Trials Of Fate

By Aisaacolie

1.2K 142 0

Yimnia Vicky Grearta has a goddess-like beauty and a mysterious aura. Throughout her life, she has always fol... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 6

20 5 0
By Aisaacolie

Chapter 6

Slap

"Paano mo nalaman?"

"Hindi ba halata? Titig mo palang halatang gusto mo siya, Yimnia. You're in love with him pero hindi ka makaamin hindi ba? Dahil natatakot ka? Don't worry hindi ko sasabihin sa kanya. Huwag ka ng malungkot, Gusto ka pa din niya. Ikaw pa din ang gusto niya walang iba." Mahabang sagot niya.

Napanganga ako dahil ngayon lang humaba ang sagot niya.

Ngumisi siya at ginulo ang aking buhok bago umalis, Inis kong inayos ito. Nawala ang inis ko ng maramdaman nakatingin sa akin si Aiden.

Mabilis din siyang umiwas.

Tumakbo sa gawi ko si Rona, "Bes, naunahan ka na. Tara na nga lang sa canteen."

"Ayaw ko."

"Bakit?"

"Hindi ako sanay." Sagot ko sa kanya.

Sa totoo 'nan naiingayan ako.

"Ano kaba? Tara na. What if nandoon si Felix? Tara na." Hinila niya ako kaya nagpadala ako.

Pagpasok namin sa cafeteria, Agaw pansin kami ng lahat. Nawala lamang iyon ng may nagsapukan.

Mabilis na tumakbo si Rona sa gawi ng mga lalake at hinawakan ang pulso ng isa. Lumapit ako doon pero napatigil ako ng makitang masayang nag uusap ang dalawa dito sa cafeteria.

Naghanap ako ng mauupuan sakto namang sa tapat nila Aiden may bakante.

Bumuntong hininga ako, Umupo ako doon at binuksan ang lunchbox ko. Nakatalikod sa akin si Aiden kaya hindi ko nakikita kung masaya ba siya pag kausap si Angela. Sa totoo lang nasanay na ako na kinukulit niya ako.

Tumigil na ang awayan kaya naman pumunta sa gawi ko si Rona. Nahagip ng mata ko ang dalawa si Ares at Naomi. Masaya itong nag uusap. Napahamak na nga siya tapos dikit pa siya ng dikit. Si Ares naman hinahayaang dumikit sa kanya si Jihan.

"Bes." tawag niya sa akin.

Tumingin ako sa gawi niya. "Sino iyong hinalbot mo sa kamay?"

"Kapatid ko si Tres, nakipag away. ang batang iyon naaapektuhan kasi kapatid ko sa pinagsasabi nila." Sagot niya.

Hindi na ako umimik at kumain na lamang,

"Ang sweet ng dalawa, parang nakamove-on na agad sayo si Aiden ah? Grabi ilang taon din ang paghahabol nan sayo. Ngayon lang pala siya susuko. Infairness bagay sila ni Angela." Wala sa sariling aniya.

Napatingin siya sa akin. Naramdaman niyang tumigil ako sa pagkain kaya tumigil siya.

Ang sweet nga nila, kakalimutan niya na ba ako? Nakamove-on na ba siya? Bakit ba iniisip ko lagi mga negative think?

"Ano kaba, bes? Oo bagay sila pero mas bagay kayo. Huwag ka ng magselos." Natatawang aniya.

Umiling ako at nagsimula ulit kumain. "I'm not." Maikling sagot ko.

"Maniwala, halata naman sa mukha mo. Naguguilty kana ba? Bakit kasi ni-reject mo agad? Iyan tuloy, baka sumuko na talaga iyan sayo."

"Nasanay na ako." Seryosong sambit ko.

"Nasanay sa prisensya niya? Gusto mo siya pero natatakot kang umamin? What if sumuko na iyan? What if magkagusto na iyan kay Angela? Paano ka? Hahayaan mong masaktan ka?" Mahabang tanong niya sa akin.

Ang dami niyang tanong sa totoo lang. Hindi ba pwedeng isa-isa?

"Ewan."

"Ewan iyon lang sagot mo?"

"Kumain kana nga lamang ang daldal mo." Inis na sagot ko sa kanya.

Kaya napatikom siya ng bibig.

Nahiya ata, hindi pa naman kasi ako sanay na kasama siya o makipagkwentuhan ng mahaba. Nahimik na lamang kaming kumakain. Minsan panay sulyap ko sa dalawa.

