A Hidden Gem (Fate Series#3)

By omyerika

8.9K 645 2.4K

Princess Naomi Mikayla Madriaga is the demure and gullible Interior Designer student of University of Santo T... More

Author's NOTE
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Epilogue
Author's NOTE

Chapter 26

109 6 10
By omyerika

"I don't want another pretty face.
I don't want just anyone to hold.
I don't want my love to go to waste.
I want you and your beautiful soul."


Napatingin naman ako kay Gino na sinasabayan yung kanta sa radyo ng sasakyan. Tumingin siya saglit saakin bago ngumisi at nagpatuloy na kumanta. Napangiti naman ako nang konti at tumingin na sa bintana.


Ilang minuto lang ay huminto na kami sa tapat ng isang bakeshop. Bumaba na siya pagkatapos niyang ipark yun kaya bumaba na rin ako. Hinawakan niya yung kamay ko bago pumasok sa loob. Dumeretso kami sa mga nakadisplay na cake at tumitingin.


Ang gaganda ng mga cake, yung tipong pangdisplay lang at nakakahinayang kainin kasi baka masira yung design hahaha. Puro pastel colors kaya maaliwalas tignan. Yung iba may design pero yung iba wala tapos halos lahat minimalist cake lang.


"Omg, si Gino ba yun?" Narinig kong bulong nung mga babaeng nakaupo sa hindi kalayuan saamin. Namukhaan ko rin sila dahil parang kabatch ko lang sila sa UST, "Girlfriend niya ata yung kasama niya."


"Oo, yung nagparetoke. Grabe transformation niyan tehh. Buong katawan ata pinagawa niya." Sabi nung isa niyang kasama kaya para naman akong nahiya at unti unting yumuko para itago yung mukha ko.


Dahan dahan ko rin binitawan yung kamay ni Gino pero mas hinigpitan niya pa yung pagkakahawak sa kamay ko.


"Don't mind them," bulong niya tsaka ngumiti saakin saglit bago yunuko para tignan ng mabuti yung mga cake, "Ano bang maganda dito?"


"Sino bang may birthday?" Tanong ko. Sa pagkakaalala ko kasi, hindi naman niya birthday at mas lalong hindi ko naman birthday.


"No one's. Gusto ko lang bumili." Nginitian niya ako tsaka tumayo ng tuwid, "Pili ka na."


Ngumiwi naman ako pero pumili din dahil ang gaganda. I picked the minimalist white cake with a different variety of pastel green on the top of it dahil favorite ko ang green.


Pumila na siya sa counter at inorder na yung cake. May pinasulat pa ata siya sa ibabaw kaya medyo nagtagal. Pagkatapos nun ay umuwi na rin agad kami.


Ang paalam niya lang kasi kay mama, bago maghapunan ay naiuwi na niya ako eh. Papasok na sana kami sa loob ng biglang may bumusina at nakita kong paparating ang limang pamilyar na kotse.


"Omg! Nami!" Sigaw ni Mackey at lumabas na sa kotse ni Kenzo kahit umaandar ba ito tsaka tumakbo papalapit saakin.


"Shit! Mackey! Magpapakamatay ka ba?!" Rinig naming sigaw ni Kenzo mula sa loob ng kotse niya.


Wala naman pake si Mackey at niyakap nalang ako.


"Oh, dahan dahan. Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko sakanya.


"Ikaw dapat tinatanong ko nyan! Huhu, pinag-alala mo kami! Apat na araw kang walang paramdam." Humigpit yung yakap niya at halos nangingiyak na yung boses niya.


Nakarinig naman ako ng pagtawa kaya napalingon ako doon at nakita si Rachel na kakalabas lang sa kotse ni Edwin.


"Pagpasensyahan mo na ang baby natin, Naomi. Masyadong excited na makita ka," sabi ni Rach sabay pat ng mahina sa ulo ni Mackey.


"Oo sa sobrang excited willing ng magpakamatay. Dapat talaga nakachildlock yung kotse pag si Mackey yung nakasakay eh." Inis na napailing si Kenzo.


