong bigla. “Shooter...” mahinang ani ko sa aking sarili.

What if, ako nga ang ama? Should I take the responsibility? Wala namang problema sa akin 'yon, ang iniisip ko lang ay paano?

Tang*na! Mukhang hindi na naman ako patutulugin nito. Hanggang ngayon binabagabag pa rin ako sa mga sinabi sa akin ni Santi, tapos dadagdagan pa ako nitong pregnancy test na nakita ko sa basurahan.

Imposible rin naman kasing mabuntis ko si Tita Crisanta dahil gumagamit siya ng pills. She slept with so many man, it's impossible she's not taking pills for her safety.

“Putangina! Masisiraan na ako ng ulo!” Naiinis akong tumayo at napasabunot sa aking buhok.

Nagpalakad-lakad ako sa kwarto, hindi malaman ang gagawin.

If I'm really the father, I'm sure she'll tell me.

Kusang huminto ang mga paa ko sa ginagawa. Binaba ako ang aking mga kamay at napatingin sa bintana, sa direksyon kung nasaan ang bahay nila Santi.

“What if... hindi?” walang katapusang tanong ko na naman sa aking sarili.

I need to talk to her. Kung anak ko nga ba talaga ang dinadala niya, hindi niya puwedeng itago sa'kin 'yon. Whatever hard it takes, and how people will think of me, I'm still the father.

'Cause a real man, should not run away from his responsibilities, especially if you choose love over everything.

Naalerto ako nang nakita kong lumabas ng bahay si Tita Crisanta. Kaagad akong nagtungo malapit sa bintana at tinanaw siya mula dito. She's wearing a loose dress, while carrying a big shoulder bag.

Where is she going?

She's not going anywhere, right? No fvcking way!

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Nagmadali akong lumabas ng kwarto at bumababa para habulin siya. If she's thinking to leave and run away, I need to stop her.

She can't just leave me with our baby.

Pagkalabas ko ng aming bahay, naabutan kong papalabas na rin ng kanilang gate ang kotse ni Tita. Pinagpapawisan at sobrang bilis na ng tibok ng aking puso, pero hindi ko na iyon pinansin at mas binilisan pang ang aking kilos.

“Tita!” sigaw ko habang tumatakbo papunta sa bahay nila.

Nagtungo ako agad sa gitna ng daraanan niya bago pa siya tuluyang makalabas. Dumipa ako para pigilan siya.

Hinanap agad ng mga mata ko si Tita Crisanta at nagmakaawa siyang tinitigan. Kahit medyo madilim, hindi maitatagong nagulat siya sa ginawa ko.

Nakipagtitigan lang siya sa akin, hanggang sa bigla siyang bumusina na ikinagulat ko. Ngunit, hindi pa rin ako nagpatinag. Hindi ako umalis at nagbago ng puwesto sa kinatatayuan ko.

Kinalaban ko na ang mundo para makuha siya, kahit ang sarili kong kaibigan nasaktan ko dahil dito. Kaya wala nang makakapigil sa akin na gawin ito.

Ilang magkakasunod na pagbusina ang ginawa niya, umiiling lang ako bilang sagot.

“I'm not going anywhere po, Tita. Unless you'll talk to me!” I shouted, loud enough to hear me.

Binusinahan niya lang ulit ako at mukhang naiinis na sa ginagawa ko.

“You can hit me if you want! Hindi po ako aalis!” muling sigaw ko.

Matigas ang ulo ko, sobrang tigas kaya hindi ako aalis dito.

Napangiti ako sa isip ko nang buksan niya ang pinto ng kotse. Binababa ko na rin ang aking mga kamay nang makalabas na siya.

“What are you doing?” kalmadong tanong niya kahit halata naman sa mga mata niya ang pagkainis sa akin. “Wala ka bang pasok?” aniya pa.

Tiningnan ko siya sa mga mata na agad niya namang iniwasan.

“Umalis ka na diyan. I need to go.” Hinawakan niya ang door handle at bubuksan na ang pinto.

Nilapitan ko naman agad siya at hinawakan ang kan'yang kamay para pigilan. “You're not going anywhere... with our baby.”

