A Hidden Gem (Fate Series#3)

De omyerika

8.7K 645 2.4K

Princess Naomi Mikayla Madriaga is the demure and gullible Interior Designer student of University of Santo T... Mai multe

Author's NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Author's NOTE

Chapter 27

107 5 14
De omyerika

"Ano?! Anong ginawa at sinabi nya kay Naomi?! Wow! Hintayin lang niyang Gabby na yan na magkaharap kami at ipapakita ko sakanya yung tunay na sampal."


Halos mamula naman si Kim sa sobrang galit nung narinig niya yung nangyari kanina.


Uwian na namin ngayon at nandito pa rin si Ava sa UST para hintayin kaming lumabas ni Mackey dahil Friday pala ngayon at wala siyang pasok. Sinabi na niya sa gc yung nangyari kaya agad pumunta rito si Kim, may balak pa ngang sugurin si Gabby eh, buti nalang nalate siya ng dating kaya andito nalang kami sa Macao para mag-relax kahit papaano.


"I already talked to her," sabi ni Ava tsaka ininom yung drink niya.


"Duda akong talk lang yan," sabi ni Mackey dahil alam niyang pag si Ava yunv nagsalita lalo na pag galit siya, matindihang mga salita ang matatanggap nung kausap niya.


"Dude, sinabi ko bang kakausapin ko siya? Mas matindi pa salita ang ibibigay ko sakanya, tsk." Inis na sabi ni Kim.


Hinihiling ko nalang na sana hindi niya makita si Gabby kundi, nako.


Napatingin naman ako sa labas at nakita si Tyne na kakadaan lang, hindi ako nag-alinalangang tumayo at agad siyang hinabol. 


"Tyne!" Sigaw ko at nilingunan naman niya ako saglit pero agad din bumalik sa harap yung tingin niya at nagmadaling maglakad.


Hinabol ko naman siya hanggang sa makapasok ulit kami sa loob ng campus buti nalang agad kong nakuha yung palapulsuhan niya nung may biglang humarang sakanyang mga estudyante rin. 


"Ano ba?!" Inis na sabi niya tsaka marahas na tinakwil yung kamay ko na nakahawak sa kamay niya na kinagulat ko naman.


"S-sorry. Galit ka ba?"


"Oo, galit ako!" Sigaw niya kaya napaatras ako ng konti at napalunok dahil ngayon ko lang nakitang ganito ka galit ni Tyne na parang mananapak na any time, "Galit ako sayo pero hindi kasing tindi ng galit ko kay Gabby."


Tinignan ko siya na may pagtataka, "H-huh?"


"I mean, paano niya yun nagawa sa kaibigan niya? Tss, kahit galit ka sa kaibigan mo hindi mo magagawang gumawa ng masama sakanya noh." Napapairap pa siya habang nagsasalita. 


Tumabi muna kami at umupo sa isang gazebo dito sa loob ng UST para makapausap nang maayos.


Kinwento ko sakanya yung buhay ko nung highschool na naging isa sa mga pinakadahilan kung bakit ko naisipang ayusin sa sarili ko, particularly yung mukha ko, bago pumasok ng college.


"Pero bakit hindi mo agad kinwento o sinabi saakin agad?" Tanong ni Tyne.


I pursed my lips habang iniisip kung paano ko ba sasabihin na baka ayaw na niya akong maging kaibigan pag sinabi ko yun.


"Wait, don't tell me. Akala mo, itsura lang habol ko sayo kaya kita kinaibigan?" Napaawang yung bibig niya sabay layo saakin ng konti, "Wow, you really hurt my feelings there, girl."


"Hindi naman sa ganun!" I pouted.


"Pero parang ganun na nga?" Bumuntong hininga siya, "Hindi naman kita masisisi kasi parang ganun na nga yung nangyari. Noong una kitang nakita sa tapat ng classroom, gandang ganda ako sayo nun eh kahit halatang kabado ka kaya kita inapproach. Pero yung pagiging kaibigan mo ng ganito katagal, hindi lang yun dahil sa maganda ka noh. Sa tingin mo, magtitiis ba ako sa isang taong maganda nga pero ang sama ng ugali at hindi kaibigan ang turing saakin? Syempre, hindi noh! Nagprint pa nga ako ng mga extrang copies ng notes ko para ibigay sayo at ako pa yung humingi ng extension kay Ma'am Aguilar para sa namissed mong deadline dahil alam kong may pinagdaraanan ka."


