MYRNA, THE GOOD DAUGHTER

By NassehWP

18K 722 74

Makakaya mo bang ipagpalit ang napakabait, napakasipag, maalalahaning at higit sa lahat napakaganda't simplen... More

Synopsis
CHAPTER 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Author's Messages
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52

Chapter 5

393 16 0
By NassehWP

Chapter 5

Sabado ng gabi heto kaming lahat ng pamilya ko sa ilalim ng punong Indiang mangga habang nakaupo sa mahabang upuan na gawa pa sa puno ng Melina. Kasulukuyang kaming nakikinig sa payabangan ng mga kapatid ko tungkol sa magiging propesyon nila paglaki.

"Basta ako magiging doktor ako para magamot si Tatay at nanay kapag nagkasakit sila tapos gagamutin ko din si Mikmik!" Pagyayabang ng kapatid kong si Marlon siya ang sumunod sa akin nasa sampung taong gulang limang taon ang agwat namin.

"Ako naman guro pag laki ko para tuturuan ko ang hindi marunong magbasa at magbilang na mga bata!" Pagyayabang naman na isa ko pang kapatid na si Marina. Nasa edad walo naman ito.

Sumunod na nagsalita si Mikmik na siyang pinakabata sa amin.

"Ako naman Nay, Tay, Gusto ko maging engineer para maitayo ko kayo ng magandang-maganda at malaking-malaking bahay! Para hindi na tayo mababasa ng ulan kapag may tumutulo sa butas. Hindi na din tayo matatanggalan ng yero kapag malakas ang hangin at bagyo. Tapos magpapalagay ako ng maraming-maraming kuryente para marami tayong ilaw."

"Ako din magpapadami ako ng maraming-maraming pera para makabili tayo ng TV natin kasi lagi nalang tayong nakikinuod kay Aling Molina."

"Bibili din ako ng washing-machine ni Nanay para hindi na siya mahirapan maglaba at masugatan ang kamay niya."

"Ako naman nagpapatayo ng malaking tindahan para hindi na tayo uutang palagi ng kakainin natin kasi lagi nalang pinagagalitan si tatay sa mga tindahan kapag umuutang siya ng sardinas at isang kilong bigas."

Nanlalabo ang mga matang sinulyapan ko sina nanay at tatay. Mula sa puwesto nila tahimik paring silang nakikinig sa mga sinasabi ng mga kapatid ko ngunit ang kanilang mga mata'y namumula na dala ng magkakasunod na pagtulo ng kanilang mga luha.

Si Tatay palihim na pinunasan ang luha gamit ang damit niya. Si nanay naman ay yumuko upang hindi makita ng mga kapatid ko ang pagalpas ng luha nito.

Kahit ako ay hindi ko na ding napigilan mapahikbi.

"Hanla Nay, Tay, Ate, Bakit po kayo umiiyak?" Nagtatakang tanong ni Marina sa amin.

Mabilis naming tinuyo ang mga basang pisngi at ngumiti ng matamis sa kanila.

"Natutuwa lang kami mga anak dahil bata palang kayo pero marunong na kayo mangarap." Wika ni Nanay. Ang mga mata nito'y namumula pa ding.

"Oo nga mga anak, kaya mag-aral kayong mabuti para matupad niyo lahat ng pangarap niyo." Wika din ni Tatay sa kanila.

Alam ko kung gaano kasakit para kay tatay ang isiping matutulad sa kami sa kanila na walang narating sa buhay kaya hangga't maaari ay kinakaya niya kaming itaguyod. Umulan man o umaraw nasa gitna siya ng bukid nagtatanim. Kahit nauuhaw at kumakalam ang tiyan nagtitiis paring siya.

"Opo Tay, Mag-aaral po kaming mabuti para hindi na kayo mahirapan ni Nanay." Saad ni Marlon at saka ito ngumiti ng malapad.

"Ako din po Tay, Nay, Mag-aaral ng mabuti!" Sunod na sambit ni Marina.

"Ako din po." Singit naman ni Mikmik.

"Kung ga'non aasahan ko ang mga iyan." Ani Tatay at saka ako sinulyapan. "E ang ate niyo? Hindi niyo ba tatanungin kung anong gusto niya?"

Bumaling sa aking ang tatlo kong kapatid pati na ding si Nanay.

Ngumiti ako sa kanilang lima.

"Syempre, Kahit hindi ako matalino tulad ng iba magtatapos pa din ako ng pag aaral at maghahanap ng magandang trabaho. At tulad niyo, gagawin ko din ang lahat para hindi mahirapan sina Nanay at Tatay." Sabi ko habang nakatingin sa mga kapatid ko.

"Pero hindi pa naming alam kung anong gusto mo Ate?" Wika ni Marlon. Napakamot pa ito sa kaliwang pisngi nito marahil kinagat ng lamok.

"Ah...oo nga pala." Sambit ko kunwari. "Ang gusto ko? Siguro maging mayaman na negosyante."

"Parang sa Mommy at Daddy ng kaklase kong si Nicole?" Tanong naman ni Marina.

Tumango ako.

"Edi magiging bad ka n'on!" Gilalas nito bigla.

Nagkatinginan kaming tatlo nila nanay at tatay.

"Bakit mo naman nasabi?" Kunway tanong ko kay Marina.

"Kasi sabi ng kaklase kong si Nicole ang mga mayayaman daw ayaw sa mahirap."

Muli kaming nagkatinginan na tatlo nina nanay at tatay.

"Hindi naman lahat ng mayayaman anak, masasama ang ugali." Si Tatay.

"Bakit hindi po lahat Tay? Mababait po ba ang ibang mayayaman?" Muling tanong ni Marina.

Tumango si Tatay rito.

"Oo naman. Ang iba kasi may takot sa diyos kaya ayaw nilang maging masama. Pero may ibang mayayaman abusado at ginagamit ang pera sa pansariling kagustuhan. Naiintindihan mo ba ang sinabi ko Marina?"

Tumango-tango si Marina na para bang naiintindihan talaga ang ibig iparating ng ama namin.

"Opo Tay, Naiinitindihan ko po."

"Ako din Tay, Naiintindihan ko din po!" Singit ni Marlon.

"Ako din po Tay," segunda naman ni Mikmik.

Napangiti ako.

Mga bata palang ang mga kapatid ko pero malawak na ang kanilang pangunawa. Siguro ay dahil nararamdaman nila ang paghihirap namin.

Nagtuloy-tuloy ang usapin namin. May mga tungkol sa pangarap, ambisyon, at kung minsan naman ay nagkukwento si Tatay tungkol sa alamat ni Matsing at Pagong. Minsan si Nanay naman ang nagsasalita at nagkukuwento. May nakakatawa at kung minsan nakakatakot. Kaya todo ang sigaw ng tatlo. Tawa kami ng tawa kasi si Marlon todo kapit sa leeg ko nagmukha tuloy siyang matsing. Si Marina at Mikmik ay parehong nakayakap kina Nanay at Tatay.

Mayamaya ay napansin na naming naghihikab na ang tatlo.

"O siya, Tayo ng pumasok sa loob at tayo ay matutulog na." Aya na ni Nanay sa amin.

Tumayo na ito at kinarga si Mikmik medyo antok na antok na kasi ang bata at hindi na kayang maglakad.

Si Marlon nauna ng naglakad papasok sa loob ng bahay kasunod si Tatay habang karga din nito si Marina na siyang nagpakarga naman.

"O sumunod ka na ding Myrna at maaga pa ang gising nating bukas at tayo makikimisa." Anang tatay bago tuluyang makapasok sa loob ng bahay.

"Opo Tay, pahangin lang po ako ng kaunti tapos papasok na din po ako." Sabi ko.

"O sige, Ikaw na ang magsara ng pinto." Bilin pa ni Tatay sa akin.

Naiwan ako sa labas habang nakatanaw sa kalangitan na punong-puno ng bituin na halos hindi ko na mabilang sa kamay.

Walang buwan ngunit napakadaming bituin.

Tuwing gabi, bago ako matulog lagi akong nakatanaw sa milyong-milyong bituin at humihiling na sana'y dumating ang magbago ang buhay namin. Na sana'y hindi na magkasakit ang kapatid ko. At sana kapag dumating ang panahon na pwede na akong magkaboyfriend sana may isang taong tatanggap sa akin. Iyong kaya akong tanggapin kahit hindi ako kasing talino ni Wilma at kasing ganda at sexy ni Almira. Kahit sobrang hirap namin hindi niya ako ikahihiya.

Alam kong hindi pa pwede pero sa tuwing nakikita ko ang ibang kaedaran kong babae at mga kaibigan kong niniligawan ng mga kaedaran naming lalaki naiinggit ako. Kasi sila, may natatanggap na isang tangkay ng rosas at gumamela at isang balot na chooey choco at isang garapon na stick-o. Minsan, sinasama sila sa pagbabike kung saan-saan at nagdedate sa Plaza. Pero ako sa bahay lang at tumutulong sa gawaing bahay ni Nanay. Hindi kasi ako pwedeng magsaya habang sila hindi magkandakumahog sa trabaho. Ayoko munang unahin ang sarili ko pero kasi...

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at muling nakipagtitigan sa mga bituin.

"Grabe naman ang titig mo sa mga bituin Myrna baka malusaw ang mga iyan."

Mabilis na inaalis ko ang paningin sa mga bituin at nalipat sa lalaking naglalakad palapit na sa aking ngayon.

"O bakit nandito ka?" Tanong ko kay Noli.

Ngumisi siya.

"Naramdaman ko kasing kailangan mo ng karamay." Sagot naman niya at naupo sa may tabi ko.

"Karamay? Para saan naman?"

"Sa pagiisa mo dito sa ilalim ng punong mangga habang pinapapak ng ilang libong lamok." Saad pa niya.

Umingos ako kunwari at bahagyang lumayo sa kaniya. Masyado kasing dikit na ang mga balat namin.

"Ano bang hinihiling mo sa bituin at gabi-gabi ka nalang nakatingala sa langit?"

"Hindi ako humihiling 'noh!" Depensa ko.

"Weh? Lokohin mo Nanang mo! E lagi nga kitang nakikitang nakatanaw sa langit eh." Giit pa ni Noli.

"Hindi nga sabi eh!" Protesta ko. "At bakit mo naman lagi akong nakatinging sa langit. Stalking kita 'noh?"

"Pffft. Stalker Myrna hindi Stalking." Nakatawang sambit pa niya ng itama ang sinabi ko.

"Oo nga stalker!"

"Hindi naman 'yon ang sinabi mo eh."

"Iyong ang sinabi ko! Mas magaling ka pa sa akin eh!"

"Talaga naman mas magaling ako sa 'yo." Mayabang na sabi pa niya.

Tumayo ako sa puwesto ko.

"Matutulog na ako! Ayaw na kitang kausap!" Naiinis na sabi ko sa kaniya.

Narinig ko naman ang pagtawa niya.

"Ikaw naman Myrna ang pikon mo talaga. O sige, Matulog kana at ako nalang ang magtutuloy sa naudlot mong paghiling sa mga bituin." Wika pa ni Noli na kinainis ko lalo.

"Hindi nga sabing humihiling ako! Bahala ka nga diyan! Ang kulit mo!"

"Pffft."

Naglakad na ako papasok sa loob ng bahay namin at sinara ang sako-sakong pinto namin.

Bahala nga siya! Papakin sana siya ng lamok!

NASSEHWP

Continue Reading

You'll Also Like

16.8K 515 10
When the Marauder era got a letter from golden era saying that there is second wizarding war, and they are going to watch the life of two Potter in o...
18.2K 553 27
Unicode ငယ်ကိုအရမ်းမုန်းတာပဲလားမမမုန်း သဲငယ် ငါ့ဘဝမှာမင်းကိုအမုန်းဆုံးပဲ တစ်သက်လုံးမုန်းန...
86.7K 1.1K 7
နိုရာနဲ့ပထွေးဖြစ်သူတို့ဘယ်လိုမျိုးဇာက်လမ်းဖြစ်ကြမလဲ 21+ရိုင်းပါတယ်နော် ကလေးများမဖတ်ပါနဲ့
19.9K 665 28
the story takes place in Nevermore where Wednesday meet a tribrid that is Hope's twin sister who was misplaced at birth. her name is Faith Mikaelson...