Part 36

686 53 6
                                    

"LET ME tell you about Ella."

Dapit-hapon at nagpapalipas sila ng oras sa beach. Pareho silang galing lang nagtampisaw sa tubig. Parang nasiyahan nila sa ganoon lang kaysa lubusang basain ang mga katawan.

Halos magkadikit ang kanilang mga katawan sa pagkakaupo. Hawak ni PJ ang kamay niya, which was no longer new. Pagkatapos ng halik na pinangahasan nito noong isang araw, tila may isang uri ng bond na nag-ugnay sa kanila. Hindi sila nagbubukas ng paksa tungkol doon. Pero sa kilos at pagtatama ng kanilang mga mata, parang nagkakaintindihan na rin sila.

"Are you sure?" she said softly. "She's your ex."

"Yes. But more than that, she's my friend—before and after the relationship. You want to hear?"

"S-sige," tugon niya bagaman hindi siya kumbinsido. Hindi niya alam kung ano ang purpose ni PJ kaya binuksan nito ang paksang iyon. But somehow, it aroused her curiosity.

"I love her," simula nito. "I mean, I loved her as my best friend then I fell in love with her. But things happened, bigla na lang binawi niya ang engagement namin. I didn't understand at first until I saw her with another man. They were... kissing."

Napasinghap siya. Parang gusto niyang pigilan na lang si PJ. Sa balintataw niya, tila may pagkakahawig ang pangyayari. Mas masahol nga lang ang tagpong nakita niya kay Larry.

"That devastated me," patuloy nito. "Alam mo ba kung sino iyong lalaki? Isang bagong kakilala na itinuring ko agad na kaibigan."

Another similarity, she thought. Hindi ba't hindi rin naman iba sa kanya si Lulu?

"He's Jay Pijuan."

Kumunot ang noo niya. "Magkapangalan kayo?"

"Magkatunog." In-spell nito ang pangalan ng lalaki sa kanya.

"May... may kinalaman ba iyon sa nangyari sa relasyon ninyo ni Ella?"

He nodded. "Malaki."

"Kaya ayaw mo nang magpatawag ng Jaypee? Kaya PJ na ang gusto mong itawag sa iyo ngayon?"

"Yes. Kung PJ Juan, siguro naman walang may last name na Jay-juan. Hindi na maipagkakamali ang pangalan ko sa ibang tao. Kung mangyari man iyon uli, siguro, malas na lang talaga."

"Paano iyon nangyari?"

"We were in Boracay then. Nauna akong tumuloy sa hotel room namin dahil nagpa-massage pa si Ella. Jay was also staying at the hotel. Nang ipatanong ni Ella kung saan ang hotel room namin, kuwarto ni Jay ang ibinigay sa kanya. She spent the night there."

"T-tapos?"

"Hindi niya alam na ibang lalaki ang kasama niya. Noong umaga na lang niya natuklasan. Wala rin akong kaalam-alam. I was so tired. Nang umagang kumatok si Ella sa room namin, ang akala ko ay maaga lang siyang nagising at mag-isang namasyal. She became different. Hindi na siya mapakali. Iyong lalaking nakasama niya nang magdamag sa kuwarto, inaya ko pang isama sa pamamasyal namin. How odd. Natutulog ako sa pansitan. Habang tinatawanan ko ang pagkakahawig ng pangalan namin ni Jay, iyon naman pala ang nagiging mitsa ng pagkasira ng relasyon namin ni Ella." He paused. May inabot itong patpat at nagsimulang gumuhit ng kung ano sa buhangin gamit ang libreng kamay na hindi nakahawak sa kanya.

"Matagal bago ko nalaman ang buong detalye," he spoke again. "Nagpakasal sina Ella at Jay. May anak na sila noong magkita-kita uli kami accidentally. Hindi ko alam kung milagro but the bitterness was no longer there. Naging magkakaibigan pa kami. That was also the time na nagawang ikuwento sa akin ni Ella ang tungkol doon."

"Hindi na kami magiging magkaibigan ni Larry," pakli niya.

Tipid siyang nginitian nito. "Iba naman ang sitwasyon mo."

"Iba nga. Hindi ka naman niloko ni Ella. There are just things that we cannot control to happen. Pero iyong ginawa ni Larry, ginusto niya iyon. Hindi niya ako pinahalagahan. Niloko niya ako."