"Aww, Tyne kaya mahal kita eh." Halos mangiyak naman ako sa mga narinig ko mga ginawa niya saakin sabay yakap sakanya ng paside.


"Pero hindi sapat para sabihin mo yung sekreto mo noh?" Sarcastic na sabi niya.


"Sorry na."


"Nakakainis ka! Alam mo bang ang loner ko nung wala ka at hindi ako makakain ng maayos dahil nag-aalala ako sayo!" Hinampas muna niya ako bago niyakap nang mahigpit sa leeg, "Sa susunod kasi wag nang maglihim noh? Lalo na kung may pinagdaraanan ka, andito lang ako! Walang masama sa ginawa mo, okay? Inggit lang sila dahil maganda yung kinalabasan ng glow up mo. And as your friend, tanggap kita kahit ano ka pa noon."


"Ako rin, andito lang din ako para sayo." Sabi ko at hindi na maiwasang maluha habang magkayakap kami.


Ilang minuto kaming nakaganito, halos lahat nga ng mga napapadaan ay napapatingin na saamin eh pero wala kaming pake. Namiss namin ang isa't isa eh at ang gaan gaan sa pakiramdam nito. Naghiwalay lang kami nung biglang tumawag na sila Kim saakin dahil hinahanap nila ako kasi uuwi na raw kami.


For the whole week, naging busy ako para habulin yung mga namissed kong activities and stuff. Mas nag-focus muna ako sa pag-aaral ko bago yung pageant dahil mas importante yun para saakin. Sinubukan ko na rin tapusin in advance yung mga kailangan gawin for next week dahil next week Sunday na yung pageant.


"Ayaw mo lang iparinig yung kinompose mong song eh."


Isang linggo nalang before the pageant at nagkaroon pa ng pagbabago sa kakantahin ko sa talent portion. Paano, itong si Gino, shy type 'daw' at ayaw munang iparinig sa madla yung kanta niya.


"Hahaha, hindi naman sa ganun, babe. Para saakin, mas bagay lang sayo itong song na 'toh," explain niya.


"Eh ang taas taas niyan eh!" Ngumuso ako habang tinitignan yung lyrics nung song.


"It's not that high, kaya mo naman abutin."


"Ikaw nalang kaya yung kumanta? Tutal parang mas confident ka pa saakin." Nakakabadtrip! Tsk, kasi naman kung kailan malapit na doon may babaguhin.


"Pwede naman kantahin ito ng sarili mong version eh," sabi niya tsaka hinalikan yung gilid ng noo ko, "Kaya mo yan, tutulungan kita."


Napabuntong hining at pumayag nalang ako dahil mas may alam siya dito at totoo nga namang mas bagay saakin yung kantang napili niya ngayon kaysa kinompose niya, kaya lang, sayang talaga. Ang ganda nung kinompose niya eh.


"Hindi ka ba talaga makakapunta?" Tanong ko sakanya bago kami magsimula. Tinignan niya ako at binigyan ko siya ng pleading look.


"Sorry, babe," sabi niya at mas lalo naman akong nalungkot, "Susubukan kong humabol, okay?"


Tumango nalang ako dahil wala naman akong magagawa dahil training yun para sa finals ng UAAP men's basketball eh, pag hindi siya umattend doon panigurado lagot siya sa coach at buong team niya baka nga tanggalin pa siya dahil sa dami na ng violation niya eh. Sa susunod na Sunday na rin kasi yun, a week after ng pageant kaya sobrang focus na sila sa training na pati Sunday hindi nila pinapalampas.


Hay, pero sana lang makahabol talaga siya para mabawasan yung kaba ko pag nasa stage ako.


"I see that you still decided to join."


Napatingala ako sa kinauupuan ko para tignan kung sino yung biglang nag-approach saakin dito sa practice namin para sa pageant.


Alinlangan akong ngumiti kay Kuya Clark tsaka napakamot ng likod ng ulo ko, "Naging busy lang po tsaka hindi naman pwedeng magback-out nalang basta basta."


"Buti naman, akala ko iniwan mo na ako ritong mag-isa eh." Tumawa si Kuya Clark nang konti tsaka naglahad ng kamay saakin.


