MYRNA, THE GOOD DAUGHTER

By NassehWP

18K 721 74

Makakaya mo bang ipagpalit ang napakabait, napakasipag, maalalahaning at higit sa lahat napakaganda't simplen... More

Synopsis
CHAPTER 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Author's Messages
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52

Chapter 8

331 14 2
By NassehWP

Warning! Sa mga makakabasa ng part na ito. Please, Humihingi na po ako ng paumanhin sa lahat ng masasaktan ko sa bawat salitang mababasa niyo. Sa mga nabully at nasabihan ng masasakit na salita. Ako na po ang humihingi ng sorry sa mga nambully sa inyo. Iyon lamang po. Salamat!

Chapter 8

Pagkatapos naming magmeryenda ni Noli ng banana cue at gulaman na palamig niyaya niya akong lumabas ng canteen at bumalik na sa classroom namin. Sina Wilma at Almira hindi ko naabutan roon. Siguro ay pinuntahan na naman nila yung classroom ng crush ni Almira. Na si Ronel.

Oo nga pala, Si Almira maraming crush. Pinakamarami niyang crush sa second year high school. Mas gusto daw kasi niyang mas bata. Ewan ko ba sa babaeng iyon. Maganda nga pero minsan tinutolok naman ang pagiisip.

Buti nalang ako kahit minsan bokplaks tulad ng sabi ng feeling matalinong si Noli ay isa lang ang crush ko. Pero hindi ko sasabihin kung sino.

Si Wilma, ewan ko kung may crush siya. Ang sungit kasi parati tapos snob pa kaya walang lalaking gustong lumapit sa kaniya eh. Natatakot. Pero ang tsismis ni Almira sa akin may kakilala daw siyang may gusto kay Almira. Sino naman kaya 'yon? Sa dami ng nagkakagusto sa kaibigan namin wala akong ideya kung sino sa kanila.

Ah, basta! Aabangan ko nalang.

"Nakaubos ka ba ng paninda mo?"

Napatingin ako kay Noli ng marinig ang tanong niya.

Perstaym kong marinig ang tanong niyang iyon tungkol sa pagtitinda ko.

"Bakit mo natanong? Uubusin mo ba paninda ko? Ah, hindi pala. Wala ka palang pambili tulad ko kasi pareho lang tayong kumakayod para sa pamilya." mahabang saad ko sa kaniya.

Napahinto siya sa paglalakad at nilingon ako. Nasa hallway na kami.

Marami pa ding estudyante sa labas lalo na sa oval kung saan may naglalaro ng baseball at may ilang kababaihan naman ang nanunuod at ang iba roon ay nagchicheer.

"Bakit 'pag wala bang pambili wala na lang? Pwede naman utangin ah,"

Nalukot agad ang mukha ko sa huling sinabi niya.

"Anong utang?! Huwag ka nga Noli! Hindi ko pwedeng ipautang ang mga tinda kong kakanin ah! Lagot ako kay nanay!" Singhal ko sa kaniya.

"Sus. Bakit sila Nyko at ang mga kaibigan niya pinauutang mo? Bakit ako hindi pwede? Ang unfair mo naman Myrna!" Wika ni Noli sa nakasimangot na mukha.

Mas lalong nalukot ang mukha ko.

"E kasi sila mayaman at maraming pambayad! E ikaw? Bukod sa bente pesos na baon mo ay wala kanang baon diyan sa bulsa mo!" balik na sikmat ko sa kaniya.

"Wow naman Myrna! Anong klaseng mindset meron ka? Kapag ba mayaman yung lang ang pauutangan kasi maraming pera? Tapos tayong mahihirap hindi pwedeng pautangan kasi walang pambayad?" Litanya niya at tumawa ng malakas.

Kumunot naman ang noo ko. Ano naman nakakatawa sa sinabi ko?

"Alam mo Myrna, Lahat ng tao may karapatan mangutang. Mayaman man o mahirap pwedeng-pwede basta may palugit ang pagbabayad. Naiintindihan mo ba? Kung hindi naman, pwede kong isa-isahin para mas maintindihan mo pero 'wag nalang kasi baka kahit anong paliwanag ko hindi mo maintindihan utak paltat ka pa naman." Mahabang sabi niya na may kasamang panglalait.

Akmang magsasalita na uli ako para depensahan ang sarili ng biglang may ilang kapwa estudyante naming ang huminto sa harapan namin ni Noli. Mga taga section B. Doon napupunta ang matatalino gaya ng sa Section A.

"Uy nagaaway 'yung dalawa dukha oh," wika ng isa limang huminto at may kasamang pangmamata sa amin.

Dalawang lalaki at tatlong babae.

"Hi Myrna, Kumusta ang laging itlog ang nakukuha sa test? Masaya ba?" Sunod naman na sabi ng isa pang lalaki at binuntutan ng nakakalokong tawa. Kilala ko siya. Siya si Emilio Ganado. Taga purok 2.