Her hands were cold and shaking. Doon pa lang alam ko nang may tinatago talaga siya sa akin. I'm not that stupid to unsee what she's hiding.

Pagdating sa ganitong bagay, hindi niya ako matatakasan.

Hindi pa rin siya makatingin sa akin. Mas lalo rin siyang hindi makagalaw at hindi ako magawang pigilan.

I know she's worried. I am too, but this isn't the time to run and forget what happened.

“I--- I don't know what you're talking about, Sevi. Busy ako, I need to go.” Hinawi niya ang kamay ko kahit nanginginig pa rin ito.

Bubuksan niya na ulit sana ang pinto ngunit muli ko rin siyang pinigilan. She can't run away. Not now. Not never.

“You're not busy. You're leaving. Right?” mariin kong tanong. “Kung tatakbo ka dahil dahil diyan sa anak natin, isama mo ako. Sasamahan kitang palakihi---”

“Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?!” Muli niyang hinawi ang kamay ko, pero sa pagkakataong ito kitang-kita ko na ang galit sa mga mata at boses niya.

Hinarap niya ako. Mula sa mga mata pababa sa kan'yang mga labi, pansin ko ang bigat na nararamdaman niya.

Nakipagtitigan siya sa akin na parang may gusto siyang gawin at sabihin. Ngunit alam ko rin na maraming bagay ang pumipigil sa kan'yang gawin 'yon.

“Kung ano 'man ang sinasabi mo, labas na ako diyan. I don't know what you're saying.” Muli siyang huminahon at umiwas ng tingin sa akin. “Baka inaantok ka lang o nagugutom. May pagkain sa loob, kumain ka.”

I laughed sarcastically. “Ina ka nga talaga, magaling magtago.” I pursed my lips.

“What?” aniya sabay tingin muli sa akin. “Wala kang karapatan na kwestyunin ang pagiging ina ko. Kaibigan ka lang ng anak ko, hindi kita kaano-ano.”

That's it?

I'm just her son's bestfriend? Pagkatapos ko siyang piliin at isawalang bahala lahat ng sasabihin ng ibang tao, kaibigan lang pa rin ako ng anak niya? Sinaktan ko ang kaibigan ko para lang dito?

Puntangina... may kumikirot sa dibdib ko.

“Yeah, you're right.” Tumango-tango ako na parang sinasang-ayunan ang mga sinabi niya kahit masakit at nakakagago na.

“I'm here just to remind you that we're both responsible for what we have done. Nasa kabilang bahay lang naman po ako, hindi kita tatakbuhan gaya ng ginawa ng tatay ni Santi.” I forced a smile and turned aroud.

Tama lang siguro na nangyari 'to, para magising na ako sa katotohanan. Pinilit ko lang naman ang sarili ko sa taong kahit kailan hindi ako mamahalin pabalik.

***

Crisanta Gutierrez

Kung tangang tatawaging ang katulad ko, baka nagkaroon na ako ng award sa mga ginawa ko. Pero tama naman ang ginawa ko, 'di ba? Nilayo ko lang naman siya sa mga hindi magandang posibilidad na mangyari sa kan'ya.

Ayokong husgahan siya ng lipunan gaya nang panghuhusga nila sa amin noon. Alam kong mali, pero tama si Sevi, responsibilidad namin ang ginawa naming aksyon.

Kaya bilang mas nakakatanda, at napagdaanan na ang lahat ng masasakit at masasalimuot na daan, ayokong maranasan niya ang sakit na binibigay ng lipunan.

I'll carry this child... alone.

Sasabihin kong hindi ko kilala ang ama dahil sa dami ng lalaking naka-sex ko. Madaling paglaruan ang isip ng mga tao, sa tsismis pa lang alam kong magiging madali rin itong pina-plano ko.

Binalik ko sa garahe ang kotse at kinuha ang bag na dala ko. Pupunta na dapat ako sa hospital para ipalaglag ang bata. Mabuti na lang dumating si Sevi para baguhin ang isip ko.

