MYRNA, THE GOOD DAUGHTER

By NassehWP

17.9K 721 74

Makakaya mo bang ipagpalit ang napakabait, napakasipag, maalalahaning at higit sa lahat napakaganda't simplen... More

Synopsis
CHAPTER 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Author's Messages
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52

Chapter 6

372 15 2
By NassehWP

Chapter 6

"What is Knowledge? I know anyone knows what is Knowledge? Pinagaralan niyo na ito noong kayo'y nasa elementary palang hindi ba?" Saad ni Ma'am Rosalyn na siyang English teacher namin. "Babalikan lamang natin ang mga napagaralan niyo sa elementarya kung naaalala niyo pa." muli pang saad ni Mam.

Araw ng miyerkules at English ang unang sabjek namin ay hindi pala subject iyon ang sabi ni Wilma ng itama niya ang pagpronansetion ko. Tama ba ang sinabi ko? Siguro tama nga. Napatingin ako sa bandang harapan sa row one kung saan nakaupo si Wilma sa row two naman si Almira at ako sa row four. Alam niyo ba kung bakit may row 1, row 2, row 3 at 4 pa ding kami gayong highschool na kami?

Kasi ganito 'yon ah,"

Hindi lahat ng grumadweyt ng elementarya matatalino at matataas ang grado. Dahil ang iba roon ay pasang-awa lamang at pinagbigyan makagradweyt ng elementarya kasi umaasa ang lahat ng guro roon na babawi ang lahat ng estudyante sa high school. At isa na ako roon na hanggang ngayon ay hindi pa ding nakakabawi. Ewan ko ba kung bakit. Siguro ay talagang mahina lang ang utak ko at mahirap makaintindi lalo na sa math, science at English. Sa Filipino lang talaga ako maalam pero kung minsan tagalog na nga ang salita nagkakamali pa ako ng intindi. Pinanganak na yata talaga akong bobita.

At iyong mga row na tinutukoy ko nahahati iyon sa matatalino at mahina ang utak gaya ko. Sa row 1 doon nakaupo ang matatalino iyong may palaging nakakakuha ng matataas na grado at sa row 2 ganon din. Sa row 3 at row 4 kami yung mga nakaupo. Yung may mga mababang nakukuha sa grado o kaya sa mga test.

"Miss Bajade? Can you stand up and answer my question?"

Halos hindi ako makahinga ng mabuti ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Mam Rosalyn at sabihin sagutin ang tanong niya!

Napalunok muna ako ng tatlong beses at napasulyap sa unang row at pangalawang row kung saan nakaupo ang dalawang kaibigan ko.

Nakita ko ang nakakalokong pagngisi ni Wilma at ang pangiwing iyon ni Almira. Siguro'y alam na nila ang mangyayari.

Pilit akong tumayo kahit na hindi sangayon ang mga binti at paa ko. Ang aking dibdib ay panay din ang tambol ganon din ang aking utak na kasulukuyang namimintig ang naghahanda sa pagsagot sa tanong ng aming guro.

"Will you answer my question Miss Bajade? I know how hard for you to answer my question but that was a simple question, right? So I believe that you will be going to answer my question." mahabang saad ni Mam sa English.

"Po?"

Napamata si Mam sa akin at sa iba ko pang kaklase na kasulukuyang ding nakatingin na sa akin at nagaabang ng maisasagot ko.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam ang isasagot ko.

Ano ba ang knowledge? Napagaralan ba namin 'to noong elementarya? Bakit hindi sinasabi nina Wilma at Almira sa akin? Bakit hindi ko alam?

"Myrna?"

Napapitlag ako sa boses na iyon ni Mam Rosalyn.

"M-mam?"

"Are you going to answer my question or not?" tanong ni Mam sa akin. Ang mga mata niya'y deretsong nakatingin sa akin.

Muli akong napalunok at napatingin sa mga kaklase kong hindi inaalis ang paningin sa akin.

"Uhm...a-ano po uli ang tanong niyo Mam?"

Napabugtong hininga si Mam Rosalyn na para bang alam na niya ang sagot. Ako naman ay napayuko dahil ramdam ko na ang hiya sa aking katawan.

"I will repeat my question Miss Bajade and you will listen to me carefully and after that you'll answer my question." Ani Mam Rosalyn sa English.

"O-opo Mam," Sagot ko kahit hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

"Who will answer my question? Oh, Mr. Valdez." Anang Mam Rosalyn.

