Let's Race

Από hadji_light

17K 738 201

Nadine Guinto, an 18 year-old girl who belongs to the poorest class of the society, needs to join Metro Manil... Περισσότερα

Let's Race
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Acknowledgment

Chapter 34

279 13 4
Από hadji_light

Chapter 34

Tumbang Preso

***

"Congratulations top 10!" bati ni Cangtiao sa malaking screen na matatagpuan dito sa sala.

Natapos na namin ang pagkain kanina kaya pinaakyat kami rito sa second floor ng mansiyon kung saan matatagpuan ang kumikinang at mababangong sofa. Malalaki pa ang bintana sa paligid kaya kitang-kita ang masasaganang puno sa labas.

"We will start the level two in a bit so just relax and enjoy your victory, racers."

Pumikit na ang screen kaya nagsialisan ang ibang racers dito sa sofa't naglibot-libot. Nakasandal lang ako habang nakatitig pa rin sa screen.

"Hindi ka titingin sa paligid?" tanong ni Ronnel na handa nang tumayo.

Umiling ako. "Mas gusto ko munang magpahinga." Nabaling ang tingin ko kay Pio na nakapasok din sa round na 'to. Nakatayo lang siya't naglalakad-lakad. Hindi na rin niya kasama 'yong babaeng nakita ko noon. Baka na-eliminate.

"You're looking at him," pagpitik ni Ronnel kaya nailipat ko sa kaniya ang tingin. "Sino ba siya?"

"Sino ka ba?" taas kilay kong tanong.

"Ronnel Verano."

"Tss."

"Pero, real question. Sino siya?"

Bumuntonghininga ako't hinayaang magpalamon sa malambot na sofa.

"Kaibigan. Matalik na kaibigan ko."

"And?"

"No'ng press conference, lumapit ako sa kaniya para kausapin siya then he just—"

"Pinalayo ka niya?"

"Yes," tumatangong ulong sagot ko.

"Did he explain why?"

"Sinabi niya lang na magkalaban na kami rito sa loob ng race kaya kalimutan na namin ang pagkakaibigan namin. I understand him. Ang goal na niya rito ay mailigtas ang sarili niya at ang kaniyang city."

Humalukipkip si Ronnel at malalim na sumandal sa sofa. Parehas na naming tinititigan ang screen sa harap na kitang-kita ang mga reflection ng mga racer na dumadaan sa likod naming at ang malaking bintanang tanaw ang gubat.

"Speaking of city, sa Pasay mo siya na kilala or . . ."

"No. Sa Taguig. Maliit pa lang kami magkakilala na kami pero nitong nagkaroon ng race para maisalba ang syudad at sarili natin sa mass killing, umalis na siya sa amin. Akala ko nga sa Taguig camp siya sasali pero hindi pala. Ngayon ko lang nalaman."

"Maybe he didn't want to compete with you in the first place."

"Pero bakit siya nandito? Bakit niya ako kakalabanin?"

"Maybe he thought you're not going to make it . . ."

"Hindi gan'yan si Pio. I know him."

"You don't know him," makahulugang pagtanggi ni Ronnel kaya napatingin ako sa gilid ng kaniyang mukha. Nakatutok pa rin siya sa patay na screen sa harap. "If you both know each other, he will not act like that. Magkaibigan ba talaga kayo?"

"Uhm . . ."

"See, 'di mo rin alam ang sagot."

"I mean, everyone naman may times na akala mo 'di mo talaga ang kilala—"

"No, Nadine. You don't know each other. I can sense your nerves. You are lying. Do you know that's he's also a Full, gaya ko?"

Saglit na tumigil ang paghinga ko. So totoo nga? May kapangyarihan nga talaga siya. So totoo rin ba 'yong nagtatrabaho ang tatay niya sa Alabang kaya napakaganda ng mga gamit niya sa loob ng mini-bus nila.

"I can sense you, Nadine. At medyo nagulat ka. See? Hindi mo siya kilala, fully."

Nakagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko't naipikit ang aking mga mata.

Hindi ko nga talaga siya kilala pero naging kaibigan at kapamilya ko na siya.