"Eh sorry na!" Parang batang pinapagalitan na sabi ni Mackey habang nakayakap pa rin saakin.


"Anyway, how are you, Nami? Are you okay?" Tanong ni Rach saakin.


Nginitian ko siya nang konti, "Medyo okay na."


"Don't worry, we already took care of the articles. Though, we couldn't control the memes that spread all over the net." Napahinga nang malalim si Edwin tsaka ako ngitian nang konti.


"Thanks." Ngumiti ako nang konti pero may halo pa rin lungkot dahil kahit nawala na yung mga articles ay kumalat at tumatak pa rin yung laman nun sa mga tao lalo na sa university.


Napatingin ako kay Gino nung bigla niyang pinalupot sa balikat ko yung kamay niya at hinimas himas niya ito, as a comfort.


"Hay, kung pwede lang burahin yung memory ng tao. Tsk." May pagkainis na sabi ni Rachel.


"Bakit yung memory lang? Kung pwede naman yung mismong tao, jokeee." Biro ni Kenzo at tinawanan lang namin ito.


"Ishot nalang muna natin nyan hahaha." Singit ni Mia na may hawak hawak pang plastik na kitang kitang may laman na gin, mga lima ata yun.


Nanlaki naman yung mata ko at napaayos nang tayo si Mackey dahil sa gulat. Don't tell me may plano silang mag-iinuman dito?! Nahihibang ba sila? O gusto nilang mamatay ako ng maaga.


"Oh? We're going to drink?" Tanong ni Thomas tsaka tinuro yung hawak hawak ni Mia.


"Mia, I told you not bring alcohol." Sabi ni Rachel.


"Wala ako dyan," sabi ni Ava na nakasunod kay Mia, "Hoy Kenzo! Bakit hindi nakaactivate yung childlock ah? Nagulat nalang ako biglang nagdive si Mackey kanina sa kalsada."


"Oo nga hahaha. Epekto ba yan ng inlove, Macks? Napapagkamalang dagat na yung kalsada?" Dugtong pa ni Mia.


"Nagiging isda na pala pag inlove." Pang-aasar pa ni Edwin sabay tawa.


Lahat naman kami nagpigil nang tawa sa mga pinagsasabi nila, except kay Mackey.


"Akala ko kasi hihinto na si Ligaya kanina! Tss, bwiset." Ayan tuloy napikon na si Mackey.


Pinatong naman ni Kenzo yung kamay niya sa tuktok ng ulo ni Mackey at pinat ito nang dahan dahan.


"Try mo kasing mag-ingat paminsan noh? Mas uso yun kesa sa pagiging clumsy," sabi ni Kenzo at tumango naman si Mackey. Nagkatinginan naman kaming lahat na may hint na ngiti saaming mga labi pero agad din naman hininto ni Kenzo yung ginagawa niyang pagpat sa ulo ni Mackey tsaka tumikhim, "Ayan na pala yung isang pasaway eh."


Napalingon kaming lahat at nakitang kakalabas lang ni Kim sa sasakyan niya na may hawak hawak na dalawang malaking bote ng San Mig.


"What the? Hoy, bitch!" Sigaw ni Mia kay Kim na akala ko naman ay papagalitan niya, "Bakit dalawa lang yan ah?"


"Yun yung concern mo?" Tanong ko kay Mia na ang concern niya ay bakit isa lang dalawa ni Kim, samantalang ako ngayon palang iniisip ko na kung saan ako titira huhu.


"Bakit ba kayo may dala nyan?!" Inis na sabi ni Rach.


"Nomnom." Kinindatan pa ni Kim si Rach na parang nang-aasar tsaka nakipag-apir kay Mia.


Napaface palm naman si Rachel sa nakita niya.


"Well, you know what they say, it's no party without alcohol." Biglang sabat ni Gino.


"Sa wakas at nagkasundo rin tayo hahaha." Sabi ni Kim at nakapag-apir pa kay Gino. Tumingin siya saakin na parang nangingiyak na pero pilit na ngumingiti tsaka ako biglang niyakap  "Gaga ka! Bakit hindi ka nagparamdam saakin ah?! Hindi mo alam kung gaano kami nag-alala sayo!"


