MYRNA, THE GOOD DAUGHTER

By NassehWP

17.9K 721 74

Makakaya mo bang ipagpalit ang napakabait, napakasipag, maalalahaning at higit sa lahat napakaganda't simplen... More

Synopsis
CHAPTER 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Author's Messages
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52

Chapter 4

406 22 2
By NassehWP

Chapter 4

"Mais kayo diyan! Maning nilaga! Bili na po kayo! Masarap ang tinda ko!" Sunod-sunod na sigaw ko habang nagaalok ng mga paninda ko dito sa paradahan ng mga traysikel. Nandito ako ngayon sa kanto ng Purok 3. Dahil Sabado at walang pasok naghakot ako ng paninda. Iyon naman ang gawain ko kapag walang pasok. Nagtitinda ng mga mani, mais, kakanin at suman. Magisa lang ako dahil hindi ko pwedeng isama ang isa sa mga kapatid ko. Katulong sila ni Nanay sa pagluluto. Si tatay maaga palang umalis para makipagtanim ng binhing palay.

Iyong dalawang kaibigan ko hindi sumama sa akin dahil may nakatokang trabaho silang gagawin. Si Almira siya ang nagaasikaso sa mga pinsan niya at sa Lola nito. Tulad ko, wala din silang kaya sa buhay bukod sa mga bata pa ang mga pinsan at hindi pa pwedeng mamasukan ng trabaho nagtitiis din sila sa klase ng buhay na mayroon sila.

Si Wilma siya ang pinakamarangyang buhay sa amin. Bukod sa de abroad ang pamilya at kamay-anak ay kapitan ang tatay nito sa barangay namin. Ang nanay naman nito ay may sariling negosyo tulad ng grocery. Hindi kalakihan. Hindi din naman kaliitan. Minsan trainer din ng basketball si Wilma. Hilig kasi nitong maglaro ng basketball at natuto ito sa nakakatandang kapatid nitong si Kuya Wilbert. Suplado ang lalaki at medyo snob na tao kaya nga minsan ay madalas itong asarin ni Wilma.

"O bili na kayo ng paninda ko! Kakanin, Mani, Mais mayroon pang Lumpiang Shanghai!" Muli kong sigaw sa gilid ng kalsada.

Mayamaya ay may ilang kabinatahan ang lumapit sa puwesto ko.

"Hi Myrna, Pabili naman ng Lumpiang Shanghai mo." Anang isang lalaki na ang pangalan ay si Nyko. Nicotan Uy Roque ang totoong pangalan nito. Sikat ito sa barangay nila. Bukod sa gwapo at mayaman ay napakabait pang tao. Hindi ito kumukutya ng antas ng buhay ng ibang tao bagkus tumutulong pa ito. Si Nyko pala ay anak ng isang Mayor. Si Mayor Agosto Roque. Tulad ni Nyko ay mabait din ang ama nito.

"Masarap ba 'yang mga tinda mo Myrna? Baka naman walang lasa ang mga iyan?" Anang kasama ni Nyko na si Joshua Angeles. Gwapo sana kaso mayabang at mapangmata ang lalaki. Palibhasa ay tulad ni Nyko galing din ito sa kilalang pamilya. Negosyante ang mga magulang nito.

"Oy sobra ka naman Josh! Makalait ka sa tinda ni Myrna!" Sita pa ng isa na si Apollo Dominique Marcos. Anak ng isang congressman. Tulad ng dalawa gwapo at kilala din ito. Pero mabait at maginoo ang lalaki hindi tulad ng Josh na ito napakapanget ng ugali! Hindi ko alam kung paano naging kaibigan ng mga ito ang lalaki.

"Hindi ko nilalait! Nagsasabi lang ako ng totoo!" Buwelta naman ni Josh kay Apollo.

"Weh? Ibig mong sabihing totoo ang sinabi mong tipo mo si Myrna?" Mayamayang saad ni Apollo rito.

Biglang namula ang buong mukha ng lalaki dahil sa sinabing iyon ng kaibigan.

"Hoy Apollo Quanco! Huwag ka ngang imbento! Baka ikaw diyan ang may tipo sa tinderang ito! Pinapasa mo pa sa akin!" Protesta ni Josh.

Nagtawanan ang dalawang kasama nito.

