Captured By Waves

By Tenshiastra

180 16 0

Si Gwendolyn Castisimo ay lumaki sa isang ampunan sa probinsya. Nang magdesisyon siyang magtrabaho sa Maynila... More

PROLOGUE
1
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16

2

8 2 0
By Tenshiastra


Unti unti kong naramdaman ang pag bigat ng pakiramdam ko ngunit agad ko itong itinago sa pamamagitan ng pag ngiti.

"15 years akong nanirahan sa bahay ampunan. Doon ko na ipinagpatuloy at tinapos ang pag aaral ko. Hanggang sa eto, napag desisyunan kong umalis na at mag trabaho sa maynila. Pero may plano rin naman akong bumalik, kapag nakaipon na ako."

"I'm sorry. Sana hindi nalang ako nagtanong." sabi ni sir Kevin. Nang tignan ko siya ay nakita ko agad ang konsensya sa kanyang mukha na hindi naman dapat niya madama.

"Nako okay lang. Masaya nga ako e, kasi sa wakas may napagkwentuhan na rin ako ng mga ganoong pangyayari sa buhay ko." Matapos ko iyong sabihin ay wala na ulit nagsalita. Para bang naging awkward kaming lahat matapos kong ikwento ang aking nakaraan.

"So ayun, hahaha ang sarap ng ulam. D-diba Gwen, masarap?" pagputol ni Hydee sa katahimikan. Agad naman akong sumang ayon sa kanyang sinabi.

"Oo nagustuhan ko yung mga pagkain. Lalong lalo na yung buttered shrimp." ani ko.

Matapos kumain at kaunting daldalan ay nagpaalam na kami ni Hydee sa kanilang magkapatid. 11:00 pm na ng gabi, hindi namin namalayang dalawang oras na pala kaming nandito ni Hydee.

"Gabi na, may masasakyan pa ba kayo? E kung ihatid mo nalang kaya sila Ken? Hindi ba aalis ka rin naman dahil nagpapasundo sa iyo si Kianna papunta dito?" Nagkatitigan kami ni sir Kenneth matapos marinig ang sinabi ni sir Kevin. Mukhang hindi ito sang ayon sa sinabi ng kanyang kapatid.

Umiwas ako ng tingin at tumingin na lamang kay sir Kevin. "H-hindi na. May masasakyan pa naman siguro kami ni--"

"Gabi na sis, mahihirapan tayong humanap ng masasakyan niyan." Natigil ako sa pagsasalita nang sumabat si Hydee. Akin ko siyang pinanlakihan ng mata upang suwayin ngunit para lang itong batang hindi sumunod sa akin. "Sure ba ka talaga?" pag ulit niya pa.

"Gwen I think it's better if you just let Kenneth give you a ride home. Tama naman kasi si Hydee, mahirap na humanap ng masasakyan pauwi sa ganitong oras." wika ni sir Kevin. Napabuntong hininga na lamang ako bago marahang tumango. Nakakahiya naman kasi kung tatanggi pa ako ulit sa kanila, baka isipin pa nilang ayaw ko sa kanila.

"Yey, tara na uwi na tayo!" rinig kong sabi ni Hydee matapos ko pumayag.

Tahimik lang kami sa byahe. Pareho kaming nasa backseat ni Hydee at kasalukuyan siyang nakasandal sa akin ngayon habang mahimbing na ang tulog. Si sir Kenneth naman ay wala ring imik buong byahe. Paminsan minsan ay nagkakahulihan kaming nagsusulyapan sa isa't isa sa rear mirror ngunit agad ding mag iiwasan ng tingin. Weird. Hindi lang ako, hindi lang siya. Pareho kaming dalawa.

Ewan ko rin e. Mas magaan ang loob ko at mas komportable ako kay sir Kevin kaysa sa kapatid niyang si sir Kenneth. Siguro dahil sa hindi pa kami nito nagkakausap at medyo.. hindi lang medyo e, masungit talaga siya.

"I will appreciate it if you stop staring at me because it makes me feel uncomfortable while driving." Ilang beses akong napakurap habang pinoproseso ang narinig. Agad akong tumingin sa may bintana upang umiwas ng tingin. Hindi ko namalayan na kanina ko pa pala siya tinitignan.

