Taste of Friendship

By sovereigngel

3.1K 279 58

NAJA BLAIR, the girl who doesn't expect to have a friendship that stays... and before she leave the life of t... More

Author's Chapter
CHAPTER 0
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24 •Last Chapter•
Author's Chapter

CHAPTER 21

65 8 2
By sovereigngel

NAJA'S POINT OF VIEW

Tahimik lamang akong nakaupo sa katapat ni Dr. Agustos habang siya ay nakayuko't tinitingnan ang mga papers at tinatanong kung anong nararamdaman ko ngayon.

"Sabi mo, na ang pills na binigay ko ay hindi na tumatalab ng dalawang beses sa isang araw?"

Tumango ako.

"So you take it three times." Tumango ulit ako. Tiningnan niya ako't bumuntong hininga.

"Alam kong alam mo na kung bakit hindi na ito tumatalab, Naja."

Oo.. alam ko. Pero heto ako't umaastang wala lang, na maliit na problema lamang ito. Acting like I am more okay. Acting like i'm still fine.

"At kapag nagtagal ang pag-inom mo ay hindi na talaga ito tatalab dahil ang gamot ang mas magpapahina sa'yo." Dagdag ni Dr. Agustos.

Inilagay niya ulit ang mga papel sa isang envelope. "I'm sorry, Naja." Agad akong umiling sa paghihingi ng tawad ni Dr. Agustos.

"Hindi po, nagpapasalamat nga ako sa inyo dahil binigyan niyo ako ng mga gamot tapos libre pa.."

"Ang masasabi ko lang sa'yo Naja ay malapit nang mag-iisang taon ang sakit na iyan sa iyo. Kung sana nag oo ka sa pagpapatherapy. Okay ka na sana ngayon.. pero desisyon mo iyon kaya hindi na kita napilit. Ang pills na hinihingi mo ay wala ng ibang stock, at matatagalan pa ang magkaroon."

Hindi ako nagsisi na hindi mag-oo sa therapy dahil ginusto ko iyon. Pinag-isipan ko na ang hindi pagthetherapy dahil alam ko malaking pera ang mababayad ko at ayokong maging sakit sa ulo ako ng lola ko no'n kaya nilihim ko nalang at nanghingi ng tulong ni Dr. Agustos.

Binigyan niya ako ng libreng gamot na magpapakalma sa sakit ko. 'Yung mga araw din na iyon ay nag-exam ako sa Brawny University for scholar at nakapasa ako kaya doon na mag-aaral.

Ang totoo ay hindi ako ininvite ng Brawny na maging scholar. Ako ang lumapit sa kanila. Para kapag nasa siyudad na ako ay makakapag-ipon ako ng pera at ibibigay ko ni lola, at itong sakit ko ay hindi niya malalaman.

Pero 'yon na nga.. mapaglaro ang tadhana, iniwan na ako ni lola.

Tumayo na ako at nagpaalam na ni Dr. Agustos. Habang naglalakad ako sa corridor ng hospital ay marami akong nakakasalubong na pasyenteng naghihirap. Nararamdaman ko ang nararamdaman nila. Iba man ang sakit ko sa kanila ay alam ko ang pakiramdam.

Noon ay handa na ako na isang araw tapos na, handa na ako na sa isang iglap pipikit ako't hindi na gigising ulit. Pero ang totoo..

Ayokong mawala.

Isang bagay lamang ang pumasok sa utak ko na naging dahilan bakit gusto ko pang mabuhay.

Ang mga kaibigan ko.

Napagtanto ko na lamang ang sarili na nakasandal sa hindi mataong lugar at humagulhol. Walang nakakaalam. Ewan ko kung ilang oras akong umiyak sa posisyong iyon pero ang alam ko ay kailangan ko nang tumayo at magpatuloy. Wala namang silbi ang iyak na ito dahil hindi naman humuhupa ang bigat na nararamdaman ko. Baka dahil rin sa kakaiyak ko ay mahihirapan akong huminga.

Yes, I have a lung disease. A lung cancer.

--

Ilang araw ang lumipas ay normal lamang ang takbo. Katabi ko ngayon si Avabella na sinasabayan ang tugtog dahil sa kanta ng one direction. Nasa isang van kami ngayon papunta sa isang resort na plinano naming anim.

Nasa likod si Archer at Gael habang si Flynn at Zarden naman sa harap. Nasa gitna kami ni Avabella.