"Luh? Pikon? HAHAHAHA." Pangaalaska naman rito ni Nyko.

"E bakit kayong dalawa? Hindi ba't sinabi niyo ding maganda si Myrna at type niyo din siya pero hindi niyo pwedeng ligawan kasi bawal?" Mayamayang balik naman ni Josh sa dalawang kaibigan nito.

Napatingin ako sa dalawang lalaki. Naging mailap ang mata ng mga ito sa akin.

"Oy Myrna, Eto nang bayad ko!" Biglang pagsusungit ni Nyko at saka inabot sa akin ang buo at malutong na bente pesos at pagkatapos non ay mabilis na itong tumalikod.

"Eto din sa akin!" Sunod na sabi naman ni Apollo at inabot din sa akin ang buong fifty pesos. Tulad ng naunang lalaki tumalikod na ding ito at naglakad paalis kaya naman si Josh nalang ang naiwan sa harapan ko.

"Ikaw Josh? Hindi ka talaga bibili ng mani ko?"

Nanlaki ang mga singkit nitong mga mata.

"Hoy Myrna! Huwag ka ngang bastos! Bakit mo binibenta ang mani mo ah?!" Pagalit na sabi nito sa akin kaya naman napaawang ang mga labi ko.

"B-binebenta ko naman talaga ang mani ko ah,"

Nalukot ang gwapo nitong mukha.

"Ano bang mani ang tinutukoy mo? Iyang mani na nasa kaserola o iyang mani mong nakakabit sa 'yo?"

Ako naman ang nanlaki ang mga mata.

"B-bastos! Lumayas ka nga sa harapan ko!" Pagtataboy ko sa kaniya.

Buong mukha at pati na yata leeg ko ay namula dahil sa kaprangkahan ng lalaking ito.

"Luh? Ikaw nga diyan ang bastos eh! Gulo netong tinderang ito. Diyan kana nga! Mabulok sana iyang mani mo!" Kapagkuwan sabi nito at padabog na umalis sa harapan ko.

"Hoy! Malinis itong mani ko kaya hindi ito basta-basta mabubulok!" Pahabol na sigaw ko pa sa lalaki. "Hindi na nga bumili! Nanglait pa ng paninda ko! Kaasar!" Naghihimutok na sabi ko sa sarili at sandaling pinagmasdan ko ang mga paninda ko.

May limang nakasupot pang kakanin ang natira. Iyong punong-punong kaserola na naglalaman ng mani nasa kalahati na iyon. Iyong nilagang mais may tatlong supot pang natira.

Tumanaw ako sa kalangitan. Malapit ng magalas-onse. Iyon kasi ang istilo ko sa para alamin ang oras. Kapag medyo mataas na ang araw at mainit-init na sa balat, Pananghalian na iyon. Kapag medyo mas mainit at mas maliwanag ang sikat ng araw hapon na.

"Iuwi mo na iyan Ineng at mayang hapon kana uli magbenta rito. Tanghalian na baka hindi ka na naman makakain niyan."

Napatingin ako kay Mang Erwin. Tatay ng kaklase kong si Doreta. Isang traysikel driver at malapit na kaibigan ni Tatay. Magkaiba man barangay malapit naman ang loob ng bawat isa sa amin. Walang iba-iba. Walang away na nagaganap kapag may ibang dumadayo sa amin at dumadayo sa kanilang taga ibang barangay.

"Mamaya na po Mang Erwin uubusin ko lang po itong mga paninda ko para hindi po masayang at uuwi na din po mayamaya." Magalang na sabi ko sa matandang lalaki.

"Aru! Iyan din ang sabi mo noon Ineng, Pero napangaabutan ka paring ng hapon dito." Kapagkuwan sambit naman ni Mang Erwin.

Tipid akong ngumiti.

"Okay lang po Mang Erwin. Kailangan po kasi, Alam niyo naman po ang dahilan ko kung bakit kailangan kong magtiis."

"Kaya nga proud na proud si Melchor sa iyo dahil hindi kalang maganda napakasipag mo pang bata." Bilib na sambit ng matandang lalaki.

Nahihiyang napatungo ako.

"Salamat po Mang Erwin."

"O siya, Bilhin ko na nga iyang tatlong supot mong mais at natira mong kakanin para naman mabawasan na ang paninda mo." Mayamayang sabi ni Mang Erwin.

