A Hidden Gem (Fate Series#3)

By omyerika

8.7K 645 2.4K

Princess Naomi Mikayla Madriaga is the demure and gullible Interior Designer student of University of Santo T... More

Author's NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Author's NOTE

Chapter 31

101 3 0
By omyerika

"Andito po ba si Ms. Naomi Madriaga?"


"Ako po yun. Sino po sila--" hindi ko na natuloy yung sinasabi ko at napahinto sa pag pagpag ng kamay ko nung nakita ko kung sino yun.


Ngumiti si Thomas at nag-open arms. "Long time, no see."


Napangiti na rin ako ng malawak at agad tumakbo papunta sakanya tsaka siya niyakap nang mahigpit.


Grabe, halos isang taon din siyang nasa Los Angeles. Huling kita ko sakanya nung nadischarge pa ako sa hospital, which was 2 years ago.


Nagkaroon daw kasi ng accidente kaya andoon ako, wala naman akong naalala nung nagising ako. Sabi nila nagka-amnesia ako dahil sa lakas ng impact saakin nung aksidente. Buti nalang andun yung pamilya at barkada ko lalo na si Thomas para tulungan ako sa recovery ko at para ipaalala saakin ang lahat.


Pero kahit mukhang nakwento na nila ang lahat at napakita na nila saakin yung mga letrato ko dati. Pati yung nagpa-rhinoplasty daw ako dahil uso raw yun noon. Parang may kulang pa rin eh.


"You missed me that much?" Ramdam ko pa yung pagvibrate ng dibdib niya dahil sa pagtawa niya.


"Syempre noh! Ang tagal mo kayang umuwi!" Sabi ko at mas lalong hinigpitan yung pagkakayakap ko sakanya, "Simula ngayon, wala ka nang kawala dahil hindi na kita pinapayagang umalis!"


Sobrang nalungkot kasi ako nung kailangan na niyang umalis papuntang Los Angeles eh, kasi isa siya sa mga nakagaanan ko talaga ng loob at nag-alaga saakin simula nung nagising ako sa coma. Nung una nga akala ko boyfriend ko siya pero matalik ko lang pala siyang kaibigan.


"Hay nako, magpakasal na kaya kayong dalawa."


Parehas kaming napalingon sa nagsalita at nakita namin si Mia, Kenzo, at Mackey na kakarating lang.


"Guys!" Sigaw ko at pumunta sakanya para isa isa silang niyakap.


Since, andito nga ako sa Batangas at sila naman ay nasa Manila ay sobrang dalang ko silang makita pero nagcocommunicate naman kami through messenger lalo na si Kim kahit na busy siya sa med school.


"Grabe, pag saamin, konting yakap lang pero pag kay Thomas halos ayaw mo ng pakawalan ah," puna ni Mia sabay ngiti na may pahiwatig.


Ramdam ko naman ang pagkamula ng pisngi ko doon, "Grabe 'toh! Haha. Bakit nga pala kayo andito?"


"Halatang hindi tumitingin sa group chat oh. Tsk tsk," sabi ni Kenzo.


"Hala, sorry. Medyo busy lang this week dahil may project akong ginawa sa isang bahay tapos tinutulungan ko na rin sila lolo na gumawa ng mga furnitures," explain ko sakanila, "Tsaka alam niyo naman pawala wala signal dito."


Interior designer kasi ako dito sa furniture shop ng lolo ko dito sa Batangas. It's either ako yunv nagdedesign ng interior ng bahay ng klient or yung furniture mismo na gusto nila ipacustomize.


"Big time na pala itong kaibigan natin eh. Ikaw nalang kaya manlibre, Nami hahaha," biro ni Mackey.


"Hoy, grabe! Hindi naman hahah," sabi ko at tinanggal na yung gloves ko nung narealize na soot soot ko pa rin yun, nagwowood carving kasi ako kanina eh para sa table na pinapagawa ng isang kliente nila lolo.


"You seemed busy. Pwede ka kayang makasama saamin? I booked a four day stay for us, in a resort here in Batangas," sabi ni Thomas.