"The story of my life, I take her home..🎶 I drive all night to keep her warm. And time is frozen.🎶"

"The story of my life, I give her hope I spend her love until she's broke inside..🎶 The story of my life.." 🎶

We are driving Flynn's Toyota HiAce. Overnight kami roon. Magbobonding raw kami dahil malapit nang matapos ang school year at magiging senior High school na, iba-iba na yata ng strand kukunin namin, and that was the saddest part for me.

'Cause I don't know if I'm still existing when that day comes.

Pinahinga ko muna ang sarili ko, sinandal ang ulo sa upuan at pumikit. Nagising ako nang huminto si Flynn, natraffic lang pala saglit. I was about to close my eyes again when my sight landed on the rear view mirror.

Nahinto ang tingin ko nang makita siyang nakatingin sa akin sa rear view mirror. Nakasandal ang likod niya sa upuan at nasa akin ang tingin. He just stared at me, emotionless. Ayan na naman siya sa walang emosyon niya.

Tumagilid ako ng kaunti para hindi na ako makita sa rear view mirror, nang hindi na talaga ako makita ay pinahinga ko na ang sarili.

Nagising ako dahil sa boses ni Avabella, lumabas na kami ng van at sariwang hangin agad ang bumungad sa amin, napangiti ako.

"Wow.." I mumbled as I roamed my eyes at the sorrounding.

Malayo pa kami sa dagat pero sinapak na kami ng hangin.

"It's nice here, but the sad part is.. this place doesn't like to flex myself being hot. So I'm gonna rest my hotness for today." Natawa ako sa sabi niya. Ang hangin na nga rito mahangin pa itong katabi ko! Ang hangin mo Zarden!

I just shook my head and lift some of my bags.

Napakurap ako nang inunahan niya akong kunin ang isang bag ko, ito yung mabigat sa lahat. Sinundan ko siya ng tingin, nilagay niya ito sa balikat niya kaya bumatak ang pagkalaki ng braso niya.

"Hindi naman mabigat." He complimented my bag, inangat-angat niya pa talaga.

"So ikaw na maglalagay sa loob, pwede ba?" Suhestiyon ko.

Ngumiwi siya sa akin, "Kahit hindi mo sabihin gagawin ko." Agad siyang umalis sa harap ko at nauna nang maglakad.

Natauhan ako nang kinalabit ako ni Avabella.

"Let's go?" She said, thrilled.

I immediately nodded and feel thrilled too.

"Let's go!" Sabay ding sinirado ni Flynn ang van at sabay na kaming pumasok sa entrance ng resort.

Binungad kami ng isang crew, siya ang nagdala sa amin sa mga kwarto at tinour pa kami sa mga lugar na napakarami kaya hindi ko na matandaan lahat.

Kasi excited na ako eh!

Iisa ang kwarto namin ni Avabella, at silang apat naman na boys ay sa kabila. Hindi ito kalakihan pero malamig, hindi rin mainit dito. Native theme ang resort dahil kahit saan ka lilingon makakakita ka ng mga bamboo, palwa and many more.

Native diba?

I am wearing an oversized tshirt and silk shorts, mas naexcite ako dahil pareho kami ng suot ni Avabella, kulay lang ang iba, Avabella likes brown while I am into blue.

Lumabas na kami ng kwarto at nagulat pa nang seryoso ang apat na lalakeng nakatingin sa amin.

"Mabuti may balak pa kayong lumabas.." Zarden mumbled.

Nagtinginan kami ni Avabella na nakakunot noo.

"Pinagsasabi nila?" Tanong ni Avabella habang nakatingin sa akin.

"Ewan ko."

Binalik namin ang tingin sa kanila. Kumamot sila ng batok at may ibang napahilamos sa mukha.

"We are waiting here for about an hour," Mangiyak ngiyak na sabi ni Flynn.

Napangiwi kami ni Avabella.

"Ay.. akala ko 5 minutes lang 'yon.." sabay hawak ko sa batok.

"Tara na nga, ang kapal na ng talampakan ko rito kakatayo.." mangiyak-ngiyak na sabi rin ni Archer.

"Sorry..." sabay naming sabi ni Avabella.

"No, it's okay." Napunta ang tingin namin ni Gael na nasa tabi ni Avabella.

Naningkit ang mata kong tiningnan sila. Agad na umiwas ng tingin si Avabella pero namumula ang pisngi niya.

