The Nerd's Revenge ❘ ✔

By youniverses

192K 4.9K 306

She's a nerd who turned out into a beautiful lady, with a revenge. { credits to @black-gray for the cover bef... More

intro
intro 2 . 0
01
02
03
04
05
06
07
08
09
010
011
012
013
014
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
note
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
049
050
epilogue
special chapter
Q & A
TNR 2
Book 2

015

3.4K 104 4
By youniverses

{ Anyone want some dedication? x  }

***

Phrixus POV [/ kapatid ni athena /]

"Kuya! May sasabihin ako sayo!"

tinakluban ko ng unan ang tenga ko at dumapa sa kama. Aga aga pa nambubulabog na agad tong kapatid ko.

"Kuya! Big bro! Bading este Lalaki! oy Kuya naman lumabas ka na dyan!"

Ang kulit talaga! No choice kaya binuksan ko nalang yung pintuan, at kinusot kusot ko pa ang mata ko. Tinatawag pa ko ng kama, magsasama pa kami bwisit kasi tong kapatid ko eh.

"Good Morning Kuya!" ngiting ngiti nyang sabi, aba ang ganda ata ng gising nito?

"Kailangan mo? Ang aga aga, nambubulabog ka na agad. Si Zharm nalang dapat pinuntahan mo."

nagpout naman sya. "Eh kuya, nabulabog ko na sya. Bihis na nga sya ng pangalis eh, Magsisimba tayo!"

"oh ayuon naman pala eh, ready to go na ba kayo? Sige bye."

tumalikod na ako at pumasok na sa room ko.

"Kuya, sama ka na! Please! Pupunta din tayong sinehan, or kahit saan mong gusto. Libre ko."

napaisip ako, minsan lang pala yan manglibre sakin, tas pinapapunta pa ko ni ryan pati mga kabarkada nya sa bar, okay na rin yun, mababantayan ko naman sya.

"Sure, wait mo nalang ako."

-

"Sumainyo ang panginoon."

"At sumainyo rin."

tumingin ako sa kanilang dalawa, tumakbo papunta doon sa pari at nakipagsiksikan para makapagbless. Sana diba, sinama rin ako hindi yung iniwan ako magisa dito.

lumabas na ako at sumakay sa kotse, babalik rin yung mga yun dito.


"So, saan tayo next pupunta, kuya?" tanong ni athena sakin na kakapasok lang sa kotse. dun silang dalawa sa likod, ayoko ng may katabi ng madaldal.

tumingin ako sa kanila, "Kain muna tayo, magbabar tayo mamaya."

nagsparkle naman yung mata ni zharm, "Maraming lalaki dun?"

lumapit ako sakanya, at binatukan.

"Landi mo."

sabay kaming nagsabi ni sis nun, nagkatinginan kami at tumawa pareho. magkapatid nga talaga kami.

nagpout naman si zharm, "Magsama nga kayong dalawa! Letse kayo."

"Eh kasi zharm, ba't hanap ka ng hanap ng lalaki?"

"Eh kasi Penelope, ba't ang ganda ko?"

"Eh kasi guys, manahimik kayo. letse, nagdadrive ako oh!"

sigaw ko sakanila, pero nagtawanan lang yung dalawa. Hays, sakit sa ulo.

***

"Wow, kuya ang ganda naman dito sa bar. Ba't ngayon mo lang ako sinama sa mga ganito?"


Kakatapos lang naming kumain, dumeretso na agad kami sa bar.

tumingin ako kay sa kapatid ko, "Manahimik ka nga dyan sis, bawal ka magbar. Sinama lang kita dito kasi kailangan. Atsaka, babantayan kita kapag may ginawa ka dito."

nagpout naman sya, magsama sila ni zharm. Mga mukhang bibe. Naglakad naman kami papunta sa isang table na masasayang nagkukwentuhan. Barkada ni ryan.

"Dude, nandito na ko. Sinama ko yung kapatid ko pati kaibigan nya, galing kaming church, mamaya kung saan saan pa toh magpunta."

Natigilan sila sa pagkukwentuhan, si ryan naman nakatingin sa kapatid ko.

"Aw, ang sweet naman ni kuya. Haha." Sinamaan ko ng tingin si carl, asarin daw ba ako.

"Gago, manahimik ka dyan." nagtawanan naman sila sa sinabi ko.

Pinaupo na kami at binigyan na nila ako ng alak, bawal yung pangwild magdadrive pa ako eh. Yung dalawa naman, juice lang yung pinaorder ko. Kay Frost 'tong bar, malakas naman ako dun kaya hindi na ako magbabayad. Medyo close kami nun, di lang kami nanghahang out, ang sungit kasi nun haha. 


"So, musta na lovelife nyo mga pre? Nakabingwit na ba kayo ng chiks?" tuwang tuwa na tanong ni Paolo.

Natahimik kami, minsan lang yan magsalita. Nerdy type kasi 'yan.

"Oh, natahimik ata kayo?" Sabi ni paolo na nagtatakang tinignan kaming lahat.

"Congrats pre!"

"Yown, di na sya shy type."

"Daming arte pre, nagsasalita ka rin naman pala."