Naglapat yung labi ko hababg nag-iisip, "Kailangan kasi ako dito eh--"


"Sinong may sabing kailangan ka dito?"


Napatigil ako sa pagsasalita nung biglang dumating at nagsalita si Lolo Anton.


"Lolo Anton! Musta na po?" Masayang bati ni Mackey tsaka nag-mano kay lolo, lahat naman sumunod sakanya at nag-mano rin.


"Okay naman. Mackey noh?"


"Tumpak ka dyan, lolo hahaha. Kinilig naman ako at naalala mo po ako," sabi ni Mackey at tumawa silang dalawa.


"Paano ka raw niya makakalimutan eh gumugulo raw yung shop pag andito ka?" Asar sakanya ni Kenzo.


"Nako, okay lang yun, masaya nga pag ganun eh," pagtatanggol ni lolo kay Mackey kaya nagbelat si Mackey kay Kenzo. "Sige na, umalis na kayo at kunin niyo na nga 'yang si Naomi. Kanina ko pa siya pinapauwi para makapagpahinga dahil bumyahe kahapon sa bayan pero ayan inagawan pa ng trabaho yung mga tauhan ko."


Nagpigil naman nang tawa yung mga kaibigan ko. Si lolo talaga oh, pinapahiya ako.


"Eh lo, hindi naman po ako pagod," protesta ko.


"Ala eh! Hihintayin mo pa bang mapagod ka bago ka magpahinga? Baka mas mauna ka pa saakin makipagkita sa lola mo," biro ni lolo.


"Lolo Anton is right. You should take a rest, Naomi." Sabi pa ni Thomas kaya no choice ako kundi sumunod. Nauna na yung barkada doon sa resort na sinasabi ni Thomas habang ako au umuwi muna para magempake at magpahinga.


Paminsan minsan kasi bigla bigla nalang sumasakit yung ulo ko, hindi lang basta masakit, kundi sobrang sakit talaga pero nung pinacheck up naman ako, wala naman daw problema baka raw effect lang yun ng surgery ko nung naaccidente ako.


"Ah!"


Napabalikwas ako sa higaan ko dahil sa napanaginipan ko. Tumingin ako sa paligid at nasa kwarto pa rin ako, naghabol ako ng hininga at pinunasan ko yung pawis ko habang inaalala yung masamang panaginip na yun.


May humahabol raw saakin sa isang madilim at tagong lugar hanggang sa nacorner na nila ako. Takot na takot ako at sinubukan pa nga ata akong gahasain nung mga humahabol saakin pero bago pa man mayangyari ay may biglang dumating at biglang may pumutok na baril, doon na ako nagising.


"Parang totoo," sabi ko sa sarili ko habang hinahawakan pa rin yung noo ko dahil medyo sumasakit yung ulo ko.


Madalas na rin akong managinip ng mga ganito. Halos iba iba kada araw pero halos may kasamang lalaki na hindi ko kilala at hindi ko mamukhaan.


Bumalik ako sa realidad nang may biglang kumatok, "Anak, andito na si Thomas."


"Sige po, ma. Bababa na po ako," sagot ko kay mama kaya bumangon na ako at inayos yung kama pati na rin yung sarili ko bago bumaba.


"Four days lang kayo dun noh? Sabihan mo nalang agad ako pag may nangyari kay Naomi ah." Rinig kong bilin ni papa mula sa baba.


"Pa naman, twenty-five na 'yang anak mo. Kaya na niya yung sarili niya," rinig kong sabi ni mama.


"Nag-alala lang kasi ako. Baka kung mapaano nanaman siya. Ayoko lang mangyari yung dati," sabi ni papa.


Hindi ko alam kung dati na ba ganyan ka-protektive si papa o simula lang nung na-aksidente ako. Hindi naman siya ganun ka-protective sa bunso kong kapatid na si Emily eh.


Tumawa nang konti si Thomas, "Don't worry, tito and tita. I'll take good care of Naomi."


"Oh, ayan ah. Kaya wag ka na mag-alala dyan, kasama naman niya si Thomas eh," sabi pa ni mama kay papa pero parang nagdadalawang isip pa rin si papa.