Kinuha ko naman yun para makatayo. Nag-usap pa kami nang konti bago magstart ulit yung practice. Rampa rampa lang naman, tapos yung position and blockings namin.


Final practice na 'toh dahil Friday na ngayon at sa Sunday na yung mismong pageant which is nakakakaba talaga. Feeling ko ang dami ko pang kailangan gawin pero limited nalang yung time ko huhu, pwede bang iextend? Final na yun? Sa Sunday na talaga?


"Woah, Ate! Ikaw ba yan?"


Inipit ko yung buhok ko sa likod ng tenga ko at nahihiyang lumapit sakanila.


Sinusukat ko ngayon yung mga ginawang gown ni Tita Georgina para pageant.


Una ko munang sinukat yung evening gown ko which is a yellow tube mermaid style gown, may hati siya sa gitna pero hindi naman ganun kalalim kaya hindi masyadong exposed yung kaluluwa ko. Plain lang siya pero buhay na buhay yung kulay at ang ganda ng fitting niya saakin.


"Son, close your mouth, you're drooling." Mahinang sinikuhan ni Tita Georgina si Thomas kaya natanggal yung tingin niya saakin.


Tumikhin siya at may sinabi pa kay tita ng mahina habang nakakunot yung noo, ito naman si tita mukhang inaasar pa si Thomas kaya medyo natawa ako dahil sa kakulitan nila.


Tumikhim na si Thomas tsaka tumingin ulit saakin, "Naomi, you're posture." Paalala ni Thomas.


"Ay, oo nga." Inayos ko na yung tayo ko kahit medyo nahihiya ako dahil hindi naman ako nagsosoot ng mga ganito eh.


Nilapitan na ako ni mama at inayos nang konti yung damit ko, "Ganda, parang ako lang nung kabataan ko."


"Ma, wag po kayong magbiro ng ganyan," kontra ni Emily sakanya.


"Aba'y hindi kayo magiging magaganda ng ganyan kung hindi ako maganda noh!" Sabi ni mama.


"Weh." Emily mouted and I chuckled.

Pumasok na ulit ako sa loob ng fitting room at nagpalit ulit ng panibagong damit. Ito naman ay para sa talent portion.


It's just a simple off shoulder emerald green lace ball gown cocktail dress.


Tinitignan ko pa yung sarili ko sa salamin nang may biglang kumatok sa pintuan ng fitting room kung nasaan ako.


"Naomi, come out for a moment." Rinig kong sabi ni Thomas mula sa kabila.


Dahan dahan ko nang binuksan yung pintuan at bumungad saakin si Thomas na nakasandal sa pader habang nakapamulsang yung isang kamay at yung isang kamay naman may hawak hawak na sapatos.


I pursed my lips at inipit ko yung buhok ko sa likod ng tenga ko, "Ano? Okay ba?"


Nilapitan niya ako at biglang hinawakan yung baba ko kaya nagulat ako at aatras na sana pero bigla siyang nagsalita, "Chin up, sabi eh."


"Ah haha, sorry nakalimutan ko." Ngumisi ako sabay kamot ng likod ng ulo ko.


Nagulat ako nung bigla siyang bumaba at lumuhod sa harap ko para isoot saakin yung heels na hawak hawak niya kanina. Simple black closed toe heels lang naman yun pero ang taas.


Tumayo na siya ulit pagkasoot niya nun saakin tsaka hinawakan yung kamay ko, pinaikot niya ako kaya umikot naman ako.


"Perfect," He smirked and looked at me, "Now you're all set."


"Psh, nambola pa hahaha. Halika ka na nga at pakita ko na ito kila mama." Aya ko sakanya at nauna nang maglakad palabas ng fitting room para magpakita kila mama.


Pagkatapos nun ay umuwi na rin kami para makapagpahinga na ako dahil bukas na yung pageant. Aish, pwede pa bang magback out?


Paano kung matapilok ako habang naglalakad sa pamatay na heels na yun? O dikaya matanggal bigla yung takong huhu. Promise talaga iiyak ako mula school hanggang bahay. Tapos sa talent portion pa, paano kung pumiyok ako? Dapat pala mababang kanta nalang yung kakantahin ko, pwede pa kayang magbago? Kaso nasubmit ko na yung minus-1 eh. Paano kung hindi ko masagot yung tanong at kung ano anong masabi ko? Paano kung..


