Let's Race

By hadji_light

17K 738 201

Nadine Guinto, an 18 year-old girl who belongs to the poorest class of the society, needs to join Metro Manil... More

Let's Race
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Acknowledgment

Chapter 27

246 11 5
By hadji_light

Chapter 27

Level Four: Mini Race

Part 4

***

Pumasok na muli kami ni Jens sa building dahil parang mapapaso na ako ng init galing sa sikat ng araw. Mas doble na nga rin ang init ngayon dahil sa polusyong bumabalot sa buong mundo. Para kaming nasa loob ng isang oven. Kaunting kilos lang, pagpapawisan na.

Pagpasok namin sa loob, niyapos ako ng malamig na hangin galing sa mga air conditioning ng building. Natuyo agad ang pawis sa noo ko at 'di na kailangan punasan pa. Awtomatiko ring kumalma ang aking sarili kasi kanina medyo naiirita ako sa dahil sa init.

"Weapon test na. Magpa-practice ka?" tanong ni Jens.

"Oo, kailangan ko, e."

"Sabay na tayo. Pupunta rin ako ng Underground para makapag-practice."

"Kaya mo naman kahit walang sandata. Hello, isa kang Half 'no?"

"Just like what I said earlier, hindi ko basta-basta gagamitin ang powers ko since evaluators will be there. Baka nga nandoon din ang councils."

"Pero what if nagsalubong tayo sa loob ng maze?" tanong ko nang makarating na kami sa elevator papuntang Underground. May ilang trainees din ditong nag-aabang.

Walang lumabas na hangin mula sa lalamunan ni Jens at natahimik lamang siya hanggang sa bumukas na nga ang pinto ng elevator para sumakay kami.

"I would probably kill you," malalim niyang sagot.

Inaasahan ko rin naman iyon galing sa kaniya. This is still a competition after all. Kailangan naming maging "the best" para kami ang hiranging representative ng Taguig.

Bahagya na lamang akong ngumiti at tumango-tango bilang pagtanggap ng katotohanang ito.

"Pero, we really don't know kung ano ang mangyayari mamaya, Binibining Gold. Baka ikaw pa nga ang papatay sa akin, eh," hirit pa niya.

Nagsara na ang pinto ng elevator at narinig ko na muli ang pagbaba nito.

"Naiintindihan ko naman, Jens. Nandito ka para makuha mo ang prize at nandito ako para makuha rin iyon. Lahat tayo, pati si Iman at 'yong kambal. And, nagpapasalamat din ako kay Selin dahil noon, lagi niyang sinasabing trust no one here."

"So you don't trust me?" biglang tanong ni Jens na nagpapitlag sa akin.

Saglit akong nanigas sa tanong niya na iyon. Hindi ko rin talaga alam. Nagpapakatotoo naman si Jens sa harap ko pati ang pagiging Half nga niya ay sinabi niya rin sa akin. Kaya

'di ko alam.

"Okay lang, Binibining Gold. 'Wag mo nang sagutin. Trust no one here."

Agad din siyang lumabas nang nahati na sa gitna ang elevator at dumating na kami sa Underground.

Trust no one.

***

Kanina pa ako nagte-training dito sa glass room. Pasulyap-sulyap din ako sa glass room kung nasaan si Jens. Seryoso talaga siya at gamay na gamay niya ang paghawak ng baril. Samantalang ako, nahihirapan pa rin pero may nakikita naman akong progress. Nakakalimang patumba na ako ng mannequin at malaking achievement na rin iyon sa akin.

Wala pa rin dito si Iman kaya walang makakatulong sa akin. Kanina ko pa siya inaabangan.

Nagpahinga muna ako at umupo sa sahig nang naka-Indian seat. Inilapag ko na rin muna rito sa sahig ang hawak-hawak kong tirador.

Kung ganito pa rin ang progress ko, masasabi kong hindi ako makakalabas ng buhay mamaya sa maze. Base na rin sa mga napapanood ko sa iba't ibang glass room, magagaling na talaga ang mga natitira. Ako parang pure luck lang talaga. Halos puro sabit ba naman ako tuwing ranking. Laging nasa dulo kaya masasabi kong suwerte ako.