"Let him go on your mind. Focus sa race," huling sabi ni Ronnel bago siya umalis sa pagkakasandal at tumayo na ng tuluyan.

Totoo rin naman ang sinasabi ni Ronnel. Kailangan kong mag-focus at 'wag na munang problemahin si Pio. Pero . . . paano kung hindi siya makalabas sa race na ito ng buhay at ako ang makalabas? Hindi ko na siya makakausap pa—kailanman.

Mahirap.

Mahirap na desisyon.

Pero para sa kapakanan ng syudad ko at ang pamilya ko, I need to let him go.

Friendship over ika nga ng iba.

***

"Racers, the people wearing iin black suit, they will guide you to go to the next level. I will explain the mechanics once we get there. I'm so excited to this round. Good luck," anunsyo ni Cangtiao sa screen dito sa sala. Nasa gilid lang din ang limang lalaking nakasuot ng itim na tuxedo at gets ko na rin kung bakit lahat ng mga bagay na nakikita ko ay itim dahil nga kinokontrol ito ng 'The Chosen Ones'.

Umalis na kami rito sa mansyon habang sinusundan ang mga guide namin. Nasa hulihan lang kami ni Ronnel at tahimik na binabaybay ang tahimik na gubat. May mga huni ng ibon akong nadidinig at ang pagaspas ng mga dahong nakikisayaw sa tinig ng hangin. Mga tuyong dahon naman na nagka-crack ang tumutunog sa tuwing naglalakad kami.

May dalawang naka-black suit naman ang nasa likuran namin ni Ronnel para na rin masiguradong walang aalis. Pero sino ba naman ang makakawala sa isla na 'to?

Napatingin ako sa hologram na mapang lumitaw sa pulsuhan ko. Kulay gray na ang itsura ng lower part ng isla kung saan matatagpuan ang level one. Naka-higlight naman ang gitnang bahagi kung saan dito gaganapin ang level two ng race.

Dagundong na rin nang dagundong ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung ano ang magiging pagsubok mamaya. Bakit kasi surprise? Gusto talaga kaming patayin ni Cangtiao, eh.

Maya-maya, may nakikita kaming isang field na parang sinlaki lang yata ng isang basketball court. Mayroong itim na tent sa tabi at nakalagay doon ang salitang "HOLDING AREA".

Mas lalong gumapang ang kilabot sa aking balat na nagpatayo sa aking balahibo. Nilamig ako kahit 'di naman malamig.

"Welcome, racers!" bati ni Cangtiao pero boses lang ang nadidinig namin. Umaalingawngaw pa ito sa buong lugar na 'to.

Nandito lang kami sa gilid ng field habang tinitingala ang mausok na langit.

"Level two will be named as 'Tumbang Preso'. Yes, you heard it right. It's just like the Pinoy game we know. As you can see, there's an empty can in the middle of the field—" nailipat ko ang mata ko roon at mayroon ngang kulay itim na latang nakapaloob sa isang kulay itim na bilog na nakaguhit sa lupa "—ang lata na iyan kailangang tamaan ng player. Sa oras na matamaan ninyo ang lata, tatalsik ito't maaalis sa posisyon nito sa gitna. Depende sa lakas ng pagtira ninyo kung lilipad ba ito ng pagkalayo-layo o baka natumba lang sa kaniyang posisyon.

"Sa oras na matumba ito, kailangan ninyong tumakbo papunta sa kabilang dulo ng field. At habang tumatakbo, ang taya naman ay hahabulin ang gumulong na lata at ibabalik sa gitna. Sa oras na maunahan kayo ng taya, ang mga nakasuot na black suit na kasama ninyo ay babarilin kayo. Sounds exciting, right?"

Nanginig ang hangin habang ibinubuga ko ito sa aking bahaga. Hindi siya exciting kundi extra kilabot. Sobrang layo ng gitna kung titirahin siya sad ulo at napakalayo naman kung tatakbo ako sa kabilang dulo.