"Ahhh!" Sigaw ko habang nakatakip yung unan sa ulo ko dahil sa stress, "Wag nalang kaya akong pumasok? Sabihin ko may sakit ako?"


Bigla ko naman narinig na nagvibrate yung phone ko sa table kaya tinignan ko ito at agad na napaupo nung nakitang si Gino yung tumatawag.


"Babe!" Bungad ko sakanya na boses malapit ng umiyak.


[You're still awake? Hahaha masyadong excited para bukas?]


I pouted, "Hindi nga eh."


Napatingin ako sa relo ko at nakitang mag-aalas dose na pala samantalang alas nuebe ako umakyat sa kwarto at sinubukang matulog na para fresh daw bukas.


[Gusto mo bang yakapin kita?]


"Kung pwede lang," sabi ko habang tinetrace yung mga design ng kutsyon ko gamit yung daliri ko.


Alam ko naman kasi na late ng natatapos yung training nila kaya deretsong uwi na siya at masyado na siyang pagod para pumunta dito.


[Then come outside.]


Nanlaki naman yung mga mata ko sa narinig ko ata agad napatayo para tumingin sa labas ng bintana.


Hala! Andoon nga siya! Bakit siya andito?


Dali dali naman akong bumaba at lumabas para puntahan siya. Pagkakita ko sakanya ay halos tumalon na ako papunta sakanya para yakapin siya. Agad niya naman akong nasalo at niyakap pabalik.


"Hi babe, bakit ka andito? Hindi ka ba pagod?" Tanong ko habang yakap yakap pa rin siya.


"Just recharging," sabi niya at mas niyakap ako ng mahigpit, "Tsaka I wanted to say good luck to my girl."


Humiwalay na ako sakanya at pinapasok muna siya sa loob ng bahay. Tulog na lahat ng tao dito sa bahay kaya tahimik lang kaming pumasok.


"Inom ka muna." Dinalhan ko siya ng tubig at umupo na sa tabi niya dito sa sala.


Bigla naman siyang humiga sa lap ko na parang bata kaya napatigil ako sa paggalaw, bago pa man ako makapagsalita ay nakita kong natutulog na siya habang nakahiga sa lap ko at nakahalukipkip. Wala akong magawa kundi hayaan nalang muna siya doon dahil mukhang pagod nga talaga siya. Besides, ang sarap niyang titigan sa ganitong anggulo.


I gently brushed his hair with my bare hands while he's still asleep. Pinagmasdan ko lang siya habang parang bata siyang natutulog sa lap ko, ang gwapo niya talaga. Gamit ang daliri ko ay dahan dahan kong tinrace yung matangos na ilong, mahabang pilik mata, kayumanggi pero makinis na mukha, at mapupulang mga labi.


Napatingin naman ako sa necklace niya at nakita yung symbol ng frat organization nila na 'A' na may nakapatong na crown sa tuktok tapos yung background ay shield at dalawang sword sa likod nun.


"Baka matunaw ako nyan, babe." Bigla siyang nasalita pero hindi dumilat.


Pinalo ko nang mahina yung noo niya at bigla naman siyang gumalaw nang paside tsaka ako niyakap sa tyan, para naman akkng nakiliti sa ginawa niya kaya dahan dahan kong siyang pinupush palayo pero ayaw patinag nung mokong.


"Huy, loko ka, baka magising sila papa." At dahil doon ay tumigil na siya tsaka umupo na nang maayos.


"Ready ka na ba para bukas?" Tanong niya sabay inom nung tubig niya.


"Pwede bang mag back out? Hahaha," tumawa nalang ako ng medyo peke dahil ngayon palang kinakabahan na ako.


Kinuha niya yung isang kamay ko at inintertwined niya yun sa kamay niya.


"Would this help?"


"Huh--" Pagkatingin ko sakanya ay bigla nalang niya akong hinalikan. Dahan dahan kong pinikit yung mga mata ko at tumugon sa halik niya.


Saglit lang yun at agad din siyang humiwalay. Ngumiti siya saakin at nahihiya ko naman siyang nginitian.


"Don't overthink and just be confident about yourself tomorrow, okay?" Sabi niya tsaka ako hinalikan sa noo, "Enjoy the moment, your moment, Princess."