"Tara na!" Hinila ko na si Avabella.

Nasa isang cottage kami suot-suot itong black shades, oo kaming anim! Eh nakakasilaw ang init ng dagat. 2 p.m pa kasi, mamaya mawawala rin ito. Kumakain lang kami, minsan nagvivideo ng random tapos may pa vlog daw!

Nagdala ako ng speaker kaya kumakanta kami ngayon. Hanggang sa maubos ang boses, woo!

Marami rin ang tao pero nang tumagal kaunti nalang.

Nakaupo na ako ngayon at kumakain ng manok. Napatingin ako kay Zarden na nakasandal at ipinikit ang mga mata.

Tumayo ako at ginalaw siya.

"Swimming na tayo," ani ko.

He just nodded at nagstretch pa.

"Tara swimming!" Sigaw ko. Isa-isa silang naghiyawan at nag-unahan sa dagat, tatakbo na sana ako nang may humawak sa braso ko.

"Bakit?"
Humikab muna siya bago sumagot, "'wag kang pupunta sa malalim. Hindi ka marunong lumangoy diba?"

"Hindi naman talaga ako pupunta sa malalim, bakit mo nasabi?"

"Kasi mabigat ka, baka tayong dalawa pa ang malunod." Sabay alis niya sa harap ko.

Trip ng lalakeng 'yon?

Bago ako tumakbo papunta sa kanila ay kinuha ko ang polaroid na nasa bag ni Zarden, sabi ko kasi sa kaniya dalhin 'yong polaroid na nasa bahay nila.

Tumakbo ako palapit sa kanila at lumapit ng kaunti kaya nabasa ang paa ko. Agad ko silang pinicturan at pinaypay ang nakuha.

Pipicturan ko na sana sila ulit nang may humarang.

"May stand ako sa bag kukunin ko, para naman kasali ka." Archer said, hinablot niya rin ang polaroid, napakunot noo ako, bakit niya sinaling kunin? Umalis na siya sa harap ko't tumakbo pabalik sa cottage namin.

Napa 'ahh' ako nang may dala siyang phone at rollei compact traveler.

Tinulungan ko siyang ayusin 'yon, I giggled when I click the start video. Nag unahan kaming tumakbo ni Archer papunta sa dagat.

"Ang tagal niyo! Archer pahabaan tayo ng hininga!" Sigaw ni Flynn nang makalapit na kami.

Napapikit ako at natawa nang may pumisik na tubig sa akin. Hanggang sa rumami ito kaya pinisikan ko rin sila.

Natawa at kinilig ako nang binuhat ni Gael si Avabella kaya napasigaw si Avabella.

And here we are watching them....

"One.. two.. three!" Binitawan ni Gael, kaya sa tubig ang bagsak niya.

"Isa pa!" Sigaw ni Avabella.

Bubuhatin sana ni Gael si Avabella nang makitang nakatingin kaming apat.

"Hapon na hapon sakit niyo sa mata.." Flynn mumbled.

Tinawanan kami ni Gael.

"Kayo rin! Ano ba!" Sigaw niya.

"Kayo nalang..---" napalaki ang mata ko nang may bumuhat sa akin.

Parang naiwan ang kaluluwa ko sa baba! Ang bilis niyang mabuhat ako!

"Hoy!"

"One.. two.. three!" Napasigaw ako nang bitawan niya ako kaya ang bagsak ko ay sa tubig. Napangiti ako nang ang ganda sa feeling.

"Ako rin! Flynn buhatin mo ako!" Utos ni Archer kay Flynn.

Walang pag-aalinlangang binuhat ni Flynn si Archer pero hindi pa nga nabuhat ang buong katawan ay nasubsub silang dalawa sa dagat.

Ang sakit ng tiyan ko kakatawa!

"One.. two.. three!" Sabay na sigaw ni Gael, Flynn at Zarden.

Napasigaw rin kami ni Avabella at Archer.

Umasta rin na pating si Zarden at magiging pating din ang madadakip niya. Puro lamang kami tawanan at nang napagod ay bumalik kami sa buhangin at pinahinga ang mga sarili.

Nakahiga sa buhangin si Zarden at Flynn, nagfofloating sa dagat si Archer, nakaupo naman ako sa tabi nina Zarden habang si Gael at Avabella ay hindi pa napagod, naghanap ng mga shells!