Kaya dapat mayro'n akong technique na gagawin mamaya. Pero ano?

"Mukhang malalim ang iniisip natin, ha?" masiglang sabi ni Iman na tila nagpabuhay sa aking dugo.

Nilingon ko siya at naglalakad siya papalapit dito sa akin. Suot-suot na rin niya ang kaniyang racer's suit at bakat na bakat ang kaniyang muscles pati ang umbok niya sa baba. Mabilis kong inalis ang tingin ko ro'n. Grabe, para namang bundok 'yon!

Itinapat ko na lang ang aking mata sa mga mannequin. Namimilog na rin ang mga ito at ang butil ng pawis sa aking noo ay nagpuputukan na. Napapalunok na lamang ako na tila nauubusan na ako ng laway.

Teka, bakit parang umiinit ang paligid?

Naramdaman ko na lang ang pag-upo ni Iman. Nakikita ko sa gilid ng aking paningin ang legs niyang fit na fit. Ito lang ang pangit sa damit na ito, hulma kung hulma at kung ano ang hitsura ng katawan mo, parang wala ka na ring maitatago. Pero ewan, mukhang good news din naman ito!

Ano ka ba, Nadine? Ano ang mga pinagsasasabi mo?

"Ang sarap sa pakiramdam nitong uniform natin ano?"

Napakurap-kurap ako. Mas masarap yata kung walang damit.

Nasampal ko na lang ang pisngi ko nang wala sa oras dahil sa iniisip ko. Diyos ko, Nadine! Ang utak! Kailangang mag-concentrate.

"Uy, ayos ka lang?" pag-aalala niyang tanong.

"A-Ah, oo naman. Parang uminit lang."

Bigla siyang natawa na bahagyang nagpakunot sa pagitan ng aking dalawang kilay.

"Kasi nandito ako ano?" Bigla na lang din niyang tinusok ang aking tagiliran gamit ang kaniyang daliri pero mas gusto yata ng aking kalooban na iba ang tutusok sa akin.

Ugh! Naipikit ko na lang ang aking mata. Nadine, stop!

"Bakit? Heater ka ba?" pataray kong tanong kay Iman.

Bigla naman siyang humagikhik at ipinatong niya ang kaniyang palad sa aking balikat. Parang may kuryenteng nagpatuwid sa aking likuran habang nakaupo. Naging bato rin ang aking mukhha at nadama ko ang maligalig na pagdaloy ng aking dugo patungo sa aking mukha. Namumula na yata ako.

"Napapangiti mo talaga ako, Nadz."

Iniling ko ang aking mukha para maalog ang aking utak upang bumalik sa aking wisyo. Magalang kong tinabig ang kaniyang palad sa aking balikat at tumayo na ako.

"Magpa-practice pa ako."

"Sabay na tayo." Tumayo rin siya mula sa pagkakaupo. "Let's make a team. I have an idea kung paano tayo makakalabas ng buhay sa maze. Do you want to trust me?" nakangiti ang kaniyang labi habang sinasabi iyon. Ibinigay niya rin ang kaniyang kamay sa akin at inaabangan akong makipag-shakehands.

Trust no one.

Ito ang motto ko sa ngayon pero . . . kaya ko bang hindi pagkatiwalaan itong si Iman? Naipikit ko ang aking mata at huminga nang malalim. Hindi maaari. I need to focus. Mamatay man o mabuhay, at least I did my best. Gano'n din naman ang mangyayari sa amin sa Metro Manila Survival Race kung sakaling isa sa amin ang maging representative. Kailangang huwag magtiwala lalo na't kompetisyon ito.

"I'm sorry, Iman. You are still my competitor. Mahirap na baka bigla mo na lang akong saksakin patalikod. And knowing that you are good at our weapon, malaki rin ang posibilidad na gamitin mo ito sa akin. Kaya, hindi muna ako makikipag-alyansa sa 'yo."