Halata sa babae na namumula ito, Ano pinagk-kwentuhan nila? Nabanat din ba siya katulad ng mga banat niya sa akin?

May tinuro si Dean sa likod ni Aiden kaya napatingin si Aiden sa gawi ko. Mabilis akong umiwas at mabilis na kinain ang aking pagkain.

"Aalis na ako." paalam ko.

"Ang bilis mo namang kumain." nagtatakang aniya.

Hindi na ako nagsalita at mabilis na naglakad palabas ng canteen. Nakita niya na nakatingin ako sa kanilang dalawa? Akala ko iba tinuturo ni Dean pero hindi pala. Ako pala ang tinuturo nito.

Halata ba na nagseselos ako? Teka, hindi ako nagseselos. Oo inaamin ko na gusto ko talaga siya pero hindi ako nagseselos.

Umakyat ako sa rooftop at doon inubos ang aking pagkain. Sinalpak ko ang dalawang earpods sa aking tenga pagkatapos ko kumain. Pumikit ako habang ninanamnam ang simoy ng hangin.

Ngayon, ang tahimik dito sa rooftop wala ng Aiden nangungulit sa akin. Wala ng Aiden na nagbibiro sa akin kahit ang korny ang joke niya at wala na ding nangungulit.

Nakakapanibago pala.

Napamulat ako ng mata ng may humigit sa isa kong earpod. Napatingin ako sa gawi nito.

"What are you doing here?" Malamig na tanong ko sa kanya.

Kasunod niya si Basty.

Hawak nito ang lunchbox na para kay Aiden. Lumapit siya sa akin at ibinigay ito. "Thank You," pagpapasalamat niya at umalis na para iwan kaming dalawa.

Tumingin si Aiden sa hawak kong lunchbox. "Para sa akin iyan hindi ba?"

Hindi ako umimik at kukunin ko sana isa kong earpod kaso itinaas niya ang kaniyang kamay. "Sagutin mo ako, Yim."

"Oo, Para iyon sayo. Ayus na? kaso naalala ko sinabi mo na hindi na kailangan kaya ibinigay ko na kay Basty." Seryosong sambit ko sa kanya.

Pero ibibigay ko naman sana sa kanya kaso naunahan ako.

Binaba niya ang isang kamay kaya nakuha ko ito. "Hinintay ko na ibigay mo iyan akin. Ibibigay ko sana iyong binigay sa akin ni Angela pero ng nakita kong ibinigay mo iyong lunchbox na para sa akin. Hindi ko na binawi iyong bigay niya."

Hindi ako umimik, Nakatingin pa din ako sa mga mata niya. Halatang galit siya. "Nagseselos ako." dugtong niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Pero noong naalala ko noong tinanggap niya iyong binigay sa kanya ni Angela nagalit ako.

Nagseselos siya mas nagseselos ako.

"Bakit ka nagseselos? Wala ka namang karapatan magselos dahil walang tayo. Hindi kita gusto okay? Kaya tigilan mo na ako." Sigaw ko sa kaniya.

I didn't know what went through my mind so I said that. That's not really what I'm going to tell him. I was just so jealous. Sabi ko hindi ako nagseselos pero bakit parang nagseselos ako?

The anger disappeared from his face when I shouted at him. It made me sad so I felt guilty again. He turned to me and left. I close my eyes and tears flow. I can't stop what I'm saying. Yes I am jealous but I have no right to be jealous because we do not exist. When I told him to stop I was guilty, I knew he was going to stop.

Titigil na siya kakahabol sa'kin.

"Bes, Tara sa canteen bibili." Sigaw ni Rona.

Sinalpak ko na lamang ang dalawa kong earpods.

Hindi na ako nagdala ng isang lunchbox para kay Aiden. I want to say sorry to him, I hurt him. Hindi ko sinasadya, Sobrang nagselos lamang ako.

Napatingin ako kay Aiden na nakikipagtawanan sa kaibigan niya, Hindi niya na ako kinulit. Oo nga pala sa susunod na lunes ang uwi ng kambal. At wala akong maiibalita sa babaeng iyon. Wala akong ganang magkwentu sa kanya.

"Dito na lamang ako kakain." Seryosong sagot ko sa kanya. Hindi narinig ni Aiden ang sinabi ko. Hindi pa sila nakakalabas.

Tumango na lamang si Rona.

