Let's Race

By hadji_light

17K 738 201

Nadine Guinto, an 18 year-old girl who belongs to the poorest class of the society, needs to join Metro Manil... More

Let's Race
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Acknowledgment

Chapter 23

236 14 6
By hadji_light

Chapter 23

Level Three: The Weapon Test

Part 4

***

"All trainees must stop their training and practice as we will start the evaluation in a few minutes," anunsiyo ni Miss Idda.

Natigil lahat ng mga trainees sa kani-kanilang mga glass room. Kami rin ni Iman ay huminto sa pag-eensayo. Kanina pa niya ako tinutulungan at nagbubunga naman ito sa magandang resulta. Nakatatlong patumba pa nga ako ng mga mannequin. Habang nag-eensayo, si Iman ay nasa aking likuran at sinusuportahan ang aking braso't kamay. Nadadama ko pa nga ang bawat paghinga niya sa likod ng aking tainga dahil tutok na tutok siya sa pagturo at pagtulong sa akin.

Nakapag-focus naman ako at isinantabi muna ang kakaibang pagkabog at pagtalon ng aking puso tuwing may ginagawa siya sa akin.

Lumayo na si Iman sa aking likuran at inalis na rin niya ang kaniyang kamay sa aking braso. Tinapik-tapik pa niya sa huling sandali ang aking balikat bago siya bumalik doon sa mesa.

"I think you are ready enough, Nadine," sabi niya habang siya'y naglalakad. "Just trust yourself."

Nang makarating na siya roon sa mesa, humarap siya sa akin at inilabas niya ang kaniyang kumikinang na ngiti.

"Kapag hindi ka maniniwala sa sarili mong kakayahan, madadamay lahat ng senses mo niyan. O, trust yourself lang."

Tumango ako bilang tugon.

Nasulyapan naman sa gilid ng aking mata ang pagdating ng ilang mga taong nakasuot ng mga itim na suit. Pormal na pormal. May mga maiitim din silang salamin. Ang buhok ng mga lalaki ay perpektong nakasuklay at sobrang tuwid naman ng buhok ng mga babae. Kaseryosohan ang ipinipinra ng kanilang mga mukha.

Ang kanilang paglalakad ay tila inaabangan. Ang lahat ng mga mata namin ay nakatuon lang sa kanila na parang isang spotlight.

"Every glass room has different evaluators. They will grade you base on your performance," anunsiyo muli ni Miss Idda na nasa balcony at tinatanaw kami. "Before we leave the Underground, you will see immediately kung ano ang mga scores na nakuha ninyo at kung sino ang mananatili. Only 25 qualified trainees will go to the next level. So, good luck trainees. To all evaluators, you may now go to your assigned glass room."

Naglakad ng disente ang mga evaluators. Tuwid na tuwid ang kanilang likod at para na silang robot. Isa-isa na rin silang nagsipasukan sa bawat glass room na nandito sa Underground. Lumapit ako kay Iman na nasa mesa para ihanda ang aking sarili. Inilapag ko na rin muna ang hawak-hawak kong tirador.

Maya-maya pa, pumasok na ang mga naka-suit na evaluators sa glass room namin. Dalawang evaluators ang naka-assign sa amin: isang lalaki at isang babae. Nakalinya lamang ang kanilang mga labi at patay na emosyon ang mababakas sa kanilang pisngi.

"Hi," bati ng lalaking evaluator. Itinapat niya sa kaniyang dibdib ang kaniyang palad saka bahagyang yumuko. "I'm Ix at isa ako sa mga mag-e-evaluate sa inyo."

"Hi, ako naman si Tran," pagbati ng babae.

"Hello po, I'm Iman and she's Nadine."

"Are you two ready?" tanong ni Ix. Naglakad muli sila papunta sa gilid, malapit sa pader ng glass room.

Nagkatitigan muna kami ni Iman. Ang aming mga mata ay tila nag-iisa. Nagiging malalim. Nagiging seryoso.