Bumaba na ako nang tuluyan at doon nagbago yung topic hanggang sa umalis na kami. Medyo malayo yung resort na sinasabi ni Thomas sa bahay namin kaya nakapagkwentuhan pa kami sa byahe.


"What?" Tanong ko nung napansin kong kanina pa siya tingin nang tingin saakin habang nagdadrive siya.


"Nothing. I just noticed you dyed your hair," he chuckled. "It looks good, though."


Ngumiti ako at hinawakan yung laylayan ng buhok ko, "Thanks."


Kakakulay ko lang kasi ng buhok ko, ginawa kong dark brown yung kulang buhok ko tapos may highlights na light brown.


Nakarating na kami sa Gem cove resort. Mukhang bago at pang-sosyal sa labas palang at pagkapasok ay puro narra at iba't ibang mamahaling kahoy ang halos lahat ng gamit at design dito na may mga kulay brown, white and orange. Nakikita rin mula dito sa lobby yung labas kung saan tanaw ang napakagandang beach at nasisitaasang palm tree.


"Hintayin na raw muna natin sa lobby sila Kim at Ava," sabi ni Thomas pagkapasok namin sa lobby.


"Pupunta sila?" Excited na sabi ko kasi alam ko busy sila ngayon sa med school and law school eh.


"Mahal nila ako eh," Thomas smirked.


"Psh, mas mahal niyo naman ako at talagang dito ka pa nagcelebrate ng pagbalik mo dito sa Pinas," Nagbelat pa ako sakanya sabay tawa.


"If that's what you think." Umismid siya sabay kibit balikat.


Hinampas ko siya nang mahina sa balikat dahil sa pang-aasar niya. Parehas pa kaming natawa ng dahil doon.


"Oh, Rach and Edwin are here," sabi niya kaya napatingin ako sa likod ko kung saan nakita ko sila Rach at Edwin na kakapasok lang ng resort.


"Nami!" Sigaw ni Rach kaya agad akong tumakbo sakanya at niyakap siya nang mahigpit.


Nagkwentuhan at nagkamustahan muna kami habang hinihintay yung dalawa sa lobby hanggang sa makaramdam ako ng ihi kaya nagpaalam muna ako na mag-CR.


Noong tapos na ako at naghuhugas na ng kamay ay hindi ko sinasadyang marinig yung pinag-uusapan ng dalawang babaeng hotel staff habang nag-reretouch sila.


"Narinig mo na ba? Pupunta raw yung may-ari ng resort dito!" Excited na sabi nung isa.


"Si Mr. Dela Vega? Omg! Ang gwapo raw nun!" Excited ding sabi nung isa.


"Hindi lang gwapo sis, ang hot pa. Hindi ko nga makita yung social media niya!"


"Lowkey lang daw talaga yung si sir. Hindi nilalantad yung kagwapuhan."


Hindi ko na tinapos yung pag-uusap nila at lumabas na pero na-curious naman ako dun sa sinabi nila, gwapo? Hmm. Napatingin ako kay Thomas na nakikipag-usap ngayon kila Edwin, may gwagwapo pa ba sa kaibigan kong model? Hahaha joke, ano ba 'tong iniisip ko.


Pagkarating nila Kim at Ava ay umakyat na rin kami. Nakakatuwa lang at nakompleto ulit kami kahit na busy sa mga schedules. Well, hindi naman talaga daw namin pinapalampas ang isang taon ng hindi kami nakokompleto.


Feel ko nga sobrang swerte ko at sila yung mga naging kaibigan ko simula noon hanggang ngayon eh dahil. sa mga kinekwento nila at sa mga ilang naalala ko tungkol sakanila.


Gabi na nung lumabas kami sa kwarto dahil nagpahinga muna silang lahat dahil malayo raw yung byahe. Kumain na kami sa restaurant dito sa baba at hindi ko maiwasang mamangha sa ganda.


Kahit naman kasi taga dito ako sa Batangas, hindi ko naman napupuntahan lahat ng tourist spots dito eh, lalo na yung mga pang mayaman talaga.