Wala akong kapangyarihang i-save ang sarili ko 'di tulad ni Ronnel. Hindi rin ito ang naging ensayo ko noong tinanggap ko ang posisyong maging representative ng Taguig.

"Racers, you can use any weapons you have just to hit the can. Be resourceful! And before I end this announcement, all racers must stay inside the 'holding area' because only one racer at a time will play the game. Good luck to all!"

Wala nan gang naging kasunod pa ang maligalig at masayang anunsiyo ni Cangtiao. Sa sobrang saya niya, parang gusto ko 'yon bigyan ng takot at kaba dahil sumusobra na rin ang kilabot na nadadama ko.

"Alphabetical po tayo," walang emosyong sabi ng isang naka-black suit at nakasalamin.

Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga racers:

Caloocan

Makati

Manila

Muntinlupa

Navotas

Pasay

Pasig

Quezon City

San Juan

Taguig

Bali, ako ang pinakahuli. Nasa akin ang huling kaba. Nasa akin din ang pressure dahil baka marinig ko ang pagputok ng baril sa tuwing hindi makakalampas ang racer sa kabilang dulo.

Nagpakita na rin ang magiging taya. Nakasuot siya ng damit na katulad sa amin. Fitted. Kaya mukhang kumportanbleng-kumportable ang taya dahil nag-e-exercise pa siya roon sa gitna ng field. Sigurado akong kumuha sina Cangtiao ng pinakamabilis na lalaki sa balat ng Metro Manila o kaya ng mundo. Baka nga, may kapangyarihan din 'yon na super speed. Naku po! Patay tayo nito. Hindi ko na alam kung gano'n.

Isa-isa na nga kaming pumasok sa loob ng tent pero siyam lang kaming nandirito dahil naiwan sa labas si Caloocan. Hindi ko katabi si Ronnel o kaya si Pio dahil naka-alphabetical order ang upo naming dito sa loob ng tent.

Habang nakaupo, nakatungo lang ako't nakapikit. Nanginginig na ang hita ko sa mangyayari. 'Di ko na alam. Wala na akong expectations.

Malalalim ang hinuhugot kong hangin para lang mapakalma ang dugong dumadaloy sa tubo ng aking katawan.

Matapos ang ilang sandali, napitlag at nagising ang buo kong diwan ang makarinig kami ng isang putok sa labas ng tent.

"Caloocan. Marlon Sy. Eliminated."

Nagtinginan kami ni Ronnel pero malamig ang nakikita ko sa kaniyang mukha. Saglit din akong sumulyap kay Pio pero nakatungo lang siya.

Na-eliminate na ang isa sa amin. Hindi naming alam kung paano ang ginawa niya at paano ang nangyaring pagpatay.

Huminga na lang ako ulit para ikalma ang sarili pero wala talagang talab kaya hinayaan ko na lang ang nerbyos na yumayapos sa akin.

Sumunod na si Makati. Matapos ang halos kalahating oras, walang pang baril kaming naririnig. Hanggang sa marinig naming ang isang 'to.

"Makati. Kayla Soledad. Pass. Congratulations!"

Nang mawala na ang anunsiyong iyon, mahihinang palakpakan ang ginawa ng ilang racers na nandito sa loob ng race. Pumalakpak na rin ako. Pero gusto kong malaman kung ano ang ginawa ni Makati. Anong technique ang ginamit niya? Isa ba siyang taong may kapangyarihan?

Ugh!

Mabilis ang pangyayari at parang sunud-sunod na lang din ang mga pangalang umaalis dito't naririnig ko sa announcement sa labas.

"Manila. Cass Johnson. Pass. Congratulations!"

"Muntinlupa. Ronnel Verano. Pass. Congratulations!"

"Navotas. Julie Mano. Eliminated."

"Pasay. Pio Pascual. Pass. Congratulations!"

"Pasig. Raice Geronimo. Eliminated."

"Quezon City. Sol de Luna. Pass. Congratulations!"

"San Juan. Maine Bernos. Eliminated."

Naipikit at bumuga ako ng hangin dahil iyon ang huling racer bago ako. Pagdilat ko ng mga mata, tinawag na ang pangalan ko ng isang naka-black suit.