"Yes, we are," pirming sagot ni Iman. "Ako na rin po ang mauuna."

Nagsitanguan ang dalawang evaluator at inayos-ayos na ang kanilang sarili. Kanina para silang mga robot, ngayon parang ordinaryong tao na lang.

Pinindot naman nila ang gilid ng kanilang sunglasses at may hologram na lumabas mula sa kanilang harapan. Napanganga ako nang bahagya dahil sa paghanga.

Nakikita ko naman doon ang mukha ni Iman at ilang detalye tungkol sa kaniya. Para ring isa iyong malaking grade sheet kung saan nila ii-evaluate si Iman.

Pumunta na rin sa puwesto si Iman kung saan niya gagawin ang pagtitirador.

Pinanood ko na lang muna siya habang narito ako sa mesa. Kinakapa-kapa ko pa ang mga palad kong unti-unti na ring namamawis dahil sa kaba. Ang aking dibdib ay abnormal na ring tumutugtog. Pilit kong huminga nang malalim para kumalma pero ang aking dugo'y nangangatog. Lumunok na lang ako't pumikit saka ibinalik ang atensyon kay Iman.

Maayos ang kaniyang tayo. Magiting. Nakabuka rin ang mga hita niya at ang kaniyang mga mata ay hindi ko na mabasa pero parang 'di na yata siya kumukurap.

Napapansin ko rin ang pagtaas-baba ng kaniyang dibdib, senyales na malalim ang paghinga niya. Tiyak akong kinakabahan si Iman ngayon. Kahit ako rin naman.

Bigla namang nagsalita ang lalaking evaluator kaya doon ko nailipat ang mata ko.

"You only have three tries. I'm seeing that you are carrying five balls in your hand. Pakibalik na lang po ang dalawa."

Tatlong beses lang kami puwedeng tumirador?

Bumagsak sa lupa ang aking bibig at ang aking mata'y bumuka, talagang bukang-buka na parang sakop na buong mukha.

Wala na.

Wala na akong pag-asa.

Mukhang hindi na ako makakaabot sa level four at hindi na mangyayari ang pangarap ko.

Bahagyang nanlambot ang tuhod ko. Muntik pa nga akong matumba ngunit nagkaroon din ako ng malay saglit.

Napatitig ako kay Iman na mukhang nag-aalala sa akin. Ang kaniyang mga mata'y lumamlam at lumambot, at bahagya rin siyang ngumiti. Hindi ko alam kung bakit pero napanatag niyon ang aking kalooban.

Inihakbang na lang niya ang kaniyang mga paa at lumapit dito sa mesa. Inilagay na rin nitsa ang dalawang excess niyang bila sa lalagyang ng mga 'yon. Bago siya bumalik doon sa puwesto, tinapik-tapik niya muli ang aking balikat. Wala na rin siyang iniwang salita pa.

Maya-maya, nagsimula na rin ang pag-e-evaluate sa kaniya.

Good luck, Iman.

***

Natapos ang pag-evaluate kay Iman nang walang kahirap-hirap. Lahat ng kaniyang tira ay pasok sa banga. Malaki ang tsansa niyang makapasa sa round na ito.

Ang postura ng kaniyang tayo habang ginagawa iyon ay walang bakas ng pag-aalinlangan. Pulidong-pulido ang bawat timing ng kaniyang pagpindot sa buton ng tirador at pati na rin ang kaniyang paghinga ay may sariling ritmong tumulong sa kaniya.

Napapalakpak na lamang ako nang mabagal noong siya'y natapos.

Napatingin muli ako sa mga evaluators. Hindi ko na nakita ang scores na nakuha ni Iman dahil napalitan na ng mukha ko ang nasa hologram at grade sheet ko na rin 'yon.