"I respect your opinion. Let's practice na lang and I'll help you." Inalok niya pa rin ang kaniyang kamay sa akin. Sa ngayon, tinanggap ko na ito at nakipagkamay sa kaniya. "I am seeing you'll do great and congratulations in advance, Nadz," aniya habang nagtataas-baba ang magkayapos naming kamay sa ere. "Save this city."

***

Bumagsak ako sa sahig habang hapong-hapo. Hinahabol-habol ko ang aking hininga na tila ubos na ang oxygen na lumulutang sa hangin.

Natapos na rin ang pag-eensayo namin ni Iman. Pati siya ay pagod na rin. Sinubukan naming mag-back-to-back o salitan ng pagtira habang tumatakbo para ma-rehearse namin kung ano ang mangyayari mamaya sa maze. Nakakapagpatumba naman ako ng mannequin dahil na rin siguro sa adrenaline at sa paulit-ulit na pagsigaw ni Iman.

Nabo-boost niya ang energy ko sa tuwing ginagawa niya iyon. Kaya ngayon, kami naman ang natumba rito sa loob ng glass room.

"That was fun," ani Iman sa pagitan ng paghinga. Rinig ko ang malalalim niyang hugot sa kaniyang baga. Sobrang hyper kasi kanina at 'di ko masabayan. "I hope you are ready, Nadz. Ang dami mo ring natamaang mga mannequin."

Lumunok muna ako bago umupo nang maayos. Pinunasan ko pa ang pawis sa mukha ko gamit ang likod ng aking kamay at sinuklay palikod ang mahaba at tuwid kong buhok. Basa na rin ito. Parang kailangan kong maligo para hindi maging sagabal ang amoy ko mamaya habang nasa maze.

"Salamat, Iman. Salamat kasi nand'yan ka para bigyan ako ng lakas. Sana, sana maging maayos lang ako at tayo mamaya. I hope magkita-kita pa tayo sa last level."

"Magkikita pa tayo," makahulugan niyang sagot.

Nabaling naman namin ang aming tainga sa balcony kung saan naroon si Miss Idda na nagsasalita.

"Hello trainees! Ten minutes left before the maze starts. Please prepare now and see you all at the lobby. Also, leave your weapons in your respective glass rooms as we will provide them while you are in the maze. Thank you."

Nagtitigan kami ni Iman nang matapos ianunsyo ni Miss Idda iyon.

"Let's get ready, Nadz."

Tumayo na siya na kaya sumunod na lang din ako pero hindi talaga maipagkakaila ang bukol na mayro'n si Iman habang tumatayo kaya agad ko ring tinanggal ang mata ko ro'n.

Tumayo na rin ako at sabay na kaming naglakad papalabas dito sa glass room. Nagsilabasan na rin ang ilang trainees sa kani-kanilang mga glass rooms at sumakay na kami sa elevator.

Nagkahiwalay kami ni Iman sa lobby dahil doon na lang daw siya at 'di na maliligo muli dahil baka pagpawisan lang daw siya ulit sa maze kaya si Jens ang kasama ko rito't nag-aabang ng elevator paakyat sa mga rooms namin.

"Pinanood ko kayong dalawa ni Iman," aniya habang nakatingala at binabantayan ang pagbaba ng elevator. "Crush mo?"

"Ha?" Napatingin ako sa kaniya na may magulong mukha.

"Crush mo kako." Tumingin siya sa akin na may malamlam na paningin.

Napakurap-kurap pa ako dahil hindi ko inaasahang ganoong emosyon ang ihaharap niya sa akin. Iba talaga ang hitsura ni Jens pag nagiging maamo.

"A-Ah, wala ah. Tinutulungan niya lang ako," pagtanggi ko. Totoong may paghanga na talaga akong nararamdaman kay Iman dahil siya na nga ang naging katuwang ko simula noong Level Three at nagpakita talaga siya ng magandang pakikisama sa akin.

Tumango-tango naman si Jens bilang pagtugon at 'di na muling nagsalita. Nagkibit-balikat na lamang ako at hinintay ang pagbukas ng elevator.

