MYRNA, THE GOOD DAUGHTER

By NassehWP

17.9K 721 74

Makakaya mo bang ipagpalit ang napakabait, napakasipag, maalalahaning at higit sa lahat napakaganda't simplen... More

Synopsis
CHAPTER 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Author's Messages
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52

Chapter 13

271 14 0
By NassehWP

Chapter 13

Panay pa ring ang simangot ko sa harapan ng hapag-kainan habang sumusubo ng malaki at ngunguya ng maingay.

"Ano ba 'yan Myrna anak, Bakit ba ang ingay mong kumain?" Sita sa akin ni Nanay ng tignan ako. "Nakakahiya kay Noli ang ginagawa mo." Wika pa ni Nanay matapos sumulyap sa lalaking katabi ko.

Nakabusangot kong nilingon ang katabi kong sarap na sarap kumain sa pagkain niya! Lumingon pa ito sa akin at nagthumbs-up! Pero inirapan ko lang ang lalaki.

Tinotoo talaga ng lalaking ito ang sinabi kaninang tanghali. Na babalik at makikikain sa amin!

At ang magsasakang lalaking ito napakasuwerte!

Naabutan lang naman niyang lechon manok at dining-ding na malunggay at talong ang ulam namin.

At heto nga! Sarap na sarap siyang kumain!

Minsan na nga lang kaming makapagulam ng masarap makikihati pa! Nakakainis!

Pero buti nalang hindi ako nagluto. Swerte ang magsasakang ito kung matitikman na naman niya ang luto ko. Hmp!

Sa buhay na mayroon kami. Bihira lang kami makatikim ng masasarap na ulam at iba pang masasarap na pagkain. Siguro iyon lechon manok siguro isa o dalawang beses lang kami makakain non sa isang taon. Kapag karne ng baboy naman. Isang beses lang kasi mahal ang presyo at hindi namin kayang bumili non. Iyong ibibili kasi naming karne ilalaan na lamang sa baon ng mga kapatid o kaya'y pambili ng bigas at kandila o kaya naman gaas para sa ilaw namin. Pero kapag may birthday o kasal naman dumadayo kami at doon namin sinasamantala ang pagkain ng marami. Doon lang naman kasi kami nakakain ng iba't-ibang putahe ng ulam at ng masarap na cake.

Kapag may birthday pala sa amin magkakapatid. Doon nagluluto ng madami si Nanay. May pansit bihon, may sopas at juice na kalamansi at cake na binibili pa ni tatay sa Cindy's.

"Sige lang kain ng kain iho, marami pa ang ulam at kanin riyan."

"Nay! Wala na po tayong maiuulam bukas ng umaga!" Protesta ko ng marinig ang sinabing iyon ni Nanay kay Noli.

Pare-pareho silang napatingin sa akin. Maging ang mga kapatid ko ay napatigil sa pagsubo at pagnguya dahil sa biglaang pagtaas ko ng boses.

"Myrna!" Saway ni Nanay sa akin. "Bakit kaba sumisigaw?! Nakalimutan mo na bang nasa harapan tayo ng hapag-kainan ah?" Simulang tanong ni Nanay sa tonong may panenermon.

Si tatay ay tahimik lang at hindi nagsalita. Iyong mga kapatid ko nakatingin lang sa akin. Siguro'y nagtataka sa inaasta ko.

"Bakit ba parang wala ka sa katinuan mo? Dahil ba nakikikain sa atin ang kaibigan mo?" Muli pang tanong ni Nanay. "Marami pa namang pagkain ah,"

Ngumuso ako.

"Sagutin mo ako Myrna." May awtoridad na utos na iyon ni nanay.

"Nay kasi..." pabitin na sabi ko.

"Anong kasi?"

Sumulyap ako kay Noli. Nagtama ang mga mata naming dalawa. Pilit siyang ngumiti sa akin.

"Huwag kang magalala Myrna, Hindi ko naman uubusin ang ulam niyo." Aniya at nginitian ako ng malaki.

Pinanlakihan ko siya ng mata. Bakit kailangan pa niyang sabihin 'yon sa harapan nila Nanay at Tatay!

"Wala naman akong sinabi ah?!" Biglang inis na sabi ko sa kaniya.

"Alam ko. Pero pinalalaahanan lang kita." Mahinahong sabi naman niya pabalik sa akin.

Bakit ang kalmado niya? Hindi ba dapat mainis siya dahil pinapakita ko sa kaniyang hindi ko gusto ang pagpunta niya sa amin at ang pakikikain.

