BHO CAMP #4: The Retribution

By MsButterfly

3M 72.3K 5.6K

I'm Serenity Hunt. A simple woman with a simple life. Or that is what I'm trying to show everyone. Maayos na... More

BHO CAMP #4: The Retribution
CHAPTER 1 ~ Serenity ~
CHAPTER 2 ~ Supladong Alien ~
CHAPTER 3 ~ Kiss ~
CHAPTER 4 ~ Forever ~
CHAPTER 6 ~ Detective ~
CHAPTER 7 ~ Game Time ~
CHAPTER 8 ~ Unravel ~
CHAPTER 9 ~ Fifth ~
CHAPTER 10 ~ Storm ~
CHAPTER 11 ~ Ale ~
CHAPTER 12 ~ Code ~
CHAPTER 13 ~ Yat Yat and Mi Mi ~
CHAPTER 14 ~ Beauty ~
CHAPTER 15 ~ Fiancé ~
CHAPTER 16 ~ Warning ~
CHAPTER 17 ~ Tears ~
CHAPTER 18 ~ Start ~
CHAPTER 19 ~ XX ~
CHAPTER 20 ~ Promise ~
CHAPTER 21 ~ Call ~
CHAPTER 22 ~ Face ~
CHAPTER 23 ~ Failure ~
CHAPTER 24 ~ End ~
CHAPTER 25 ~ Through The Years ~
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
Up Next

CHAPTER 5 ~ Visit ~

95.7K 2.4K 116
By MsButterfly

CHAPTER 5

HERMES' POV

Napatigil ako sa ginagawang pagluluto nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell. Pinatay ko muna ang kalan at naglakad ako papunta sa pintuan habang nakasunod sa akin ang kinauupuan ni Ale. It's an experiment department invention for the children of the agents. May kasama iyon na bracelet na kailangan ko na suotin para sumunod sa akin ang upuan. It's safe and convenient and it can even go up and down the stairs.

May pinindot ako sa maliit na screen sa gilid malapit sa pinto at napakunot ang noo ko ng makita ko roon ang mukha ni Phoenix, isa sa mga kasamahan ko sa BHO CAMP. "What the hell?"

Isa sa mga dahilan kung bakit pinili ko na magbakasyon muna ay dahil sa ayokong makita ang mga agent. Dahil kahit hindi nila sabihin nararamdaman ko ng pag-iba ng kilos nila kapag nasa malapit ako.

Nakakatawa minsan kasi kung tutuusin sino ba ako sa buhay ni Storm? I'm just a man who's helplessly and foolishly in love with her.

Binuksan ko ang pintuan at kunot noo pa rin na hinarap ko ang lalaki. "Anong ginagawa mo dito?"

"Hello to you too."

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko na hindi pinansin ang sinabi niya.

Bumuntong-hininga ang binata at itinuro ang kotse niya. "Pinapadala ni Tita Hurricane. She said that Ale loves him."

Tinignan ko ang nasa likod ng backseat niya. I can see Storm's pet clearly from where I'm at dahil nakababa ang bubong ng sasakyan ni Phoenix. "Thanks."

"Dala ko din ang mga pagkain ni Miming. Marami ang mga iyon." sabi niya. "Gaano ka ba katagal dito?"

"Awhile." I lifted a chin towards his car. "Pakipasok na lang sa loob ng mga pagkain."

Walang salita na tumalikod ang lalaki at naglakad papunta sa kotse niya. Binuksan niya ang pintuan sa backseat at patakbong lumapit sa akin si Miming. I lean down and scratched his ears. "Good to see you, boy."

May kung anong kumirot sa puso ko habang nakatingin sa aso. Yes, a dog. Si Storm lang ang nag-iisang tao na nakilala ko na magpapangalan ng Miming sa isang asong lalaki. Idagdag pa na itim na Labrador ito.

Storm loved her dog. Pero mula ng kunin niya ang mission sa Claw ay iniwan niya na ang aso kaila Tita Hurricane. When she came back, she visited him once and that's it.

Nang mawala si Storm ay kadalasan sila Tita Hurricane ang nag-aalaga sa kaniya. It was not easy. Dahil noong umpisa hindi namin siya magawang pakalmahin. Kinailangan pa namin siyang dalin sa vet. After awhile he got used to it. Na wala na si Storm...na hindi na siya babalik.