Pagkatapos ng ilang minuto ay umuwi na rin siya dahil lumalalim ang gabi at nagiging mas delikado na sa daan. Tsaka kailangan niya na rin magpahinga, pati ako. Kaya pagkaalis niya ay agad akong nakatulog at hindi na masyadong inisip pa yung mga pwedeng mangyari bukas.


"Good luck, Nami! Pag kinakabahan ka, tingin ka lang sa malaking plaka ng Naomi sa audience, andoon kami."


Tumango ako sa bilin ni Kim. Nagsabi muna yung barkada ng mga good lucks nila saakin at nauna na silang pumasok sa venue para makakuha ng upuan na may magandang view ng stage.


"Good luck," sabi ni Thomas tsaka niyakap ako ng patagilid bago sumunod sa mga kaibigan namin.


Pang-ilang hinga ng malalim na ang nagagawa ko habang nakatingin sa gate ng venue.


"Alam mo naman sigurong hindi ka aandar sa kakabuntong hininga mo noh, ate?" Sinabi bigla ni Emily.


"Ah, oo, haha. Tara na." Kinakabahang sabi ko tsaka naglakad na sa gate papuntang backstage. Kasama ko dito sila mama at Emily since sila yung mag-aayos saakin. Marunong naman sila eh, tsaka para iwas gastos.


Gustuhin man sumama rin ni papa ngayon pero hindi pwede dahil may work siya, pero mamaya naman daw lalabas kami para mag-celebrate kahit matalo o manalo man daw ako.


Pumunta na ako sa pwesto ko at nagsimula ng mag-ayos. Una muna ang rampa ng school uniform. Parang simple lang noh? Kasi komportable siya at araw araw mo pa yun soot. Simple nga lang kung hindi ka boyish maglakad habang naka-school uniform, eh may pagkaboyish akong maglakad tsaka hindi naman ako rumarampa pag nakaschool uniform eh!


Naramdaman ko namang nagvibrate yung phone ko kaya kinuha ko iyon.


From: Gino ❤

You've got this, Princess! I love you.


Napangiti naman ako doon at nabawasan ng konti yung kaba ko tsaka siya nireplyan. Tumingin ako sa paligid at nakita yung mga kaschoolmate kong ang gaganda, school uniform palang yan, samantalang ako ang simple simple lang ng ayos ko.


Umiling ako at huminga ng malalim. Be confident, Naomi. Be confident. Idaan mo nalang sa rampa kung lamang sila sa ganda.


"Ready?" Nabigla naman ako nung bigla akong nilapitan ni Kuya Clark.


"Ano pa nga ba? Haha," sabi ko.


"Wag kang kabahan, kaya natin 'toh." Sabi niya at nakipagfist bump saakin. Nginitian ko naman siya at sabay na kaming pumwesto sa pila.


Magkabilang side ng stage yung pila ng mga babae at mga lalaki, sabay kasi rarampa yung dalawang representative ng isang course program.


"For our next contestants we have the Bachelor of Science in Interior Design's finest student Mr. Clark Nobleza with angel-like  Ms. Naomi Madriaga!"


Huminga ako ng malalim bago umakyat ng stage. Tulad ng tinuro ni Thomas, rumampa ako ng at ease at natural lang. Rumampa na kaming dalawa ni Kuya Clark at naghiyawan na yung mga taga Interior Design program, kasama na doon yung barkada na rinig na rinig yung mga cheer nila.


"Bebe Naomi namin yan!"

"Uwian na! May nanalo na!"

"Who you yung nga nang judge!"

"WOHHH GO NAOMI! MAHAL KA NAMIN!"


Sumunod na segment na yung talent portion pero habang inaayusan ako ay hindi pa rin ako makamove on sa kanina.


"Emily, okay lang ba yung pagrampa ko?" Tanong ko kay Emily.


"Oo naman, ate. Ganda nga ng lakad mo eh," sabi ni Emily at nagthumbs up saakin. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag doon, hindi kasi nagsisinungaling itong batang ito eh, hindi nagsusugar coat kaya kung anong sabihin niya ay totoo.


"Wag kang mag-alala vinivideohan kita, 'nak para mapanood natin after," sabi ni mama.


"Salamat po, mama."


Bago tapusin yung makeup saakin ay bigla akong nakaramdam ng pag-ihi kaya nag-CR muna ako habang nasa cubicle ay nakarinig ako ng dalawang babaeng kakapasok lang.