Maya-maya pa, nahati na ang pinto nito sa gitna kaya inihakbang ko ang aking paa para sumakay rito. Humarap ako sa bukana ng elevator na ito at nasa labas pa rin si Jens habang nasa likod ang kaniyang kamay. Nagtaas ako ng dalawang kilay dahil sa pagtataka.

"Hoy, sasakay ka ba?" tanong ko.

"Hindi na. Gusto lang kitang sabayan dito. Gusto ko lang kasing makasama ka kahit wala akong ginagawa."

"Ha?"

"Hindi mo ako maintindihan dahil ako rin, 'di ko rin naiintindihan 'tong nasa dibdib ko." Tinapik-tapik niya ang kaniyang dibdib saka humagikhik.

Ako naman, nagsimulang mangatog ang aking baga at hinihinga ko na ang mga nininerbyos na hangin. Mukhang alam ko na kung saan patungo ito.

"Gusto ko lang sabihin sa 'yo na, magkita man tayo sa susunod na level, sana hindi pa rin magbago ang pagkakaibigan natin."

Itinungo niya ang kaniyang ulo at ako naman ay nakakakagat na ang aking labi. Sunud-sunod na ang malalalim kong paghinga at ang puso ko'y nagtatambulan sa kaba.

Nagsasalubong na sa gitna ang dalawang pintuan ng elevator na ito saka lang inangat ni Jens ang kaniyang ulo.

"Gusto kita, Nadine," makahulugan niyang wika kasabay nang pagsara ng elevator.

***

Matapos kong maligo nang mabilisan at maisuot ang racer's suit na ito, umupo muna ako sa gilid ng higaan dito sa kuwarto namin ni Selin. Paulit-ulit na nag-replay sa utak ko ang boses at mukha ni Jens habang sinasabi niya iyon. Hindi ko alam kung bakit pero parang may kakaibang humahaplos sa aking puso sa tuwing iniisip iyon na nagpapagaan sa aking kalooban.

Napabuntonghininga na lamang ako.

Pero ngayon, kailangan na munang ituon ko ang aking pag-iisip sa maze. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ito. Ilang minuto na lang din, malalaman ko kung pasado ba ako sa level na ito o mamamaalam na ako ng tuluyan.

Palabas na sana ako ng kuwartong ito nang maalala ko ang lalaking nagbigay sa akin ng sumbrero noong nasa barter exchange ako. Isa rin pala siya sa mga nais kong makita at pasalamatan. Malaking bagay na rin kasi ang naibigay niyang pera sa amin noon. At ibabalik ko pa ang 'yong baseball hat na ibinigay niya sa akin.

Hinanap ko muna ang itim na baseball hat na iyon para gawing lucky charm. Sana maging lucky nga ako kapag naisuot ko na iyon.

Nang mahanap ko na ito, agad ko na itong isinuot at pinagkasya sa ulo ko. Sumakay na ako ng elevator at naabutan ang mga trainees, si Miss Idda at ilang mga tauhan niya rito sa lobby.

"Nariyan ka na pala, Ms. Guinto. Kanina pa ako nagka-count at ang sabi ng ilan sa iyong mga kasama ay nasa kuwarto ka raw," bungad sa akin ni Miss Idda. Mabuti na lang hindi masungit ang tono na iyon galing kay Miss Idda.

"Opo, sorry po kung late ko."

"Ayos lang naman dahil 'di ka naman ganoon ka-late. At saka, isusuot mo ba 'yang sumbrero sa ulo mo?"

Hinawakan ko ang tuka ng baseball hat saka tumango. "Opo."

"Ingatan mo lang baka maiwan mo 'yan sa loob ng maze. Mahirap nang hanapin."

"Opo, Miss Idda."

"O siya, dahil kumpleto na tayo, magbibigay muna ako ng kaunting discussion tungkol sa maze."

Hahanapin ko sana kung nasaan sina Jens at Iman pero mas pinili ko na lang makinig sa sasabihin ni Miss Idda.