Kinuha ko ang aking lunchbox at nagsimula ng kumain. Wala akong pakialam kung nandito sila. Wala na din naman siyang pakialam sa akin. May biglang lumapit sa gawi ko.

"Hey." Sabi ni Sebastian.

Tumingin ako sa kanya ng seryoso. Tinanggal ko ang aking isang earpod.

"What?"

Akala ko tahimik siya pero ngayon hindi na. Sa tingin niya parang binibiro ko siya.

"You want to say sorry to him, right?" He asked. Bulong lamang iyon.

"Narinig mo usapan namin?" I asked back.

Tumango siya.

Hindi ko narinig ang sinabi ni Sebastian ng marinig ang boses ni Aiden. Kinakanta niya ang kaniyang paboritong kanta. Nirequest kasi ni Dean na kantahin ni Aiden iyong 'Walang Iba'

"Ilang beses ng nag away
Hanggang sa magkasakitan
Hindi na alam ang pinagmulan," Kanta niya.

Walang iba, paborito niyang kanta ito ayaw kong mag assume na para sa akin iyon. Nagtama ang paningin namin ni Aiden kaya bumilis tibok ng puso ko. Lungkot ang nakikita ko sa mga mata niya.

"Pati maliliit na bagay
Na napag uusapan
Bigla na lang pinag aawayan
Ngunit kahit na ganito
Madalas na di tayo magkasundo
Ikaw lang ang gusto kong
Makapiling sa buong buhay ko."

Lumunok ako, pabilis ng pabilis tibok ng aking puso. Para sa akin ba iyon? Hindi ba masamang mag aassume? Para kasing iyong kantang iyon ay para sa akin. Ako lang naman ang kinukulit niya walang iba. Pero noong ni-reject ko siya hindi na siya nangungulit. Hindi ko alam kung susuko na ba siya. Sabi ng puso ko huwag siyang sumuko. Sabi naman ng utak ko sumuko na siya. Wala siyang mapapala sa isang tulad ko.

"Kahit man binabato mo ako ng kung ano-ano
Ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit man sinasampal mo ako't sinisipa
Nasusugatan mo
Ikaw pa rin walang Iba, Ang gusto kong maka...sama.
... ...Walang Iba ha, Walang iba."

Nang matauhan ako mabilis akong umiwas at kumain na lamang ulit. Ramdam ko ang aking pamumula kaya narinig kong tumawa ang lalakeng nasa harapan ko. Umalis na siya kaya wala ng manggugulo sa akin.

Manggugulo? Napatingin ako kay Aiden, Hindi niya na ako kinukulit. Nasanay na talaga akong sa prisensya niya.

"Para kay Pres ba iyon?" Natatawang tanong ng isang kaibigan niya. Hindi umimik si Aiden. Tumayo siya.

Lalabas na sana siya ng tawagin ko siya.

"Aiden!"

"Felix, tawag ka ng Miss Universe mo." Natatawang sambit ni Dean.

Umiling siya at deretsyong lumabas. Napayuko ako. Iniiwasan niya na ako. Mabilis akong kumain at lumabas na para hanapin si Aiden.

I need to say sorry, Kahit iyon lamang. Pagkatapos noon wala na. Nakakapanibago na, Hindi na siya mangungulit. Nagsorry na ako sa kaniyang noong isang araw pero kahapon nasaktan ko siya kahit hindi nya sabihin nararamdaman ko.

Lalo ko siyang sinaktan at lalo akong naguilt. What if magkagusto siya kay Angela?

Lumabas ako at hinanap ko siya. Kakaunti ang tao sa hallway. Pumunta ako sa locker room wala siya. Ayaw ko namang pumunta sa canteen dahil tinatamad ako. Ang daming tao sa canteen hindi pa ako sanay.

"Naomi!" Sigaw ko kay Jihan.

Tumakbo ako sa gawi niya.

Kaya tumigil siya.

"Bakit, Yim?"

"Where's Aiden?"

"Nasa canteen iyon." sagot niya.

Pumikit ako at napabuntong hininga.

Malungkot akong umakyat sa rooftop. Ayaw kong manghingi ng sorry sa kanya sa canteen madaming tao.

Nakakahiya.

Nakayuko ako habang papaakyat sa rooftop, Tumama ako sa isang matigas na bagay. Tumingala ako at nakita ang seryosong mukha ni Aiden.

"Aid-" magsasalita na sana ako ng nilampasan niya ako.

Lumingon ako sa gawi niya. Tumakbo ako. "Aiden, please pansinin mo ako."

Nagtatakbo pa din ako habang pababa kami. "Mr. Mont- Aray,"

Napatigil ako ng natimpalok ako sa may hagdanan, Narinig kong nagmura siya.

Ang sakit.

"Tangina, bakit ka kasi nagtatakbo?" He asked seriously.

Binuhat niya akong parang bridal style at umakyat papunta sa rooftop.

Nilapag niya ako sa upuan. "Bakit ka kasi nagpapahabol? Are you avoiding me? Sorry sa sinabi ko kahapon Sorry kung si-Aray dahan-dahanin mo naman."

Hindi siya umimik habang pinapagaling niya ang aking paa. Tumingin ako sa mukha niya, Seryoso niyang hinihilot ang aking paa napangiti ako. Sana hindi ka sumuko. Bakit ba hindi ako makaamin? I hurt him, Hindi ko sinasadya nadala lamang ako ng selos. Oo gusto ko sa akin lang siya nangiti o nagj-joke gusto ko sa akin lang huwag sa ibang babae.

Ang selfish ko naman kung ganoon.

"Masakit paba, Pres?" Seryosong tanong niya, Natauhan ako at nawala ang ngisi sa aking labi.

"Nope, hindi na." Sagot ko sa kanya. "Hey, Mr. Montero are you avoiding me? Sorry sa sinabi ko. I know I hurt you."

"Hindi kita iniiwasan."

"Bakit noong tinatawag kita hindi mo ako pinapansin?"

Hindi siya umimik.

Tatayo na sana siya pero hinawakan ko ang kaniyang pulsunan. Akala ko kasi aalis na siya.

"Pres, huwag mo naman akong paasahin. Ngayong alam muna na gusto kita, Oo iniiwasan kita ayus na? Ang tagal kong nagpapansinan sayo pero wala akong napala." Seryosong sagot niya sa 'kin.

Lumunok ako. Wala ka din namang mapapala sa akin. Boring akong tao puro aral ang inaatupag ko.

"I know." Pag-amin ko.

"What did you say Pres?"

"I know you like me, nakikita ko. Sa tuwing kinukulit mo ako nahahalata ko." Seryosong sagot ko.

Kahit nag aaway kami seryoso pa din ang expression ko.

"Nakikita mo pala. Bakit nagpapakamanhid ka? Alam mo kung bakit gusto kitang iwasan? Dahil gusto kitang kalimutan, Wala naman akong pag asa hindi ba? Madami pa naman diyang ibang babae." Sigaw niya.

Pinilit kong huwag tumulo luha ko. Bakit ba may kumocontrol? Ginusto kong tigilan niya ako pero bakit parang sabi ng puso ko huwag? Sanay na ako na kinukulit niya ako, Sanay na ako sa mga jokes niya. Sanay na ako pagnandiyan siya.

Hindi ako umimik.

"Mauna na ako, Pres." Malamig na sambit niya.

No'ng umalis siya napatingin ako sa baba. Madaming tao nakikita ko dito ang tambayan.

Malapit ng magbell kaya tumayo na ako at bumaba na, Nakatingin ang iba sa akin habang ako walang pakialam na naglalakad sa hallway. May nanggulat sa akin kaya nabigla ako.

"Kanina pa kita hinahanap, sabi sa akin ni Felix nasa rooftop ka daw. Nag usap na kayo?" Tanong ni Rona sa 'kin.

Tumingin ako sa kanya, Malungkot ako pero hindi ko pinapahalata na malungkot ako.

"Kahit itago mo iyang nararamdaman mo, nakikita ko? Anong nangyari?"

"Umamin siya, he said his avoiding me. Iniiwasan niya ako dahil iyon ang gusto niya. Para naman daw makalimutan niya ako. Ang tagal niya ng naghabol sa akin ngayon lamang siya titigil. Wala daw talaga siyang pag asa sa akin." Mahabang sagot ko sa kanya.

Dahil mas matangkad ako. Tumingkayad siya at inakbayan ako.

"Hindi ako naniniwala na makakalimutan ka niya. Baliw na baliw iyon sayo. Nasaktan lang talaga siya."

Pumasok na kami sa room namin, Saktong nandito na ang next subject namin.

Tahimik akong umupo at hindi na tiningnan si Aiden.