"He can sleep easily already nowadays.." Napatingin ako ni Zarden. Agad din akong umiwas ng tingin nang makitang nakahubad ang pang-ibabaw niya. Ginawa niyang unan ang dalawang braso habang nakapikit.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kinwento sa akin ni Flynn na hindi siya nakakatulog gabi-gabi noon."

"Bakit?" Nag-aalala kong tanong. Hindi ko 'yon alam.

"Depression, dahil sa bully."

Tumikom ang bibig ko at tsaka tiningnan si Flynn na tulog na tulog.

"Pero hindi na diba? Kasi hindi na siya binubully ni William, diba?"

"Yea you're right." Agad akong tumango-tango para maibsan ang pag-aalala kay Flynn.

Mahirap kalabanin ang depression, kaya nakakalungkot pakinggan na pati sa pagtulog niya noon ay hindi niya magawa.

"Saan ka mag-aaral sa senior high?" Binalik ko ang tingin ni Zarden.

Bumigat na naman ang pakiramdam ko.

"Hindi ko pa alam.."

I don't know, I don't know if I'm still alive if that day comes.

"If that's so, we can help you, para hindi ka malayo sa amin."

Ayaw nila akong mapalayo sa tabi nila.. paano pa kaya kung "Pero kung ano man.. we respect your desicion."

Alam kong sinabi niya lang iyon dahil ayaw niyang mabalisa ako kakaisip kung ano.

"Thank you.." iyon lang ang lumabas sa bibig ko.
--

"Bagay ba Avabella?" Sabay ikot ko.

"Ay shit! Kahit hindi mo itanong sa akin, bagay sa iyo!"

Natawa nalang ako.

I am wearing a white chiffon thin cropped cardigan and black fitted sleeveless inside, sa pang-ibaba ay nakasuot ako ng cycling at binalutan ko ng mahaba na tuwalya kaya naging long skirt.

Si Avabella naman ay may skirt talaga siya na mahaba at manipis ito, same kami ng pantaas. Yes plinano talaga namin 'to!

Paglabas namin ay gaya ng naabutan namin kanina ay naghihintay na ang apat pero sabi nila kakalabas lang daw. Mabuti naman, hindi nadagdagan ang kapal ng talampakan nila, hihi.

Dala-dala namin ang kaniya-kaniya naming maliliit na mat na ilalapag sa buhangin at mga gamit panggawa ng apoy, may dala rin si Zarden na gitara. Haharanahan niya po kami! Gumawa kami ng apoy, nakahugis bilog kami at nasa gitna ang apoy.

Kalahati sa isang metro ang layo namin sa isa't isa. Katabi kami ni Avabella at sa kabila ko ay si Flynn, katabi naman ni Flynn si Archer tapos si Zarden tapos si Gael naman tapos si Avabella tapos ako.

Zarden started to friction his guitar. Napangiti ako nang familliar ang kakantahin niya, we swayed when he started to sing.

"And I never thought I'd feel this way..🎵 And as far as I'm concerned. 🎶 I'm glad I got the chance to say, that I do believe..I love you 🎶"

He's singing 'That was friends are for" by Dionne Warwick.

"And if I should ever go away.🎶 Well, then I close your eyes and try.. to feel the way we do today 🎵 And then if you can remember.."

Sinabayan namin siya sa pagkanta, minulat ko ang mata ko at nilibot ang tingin sa kanila. Nakapikit ang mga mata nila at tanging si Zarden lang ang hindi, tutok siya sa gitara niya.

I stared at him.. I stared at them one by one.

'Avabella'

I remembered when I first met her.. pinagalitan siya ng mama niya at namumula na ang braso dahil sa hanger na hawak nito. Naawa ako sa kaniya kaya nilapitan ko sila't nagpanggap na walang pasok at classmate ko siya na humantong sa pagkakaibigan.

'Flynn'

Naalala ko binully siya at biglang nag-init ang ulo ko sa nambully sa kaniya kaya hindi ako nagdalawang isip na lapitan siya at ipagtanggol. And now, he's the bravest guy I've met.

'Gael'

Naalala ko ay kumakain ako no'n tapos akala ko tinawag niya ako 'yon pala nagpapractice sila sa drama nila. Laughtrip talaga, nakakahiyang pangyayari pero tingnan niyo! Bestfriend na kami!