Niyakap ko rin siya pabalik at medyo natawa kahit na may isang butil ng luha ang biglang kumala sa mata ko na agad ko naman pinunasan.


"Sorry, gusto ko lang talaga kasi mapag-isa nung time na yun kasi pakiramdam ko, lahat ng tao kinicritize na ako." Paliwanag ko sabay tingin sakanilang lahat at nakitang may pag-aalala sa mga mukha nila.


"Hoy!" Hinampas niya yung likod ko bago pumiglas ng pagkakayakap saakin, "Never kang magiging mag-isa. Andito kami oh! Hinding hindi ka namin ikrikriticize kahit nuknukan ka ng pagkainosente."


"Kaya nga! We're here for you, gurl!" Nakisama na rin si Mia sa yakap namin ni Kim.


"Are you both sure you haven't drink yet?" Tanong ni Mackey dito sa dalawang mukhang nakainom na nga.


"Naah, it's their normal state," sabi ni Ava sabay tingin saakin sabay ngiti nang konti, "I hope you're doing well."


"Eh? Why so cold naman? Wag ka na mahiya at bigyan mo na rin si Naomi ng yakap." Sabi ni Mia at bago pa man makapagsalita si Ava ay tinulak na siya ni Mackey palapit saakin para makijoin na rin sila sa hug.


Ayaw talaga kasi ni Ava sa mga hugs eh, si Mackey lang halos nakakapagpapilit sakanya hahaha.


"Hoy, cous! Panget yung hindi makijoin!" Sabi ni Kim kay Rachel at lahat na kami ay nagyakapan.


"Ano ba yan, pinapaiyak niyo ako hahaha." Pinunasan ko yung mga luhang tumulo nanaman sa mga mata ko pero this time tears of joy yun dahil natouch ako sa mga abno na ito.


Kaya kahit mga abnormal at parang mga takas sa mental sila madalas, mahal na mahal ko pa rin sila eh kasi kahit anong mangyari, lagi pa rin kaming andyan para sa isa't isa.


Naghiwahiwalay na rin kami nung nakarinig kami nang papalapit na sasakyan. Huminto yung sasakyan sa tapat ng bahay at bumaba si papa mula doon.


"Oh? Bakit nandito kayong lahat? Pumasok na kayo." Bungad ni papa saamin.


"Good evening po, tito." Bati ng mga kaibigan ko tsaka nagbless kay papa bago pumasok sa loob.


Huli akong lumapit sakanya tsaka nagbless. Inakbayan niya ako at hinalikan sa gilid ng noo ko, "Musta na pakiramdam mo, 'nak?"


"Okay naman po, pa." Ngumiti ako nang tipid sakanya at napatingin kay Gino na nasa harap namin.


"Good evening po, tito." Nagbless na si Gino sakanya.


"God bless. Yung napag-usapan natin ah, siguraduhin mo lang tutuparin mo yun kundi matatamaan ka talaga saakin at itatago ko talaga itong anak ko sayo," banta ni papa bago niya pinakawalan yung kamay ni Gino.


Kumunot naman yung noo ko at nagpapalit palit nang tingin sakanila.


Gino chuckled nervously, "Opo."


"Sige na, pumasok na kayo doon." Sabi ni papa at nauna na kaming pumasok para pagbuksan siya ng gate dahil ipapark niya pa yung kotse.


"Huy, anong napag-usapan niyo?" Nag-aalalang tanong ko kay Gino. Baka kasi kung ano anong pinagsasabi at pinapagawa ni papa kay Gino eh.


"Wala, saamin nalang yun." Nginitian niya ako at pinauna na akong pinapasok sa loob ng bahay.


Dito pala talaga sila magdidinner at talagang nagpaalam sila kila mama at papa na mag-iinuman sila ng konti dito, akala ko kasi biglaan lang eh pero nagulat ako sa mga hinanda ni mama tapos nagpadeliver pa sila Edwin. Ano? Fiesta?