"The event will begin at 2:20 p.m. and end at 5:00 p.m. Anyone who completes the maze will have a guaranteed spot in the final level. And if you don't finish but are still alive inside the maze, you'll be eliminated and sent home. Unfortunately, we will not be able to assist those who will be killed while inside the maze and will not be able to provide financial assistance to their bereaved families. This is the most difficult part of the training camp because you will be experiencing what the race will be like. You have the choice of forming groups or going solo. Moreover, you will all have different entry points, so once you meet your co-trainee inside, it is up to you whether to form an alliance, kill him or her, or simply ignore him or her. Your weapons will be given while you are inside of the maze, too. And I believe that's all it is. Best of luck, trainees."

***

Nandito na kami sa Underground Level 0 at bumaba ng hagdan para papuntahin sa sari-sarili naming entry point. Nang makababa na kami, isa-isa kaming nilalapitan ng mga taong naka-black suit at black glasses. Bawat isang trainee, may naka-assign na tao para sa kanila. Namataan ko rin sina Iman at Jens at sinundan na ang mga naka-black suit na nakatalaga sa kanila.

Ilang saglit pa, may lalaking lumapit sa akin. Tumango lang ako walang inilabas na salita sa labi. Nagsimulang maglakad ang lalaki habang nasa likuran ko lamang siya. Habang binabagtas ang daan, napapatingala ako sa taas ng pader ng maze na ito. Kanina habang nasa itaas kami, parang maliit lamang ito pero nang nakikita ko na talaga ito nang malapitan parang naging langgam na lang ang laki ko.

Nadadaanan ko rin ang ilang entry point ng iba pang trainee. Nakatayo lang sila sa harap ng isang metal na pintuan. Sabay-sabay sigurong bubukas iyon para lahat ay makapasok sa loob ng sabay-sabay.

Matapos ang ilang minutong paglalakad, nakarating na rin ako sa puwesto ko papasok ng maze. May number pa ito sa gilid.

Entry Point # 24

Ito ang ranking ko matapos malagpasan ang level three. Umupo muna ako nang saglit dahil nangalay ang tuhod ko kakalakad at kailangan ko munang mag-recharge upang handa ako sa loob.

Tahimik na ring umalis ang lalaking naka-black suit na naghatid sa akin dito. Natatanaw ko ang isang trainee sa isa pang entry point. May kalayuan nga lang siya pero bakas sa katayuan niyang handang-handa na siya.

Dapat ako rin kaya matapos kong magpahinga nang saglit, itinayo ko na ang aking sarili. Inunat ko ang aking mga paa't kamay at bumuga nang isang malakas na hangin.

Kaya ko 'to.

"Trainees, let the race begins!" anunsiyo ni Miss Idda kaya ang metal na pintuan ay umaangat na.

Naipikit ko ang aking mata at ipinagdaop ang aking palad. Paulit-ulit akong huminga nang malalim upang maging payapa ang aking sarili.

Tatapusin ko ang karerang ito nang buhay ako.

Idinilat ko na ang aking mata at pumasok na sa loob. Mabilis ding bumagsak ang metal na pintuan at nakagawa ito nang malakas na tunog kaya napalingon ako. Nagulat ako sa aking nasaksihan dahil nagta-transform ang pintuan sa isang sementadong pader.

Hinawakan ko pa ito at ito'y totoo ngang gawa na semento. Dinalaw na ako ng nerbyos dahil hindi na ako puwedeng umatras. Narito na ako sa loob. Ito na ang simula.

Dito rin sa entry point ko, may nakikita akong isang shoulder bag na kulay itim. May nakasulat pa sa pader ng maze na 'weapon' kaya kinuha ko na ito. Kinalkal ko ang loob ng bag at nakakita ng tatlong metal na tirador, at sandamakmak na bolang pamato. Hindi ko na ito mabilang dahil sa dami.

Sakto lang din ang bigat nito kaya sinabit ko na ang shoulder bag na ito sa aking balikat. Hawak-hawak ko sa isa kabilang kamay ang metal na tirador at nilagyan ko na rin ito ng bala kung sakaling may makakasalubong akong isang trainee na papatay sa akin.

Gagamitin ko ito sa aking self-defense.