"I-Im sorry sir Kevin. I didn't mean to make you feel uncomfortable." Hindi ako sure kung narinig niya ako, halos pabulong ko nalang kasi iyong sinabi dahil sa kahihiyan at sigurado akong pulang pula ang mukha ko ngayon.

Marahas lang itong suminghap at hindi na nagsalita.

"Malapit na ba?"

"Oo. Ayan diyan lang sa may kanto." turo ko at hininto naman ni sir Kenneth ang kotse sa tapat ng paupahan na tinitirahan namin. Nilingon ko si Hydee at mahina itong niyugyog upang gisingin dahil mahimbing pa rin ang tulog nito.

"Hydee. Hydee gising na nandito na tayo."

"Bukas na Gwen inaantok pa ko." wala sa sariling bulong nito at tinalikuran ako.

"May ipis!"

"AHHH SAAN? Saan Gwen? Saan?!" sigaw ni Hydee at dali daling tumayo kaya naumpog ito sa may itaas ng sasakyan.

"Walang ipis. Ayaw mo pa kasi gumising e." natatawa kong sabi bago bumaba ng sasakyan. Nakanguso naman akong sinundan ni Hydee pababa.

Pinauna ko na siyang pumasok sa loob at nilingon ko ang sasakyan ni sir Kenneth. Bukas ang bintana nito at nakatingin siya sa akin.

"Sir Kenneth, salamat--"

Pilit na lamang akong napangiti nang isarado niya ang bintana at nag drive paalis. Naiwan tuloy akong mukhang ewan doon. Hay nako nagpapasalamat na nga yung tao nagsusungit pa rin siya! Kanino niya ba namana ang ugaling iyon? Sa ama niya siguro dahil mukhang mabait naman si ma'am Karla.

"Tang ina.." Kumunot ang aking noo nang makita ko si Hydee pagkapasok ko sa aming kwarto na nakaupo sa kanyang kama habang hawak ang ulo at mukhang malalim ang iniisip.

Nagulat ako nang bigla itong tumayo at lumapit sa akin. "Gwendolyn, umamin ka nga. Tulo laway ba ko kanina? Nahilik ba ko? Mukha ba akong ewan? May sinabi ba si sir Kenneth sa'yo tungkol sa akin? Napangitan ba siya sa akin habang tulog?" sunod sunod niyang tanong.

"H-ha?"

"Oo o hindi? Dai sumagot ka!!"

"H-hindi.."

"Hindi ako nagustuhan ni sir habang tulog?!" halos mapatalon ako sa gulat sa kanya.

"Hindi ka tulo laway, yun ang ibig kong sabihin. Saka oo nahilik ka pero hindi naman malakas saka--"

"Humihilik ako?! Hala nakakahiya! Bakit ba kasi ako nakatulog." muli itong umupo sa kanyang kama at pinagpapalo ang kanyang ulo.

"Ano bang nangyayari sa iyo Hydee?" Umupo ako sa tabi niya. Kanina lang naman ay okay ito pero bakit nagkakaganito siya ngayon?

"Gwen, alam mo naman na hindi ako magmukhang pangit sa harapan ni sir Kenneth diba? Hindi pwede yon! Dapat ako lang ang babaeng maganda sa harapan niya." wika nito at nagkibit balikat pa.

Dahan dahan akong nilingon nito nang mapansing hindi ako sumagot. "Wag mo sabihing hindi mo gets?"

"Hindi nga.." nahihiyang sagot ko.

"Gwendolyn ano ka ba? Hindi mo pa rin nagegets? Akala ko pa naman matagal mo ng alam.." Ngumuso si Hydee habang marahang umiiling.

"E ano ba kasi yun?"

"Gusto ko si Ken. Si sir Kenneth. Gusto ko siya, matagal na, nung unang makita ko pa lang siya noong ininterview niya ako." Umawang ang aking labi sa narinig at ilang beses akong napakurap. Tama ba ang aking narinig o nanaginip lamang ako?

"Alam mo na-love at first sight ata ako kay sir Ken. Para bang after ko siya makita, wala na akong ibang lalaking makita sa paligid. Parang siya na ata ang true love ko." Nagpahalumbaba pa ito habang nakapikit at nakangiti. "Kaya pag may nakita akong babaeng humaharot sa kanya, malalagot sila sa akin. Kaya Gwen alam mo na, kapag may nakita kang umaaligid sa boyfie ko isumbong mo agad sa akin. Okay?"