"Yung Naomi Madriaga ba yung retokada? Grabe, ang kapal naman ng mukhang sumali pa dito." Rinig kong sabi nung isang babae.


"Kaya nga eh. Siguro confident siyang mananalo siya dahil sa itsura niya ngayon," sabi nung kasama niya.


"Sana hindi siya manalo, hindi niya deserve," huling rinig kong sinabi nung babae at lumabas na silang dalawa sa C.R.


Lumabas na rin ako sa cubicle na parang lantang gulay dahil sa narinig ko.


May sisira at sisira talaga sa confidence ng isang tao noh? Pinunasan ko yung butil ng luhang tumulo mula sa mata ko at tinanggal na yung contact lens ko, buti dinala ko yung eyeglasses ko kundi para akong bulag na lumpong na lalabas dito. Naghilamos na ng aking mukha para tanggalin yung make up ko tsaka nagtali ng buhok.


Noong natapos na akong ibalik sa normal na itsura yung mukha ko ay lumabas na ako ng C.R. kung saan maraming tao ang napatingin pero hindi ko sila pinansin at derederetso lang sa pwesto ko.


"Anak! Anong nangyari sayo? Bakit ganyan yung itsura mo?" Gulat na tanong ni mama tsaka ako hinala palapit sakanya, "Umupo ka na at aayusin ka na namin."


"Ganito po ako magpeperform," matigas kong sinabi tsaka napatingin sa mga babaeng nakikita kong nakatingin saamin ngayon. Nagbulungan sila at nagtawanan.


"Huh? Anong sinasabi mo, ate? Dalian mo na at malapit na yung turn mo!" Nagmamadaling sabi ni Emily.


"Emily," tawag ko sakanya tsaka ngumiti, "This is me."


Sinoot ko na yung off shoulder emerald lace cocktail dress na ginawa ni Tita Georgina then instead of heels, I wear my white sneakers. I fixed my ponytailed hair and smiled at my reflection in the mirror.


Nung tinawag na ako at umakyat na stage, There's sudden quiet and I could here some whispers from the audience.


Let's go, Naomi, panindigan mo yung ginawa mo at gusto mong gawin.


Pumwesto na ako sa gitna and that's the cue to start the music ng 'This is me' sa greatest showman. Pumikit muna ako at pinakiramdaman yung music pero bigla nalang nagflashback lahat ng pinagdaranan ko nung highschool at nung nakaraang mga araw.


"I am not a stranger to the dark
Hide away, they say.
'Cause we don't want your broken parts.
I've learned to be ashamed of all my scars.
Run away, they say.
No one'll love you as you are.

But I won't let them break me down to dust.
I know that there's a place for us
For we are glorious."


Unti unti ko nang binuksan yung mga mata ko at isang butil ng luha ang tumulo dito. Hindi ko yun pinansin at nagpatuloy lang sa pagkanta.


"When the sharpest words wanna cut me down.
I'm gonna send a flood, gonna drown 'em out.
I am brave, I am bruised.
I am who I'm meant to be, this is me.
Look out 'cause here I come.
And I'm marching on to the beat I drum.
I'm not scared to be seen.
I make no apologies, this is me."


Tinanggal ko na yung mic sa stand niya habang nagtratransition ng 'oh-oh'.


Nagulat pa ako sa taong nakita ko sa gilid ng stage sa baba. Kahit malayo siya at madilim audience kasi nandito lang yung ilaw sa stage, kitang kita ko pa rin siya. Yung isa sa mga taong naging malaking impluwensiya saakin para marating ko kung nasan man ako ngayon. Nginitian niya ako at binalik ko yung ngiti ko kay Gino.


"Another round of bullets hits my skin.
Well, fire away 'cause today, I won't let the shame sink in.
We are bursting through the barricades and,
Reaching for the sun (we are warriors)
Yeah, that's what we've become (yeah, that's what we've become).

I won't let them break me down to dust.
I know that there's a place for us
For we are glorious."


Dinama ko bawat lyrics dahil tama si Gino, relate yung buhay ko dito. Ng dahil sa lahat ng masasakit na salita at criticisms na natanggap ko simula pagkabata dahil sa itsura ko, narating ko kung ano ako ngayon. Naging matatag ako at natutunan na tanggapin ang sarili ko. Natutunan kong wag pansinin yung mga masasakit na salitang iyon dahil nasanay na ako, dahil ito ako at hindi ko na yun ikinamahiya.