'Archer'

Unang araw ko pa lang sa brawny at pagpasok ko no'n siya agad na caught attention ko, eh sino ba namang hindi makukuha ang attention sa isang hearthrob ng university! So iyon na nga crush ko siya noon at hindi ko pala akalain na katropa sila ni Zarden.

'Zarden'

Ito.. itong lalake 'to nagbigay sa'kin ng malalakas na kabog sa dibdib lalo na iyong first meet namin. Tinanong ko lang naman kung bakit siya pinarusahan, galit agad tapos biglang tumawa.

"Keep smiling, keep shining🎶 Knowing you can always count on me, for sure🎵 That was friends are for.. For good times and bad time🎶 I'll be on your side forever more, That's what friends are for.🎵"

We spend more time sitting there, no one's talking.. just as, feeling the flow of water in this cold breeze.

Naputol ang katahimikan nang magsalita ako, bigla nalang siyang lumabas sa bibig ko.

"Thank you guys.. thank you for accepting me into your lives.." I opened my eyes, they open their eyes too and all eyes on me.

"Noong nasa elementary pa lamang ako at pati na rin no'ng high school, walang nakikipagkaibigan sa akin." Umawang ang bibig nila at ang iba ay kumunot ang noo.

"I'm not lying.. but one thing I know kung bakit ayaw nila akong maging kaibigan ay dahil masyado raw akong paladikit sa kanila." Natawa ako sa sarili kong kwento.

"Kaya.. hindi ko nalang pinilit sarili ko. Pupunta nalang ako ng paaralan para mag-aral tapos uuwi. Akala ko ganoon na ang buhay ko kapag tumira ako rito.. pero dumating kayo."

I let out a sigh and stoop my head, nilaro ko nalang ang buhangin habang ang isa kong kamay ay nakayakap sa dalawa kong binti.

"Masaya ako dahil nakilala kita, Naj." Inangat ko ang aking ulo at tiningnan si Zarden na sinabi iyon.

"Ako rin, Naja. Kaming lahat."

Someone yawn and we all know who was it.

"Oh sorry." Sabay tikhim ni Flynn.

"Okay let's go.. tulog na tayo.." nauna na akong tumayo at kinuha ang maliit na mat na siyang inupuan ko.

"Goodnight Naj.." inaantok na bati ni Avabella.

"Goodnight din.." tsaka pumasok na ako ng cr.

Paglabas ko ay kumalma na rin ang pakiramdam ko.

Humiga na ako sa kama at tiningnan sa kabila si Avabella. Tulog na siya. Umupo ako muli dahil hindi naman ako inaantok.

Dahil na 'to sa gamot dahil simula no'ng ikatlong beses na akong umiinom ng pampakalma ay laging bukas ang mga mata ko at bigla-bigla nalang sumasakit ang tiyan at nasusuka at napapagod kaagad.

Oo alam ko 'yon, na mas manghihina ako dahil kinakain ang cells ko sa katawan dahil sa lakas ng gamot.

Hindi ko pala akalain na nasa labas na ako at naglalakad sa buhangin. Yakap-yakap ang sarili habang isa-isang nahuhulog ang luha.

"Ah, excuse me?" Agad kong hinawi ang luha't tumingin sa likod.

"Hm?"

Isang lalakeng nakaplain white tshirt at pants ito. Marami naring pawis ang mukha niya. Moreno siya. May dala siyang dalawang kahon sa bawat kamay at nahihirapan ito. Magsasalita pa sana siya pero agad kong kinuha ang isang kahon sa braso niya.

"Tulungan na kita, nahihirapan ka yata."

Napakamot siya sa batok.

"Pasensya na sa abala.."

"Hindi, okay lang, saan ba 'to dadalhin?"

"Sa stock room ng resort, hindi naman masyadong malayo, pasensya na talaga.."

Tumango-tango nalang ako't ngumiti. Naglakad na kami at siya ang nangunguna.

Narating na rin namin, malaki ang stockroom at walang tao. Siya na ang naglagay sa loob at naghintay nalang ako sa labas.

Lumabas na siya't nilock ulit ang pinto.

"Salamat.."

"Wala iyon.." akmang aalis na sana ako nang magsalita siya.

"Cairo Vicente nga pala." Lumingon ako uli at nakaabang ang kamay niya.

"Naja Blair.." nakipagshakehands ako sa kaniya.