Napapahiyang napatungo ako.

"Oo nga. Kahit yata magaral siya ng ilang taon itlog pa din ang nakukuha sa test."

Nagangat ako ng tingin sa taong nagsalita non.

"Hindi naman palaging itlog ang nakukuha ko sa test ah, Nakakakuha naman ako ng mataas." depensa ko sa sarili.

"Ah? Talaga? Sa anong subject naman? Oo nga pala, Sa values lang. Ha ha ha."

"Araw-araw mani ang tinda mo pero bakit hindi mo naman subukan kumain non para naman tumalino ka Myrna?" pangungutya naman ng babaeng naka-headband ng kulay pink. Si Zela Mae Pucada. Maldita at laiterang babae pagdating sa mga kagaya kong mahirap palibhasa'y mayaman ang pamilya ni Zela kaya malakas ang loob niyang manglait ng mga mahihirap.

"Ako palagi ang nakakakuha ng papel niya at nagchecheck. Kung hindi score 2, zero naman. Nakakahiya." anang isa pang babae na si Aika Sidro. Anak ng kakilala ni Tatay sa trabaho. Maykaya pero bulok ang paguugali.

"Alam mo Myrna, Bakit hindi kana lang huminto sa pagaaral? Magtindan kana lang ng paninda ng nanay mo. Huwag kanang magaral kasi sayang lang ang pangpa-aral ng mga magulang mo sa 'yo dahil lahat ng quizzes at test mo zero ang nakukuha kaya walang silbi ang pagpapaaral nila sa 'yo kasi bobo ka! Wala kang silbi sa schoo na 'to!" Saad pa ni Zela.

Naginit ang sulok ng mga mata ko.

"Ang yabang niyo naman! Pwede niyo naman akong pangaralan ah, pero bakit kailangan niyo pang alitin ang kapasidad ko?" garagal ng sambit ko sa kanila.

Si Noli biglang tumahimik.

"Ha! Anong kapasidad ang pinagsasabi mo? E wala ka nga non eh! Bukod sa nagtitinda kanang mga mani at mais ay wala kanang maipagmamalaki sa sarili mo! Ni spelling nga ng beautiful ay hindi mo pa alam. Santitang boba!"

"Zela!" Saway ni Noli rito.

"Oh bakit magsasakang lalaki? Pinagtatanggol mo na itong tinderang bobang ito? Totoo naman ang sinasabi namin ah?"

Tuluyang ng nanulas ang luha sa aking mga mata.

Ang sasakit nila magsalita.

"Alam ko naman hindi ako matalino tulad niyo." Garagal ng sabi ko. "Alam kong hindi ko maabot ang level ng pagiisip niyo. At tama si Mam Rosalyn kaya ako laging bagsak sa klase niya ay dahil mahina ang utak ko at hirap ako makaintindi. At kayo, alam kong palagi kayong may top sa klase at hindi ko yung magagawa." papiyok-piyok na sambit ko.

"M-myrna..." anas ni Noli.

Iyong lima nakamata sa akin.

"Oo. Inaamin ko. Bobo talaga ako. Kahit magaral ako hindi ko pa ding mapapantayan ang katalinuhan niyo kasi mahina ang utak ko. Mabagal makaintindi. At walang silbi ang pagpapaaral sa akin ng mga magulang ko kasi bobo ang anak nila. Pero sinusubukan ko naman eh. Sinusubukan ko pa ding intindihin ang mga aralin natin. Kahit masakit na ang ulo ko kakaisip kung paano sagutin ang mga tanong sa quizzes at test sinusubukan ko pa ding sagutin. Oo. Kahit sa espeling mahina ako kasi simpleng salita lang hindi ko pa maitama ng maayos. Pero kahit bobo ako alam kong may maisasagot ako kahit alam kong hindi tama ang sagot ko. Pero pakiusap naman huwag niyo naman hamakin ang pagiging bobo ko. Huwag niyong apakan ang pagkatao ko. Kasi ako...kahit bobo ako. Kahit hindi ako matalinong gaya niyo at hindi matataas ang nakukuha sa score marunong ako rumespeto." Walang patid ang pagpatak ng luha ko. "At ang respetong 'yun ang gusto kong maramdaman sa inyo. Irespeto niyo naman ako." Umiiyak na sabi ko at napayuko.

Walang nagsalita ni isa sa kanila. Lahat sila ay natameme. Habang ako masama ang loob na umiiyak sa harapan nila.

"Myrna—"

"Hoy ano 'yan?"

"Anong ginawa niyo kay Myrna?!"

Narinig kong sabi ng mga dumating na mga babae at agad na dinaluhan ako.

"Putcha! Anong ginawa niyo kay Myrna! Bakit siya umiiyak?! Noli!" si Almira na halos magsisigaw na roon.