Walang kasalanan ang batang nasa sinapupunan ko. I'll take all the responsibilities and harsh words. Kasalanan ko rin naman, nagpadala ako sa mga nararamdaman ko.

“Saan ka nanggaling?” bungad na tanong sa akin ni Manang Linda pagkapasok ko ng bahay.

Binaba ko ang bag sa sofa bago nagtungo sa dining area at doon umupo.

“Muntik ko na pong ipalaglag ang bata, Manang.” Nakatulala lang ako habang nakamasid sa malayo.

Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ba ang sarili ko kung tuluyan kong nagawa ang katangahan kong iyon. Gaya ng pakikipaglaban ko noon para kay Santi, gagawin kong muli iyon para sa batang dinadala ko.

Nadala lang siguro ako ng takot dahil hindi ko naman talaga ito inaasahan. Sevi is too young to be a father. Ayokong magaya siya sa amin noon. Marami pa siyang dapat na matutunan sa buhay at mga pangarap na kailangang abutin.

Kaya ko namang buhaying mag-isa ang bata, gaya ng ginawa ko noon kay Santi. Lumaki namang mabuti at may puso ang anak ko, kaya alam ko ring magagawa ko iyon para sa anak namin ni Sevi.

“Oh, Diyos ko! Ano ba ang pumasok sa isip mo para gawin ang kasalanan na iyan? Mabuti at nagbago ang isip mo.” Umupo si Manang sa harap ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala sa akin, o sa bata.

“My baby's father changed my mind. Magulo ang isip ko kanina, mabuti na lang at nakasalubong ko siya.”

“Mabuti naman kung gano'n. Mabuti rin at pananagutan niya ang bata.” Hinawakan ni Manang ang mga kamay kong nakapatong sa mesa.

Kahit buo na ang loob ko sa pagpapalaki ng bata mag-isa, hindi ko pa rin maiwasang matakot. Hindi nila puwedeng malaman kung sino ang ama at mas lalong hindi ito dapat malaman ni Santi.

Bumaba ang tingin ko sa mga kamay namin ni Manang. Mahigpit ko siyang hinawakan. “Tayo lang po ang magpapalaki ng bata. Hindi niya ako pananagutan.” I bit my lower lip.

Mas mabuti nang ganito kaysa maraming masaktan.

“Crisanta! Pumayag ka?” Nanginginig ang boses ni Manang. I can't blame her. Halos siya na ang nagpalaki kay Santi at tumayong ina ko. Naiintindihan ko na higit pa sa galit ang mararamdaman niya.

Tumango ako habang nararamdaman ko na ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi. “He's married...” I lied.

Kaysa malaman niya ang totoo mas mabuting magsinungaling na lamang ako. Sabay lumaki sina Santi at Sevi, kaya alam niyang parang magkapatid na rin ang turing ng dalawa sa isa't isa. Ayokong masira ang lahat ng iyon dahil lang kapabayaan ko.

“Oh, Diyos ko... p-patawarin mo ang anak ko...” Maging si Manang ay umiiyak na rin sa harap ko. Binitawan niya ako hanggang sa naramdaman ko na lang ang mga braso niyang ikinukulong ako. “Mali ang ginawa mo, Crisanta, pero taong lang din naman tayo... nagkakamali. Palalakihin na lang natin ang batang iyan ng sobra pa sa sobrang pagmamahal.”

Mas lalo akong humagulgol ng iyak at niyakap pabalik si Manang. Tama si Manang, hindi ipaparamdam sa anak kong may kulang sa kan'ya. Siya ang magsisilbing daan ko para muling imulat ang aking mga mata at tahakin ang daan patungo sa pagbabago.

Magbabago na ako para sa mga anak ko.

Maaga akong natulog dahil sa pagod. Hindi ko na rin nahintay pa si Santi na makauwi. Nagpaalam naman siyang late siya makakauwi at mag-di-dinner kasama ang mga kaklase niya.

He's mad, but he's still a responsible son. Sa dami ng nagawa kong kasalanan at katangahan, may nagawa pa rin pala akong maganda. Ang palakihin ng tama ang anak ko.