I'm beautiful in every way.


"Look out 'cause here I come (look out 'cause here I come).
And I'm marching on to the beat I drum (marching on, marching, marching on).
I'm not scared to be seen.
I make no apologies, this is me.

When the sharpest words wanna cut me down.
I'm gonna send a flood, gonna drown 'em out.
I'm gonna send a flood.
Gonna drown 'em out.
Oh, This is me."


Natapos yung pagkanta ko at tahimik pa rin ang buong venue. Nagbow na ako at aalis na sana nang biglang may narinig akong pumalakpak mula sa audience.


Tignan ko kung sino yun ay nakita ko yung isa sa mga judges na lalaki yun. Pumapalakpak siya habang nakatayo at sumunod na rin yung iba sakaniya. Yung kaninang tahimik, napuno na ng hiyawan at palakpakan. Naiyak naman ako sa tuwa at nagbow pa para magthank you bago umalis nang tuluyan.


"Congrats, Nami!"


Agad akong nilapitan ng barkada pati ng pamilya ko pagkatapos ng event.


Hindi man ako nanalo Ms. Thomasian at second runner up lang ako ay okay lang, I had the best experience and the best people who supported me through out.


"Grabe, kinilabutan ako doon sa pasabog mo sa talent portion ah!" Sabi ni Kim at pinakita pa yung mga buhok  sa balat na nagsisitayuan pa.


"Napapanganga mo lahat, girl!" Dugtong pa ni Mia.


Nagpicturan muna kaming lahat tapos solo solo na kasama ako tapos maraming solo ko, syempre.


"Tapos na ba lahat? Pwede na ba yung boyfriend naman?" Napalingon kaming lahat sa nagsalita at nakita si Gino na papalapit na saamin.


"Look who decided to come," sabi ni Ava sabay halukipkip.


"Babe!" Masiglang sigaw ko sabay yakap sakanya. Niyakap niya rin ako pabalik at naramdaman kong hinalikan niya pa yung gilid ng noo ko.


"I'm proud of you, Princess. I love you." Bulong niya saakin.


"I love you too," bulong ko pabalik.


"Hoy! Tama na yan, nagugutom na ako. Magpicture na kayo!" Singit ni Kim kaya napabitaw kami sa yakap at pumwesto na para sa picture.


Aalis na sana kami nang biglang may lumapit na isang lalaki na agad kong namukhaan. Siya yung judge kanina na unang unang pumalakpak saakin. May pagkachubby siya at medyo matanda na pero mukhang malakas lakas pa rin naman.


"Mr. Dela Vega," bati niya kay Gino.


"Mr. Velasco. I'm glad to see you here," Bati ni Gino doon sa lalaki na si Mr. Velasco tsaka nakipagkamay. Bumalik si Gino sa tabi ko pagkatapos niyang makipag-kamay kay Mr. Velasco, "This is the girl, I'm talking about. Naomi, this is Mr. Velasco, one of the directors of Star Music."


Kumunot yung noo ko sa pagtataka pero parang familiar yung name. Nung narealize ko kung ano yun ay napatingin ako kay Gino at tumango naman siya.


"I'm impressed. I thought you're only saying that she's good because she's your girl but you prove me wrong. She's great," sabi ni Sir Velasco.


"I told you, you'd be surprise." Medyo natawa si Gino sabay lagay ng kamay sa gilid ng balikat ko. Nahihiya naman akong ngumiti.


"She's a gem," Nginitian ako ni Sir Velasco, "I hope we could work together in the near future."



-----------------<3-----------------




Continuă lectura

O să-ți placă și

6K 171 35
Maxzille Heydie Peralta can't get over her ex boyfriend even though she's still young. She believes that she's madly in love with him and no one can...
August and Apple De Reynald

Ficțiune adolescenți

1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
9.5K 518 52
RULES FOR LOVE SERIES #1 Sa mundo ng mayayaman hindi mo masasabing masaya ka purkit marami ka ng kayamanan, alahas, sasakyan at mga empleyado. Sa pam...
Faded Ink De K

Dragoste

14.6K 748 33
U BELT SERIES #3 (UNEDITED) Lian Alexandra Menchaves, A Nursing student From SBU, She's a type of a person that you'll always see with a big ang che...