Tumango ako't tumayo na sa kinauupuan ko.

Nang makalabas, kinausap ako ng gumagabay sa aking naka-black suit.

"Taguig, gagamitin po ba ninyo iyon?" Tinuro niya ang tirador at shoulder bag kong nakalapag sa lupa doon sa puwesto kung saan ako titira. Ngayon ko lang naalala na naiwan ko pala 'yon sa mansyon. Nasabunutan ko ang aking sarili sa aking isipan.

"Opo," magalang kong sagot.

Nakarating na ako sa dulo ng field at biglang lumakas ang hangin kaya nahahampas ako nito. Nakakakain ko pa ang sarili kong buhok. Inayos ko muna ito't p-in-onytail para hind imaging sagabal. Ngayon ko lang din napansin na wala ang mga katawan ng mga eliminated pero bakas ang dugo nila rito.

Umalis na sa aking tabi ang gumabay sa aking lalaki. Pinag-aralan ko naman ang buong paligid. Sinlaki lang ito ng isang basketball court kaya dapat makakatakbo ako papunta roon sa dulo nang mabilis.

Pero papaano?

Nakatayo lang ang taya sa tabi ng latang nananahimik sa gitna. Tila nag-aabang kung kailan ako titira at tatakbo. Yumuko na muna ako't pinulot sa lupa ang tirador at kumuha na rin ng isang bala. Humangin muli nang malakas kaya naipikit ko ang aking mata upang 'di mapuwing. Parte rin ba 'to ng challenge ng game na 'to?

Isinawalang bahala ko na lang muna ang hangin na 'yan at nag-focus sa stratefy na gagawin ko.

Kanina, ang concept ng level one ay bamsak kung saan ang mga taya ay ang mga killers at kami ay babarilin kapag nahuli kami. Pero kapag sila naman ang nahuli namin at nagpakita ng susi, hindi kami mamamatay.

Dito kaya ano?

Tumbang preso.

Sa larong ito, binabantayan ng taya ang lata. Ang mga manlalaro ay susubukang patumbahin ang lata gamit ang tsinelas o anumang pamato basta mapatumba lang ang lata. Kapag malayo ang naging resulta ng pagtama sa lata, makakabalik agad ang tumira sa kaniyang base. Pero kapag naibalik agad ng taya ang lata sa gitna, hahabulin niya 'yong humawak ng tsinelas.

Pero sa concept na 'yon, ano ang binago nila?

Ah, 'yong papatayin nga lang ang tao. Pero paano ko mapapanalo ang level na ito?

Lumuhod ako sa lupa't pinagmasdan ang lata. Kapag tinira ko 'yon, uusog iyon papunta sa kabilang dulo kung saan iyon din ang finish line para maging safe ako. Kung papapuntahin ko ang lata doon, Malaki ang posibilidad na mailagay agad ng taya sa gitna ang lata. Kung kakayanin, dapat tumilapon ito sa loob ng gubat.

Biglang humangin muli na parang nasa mukha ko ang electricfan. Naiinis na ako sa dagdag challenge na 'to.

Nagpatuloy ako sa pag-iisip kung anong strategy ang gagawin ko. Nakaluhod lang ako at patuloy sa pagmasid sa paligid nang biglang—

"AHH!" pagdaing ko dahil sa kuryenteng naramdaman sa tuhod ko. Napatayo pa ako saglit.

Nakatingin ako sa lupa habang hinhimas-himas ko ang tuhod ko. May mga sunod-sunod na maliliit na kuryenteng nagmistulang uod ang nagpapakita sa akin.

Ano 'to? At bakit parang sa akin dumidiretso ang mga signals na ito?

Signals!

Naidilat ko nang maluwag ang aking mata. Posibleng galing 'yon kay Ronnel. Pero paano ko matatanggap ang mensahe niya?

Maya-maya, umakyat na isang kuryente sa aking paa at parang may narinig na lang akong boses sa aking tainga.

"Hoy! I-touch mo 'yong little snakes na kuryente sa lupa!" galit niyang sabi.

Nagsalubong ang dalawa kong kilay. Grabe naman magalit! Kabadong-kabado na nga ako rito tapos ganyan mo pa ako tratuhin!

Sinunod ko na lang ang utos niya kaya lumuhod ulit ako sa lupa't inilapat ang hintuturo ko kung saan dumadaloy ang kuryente. Hindi naman ako nakuryente pero may kiliti lang itong dala sad ulo ng aking daliri.

"Thank God, napansin mo rin."

Nairolyo ko na lang aking mata.

"Huwag ka na lang sasagot sa mga signals na 'to. Makinig ka na lang. . ."

Nag-concentrate na ako sa sasabihin ni Ronnel.

"This island is artificial, therefore trees are artificial too. May ibang mga punong gawa sa steel. Madali lang alamin dahil kumikinang sila. Napag-isip-isip ko na gamitin 'yon para maging advantage sa 'yo dahil ang weapon mo ay metallic slingshot. Ipapatama mo ang bala ng tirador mo sa isang fake tree at magba-bounce back ito tapos tatama sa lata.

"Kapag tumama sa lata, dederetso ang lata papunta sa base mo. And because that's your base, hindi ka gagalawin ng taya. And also, know the right timing of the wind. Kapag towards sa iyo ang ihip, take the opportunity. It will help the can travel papunta sa 'yo. Good luck!"

Nawala na ang mga signals sa lupa kaya wala na rin akong narinig na boses mula kay Ronnel. Naastigan din ako sa ginawa niya dahil napakagaling ng kapangyarihang taglay niya. Parte din siya ng 'The Saviors'.

Thank you, Ronnel.

Tumayo na muli ako at buong lakas kong winagwag-wagwag ang kamay ko para tumalsik ang kabado kong pakiramdam. Gaya rin ng sabi niya, naghanap ako ng kumikinang na puno dahil gawa 'yon sa steel. Napapitik na lang ako ng kamay at napasabi ng, "Yes!" dahil mayro'n nga akong nakitang pekeng puno.

Ang kailangan ko na lang gawin ay hintayin ang timing ng hangin. Dapat parang nasa mukha ko ang isang napakalakas na electric fan para kapag natamaan ko ang lata, lalapit ito sa akin.

Pero, may rule ba sa tumbang preso na kapag napunta sa base ng mga manlalaro ang lata ay hindi makakalapit ang taya? Parang wala naman. Pero baka 'yon din ang twist sa larong ito. Hindi puwedeng makaalis sa field ang taya. Napansin ko rin ang linya sa magkabilang dulo pero walang linya sa magkabilang gilid. Kaya ang hinuha ko, kapag tumakbo ako ng sideways at kahit lumabas ako sa field, papatayin pa rin ako. Pero kung nasa base ako at makalampas naman doon sa kabilang dulo, safe ako.

Bumuga ako ng hangin at pinanatag ang aking sarili.

Kaya ko 'to!

Itinapat ko ang aking kamay at in-extend ito. Mahigpit kong hinawakan ang tirador at itinutok sa target kong pekeng puno. Nasa kabilang dulo rin 'yon kaya dapat masiguro kong kapag natamaan ang lata sa likuran at pumunta sa akin. Hinintay ko muna ang pag-ihip ng hangin. Akala ko talaga sagabal ito, 'yon pala makakatulong sa akin.

Napansin ko muli ang ilang kuryenteng dumdaloy sa lupa kaya walang atubili akong yumuko at nilapat ang daliri ko roon.

"Once na tumama ang bala ng tirador mo sa bakal na puno, I'll make sure na tatamaan niya 'yong lata. Basta . . . basta tamaan mo lang 'yong pekeng puno. I'll help you but you help me. O siya, good luck. Just remember na, you can do it. Ang goal mo ay matamaan ang puno at ang goal ko ay matamaan ang lata para sa 'yo. Then, you make the move na. Maganda kung nakapunta sa base mo ang lata pero kung hindi run as fast as you can. Hindi na kita kayang tulungan pagkatapos kong gawin ang parte ko, Nadine."