Nagsimula na akong maglakad. Malawak ang pagitan ng bawat pader kaya maluwag kong binabaybay ang maze na ito. Lupa naman ang sahig ng maze kaya may mga ligaw na halamang tumutubo sa gilid ng pader. Para lang akong nasa labas pero pinalilibutan nga lang ng isang napakatayog na pader.

Minabuti kong dumikit lamang sa dingding upang hindi ako magulat kung may makasalubong man akong trainee. Nakaangat na rin ang aking braso upang ihanda ang aking sarili sa anumang kakaharapin.

Lakad lang ako nang lakad at wala pa akong namamataang trainee o isa man lang na obstacle dito sa loob ng maze. Pero sa bawat pagtapak ko sa lupa, gano'n naman ang lakas ng pagtibok ng aking puso. May mga naririnig na rin akong mga kakaibang bagay na gawa sa metal. Mukhang malapit na ako sa mga obstacles kaya kailangan kong mag-ingat.

Naglakad muli ako at pinagmamasdan ang paligid. Wala rin akong masyadong makita kundi mataas na pader, lupa sa daan, at mga ligaw na halaman.

Habang binabaybay ko ang maze, nakarinig na lamang ako ng dalawang taong nagsasalita malapit sa akin. I bent my knees and kept my body down. Marahan akong naglakad at hinanap ng aking tainga ang dalawang nagsasalita. Dumikit din ako sa pader habang nakatutok lang sa harap ang hawak-hawak kong tirador.

Nanginginig na rin ang braso ko at ang kabang nararamdaman ay umaabot na sa aking lalamunan. Pati ang labi ko'y nangatog at ang mga ngipin ko'y nagtatamaan dahil sa nerbyos.

Sinubukan kong humigop ng hangin sa paligid. Namamawis na rin ang aking balat.

Maya-maya pa, lumalakas na ang boses kaya mas iningatan ko ang paglalakad. Nililinga-linga ko rin ang paligid dahil baka may nakasunod na pala sa akin at tirahin ako patalikod.

Patawid na sana ako sa crossing dito sa maze nang nakita ko ang dalawang trainee na nag-uusap kaya paspas akong sumandal sa dingding para magtago. Ang aking paghinga ay abnormal at ang aking dibdib ay mataas kung umangat. Muntik ko na ring mabitawan ang tirador na hawak ko. Mabuti na lang ay 'di natanggal ang bolang pamato roon.

Sumilip na lang ako sa gilid ng pader upang makita't mapakinggan nang maayos ang kanilang pinag-uusapan.

"Kung hindi ka makikipag-partner sa akin, I will kill you here." Namilog ang mata ko sa aking narinig. Galing iyon sa babaeng nakapusod ang buhok. Pana naman ang kaniyang sandata.

"Sorry. I can't. I can do this on my own. Kill me, then I will kill you too," sagot ng lalaking maputi. Mas maliit siya nang kaunti sa babae. Ang kaniyang sandata naman ay arnis.

Kung susuriin, mas lamang ang babaeng may pana dahil kaya niyang patamaan ang lalaki kahit nasa malayong distansya. Samantala naman ang lalaki, kailangan niya pang lapitan ang babae para lang mahampas ng arnis.

Lumayo na nga ang babae sa puwesto ng lalaki saka hinila ang hibla ng pana.

"Mayro'n ka bang huling habilin, mister?"

"Ikaw yata ang magkakaroon ng huling habilin," matapang na sagot ng lalaki.

Walang anu-ano'y binitawan ng babae ang pana at naglakbay ito sa ere. Pero, laking gulat ko nang mabilis kumilos ang lalaki at nasangga niya iyon gamit lang ang kaniyang arnis.

"Akala mo matatamaan mo ako ano?" Tumawa lang ito.

Bigla siyang sumugod kaya tumakbo ang babae habang kumukuha ng panibagong arrow. Mabilis tumakbo ang lalaki kaya kinakabahan ako sa kalagayan ng babae.

Nakabunot na ng isang arrow ang babae at sinubukan niyang patamaan muli ang lalaki pero nawalan ito ng direksyon dahil wala siya sa focus.