Napatingin ako sa taong tinawag ni Mam sa row 3. Si Noli. Tumayo ang lalaki at sumagot sa tanong ni Mam.

"Based on my Elementary days I learned, Knowledge is a process of acquiring facts, information, and skills through one's own experiences or learnings. And on my opinion, Knowledge is gaining experience from our life which is happened and in tagalog is Kaalaman." Eksplanasyon ni Noli.

Nagpalakpakan ang mga kaklase ko at kasama na roon sina Wilma at Almira. Ako naman ay napatungo.

"Miss Bajade, Now you know what is Knowledge." Baling ni Mam sa akin.

Lumunok ako at tumango.

"Y-yes po Mam."

"A simple question has a simple answer right?" muli pang sambit ni Mam Rosalyn. Ang paningin nito'y nasa mga kaklase ko na.

"How do you know about that? Are you really keeping the lesson what you learned on the elementary old days? Or you research?" Muling baling ni Mam kay Noli.

"Mam Rosalyn, I may not be the most intelligent in this class but I know how to learn our lesson."

"Oh is that so?"

"Yes Mam, If you are a real student, You know how to be a student. And you know how to answer the simplest question they asked you." Muli pang sagot ni Noli.

Muling nagpalakpakan ang mga kaklase ko sa sagot na iyon ni Noli. Ang galing-galing niyang sumagot. Alam ko naman hindi kasing talino ni Noli ang mga kaklase naming may matataas na grado pero kaya niyang sumagot masipag siyang magaral hindi tulad ko...pumapasok lang sa paaralan at uupo at makikinig pero hindi naman maintindihan ang sinasabi ng guro.

Bumaling si Mam Rosalyn sa akin.

"Did you hear what Mr. Valdez said, Miss Bajade? If you are a real student you know how to be a student." tanong sa akin ni Mam Rosalyn.

Hindi agad ako nakasagot. Nagiinit ang mukha ko sa kahihiyan na sinapit ko ng mga oras na iyon.

"Miss Bajade, Hindi mo ba naiintindihan ang lesson natin kapag nagtuturo ako? O hindi mo lang maintindihan ang English subject ko?" tanong ni Mam Rosalyn sa akin. "Kasi simpleng tanong lang ng english ang tanong ko pero hindi mo pa nasagot. You are a high school at graduating na pero bakit hirap kang sumagot?" narinig ko pang saad ni Mam.

Natahimik ang mga kaklase ko. Si Noli nakaupo na.

Hindi na naman ako nakasagot. Oo nga naman, tama si Mam high school na ako at malapit ng grumadweyt pero simpleng tanong niya hindi ko pa masagot-sagot.

"Sorry po Mam," nakayukong sagot ko. Hiyang-hiya na ako.

Muli kong narinig ang pagbugtong-hininga ni Mam Rosalyn.

"Mamayang lunch magpunta ka sa Faculty at Magusap tayo." Ani Mam Rosalyn. "Pwede ka nang maupo." Utos niya sa akin.

Nakayukong umupo ako. Hindi ko kayang magtaas ng tingin sa kanila. Nahihiya ako sa sinapit ko.

Nagpatuloy na ang klase. Marami pang tinanong si Mam sa mga kaklase ko. May mga nakasagot at may iba namang hindi nakasagot.

Pagkatapos ng English kaagad na nagsilapitan sa akin sina Wilma at Almira.

"Okay lang Myrna?" Si Almira bakas sa mukha niya ang pagaalala.

"Okay lang siya Almira, hindi naman siya nasaktan sa tanong ni Mam Rosalyn unless kung dinibdib niya ang sinabi ni Mam." wika naman ni Wilma na siyang nakaupo na sa tabi ko. Nakakrus ang mga hita niya habang ang dalawang braso niya nakatungkod sa arm chair ko.

Umirap si Almira rito.

"Huwag ka ngang sarkatiska Wilma alam mo na ngang napahiya ang kaibigan natin eh." sikmat rito ni Almira.

Tinaasan naman ito ng kilay ni Wilma.

"Hindi porket napahiya siya masasaktan siya, Kasalanan din naman niya kasi. Pumapasok pero hindi namang nakikinig sa klase!" Patutsadang sagot ni Wilma kay Almira. "Ilang beses na nga nating siyang sinabihan palaging makinig sa klase pero anong ginagawa niya? Kung hindi tulog sa klase nakikipagtsismisan sa katabi." dagdag pang sabi ni Wilma kaya napapahiyang napayuko ako.

"Kahit na!" Naiinis na sambit ni Almira rito.

Umismid si Wilma.

"Ewan ko sa inyong dalawa!"

"Hmp! Hayaan mo siya Myrna, Mainit lang ang ulo niya kasi malakas ang daloy nong nasa ibaba niya."

"Almira!"

"Oh bakit? May masama sa sinabi ko?"

"Wala! Pero huwag kang marites!"

"Hmp! Sungit!"

"Tama na. H'wag na kayong mag-away." awat ko sa dalawa.

Pareho naman silang natigilan at napatingin sa akin.

"Oo Wilma, Tama ka. Dapat nakikinig ako sa klase natin. Hindi ako dapat natutulog at nakikipagtsismisan sa katabi ko para may matutunan ako. Masyadong matigas ang ulo ko kaya heto....hirap akong makasagot sa tanong ng mga teacher natin. Tama si Noli. Bokplaks ako." mahabang pahayag ko sa kanila.

"Ano?! Si Noli tinawag kang bokplaks?!" Hestirekal na sabi ni Almira ng bigla siyang tumayo sa nilipatang niyang upuan kanina natumba pa iyong upuan.

"Kasi iyon naman ang totoo. Bokplaks ako." Pang-gigiit ko naman.

"Kahit na! Hindi porke nakasagot siya kanina ay ang tali-talino na niya!" Naaasar na sabi pa ni Almira.

Napayuko ako. Sana hindi ko nalang sinabi edi sana hindi tumataas ang dugo ng babaeng ito.

"Humanda siya sa akin mamaya! Aalisan ko siya ng buhok sa ilong! Makita niya!" May panggigil pang sabi ni Almira.

"Tama na Almira, Huwag kanang magalit baka maubusan kanang dugo. Babawi nalang ako sa susunod sa klase natin." Pangiinahon ko sa kaniya.

"Mabuti pa Myrna." Sangayon naman ni Wilma.

Tipid lang akong ngumiti.

"Sige, Maiwan ko na muna kayo kailangan ko lang magpunta sa faculty at kausapin si Mam Rosalyn." Paalam ko sa kanilang dalawa.

"Hindi ba't mamayang lunch pa 'yon?" Ani Wilma habang nakatingin sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya.

"Oo pero mas gusto ko nang kausapin siya ngayon." Paliwanag ko.

Pareho silang napabugtong-hininga.

"O sige, Balitaan mo nalang kami kung anong napagusapan niyo ni Mam Rosalyn." Si Almira.

"Sige."

Palabas na ako ng pinto ng marinig ko pa ang boses ni Almira.

"Noli samahan mo naman si Myrna sa faculty."

Nanigas ang buong katawan ko pagkarinig sa sinabing iyon ni Almira.

"Ha? Bakit ako?" Narinig ko namang tanong ni Noli rito.

"Bakit hindi ikaw? Hindi ba't sabi mo ty—Oo nga sasamahan ko siya dami mo pang satsat!" Biglang putol ni Noli sa iba pang sasabihin naman ni Wilma.

"Tara na!"

Napatingin ako sa gilid ko. Kay Noli! Ang bilis naman niya!

"S-sasamahan mo talaga ako?" Manghang tanong ko sa kaniya.

"Hindi! Boplaks talaga!"

Nalukot ang mukha ko at wala sa sariling inangat ang braso ko sa mukha niya at binigyan siya ng isang malakas na suntok!

"Tangina!"

"Hambog!"

Tinalikuran ko siya at mabilis na naglakad palabas ng room namin.

Akala mo kung sinong matalino!

NASSEHWP

Continue Reading

You'll Also Like

126K 2.8K 11
The Witch Down the Street. Bloodhound. The Plague. Ivy-Rose Monroe. No name can wrack the fear than one of death, one of hopelessness, and mind led...
57.1K 1.2K 29
One day from the far future, There was a very young boy named Su-ho living with the best and most fearful hunters in Korea Sung Jin-woo and Cha hae-i...
2.4M 73.2K 31
COMPLETED Mia is a typical nerd, who is painfully shy. You can't even drop a pen without her being startled, her timid nature has no place in the wor...
125K 4.2K 31
f/n l/n was accepted into UA, even though she didn't pass any entry exam or physical test. The class who supposed to only be composed of 20 students...