Six Months Agreement with Mr...

By marya_makata

1.5M 33.6K 3.6K

"Six months isn't enough, I want to spend a lifetime with you." -Hot Hotelier Series 1 *** Hindi madali ang l... More

Warning: SPG (R-18)
Happy 1M Besties!!
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Kabanata 71
Kabanata 72
Kabanata 73
Kabanata 74
Kabanata 75
Kabanata 76
Kabanata 77
Kabanata 78
Kabanata 79
Kabanata 80
Kabanata 81
Kabanata 82
Kabanata 83
Kabanata 84
Kabanata 85
Wakas
Special Chapter
New Book Alert!!

Kabanata 58

13.7K 329 2
By marya_makata

KABANATA 58 :: CAKE

Saglit pa akong napatanga sa kinatatayuan bago tuluyang makabawi.

Kumurap-kurap ako at naglihis ng mata. Panay ang kalabog ng lintik kong puso.

Kendi, baby asan ka na ba?

Halo-halo ang nararamdaman ko habang patuloy na naghahanap ay napasulyap ako sa buffet table partikular sa isang bultong nakatayo malapit doon.

Halos apat taon... Napakaraming nagbago at siguradong isa na doon ang pangangatawan niyang kung noon ay sexy na, ngayon kahit yata may button down long sleeve, ulam na.

"Ate, nahanap na po ni Kuya Kendrick si Kendi, nasa kusina po kasama si Sir Rod," agad na saad ni Erna nang sumulpot sa tabi ko.

Isang sulyap pa at saka ako tumalikod para pumunta sa kusina.

Tiwala akong hindi nagkita ang mag-ama dahil kung nagkataon tiyak na kokomprontahin ako ni Kleindro. Pero wala siyang ginawa kundi bigyan ako ng blangko ngunit mariing titig.

Halos hapo pa ako nang makarating kay Kendria na kasama ni Tito Rod para kumuha ng ice cream sa ref.

"Ken, baby... Uuwi na tayo okay?" marahan kong sambit ng makarating sa kanya.

Si Kuya ang dumiretso kay Tito Rod. Agad na tumango-tango ang matanda matapos itong bulungan ng anak.

Nakakaintinding tingin at pagtapik sa balikat ang isinagot niya nang magpaalam kaming aalis na.

Kinailangan pa naming sumabay kay Kuya Kendrick pauwi dahil nagwawala si Kendria, ayaw pa niyang umalis sa party. Gumawa kami ng alibi na masama ang pakiramdam ko pero hindi sya natigil kakaiyak.

Ang kotse ko ay naka convoy sa amin, minamaneho ng taong inutusan ni Kuya.

Nakatulugan na nga ni Kendi ang pag-iyak kaya ng magpaalam si Kuya na babalik sa party at mapag-isa kami ni Kendi sa kuwarto ay nakaramdam ako agad ng awa para sa kanya.

Gusto nya lang namang mag stay sa party dahil marami siyang kalaro doon, taliwas dito sa bahay na kami lang ni Erna ang nakikita niya.

"Ipapaliwanag ko din sayo lahat anak, ah... Hindi lang muna ngayon..."

Nakatulugan ko ang paghaplos sa bahok ni Kendria at matamlay pa rin siya hanggang kinabukasan kaya naman yun ang iniisip ko habang nagtatrabaho sa shop.

Natutulala ako sa opisina, nakailang tawag na din ako kay Erna para mangamusta ng lagay nila sa bahay pero pare-pareho lang ang sagot niya. Tahimik daw si Kendi at hindi masyadong kumain ng lunch.

"Che, may problema ba?" tanong ko ng masalubong si Cheryl pagkalabas ko ng opisina.

Ang ngiwi niya ay bahagyang napalitan ng ngiti pero bumalik din at namimilipit siya habang sapo ang tiyan.

"Nag e-LBM kase ako Ma'am, kaso madaming costumer hindi ako makaalis. Uuwi na sana ako."

"Ako na ang bahalang tumulong sa kanila, sige na umuwi ka na...."

"Talaga ma'am? Naku thank you po!"

"Uminom ka ng tubig ah, baka madehydrate ka. At kung hindi pa maayos ang kalagayan mo bukas, magpahinga ka muna," bilin ko pa bago siya magtatakbo patungo sa staff room kung saan siya nag-iiwan ng gamit.

Simula ala una hanggang alas tres ay abala kaming lahat. Dalawa kami ni Sheila sa counter para kumuha ng mga order. Habang lima naman ang naghahatid ng order kada lamesa, at ang iba ay nasa kitchen.