"O hindi naman pala niya uubusin anak kaya kumalma ka lang diyan kasi marami pa naman ang ulam natin. At kung maubusan man tayo edi, pwede naman tayong umutang kay Aling Perla ng sardinas at itlog para bukas ng umaga." Si Tatay habang nakangiti.

"Pero kasi Tay—" sumulyap ako tatlong kapatid ko.

"Ate, kung iniisip mo ang uulamin namin bukas, huwag kang magalala ate, nakapagtabi na kami ng ulam namin para bukas." Wika ni Marlon at saka ako nginitian.

"T-talaga?" Gulat na gulat na sambit ko.

"Oo nga Ate, Kahit itanong mo pa kina Mikmik at Marina." Ani Marlon uli.

Napatingin ako sa dalawa ko pang kapatid na babae.

"Oo Ate, Nagtabi na kami kasi gusto uli namin ng ulam na lechon manok. Ang sarap kasing magulam nito." Wika naman ni Marina at muling kumagat sa hawak nitong hita ng lechon manok.

"Huwag kanang magalit ate, hindi naman uubusin ni Kuya Noli ang ulam natin." Singit naman ni Mikmik at saka sumulyap sa katabi kong lalaki.

"O narinig mo ang sinabi ng mga kapatid mo." Si Nanay. Bumugtong-hininga pa ito bago muling ipagpatuloy ang pagsasalita. "Hindi tayo madamot Myrna anak, Kaya kung may makikikain sa atin huwag mong alalahanin kung may matitira pa ba o wala na. At isipin mo, kahit ganito ang buhay natin ay may ibang tao pa din ang gustong makadalo tayo sa hapag-kainan." Litanya ni Nanay.

Napapahiyang napatungo ako. Pinagsiklop ko ang dalawa kong kamay. Nanlalamig iyon dahil sa kahihiyang ginawa ko sa harapan ng pamilya ko at sa harapan ng ibang tao.

"Sorry po Nay, Tay. Hindi ko na po uulitin." Sabi ko sa kanila habang nakayuko pa din ang ulo. At mula sa sulok ng aking mga mata nakita kong nakamasid sa akin si Noli. "S-Sorry din Noli."

Ganon na lamang ang gulat ko ng idantay niya ang isang kamay sa ibabaw ng mga kamay ko. Napatingin ako sa kaniya.

"Sorry din kasi..."

"K-kasi?" Nagaabang na sabi ko.

"Kasi nakikain ako sa inyo." Pagtatapos niya sa sinasabi.

Naginit ang mukha ko.

Bakit ko ba kasi siya pinagkakaitan ng pagkain namin? E madalas naman siyang makikain sa amin noon kahit pa na puro tuyo at gulay ang ulam namin ay nakikikain pa din naman siya sa amin.

Ano ba kasing iniinarte ko?

Mabilis kong iniiwas ang kamay sa kanila at tumingin kina nanay at tatay. Sinigurong hindi nila napansin ang pagdantay ng kamay ni Noli sa kamay ko. Baka kasi kung anong isipin nila kapag nakita nila.

"O siya, ipagpatuloy na natin ang pagkain natin." Anang tatay at bahagya pang sumulyap sa akin.

Nahihiyang pinagpatuloy ko na ang pagkain.

Natapos ang hapunan at naghuhugas na ako ng mga pinagkainan sa labas ng bahay. Sa may likod. Nandoon kasi ang gripo. Si Noli nagpresinta siyang bombahan ang batya.

Dahil maliwanag ang buwan at madami ang bituin nagkalat. Tumitingala ako paminsan-minsan roon para hindi ako tamarin sa dami ng huhugasan ko.

"Ang laki ng buwan."

"Bakit? Nasukat mo?" Pambabara sa akin ni Noli ng sabihin ko 'yon.

"Heh!"

Tumawa siya at pinagpatuloy ang pagbobomba.

Nagsasabon na ako ng mga baso ng huminto si Noli sa pagbobomba. Puno na pala ang batya ng tubig.

Yumuko siya at naupo malapit sa puwesto ko. Hindi pala. Sa tapat ng batya at inumpisahan banlawan ang mga nasabunan.

"Marunong kang magbanlaw? Baka mabasag mo 'yang mga baso namin ah." Sita ko kay Noli ng isa-isahin na niyang banlawan ang mga baso.