Initsa ni PJ ang hawak nitong patpat at bumaling sa kanya. "Get angry, Jen. Sige lang, ibuhos mo ang lahat ng galit mo. Mas makakabuti iyan sa iyo. When you get drained with that emotion, mabubuksan na rin ang dibdib mo sa iba namang emosyon. I'm not telling you to forgive him pagkatapos. Ikaw lang ang makakapagdesisyon niyan. But I want to tell you na sana, kapag napaalpas mo na ang lahat ng galit diyan sa dibdib mo, buksan mo pa rin ang puso mo para sa iba. You can fall in love again, Jenny."

"Paano kung ayaw ko na?" hindi na nag-isip na tanong niya.

"Sa ngayon, masasabi mo iyan. Kahit sinong magka-heartbreak, ganyan ang sinasabi. Ako man, dumaan diyan. I thought I'll never fall in love again. Pero pagkatapos ng ilang panahon, ako na rin ang nagdesisyon. I want to fall in love again."

"Are you telling me you are in love now?" may agam-agam na tanong niya. hindi niya mawari kung bakit tila kinatatakutan din niyang marinig ang isasagot nito.

"Yes, I'm in love now," amin ni PJ.

Parang may pumiga sa puso niya. "P-paano na ngayon iyan? B-baka napapabayaan mo na siya dahil ako ang kasama mo ngayon."

"Jenny," madamdaming wika nito. "Don't you have any hint?" magkahalo ang pag-asa at amusement sa tinig nito. "Ikaw ang babaeng iyon. I love you. Maybe, I fell in love with you the first time I saw you."

Napaawang ang mga labi niya subalit wala kahit maikling salita na lumabas doon.

"You don't have to say anything. Gusto ko lang malaman mo kung ano ang talagang nararamdaman ko. After I kissed you, naisip kong dapat lang na maging malinaw na sa iyo ang lahat. Hindi lang basta kaibigan ang turing ko sa iyo. I have loved you from the very start."

"PJ..."

"I almost gave up. Noong bigla na lang ay hindi kita na-contact, my heart broke once more. Pero noong marinig ko ang boses mo sa radio, ganoon na lang ang tuwa ko. My love for you soared so much at noon ko lang na-realize kung gaano katindi ang damdamin ko. Kaya huwag ka na ring magtaka kung bakit parang inaapuyan ang dugo namin ni Larry sa isa't isa tuwing magkakaharap kami. It's because of you. Bilang lalaki, nararamdaman niyang isa akong kaagaw sa iyo."

Dumaan ang ilang sandali katahimikan sa kanila. At si PJ din ang bumasag niyon.

"There, nasabi ko na," wika nito na tila isang mabigat na dagan ang naalis sa dibdib nito. "Jenny..."

"Y-you said I don't have to say anything."

"Oo nga. Basta sapat na sa akin na naipagtapat ko na ang lahat. May gusto lang akong hilingin ngayon." He leaned close. "Maaari ba kitang hagkan?"

And she was stunned all over again. Kung basta na lang nangahas si PJ, kung sa halip na magpaalam ito ay bigla na lang siya nitong hinalikan, malamang na gumawa siya ng kilos ng pagtutol. But he was asking. He was asking in the most humble way. How could she say no? Lalo at ang mukhang nakatunghay sa kanya ay punong-puno ng pag-asam. At pagmamahal.

Napalunok siya. At pagkuwa ay siya na rin ang tumawid sa natitirang distansya ng kanilang mga labi.

The kiss was so wonderful it stirred dormant feelings inside her. Kagaya ng nauna, ramdam niya ang buong pagsuyo sa bawat galaw ng mga labi nito. He was slowly testing and tasting. The lips and tongue that moved against her was giving an exquisite feeling to her whole being.

Hindi niya alam kung ano pa ang emosyong nasaling ng halik na iyon sa dibdib niya. Namalayan na lang niyang may naglalandas na luha sa mga pisngi niya. And that was also he started to rain small kisses on her face, hindi nakaligtas sa pansin nito ang likidong iyon.

"Jen, you're crying," bulong nito. "Bakit?"

Napailing-iling siya. "Hindi ko alam." At mabilis niyang pinahid ang mga luhang iyon. Ang una niyang naisip ay lumayo at mapag-isa. At iyon nga ang ginawa niya.

"Jen!" habol sa kanya ng binata.

"Please, I... I need some time alone."

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Places & Souvenirs - CAGAYAN 3 - PJ, I Love YouWhere stories live. Discover now