"Kukuha ka pa ba?" Tanong ko kay Kim dahil nagugutom pa ako at naghahanap ako ng kasama gusto ko pang bumalik sa buffet para kumuha ulit ng pagkain hahaha.


"Para namang hindi mo ako kilala hahaha, arat," sabi niya at tumayo agad.


Natawa nalang ako at tumayo na rin para kumuha pa ng pagkain.


"Wait, ikaw muna pala. Tangina, najejebs ako," sabi ni Kim at nagmadaling pumunta sa banyo, nakalimutan niya pang iwan muna yung plato niya. Dala dala niya pa tuloy yung plate niya hanggang sa pag-tae.


Napangiti nalang ako tsaka umiling.


Habang kumukuha ay bigla kong napansin na may pumasok na isang grupo ng mga nakaformal attire dito sa restaurant. Tinignan ko kung sino yun dahil baka sila Daniel Padilla pala yun, sayang naman, once in a lifetime lang makakita ng artista noh.


Kaso hindi, mukha silang mga businessman. May ilang mga kasing edad ko lang tapos yung iba ay matatanda na.


"Teh, ayun si Gino Dela Vega oh. Ang gwapo."


Sinundan ko naman yung tinuturo nung isang staff sa kasamahan niya at nakita yung tinutukoy nilang Gino Dela Vega.


Isa lang masasabi ko, ang gwapo nga.


Kayumanggi yung balat, matangos na ilong, prominent jawline, medium length hair na nakagel lang sa isang side kaya maayos tignan. Visible din mula dito yung beard niya pero konti lang naman. He's wearing a white buttoned down shirt underneath a beige blazer na nakasara yung isang butones then a denim pants and a brown loafers. He's style looks like a bad boy type, nakadagdag pa sa look niya yung pierced earrings niya.


Hindi ko naman maiwasang hindi mapanganga ng konti sa kagwapuhan niya. Lalo na nung ngumiti niya para batiin yung chef. Nakakahumaling naman yung ngiti niya, mas lalo siyang gumagwapo.


Umiwas na ako nang tingin nung naramdaman kong parang bumibilis na yung tibok ng puso ko at napapatagal na yung titig ko. Hala, anong meron?


Napailing nalang ako at babalik na sana sa table namin pero pagkatalikod ko ay may bigla akong nabunggong tao na may dalang mga baso.


"Pucha," rinig kong mura nung staff na nakabungguan ko dahil nahulog lahat ng basong dala niya at nagkalat yung mga bubog sa sahig.


"Sorry po, sorry po." Paghihingi ko ng tawad at tutulungan na sana siya sa pagkuha ng mga bubog.


Pero may biglang may humawak sa palapulsuhan ko at inilayo ito doon sa bubog na kukunin ko sana. Inayos niya ako nang tayo at doon ko lang narealize kung sino na yung nasa harapan ko ngayon.


Bumilog yung mga mata ko nung nakita ko siya ng malapitan at napalunok ng ilang beses. Tumingin siya saakin mula sa pagkakatingin sa sahig.


Mapupungay yung mga mata niya at yung mga titig niya ay parang dinadala ako kung saan. Ramdam ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko at parang walang nakapaligid saamin dahil siya lang ang nakikita ko ngayon.


Kumurap siya kaya ako natauhan at napaiwas na nang tingin sakanya sabay lumayo sakanya nang konti. Doon ko lang napansin na nakahawak pa pala siya sa palapulsuhan ko.


"Don't hurt yourself," yun lang yung sinabi niya tsaka niya binitiwan yung kamay ko at madaling umalis.



-----------------<3-----------------

Continue Reading

You'll Also Like

26K 896 44
S SERIES #1 - Completed ✓ Rielle Serrano, a Manila girl encountered changes in her life when they moved in Batangas. She met a man named Seo, known a...
4K 129 48
YOUTH SERIES #5 [COMPLETED] Josephine Celeste Rongavilla lives in poverty. Being the eldest child wasn't easy for her. Eversince her mother died, she...
1.2K 128 47
Gratifying Wretched What if you met a person who caused for you to hold a responsibility even though you're not responsible for it... What if someday...
18.2K 1K 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...