"Myrna, plastik ang gamit niyong baso kaya paanong mababasag ko ang mga ito? Nanaginip ka na naman." Bara uli niya sa akin.

"Ay, oo nga pala. Puro plastik pala gamit namin. Sorry hehe."

Napailing siya bagamat nakangiti.

Nagpatuloy na uli ako sa pagsasabon habang siya patuloy din sa pagbabanlaw.

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Pero mayamaya ay si Noli na din ang bumasag ng katahimikan iyon.

"Oo nga pala Myrna, Malapit na tayong magtapos ng highschool. Anong balak mo? Magkokolehiyo ka pa ba?" Narinig kong tanong ni Noli sa akin.

Nahinto ang pagsasabon ko sa natitirang isang pinggan na hawak ko at tinignan siya pero muli ko din ibinalik ang atensyon ko sa pagsasabon sa pinggan.

"Hindi ko alam Noli." Mahina bagamang maririnig naman niya.

"Bakit hindi mo alam?" Tanong pa uli ni Noli.

Bumugtong-hininga ako.

"Tingin mo...makakapag-aral pa ako ng Kolehiyo Noli? Masyadong mataas at malaki ang bayarin sa kolehiyo at hindi kakayanin ni Tatay iyon." Malungkot na sabi ko sa kaniya.

"Bakit hindi ka pumasok ng scholarship?" Suhestyon pa ni Noli.

Napapantaskikuhang tinignan ko siya.

"Pinagloloko ko ba ako?" Lukot ang mukhang sabi ko sa kaniya.

Napamata naman siya sa akin.

"Hindi kita niloloko Myrna. Totoo ang sinasabi ko. Bakit hindi ka pumasok ng scholarship? Makakatulong iyon sa 'yo. Tignan mo ako tanging pagsasaka ang kinabubuhay namin nila Tatay pero nakuha kong pumasok sa scholarship." Paliwanag pa ni Noli.

"Noli, magkaiba tayo. Matalino ka. Ako? Bobo." Naiinis na sabi ko.

Napatitig siya ng matagal sa akin.

"Kapag ba bobo, walang pag-asang makakuha ng scholarship? Marami naman iba diyan na hindi katalinuhan pero nakakapasok ng scholarship. Saka hindi ka naman talaga bobo Myrna. Matalino ka naman eh. Ikaw lang ang nagiisip na bobo ka." Ani Noli kaya tinignan ko siya ng masama.

"Huwag mo nga akong lokohin diyan!" Sikmat ko sa kaniya.

Padabog akong tumayo at lumipat sa tabi niya.

"Alis diyan! Ako na ang magbabanlaw!" Pagtataboy ko sa kaniya. Ewan ko nainis ako bigla sa kaniya.

"Luh? Nagsusungit ay." Pabulong na sabi pa niya. Narinig ko naman.

Pinukol ko uli siya ng masamang tingin.

"Huwag kang bumulong! Naririnig ko!"

Natawa siya ng mahina.

"Huwag kana ngang magalit. Sige ka papanget ka niyan." Panguuto pa niya.

"Isa Noli! Masasapak na kita!" Banta ko sa kaniya.

"Oo na! Sige na. Basta sagutin mo nalang tanong ko. Huli na ito."

"At ano na naman iyang tanong mo." Nakasimangot na sabi ko at pininpin na lahat ng nabanlawang mga pinagkainan.

"Sinong crush mo?" Tanong niya bagamat ang tono ay may panunudyo.

Natigilan at nanigas ako sa puwesto ko.

"May nakita kasi ako kanina pero hindi ko sigurado kung tama ang nakita ko." Wika pa ni Noli.

Napalunok ako. Bakit niya tinatanong kung sinong crush ko? At ano ang nakita niya kanina?

"Myrna...crush mo ba ako?"

NASSEHWP

Continue Reading

You'll Also Like

2.6K 84 21
Away from the modern life is a place that kept unethical secrets. Upon the unlawful acts hidden in the land of falsity grew a passionate fondness tha...
24.4K 785 35
Kehlani has been bullied for her whole senior year in high school. Now 10 years later, 28 and off to a better job she got. But finds her bully, Megan...
774K 19.1K 41
π‘¨π’π’ˆπ’†π’π’Šπ’„|| ❝She looked incredibly playful, as though she no care in the world, and Kol thought that she looked most beautiful at that time,❞ Or...
165K 8.5K 48
You just want to live a quiet, simple life that involves running your cafΓ© and minding your own business. Then guess who shows up to throw a wrench i...