Mahina siyang tumawa at binaba ang kamay.

"Samahan na kita maglakad-lakad."

--

"Ilang taon kana pala?"

"Sixteen, magse-seventeen sa april." sagot ko.

"Oh, same month huh? By the way seventeen na ako." Sambit niya "Sasagot lang ako rito kahit hindi ka nagtanong, okay lang ba?"

Natawa nalang ako sa sinabi niya.

"Cairo!" Napalingon kaming dalawa.

Someone is calling him from one of the cottage. Napangiwi siya at kumamot sa ulo.

"Ako na naman... asar!"

Lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Una na ako Naja Blair, salamat sa oras, nice meeting you!" At tumakbo na siya.

Nagsimula nalang akong maglakad, nasa agos ng tubig ang tingin ko. Tanging ang ilaw lang ng bilog na buwan at mga ilaw sa bawat cottage at mga maliliit na restaurant.

"Can't sleep?" Gulat akong napatingin sa likod.

Nababa ko ang dalawang kamay ko at tiningnan siya.

He's wearing a fitted white shirt kaya batak ang braso. Nakapajama rin siya.

Lumubo ang pisngi ko sa suot niya, hindi dahil hindi bagay sa kaniya kung hindi, first time kong makita siyang ganiyan ang suot.

"What?"

Umiling iling ako habang natatawa.

"Wala naman.." I averted my sight to him. Nasa dagat na ang tingin ko. Nakita kong tumabi siya sa akin na nakatayo, nakahalukipkip.

"Ang close niyo na ah."

My brows furrowed and then I looked at him. Ang seryoso ng mukha niya habang nasa dagat lang ang tingin.

"Huh?"

Now, he looked at me.

"Kakakilala niyo lang close agad kayo. Ang bilis."

Mas kumunot ang noo ko, inikot ko ang tingin sa paligid, walang tao.

"Anong ibig mong sabihin?" Ulit kong tanong.

Seryoso lang ang mukha niya at nalilipad ang buhok dahil sa hangin.

"Sino 'yon?"

Nawala ang kunot sa noo ko nang maintindihan ang ibig niyang sabihin. Ngayon ko lang naintindihan.

"Cairo Vicente.." sagot ko.

"Oh, you know his full name that fast." Nasa dagat lamang ang tingin niya. Natawa ako sa mga sinasabi niya.

"I saw both of you lifting a box, saan kayo papunta?" Tanong niya.

"Stock room, nagpatulong siya."

"Mabigat ba?"

"Uhm.. medyo--"

"Damn. Bakit ka pa ba niya pinaalsa?" Kitang-kita sa mukha niya ang inis.

Naniningkit ang mata kong nilingon siya, "Affect na affect ka, ah? May tayo?" Natawa ako sa mga inasta niya pero ilang segundo lamang ay napagtanto ko kung ano ang sinabi ko kanina. Palihim kong sinapak ang aking ulo. Bakit ko ba 'yon sinabi.

"I cared about you, Naja." Natutop ang tingin ko sa kaniya nang sumeryoso ang boses niya. His face was full of sincerity.

Medyo seryoso ang tensyon kaya mahina akong tumawa. "Gano'n din ako sa'yo, Zarden."

"Half of mine is hurt everytime you gave an energy to someone. The energy you always gave me."

Biglang lumakas ang pintig ng puso ko at tila ang mga sinasabi niya ay nagbigay katanungan sa akin. Hindi ko siya maintindihan. Bakit niya 'yon sinasabi?

I saw how he closed his eyes for a second and then turn his body and gaze to me.

"I like you, Naja. I like you more than a friend."

His words keeps running in my mind na kahit anong gawin ko hindi mawala.

Bakit ako?

Ang buong akala ko ay mahihirapan lang akong iwan ang mga kaibigan ko, iyon pala mas malala.. he sees me more than a friend and at the same time I felt a bliss inside.

I don't know if it's right, to feel the same.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 524 10
A person should not be defined by their failures. Everyone sees Elisha Nadaline Fuentes as a student who excels at everything she does and values edu...
718K 2.7K 66
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
7.4M 207K 22
It's not everyday that you get asked by a multi-billionaire man to marry his son. One day when Abrielle Caldwell was having the worst day of her life...
57K 2.6K 42
COMPLETED R-18: Read at your own risk. "She's a diamond that is rare to find. She's someone that everyone can't be. She has something that everyone d...