"O-okay." wala sa sarili kong sagot. Hindi pa rin ako makapaniwala sa inamin sa akin ni Hydee. Nagustuhan niya ang lalaking iyon? Kung si sir Kevin ang gusto niya maniniwala pa ako e, pero ang lalaking iyon? Si sir Kenneth? Ano bang hanap niya, true love o magpapasakit sa ulo niya?

"Maganda ba? Alam ko namang palagi akong maganda, pero maganda ba?" Nilingon ko si Hydee na ilang minuto ko ng inaantay matapos sa pag ma-make up at sa wakas ay tapos na siya.

"Oo. Maganda." Sa totoo lang sinabi ko iyon dahil ayaw kong ulitin niya pa ang pagma-make up niya, malamang ay ilang minuto na naman akong mag aantay. Pero maganda rin naman talaga ang itsura niya, sa tingin ko nga ay mas maganda siya kahit walang kolorete.

Katamtaman lang ang itim na buhok ni Hydee, hanggang balikat iyon ngunit mas mahaba pa rin ang akin na hanggang dibdib. Plano ko na nga pagupitan ito e, nanghihinayang nga lang ako. Matangos rin ang ilong ni Hydee. Morena siya at maraming nunal sa mukha. Sa noo, pisngi, malapit sa bibig, at isa pa sa kabilang pisngi.

"Tara dito Gwendolyn, ma-make up-an kita." Agad akong umusog sa palayo sa kanya nang lumapit siya sa akin dahilan upang mapaupo ako sa kanyang kama. "O dyan ka lang. Don't move sis, baka imbes na gumanda ka mag mukha kang ewan." utos nito.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang sundin siya at hayaan na lamang siyang lagyan ng kung ano ano ang mukha ko. First time ko lang malagyan ng ganito, pero medyo may alam rin naman ako about sa mga make up na ito dahil hello hindi naman ako taga bundok.

"O pak, ang gandaaa!" tuwang tuwang sabi niya nang matapos with matching pag palakpak pa. Kinuha niya ang kanyang salamin sa ibabaw ng cabinet niya at inabot iyon sa akin. Pagkakuha ko nun ay agad kong tinignan ang mukha ko sa salamin.

Inaamin ko, magaling mag make up si Hydee. Hindi naman ako nagmukhang weirdo o kung ano.

"Uy ayaw pa aminin, nagandahan siya." wika ni Hydee habang sinusundot ang aking tagiliran.

"Hay nako tara na nga, mala-late na tayo sa trabaho."

Nang makarating kami sa resto ay sa locker room agad kami dumaretso. Nakita pa nga namin si Agatha doon sa loob na nag aayos din ng mga gamit niya.

"Aga niyo rin ah." wika ni Agatha at ngumiti sa amin.

"E pano ba naman tong si Gwendolyn, nagmamadali at baka malate daw kami. Sus, kunwari pa, excited lang makita si sir Kevin." agad kong kinurot si Hydee at pinanlakihan ng mata. "Aray ko Gwen! Totoo naman ah!"

"Ay nako, anong chismis yan ha?" nakangising sabi ni Agatha at nagkibit balikat pa.

"Wag ka magpapaniwala dito kay Hydee, Agatha. Baka mahawa ka sa pagiging malisyosa nito." sambit ko.

"Wag ka na mahiya Gwen, normal lang yan. Halos lahat nga rin naman ng mga nagtatrabaho dito may gusto sa mga Asuncions. Yung mga lalaki kay ma'am Kianna, yung mga babae, nahahati kay sir Kevin at Kenneth, yung iba nga ay pareho pa."

"E alin ka doon?" rinig kong tanong ni Hydee.

Ngumiti ito at mahinang tumawa. "Secret." sagot nito bago kami iniwang dalawa ni Hydee.

"Sana kay sir Kevin siya. Ayoko ng may kaagaw kay sir Kenneth e." Natawa na lamang ako sa binulong ni Hydee. E baka nga sa aming lahat siya lang ang may gusto doon, kung may roon pa mang iba, baka dalawa lang silang magkaagaw.

"Sayang ang pagma-make up ko kanina, hindi rin naman pala pupunta dito si sir Ken! Para saan pa ang lahat ng ito kung hindi niya lang rin naman makikita?" nagdadabog na sabi ni Hydee. Wala itong pakialam kahit may iba kaming mga katrabahong nakakarinig sa kanya.