Masaya naman yung dinner, halos nakalimutan ko na nga yung lungkot at sakit na naramdaman ko these past few days dahil sa saya ko ngayon eh.


"May lighter ba kayo dyan?"


Nasa labas na kami ngayon ng bahay at nag-iinuman, well, sila lang pala yung umiinom. Syempre, kahit umiinom ako nang konti, hindi muna ngayon noh, nasa loob sila mama at papa eh. Himala ngang pinayagan nilang mag-inuman kami ngayon eh pero dapat konti lang daw.


"Huy, bawal manigarilyo dito." Bawal ko kay Kim. Aba'y sumosobra naman sila kung ganun, hindi porket pinayagan na silang uminom ay maninigarilyo na rin sila.


"Tss, alam ko naman yun. Mia! Alam kong may lighter ka, pahiram." Halos pasigaw nang sabi ni Kim.


"Gagu, sinigaw pa talaga. Oh!" Hinagis na ni Mia yung lighter niya kay Kim at nasalo naman ito ni Kim, "Ano bang gagawin mo dyan?"


"Gagawan ko lang ng juice si Naomi," tinignan ako ni Kim tsaka ngumisi, "Mas masarap nga lang."


Kumunot yung noo ko sa pagtataka at si Gino mukhang naging alerto dahil bigla nalang umabante ng konti yung katawan niya mula sa inuupuan niya.


"HAHAHAHA what the f, Gino. Bakit may pag-abanteng nagaganap?" Tawa ni Mackey nung napansin din niya yun.


"Hindi raw kasi mapapagkatiwalaan itong si Kim eh hahaha." Natatawang sabi ni Kenzo.


"Hoy, Gino. Grabe ka, wala naman akong ilalagay na lason dito eh." Depensa ni Kim


"Ay nako, bro. Tama yan at bantayan mo si Kim. Halos lahat kami nabiktima na nyan." Tumawa nang konti si Edwin bago ininom yung baso niyang may alak.


Gino chuckled, "Gin na may konting juice ba?"


"More on like, Gin na walang juice hahahaha." Dugtong pa ni Rachel.


"Grabe kayo! Syempre si Naomi 'toh, kaya konting Gin lang yung ilalagay ko." Nagsimula ng magsalin ng juice si Kim sa kalahating bote ng Gin sa harap niya. Hinalo muna niya yun bago kinuha yung lighter at itapat ito sa bibig nung bote.


"Woah!" Sabay naming sabi ni Mackey kaya natawa lahat.


"Napapaghalataan yung mga hindi umiinom dito ah hahaha," sabi ni Rachel at tumawa naman yung iba.


Though, umiinom naman kami ni Mackey lalo na pag nagbabar kami kasama ang barkada pero yung mga inuman na katulad nito, sobrang dalang lang namin sumama at konti lang iniinom namin lalo na ako. Never pa akong nalasing kasi pag nalasing ako, walang magbabantay sa mga ito at wala na akong bahay na mauuwian. Si Mackey nalasing na yan eh, naligaw pa nga ng condong inuwian hahaha.


"Mainit?" Tanong ni Mackey nung shinake ni Kim yung bote nung umaapoy yun habang nakatakip yung palad niya sa bibig ng bote.


"Ay hindi, Macks, hindi. Apoy ito kaya hindi mainit." Sarkastikong sabi ni Kim sabay tawa, nagpout naman si Mackey at tumahimik nalang. 


Pinainom na nila saakin yun nung natapos nang haluin ni Kim. Infairness masarap naman siya, lasang juice.


"Masarap." Tumango tango ako habang nilalasahan yun tsaka pinagpatuloy yung inom.


"Yes naman, ayan na na-eenganyo na siya!" Hiyaw ni Kenzo.


"Dahan dahan lang sa pag-inom, babe hahaha." Pabiro na may pagpapaalala saakin ni Gino.


Bigla naman akong nahiya nung narealize agad kong naubos yung isang basong juice na may gin na binigay saakin kanina. Ang sarap kasi eh! Nakalimutan kong may halo pala yung gin.


Habang nagkwekwentuhan sila doon ay tumayo muna ako at magrefill muna ng tubig sa loob ng bahay nang maabutan ko si Thomas na nandoon din.