Medyo malaki din ang lugar. Nabili ko ito matapos akong manganak kay Kendi. Originally, bahay sana namin ito pero panay ang puna ni Kuya na luma na at maliit para irenovate bilang bahay kaya naman ng matanggal ako sa boutique na pinagta-trabahuhan ko bilang assistant manager ay nagpasya akong mag-aral ng baking at mga bagay-bagay tungkol sa pastries.

Eventually, natuto din ako sa mga simpleng gawain sa business gaya ng meetings at paper works, sa tulong ng nakatatandang kapatid na siya ring pinakaunang nag invest.

He trusted me when no one did, the least he can do dahil ayokong tanggapin ang perang ibinibigay niya sa akin noon pati ang posisyon sa kanyang kompanya.

Si Tito Rod din ay kinukumbinse akong magtrabaho bilang isa sa mga higher bosses ng kompanya nila pero tumanggi rin ako. I want something from my own sweat and blood.

Kaya heto, nag expand, lumago...

"Ma'am, gusto daw po kayong makausap ng costumer sa table fifteen..." paiyak na saan ni Dallia ng makalapit sa amin.

"Okay sige. Dito ka muna sa counter Shiela, babalik din ako agad."

Walang pag-aatubili akong lumapit sa isang costumer doon na nakatalikod sa gawi ko.

"Ma'am, good afternoon. I'm Vanna how may I help you?"

Taas kilay niya akong binalingan ng tingin at sinipat mula ulo hanggang paa.

"Ikaw ba ang manager?"

Tumikhim ako at pormal na ngumiti.

"I'm the owner."

"Oh well, ang mga empleyado mo dito ang tatanga!"

Pinanatili ko ang pormalidad kahit parang ako ang naoffend sa pamumuna niya sa mga empleyado ko.

"Ano po ba ang nangyari?" pilit kong pagpapakahinahon.

"I said I want the blueberry muffins from your menu and your waitress said it's not available, kaya pinili ko ang rapsberry cheesecake pero wala pa din! Anong klaseng pasty shop ba ito?"

Sumulyap ako sa ibang costumer na napapatingin sa gawi namin dahil sa eskandalong ginagawa ng kausap ko.

"Ma'am pasensya na po, may mga nakalagay po talaga sa menu na hindi available ngayong araw dahil naubos na po kanina pang umaga ang ingredients para-"

"I don't care! I want my orders now!"

Humugot ako nang malalim na hininga para hindi maubusan ng pasensya sa babaeng kaharap.

I've encountered a lot of people and some of them are even more worst.

"Ma'am, with all due respect hindi po namin kayo pinipilit na mag order at kumain dito, kung gusto nyo go somewhere else dahil wala po kaming panahon sa mga costumer na kaseng arte ninyo."

Offended and hurt, she stood up and face me.

Doon ko napansin ang malaking height difference namin dahil bukod sa mas matangkad siya ay nakasuot siya ng high heels na ilang inches ang taas kesa sa wedge na suot ko.

Ang gold chain ng mamahalin niyang bag ay agad na nag-ingay ng hablutin niya iyon.

"Makikita mo, bibigyan ko ng bad review ang lugar na ito! Argh! Bwusit!"

Nagmartsya siya paalis sa lugar habang naglilitanya ng mga pagbabanta at pananakot niyang sisirain ang oangalan ng shop.

Nahilot ko ang sentido na parang biglang sumakit dahil sa nangyari.

Ang mga costumer naman na kanina lamang nanunuod ay nagsibalikan na sa mga ginagawa matapos ang komusyon.

Mas kailangan nila ng tulong ko dito ngayon dahil on leave ang manager na si Joryl at kung lahat ng costumer ay kagaya ng babaeng iyon, mas gusto ko na lamang na isara ito.

Minsan talaga may mga taong umaastang edukada at marangal kahit ugaling basura. Kung tutuusin hindi naman kasalanan ni Dallia na umaga pa lamang ay ubos na ang ingredients para sa mga berry products, isa iyon sa mga best selling at binabalik-balikan bukod pa sa kulang talaga ang supply these days.

"So... You're working here?"

Halos mapatalon ako sa kinatatayuan nang marinig ang boses na iyon ngunit hindi ko nagawa dahil naestatwa ako bigla.

Hindi ako maaring magkamali.

"A-Anong ginagawa mo dito?" halos pabulong kong tanong.

"Kakain," aniya at nagkibit-balikat.

Parang walang salitang nag sink in sa utak ko dahil patuloy lamang akong nakatulala sa kanya kung hindi pa nagvibrate ang cellphone na nasa bulsa ng jumpsuit na suot ko ay hindi pa mawawalay sa mukha niya ang titig ko.

Wala sa sariling sinagot ko iyon matapos walang paalam na tinalikuran si Kleindro at naglakad palabas sa shop.

"Hello?"

"Ate, si Kendi kakausapin ka daw- Mimi?- Oo, sige heto kausapin mo na baby...."

"Hmm... How's my baby? Hindi na ba nagtatampo ang Ken ko?"

Narinig ko ang paghagikgik ng anak sa kabilang linya dahilan para makalimutan ko ang tensyon na nararamdaman kanina lamang nang muling makita si Kleindro.

"Mimi cake!"

"Anong cake ang gusto mo?"

"Hmm... Forest!"

"Black forest?"

"Yup mimi! Yum yum!"

"Okay sige, uuwi ako ng maaga. Okay? Hintayin mo yung cake..."

"Kay! Lalalab mimi!"

"Love you too, Ken..."

Ibinaba ko ang cellphone at babalik na sana sa loob pero agad napatigil nang bumangga ang mukha ko sa matigas na dibdib sa aking harapan.

Umatras ako agad at kunot-noong hinarap siya.

"Anong ginagawa mo dito sa labas? Akala ko ba kakain ka?"

Inignora niya ang aking katanungan at sinagot iyon ng isa pang katanungan.

"Boyfriend?"

"Huh? Sino?"

Nagpalinga-linga pa ako para kumpirmahin na ako ang kanyang kausap kahit sa akin nakadirekta ang mata niya.

"Sa dami ba hindi mo alam kung sino? Si Kendrick? Si Lawrence? O baka naman si PJ?"

Clueless ko siyang tiningnan.

Kendrick? That's real disgusting because it is incest. Iisang Lawrence lang ang kilala ko at iyon ay ang dating suitor ni Dairene na ngayon ay close friend na namin. At sino naman si PJ?

"You know what? Nevermind."

Yun lang at nilagpasan na niya ako.

Matapos ilang saglit na mapatanga ay pumasok ako sa loob at dumiretso kay Shiela na siya pa ring duty sa counter.

"Nasaan si Dallia?"

"Nandon sa kitchen, Ma'am. Umiiyak yata dahil dun sa babaeng costumer."

Napailing-iling na lamang ako dahil si Dallia ang pinakabago at pinakabatang waitress. Graduating student na siya at noong mainterview ko ay napilitan lamang daw magtrabaho dahil nastroke ang kanyang ama at ang sahod ng gurong ina ay kulang pa sa pagkain ng lima niyang nakababatang kapatid sa probinsya.

Nagpaalam ako kay Shiela na pupuntahan muna si Dallia para kamustahin sa kitchen.

"M-Ma'am wala po ang ginawang masama," pahikbing sambit ni Dallia nang matanaw akong papasok sa kitchen.

"Dallia-"

"Ginawa ko alng ang trabaho ko, sinabi ko naman po sa kanya nang mahinahon na-"

"Dallia-"

"Nauna po syang magtaray pero promise po hindi po ako gumanti. Ma'am wag nyo po akong sisisantehin parang awa nyo na po-"

"Of course not! Huminahon ka Dallia, bakit naman kita tatanggalin?"

Agad siyang nag-angat ng tingin sa akin.

"Kase diba po yung costumer.... Uhh..."

"Hindi ko tinololerate ang mga ganoong costumer, if she can't give respect then I do believe that she doesn't deserve it either."

Nakahinga sita ng maluwag at tipid na napangiti habang nagpupunas ng luha.

"So hindi nyo po ako sisisantehin?"

"Hindi... Sige na, ipagbalot mo ako ng black forest cake, ilagay mo na lang sa kulay pink na box, ipapasalubong ko kay Kendi at Erna..."

Sumaludo siya sa akin at mula sa pagkakasandal sa isang gilid ng kusina malayo sa ibang abala pa din sa mga pastries na idedeliver bago magsara ang shop.

"Right away, Ma'am Vanna!"

Continue Reading

You'll Also Like

2M 136K 48
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
570K 28K 40
She's destined to be a queen, and the fall of the Imperial Empire depends on her life Her name is Morta and this is her story. Genre: Fantasy/Romanc...
230K 3.9K 40
Avyanna Andres and Markus Dwayne Madrigal
7.4M 202K 42
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...