Maya-maya lang, binato ng lalaki ang kaniyang dalang arnis sa babae at sakto itong lumusot sa tiyan ng babae. Napasinghap ako nang makita kong dumugo ang tiyan ng babae at may mga lamang loob na tumalsik sa lupa. Napaatras ako sa tinataguan ko at bahagyang nagpakita sa dalawa.

Bumagsak na sa lupa ang babae at umuubo-ubo na rin siya ng dugo. Patuloy lang ako sa pag-atras habang nakatakip ang aking bibig nang makita ako ng lalaki.

Parang wala lang sa kaniya ang nangyari at naglakad siya patungo sa puwesto ng babae na sa palagay ko ay patay na dahil nagbaha ng dugo sa paligid niya.

Ang aking panga ay nanginig at walang kurapan kong tinitigan ang lalaki dahil anumang oras ay baka ako naman ang kaniyang puntiryahin.

Unti-unti ko na ring itinatapat sa lalaki ang hawak kong tirador pero wala itong tigil sa pagnginig. Hindi ako maka-concentrate dahil nilalamon ako ng kaba at kadiliman.

Binunot ng lalaki ang patpat ng arnis na nakasaksak sa tiyan ng babae. Winagwag-wagwag pa niya iyon sa ere upang tumalsik at matanggal ang dugong bumalot doon.

Habang paatras na naglalakad, hindi ko namalayang may bato pa lang nakaharang sa daan kaya lumagapak sa lupa ang aking puwet dahilan sa aking pagkirot at pagngiwi. Napahiga na lang din ako sa lupa at saglit na pumikit pero idinilat ko rin ang aking mata para makita ang lalaking trainee.

"Hoy!" sigaw niya. "Gusto mong mamatay?"

Kahit kabadong-kabado, pilit kong itinayo ang sarili sa pamamagitan nang pagkapit sa dingding. Kumikirot ang aking likuran kaya doon ko pa inilapat ang isa kong kamay.

"Magpaalam ka na."

Nagsimula na siyang maglakad papalapit sa akin at ako nama'y pilit na umaalis.

Habol-hinga na ako rito sa aking puwesto.

Kung mamamatay man ako, sana hindi masakit. Hindi ko na rin kaya. Wala akong kalaban-laban.

Nangingilid na rin ang aking luha at nadama ko na lang ang pag-agos nito sa aking natatakot na pisngi.

Hindi ko na kayang maglakad pa dahil sa kirot na nadarama kaya hinayaan ko na lang na bumagsak muli sa lupa ang aking sarili.

Binigo ko na ang aking sarili.

Lumalabo na rin ang aking paningin at nakikita ko na lamang ang lalaking naglalakad papalapit sa akin.

Maya-maya pa, biglang may dumating na isa pang lalaking may hawak na baril pero binitawan niya iyon. Pinapagalaw niya ang kaniyang kamay na tila may inaangat na isang bagay hanggang sa may mga tubig na nagsilabasan sa lupa. Parang putik din ang iba.

Pinalibutan niyon ang lalaking may hawak ng arnis hanggang sa hindi na makita ang kaniyang katawan. Maya-maya, binagsak ng dumating na lalaki ang kaniyang kamay at bumalik sa lupa ang putik. Nawala ang lalaking pumatay roon sa babae kaya baka nilamon at nailibing siya ng buhay.

Malabo ang aking paniningin pero iisang tao lang ang kilala kong may kayang kontrolin ang tubig. At iyon si Jens.

***

Continue Reading

You'll Also Like

10.2K 1.4K 65
Sheina Malvarez is a very introverted person. She doesn't really care about her surroundings and prefers not to express her feelings to other people...
458K 20.8K 26
"I've seen a lot of ghosts, but this one is different" A story about a girl who keeps seeing ghosts since she was a kid. She never paid attention to...
732K 6.9K 100
Love comes when you least expect it. Love comes when you're not looking for it. Love comes even when you're avoiding it. What happens when a beautifu...
1.8M 181K 205
Online Game# 2: MILAN X DION