"Hey," Bati ko sakanya.


"Hi, kinakamusta ka nga pala ni mommy," sabi niya.


"Uhh, sabihin mo kay tita, okay lang naman hehe," pumunta na sa basyo ng tubig para lagyan ng tubig yung pitchel na hawak hawak ko. Nung tinignan ko si Thomas ay nakatingin pa rin siya saakin na may pag-aalala. Medyo natawa ako, "Why? Bakit ganyan ka makatingin ah?"


"Are you sure you're okay?"


Bumuntong hininga ako tsaka sinarado na yung basyo ng tubig dahil puno na yung pitchel.


"Uhm, siguro. Masaya ako ngayon pero hindi pa ako ganun ka-okay pero kinakaya naman." Ngumiti ako pagkatapos kong sabihin yun sakanya.


Nilapitan niya ako at pinantayan, medyo nagulat naman ako nung dahan dahan niyang hinaplos yung kamay niya sa tuktok ng buhok ko.


"I'm proud of you," sabi niya habang direktang nakatingin saakin at nakangiti.


Napangiti naman ako sakanya, "Ako rin, proud din ako sa sarili ko. Kasi akalain mo yun, buhay pa ako kahit minsan iniisip ko na gusto ko ng magpakamatay nalang hahaha."


"Tama lang yan, you haven't even take your revenge to the ones that did this you."


Naalala ko naman yung nangyari kanina kila Misty at yung mga nalaman tungkol sakanila. Totoo nga talaga yung sinasabi nilang walang perfect sa mundo noh? Lahat ng tao may flaws, hindi man sa panloob at panlabas na anyo kundi sa estado rin ng buhay.


"Okay na yun. Napatawad ko na sila kanina."


"Sila?" Nagtatakang tanong niya.


"Sila Misty. Sabi nila Gino sila Misty raw yung may gawa nun eh, kaya kanina pinaharap nila saakin para magsorry at para na rin makaganti ako sakanya. Pero pinatawad ko nalang sila at hindi na kinalat yung issues nila. Why?" Paliwanag ko sakanya.


Ilang segundo lang niya akong tinignan na para bang may pinag-iisipan siyang mabuti pero hindi kalauna'y umiling siya.


"Nothing. By the way, are you still gonna join the pageant?"


"Pwede pa ba?" Natawa ako nang peke.


"Bakit naman hindi pwede?" Thomas asked.


And then, it hit me, bakit nga ba hindi pwede?


Kung iisipin, lahat ng naiisip kong dahilan ay parang excuses ko nalang yun para hindi makasali eh dahil natatakot nanaman akong icricriticize ako. Pero wala naman sa rule ang bawal sumali ang mga retokada, diba? Tsaka kung matatakot nanaman ako, para saan pa yung pagbabagong anyo ko kung babalikan ko rin naman yung dahilan kung bakit ko ito ginawa? Wala naman akong ginawang masama ah? Nagpaganda ako para magawa yung mga gusto ko, para kahit papaano magkaconfidence ako at hindi na matakot humarap sa ibang tao.


Hinarap ko si Thomas pagkatapos kong mag-isip, "Oo nga naman. Bakit nga ba hindi pwede? Sayang lang effort niyo para tulungan ako, diba?"


"Tsaka sayang din effort mo para marating ito," tinap niya yung isang kamay niya sa balikat ko, "Kaya mo yan, we'll be supporting you."


"Kahit sila Mackey at Kenzo?" Pabiro kong tanong. Syempre kasi may sariling reporesentative yung program nila noh hahah.


"I'll talk to them pag hindi sila pumayag, edi F.O. hahaha joke."


Parehas kaming natawa sa sinabi niya. Nag-usap pa kami nang konti bago namin napagdesisyonan na bumalik na kaya lang nagpaiwan muna ako dahil nakita ko yung cake na binili namin kanina ni Gino. Tsk, bumili bili pa ng cake tapos hindi naman kakainin. Sayang lang pera.