5:00 pm na kasi ng hapon at maya maya lamang 9:00 ay magsasara na kami. Kanina pa nga siya retouch nang retouch sa mukha niya e, para daw pag sakaling dumating si sir Kenneth ay magandahan ito sa kanya. Ewan ko lang ngayon, nawalan na ata ng pag asa.

"Ang sakit naman nun Hydee. Akala ko ba ako lang?" Napatingin kaming dalawa sa aming kasamahan na si June.

"Gago! Wala akong time makipag biro Junie, bad mood ako dahil hindi sumipot ang boyfie ko!" mataray na sabi ni Hydee kay June na may kasama pang kibit balikat.

"Sure ka na ba talaga dyan? E mas gwapo naman ako kaysa sa Kenneth na yun no."

"Hatdog ka June, tantanan mo ko."

"Di mo na ko lab?"

"Umalis ka sa harapan ko Junie!" iritadong sambit ni Hydee bago mag walk out. Naiwan naman kaming dalawa ni June na natatawa kay Hydee.

"Gwen, kamusta? Wala naman bang naging problema? Hinatid pa kasi namin yung kapatid ko sa airport." Nanlaki ang mata ko nang makita si sir Kevin na nasa gilid ko na pala habang nililinisan ko ang isang table.

"S-sir Kevin?" gulat kong sabi. Halatang nagulat rin ito nang makita ang itsura ko, pati si sir Kenneth na nasa likuran niya pala. Agad akong tumalikod at itinago ang aking mukha.

"Y-you.. You look--"

"Haggard. I look haggard sir." pagputol ko sa sasabihin ni sir Kevin. Mas mabuti pang unahan ko na ang pang lalait niya para hindi masyadong masakit. Bakit ba kasi ako pumayag magpa make up kay Hydee?

"Kung ganyan lang rin naman ang itsura ng haggard, mas gugustuhin ko nalang maging haggard habang buhay." Natigilan ako sa pagpupunas ng lamesa nang marinig ang sinabi ni sir Kevin.

Nilingon ko ito at nakitang nakangiti pala ito sa akin. Habang ang kapatid naman niya ay naglalakad na palayo sa amin.

"Maganda ka pala pag naka make up. Pero wag mong isipin na pag naka make up ka lang, maganda ka palagi. I actually prefer you not wearing a make up, but if you want to use that then just go, it's your choice lady."

"Kuya." Naputol ang aming pagtititigan nang marinig namin ang boses ni sir Kenneth. "Makikipag usap ka nalang ba dyan? We have a lot of things to do, nalimutan mo na ba?"

"Oo nga pala. Gwendolyn mauna na ako ah. Babye." Ngumiti ito sa akin at nag wave bago lumakad paalis. Ang kapatid naman niya ay seryoso lang akong tinitigan at naglakad na palayo. Sungit..

"Nakakainis talaga ang tadhana no? Kung kailan hindi na ako nag retouch ng make up ko saka pa dumating si sir Ken." nakangusong sabi ni Hydee. Kasalukuyan kaming nasa ibang restaurant ngayon. Napagplanuhan naming kumain ng dinner ng sabay sabay, ngunit hindi lahat ay nakasama dahil busy yung iba. Kami lang tuloy nila, Hydee, Agatha, June, at ang dalawang kaibigan nito na si Martin at Alvin

"Mas mabuti ngang hindi ka nakapag retouch e, dahil kung nag retouch ka baka isinugod na si sir Kenneth ngayon dahil sa hinimatay sa gulat sa pagmumukha mong mukha ng multo sa sobrang kapal ng foundation."

"Loko ka talaga June. Dapat hindi ka nalang sumama dito."

"Edi wala kang kasamang kainuman? Hindi naman iinom yang dalawang kasama mo e." wika ni June at tinuro pa kaming dalawa ni Agatha. Mabuti na nga lang rin at pareho kaming hindi umiinom ni Agatha e, nakakahiya kasi kung ako lang mag isa ang hindi iinom.

Maya maya lang ay dumating na ang order naming pag kain at yung mga alak na inorder nila Hydee. Sinubukan ko ng pigilang mag inom si Hydee kanina ngunit hindi siya nakinig. Gusto niya daw mag inom dahil nagtatampo siya kay sir Ken.