Ito na. Dumating na ang oras ko. Ito na ang panahon kung saan ligwak na ako, o kung kaya ko pang panghawakan ang pangarap kong maging representative ng Taguig.

Bumigat ang aking paghinga at tila sinasalo na rin ang kinakabahang hanging pumapalibot sa akin. Nadidinig ko ang bawat pulso sa aking katawan pati na rin yata ang daloy ng aking dugo ay sobra na sa pagwawala.

Bumalik na rin dito si Iman sa mesa at inilapag na ang gamit niyang tirador.

"Trust yourself. I know you can do it," mahinang sabi niya.

Humugot muna ako ng hangin sa aking baga saka inihakbang ang aking paa. Sinisimulan ko nang maglakad papunta sa pwesto kung saan ako titirador.

Dala-dala ko na rin sa kabilang palad ang tatlong bolang pamatong sasagip o magtatanggal sa akin dito sa training camp.

Pagtungtong ko sa puwesto, tinanong ako ng babaeng evaluator na magsimula ako kapag handa na ako.

Ang kaso, hindi ako handa. Kailangan ko pa ng practice. Hindi na rito puwede ang dapli-daplis lang. Kailangan may mapatumba na akong isang mannequin.

Ang target ko ay isa lamang pero 'di ko alam kung ano ang magiging score ko at kung matataasan ko ba ng score ang mga nasa ibang glass rooms.

Iwinaglit ko na lang muna sa aking isip ang mga balakid sa aking konsentrasyon. Tumayo ako ng tuwid at winagwag ang aking mga braso para maitapon ang kaba ko sa hangin. Mamaya na muna kayo bumalik sa akin.

Bahagya ko ring itinataas-baba ang aking talampakan. Buga na rin ako ng buga ng ng mga maiintin at malalalim na hangin.

Kaya ko 'to. Maniwala lang sa sarili.

"Handa na po ako," seryoso kong turan sa mga evaluators.

Ipinikit ko na ang aking mga mata. Dama ko ang pagnginig ng aking mga talukap. Ibinuka ko na rin ang aking hta at inangat ang aking braso.

Kinalma ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pagbura ng kung ano-ano sa aking utak. Kailangan ay dapat sa mga mannequin lang aking buong atensyon.

Pinakiramdaman ko ang paligid. Background noises ang pumapasok sa aking tainga na galing mula sa iba't ibang glass rooms.

Pagdilat kong muli, ini-set ko na ang aking sarili.

It's game time.

***

Ang aking pisngi ay bibigay na at ang aking luha'y dumulas na pababa. Ang puso ko'y huminto na ng tibok at ako'y napaluhod sa makintab na sahig. Napapikit pa ako sa sakit nang tumama ang buto ko roon.

Natapos na ang dalawa kong subok. Ang una ay wala. Tanging pagdaan lang sa hangin ang naganap. Sa pangalawa naman, dumaplis lang ang bolang pamato sa isa sa mga mannequin. Wala na akong enerhiya. Nawalan ng kuryente ang buo kong katawan hanggang sa napahiga na lang ako sa malamig na sahig nang nakapikit. Dinamdam ko ang kalamigan nito na parang nagpapamanhid sa akin. Patuloy pa rin ang luha ko dahil alam kong wala na akong pag-asa pa.

"Ms. Guinto," dinig kong pagtawag sa akin ng babaeng evaluator. "If you don't get up within 15 seconds, we will finish evaluating you."

Pumasok lamang sa kabila kong tainga iyon at lumabas naman sa kabila pa.

Wala na.

Wala na akong pakiramdam. Suko na ako. Niloloko ko lamang ang sarili ko, e. Hindi ko naman talaga kayang maging representative. Hindi ko kayang makipagsabayan kina Jens, Selin, dito kay Iman, at doon sa kambal na nakilala ko sa cafeteria.

Ako? Sa dami ba naman ng magagaling na trainees tulad nila, wala na talaga akong laban pa. Kaya, mas mabuting umuwi na lang muna ako sa amin at ipagpatuloy ang pamumuhay ko kasama ang pamilya ko.