Binuksan ko na yun para ihanda na pero napahinto ako nung nakita ko yung nakasulat sa taas.


'You are beautiful & You are loved, Princess'


Hindi ko naman maiwasang mapaluha dahil sa saya sa nabasa ko. Hay nako, paminsan sumosobra rin yung pagkasweet nung lalaking 'yun eh.


Nagbago na yung isip ko at saakin nalang pala itong cake haha baka asarin pa kami ng barkada at nakita nila ito.


Alas-dose na nung nagsiuwian sila dahil may mga klase pa bukas. Natulog na rin ako agad pagkatapos kong magligpit at maghilamos. Nakatulog ako na may ngiti sa mga labi ko dahil kahit papaano nawala yung bigat na nararamdaman ko.


Maaga akong nagising kinabukasan. Alas-otso pa yung klase ko pero alas-singko palang gising na ako at hindi na makatulog ulit kaya naghanda nalang ako para pumasok.


Pagkatapos maligo ay humarap na ako sa salamin ko at naglagay na ng moisturizer pero bago ko pa man ilagay yung foundation sa mukha ko ay napahinto ako. Kung walang foundatiom at concealer, makikita yung mga bakat ng pimples ko pero okay lang maganda pa rin naman.


"Powder nalang muna siguro," sabi ko sarili ko tsaka kinuha yung powder.


Hindi muna rin ako gagamit ng contacts ngayon dahil mas trip kong magsalamin mun. Tinali ko na rin yung buhok ko dahil mas comfortable ako ng ganito lalo na't magcocommute lang ako ngayon. Pagkatapos ng lahat ay tinignan ko yung sarili ko sa full body mirror na nakadikit sa cabinet ko.


"Yep, this is me." Ngitian ko yung sarili ko tsaka kinuha na yung bag para mag-almusal.


Sakto naman naabutan kong kakatapos lang ni mama na magluto ng almusal.


"Maganda umaga po, mama at papa." Masiglang bati ko sakanila at hinalikan sila sa pisngi.


"Oh? Ang aga mo ah," sabi ni papa tsaka napatingin sa soot ko, "Papasok ka na?"


"Papasok ka ng ganyan yung itsura mo?" Gulat na sabi ni mama pero agad din nakarecover, "I mean, ang tagal na kitang hindi nakikitang nakaganyang pumasok eh lalo na yung salamin, pero maganda naman."


"Opo, pa, ma. Papasok na po ako. Madami pang kailangan gawin sa school eh, " sabi ko tsaka umupo na sa hapagkainan.


"Sure ka?" Nag-aalalang tanong ni papa, "Hatid na kita."


Umiling naman ako, "Wag na po, pa. Malalate po kayo sa trabaho niyo kaya ko na po."


"Eh si Gino ba? Hindi ka susunduin?" Tanong ni mama tsaka tumingin sa gate mula sa bintana ng bahay, "Dati, araw araw siyang andito. Asan na ba yun?"


"Maaga po pasok niya ngayon kaya sinabihan ko na po siya kagabi na 'wag niya na akong ihatid," paliwanag ko sakanila dahil baka mainis sila kay Gino.


"Sige na, ako na maghahatid sayo," aangal na sana ako sa sinabi ni papa pero agad siyang nagsalita, "Asan na ba si Emily? Malalate nanaman yung batang iyon. Emily!"


Sabay sabay na kaming nag-umagahan at pagkatapos nun ay hinatid na kami ni papa papasok sa school. Ako muna ang inuna para hindi na bumalik si papa pag si Emily yung inuna, since malapit lang yung work ni papa sa UP Diliman.


"Ate, oh, pampagood vibes sa umaga mo." Sabi ni Emily mula sa likod ng kotse sabay pakita nung phone niya.


Nanlaki naman yung mga mata ko nung narealize kong graduation picture ko pala yun nung highschool.


"Hoy! Ako yan ah?! Anong nakakagoodvibes dyan?!"


"Hahahaha oo nga, ikaw nga ito. Look at the caption kasi," sabi ni Emily at tinignan ko naman yung caption.


ginodelavegaaa : I always knew and it didn't bothered me. I still love her 💗


In an instant napalitan agad yung nakakunot kong noo nang nakangiti kong labi. Iniswipe ko naman yung next picture at nakita yung isa sa mga picture ko na kinukunan niya pag kumakain kami sa labas, naka eyeglasses pa ako nun pero ang laki ng ngiti ko, siguro tuwang tuwa ako nito sa pagkain haha. Tinignan ko yung time kung kailan niya yun pinost, kahapon pa pala.


"Oh, edi ngayon kinikilig ka hahaha." Asar ni Emily at umayos na nang upo sa likod.


"Ano yan ah? Patingin nga rin ako," usyosong sabi ni papa.


"Bawal pong tumingin ang mga walang IG." May halong pang-aasar na sabi ni Emily sabay belat kay papa.


"Aba aba. Hindi kita ihahatid dyan eh," banta ni papa.


"Okay. Doon nalang po ako sa office niyo tatambay." Ngumiti nang malawak si Emily kasi alam niyang mas hindi papayag si papa doon.


Nakarating na kami ng school pagkaraan ng ilang minuto, gusto pa nga ni papa na ihatid niya ako sa mismong classroom eh. Jusko, ano? Kinder o gradeschool lang ang peg?


Bago pumasok sa campus ay huminga muna ako ng malalim at pinaalalahanan yung sarili ko na maging confident kasi for sure, magiging center nanaman ako ng attention.


As expected, habang naglalakad papunta sa first subject ko ay hindi maiwasan ang mga bulungan at mga panghuhusgang mga tinging tinatapon saakin ng mga estudyante pero patuloy lang ako sa paglalakad at sinubukang hindi yumuko o mahiya.


Pagkarating ko sa classroom namin, ang maingay na silid ay nabalot ng katahimikan nung nakita nila ako.


"Naomi!" Sigaw bigla ni Kate tsaka niyakap ako, sumunod na rin yung ibang mga naging kaibigan ko rin dito sa block na ito, "Sa wakas pumasok ka na rin!"


"Kaya nga gurl! Pinag-alala mo kami!" Sabi ni Tricia, isa sa mga kablockmate rin namin.


Napatingin naman ako sa direksyon kung saan nakaupo si Tyne at nakitang parang naiiyak na siya habang nakatingin saakin pero agad din umiwas nang tingin.


Hindi naman ako makapaniwala na nag-alala sila saakin kahit papaano, binigyan pa nga nila ako ng notes galing sa mga previous na topics nung nakaraang araw tsaka tinulungan nila ako sa mga namissed out kong mga activities. Akala ko, pagkatapos nung lumabas yung katotohanan, mag-iiba na yung tingin nila saakin pero hindi.


Except kay Tyne na tahimik lang sa likod ko at pagtumitingin ako sakanya ay bigla bigla nalang siyang magheheads down at matutulog. Tapos si Gabby na kanina pa ring walang pansin sa kabilang dulo ng classroom. Nakakalungkot lang na kung sino pa yung dalawang pinakaclose ko sa block, sila pa yung hindi pumapansin saakin pagkatapos lumabas yung katotohanan tungkol saakin.


"C.R. muna ako." Paalam ko kila Kate at tumango naman siya. Tumingin ako kay Tyne at ayun hindi niya pa rin ako tinitignan. Galit ba siya?


Pumunta na akong C.R. at dahil lunch time ay maraming estudyante pagkapasok ko.


Pagkalabas ko ng cubicle ay nakita ko si Gabby na nandoon din sa harap ng salamin, naghuhugas ng kamay. Nginitian ko siya nung tumabi na ako sakanya para maghugas din ng kamay pero hindi niya ako pinansin.


"I can't believe that you still came to school after that." Sarcastic na sabi ni Gabby pagkalabas ng mga babae na kasama namin dito sa C.R. kanina.


"Huh?"


Pinatay na niya yung gripo sa tapat niya at nagpunas na ng kamay tsaka humarap saakin.


"Hindi ba pwedeng mawala ka nalang? Kulang pa ba na nalantad na yung sekreto mo? Psh, nakakasira ng araw." Umirap siya pagkatapos niyang sabihin yun at binangga pa ako sa balikat bago tuluyang umalis.


