Part 3

658 35 1
                                    

KUMUNOT ang noo ni Jaypee. Makakatulog na sana siya kung hindi lang siya nabulahaw ng malakas na tunog ng cell phone na iyon. Inis na inis man ay nagtimpi siya. Maraming nagsasabi na gentleman siya. At sa pagkakataong iyon, gusto niyang panindigan na gentleman nga siya. Kahit na nga ba parang gusto na niyang sakalin ang babaeng katabi niya.

Sa sulok ng kanyang mga mata ay pinag-aralan niya ang anyo nito. Maganda ang babae kung sa maganda. At alam niyang matangkad din. Natatandaan niya na halos kasingtaas nito ang konduktor kaninang lumapit iyon. Pero mataray. Sukat paalisin siya sa inuupuan niya gayong komportable na siya roon! Ano siya? Obsessed sa aisle seat?

But then, what about him? Kung hindi siya umalis sa inuupuang iyon, di siya naman ang masasabihang obsessed sa upuan iyon. He groaned inwardly. Nauna siyang umokupa niyon, that should be his seat.

Jaypee, she has a reservation, paalala niya sa sarili.

Lalo siyang nairita. Upuan lang iyon. Bakit ba nagiging malaking issue. He was a gentleman. Pagbigyan na niya ang babae tutal may reservation nga ito.

Kahit na, alburoto niya. And he knew why, hindi siya talaga komportable sa inuupuan niya. And his torture would last for the next long hours.

She had a creamy skin. Hindi ito masyadong maputi pero malinaw na malinaw naman ang kutis. Ni kudlit ay walang mantsa ang balat.

Pero mataray. Remember that, Jaypee. Inagawan ka rin niya ng upuan.

Napailing na lang siya nang maisip iyon. He didn't know he could be this childish again. Noong panahon nila ni Ella, he could be childish whenever he fancy. Dahil hinahayaan lang siya ni Ella. She always indulged him. Lahat ng kalokohan niya, nate-take ni Ella.

But when they broke up, he changed. Naging seryoso siya.

Ella again. At napangiti siya. Ngayon kapag naaalala niya si Ella ay hindi na siya nagsesentimyento. He didn't love her anymore but he was still fond of her. They were now friends again. In fact, the three of them—that meant Jay included—were now very good friends.

Marahil ay magtataka ang iba kung paano nangyari iyon pero posible. Malapit na nga siyang maging kumpare ng mga ito dahil buntis na naman si Ella para sa ikalawang anak nito. Numero uno siya sa listahan ng kukuning ninong. At hindi niya tinanggihan, siyempre.

Maganda pa siya kay Ella, naisip niya nang sulyapan uli ang babae.

Pero mataray, naisip niya uli. Si Ella, hindi mataray. Tarayan man siya ni Ella, iyon ay kapag talagang napipikon na sa mga kalokohan niya. At bihira namang mangyari iyon dahil likas na mahaba ang pasensya nito.

Pinaalis ka niya sa upuan. At binulahaw ka rin. Ang lakas-lakas ng tunog ng cell phone. Parang gustong ibando sa madla na may cell phone. Kahit na nga ba mamahalin ang unit niya, eh.

Lihim na napailing si Jaypee. Alam niya, siya ang asar-talo. Dahil hanggang ngayon, ipinagsisintir pa rin niyang nakasiksik siya roon sa window seat.



NANG MAY mag-text uli kay Jenny ay siya na lang ang nakakaalam niyon. Naka-silent mode na ang cell phone niya upang hindi na makabulahaw sa iba. It was another forwarded message, wishing her a happy trip and that she will be missed.

Hindi basta bakasyon lang ang pakay niya sa pag-uwi niya sa Tuguegarao. Kinukulit na siya ng high school sweetheart niya na magpakasal sila. Nasa Cagayan ang negosyo ng pamilya nito. At kung papayag na siya sa alok nito, dapat lang din na i-give up na niya ang buhay niya sa Maynila, no matter how well-adjusted she was there.

Nag-resign siya sa radio station na pinapasukan niya bilang writer. Nanghihinayang siya dahil may future pa naman siyang maging radio announcer. Ilang beses na rin siyang naging pinch-hitter ng mga radio shows. At sa mga pagkakataong iyon ay napansin ng mga producer na may boses din naman pala siya.

Places & Souvenirs - CAGAYAN 3 - PJ, I Love YouМесто, где живут истории. Откройте их для себя