"Malapit na ang final exam, kaya galingan niyo mga bata. Goodbye class." paalam sa 'min ng last teacher namin.

Nagpaalam na kami, Niligpit ko ang aking gamit. Habang nagliligpit ako lumapit sa akin si Jihan.

"Yim, Anong nangyari kay Fel? Halatang malungkot siya?" Tanong niya sa 'kin.

Wala siyang kaalam-alam sa nangyari. Nagiging busy siya kakasunod kay Ares.

Lumapit din si Rona. "ni-reject niya boy best friend mo."

"Hala! Ngayon lamang nareject ang lalakeng iyon." Gulat na aniya.

"Naomi! Let's go, Lagot ka kay Tita." Sigaw ni Aiden.

Tumingin ako sa kanya. Nakatingin siya kay Jihan. Hindi siya tumitingin sa akin.

"Overprotective na si Felix, napapahamak na kasi si Jihan dahil kay Ares." Rona said.

Oo nahahalata ko iyon. Hindi ko na minsan nakikitang magkasama ang dalawa.

"Sama ka, bes?"

"Sa'n?" I asked back.

"Basta, para naman sumaya ka. Maaga pa naman e." Masayang sagot niya.

Hinila niya ako kaya nagpahila ako.

Pagkalabas namin sa gate, pinapasok ko si Rona sa sasakyan namin. Ayaw niya gusto niya magtataxi na lang kami pero ayaw ko din naman. Kaya no choice siya kun'di sa amin siya sasakay.

"Mahilig ka sa aso?" Tanong niya sa akin,

"Yes." pero hindi ako makabili dahil allergic si Mommy sa aso.

"Doon na lamang tayo."

Sinabi ko kay Manong kung saan kami pupunta.

"Yimnia, Magagalit ang mommy pagginabi ka." Nag-aalalang ani Manong.

"Manong ngayon lang naman po." Malambing na sagot ko.

"Sige na nga. Basta madali lamang kayo. Magagalit sa'yo mommy mo." Manong said.

Tumango ako nag apir-an pa kami ni Rona.

"Wow, ang cute." Manghang sambit ko habang nakangiti.

"Gusto mo iyan, Bes?"

"Oo, bes. But allergic si Mommy diyan gusto ko sanang bilhin."

May pera naman akong baon. Bigay sa akin ni Daddy. Ang laki nga kaso hindi ko nagastos.

"Ako na bahala sa pet mo. Anong ipapangalan mo? Gusto mo ako magpangalan?" She asked.

Tumango ako.

"Royi na lang?"

"Royi?"

"Para Rona×Yimnia, Pinagdugtong ko lang Royi."

Napangiti ako, Kahit ang corny ng name maganda pa din para sa akin. Hinatid ko pauwi si Rona sa kanilang bahay habang dala ang pet ko.

Chuwawa iyon.

Ang cute, babae ang pet namin. Akala niya sa akin lang iyon pero sa'mim iyong dalawa.

Pagpasok ko sa mansyon, Bumungad sa akin s Mommy. Nakaupo ito habang seryosong nakatingin sa akin. Tumayo siya at lumapit sa gawi ko.

"Sa'n ka galing?" Seryosong tanong niya.

Hindi ako umimik, Tila may bumara sa lalamunan ko. Oo takot ako kay Mommy. Gusto ko lang naman sumaya kasama si Rona kaya walang alinlangang sumama ako sa kanya.

"Gabi na Yimnia Vicky Grearta! Naglakwarsya ka na naman ano?" Sigaw niya sa'kin.

"Mommy, May pinuntahan lang naman po kami ng kaibigan ko. Tsaka ngayon lang namam po ako naging m~" Napatigil ako sa pagsasalita ng sinampal niya ako.

Tumakbo sa gawi ko si Manang at pinagsabihan si Mommy, Tumulo ang luha ko. For the first time she slapped me.

"Yim, anak. I'm sorry," naiiyak na sagot ni Mommy. Habang ako naman patakbong pumasok sa kwarto ko at humagulgol.

She slapped me, i didn't expect na mangyayari ito. Gusto ko din naman makagala kahit saglit. I follow everything, don't I?  How about me?  I want to be with my new friend, Gusto ko ding sumaya gusto kong lumaya. But, Mommy would get even angrier with me if I didn't study well.  I want to be free but I can't.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 35.1K 47
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
4.6M 293K 107
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
4.1M 170K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
226M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...