"Ang galing pala, ngayon ko lang napansin. Tatlo kayo, tatlo kami. Parang tinadha talagang mangyari. Tayong dalawa Hydee, tapos si Martin at Gwen, at Alvin at Agatha. Tang ina ang galing." lasing na sabi ni June. Sa sitwasyon niya ngayon ay parang mahuhulog na siya sa upuan niya. Lasing na lasing na ito gaya ni Hydee. Si Alvin namin ay medyo palasing na rin habang si Martin ay hindi pa.

"Tang ina, nakakasuka June ah. Sana naman maypa warning ka muna bago nagsalita." sabi ni Hydee na mukhang makakatulog na sa kalasingan.

"Ah talaga ba? Ako nga dapat ang masuka. Bakit naman ako ipapartner sayo ha? Okay ako sa kahit sino sa inyo, wag lang sa iyo." Natatawa nalang kami sa pagbabarahan ng dalawa. Ewan ko rin dito kay June e, inaantay ko nalang umamin sa kalasingan na may gusto siya kay Hydee pero halata naman na.

"Pakyu Junie." mahinang sagot ni Hydee at nag bad finger pa. Sabay silang dalawa ni June na bumagsak sa may lamesa.

"Malapit na palang mag 12:00 am, tara umuwi na tayo." sabi ni Martin. Sumang ayon naman kami ni Agatha dahil pagod na rin kami.

"Sigurado ka bang kaya mo Gwen? Baka pareho kayong madapa niyan. Ihatid ko nalang kaya kayo ni Hydee tapos balikan ko nalang tong sila Junie?" umiling ako sa alok ni Martin.

"Hindi na Martin, kaya ko naman to. Saka baka kung ano pang gawin ng dalawang yan habang wala ka dito." sabi ko habang nakatingin kay Alvin at June na nakatulog na.

"Tara Gwen, sasamahan ko na kayo ni Hydee na sumakay ng taxi." aya ni Agatha. Nagpaalam na kami kay Martin at umalis. Nang makahanap kami ng taxi na masasakyan namin ni Hydee pauwi ay nagpaalam na rin sa amin si Agatha na uuwi na.

Napasinghap nalang ako sa pagod. Napapapikit na ang mata ko sa antok pero hindi ako pwedeng makatulog dahil baka lumagpas na kami ni Hydee sa bababaan.

"Hydee! Umayos ka ng tayo, madadapa tayo dito oy!" utos ko kay Hydee habang inaalalayan siya patungo sa aming kwarto.

"Sir Kenneth... Sir Kenneth hindi po ako lasing. Sir Kenneth.. Sir Kenneth hindi ako lasing ako." natawa ako sa pinagsasabi ni Hydee bago ko siya maihiga sa kama niya.

Kahit na antok na antok na ay pinilit ko pa ring gawin ang night routine ko bago matulog. Hindi kasi ako makakatulog hangga't hindi ko pa iyon nagagawa.

Ang bilis ng araw, isang linggo na pala akong nagtatrabaho sa Karolyn. Tapos na ang oras ng trabaho ko at kasalukuyan akong nasa opisina ni sir Kevin dahil may sasabihin daw siya sa akin.

"Ano pong sasabihin niyo sir Kevin?"

Ngumuso ito. "Ayan ka na naman Gwendolyn. Tinatawag mo na naman akong sir at nag po-po ka na naman sa akin."

"Ay sorry sir-- este Kevin. Hindi kasi ako komportableng kausapin ka ng ganoon dahil boss kita." paliwanag ko.

Lumapit ito sa akin at umupo sa kanyang lamesa. "Dapat maging komportable ka na. Ayaw ko kasing kinakausap mo ko ng ganoon, feeling ko ang layo layo mo sa akin."

"Totoo naman sir. Ganyan ka, tapos ganito ako, magkalayo nga tayo." mahina akong natawa.

"No Gwen, hindi naman porke ganito ako ay itatrato mo na akong parang prinsipe o ewan. I know you just want to give me respect but please stop calling me sir next time, okay?"

"Bakit ko naman kailangang gawin iyon? Hindi ba't dapat nga kitang tawaging ganoon dahil boss kita?" Natahimik siya sa aking sinabi. Saglit na ibinaba niya ang kanyang ulo ngunit muli ring tumingin sa akin.

"I want you to be my date."

Continue Reading

You'll Also Like

377K 19.7K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
173K 6.4K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
225K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...