Naiwan ako doon na gulat at nakaawang yung bibig dahil sa mga narinig na salita galing sa taong tinuturing ko na kaibigan ko.


Nandito na nila Tyne at Kate sa labas ng campus at kumakain na ng lunch nang bigla kaming lapitan ni Gabby.


"How dare you?" May panggigil na sabi ni Gabby.


Tinignan ko naman siya na naguguluhan at tumayo na sa harap niya, "Anong sinasabi m--"


Hindi ko pa natatapos yung sinasabi ko nang bigla niya akong sampalin.


"Gabby!" Sigaw ni Kate at napatayo silang dalawa ni Tyne sa tabi ko.


"How dare you accuse me?! Are you that desperate to seek for attention? Nagpaganda ka para mapansin ng iba at jowain ang isa sa mga sikat na basketball player. Pinaniwala mo ang lahat na innosente ka. Tapos ngayon na nalaman  nilang fake lang pala yan at kung gaano ka kapanget, gumawa ka nanaman ng eksena na parang victim ka, eh ikaw nga itong nanloko! Tapos ngayon inaakusan mo na ako yung nagpost nung articles? Wow, galing mo rin noh? Wait, until I tell my mother about this, I can sue you for false accusations!" Sabi ni Gabby.


"I..I.." Hindi ko na alam yung sasabihin ko dahil naiiyak na ako at feeling ko anytime babagsak na ako. Napatingin naman ako sa paligid at nakita lahat ng tao ay nakatingin na saamin ngayon.


"Tama na nga yan, Gabby! Ano bang pinagsasabi mo?" Singit ni Tyne saaming dalawa.


"Eh totoo naman eh! She's desperate and pretentious!" Sigaw pa ni Gabby na dahilan kung bakit nagsibagsakan na yung mga luha ko, mas masakit pala pag nanggaling na sa tinuturing mo na kaibigan yung mga masasakit na nasalita noh.


"Well, At least she's genuine and not a two-faced bitch."


Napatingin naman kaming lahat sa nagsalita at nakita ko agad si Ava na papalapit saamin.


"Anong sinabi mo?" Tanong ni Gabby.


"You heard me," Pumwesto na si Ava sa pagitan namin at humarap kay Gabby, "Two-faced bitch."


"At talagang inulit mo pa ah--" Sasampalin na sana ni Gabby si Ava nang bigla ulit nagsalita si Ava.


"Republic Act No. 10627, RA 9262, RA 9995, Republic Act No. 10173, and Violating the code of student's conduct on bullying." Walang emosyon at tuloy tuloy na sabi ni Ava kay Gabby, "Siguro naman alam mo lahat ng yan, since you have the guts to sue someone."


"N-natural alam ko lahat ng yan. Hindi lang naman ikaw yung may magulang na lawyer noh! Eh bakit mo ba nirerecite?!"


Ava raised a brow, "Idiot. Yan yung mga kasong pwede mong harapin at madadagdagan pa yan the moment you touch my face with those filthy hands of yours."


Tumawa naman si Gabby ng peke at hindi na niya tinuloy yung pagsasampal kay Ava, "You have no evidence, so don't you dare accuse me."


Ava smirked and stepped closer to Gabby, "Believe me when I say, I have every evidence to take you down. So, don't push me."



-----------------<3-----------------

Continue Reading

You'll Also Like

9.5K 518 52
RULES FOR LOVE SERIES #1 Sa mundo ng mayayaman hindi mo masasabing masaya ka purkit marami ka ng kayamanan, alahas, sasakyan at mga empleyado. Sa pam...
139K 2.1K 47
Everything turned the way she does not want it to be. Life became tougher than what she experienced before. Her soul was torn. It was ravished and vi...
62.2K 1.4K 47
Randi Ealasaid Abha Maarit "Ream" Lajani was born to be the best. She was used to ace everything. She was taught on how to make everything on her fav...
1.9M 94.9K 36
[NOW A FREE STORY] PeΓ±ablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...