Tumango ako sa mga paalala sa akin ni Ronnel. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinutulungan pero 'di na ako tatanggi. Para na rin sa akin ito.

Habang nag-e-ensayo noong naging opisyal na representative na ako ng Taguig, tumutok talaga ako sa weapon ko. Ang accuracy ko noong unang araw ay 2.35% pero noong natapos ko ang training, naging 96.72% na ito. Kaya kumpiyansa akong matatamaan ko ang punong iyon.

Bumalik muli ako sa postura ko't tinapat ang tirador sa punong target ko. Pinisil ko na ng matagal ang pindutan at ang nakalutang bolang pamato sa bunganga ng tirador ay nagpaikot-ikot na. At saktong umihip na ang hangin papunta sa akin. Bahagya kong naipikit ang mata upang 'di mapuwing.

Bumibilis na ang tibok ng puso ko't nakatuon ng labis ang aking mata sa bola at sa target kong puno.

Bitaw.

Mabilis na umalis ang bolang pamato at lumipad na ito sa ere. Ang aking paghinga'y nagiging abnormal na at nakikipagsabayan sa bilis ng tibok ng aking puso.

Hinintay ko ang tamang oras. . .

Hinanda ko ang aking postura para tumakbo . . .

Binitawan ko na ang tirador ko't inilapat na sa lupa ang dalawang palad ko habang handa na ako sa pagtakbo.

Nakarinig ako ng isang bagay na tila tumama sa isang bakal senyales na naging successful ang pagtira ko.

Maya-maya, kumalembang ang lata't nakita kong tumalsik papunta sa akin. Wala na akong hinintay na oras at nagsimula na akong tumakbo.

Rinig ko ang mabilis na pagyapak ng aking paa sa lupa. Nagsimula na ring tumakbo ang taya. Walang sinabi si Ronnel kung may kapangyarihan ba siya pero sa palagay ko ay wala dahil parang normal na tao lang din ang pagtakbo niya. Nagkasalubong kami sa pagtakbo't nalampasan ko na ang kalahati ng field. Mabilis akong lumingon at patuloy pa rin sa paggulong nang mabilis ang lata dahil tinatangay siya ng hangin.

Sineryoso ko na ang aking mukha't binilisan pa ang pagtakbo. Buhay ang kapalit kapag 'di ako nanalo. Buhay ng aking pamilya ang mawawala kapag ako'y mawala rin dito. Katapusan na ng Taguig kung matatapos ang buhay ko rito.

Malapit na ako sa linya kaya saglit kong nilingon pa ang taya sa likod. Laking gulat ko na nakuha na niya iyon at pabalik na siya sa gitna para ilagay sa sentro ang lata.

Dahil sa kabadong dibdib, umandar lalo ang utak ko sa pagiging maliksi. Dahil kaunting talampakan na lang, nag-dive na ako kahit alam kong masasaktan ako.

Bumagal ang oras. . .

Bumagal ang pagtibok. . .

Ang mga butil ng aking pawis ay lumutang sa ere . . .

Hanggang sa . . . nadama ng aking buong katawan ang isang malakas na pagbagsak sa lupa.

Napangiwi ako sa sakit na dulot nito at daing nang daing. Parang nabalian yata ako pero pagtingin ko, nakalampas na ako sa dulong linya. At . . . nakabalik na rin sa gitna ang lata pati ang taya. Tila nawala ang lahat ng sakit na sinalo ko. Naging manhid ako dahil sa pagkapanalo.

"Taguig. Nadine Guinto. Pass. Congratulations!"

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

Hunter Online Από Reynald

Φαντασίας

1.8M 181K 205
Online Game# 2: MILAN X DION
Of The Shattered Compass Από EL.Jhay

Εφηβική Φαντασία

27.7K 1.6K 64
As an old saying says : History repeat itself, well it don't, it really don't. We don't believe in that and we're not going to believe that. History...
196K 5.1K 31
Summer break panahon kung saan ang bawat estudyante ay pahinga sa aralin at sakit ng ulo dahil sa pagsusulit. Nagkayayaan ang barkada nila Lyrika na...
175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...