"A-almira k-kasi ano..." narinig kong pautal-utal na sambit ni Noli at hindi makasagot ng tama kay Almira.

"Kayo ba ang nagpaiyak sa kaibigan namin ah?!" Sigaw na tanong ni Wilma sa limang nasa harapan ko.

"W-wilma."

"Punyeta! Sasagot kayo o kailangan ko pa kayong isa-isahing itali sa punong iyon!" Sigaw ni Wilma at itinuro ang mataas na punong Nara.

"W-wilma." nahihintakutang usal uli ng isa sa limang nangutya sa pagkatao ko.

"Anong wilma-wilma ka diyan! Sagutin niyo ang tanong namin dahil kung hindi malalagot kayo!"

"Oo nga!"

"Tama na Wilma, Almira." awat ni Noli sa mga kaibigan ko.

"Anong tama na Noli?!" sigaw ni Almira rito. "Pinaiyak nila ang kaibigan namin! Kaya paanong tama na?!"

"Anong ginawa niyo sa kaniya at umiyak siya? Binully niyo na naman ba siya ha?! O baka naman isa ka sa kanila Noli?!" nagbabanta ang tonong iyon ni Wilma.

Nakita ko ang marahang paglunok ni Noli.

"Sabi na eh!"

"Gago ka!"

Akmang kukwelyuhan ni Wilma si Noli ng may biglang umawat rito. Si Mark!

"Hep hep! Wilma 'wag kang manakit." awat ni Mark rito.

"Putangina! Huwag mo akong awatin Mark! Sasapakin ko 'yang walang kwenta mong kaibigan!" Galit na galit na sabing iyon ni Wilma habang pilit na kumakawala sa bisig ni Mark.

"Tangina Wilma, Nasa campus tayo mamaya mo nalang 'yang sapakin pag uwian na." pangaawat pa din ni Mark.

Sina Denver ay nagsidatingan na din.

"Hoy anong nangyayari bakit nagkakagulo kayo?" Tanong ng bagong dating na lalaki.

"Tangina kasing mga iyan eh, inaway nila si Myrna! Ayan oh umiiyak." galit din na sabi ni Almira at akmang susugurin ang lima pero mabilis itong naawat ni Denver.

"Hoy 'wag kayo dit mag-sparing. Mamayang uwian nalang."

Lalo akong napaiyak sa nangyayari.

Nang dahil sa akin ay nagaaway-away ang nasa paligid ko.

"Tama na. Tumigil na kayo." umiiyak na sabi ko sa kanila. "Tama na Wilma, Almira,"

"Anong tama na? Pinaiyak ka nila Mryna!"

"Kasalanan ko naman eh kung bakit ako umiyak kasi natamaan ako sa mga sinabi nila dahil totoo ang sinabi nila. Boba ako at dapat lang na huminto na ako sa pagaaral kasi wala akong silbi sa school na 'to." Piyok na sabi ko.

"Hindi ka boba Myrna! At wag na wag mong sasabihing wala kang silbi dahil sa lahat ng nagaaral dito ikaw ang may silbi! Kami ang walang silbi! Dahil hinahayaan ka naming saktan at apak-apakan ng ibang tao!" Galit na sabi ni Almira at humarap sa nga taong nakapaligid na sa amin at kanina pa pala kami pinanunuod. "Mga putangina niyo! Mga laiterong tao! Mga mapangmata! Tangina! Wala kayong karapatan humamak ng isang tao! Tangina! Ano bang akala niyo sa sarili niyo ah? Mayaman na hindi pwedeng magkamali? Putangina! Pare-pareho lang tayong tao at pare-parehong nagaarap sa public school na ito kaya wala kayong karapatan ipagkait sa kaibigan namin na hindi siya pwede dito! Kayo dapat ang mawala sa school na ito dahil kayo ang may mga bulok ang paguugali! Mga tangina niyo!" umiiyak ng sabi ni Almira.

"Almira!"

"Tangina! Wala kayong karapatan saktan ang kaibigan namin! Wala!"

Wala akong nagawa kundi umiyak sa isabg tabi habang pinakikinggan ang paglalabas ng sama ng loob ng mga kaibigan ko.

NASSEHWP

Continue Reading

You'll Also Like

33.3K 1.4K 19
It's going to be a random oneshots book with BTS as your brothers.I will mention their age and profession seperately in each chapter.
237K 8.1K 38
A crazy story about the life of a 17 year old highschooler
42.9K 1.6K 30
What gonna happen if Seven mafia kidnapped seven normal boys what if they did mistake that will let them lost the most precious person in their life...
33.1K 784 5
Hiroki has recently discovered that the four women he once knew and loved, his girlfriend (Nao), sister (Koneko), best friend (Ayumu), and mom (Kaede...