"Hermes."

Napunta ang atensyon ko kay Phoenix na ngayon ay dala-dala na ang malaking dog bucket at iba pang mga gamit ni Miming. "Pakilagay na lang diyan sa tabi."

Pumasok siya sa loob ng bahay at ibinaba ang mga dala niya bago ako binalingan. Bahagya siyang suminghot at pagkatapos ay ngumiti siya. "I'm famished."

Tahimik na tumango ako. Naglakad ako papunta sa kusina at naramdaman ko na sumunod sa akin ang binata. Automatikong sumunod ang kinauupuan ni Ale na kasunod si Miming na mukhang tuwang-tuwa kay Ale.

I started cooking again. After a few minutes, I'm done and serving what I cooked. Umupo ako sa tapat ni Phoenix at walang imik na kumain.

"This is a nice place." Phoenix said, breaking the silence.

"I know."

"You want to stay here?" he asked

"Yeah."

"For good?"

Nag-angat ako ng tingin. Hindi man niya sabihin pero alam ko na alam na niya ang sagot. Nila. "I'm thinking about it."

"Paano ang BHOCAMP?"

"I'm quitting."

"Hermes-"

"Ayoko na maging buhay ni Ale ang naging buhay ko at ng ina niya. I know that we all wanted it when we were children but I don't want it for my child."

"There's nothing wrong with being like us."

"You're right. There's nothing wrong with it." I said quietly. "But I don't want the time to come that he'll know that her mother's life was taken because of her job. Because of our job. Dahil pilit nating inililigtas ang ibang tao pero iyong mga taong mahal natin hindi natin mailigtas. Because we keep giving people their happiness back while taking crack on our souls for the rest of our lives."

"It is the right thing to do."

Hindi iyon ang tamang sabihin at alam ko na na-realize niya iyon ng tumalim ang mga mata ko. "For who?!" tumataas ang boses na tanong ko. "Para kanino Phoenix? We can save the people but we cannot save our own comrades? Do you know how fuck up this life is?!"

Bahagyang nilingon ni Phoenix si Ale na nakangiting inaabot lang ang mukha ni Miming na nakikipaglaro sa kaniya. "Alam ni Storm kung ano ang ginagawa niya noon."

"Yeah? Alam niya ba na kapalit sa paglitas sa babaeng kailangan naming iligtas sa mission na iyon ay buhay niya? That she'll get tortured, raped and killed in the process? We all saw it. You saw it. Kung paano bumalik sa BHOCAMP si Storm pagkatapos niyang mawala ng matagal. Wounds on her body, broken ribs, and she lost herself, Phoenix. Then she was gone again, and this time, for months. And she went back...just to get killed because of it. She was shot multiple times and that car exploded! It exploded in front of my eyes! Tell me. Does she knew all that? Was saving that girl worth her life?"

"It is." Malakas na napamura ako sa sinabi niya pero bago pa ako makapagsalita ay naunahan na niya ako. "Iyon ang trabaho natin. Trabaho natin na tapusin ang mission natin, na iligtas ang kailangan iligtas, kahit kapalit niyon ang buhay natin. That is our job, Hermes, and you know it. Alam mo na tama ang ginawa niya. Ang ginagawa natin."

"Alam ko noon pero hindi na ngayon. Naiintindihan ko noon pero hindi ngayon. It was right for me because she was there. And now? Nothing will ever feel right again."

Malalim na bumuntong hininga ang binata. "Fine. Do what you want to do. Alam mong susuportahan ka naming lahat."

Tahimik na pinagpatuloy namin ang pagkain. Nang matapos kami ay nagtungo kami sa living room at naupo roon. Tinignan ko si Phoenix na ngayon ay nakasandal sa sofa at nakapikit. He looks tired.

Bahagyang napakunot-noo ako ng may maisip. "Nasaan si Snow?"

He opened his eyes ang looked at me. "HQ."

"Bakit hindi mo kasama?" Bukod sa ilang mga mission ay ngayon lang umalis ng BHO CAMP si Phoenix na mag-isa. Lagi niyang kasama ang bestfriend niya na si Snow Night.

Nagkibit-balikat siya. "Saglit lang naman ako at babalik rin ako roon. Isa pa ay bonding day daw nila ngayon ng mga kapatid niya."

Tumango-tango ako. "Paano mo nalaman kung nasaan ako?"

"I didn't."

"What?"

"May mission ako malapit dito. May pinababantayan sa akin si Dawn. I was surprised when I saw you. Sakto naman ng bumalik ako ay nakita ko si Tita Hurricane. She talked to me about the dog and I said I know where you are."

"Alam ba nila kung nasaan ako ngayon?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang iba pang mga agent.

"No. Alam lang ni Dawn at Tita Hurricane na nakita ko kung nasaan ka. They didn't asked where you are exactly because they know that you want to be alone. Kaya ako ang inutusan ni Tita Hurricane na dalin sa iyo si Miming." he explained. He stood up after awhile and gave me a chin lift. "Anyway, I need to go."

Tumayo na rin ako at sinamahan ko siya sa may pintuan. Nang makarating kami roon ay huminto siya at nilingon ako. "Piece of advice, bud." Nang hindi ako sumagot ay nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Alam ko na masakit para sa iyo na mawala si Storm pero 'wag mong itulak palayo ang mga tao sa paligid mo. Don't close yourself because that was she did. She was there with us but what her true feelings are...her thoughts, no one knows. Accept the fact that we are all a family. And family helps family."

"I know." I whispered.

"And family can do crazy things, shitty decisions, but it was made because we care."

Hindi ko na nagawang makapagsalita ng naglakad na siya patungo sa kotse niya. Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang makaalis.

The last thing he said is bothering me. Anong desisyon ang tinutukoy niya?



STORM'S POV

Nakasimangot na lumabas ako ng bahay namin. Kasunod ko si Inday na kasalukuyang tarantang-taranta sa paglalagay ng Off lotion. Inutusan kasi ako ni Mama na magdala ng dinner sa kapit-bahay naming alien. Baka daw hindi pa nakakaluto ang alien na iyon. Ano ba naman kasing pakielam namin sa taong 'yon? Hindi naman namin kaano-ano.

"Bakit kasi hindi na lang ikaw mag-isa ang magdala nito?" naghihimutok na tanong ko kay Inday.

"Eh baka daw isipin ni Ser Hirmis na nanlelegaw aku."

"Yeah right."

"Saka Ma'am mukhang gusto ne Senyora si Ser Hirmis para sa inyu."

Nanghihilakbot na ngumiwi ako. "Yuck! Para namang papatulan ko ang alien na iyon. Isa pa may anak na kaya ang taong 'yon."

"Ayaw mo nun Ma'am? Enstant pamile."

"Tigilan mo ako Inday at baka itapon kita sa kuta ng lamok."

Ngingiti-ngiti naman na tumahimik sya. Hindi ko na siya pinansin at dire-diretso lang ako sa front porch ng bahay ng supladitong alien. Maliit lang naman ang fence niya kaya kaagad akong nakapasok.

Nang nasa tapat na ako ng pinto ay nag door bell ako. Hindi ko na kailangang mag-intay dahil kaagad na bumukas ang pinto. Bumuka ang bibig ko para magsalita pero naunahan na ako ng lalaki, "Anong kailangan mo?"

"Hindi ka ba naturuan ng manners? Hello din sayo ha?" mataray na tanong ko sa kaniya.

"Wala akong panahon para mag-aksaya ng oras. Pinapatulog ko ang anak ko at mangyayari na sana iyon kung hindi ka lang dumating."

The nerve! Napakayabang talaga! Nakasimangot na padaskol kong inabot sa kaniya ang tupperware. "Ayan. Luto ni mama. 'Wag ka ng mag-abalang ibalik dahil magiging contaminated na iyan at ayokong mahawa sa kabastusan mo!"

He lost the sharpness on his eyes. Bumuntong-hininga siya at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya. "I'm sorry. I was just in a bad mood."

"Your always in a bad mood. Kung may problema ka 'wag ka na sanang mandamay ng ibang tao."

"I said I'm sorry."

"I'm not accepting it."

Pagkasabi niyon ay nagdadabog na tinalukuran ko siya. Hinila ko si Inday sa braso ng makita ko na para siyang nanaginip na nakatingin kay Hermes. "Magsimula ka ng maglakad Inday kung ayaw mong iwan kita dito."

"Ay! Pwide Ma'am?"

Binigyan ko siya ng matalim na tingin at binitiwan ko na siya. Kakamot-kamot sa ulo na sumunod na siya sa akin.

Nang makapasok na kami sa bahay ay padabog na binuksan ko ang pintuan. Madilim ang anyo na tinignan ko ang mga magulang ko na nakaupo sa sofa at nagtatakang nakatingin sa akin. "I don't want to see that man ever again."

"Bakit naman iha? Mabait naman si Hermes." nagtatakang tanong ni Mama.

"Mabait? Hindi gising ang taong iyon nang magsabog sa mundo ng kabaitan. He's a jerk!"

"Marami lang sigurong pinagdadaanan iyong tao, anak."

"I don't care. Bakit ba kasi ako ang inutusan niyo na pumunta roon, Ma? I hate the guts of that person."

"His son likes you. And he's a good man. I thought...you know."

Humugot ako ng malalim na hininga. My parents are too protective and controlling. Akala nila ang mga desisyon lang nila ang tama para sa akin. "I don't know, Ma. And please, the next time you want to set me up with someone, kay Waine na muna kayo magsimula. At least si Waine kilala ko na."

"No!"

Napapitlag ako sa naging reaksyon niya. Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Papa. "Tama na iyan, Joy."

Namumutlang tumango si Mama at tinignan ako. "M-Magpapahinga na muna ako. Napagod lang siguro ako sa pagluluto kanina."

Sinundan ko ng tingin si Mama nang naglakad siya patungo sa isang pasilyo hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Nagtatakang binalingan ko si Papa na mukhang nahahapong umiling. "Pagod lang ang Mama mo, Serenity."

"Ayaw niya ba kay Waine, Papa?"

"She likes Waine." mataman akong tinignan ng ama ko at nagsalita. "Gusto mo ba siya, iha?"

Umiling ako. "No, Papa. I was just irritated kaya naging ganoon ang sagot ko. Ayoko lang kasi na minamatch make ako ni Mama sa Hermes na iyon."

Hindi ko alam kung bakit pero parang nakahinga ng maluwag si Papa sa sinabi ko. Nakatingin lang ako sa kaniya at naghihintay na magpaliwanag siya pero tumayo na siya at tinapik ako sa balikat. "Susunod na ako sa Mama mo."

"Okay, Papa." I whispered.

Nanatiling nakatingin ako sa direksyon na tinahak nila. Bakit gano'n na lang ang reaksyon nila sa sinabi ko? Ngayon lang umakto ng gano'n si Mama pagdating sa akin.

I forced myself to look away then I turned to our housemaid. "Matulog ka ulit sa kwarto ko, Inday."

"Tatambay ka ulit Ma'am sa attek?"

"Yes."

"Shore Ma'am, sarap matulug sa kwartu niyu eh. May ircon."

Hindi na ako sumagot at tahimik na tinungo ko ang attic. Nang makarating doon ay inilock ko ang pintuan at lumapit ako sa isang malaking book cabinet. Halos sakupin niyon ang buong gilid ng attic. Mayroon iyong sampung row at hindi katulad sa mga kagamitan sa bahay na ito ay bagong bago pa iyon dahil ako ang bumili niyon. Then I experimented on it a bit. Well actually a lot.

Inabot ko ang isang itim na libro na nasa pinakaunahan ng panlimang row at hinila ko iyon. Imbis na makuha ko ay pumahiga lang ang libro sa ere dahil may nakakabit roon na metal. I opened the book at the middle, making the small touch screen at the right side of the page visible.

I clicked some codes and then I went to the middle of the cabinet. Itinulak ko ang limang itim na magkakasunod na libro sa panlimang row. Umusog ang limang iyon papasok sa kabinet hanggang sa mawala. A few seconds later after a few silent buzzing, a laptop appeared as a replacement for the books. Kinuha ko ang laptop at pagkatapos ay muling bumalik ang limang libro na nandoon kanina.

Habang kipkip ang laptop ay may itinulak ako na anim na itim na libro sa bandang unahan ng seventh row. Nawala ang apat na libro at napalitan iyon ng pahigang salamin na sakto lang para sa laptop na hawak ko. Ipinatong ko doon ang laptop at binuksan.

While waiting for the laptop to boot, I pushed the remaining black books at different rows of the shelves. Sunod-sunod na lumabas ang mga screen na iba't-iba ang laki. Pero sa pagkakataon na ito ay nakatayo iyon at nagsisilbing monitor.

This cost me a lot of money. Fortunately, my remaining memories included a particular scene where I was staying at a place in Batangas. It took me a lot of time to convince myself that the place I'm remembering is real. Nang magtungo ako ro'n ay hindi ko alam kung anong aabutan ko at kung anong dapat kong asahan. But when I went there, the landlady was so relieved to see me.She said that I paid a year for the rent and I still have a lot of security deposits. Kaya lang daw pagkatapos ng isang insidente kung saan pinasok ang lugar ay hindi na raw ako nagpakita. Itinago niya raw ang mga gamit ko sa pagbabakasaling dumating ako.

When she showed me my things I thought I came there for nothing. Mga maleta lang iyon at mga malalaking metal na kahon na puro damit lang ang laman. But then it was like a pressing feeling was pushing me to look for more. Doon ko nakita na may mga secret compartment na kinakailangan gamitin ng password ang mga maleta at mga kahon na mabuti ay kasama sa memoryang meron ako. Nakuha ko mula roon ang ilang libong mga dolyar, mga alahas, at pasaporte at ID na may mukha ko pero iba ang pangalan na nakalagay. It was named after Marcelita Delgado. I also found a key with a name of a P.O. Box.

Kinuha ko lahat ng nakita ko at ipinuslit ko iyon pabalik ng bahay sa Valenzuela. I waited for the perfect timing to search for the P.O. box. Nang pumunta ako roon ay tanging susi at ilang mga kopya ng dokumento patungkol sa pag ma-may-ari sa isang bahay sa Quezon City ang naroon. I went to the place and I found a small apartment. There was nothing inside except boxes na katulad nang mga una kong nakita ay naglalaman din ng mga pera at alahas. It was a lot of money and it helped me a lot to do what I needed to do.

Salit-salitang tinignan ko ang mga screen. Ang ilan ay security camera sa labas at loob ng bahay na hindi alam ng magulang ko na may access ako, sa labas ng subdivision namin, sa loob at labas ng Manila Police Department, sa Key na isang investigating agency kung saan nagtatrabaho si Detective Elliot Dalton, my favorite detective. And last but not the least, my targets. Except for two. Wyatt and Warner Claw. Si Warner, hindi ko alam kung nasaan. Si Wyatt...well, it's not his time to be my target yet.

Nagsisimula pa lang ako sa laro ko. And he is the unlucky player.

Lumapit ako sa laptop at inenter ko ang security password ko roon. Kumunot ang noo ko ng maglabasan ang ilang mga tabs. I hacked a lot of investigating agencies' data base and some PNP officers...and of course Detective Dalton's system. I need to track a lot of people if I want not to get shot at while doing what I need to do. My Retribution.

How I'm doing all this despite my lack of memories was beyond me. Pakiramdam ko ay kabisado ng katawan ko at ng utak ko ang impormasyon na kailangan ko malaman habang pinoprotektahan ako no'n sa mga memoryang hindi ko gustong maalala. Mga memoryang walang kaugnayan sa gusto kong gawin.

Ang gumanti.

"Looks like Detective Dalton was really desperate to find me." I whispered

I have no plans on hurting him. Alam ko na ginagawa lang niya ang trabaho niya. Besides, I don't hurt innocent people.

Kumontak ng maraming investigating agencies si Detective Dalton. Famina, Bullet Co., Kinet, Rocket, Muse, Anzivino at isang agency na hindi maregister sa sytem ko.

Humila ako ng upuan at mabilis na tumipa ako. Pilit na hinanap ko ang kinontak ni Detective pero hindi ko iyon makita. I searched for the location but the lead weakened as I get passed the Manila boundary then stopped when I reached CALABARZON.

They said that what you don't know won't hurt you. But in my case? What I don't know will kill me.

"Looks like I need to pay my favorite detective a visit."

Continue Reading

You'll Also Like

6.2M 324K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
1.4M 45.2K 43
All my life I've been waiting for one thing. A knight that will gallop his way to me and sweep me off my feet like a princess. But I never thought it...
5.1K 211 11
"Pagdating sa pag-ibig, walang kuwenta ang standards na 'yan. Kung mahal mo, mahal mo." Dear Diary, Boring ang buhay ko until I met two guys: Sina...
367K 16.7K 49
C O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession...