..when words fail, music spea...

נכתב על ידי littlemisspianist

362K 7.4K 935

Love, friendship and music interconnected. As mysteries of love and music unfold, can Bettina and Tristan go... עוד

..when words fail, music speaks.. [COMPLETE]
Chappie 1
Chappie 2
Chappie 3
Chappie 4
Chappie 5
Chappie 6
Chappie 7
Chappie 8
Chappie 9
Chappie 10
Chappie 11
Chappie 12
Chappie 13
Chappie 14
Chappie 15
Chappie 16
Chappie 17
Chappie 18
Chappie 19--The Childhood Memoirs (1)
Chappie 20
Chappie 21
Chappie 22
Chappie 23
Chappie 24
Chappie 25
Chappie 26
Chappie 27
Chappie 28
Chappie 29
Chappie 30
Chappie 31
Chappie 32
Chappie 33
Chappie 34
Chappie 35
Chappie 36
Chappie 37
Chappie 38
Chappie 39
Chappie 40
Chappie 41
Chappie 42
Chappie 43
Chappie 44
Chappie 45--The Childhood Memoirs(2)~Orange Letter
Chappie 46
Chappie 47
Chappie 48
Chappie 49
Chappie 50
Chappie 51
Chappie 52
Chappie 53
Chappie 54
Chappie 55
Chappie 56
Chappie 57
Chappie 58
Chappie 59
Chappie 60
Chappie 61
Chappie 62
Chappie 63
Chappie 64
Chappie 65
Chappie 66-The Childhood Memoirs(The Yellow Letter)
Chappie 67
Chappie 68
Chappie 69
Chappie 70
Chappie 71
Chappie 72
Chappie 73
Chappie 74
Chappie 75
Chappie 76-Childhood Memoirs(The Green letter)
Chappie 77
Chappie 78
Chappie 79-The Childhood Memoirs(2nd Green Letter)
Chappie 80--(edited version)
Chappie 81
Chappie 82
Chappie 83
Chappie 84
Chappie 85
Chappie 86
Chappie 87-The Childhood Memoirs (Blue Letter)
Chappie 89
Chappie 90--The Finale

Chappie 88

3.8K 95 26
נכתב על ידי littlemisspianist

A/N: Take care everyone! 

~~

Mabilis ang oras. Siguro dahil gusto ko ang ginagawa ko kaya hindi ko na napansin ang oras. Puspusan na kasi ang praktis ko sa recital. Benta ng ticket dito, benta ng ticket doon. Marami na akong nabentahan. At syempre, marami na rin ang porsyento ko,mwahahahh!

Si lola Jas pinadalhan ko rin ng ticket pero syempre, complimentary ticket na yun which means, mga free ticket yun. 6 ang ganun ko. Bale, 4 na lang ang natira kasi 2 ang binigay ko kay lola Jas.

Yung 2 syempre, kay mama at papa. Yung isa binigay ko kay Nick. Tapos yung isa, binigay ko kay Tristan. Kulang nga eh.

Nagtampo pa nga si Crystal kasi inuna ko daw yung dalawang lalaki kesa sakanya. Pero naman kasi, binentahan ko na ng 2 ticket si Ian kaya syempre, siya ang kasama nun. Sus. Haha.

“Mimi, we’re done. Is the design alright for you?” Tanong nung interior designer na kinuha ni kuya Storm para magdesign ng stage.

“Yes, I love it. Thanks for doing this so great.”

“A great musician deserves great stage design.”

“Thanks. ^___^” Magaling talaga ang interior designer na ‘to. Sabi ko lang naman na gusto ko ng garden setting para sa classical songs na part tapos gumawa siya ng swing under a tree tapos may maliit na pond din. Ang concept ko kasi ay parang tea time habang nakikinig sa ganung mga compositions. Tsaka relaxing naman kasi yung mga pyesang pinili ko para sa classical.

Kaso ang problema ko nung binubuo ko sa utak ko yung ganung concept, baka mahirap. Tsaka ibang setting ang gusto ko para sa modern songs. Sa modern kasi mga love songs naman ang pinili ko. So ang concept ko ay may bench na may nakalagay na bouquet. Pero dahil nga kukulangin ng oras kapag nagpalit ng setting, yung lights na lang daw ang paglalaruan nila. May lighting director din kasing kinuha si kuya Storm. Malamang, producer yan eh kaya kabisado nyan ang lahat.

So yun nga, may ilalagay na lang daw na ibang designs para pagandahin. Yung pond kasi ilang days din bago nila nakumpleto. Tapos yung swing ang talagang pinakabongga. May flowers kasi sa rope tapos nung inupuan ko, ang lambot nung cushion na nakalagay. Tapos parang couple swing kasi yung nilagay kasi malaki yung space. Tapos yung puno naman na kinakapitan nung swing gawa sa plastic. Akala ko nga baka biglang maputol yung branch nun pero matibay naman daw ang pagkakagawa nun.

Ang galing din nung parang Bermuda grass na nakalagay sa floor ng stage. Carpet lang yun pero hindi ko alam kung pano nila ginawa na may mga flowers na tumutubo. Tapos sabi sakin ni kuya Lin, yung interior designer, yung mga lovebirds daw sa day na ng recital nila ilalagay.

Hindi ko talaga maimagine na kaya niyang pagandahin yung stage. Amazing yung talent niya sa pagdesign. Nasunod niya yung gusto kong mangyari sa stage. Yung para sa modern naman, since love songs nga yun, aside from lighting effects, may idadagdag na lang daw na parang picnic setting. Ang galing diba? Gusto ko nang makita ang kabuuan ng stage! Haha.

Gusto ko sanang may parang role play kaso wala akong mahanap na pwedeng gumanap. Ayaw naman pumayag ni Marvin tapos Kiara. Si Ian tapos Crystal nahihiya daw. Tsk.

Pwede sanang sa ‘I’ll Be’ nakaupo sa stage si Tristan nakatingin lang sakin tapos bago mag-end yung kanta, ibibigay niya yung bouquet sakin, diba? Hahahah. Or pwede rin na siya ang kumanta tapos sa end, ibigay niya sakin yung roses. Ohohohoho! Or pwede rin na duet kami habang nakaupo sa may picnic or sa may swing. Wahahahahah!

Shunga ka Mimi. Umayos ka nga! Tristan ka na naman dyan eh. Porke may party ngayon si Tristan.

Speaking of, kailangan ko ng mag-ayos! Shocks!

Nagpaalam ako sa mga nag-aayos ng stage tapos lumipad na papunta sa dorm. Mga 10 minutes, nakaayos na ako. Cute yung dress na pinatahi ni ate Danica. Strapless cocktail dress siya na mint green ang color accented by brown ribbon na kailangan pang itali kasi hindi talaga siya connected sa dress; separated pa yun. Dahil wala si Kiara, hindi ko muna nilagay yung brown ribbon. Hindi ko kasi abot sa likod tsaka hindi ko alam kung ano talaga ang dapat na itsura nun. Haha.

Si Tristan ang magsusundo sakin. Nagsabi na kasi ako na kaya ko naman pumunta dun pero ayun, mapilit siya. Actually, mapilit si ate Clarisse. Siya ang pumilit kay Tristan na sunduin ako para daw hindi ako mapahamak along the way.

Sa kabilang syudad pa kasi yung hotel nila. Yung pinagtatrabahuhan ni kuya Lex.

*Knock Knock*

Si Tristan na kaya yan? Binuksan ko yung pinto.

Siya nga! Wew, ang gwapo lang. Naka tuxedo siya na gray tapos may ribbon na gray din sa may neck. Woohoo! Parang Shinichi Kudo lang. Hihihihi~

“Akala ko may belt ka na brown?”

“Pano mo naman nalaman?”

“Nakita ko yung design.”

“Ah, hindi ko kasi matali eh. Hindi ko abot sa likod.”

“Hindi naman sa likod itatali yun. Sa may gilid. Nasan ba?” Kinuha ko yung silk brown ribbon. Don’t tell me marunong siya nito?

Kinuha niya sakin yung ribbon tapos **blush blush** siya ang nagtali. Nakakakilig,ahihihih!

Pero wait..

“San ka natuto maglagay ng ribbon?”

“Kapag may babae kang bunsong kapatid at wala ang nanay mo para ayusan siya sa ballet class niya, malamang matututo ka.” Ahhhh, yun naman pala.

“Nasubukan mo na sa sarili mo ang ribbon?” Haha, watta stupid question of mine.

“Itali kita dyan sa ribbon gusto mo?”

“Joke lang. Eto naman, di na mabiro. Why so serious?” Bigla niyang hinila yung ribbon kaya super close na namin sa isa’t isa. As in centimeters away na lang! Nilayo ko nga bigla ang mukha ko eh. Kaso ang lakas na naman ng topak niya at hinawakan ako sa waist. Argh!

“Why am I so serious?” ARGH! His voice is so manly! I’m starting to feel like jelly-o. Ahuhuhu!

Somebody rescue me!

Then, tumunog yung phone na hawak-hawak ko. May tumatawag.

“M..may tumatawag sakin.” Kinuha niya yung phone tapos tiningnan niya kung sino yung tumatawag. Weew, at last, binitawan niya rin ako.

“Hello?” Aba, sinagot ba naman ang tawag na para sakin? “Boyfriend niya. Ahhh…sige, sabihan ko na lang siya. Ok…”

“Sino yun?!” Kinuha ko agad phone ko. Anong boyfriend niya ang pinagsasasabi niya?!

“Si Valerie.”

“Ano daw sabi?”

“Ewan.” Kinurot ko siya nang pinong-pino. “Aray! Ano ba?!”

“Yan ang bagay sa mga tulad mo! Pakialamero!” Kinuha ko yung pouch ko tapos lumabas na ako. Bumuntot na lang siya sa likod ko.

Pero ano kaya sinabi ni Valerie. Tsk, itext ko na lang siya mamaya. Ahy kaso pala wala akong load ngayon. May utang pa ako sa Globe dahil nag-GTSOS ako nung isang araw. Haha.

Kung magpapaload naman ako, ang layo pa nung paloadan. Pagdating na nga lang sa hotel. Makikitext na lang ako kay kuya. Mayaman naman yun sa load kasi lagi nun katext yung jowa niya.

Tahimik akong pumasok sa kotse niya. Actually, ayaw ko siyang kausapin kasi pag nag-uusap kami, gumagawa siya ng mga perverted actions. I mean, mamaya nyan bigla na lang akong halikan niyan. Although gusto ko naman yun(mwahahahah), syempre, ayoko parin na magpahalik na engaged siya. Gusto ko engaged siya sakin bago niya ako halikan,mwahahahah!

“Sabi ni Valerie, magmadali na daw tayo.” Aba, sasabihin lang naman pala eh.

“Nandun din siya?” Tanong ko na nakatingin sa daan.

“Oo.”

“Ah, okay.”

Feeling ko, 12 hours yung byahe namin. Ang bigat lang kasi nung atmosphere. As in walang kumikibo samin. Kung magtatanong man siya, laging one word lang ang sagot ko. Ako naman walang balak na tanungin siya ng kahit ano.

One word: Awkward.

Nung nakarating na kami sa hotel, sinalubong kami ni Valerie. Aba, mas maaga pa siyang nakarating. Or baka mabagal lang talaga magdrive si Tristan kasi naka-tux siya?

Ewan. Basta ang point, kami ang pinaka-late na dumating. Si Nick kasi nasa may reception area na pagdating namin.

“Lalo kang gumaganda ah.” Sabi ni Valerie.

“Inspired kasi yan.” Epal talaga tong kapatid ko kahit kelan.

“Maganda lang talaga ako. Tara na nga, Valerie.” Hinila ko si Valerie papunta… San nga ba kami pupunta?

“San tayo pupunta?”

“Sa CR. Haha.”

“Okay, tara. Ayusin mo buhok mo. Para kang na-rape.”

“Sira kasi aircon ng kotse ni Tristan kaya nakabukas lang yung bintana. Na-rape ka dyan. Sapak you want?”

“Joke lang. Ang scary mo. Parang nung bata pa tayo.”

“Masaya kaya maging scary,mwahahah! Naalala mo yung umiyak ka kasi nawala tayo sa gubat?”

“Oo, pinaalala mo pa.”

“Ang ganda mong pagtripan noon,hahaha. Grabe kasi ang takot mo sa mumu. Awoooooo~”

“Ikaw naman ang adik sa mga ghost hunting sa mga haunted house. Kaya pati mangkukulam naging kaibigan mo.”

“Mabait naman si lola Jas.”

“Yung apo ang hindi.” Hahahahah! Tumpak!

“Hayaan mo na. Pero Valerie, may tanong lang ako sayo. All this time, bakit hinayaan mo na gamitin ka ni Tristan? Naging kayo kuno and everything pero bakit ka pumayag sa ganun?” Umupo kami sa lababo. Malinis naman yun at hindi naman basa.

“Kasi yung kambal mo may sulat sakin. Hindi ko alam na may sulat pala siya sakin. Binigay lang sakin ni Tristan nung nagkita na ulit kami ngayong college.” Kung buhay siguro si Robbie, baka writer na rin yun. Mahilig masyado na magsulat.

“Ano naman sulat nung baklang yun?”

“Pwede ba, hindi siya bakla.” Tumawa kami. “Sabi niya sa sulat niyang parang handwriting ng doctor, crush niya daw ako. Hahahaha!”

“Ah, talaga.” Sabi ko nang walang gana. Haha.

“Eto naman. Di ka ba masaya para sakin?”

“Sinabi ko naman na sayo na may gusto siya sayo, diba? Pero sabagay, sige na, kiligin ka na hanggang gusto mo.”

“Hindi naman ako kinikilig. Hello, in the first place, para san pa ang kilig factor na yun? Nasa langit na siya.”

“Sigurado kang nasa langit?”

“What do you mean?”

“Pano kung…nasa tabi mo pala siya??” Tinatakot ko lang si Valerie. Ahahaha!

“Umayos ka!!” Sasakalin sana ako ni Valerie. Hahah.

“Anyway, going back, oh ano naman dun sa sulat niya maliban sa crush ka daw niya?”

“Sabi niya pa, sana daw patuloy tayong maging friends. Mahalin daw kita na parang kapatid ko. Wag daw nating kalimutan yung pinagsamahan natin.”

“Sinabi yun ng isang 9 years old?”

“Oo. Habang binabasa ko yun, narealize ko na halos sirain ko na pala ang friendship natin.”

“Wag kang ganyan. Hindi mo naman sinira eh. Ako din naman lumayo sayo nun.”

“Yun nga. Simula nung namatay si Robbie, bihira na nating gawin yung mga ginagawa natin. Hindi na tayo pumupunta sa arena. Hindi ka na masyadong nakikipaglaro samin ni Tristan. Napaisip lang ako na nung nag high school na tayo, nilalayo ko si Tristan sa’yo. Iniisip ko na sakin lang siya. Pero si Robbie nga ang nakikita ko kay Tristan. Kaya mali ako. Tapos nung umalis ako, hindi man lang ako humingi ng tawad sayo.”

“Alam mo ba yung libro ni Erich Segal na ‘Love Story’?”

“Hah? Hindi, bakit?”

“May isang linya dun na main idea na rin ng buong novel. Sabi dun, Love means never ever having to say you’re sorry.” Tumingin ako sakanya. “Hindi mo na kailangang mag-sorry sakin. Kaibigan kita at mahal kita.”

“Ang bait mo. Nakakainis ka.” Tumawa kami pareho. “Dahil sa sulat na yun, pumayag ako sa plano ni Tristan. Kaibigan ko siya kaya naisip ko na kailangan ko siyang tulungan na protektahan ka. Nasaktan ka ba nung nalaman mo na kami kuno?”

“Malamang. Pero naisip ko na kayo naman talaga sa simula kaya wala akong laban.”

“Shunga ka talaga. Anyway, tara na. Magsisimula na ang weird na party.”

“Weird talaga.”

Bago kami makalabas sa CR, niyakap ko si Valerie. Niyakap niya rin ako.

“Ang tagal talaga mag CR ng mga babae.” Sabi ni kuya pagdating namin dun sa reception area.

“Gusto mong makakita ng mukhang nilampaso sa tiles?” Tanong ko na nakataas ang kilay.

“Amazona!”

“Bakulaw!”

“Mimi, wag mo na muna pansinin ang kuya mo. Naka-dress ka kaya be lady-like.”

“Ate Danica, hayaan mo lang si Mimi.” Aba, nasa side ko si Tristan.

“Tumigil na nga tayo. May namumuong love scene oh.” Batukan ko talaga to si kuya eh! Pshhh!

Pumunta na kami sa resto hall sa may 13th floor. 13th pa talaga. Malas!

Pagpasok namin, nandun na si JC at dalawang kamukha niya. Baka kamag-anak niya or something. Pwede ring kapatid. Mukhang mga evil din eh.

Yung lolo ni Tristan nandun na rin. Pati sina tita. Si Stacey naman kumakain ng pastries.

Lumapit si JC. “Hey, Tristan. What took you so long?” Mukhang hindi niya alam na sinundo pa ako ni Tristan. Kapag nalaman niya, malamang, dadanak ng dugo. Pinakilala niya yung dalawang kasama niya na pinsan nga niya.

Tapos tumingin siya sakin nang matalim.

“Let’s go meet my dad.” Aba, ikakasal na kayo teh? Grabe kung kumapit sa braso ni Tristan. Parang octopus lang.

“Ano ba ang pampatay sa octopus na grabe kung makakapit?” Tanong ni ate Clarisse.

“Ayun oh may itak sa may lechon area. Pwede na yun. Tapos sakto, may kusina dun diretsong luto na ng dinuguan.”

“Eeeeww…” Sabi namin kay ate Danica.

“Danica, relax lang. High blood ka kaagad. Kapatid ka lang. Gayahin mo yung isa dyan na ang tahimik lang tapos pasulyap-sulyap.” Tiningnan ko nang masama si kuya. Hindi ko alam kung ano ang problema nitong kapatid ko. Ang lakas na naman ng topak eh!

“Clarisse, hali ka nga at isalvage na natin yan na matandang hukluban na yan na siyang may pakana nitong lahat.”

“Ate, relax.”

“Sus, ayan na, palapit na ang ermitanyong hindi marunong magpacolor ng buhok. Ermitanyong puti ang buhok na mukhang mangkukulam. Juskupo!” Nakakatawa talaga tong si ate Danica.

“Danica, Clarisse, kanina pa kayo hinahanap ni Norman. San ba kayo nagpunta?” Tanong ni lolo Carl.

“Sa earth lang naman kami.” Ang taray ni ate Danica. “Excuse me for a while.” Tapos umalis siya pumunta kung saan.

“May pupuntahan ka rin?” Tanong niya kay ate Clarisse.

“Kasama ko si Mimi.” Sagot ni ate Clarisse in a nice way.

“Maraming pagkain ha. Kain lang kayo.” Sabi ni lolo Carl tapos umalis na rin siya.

“Mimi, punta lang ako sa office. May aasikasuhin lang ako.” Sabi ni kuya. So umalis na rin siya. Kami na lang nina ate Clarisse at Valerie ang magkakasama. Si Nick kasi bigla na lang nawala. Di ko alam kung saan pumunta.

So nagmano muna ako kina tito Norman tapos umupo na kami sa table.

Konti lang naman ang mga tao eh. Maliban sa pamilya ni Tristan at ni JC, wala nang iba masyado. May mga businessmen na konti pero kung bibilangin lahat ng tao, siguro mga 30 lang lahat.

“Si Nick yun, diba? Kilala mo ba kausap niya?” Tanong ni Valerie na nakatingin dun sa may pinto. Si Nick nga yun at may kausap siyang matanda. Siguro lolo niya. Parang nakikiusap siya or something.

“Hindi eh.”

“Lolo niya yan. Friends sila ni lolo.” Sagot ni ate Clarisse.

Kumain lang kami nang kumain. May program silang hinanda tapos may mga kumakanta and something. Pinatugtog din nila ng piano si Tristan. Mga ganun ganun lang.

“CR muna ako.” Sabi ko. Ang dami ko kasing ininom na juice,haha.

Nakita ko si Nick na papunta sa may stairs area. Mga maintenance team lang ang alam kong dumadaan sa mga ganun. Wala naman siyang kasama. Ano kaya balak niya?

“Nick!” Sinundan ko siya. Paakyat siya.

“Mimi?”

“San ka pupunta?”

“Sa rooftop. Sama ka?” Nawala tuloy yung ihi ko.

“Sure.” Maganda ang view sa rooftop. Kakatapos lang ng sunset so medyo orange pa ang sky. “Bakit pumunta ka dito?” Tanong ko.

“Gusto ko lang.” Hindi siya tumitingin sakin. Nasa bulsa ang mga kamay niya. Parang ang lalim ng iniisip. May nangyari kaya?