"Graduate na sya sa shy academy! Haha!"

tinignan nya kami ng masama, at tumawa, "Mga gago."

***

Athena's POV

inom lang ako ng inom ng juice, nakakaraming baso na rin ako nito. Tinignan ko ang kuya ko, at ang mga kabarkada ni ryan. Masasaya silang nagkukwentuhan, napaiwas ako ng tingin ng magkasalubong ang mga mata namin ni ryan.

Ewan ko, pero naiilang pa rin ako sakanya. Hindi madaling kalimutan yung mga pinaggagawa nya sakin, at oo inaamin ko fresh pa rin 'to sa utak ko at syempre pati sa puso ko.

Marami akong gustong itanong sakanya, kaya nga ako nagbago. At nagbalik para kapag kakausapin ko na sya wala ng ilangang nagaganap.

"A-Athena, uwi na tayo. Ang sakit na ng ulo ko, hihi."

Nagtataka akong tumingin sakanya, puro juice lang naman ininom namin ba't parang nakainom sya ng alak? hindi kaya, mali yung nabigay sakanya?

"Lasing ka? psh, tara na."

tumingin ako kay kuya at tinawag sya, tumingin naman sya sakin at nagtatakang lumapit.

"Bakit? uwi na ba tayo?" tumango ako, napatingin naman sya kay zharm na pulang pula ang mukha.

"Diba puro juice ang pinainom sa inyo? ba't nalasing 'yan?" nagkibit balikat ako sa tanong nya.

"Pre, sabay na ako sainyo. Di na ata ako makakapagdrive."

"Geh pre."


Inalalayan ni kuya si zharm, habang ako kasabay kong maglakad si ryan. Sya yung sasabay, di ko nga alam kung saan bahay nyan sasabay pa samin. Pinasok na ni kuya si zharm sa kotse, umupo na ako sa likuran katabi ni zharm, si ryan naman sa passenger's seat umupo.

Sinimulan na ni kuya ang pagdadrive, mabuti na lamang ay hindi sya lasing. Nako, kung lasing 'yan, mapipilitan kaming magtaxi at ayoko nun. Maya maya ay tumigil na ang kotse sa tapat ng bahay, binaba na ni kuya si zharm at inalalayan itong ipasok sa loob.

"Sis, hatid mo na muna si ryan sa bahay nya. Sa tapat lang naman natin yung bahay nya." napataas ang kilay ko kay kuya.


Ako? Maghahatid? kaya na nya sarili nya! pero ano daw? Sa tapat ng bahay namin? eh diba, dyan nakatira si frost? ay oo nga pala, magpinsan nga pala sila.

Nandito pa kami pareho ni ryan sa loob ng kotse, walang balak ni isa sa amin ang magsalita o bumaba. Ang awkward kasi.


"Uh, athena." napatingin ako sakanya, di sya lumingon sakin. Nakatingin lang sya sa unahan.

"Ano na ba tayo? Ano ng meron satin?" pagpapatuloy nya.

Yumuko lang ako, hindi ko alam ang isasagot ko. Dahil, alam kong alam nya na mag-ex nalang kami at wala ng hihigit pa roon.

"Athena, sorry."

"Sorry kasi ang gago ko, sorry kasi pinakawalan kita. Sorry kasi ginago kita. Sorry kasi nasaktan kita. Sorry, sorry kasi hindi ko masabi sayo yun dahilan. Sorry, kasi ang duwag ko."

Nakikinig lang ako sakanya, dahilan? anong dahilan?

"Sabihin mo na sakin lahat ng hinanakit mo. Tanungin mo na ako ng kung ano anong nakakapagkabagabag sa iyo."

napaayos ako ng upo at tumingin sakanya, nagulat ako dahil nakatitig sya sakin ng seryoso.

"B-Bakit, b-bakit mo ko pinagpalit kay Xhianea? May pagkukulang ba ako bilang girlfriend mo noon?"

Nakatingin lang ako sakanya ng tuwid at seryoso.

"Kasi..Kasi may isang gagong lalaki ang nagsabing mapapahamak ka kapag hindi kita hiniwalayan."

***

Continue Reading

You'll Also Like

251K 40.3K 103
I am the father of villain Author Lin Ang Si ရဲ့ novel လေးပါ ???? All credit to Original author and E-Translators .
320K 34.3K 172
English Name: After Retiring from Marriage, I became the Favorite of a Powerful Minister Associated Names: 退婚后我成了权臣心尖宠 Chinese Author: Lan Bai Ge Ji ...
13.9K 1.2K 22
Хайрлах гэдэг ийм их өвдөлт дагуулдаг гэж мэдээгүй. Shortstory
431K 16.2K 44
ကိုယ်ဟာ ကြိုးဝိုင်းထဲမှာ ကိုယ့်ကိုစိန်ခေါ်လာသမျှကောင်တွေအကုန် ထိုးရဲတယ် သတ်ရဲတယ် ကိုယ်နိုင်မယ်ဆိုတဲ့ယုံကြည်မှုရှိတယ် ကိုယ်မလုပ်ရဲတာဘာမှမရှိဘူးလို့ထင...