Kinabukasan maaga naman akong nagising para tulungan maghanda si Manang Linda ng umagahan. Hindi ako papasok ngayon, pupunta ako sa hospital para magpa-check up. I want to know the condition of my baby inside me. Matanda na rin ako, hindi ko alam kung maganda o magiging madali pa ba ang pagbubuntis ko.

“May gusto ka bang kainin, Crisanta?” tanong ni Manang.

Umiling ako. “Wala pa naman po akong nagugustuhan sa ngayon.”

Hindi na nagsalita si Manang. Nagtimpla lang ako ng gatas at tumulong sa pagluluto.

Ako ang nagprito ng tuyo, hotdog, bacon at itlog. Si Manang ang nagprepare ng fried rice at juice. Ayaw pa nga niya akong patulungin baka makasama raw sa bata, but I insist. Maliit pa naman ang tiyan ko, nakakapag-jogging pa nga ako nitong mga nakaraang araw.

“Goodmorning, baby!” May malaking ngiti kong bati kay Santi. Pababa pa lang siya ng hagdan pero amoy ko na agad na paparating na siya. “Ang pogi talaga ng anak ko, lalo na kapag bagong gising,” ani ko pa.

Nginitian niya lang ako bago ako hinalikan sa pisngi. Hindi niya ako binati. Wala pa rin siguro siya sa mood.

Sinundan ko siya ng tingin habang papunta sa kan'yang upuan. Nagdasal muna kami bago muling tahimik na kumain.

Hindi ko naman maiwasang tingnan nang tingnan si Santi. Para kasing may humihili sa akin na pagmasdan lang siya buong oras.

“Ma, ano naman po 'yon?” Mukha na naman siyang naiinis.

“Nothing, baby.” Ngumiti ako bago binalik ang tingin sa aking pagkain.

Magloko ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising.

Lumipas ang ilang minuto na tahimik lang kaming tatlo. Wala kaming magagawa, bad trip ang palaging maingay tuwing kumakain kami.

“Santi, bakit pala hindi ko na nasisilayan dito sa bahay si Sevi? Busy ba kayo sa school?”

Halos sabay kaming nag-angat ng tingin ni Santi sa tanong ni Manang Linda. Nakatingin siya kay Santi, kaya sinulyapan ko rin siya.

Bukod sa sagutan namin kahapon, alam ko at nararamdaman kong may nangyayari sa dalawang ito. Hindi ko alam kung ano, kaya maigi na rin na binuksan ni Manang Linda ang topic na 'yon. Mukhang hindi ko na rin kasi iyon mababanggit sa kan'ya. Hangga't maaari, kailangan ko siyang iwasan.

“Ah... o-opo. Busy na po kami sa school.” Ngumiti siya na halatang pilit bago binalik ang tingin sa kinakain.

“Ah, kaya pala.”

Nagkatinginan kami ni Manang. Katulad ko, hindi rin siya naniniwala sa sinabi ni Santi. Nagkibit-balikat na lang ako bago muling kumain.

“Santi, after class umuwi ka kaagad ng bahay. I have something to tell you,” ani ko out of nowhere nang hindi tumitingin sa kan'ya.

Magkasama kami sa bahay, hindi puwedeng magulat na lang siya kung bakit malaki ang tiyan ko. Tutal napagdesisyunan ko na rin namang buhayin ang bata, hindi na dapat pang gawing sikreto ito sa kan'ya.

At higit sa lahat ng dapat makaalam, siya iyon.

Hindi ko siya narinig na nagsalita. Narinig ko na lang ang paggalaw ng upuan niya at pagtayo sa tabi ko.

“Don't worry, Ma. Alam ko na po...”

Kinakabahan at halo-halong emosyon akong nag-angat ng tingin, ngunit huli na nang likod na lamang niya ang nakikita ko.

Continue Reading

You'll Also Like

483K 7.9K 47
Tala, a party goer who didn't mind to get wasted. Skipping classes, sneaking every night, and drinking too much was her specialty... until Engr. Delg...
182K 5.4K 7
BL/short story (COMPLETED)
29.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
110K 4.3K 19
Touching every part of your body is heaven to me. But being with you is a hell for everyone. CS#1