“May bumabagabag ba sa isip mo?”

“Madami.”

“Gusto mong ishare?” Nagbuntung-hininga siya.

“Hindi ko lang alam kung tama ba ang ginawa ko para sa isang tao.”

“Makakabuti ba yun para sa taong yun?”

“Oo.”

“Anong inaalala mo? Makakabuti naman pala yun eh.”

“Parang pinagsisisihan ko.”

“Pwede mo pa bang bawiin?”

“Hindi na.”

“Bakit mo ginawa yun in the first place?”

“Kasi hindi ko na masyadong napag-isipan.”

“Nangyari na yan. Isipin mo na lang nakatulong ka.”

“Nakatulong nga… Nasa kanya na kasi lahat. Nasa kanya na rin ang matagal ko nang gustong makuha.” Tapos tumingin siya sakin. “Pero okay na yun. Ginawa ko naman yun in the first place kasi yun ang gusto kong mangyari. Nahawa na kasi ako sa kabaitan mo.”

“Grabe naman. Mabait ka rin naman kasi eh. Salamat pala sa pagpunta sa EMAU nung inaatake ako. Number mo lang kasi ang memorize ko eh.”

“Okay nga yun eh. At least, kahit papano, pumapasok naman pala ako sa isip mo.”

“Para namang hindi tayo magkaibigan. Nakaka-offend ka naman.”

“Joke lang.” Pinitik niya noo ko.

“Aray.” Tumawa kami pareho. Mamimiss ko siya pag umalis na ako.

“Tara, baka hinahanap na tayo.”

“Nick.”

“Bakit?”

“Salamat sa lahat. At sorry din sa mga ginawa ko noon.”

“C’mon para san naman yan? Okay lang yun.”

“Salamat sa pagiging balikat at tenga these past months. Salamat sa pagtanggap parin sakin kahit na paingtabuyan kita noon. Salamat sa pagpakita sakin ng tunay na ikaw. Salamat at nakilala kita. Salamat sa lahat-lahat na hindi ko masuklian. Hinding-hindi kita malilimutan.”

“Alam mo ang kabayaran sa mga yun?”

“Ano?”

“Hug.” Seryoso siya. “Joke lang,haha.” Naglakad na siya pababa.

Pero bago pa siya tuluyang makababa bigla ko siyang niyakap mula sa likod.

“Alam kong kulang to sa lahat-lahat. Dasal ko lang na mahanap mo ang taong para sayo. Alam kong meron dyan. Lahat naman tayo meron.” Bumitaw na ako tapos humarap siya sakin.

“Lahat tayo meron talaga. Yung sayo naghihintay na sa baba.” Ngumiti siya.

“Masasabi pa bang pwede pa kami? May fiancée na siya.”

“Kaya nga ginawa ko yun.” Humawak siya sa mga pisngi ko. “Magtiwala ka kay Tristan. Mahal na mahal ka niya.”

Hay. Yeah, I know it so well.

Pagdating namin sa may corridor ng 13th floor, may isang napakalakas na sigaw. As in sobrang tinis. High pitch masyado ang boses.

Nagkatinginan kami ni Nick tapos tumakbo kami papunta sa resto hall. Nakita namin ang mga tao na tulala habang nakatingin sa nagwawalang si JC.

“You can’t do this to me, dad!!”

“Honey, you can’t have everything you want. Tristan’s not your property.” Sagot naman nung daddy niya.

“He’s mine! Only mine!” Nakakaawa siya. As in. Nakita niya ako tapos tumingin siya sakin nang napakasama. “Why do you always get the things I want? Grandma loves you very much. She treats you better than me. She treats you like her own granddaughter. You know how much that hurts me?!” Paano ko ba sasagutin ang tanong niya? Umiiyak na siya.

“Of course you don’t know. You’re this kind and talented person they always talk about. You’re not rich like me but why is it that you have the things I want?!”

“Answer me!!”

“Neither your grandma nor Tristan is mine. They’re not properties. They’re people. Your grandma spent time with me. What about you? Do you even spend time with her? Do you talk to her and ask her how her day was? How her childhood was like? How she brought up your mother?” Nag-iinit ang ulo ko sa sobrang kitid ng utak niya. Pero at the same time, naaawa ako sakanya.

“You don’t know about the days I spent with her. She always talks about you and your dead brother!!” Lumalapit siya sakin. “She talks about the dead! She doesn’t see me as her granddaughter! You’re my problem from the very start of my life!”

“JC, please stop this scene now.” Pakiusap nung daddy niya. Konti na lang ang layo sakin ni JC.

“No! I want to show everyone that this bitch is a thief!”

“Tristan’s your fiancé and your grandma is your grandma! Stop blaming me! I did not get anything from you.” Hindi na ako nakapigil. Sumabog na ang galit ko. Care ko? Ano naman sa mga tao dito kung makita nila ang ganitong ugali ko?

“He’s no longer my fiancé. They called it off. Are you happy now?” Hindi ko kayang matuwa sa ganitong sitwasyon na anytime gusto kong umiyak sa sobrang galit.

“I’m not happy.”

“Wow, and why is that? He could complete your world. That’s romance.”

“The only person that could complete me is no longer in this world. No one ever moves on from a twin’s death. He is the only person I miss all the time.” Pumatak na ang luha ko. Robbie, may nang-aaway sakin oh. Sniff sniff. “So if I were you, before your grandma leaves this world, spend time with her rather than blame people for your misery.” Nakakainis talaga siya. Ayoko na nga umiyak eh!

“You can be angry at me. Despise me all you want. Hate me. It’s alright to feel that way. But it won’t do you any good if you would hurt me in any ways you can think of. And one more thing, you don’t own a person’s heart. Sila ang magdedesisyon kung sino ang mamahalin nila. Pwede mo silang mahalin pero hindi mo sila kailangang angkinin.”

Robbie, tama ba ang ginawa ko? Tama ba ang mga sinabi ko? Sabihin mo naman oh. Sabihin mo kasi hindi ko alam kung may saysay ba ang mga sinabi ko!

“Stop acting so kind in front of everybody.”

“I’m not acting. Ni hindi nga ako magaling magsinungaling. Mabait? Hindi ako mabait. Masama ako. Masamang-masama. Kaya nga hanggang ngayon buhay pa ako, diba? Kung kasamaan lang naman ang pag-uusapan, gusto mo ng sample?” Kinuha ko yung basong may juice tapos tinapon ko sakanya yung laman.

“Para yan sa pagbanggit sa kapatid ko na parang insulto. Wala kang karapatang insultuhin siya.” Tapos lumapit ako sakanya. “Itigil mo na ‘to. Gumising ka na. Walang magagawa ang pagrereklamo mo sa buhay. Maraming paraan para baguhin ang pananaw mo. Stop acting like a brat and start acting like a lady.” Binigyan ko siya ng panyo.

“I really hate you.” Sabi niya.

“I hate you more.” Bigla akong inubo. At parang nasusuka na rin ako. Napahawak nga ako kay JC.

“What’s this acting now?” Bigla niyang tinanggal ang kamay ko. Dahil nanghihina na rin ako, nadapa ako. Nakahawak ako sa lalamunan ko. Nasusuka ako.

Di ko napigilan kaya dito na ako nagsuka.

“MIMI!” Maraming tao ang sumigaw at nagtakbuhan sakin.

“Tumawag kayo ng ambulansya!!” Sigaw ni Tristan.

“Mimi, gising lang ah. Andito lang si kuya.” Niyakap ako ni kuya.

Dugo ang sinuka ko. Sabi nga ng doctor, hindi daw ako dapat mastress at magalit.

“Ok lang ako.” Sabi ko nang nakangiti. “Si kuya Robbie nararamdaman ko… Ang sarap matulog…gusto ko na matulog. Pagod na ako, kuya.”

“MIMI!!!”

 

המשך קריאה

You'll Also Like

23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...
3.4K 228 49
"Walang mag-iiwanan, pangako 'yan!" Masarap magkaroon ng kaibigan na hindi mo man tawagan at sabihan nang nararamdaman mo, pero kusa pa rin silang la...
1.6M 23.7K 31
Evil students. Bullied teacher. Hell yes, this is a one of a kind school experience! Class resumes...
5.1K 252 7
Lorelei is a sensible girl and is almost perfect. Pero ano nalang kayang mangyayari kung biglang magbago ang kaniyang ugali? Wanna see Drunk Lorelei...