Places & Souvenirs - CAGAYAN...

By JasmineEsperanzaPHR

23.2K 1.6K 121

"You've just made a record, Jenny. Ikaw ang taong kauna-unahang tumawag sa akin ng PJ. Thank you. Kapag close... More

Random Scene
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38 - Ending

Part 1

832 42 3
By JasmineEsperanzaPHR

"ANONG oras ang alis ng bus?" tanong ni Jaypee.

"Alas siete eksakto," sagot naman sa kanya ng dispatcher. "Kada oras may umaalis na bus, mapuno man o hindi. Sakay na. Hindi naman punuan ngayon. Alanganing araw kasi."

Tumango siya at sumampa na sa estribo. Tiningnan ni Jaypee ang oras sa kanyang relo. Six quarter pa lang. Kung tama ang tantiya niya na durasyon ng kanyang biyahe, bukas bandang alas singko ay nasa Tuguegarao na siya.

Matagal na rin buhat nang huli siyang umuwi sa Cagayan. Mga limang taon na siguro ang lumipas. Nasanay na siya sa buhay niya sa Maynila at hindi niya naiisipang umuwi. Wala rin naman siya roong pamilya kaya wala talagang mabigat na dahilan para dalasan niya ang punta sa lugar na kinalakhan niya.

Two years ago ay nagbalak siyang umuwi. Nang tanggapin ni Ella ang marriage proposal niya, sinabi niya sa sarili na iyon na siguro ang tamang pagkakataon para makadalaw naman siya sa Cagayan. Balak niyang ipasyal doon si Ella. Ang kaso naman, isang gift certificate ang ibinigay ng kanilang amo kay Ella. A vacation for two in Boracay. At siyempre pa, siya ang isinama ni Ella.

Doon nagbago ang lahat. Ang akala niya, ang bakasyong iyon ang lalo pang magpapatibay sa relasyon nila ni Ella. Pero akala lang pala niya iyon. Dahil sa bakasyong iyon ay nawala sa kanya si Ella. His love.

Hindi niya alam kung alin ang mali. Ang pagbabakasyon nila sa Boracay o ang mismong pangalan niya. Ella met a man named Jay Pijuan. Isang pangalan na katunog na katunog ng kanyang pangalan: Jaypee Juan.

At first, he took the rhyme of their names as a joke. Naging kaibigan pa nga niya si Jay sa maikling bakasyon na iyon sa Boracay. Wala siyang kamalay-malay na ang mahal niyang kasintahan ay mayroon na palang malaking problema sa pangyayaring iyon.

Suddenly it was no longer a joke. Hindi na niya magawang tumawa nang bigla na lang ay magising siya na nag-iisa sa Boracay. Nauna nang bumalik sa Maynila si Ella. At nang gabing iyon na magkita sila, daig pa niya ang sinabugan ng bomba nang bawiin nito ang engagement nila.

"I... can't marry you, Jaypee." Parang hindi humihinga si Ella nang bigkasin ang mga salitang iyon.

There was a long uncomfortable silence. Nang sa wari ay matimo nang husto sa utak niya ang sinabi ng dalaga ay napuno ng pagkamangha ang anyo niya. Napailing-iling siya. He just wished na hindi totoo ang narinig niya.

Pero kumilos si Ella. Mula sa bag na dala nito ay walang kibong kinuha nito ang singsing na bigay nito. Kung hindi niya nakitang hawak nito iyon ay hindi rin niya mapapansin na hindi pala nito suot iyon. And he was hurt.

"Baka pre-wedding jitters lang iyan, Ella." Mahina ngunit kabado din ang tinig niya. Hindi niya alam kung ano ang itsura niya. Lalaki siya at noon lang niya naranasang kumabog ang dibdib. And he didn't like it. Parang sa anumang sandali ay may sasabog na kung ano doon. Tumutok ang tingin niya sa singsing na nasa mesa. Hindi niya gustong hipuin iyon.

"Nakapag-isip na ako, Jaypee. I won't tell you kung hindi ako sigurado."

"Maybe you need more time to think," hindi pa rin nawawalan ng pag-asang wika niya. He hoped against hope. Kahit na nang pilit na isinosoli ni Ella sa kanya ang engagement ring na pinag-ipunan pa niyang bilhin para dito ay hindi pa rin niya tinanggap sa isip na desidido na nga si Ella.

Pero nang umiling si Ella ay tila gumuho na rin ang mundo niya. "I'm sorry," she said. May naglandas na luha sa pisngi nito na mabilis ding pinahid. And it took a few seconds bago nakuhang magsalita uli. "Can we still be friends?"

Napangiti siya pero ang pakiramdam niya ay pinainom siya ng isang boteng katas ng ampalaya. "Gaano ba kadaling makipagkaibigan na lang sa babaeng pinangarap kong iharap sa dambana? We're best of friends, Ella. Maybe even lovers though we had our limitations. I want to ask why the sudden change of heart, my dear. Pero hindi ko gagawin. I can see it in your eyes. The love you had for me is no longer there."

It took all his willpower para masabi ang mga pangungusap na iyon na hindi tumutulo ang mga luha. Lalaki ka. Lalaki ka. Ilang beses niyang sinabi iyon sa sarili upang pigilin ang mapaiyak na lamang doon.

"Keep that ring, Ella." Pagaralgal ang tinig niya nang magsalita siya uli. "Nang bilhin ko iyan, walang ibang nasa isip ko kundi ikaw."

"Pero—"

"It would be much easier for me kung hindi mo isosoli sa akin iyan."

Dinampot ni Ella ang singsing at ibinalik din sa bag. Pero hindi rin iyon nakabawas sa sakit na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.

They were best of friends. Bago sila naging magkasintahan ay ang tagal din nila na naging magkaibigan. Kung hindi man bilang magkasintahan, inaasahan niyang magsasabi sa kanya si Ella ng problema nito bilang magkaibigan.

And after few weeks of allowing breathing space, nagpasya siyang puntahan si Ella. Buong-buo ang pag-asa niya na naibigay na niya kay Ella ang espasyong kailangan nito at malinaw na uli ang isip. Ipinagpalagay niyang hindi lang niya makita ang pag-ibig nito sa kanya noong huli silang mag-usap dahil litong -lito ang dalaga. But then, the past few days was a lot of time.

Siyempre pa'y mananaig uli ang pag-ibig nila sa isa't isa kaysa sa kung anumang kalituhang bumabagabag dito. And he also hoped na makikita na uli sa daliri nito ang singsing na bigay niya.

And he felt his life was shattered dahil sa eksenang nadatnan niya. Si Ella, ang pinakamamahal niyang si Ella ay nasa bisig ng ibang lalaki. They were kissing in a way that only a loving couple will do. At kung iyon ang nakadurog sa puso niya, parang tinanggalan na rin siya ng hininga nang makita ang mga lobong naroroon. Hindi na niya kailangang mag-isip pa ng kung ano nang makita ang nakasulat doon. Ella was pregnant. Courtesy of no less than the man who named Jay Pijuan.

Halos isumpa niya ang sariling pangalan dahil doon. At mas matining na rin sa utak niya na dahil sa pangalang iyon kaya nawala sa kanya si Ella.

Higit-kumulang sa isang taon ang lumipas bago niya muling nakita si Ella. Nagkasunod sila ng pila sa supermarket sa Landmark. Siya ang unang nakakita dito at ang balak niya sana ay magkunwang hindi ito napansin subalit ito ang mismong tumawag sa kanya.

He could still feel his pain. Pero hindi rin niya matitiis ang mainit na pagbati sa kanya ni Ella. Sa ilang sandali na nakatayo sila roon, nagawang magwagi ni Ella na muling makapasok sa kanyang puso.

Nakalimutan niya ang sama ng loob niya. Nakalimutan niya ang naging galit niya dahil sa pag-iwan sa kanya ni Ella. Pero bago tuluyang muling mangibabaw ang pag-ibig niya kay Ella ay inuna niyang intindihin ang sarili.

She looked the same. Maging ang anyo ng katawan nito ay nagbago. But he also knew, nothing is no longer the same. There was a certain sparkle in her eyes. At alam niya, hindi siya ang dahilan ng kislap na iyon. At tila bilang isang kumpirmasyon, ilang sandali lang ay may lumapit na lalaki kay Ella. Sa bisig nito ay isang sanggol na sa tantiya niya ay apat na buwan pa lang. He was holding a big pack of diaper na inilagay sa push cart ni Ella.

Ella was now happily married obviously. At bagaman naging awkward sa mga naunang minuto ang muling pagtatagpo nila ni Jay, mahusay namang nahawakan ni Ella ang sitwasyon. Inilapit nito ang sanggol sa kanya.

He wanted to feel offended pero siguro nga ay may kakaibang karisma ang sanggol. Hindi tuluyang nakapasok sa isip niya ang ideya na sana ay sila ni Ella ang magulang ng batang iyon. And when the baby smiled at him, pakiramdam niya ay hinaplos nito ang kanyang puso.

At nang muling magtama ang tingin nila ni Ella ay alam na niya. Alam na niyang napatawad na niya si Ella. At alam niya, lubusan na rin niyang natanggap na si Ella ay hindi na magiging kanya.

Hindi niya alam kung paano nangyari pero nang mga sandaling iyon ay kayluwag ng naging kanyang paghinga. Nang magkamay sila ni Jay, the awkwardness was no longer there. It was replaced with a renewed friendship.

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 33.9K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2.6K 153 15
SIMPLE, MAHINHIN, tila hindi makabasag pinggan. Iyan ang tingin ng mga tao kay. SHOLA PADILLA. Ang hindi alam ng lahat may nakatagong misteryo sa pag...
3.2K 131 11
Unang nagkatagpo sina Issa at Rain sa Palau. She was rebelling against her mother and he was trying to avoid his fiancée. Just four days of madness b...
3.8M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...