Kaagad na nagdiwang ang puso ko.

"Talaga po Mang Erwin? Hanla! Salamat po!" Bulalas ko at saka inilagay sa isang sando bag ang lahat ng natirang kakanin at mais. "Heto po Mang Erwin, sana po pagpalain ka ng diyos sa kabaitan mo." Sabi ko pa.

Napahalakhak naman ang matanda.

"Aba'y ibang klase ka talagang bata Ineng, Bukod sa masipag at maganda ka na nga ay magaling ka pang magpantig ng damdamin. Ipagpatuloy mo lang iyan ginagawa mo at balang araw ay may pagpapalain ka." Wika ni Mang Erwin sa akin.

Ngumiti lamang ako at muling nagpasalamat.

"Sige po Mang Erwin, Uuwi na po ako tutal pinakyaw mo na ang kakanin at mais ko. Sa uuliti po!" Wika ko at umalis na sa lugar na iyo.

Masaya at magaan ang loob ko habang naglalakad pauwi. Ubos na ang paninda kong mais at kakanin. Siguradong matutuwa sina Itay at Inay lalong-lalo na ang mga kapatid ko. May pambili na din kami ng gamot sa hika ni Mikmik. Hindi na iiyak si Tatay. Hindi na ding mangungutang sa tindahan si Nanay ng pambili ng paracetamol calpol.

"Salamat po Lord sa matiyagang pagdinig ng dalangin ko. Sana po sa susunod uli!" Nakangiting usal ko habang nakatanaw sa kulay bughaw na kalangitan.

Saktong pananghalian na ng makauwi ako sa bahay namin. Nadatnan ko pa ang kapatid kong si Marlon na nagaabang sa labas ng bahay namin. May hawak pa itong tirador. Siguro ay maninirador na naman ito ng ibong. Iyon kasi ang hilig ng kapatid kong lalaki at ako naman ay madalas siyang pagsabihan na huwag tiradorin ang mga ibon dahil wala naman silang ginagawang masama.

"Ate! Nakauwi kana!" Bulalas nito ng makita akong pumasok sa kahoy-kahoyang bakod namin na ginawa pa sa kawayan.

"Oo naman! Sinabi ko naman sa 'yong uuwi ako kapag naubos ang paninda ko eh." Nakangiting saad ko at sumulyap sa loob ng bahay. "Si Nanay?" Tanong ko kay Marlon.

"Nandoon sa loob Ate naghuhugas na ng mga pinagkainan."

"E si Tatay? Dumating na ba?"

"Hindi pa Ate,"

Napabugtong-hininga ako.

Madalas hindi na nakakauwi si tatay ng pananghalian. Minsan pinagkakasya nalang nito ang sarili sa paginum ng tubig sa batis. Minsan naman ay nagbabaon na lang ito ng nilagang mais at kakanin para kung hindi makauwi ng pananghalian ay sa bukid na kakain.

"O siya, Doon na tayo sa loob." Aya ko sa kapatid ko.

Hindi man kami kasing-rangya ng buhay ng iba. Mayroon naman akong pamilyang uuwian at nagaantay sa aking pag-uwi.

NASSEHWP

Continue Reading

You'll Also Like

33.1K 523 51
What the title said. You are a Worker Drone BTW Slow Updates because My motivation is dying.
24.3K 3.5K 12
ආදරේ කරන්න නොදන්න හිතකට ආදරේ කරන්න කියලා දුන්නු එයා ඒ ආදරේ අමතක කරන විදිහ කියලා දුන්නේ නැත්තන්...? ° nonfiction °
6.6K 682 71
" දන්නවද අභී..! එයා හරියට වැස්සක් වගේ...!" " වැස්සක් !?...'' '' ඔව් වැස්සක්...එයාගෙ ආදරෙත් හරියට වැස්සක් වගේ...කාලයක් මාව ඒ වැස්සෙන් තෙම්මලා....එයා ය...
64.4K 1K 7
နိုရာနဲ့ပထွေးဖြစ်သူတို့ဘယ်လိုမျိုးဇာက်လမ်းဖြစ်ကြမလဲ 21+ရိုင်းပါတယ်နော် ကလေးများမဖတ်ပါနဲ့