Part 4

584 36 1
                                    

SHE'S GETTING married?

Hindi man gustong makinig ni Jaypee sa usapan ay wala siyang magagawa. Kahit naman mahina ang boses ng katabi niya ay abot din naman sa pandinig niya ang sinasabi nito.

Pasimpleng nilinga niya ang babae.

She was beautiful. Kanina pa niya alam iyon. Pero ngayong naulinigan niyang may posibilidad na itong mag-asawa ay saka lang din niya napansin. She was young. Well, she looked young. Mukhang kapapaalam pa lang sa pagiging teenager ang anyo at ayos.

Mag-aasawa na? Napag-isipan na ba niyang mabuti ang bagay na iyon? Hindi kaya siya nabibigla?

Samantalang siya, malapit nang mag-treinta pero hindi pa niya naiisip uli iyon. After Ella, he mended his broken heart. Nakabangon na siya at puwede na uling pag-isipan ng seryoso ang ganoong bagay pero hindi niya pinag-uukulan ng pansin. How could he? Ni wala siyang girlfriend.

Gusto na niyang magkaroon ng babaeng mamahalin pero saan ba siya hahanap? Ibinukas naman niya ang mga mata niya sa babaeng nakapaligid sa kanya pero isa man sa mga iyon ay hindi nakuha ang lubos sa atensyon niya.

Pinaniwalaan na niya ang lahat ng possible signs ng pag-ibig. Love at first sight. Love is blind. Whirlwind. Ano pa ba? Hate at first sight? Opposites attract?

Was the last two also possible?

Hindi siya nakumbinse sa love at first sight. Sa dami ng babaeng tiningnan niya, hindi niya naramdaman isa man sa mga ito ang love at first sight. Siyempre, wala ring whirlwind na nangyari.

How about hate at first sight?

Wala rin. Wala pang babaeng nakapagpairita sa kanya nang husto. He was always cool. Babae ang naiirita sa kanya kung minsan. Hindi siya.

Meron, Jaypee. Iyang babaeng katabi mo, kanina ka pa asar diyan. Kanina ka pa nagpapaka-childish dahil sa paniniwala mo, inagawan ka niya ng upuan.

Tumikwas ang sulok ng labi niya. It can't be.

Of course it can be. Love sometimes comes from the most unexpected situation.

She's getting married, said the one side of his brain.

Malay mo naman? Ikakasal pa lang. Puwedeng hindi iyon matuloy, katwiran ng isa pang bahagi ng utak niya.

Inis na inis si Jaypee. Bakit ba parang gustong magdigmaan ng magkabilang bahagi ng utak niya dahil lang sa katabing babae. Bumiling siya ng upo patalikod dito. Mabuti pang pilitin na lang niyang matulog kaysa pag-ukulan ng isip ang babae. Lalo lang siyang naaasar dito.

Uuuy, naaasar. Hate at first sight nga! tila hirit ng konsensya niya.

He groaned silently.



HINDI ugali ni Jenny na kumain sa mga stopover ng bus.

Kaya lang siya bumababa ay para mag-CR. At dahil numero uno yatang hygiene conscious siya, pati pagtu-toothbrush ay ginagawa niya. Ilang oras na rin siyang tahimik lang na nakaupo sa bus. Kapag ganoon ang sitwasyon, hindi na siya mapakali at kung wala mang pagkakataong mag-toothbrush ay pinagkakasya na lang niya ang sarili na mag-mouthwash.

At ganoon nga ang ginawa niya. Sa CR ng stopover nila sa Santiago, Isabela feeling niya ay nasa sariling CR siya. Kulang na lang ay maligo na siya roon dahil nag-enjoy pa siyang maghilamos nang makitang malinis naman ang CR at may supply ng tubig. Bago siya lumabas, nagwisik pa siya sa cologne.

Kahit na alas dose na ng gabi ay magaang-magaan pa rin ang pakiramdam niya. She felt so fresh. Pagkatapos niyang bumili ng mineral water ay sumakay na siya uli sa bus. 



Places & Souvenirs - CAGAYAN 3 - PJ, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon