The Friendly Wedding (Season...

By FGirlWriter

11.9M 283K 42.4K

Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake n... More

Content Warning & Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty Four
Season 1 Finale: Chapter Twenty Five
Season Two: You To Gain
Season 2: Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty (Part 1)
Epilogue
Special Chapter

Chapter Fifty (Part 2)

222K 5K 1.4K
By FGirlWriter

MARAMING nanliligaw kay Cindy kahit pa bago siya pumasok ng college dalawang taon na ang nakakaraan. Kahit may boyfriend siya ay tuloy pa rin ang dagsa ng mga manliligaw. And she can't deny that she loved all the attention she received from different boys all over the campus. Nararamdaman niyang nag-e-exist pala siya dahil sa mga ito. Sa bahay kasi nila, nilalagpas-lagpasan lang siya ng mga magulang.

May ilan siyang kaibigan na mga babae kaso biglang lumalayo na lang sa kanya kahit wala siyang ginagawa. Inaaway pa siya ng iba. Kaya wala siyang naging mga stable na kaibigan. Wala siyang nalalabasan ng mga hinaing niya kahit pa may nobyo naman siya. Minsan, ang Yaya Gene niya lang ang nakakausap niya noong bata pa siya but when she grew up, gusto niya namang magkaroon ng kaibigan talaga na masasabihan niya ng mga sikreto at ng mga hinaing niya sa buhay.

Sa lahat ng manliligaw ni Cindy ay pinaka-persistent si Neil Borja. Ngunit kahit magandang lalaki ang binata ay hindi niya binigyang pansin dahil kalat sa college department nila na kahit mukhang mabait ang lalaki dahil angelic face ito, hindi talaga ito good boy. Marami na daw ibang tao na nakikitang sumali ito sa isang illegal fraternity sa loob ng campus na hindi alam ng administration. Minsan pa ay nakakitaan daw ng weeds sa loob ng kotse nito. Pati drugs.

Kahit naman paiba-iba siya ng boyfriend ay picky siya. Ayaw naman niya sa drug addict, so, she kept ignoring him. Then, she was on her second year in college, naging professor niya ang pinaka-cool na yatang Math professor sa buong campus-si Sir Johann. Napakagaling magturo ng guro na kahit ayaw niya ng Algebra at Trigonometry ay napapakinig talaga siya sa klase. Napaka-ideal ni Sir Johann na kaibigan, kapatid, boyfriend, or puwede na ring tatay. Lahat yata ay ito ang favorite Math teacher. Naging crush niya ito, pero hanggang doon lang. Alam naman niya ang limitations niya. At hindi lang naman siya ang nag-iisang babae na may crush rito. Siguro ay naiba lang siya sa lahat dahil hindi siya nahihiyang lumapit kay Sir Johann kapag may hindi siya maintindihan sa klase. At sobra rin ang pag-alala niya nang na-ospital ito dahil hindi bagay sa masiyahing guro na magkasakit.

At that time, professor niya rin sa isang business-related subject si Prof. Augustine Santiago. Isa pa ito sa pinaka-cool na teacher na nasa forties. Para itong older version ni Sir Johann. Pero mas mapagbiro at carefree si Sir August na hanggang sa labas ng klase ay parang tropa-tropa ang tingin nito sa kanila. One day, lumapit sa kanya si Sir August para ireto lang sa kanya si Neil.

"Sir, bakit niyo naman po naisip na nililgawan ako ni Neil?"

"Hija, kalat na kalat sa buong college of business na ikaw ang napupusuan ng binatang iyon. At hindi naman ako bulag sa paligid ko. Kahit kababalik ko pa lang rito, nakikita kong consistent ang pagbibigay niya sa'yo ng flower at chocolates. Kung ako sa'yo, sasagutin ko iyon. Kapag ganoon kapursigido ang lalaki, ibig sabihin, seryoso," nakangiting garantiya pa nito.

Ngumiti lang siya pabalik. "Oh no, Sir. No chance talaga sa'kin si Neil. Sorry po."

Pero hindi doon natigil si Sir August sa pagbi-build up kay Neil-which is, nakapagtataka. Kung i-build up nito sa kanya ang lalaki ay para bang kilalang-kilala ito ni Sir August. Hindi kaya related ang mga ito?

Isang araw, habang naglalakad siya mag-isa sa Sunken Garden ay nakita niyang magkausap sina Sir August at Neil. Hindi niya lang pinansin iyon noong una. Then, may mga araw na nakikita niyang magkausap ang mga ito sa parking lot. Makailang beses yata iyon na hindi niya lang pinansin. At kasabay rin niyon ay tuloy pa rin si Sir August sa katutukso sa kanya na sagutin niya na si Neil. Nakikitukso na rin ang iba pa niyang blockmates.

Naisip ni Cindy, kung makailang beses niyang nakikita ang dalawa na laging magkausap, baka nga close ang mga ito? Ibig sabihin, baka naman totoo ang sinasabi ni Sir August na nagbago na si Neil at seryoso talaga sa kanya? Hindi naman siguro siya ipapahamak ng propesor?

Because of that thought, sinagot niya si Neil. And their relationship was good. They somehow...complemented. Dahil kulang siya sa pansin na aminado naman siya, lahat ng atensyon nito ay nakukuha niya. Kapag gusto niyang nilalambing siya, lalambingin siya ng nobyo. Kahit anong i-demand niya, walang kaangal-angal na binibigay nito.

Neil was like a lovestruck fool. Ang kaso, napakaseloso. Sobrang possesive. Noong una, parang nakakakilig pa, pero nang tumagal, nakakasakal na.

Mula rin ng sinagot niya si Neil ay biglang nawala si Sir August, una mga absences pa lang. Hanggang sa nabalitaan nilang, nag-leave ito kahit patapos naman na ang first semester.

"Sayang, ibibigay ko pa naman 'tong cookies kay Sir August," aniya habang hawak ang tatlong boxes nang ginawa niyang cookies. "Kaso wala na pala siya."

"Okay lang iyan, babe," sabi ni Neil na nakaakbay sa kanya habang naglalakad sila sa parking lot. "Kay Sir Darwin mo na lang ibigay, di'ba, magkapatid naman sila?"

Lumayo siya ng bahagya sa nobyo dahil sa amoy nito. "Did you smoke?" nakangiwing tanong niya. "I told you not to smoke, right? It's bad for your health."

Ngumisi lang ito. "Isang stick lang naman. Nagkayayaan ang tropa kanina."

Nagkibit-balikat lang siya. "Sige, Neil, go home na. Ibibigay ko pa 'tong cookies for Miss Alice," tukoy niya sa English professor na mabait sa kanila at favorite teacher niya rin. "At saka kay Sir Johann." That's her way of saying thanks to her teachers that made the semester good for her. Since highschool ay ginagawa niya na iyon.

Nagsalubong ang kilay ni Neil. "Hindi ako uuwi. Lalabas pa tayo."

"Huh? Wala naman tayong date ngayon, ah."

"Hindi. We're going on a date, alright? Nakalimutan ko lang sabihin sa'yo."

Umiling siya. "I'm not coming, Neil. Alam ni Yaya na maaga akong uuwi ngayon dahil last day ng klase."

Napasinghap siya nang bigla nitong hinaklit ang braso niya at mariing hinawakan. "Girlfriend kita! Kapag sinabi kong lalabas tayo, sasama ka sa'kin!" bulyaw nito.

She felt her body shook in fear. Unang beses siyang sigawan ni Neil at hindi siya makapagsalita.

He let out a sigh. "Sorry, babe. Gusto ko lang naman mas makasama ka ngayon since semestral break naman na. Wala ng pasok bukas kaya we can go to a bar and have fun together."

Dahil natakot pa rin siya mula sa biglang pagbulyaw nito sa kanya ay tumango na lang siya. Lihim pa rin siyang nanginginig.

"I-text mo 'ko mamaya kung nasaan kang part ng campus, pagkatapos susunduin kita," malumanay na sabi nito bago siya hinalikan at saka ito umalis.

Humugot ng malalim na hininga si Cindy. At saka pilit kinalimutan ang nangyari. Baka nabigla lang rin talaga si Neil. Baka naartehan lang sa pagtanggi niya...

Habang naglalakad-lakad siya para hanapin si Miss Alice at Sir Johann ay may mga nakasalubong siyang Pro-RH Bill volunteers na namimigay ng...free condoms. May ilang babae na naghahagikgikan kapag nabibigyan. Iiwas sana siya ang kaso, naabutan pa rin siya. Binigyan pa siya ng isang pakete. Nilagay niya na lang iyon sa bag niya agad at saka nagmamadaling pumasok sa college building. Uwian na rin ng mga faculty at baka hindi niya na maabutan ang mga gusto niyang pasalamatan na teachers. Pagdating niya ng faculty room ni Miss Alice ay nandoon pa ito kaya nabigay niya ang box ng cookies para rito. Niyakap niya pa ang guro dahil nakakakita siya ng mother figure rito.

Sumunod ay nahanap niya naman si Sir Johann sa Math department building . Pauwi na pala ito ngunit naaubutan niya bago pa ito makalabas ng parking lot.

"Sir Johann!" tawag niya habang palapit rito.

"Cindy. Kumusta?"

She smiled widely. "Marami po akong nasagutan sa exam niyo, Sir! Ang galing niyo po talagang professor. Ang cool niyo pa. Sana po, next semester ay maging professor pa rin namin kayo," she sincerely said.

Gumanti naman ito ng ngiti. "Salamat. Tignan na lang natin sa susunod na sem kung magtuturo pa 'ko sa college niyo. Baka kasi iba na ang ma-assign."

"Ah, Sir Johann, may ibibigay po sana ako sa inyo." Kinuha niya ang box ng cookies sa bag niya.

"Uy, mukhang masarap iyan, ah."

"Sir, sana po tanggapin niyo. I baked that last night. Para po talaga sa inyo. Pasasalamat ko po kasi sa buong semester, kayo lang po ang hindi boring ang subject kapag pinapasukan ko kahit ayaw ko po dati sa Math," nakangiting wika niya at saka inabot rito ang box.

Tinanggap ni Sir Johann iyon. "Salamat, Cindy. Napakabait mong bata. Saka nakikita ko sa klase, eager ka talaga matuto. Cool ka rin na estudyante." Nag-thumbs up pa ito sa kanya.

She blushed. First time niyang makarinig nang ganoong complement.

Johann patted her head. "Mag-aral ka mabuti, hija. Happy sembreak!" Tinaas nito ang box of cookies. "At salamat rin dito. Siguradong masarap 'to dahil alam kong pinaghirapan mo."

"T-Thank you so much, Sir Johann." Hindi niya napigilan na yakapin rin ito. Kung si Miss Alice ay binigyan siya ng isang mother figure, si Sir Johann naman ay nakakaramdam siya ng mabuting kaibigan, kapatid, at tatay rito. Lahat-lahat na!

He just lightly tapped her shoulder at lumayo sa kanya. "Sige, mauna na 'ko, Cindy. May pupuntahan pa kasi kami ng asawa ko. Ikaw ba ay walang gimik? Bakasyon na bukas."

Umiling lang siya kahit mayroon naman silang lakad ni Neil. Pero nagdadalawang-isip pa rin siyang sumama. Parang normal ba iyon na sisigawan siya dahil lang ayaw niyang sumama?

"S-Sir... may gusto po akong sabihin sa inyo." Napayuko siya. Tama ba na manghingi siya ng advice rito sa dapat gawin niya? Kung sasama ba siya para hindi sila mag-away ng nobyo o hindi siya sasama dahil nakakaramdam siya ng takot at kaba.

She swore, parang naging iba ang itsura ni Neil ng sigawan siya ng nobyo kanina at talagang napakahigpit ng pagkakahablot nito sa braso niya...

"Sure. Go on. Tungkol ba saan?" he urged her.

Akmang magsasalita na siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Nataranta siya bigla at hinanap ang phone sa bag. Sa pagkuha niya ng phone ay hindi niya na napansin na may nahulog sa bag niya.

Tinignan niya ang cellphone. Shit! It's Neil! She hurriedly answered it.

"Hello?"

"Babe, bakit di ka nagte-text?! Kung di ka pa nakita ng isang batchmate natin na papuntang Math department, hindi ko alam kung saan ka susunduin. Lumabas ka na diyan. Malapit na 'ko. Iba ang dala kong kotse. Toyota Corolla."

"O-Opo... Opo.P- Palabas na po ako," sagot niya na lang. Gumamit na siya ng 'opo' at 'po' para hindi nito mahalata na natatakot siya dahil panglambing nila iyon.

"Good. Hurry up," he sharply said before hanging up.

"Ano ulit ang gusto mong sabihin?" tanong ni Sir Johann sa kanya.

Nagpakurap-kurap siya at biglang namutla. Mabilis siyang umiling kasabay ng malakas na pagkabog ng puso niya dahil sa kaba. "Ah...w-wala po pala, Sir. Pasensya na po. Ahm-" Nagpalinga-linga siya. "I'll go a-ahead, Sir," paalam na niya. Siya na lang bahala kay Neil. Masyado lang siyang natatakot pero baka nasa utak niya lang iyon.

Mahal siya ni Neil, hindi naman siguro siya sasaktan nito?

Pagkatalikod niya ay saktong may nakita siyang Toyota Corolla sa labas. Agad siyang sumakay roon.

"Ang tagal mo na, you didn't even contact me. Inisip ko pa tuloy na baka tumakas ka na at ayaw mo talagang sumama sa'kin," tiim bagang na sabi ni Neil nang nagmaneho na ito paalis.

"S-Sorry...Hindi ko kasi agad nahanap si Sir Johann..."

"Tss."

"N-Neil, can you just bring me home? Hinihintay ako ni Yaya-"

"Babe, puwede ka namang tumawag. Magpaalam ka. Pero sigurado naman na hindi ka hahanapin sa inyo. At kahit magalit naman ang Yaya mo, you still have the voice dahil ikaw ang amo."

"Yaya Gene is a family already! Mag-aalala iyon sa'kin. And, I don't want to go out today. Please...I'm tired. Bukas na lang," matapang niyang sabi rito.

Dumapo ang kamay nito sa ibabaw ng hita niya. Nakabestida pa naman siya at marahang hinimas nito iyon. "Cindy, you are coming with me. Now! Nasabi ko na sa mga barkada ko na isasama kita. Huwag mo naman akong ipahiya. Pagkatapos kong ibigay ng lahat ng gusto mo, ito lang hihilingin ko, ayaw mo pa?" panunumbat nito.

Inalis niya ang kamay nito sa hita niya at nanatiling tahimik. She inhaled and exhaled over and over. Pinakalma niya ang sarili kahit gusto niya nang maiyak. Wala pa kahit isa sa mga naging boyfriend niya ang nanumbat o nagpilit sa kanya na lumabas o ano pa man.

Parang gusto niya na tuloy magsisisi na nakinig pa siya sa sulsol ni Sir August noon... Mukhang lumalabas na ang totoong kulay ni Neil sa loob ng dalawang buwan nilang relasyon.

"W-Where did you get this car, by the way? Hindi ito ang dala mo kanina, right?"

Ngumisi ito. "Kay Sir August 'to. Binenta niya sa'kin para may pera siya papunta sa ibang bansa."

"A-Aalis si Sir ng Pilipinas? B-Bakit?"

Hindi ito sumagot ngunit may nakakalokong ngisi pa rin sa mukha nito.

He forehead creased. "Tell me, Neil, kaano-ano mo ba si Sir August?"

"Wala naman," pa-misteryosong sabi nito.

Cindy got utterly curious. Malalaman niya rin iyon.

***

MAY mga sikreto talagang kahit gaano mo iningatang itago, ay mabubunyag iyon sa tamang panahon. At kapag may isang di sinasadyang makakalam ng lihim na iyon, gagawin ng isang tao ang lahat, huwag lang biglang sumabog iyon at kumalat.

Augustine Santiago or August thought that his secret will be safe forever. Until Neil. Alam nito ang sikreto niyang kinakatakutan niyang malaman ng lahat dahil hindi siya handa para sa mga panghuhusga at kritisismo.

Ang isang sikreto, kapag mismong ipinanlaban sa kanya, talo siya. Hawak siya sa leeg ng isang binata at binibigay niya ang lahat ng luho nito para lang manatiling tago ang lihim niya.

"Si Cindy Santiago. Siya ang gusto ko. Alam kong magiging estudyante mo siya," sabi ni Neil habang humithit ng sigarilyo. "Use your 'charm', 'Sir' August. Diyan ka naman magaling. Di 'po' ba? Use your power of persuasion na pinang-akit mo sa mga estudyante mo dati," pang-iinis pa nito. "Pilitin mo siyang bigyan ako ng chance. Pilitin mo siyang sagutin ako. Mukha naman siyang uto-uto pero maganda... Kapag hindi ako sinagot ni Cindy ngayong semester, alam mo na kung anong puwede kong ipagkalat."

"Give me money," Neil demanded one time. "Wala akong pang-date kasama si Cindy. I got grounded by my Mom dahil nahuli niyang may drugs ako sa kuwarto. Putang-ina naman kasi ng mga barkada ko, di marunong maglinis ng kalat. So just give me thirty thousand. Or else, you know what will happen. Professor ko pa naman si Sir Darwin sa isang subject ko. Puwedeng-puwede ko siyang kausapin at sabihin lahat ng nalalaman ko."

"Tutal wala ka naman na sa campus, at nagbabalak kang pumunta nang ibang bansa, akin na iyong kotse mo. Akin na lang. Kailangan kong idispatsa iyong kotse ko dahil may nag-report na kung sinong gago na nakakita na may nilagay na mga baril at shabu sa kotse. Hina-hunting na iyon ng NBI kaya hindi ko na ginagamit. Hindi na rin naman masama iyang sasakyan mo. Mapagtiya-tiyagaan na."

Kahit minsan, hindi niya akalaing hahantong sila ng binata sa ganoon. He's blackmailing him of his own bullshit. At wala siyang magawa. Kasalanan niya rin naman kung bakit naging ganoon si Neil.

Ngunit gusto niya nang lumayo kaya nga umalis siya ng bansa at iniwan ang lahat sa Pilipinas. Kahit sarili niyang kapatid, hindi niya mahingan ng tulong. Alam niyang masyado nang maraming sinakripisyo sa kanya ang Kuya Darwin niya at sinayang niya lang lahat ng iyon.

Kahit nasa ibang bansa na siya ay hindi pa rin tumitigil si Neil. Kung anu-ano pa rin ang hinihingi at hindi siya makatanggi.

Isang araw, tumawag na naman si Neil. And it's something serious.

"Anong sinabi mo?!" gulantang na tanong niya pagkatapos nito magkuwento.

"Napakapakialamero ng Johann na iyon! Tang'na niya. Lumalakas na ang loob na makipaghiwalay sa'kin ni Cindy dahil sa lalaking iyon! Inaaya pa sa 'church' si Cindy kundi ba naman banal-banalan! Buti nga at hinampas ko lang at hindi ko tinuluyan!"

Kumuyom ang mga kamay niya at nanigas ang mga panga. "Hindi ba at sinabi ko sa'yong layuan mo ang mga taong may kinalaman sa anak ko? Asawa iyong ng anak ko at hindi mo dapat siya sinaktan. At anong ginawa mo kay Cindy?! Akala ko ba mahal mo iyon?! Bakit mo..." Nanginginig siya sa sobrang galit.

"H-Hindi ko alam. Ang alam ko lang na gagawin ko ay tuturuan ng leksyon ang Johann na iyon sa pakikialam sa'min ni Cindy. Gusto ko ngang basagin ang pagmumukha niyon pero napigilan ako ni Cindy dahil bumalik pala siya sa faculty. Natakot ako na baka magsumbong siya. H-Hindi na k-ko nakapag-isip. Hinila ko na lang siya sa bodega...hindi ko na alam kung anong g-ginawa ko... Tulungan mo 'ko! Ayokong makulong! Pahinging pera! Kailangan kong tumakas!"

Nahilot niya ang sentido at napukpuk ang noo ng ilang beses. Siguradong naka-drugs ang hayop! "Enough! Hindi na! Hindi na, Neil! Hindi na kita tutulungan!"

"Ah ganoon?! Gusto mong ipagsabi ko na ang sikreto mo sa lahat?! Ha?!"

"Gawin mo!" matapang na saad niya at saka ibinagsak ang telepono.

Tama na. Napagdesisyunan niya na. Uuwi na siya ng Pilipinas at aaminin niya na ang sikretong nagpalugmok sa kanya para lang mahawakan sa leeg ni Neil. Kakausapin niya na ang kapatid. Haharapin niya na ang nag-iisang anak na si Sapphire.

Kung kaya niyang harapin ang kahinaan niya, makakalaya siya sa takot. Hinding-hindi na siya mahuhuthutan ni Neil at siya pa mismo ang magpapakulong rito. Disi-nuwebe pa lang ito ngunit kaya nang gumawa ng kung anu-anong krimen.

And he felt guilty. Wala man siyang kinalaman sa mga aktibidades ng binata ay parang kasalanan niya na rin dahil siya ang napagkukuhanan nito ng pera at ng kung anu-ano pa para lang hindi matuklasan ang sikretong matagal niyang iningatan.

But he's ready now. Let the secret be unveiled. He does not want to be a slave of his own weakness.

It's time for the truth to come out.

***

TUMITIG si Sapphire sa maliit na coffee shop na pinuntahan. Maraming tao sa loob pero hindi naman puno.

Tumingala siya. Maliwanag ang sikat ng araw at pataas na iyon dahil malapit nang magtanghali.

Okay. The place looked safe. Wala namang mangyayaring masama siguro. Tumigil na rin ang pangamba sa puso niya. She whispered a tiny prayer first before stepping inside.

Pagkatapos niyon ay huminga siya nang malalim at saka pumasok sa loob ng coffeeshop. Tahimik naman ang loob at may mangilan-ngilang siyang estudyanteng nakikitang may mga dalang libro at nag-aaral.

Then, she saw her father. Nakaupo ito sa pinakasulok. Napakunot noo siya nang makitang nakaupo rin doon ang Daddy Darwin niya at ang kanyang Mommy.

"Sapphire," tawag sa kanya ni Sir August nang makita siya. Parang wala naman masyadong nagbago rito. Ganoon pa rin ang itsura nito from the last time he saw him. Kailan nga ba iyon? Maraming buwan na ang lumipas. Hindi pa yata siya buntis kay Isaiah.

Humigpit ang hawak niya sa kanyang bag at napalunok siya. Humakbang siya palapit sa mga ito at saka humalik sa Mommy niya at kay Daddy Darwin.

"Nandito rin pala kayo," aniya at saka umupo sa tabi ng ina.

"Ano bang gusto mong sabihin, Augustine?" diretsang tanong ni Daddy Darwin. "Napaka-importante ba at kaming tatlo talaga ang kailangan mong makausap?"

Huminga nang malalim si Sir August at saka tumango. "I want to explain everything to all of you. At gusto ko rin humingi ng tawad kay Mercy at kay Sapphire dahil sa mga kasalanan ko, sa mga pagkukulang ko, sa pagtanggi ko sa responsibilidad na dapat ay inako ko... Gusto ko nang sabihin ang matagal kong itinago, pati sa'yo, Kuya," mahinang sabi nito na sila-sila lang ang nakakaring.

"Sa tingin ko oras na rin naman para malaman niyo na..."

"Please stop the suspense," mataray niyang sabi. "Get straight to the point, please."

"Sapphire," saway sa kanya ng ina.

Tumikhim si Sir August at isa-isa silang tinignan bago huminto ang tingin sa kanya. Then, he blurted out the words she never thought he would hear from him.

"I'm gay," pag-amin nito.

***

"ANO DAW?"

Gusto sanang matawa ni Sapphire sa reaksyon ni Johann sa sinabi niya. Nanlaki ang mga mata nito at talagang laglag ang panga dahil sa pagkagulat. Ayaw niyang matawa dahil ganoong-ganoon rin ang reaksyon niya kanina.

"Trulaloo ba ang na-heard ko?" pagkumpirma pa ulit ni Xan na ka-Skype ni Johann sa laptop nito nang dumating siya.

Since matalik na kaibigan naman ni Johann si Roxanne o Xan ay ikinuwento niya na rin rito ang nalaman mula sa totoong ama.

Hindi pa rin makaimik si Johann kaya siya ang humarap sa laptop. "Yes, Xan. You heard it right."

"Ayayay! Kaya pala ayaw maging father dearest sa'yo ng tatay mo dahil gusto maging mother!"

"Grabe," sa wakas ay nagsalita na si Johann. "Iyon ang pinakatatago-tago niya? Ang iyong father, mother pala?"

Tumawa si Xan nang malakas kaya napatingin sila sa laptop. Bigla nitong tinakpan ang bibig. "Sorry. I kennat! So, ibig sabihin pala kaya hindi niya lang mapanagutan ang mother mo noon, hindi dahil ayaw niya sa'yo, kundi dahil nalaman niya ang true identity niya?"

Marahan siyang tumango. "Iyon ang sabi niya kanina. He kept on saying sorry. Alam niyang hindi niya na daw mahal si Mommy nang bigla na lang sabihin ni Mommy na buntis siya..."

"Parehas na pala kasi sila ng type. Huhubels."

Napakamot sa buhok si Johann. "Bakit ganoon? Bakit kahit minsan hindi ko siya nakakitaan ng hint?"

"Because Sir August is not the mainstream gay," paliwanag niya. "May ganoon naman. Kilos lalaki, lalaking-lalaki magsalita, panlalaking damit pa rin ang gustong sinusuot-"

"Pero trip na trip talaga nila ang mga boys!" singit ni Xan. "May mga nakilala na 'kong ganyan dito sa America. They're gay pero mahal naman nila ang pagiging lalaki nila or something like that."

"Eh kailan pa daw nalaman iyan ni Sir August?"

"Ahm... he gets attracted daw sa mga boy classmates ni Mommy noon kahit sila naman. Hindi niya lang daw pinapansin iyon noon kasi si Mommy daw talaga gusto niya. Kaso, nagising na lang daw siya isang araw, na hindi na niya ma-deny sa sarili niya..."

"Na-realized niyang gusto pa rin naman niya ang Mommy mo," singit na naman ni Xan. "Gusto niya nang kulutin ang hair ng mommy mo."

Johann laughed. "Puwede, puwede!"

Mahina siyang natawa at saka sumandal sa sofa. She let out a heavy sigh. Napalingon tuloy sa kanya ang asawa.

"Hindi mo ba siya tanggap?" tanong nito.

"Tanggap. Kaso..." Pumikit siya at hinilig ang ulo sa sandalan. "Kaso, dahil gusto niyang itago ang identity niya noon na ayaw niyang may makaalam, tinatakot siya palagi ni Neil, ginawa siyang parang ATM...Because of that, Neil freely did everything. Including harming you." Inalala niya ang lahat ng siniwalat ni Sir August kanina na hindi niya alam kung paano niyang nagawang ma-absorb.

"Tapos naman na, Misis. Wala naman na tayong magagawa," sabi ni Johann at saka sumadal rin sa tabi niya. "Sana lang makipagtulungan si Sir August sa mga pulis para mahuli na talaga si Neil."

"Bakit kaya may mga taong ganoon? Bakit may mga taong katulad ni Neil na kayang manakit? Manghamak? Kahit pa sabihin nating nasa influence siya ng drugs, how can someone do such cruelty?"

"Hay nako, Sapphire, kung alam mo lang kung ano pang kayang gawin ng tao para lang sa kapakanan nila," parang inis na sabi ni Xan. Naka-Skype pa rin pala sila. "Alam niyo naman kung bakit ako napunta rito sa America kasama ang anak ko, di'ba? Jusko, hindi na sila mawawala hanggang sa may taong iniisip lang ay puro sarili nila at ang kasiyahan nila at ang thinking nila na dapat sa kanila ang lahat. Kung puro 'me, myself, and I' ang pumupuno sa hearts ng mga madlang people, they will succumb in vain and evil."

"'Succumb'! Spell mo nga!" natatawang sabi ni Johann sa kaibigan.

"Ay. 'Vain' and 'evil' na lang, puwede?"

Nagtawanan ang mga ito habang siya ay bahagyang napangiti. Pero masakit pa rin ang ulo niya dahil sa mga nalaman mula sa totoong ama. Hindi niya talaga alam kung anong mararamdaman. Bago pa mangalahati ang araw ay pagod na pagod na siya-mentally and emotionally.

"Ahm, Xan, pahinga lang ako, ah?" paalam niya sa kaibigan ng asawa. "Mag-Face Time naman tayo soon."

"Sure, sure! Magiging okay din ang lahat. Trust God lang!"

Nagpaalam na siya at saka tuluy-tuloy na pumasok nang kuwarto nila. Nakita niyang natutulog si Isaiah sa crib kaya di na niya muna nilapitan. Humiga siya sa kama at mabilis na nakatulog.

Naalimpungatan na lang siya dahil sa nararamdaman niyang paghaplos sa pisngi niya. Pagdilat niya ng mga mata ay nakita niya si Johann na nakatunghay sa kanya habang nakangiti.

Tipid din siyang napangiti at napatingin sa wall clock. Six PM na agad! Napatingin siya sa crib at nakitang wala ang anak doon.

"Where's Isaiah?" tanong niya agad sa asawa.

Hindi ito natigil sa marahang paghaplos ng pisngi niya. "Hinatid ko muna kaninang hapon kanina Daddy Philip. Doon muna mag-o-overnight ang baby natin."

Napahikab siya. "Bakit?"

Diretso itong tumitig sa kanya. "Nakita ko kasi kanina na parang stressed ka masyado. Parang may pinoproblema ka na naman. Mahilig ka pa rin magkimkim, eh. Mag-iisang taon na tayong magkasama, ang dami mo pa ring tinatago sa'kin." Bumaba ang kamay nito sa balikat niya. "Kaya sa ngayon, alone time muna natin. Katulad ng dati noong tayong dalawa lang."

"Wala naman ako masyadong kinikimkim. Shocked lang talaga ako sa naging revelation ni Sir August. It's not everyday that my father will tell me, he's gay. That's why he was scared to take responsibity of me." Napabuntong-hininga siya at iniwas ang tingin sa asawa. Bumangon siya at umupo sa kama. "I know what to feel now... I'll just be happy for him dahil nagawa na niyang mag-come out para lang wala nang maipanakot si Neil sa kanya."

"Wala nang tutulong kay Neil para ipagpatuloy ang masama niyang bisyo. Pero bakit pala alam ni Neil ang sikreto ni Sir?"

"Sa campus, one afternoon, nakita ni Neil si Sir August kissing a...guy on a room? You know. Neil took pictures at iyon ang pinamba-blackmail niya."

"Ah, kaya pala."

"Ahm, by the way... Did I tell you that, binibisita ko si Cindy sa hospital?"

Ngumiti si Johann. "Hindi mo sinasabi, pero nagkakahalata na 'ko na doon ka pumupunta. Noong isang araw kasi nakakita ako ng resibo ng pagkain sa kotse. Nahulog mo siguro o ano. Pangalan ng ospital iyong nakalagay sa resibo. Bakit ka naman kakain sa loob ng ospital? Tapos, naalala ko na doon naka-admit si Cindy."

Napasimangot siya. "Bakit hindi mo sinabing alam mo?"

"Hinihintay kong ikaw ang kusang magsabi."

Hinampas niya ito sa braso. "Eh di pinagtatawanan mo na naman ako kapag alam mong nagsisinungaling ako?"

"Ahm," tumingala ito at saka siya nginisian. "Slight."

Tumawa ito nang tinulak-tulak niya ito sa dibdib. Hinuli nito ang mga kamay niya at hinila siya payakap. Napasubsob tuloy siya sa dibdib nito.

"Ano ba kasing ginagawa mo doon sa ospital? Bakit mo binibisita si Cindy? Akala ko ba inis ka sa batang iyon?" tanong nito habang niyayakap siya sa baywang.

"Kasi gusto mong bumisita pero hindi pa puwede kaya ako na lang. I don't know why I kept on coming back ...But then I found out that once I've been like her. Nakita ko na iyong sinasabi mong kapag tinignan ko siya beyond sa impression ko sa kanya, makikita ko kung saan siya humuhugot. So, yeah..." Sumunod ay kinuwento niya rito ang naging naging komprontasyon niya sa mga magulang ni Cindy.

Tinitigan siya ng asawa. "Ang bangis mo talaga, 'no?"

Lumabi siya. "Sorry. I just felt that dapat kong sabihin sa kanila iyon."

Binitiwan siya ng asawa at saka bahagyang lumayo sa kanya. Maya-maya ay nag-slow clap ito. "Sana ay may napulot silang aral sa mga sinabi mo. Galing! Kaya kita mahal, eh! Astigin!"

Inirapan niya ito. "Parang ang sarcastic."

"Oy, hindi. Tama na iyong sinabi mo sa mga magulang ni Cindy. Okay na iyon. Let us leave the rest to the Lord." Pagkuwa'y hinapit na siya nito ulit payakap at dinamay siya sa paghiga.

"Hindi na ba masakit iyang sugat mo?"

"Hindi naman na. Nakakahiga na 'ko ng maayos, eh." Diniin pa nito ang ulo at batok sa unan.

Nakaunan siya sa braso nito habang yakap siya nito. "So, Misis, kung iisipin pala natin, wala na tayong problema, ano? Hindi na 'ko kasama sa list ng suspects at nakapag-usap na rin kayo sa wakas ni Sir August. All is well."

Nagtaas siya ng kilay. "Hindi pa nagigising si Cindy. Hindi pa nahuhuli si Neil. Anong 'all is well'?"

Niyuko siya nito. "Kapag may mga bagay na tayong hindi natin kayang kontrolin, we have to leave it to the Lord. Siya nang bahala doon. We put our rest on Him. Trust. Trust. Trust. Big word!"

"Big word, indeed," pabuntong-hininga na sabi niya.

Napasimangot si Johann. "Bakit ba parang may problema ka pa rin?"

Natawa siya rito. "How can we continue this? Trusting everything to God we cannot see?"

"Faith. Keep the faith," simpleng sagot ni Johann.

"Paano pala, Mister, kung wala talagang God? Anong silbi ng paniniwala natin ngayon?"

Nakatitig na sa kisame si Johann. "Kung maniniwala naman tayo kahit hindi pala totoo ang Diyos, walang mawawala. Pero kapag hindi tayo naniwala pero totoo pala Siya, napakalaki ang mawawala sa'tin." Tumingin ito ulit sa kanya. "Pero imposibleng walang Diyos, nandito ka sa tabi ko ngayon, eh. Pinagdasal ko 'to-ang makilala ang forever ko. Binigay ka Niya sa'kin. Ah, hindi ito coincidence lang. Planado 'to ni Lord!"

Pinisil niya ang magkabilang pisngi nito. May sasabihin sana siya nang may narinig silang nabasag mula sa labas ng kuwarto. Sumunod ay mga kaluskos.

Napabangon sila ni Johann at nagkatinginan.

"W-What's that?"

"Tumawag ka ng pulis," utos agad nito at saka tumayo.

Hinila niya ito. "No. Hindi ka lalabas ng kuwarto!"

"O tapos, nganga tayo pareho rito? Tumawag ka na ng pulis!" mariing bulong nito.

"Wait! Huwag kang lalabas hanggang sa nakatawag ako ng pulis." Mabilis niyang kinuha ang cellphone at nag-dial. Si Johann ay kinandado ang pinto ng kuwarto.

"Papunta na sila," aniya at saka tumayo. Sumilip siya sa bintana at nakitang may mga tao pa sa street nila. "Puwede tayong humingi ng tulong sa labas!"

"Sige, sigaw na!"

"Help! Help!" malakas na sigaw niya na parang nag-e-eskandalo. "Mga kapitbahay! May magnanakaw rito! Tulungan niyo kami!"

Narinig nila ang sunud-sunod na pagkabasag ng kung ano sa labas ng kuwarto at napatili siya nang malakas nang kumalabog ang pinto ng kuwarto nila.

"Ah, shit ka!" ani Johann habang nakaharang sa pinto para hindi mabuksan. "Kung sino ka mang demonyo ka, lagot ka kay Lord!"

"Papatayin kita! Papatayin kita! Inagaw mo sa'kin si Cindy!"

It's Neil! "Mga kapitbahay! Tulong! Please! Help! Help!" pagtili niya na at hindi inintindi ang malakas na pagkabog ng puso.

Dahil sa kaibigan halos lahat ni Johann ang mga kapitbahay ay mabilis na nabuksan ng ilan ang gate at sumugod sa bungalow ang ilang kalalakihan.

Napatili siya nang marinig nang putok ng baril. Natigil na ang pagkalampag sa pinto at halatang nagkaka-rumble na sa labas ng kuwarto nila! Nakita niya si Johann na may mabilis na inabot sa ilalim ng kama.

Isang box na pagkabukas nito ay may laman iyong baril! Baril!

"Marunong ka gumamit nito?" tanong ni Johann sa kanya.

Mabilis siyang napatango. Nang dalaga siya ay may gun shooting lessons siya for self-defense dahil nga galing siya sa isang well-off na pamilya.

"Good." Inabot nito sa kanya ang baril. "Ako kasi hindi."

Napanganga siya. "Ha?! Eh, bakit ka may baril rito kung 'di ka pala marunong gumamit?!" Kinasa niya iyon at kargado ang baril.

Napangiwi ito. "Sorry na. Pang-emergency lang iyan katulad nito kaso di ko naman naisip na mapupunta ako sa ganitong emergency."

"Nakatakas! Nakatakas ang magnanakaw!" sigaw ng isang lalaki na kasama sa mga sumugod sa loob ng bahay.

Tumakbo sila ni Johann palabas ng kuwarto at nakitang tumatakbo na palabas ang mga tao at naiwang sobrang gulo ang bahay at maraming nabasag sa mga natumbang lamesa, at lalagyanan ng mga plato.

"Argh! Kalilinis ko lang kanina!" angal ni Johann.

Nakatikim ito ng hampas sa kanya bago siya tumakbo palabas. Iyon pa rin ang iniisip nito, eh, siya, halos mamatay na sa kaba!

"Anong nangyari? Nasaan na siya?" tanong niya sa mga kapitbahay na nakinood lang yata sa nangyayari.

"Aba, eh, nakita naming tumakbo! Hinabol nga nila Domeng! Baka makaabot sa kabilang barangay!" Nanlaki ang mata ng matandang kapitbahay nang makita ang hawak niyang baril.

Agad niyang tinago sa likod iyon at may nakita siyang papalapit sa kanya.

"Sapphire!" hinihingal na tawag sa kanya ni Sir August. Bakit nandito ito?

"W-Why-?"

Napatingin ito sa bahay nilang gulo-gulo na. "Nahuli ako ng dating! Tumatawag ako kanina kay Johann pero walang sumasagot. I want to warn you about Neil dahil nasa entrapment operation sana ako kasama ng mga pulis para mahuli siya. But then, nabulilyaso ang plano-ahh!" Napahawak ito sa kanang balikat.

Nanlaki ang mga mata niya nang ngayon lang napansin ang dugo. "You were shot! Dapat madala ka sa hospital!" aniya rito at nagdoble ang pag-aalala niya. "Johann!" tawag niya sa asawa at saka pumasok ng bahay.

Napatili siya at nabitawan ang hawak na baril nang makitang nakatayo si Johann habang nakataas ang kamay at nakatutok ang baril ni Neil rito. Si Neil! Paanong napunta si Neil doon?

Sabay na nilingon siya ni Neil at ni Johann.

"Sapphire, bakit bumalik ka?! Tumakbo ka na!"

Ngumisi si Neil. "Alam niyo iyong mga kapitbahay niyo, kasingtanga niyo. Siyempre hindi naman ako susugod mag-isa rito. Hinahabol na nila ang kasama ko. Akala nila siya lang ang mag-isang "magnanakaw"." Nanlilisik ang mga mata nito na pulang-pula. "Mga tanga! Tanga! Tanga! Bobo! Bobo!"

"Paulit-ulit?" ani Johann.

Lalong nagalit si Neil.

Ugh!

"Anong nangyayari-Neil!" bulalas ni Sir August na nakapasok na pala ng bahay.

May narinig silang pagsigaw sa labas. "May magnanakaw pa sa loob! Nandoon pa! Tulungan niyo sila!"

Nagpaputok si Neil ng sunud-sunod sa labas ng bahay at nagtilian ang mga tao. Nagtakbuhan ang mga iyon paalis.

"Ano bang gusto mo, Neil? Tigilan mo na sila. Wala silang kasalanan sa'yo," sabi ni Sir August at hinila siya sa likod nito.

Nanginginig si Sapphire. Nasaan na ba ang mga pulis na tinawagan niya?! Wala bang kapitbahay na maglalakas-loob na tumulong sa kanila?!

"Kasalanan 'to lahat ng 'Sir Johann' na 'to! Masyadong nagmamarunong! Inagaw mo sa'kin si Cindy! Akin lang siya! Akin lang siya!"

"Eh, di iyo na. Iyong-iyo na! Basta huwag mong sasaktan ang asawa ko. Ako lang pala gusto mo, huwag mo na sila saktan."

Gustong bulyawan ni Sapphire si Johann. Nagpapaka-Superman na naman! Nakakainis!

"Sumama ka sa'kin. Dalhin mo 'ko kay Cindy! Hindi ako makapasok sa ospital. Bawal ako doon, dapat kasama kita para sabay-sabay tayong mamamatay."

"Ngek. Pati si Cindy papatayin mo? Akala ko mahal mo?"

"Kung mamamatay ako, dapat kasama siya! Para hindi na kami maghihiwalay!"

"Edi wow!" Tumangu-tango si Johann. "That's a brilliant idea! O halika na, hijo. Punta na tayong ospital. Kaso, bawal baril doon. Tago mo muna iyan," pang-uuto ni Johann.

Napangisi si Neil na mukha na ngang wala sa katinuan. "Akala mo mauuto mo 'ko, pakyu ka! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng 'to. Hindi makikipaghiwalay sa'kin si Cindy kundi ka masyadong nagmamarunong."

Napabuga ng hangin si Johann at napatiimbagang. Mukhang hindi na nito kayang makipagbiruan. Buti naman!

Biglang nahagip ni Sapphire ng tingin ang backdoor kung saan nakatikod si Neil. May ilang kapitbahay na nandoon na at naghihintay ng tiyempo kung paano susugurin si Neil

Oh! That's why Johann keeps talking! Dini-distract nito si Neil!

"Neil, itigil mo na 'to," pakiusap ni Sir August. "Sige na, bibigyan na kita ng pera para makatakas ka. Hindi na 'ko tatawag ng mga pulis."

"Isa ka pang bakla ka! Ang lakas ng loob mo! Nakakasuka ang mga katulad mo! Salot!"

"Hey, don't talk to my father like that, you asshole!" hindi niya napigilang isigaw. "Ikaw ang masyadong malakas ang loob! Ikaw ang nakakasuka! Walang puso! Ikaw ang salot!"

Mas dumilim ang mukha ni Neil at itinutok sa kanya ang baril.

"Oops! Huwag mong itutok sa kanya! Sa'kin na lang ulit," sabi ni Johann. "Huwag mong sasaktan Misis ko, nagiging The Hulk iyan!"

Sumigaw si Neil at pinutok ang baril.

"No!" narinig niyang sigaw ni Johann.

Napatili si Sapphire at napapikit ngunit naramdaman niyang may yumakap sa kanya para protektahan siya.

Tila bumagal ang oras nang maramdaman niyang hindi tumama sa kanya ang bala ngunit sa yumakap sa kanya...narinig niya ang pagsugod ng mga tao kay Neil... at ang sirena ng mga pulis...

Naramdaman niya ang pagbigat ng katawan na pr-um-otekta sa kanya. Napadilat siya at nakitang...ang totoong ama ang sumalo ng bala para sa kanya.

"S-Sir August..."

"A-Anak..."

Napalugmok silang pareho sa sahig at niyakap niya ito. She started to cry while the people around her was still in chaos.

Her father saved her life.

Hawak na ng mga tao si Neil at isa-isa nang nagpasukan ang mga pulis at dinakip si Neil na nagsisigaw at pumapalag.

"P-Please... help us..." aniya sa isang pulis na agad namang itinayo si Sir August na hindi niya alam kung saan natamaan. Basta ay wala nang malay ito nang buhatin palabas ng dalawang pulis.

"Sapphire!" tawag ni Johann sa kanya at saka siya pilit itinatayo ngunit hindi siya makatayo kaya binuhat siya nito at inilabas. Sinakay sila sa isang kotse ng pulis.

Hindi na siya natigil sa pag-iyak. Hindi niya na alam ang nangyayari. Basta nakita na lang niya ang sarili na nasa loob na ng emergency room ng isang ospital at iniinspeksyon siya ng mga nurse.

Nasa tabi niya si Johann at hindi binibitiwan ang kamay niya.

"Misis, nasugatan po ba kayo? Nabalian? Saan po masakit?" nag-aalalang tanong ng isang nurse.

Nakikita niya pa rin sa isip niya ang itsura ng kanyang ama at parang naririnig niya pa rin ang pagtawag nito sa kanya ng anak. She cried more and ignored the nurses around them

"Ako na po munang bahala sa asawa ko," sabi ni Johann sa mga nurse bago umalis ang mga ito.

Niyakap siya ni Johann nang mahigpit at yumakap rin siya rito. Hinayaan lang siya nitong umiyak nang umiyak hanggang sa tingin niya ay tuyung-tuyo na ang puso niya at pagod na pagod na ang mga mata niya.

"Hindi naman mamatay si Sir August, Misis...kasi, sa balikat lang naman siya natamaan ulit. Nawalan lang daw siya ng malay dahil sa sakit."

Suminghot siya. "I-I know..."

"Bakit ka umiiyak?"

"I was scared. I was nervous. I was..." She was enlightened that she loves her real father. Kahit ilang beses niyang ignorahin ang katotohanan, mahal niya ang ama. At sa ginawa nitong pagsagip ng buhay niya, natunaw ang puso niya na kahit hindi pala nito inako ang responsibilidad noon dahil sa pinili nitong buhay at pagkatao, mahal siguro siya ni Sir August katulad ng pagmamahal sa kanya ni Daddy Darwin.

When she was a child, she prayed for just one father to come along. And then now, God gave her two.

How ironic na hindi niya pa aaminin na sabik rin talaga siya sa pagmamahal ng totoong ama kundi lang nangyari ang lahat ng nangyari ngayon. To catch a bullet for her? That's something. Sir August may be gay and made wrong decisions during his time, but what he did earlier, Sapphire knew, he has the right to be called a real father too.

Inangat ni Johann ang laylayan ng shirt nito at pinampunas sa mga luha niya. "Tahan na..." masuyong wika nito at pagkatapos ay hinawakan siya sa magkabilang pisngi. Dinantay nito ang noo sa noo niya.

Kahit papaano ay kumalma na siya at saka tinignan ito. "Mister..."

Tinignan rin siya nito. "Hmm?"

Sa lahat ng nangyari nang araw na iyon mula pa kaninang umaga, sa eksaktong wala si Isaiah sa bahay dahil akala ni Johann ay magkaka-'alone time' sila, sa pagsugod si Neil at panggugulo sa bahay nila, sa mga kapitbahay na tinulungan sila hanggang sa huli, sa ama na prinotektahan ang buhay niya, at sa asawang hindi siya iniwanan at laging iniintindi ang nararamdaman niya-mas naniniwala pa siya na-,

"God is real."

"Naman!" Napangiti ito at niyakap siya. "Hay...kung saan-saan na tayo nasabak. Drama, action, comedy... Ang sayang ikuwento 'to sa mga apo natin, ano?"

"Masaya bang ikuwento ang mga katangahan at pangingialam natin?" sarkastikong sabi niya.

"It's called 'adventure'. Pero huwag na tayong sasabak sa action. Nakakatakot pala talaga. Kanina muntik na 'kong maihi sa shorts ko nang makita kong tinutok sa'yo ni Neil ang baril."

Niyakap niya ito nang mahigpit. "Useless iyong baril mo, hindi ko naman nagamit."

"Okay lang iyon. May ibang baril pa naman akong useful," nakangising sabi nito.

Napakunot-noo siya at pagkatapos ay napasinghap sa tinutukoy nito. Tinampal niya ang bibig nito. "Ang bastos mo talaga!"

Ang lakas ng tawa nito at natawa na rin tuloy siya. Maya-maya ay huminto si Johann sa pagtawa at saka siya tinitigan.

Unti-unting bumaba ang ulo nito at banayad na hinalikan ang labi niya. The kiss was short but sent a lot of assurance that all will be well soon.

Because God is real. And you can always trust Him.

"Nasaan pala dinala si... Sir August?"

"Hay nako, Misis, tawagin mo na kayang 'Daddy', ano? Puwede ring 'Mommy'."

"Loko-loko ka talaga!"

"Joke lang. Nasa operating room pa. Tinatanggal lang ang mga bala sa balikat, sabi ng nurse kanina. Punta tayo sa kanya mamaya kapag nilagay na siya sa recovery room."

Tumango siya. "Tawagan natin si Daddy Darwin para makasunod siya rito."

"Sige, sige. Tatawagan ko na rin sina Daddy mamaya para huwag na silang mag-aalala at doon muna tayo makikitulog sa kanila." Napasimangot si Johann. "Iyong bungalow natin, nilapastangan!"

"At least, pogi ka pa rin."

"Siyempre, puhunan natin 'to kapag naisipan kong magtrabaho na lang sa bar."

"Wala ka ngang abs."

Ngumisi si Johann. "You don't know that."

Nag-angat siya ng kilay at mabilis na inangat ang shirt nito pero pinigilan siya nito at saka natatawang tumayo. "Nagugutom na 'ko. Halika, kain tayo."

"Hindi ako nagugutom," aniya pero ang tiyan niya ay nagreklamo.

Nakakalokong tumingin sa kanya si Johann. "Sapphire the liar ka talaga. Buti na lang mahal na mahal kita!" Pinanggigilan nito ang magkabila niyang pisngi.

Iniwas niya ang mukha rito at saka tumayo na rin. "Okay come on. Let's eat."

Nauna siyang naglakad palabas ng emergency room at sumunod naman ito sa kanya. Tahimik silang naglakad sa hallway papunta sa canteen ng ospital.

Sumabay sa kanya si Johann at hinawakan ang kamay niya. Pinagsalikop nila ang mga daliri at saka nagkatinginan.

He charmingly smiled with his chinky eyes.

She sweetly smiled back. "You know that I love you, too."

Tumaas-baba ang kilay nito. They continued walking while their clasped hands were swaying.

For the more upcoming adventures and misadventures in life, alam nilang magkakampi sila at laging nasa tabi ng isa't isa.

Walang iwanan. Kahit kailan.

"Ahm, Johann, may pera ka bang dala?"

Napahinto ito sa paglalakad. "Ay. Wala pala. Ikaw?"

"Lalong wala." Napaingos siya. "Eh, paano tayo kakain?"

"Hmm. Basta! Puwede muna tayong mangutang siguro."

"May magpapautang kaya?"

"Trust God! He will provide!"

"Alright." At nagpatuloy sila sa paglalakad.

Pagdating nila sa canteen ay pinayagan nga silang mangutang muna!

"Amen?" ani Johann habang nakatingin sa mga pagkain nila.

"Amen!" nakangiting sabi niya at saka sila maganang kumain.

Trust God, indeed.

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

15M 676K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
4.5M 166K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
747K 13.1K 31
Forced to live under the same roof with her monster for a mother-in-law, Georgina finds herself stuck amidst complications and lies. With her trying...
10.5M 188K 36
Nalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a stranger named Dylan Guevarra! What's worst? L...