Maya-maya pa, nadama ko na lang na parang may tumabi sa aking pagkakahiga kaya minulat ko ang aking mga mata. Nakapatong ang kabila kong pisngi sa malamig na sahig at gano'n din ang mukhang isinalubong sa akin ni Iman. Nakatitig lamang siya sa akin, sinsero.

"You still have one ball, Nadine. There's still a chance. Just like what I've said, this is a life and death situation where giving up is not an option." Ngumiti siya sa akin saka bumalik sa pagkakatayo.

"5 seconds, Ms. Guinto," paalala muli ng evaluator.

Huminga na muna ako nang malalim.

Tama si Iman. May isa pa akong chance.

Inilapat ko sa sahig ang aking mga palad saka ibinangon ang aking sarili. Pinagpag ko muna ang aking sarili bago tumingin sa mga evaluator.

"I'll continue po."

Tumango sila bilang tugon.

Nasulyapan ko rin si Iman na nakasalikop ang mga palad sa harap. Nakatiklop din ang kaniyang labi at kinokomunika niya ang kaniyang titig sa akin.

Nagsitanguan kaming dalawa saka bahagyang ngumiti.

May tiwala sa akin si Iman kaya dapat may mas tiwala ako sa aking sarili. Paulit-ulit pero kailangan kong sabihin ito sa aking sarili.

Bumalik muli ako sa dati kong postura. Sinubukan kong ikalma ang nanginginig na daloy ng aking dugo.

Inangat ko na rin ang tirador at ipinatong sa bukana nito ang bolang pamato.

Bumuga muna ako ng hangin saka nagpatuloy. Idiniin ko rin ang pagpindot sa buton na nasa handle ng tirador na gawa sa metal. Naghanap na ako ng mannequin kung saan ko ipapatama ang bolang pamato.

Walang anu-ano'y, binitawan ko na ang pindutan kaya kumawala at naglakbay nang mabilis sa ere ang bolang pamato.

Pero bigla na lang bumagal ang takbo ng oras.

Pati ang tunog sa aking paligid ay nag-slow motion.

Pero ang aking tindig ay nasa normal bilis pa rin.

Ang aking puso ay tila kakawala na sa dahil sa kaba. Ang butil ng pawis sa aking katawan ay tila mga bigas na nagpapakita na.

Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at katahimikan ang bumalot sa akin.

Nang biglang . . . sumigaw si Iman dahilan nang pagmulat ko muli sa aking mata.

"Congrats! You did it, Nadine!" hiyaw niya. Ang kaniyang ngiti ay lumiwanag na nagpapawi sa aking bigat na nadarama. May nakikita nga rin akong isang mannequin na nakatumba.

Ang aking pisngi ay tila dinaluyan ng kuryente upang ako'y matawa dahil sa 'di kapani-paniwalang pangyayari. Ang aking dibdib naman ay napuno ng kaligayahan at surpresa.

Nagawa ko!

Nagawa kong magpatumba ng isang mannequin.

At sana, maging sapat ito upang makapasok ako sa susunod na level.

Continue Reading

You'll Also Like

88.7K 3.4K 47
Even the stars across the sea falls #12 in Historical Fiction (12/27/17) #13 in Historical Fiction (12/26/17) Book Cover by @_heyitsleigh previous (@...
57.2K 5.2K 65
Anong gagawin mo kapag nalaman mong ibinenta ka ng sarili mong bestfriend? Matagal nang alam ni Rein Aristello na mukhang pera ang dormmate slash bes...
264K 6.7K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
602K 21.3K 47
[Wattys 2016 Winner] [2021 UPDATE: ON MAJOR REVISIONS] Si Arielle ay ang babaeng nagsisimbolo na hindi lahat ng tao ay perpekto. Siya ay literal na...