A Wife's Suffer

By FloralBride

7.7M 93.1K 4.4K

Isang babae hindi sinasadyang gawin ang kanyang kasalanan sa lalaking mapagmahal at mapag-aruga noon. Makakay... More

Prologue
Chapter 1: It is the starting point.
Chapter 2: The Wife's Past
Chapter 3: Her Past (Part 1)
Chapter 4: Her Past (Part 2)
Chapter 5: Worried
Chapter 6: His POV
Chapter 7: The Party
Chapter 8: The Sick Person
Chapter 9: The Caring Person
Chapter 10: Sticky Note
Chapter 11: Trip to Boracay (Part 1)
Chapter 12: Trip to Boracay (Part 2)
Chapter 13: You again?!
Chapter 14: A Friendly Date
Chapter 15: She's A Whore
Chapter 16: His Explanation
Chapter 17: The Word 'Sorry'
Chapter 18: We're friends once again
Chapter 19: College Days (Part 1)
Chapter 20: College Days (Part 2)
Chapter 21: Who's that Girl?
Chapter 22: Shopping with his sister
Chapter 23: Are you sulking?
Chapter 24: Fiesta Day
Chapter 25: Serenade
Chapter 26: Back to the start again
Chapter 27: Where Is He?
Chapter 28: The Special Dinner
Chapter 29: Sweet Home
Chapter 30: Last Hatred
Chapter 31: Thinking Of Her
Chapter 32: The Phrase "Space and Time"
Chapter 33: After She Made The Right Decision
Chapter 34: The Day of their Encounter
Chapter 35: Chasing Her
Chapter 36: Running Away
Chapter 37: Another Alvarez
Chapter 38: Serious talk
Chapter 39: The Secretary
Chapter 40: Who's This?
Chapter 41: Treat in the Cafe
Chapter 42: Success or Failed?
Chapter 43: Love Confession
Chapter 44: Before "THE DAY"
Chapter 45: The Day
Chapter 46: Sweet Proposal
Chapter 47: She's Back
Chapter 48: The Revelation (Part 1)
Chapter 49: The Revelation (Part 2)
Chapter 50: The Revelation (Part 3)
Chapter 51: The Reason
Chapter 52: Gender
Chapter 54: What She Wants
Chapter 55: The Signature
Epilogue
Question and Answer Portion

Chapter 53: Name

89.6K 1.1K 169
By FloralBride

A/N: Hi guys! Ito na po yung Chapter 53. Sorry po kung may mga ibang part na medyo ko iniba kasi hindi ko na po masyado matandaan pero atleast nasupply ko naman itong blangkong chapter for you guys. Thank you guys ng sobrang rami dahil rank 12 po tayo sa romace section! Hindi ko po macontain ang happiness sa katawan ko. Thank you so much and yeah thank you po talaga sa mga sumusuporta sa story ko. Love you all!

LUCKY'S POV

Masaya kong minulat ang aking dalawang mata pero nadismaya lang ako dahil sa pagtingin ko rin sa aking tabi sa kama ay wala na naman ulit siya. Nakaalis na ata siya, sabi ko sa aking utak. Bago pa ako bumangon ay hinimas ko ulit ang aking sinapupunan. Hindi ko mapigilan na matuwa dahil totoo nga ang sinabi ni Stephen sa akin na ang gender nga ng aming baby ay boy.

"Mamaya sasabihin ko kay Daddy na ang gender mo ay boy. Sigurado akong matutuwa iyon sa iyo at mas lalo ka pa niya mamahalin." Nakangiti kong sabi sa aking baby habang hinihimas ko ang umbok kong tiyan.

Ano kaya magiging pangalan niya? Isipan ko na kaya ng magiging baby boy namin oh hintayin ko na lang si Stephen mamaya para sabay kami mag-iisip ng pangalan ni baby boy.

Bumangon na nga ako at inayos ko na an gaming kama sunod naman iyon ay ginawa ko na ang morning routine ko.

Ngayon ay nandito ako sa library namin at nasa harap ako ng desktop. Hindi kasi akong makapaghintay pa para bumuo ng pangalan ni baby boy kaya naisipan ko na lang na kapag nakabuo na ako ng pangalan ay isusuggest ko kay Stephen kung maganda ang mabubuong kong pangalan kay baby.

Matapos ng dalawang oras mahigit ay nakapaglista na ako ng maraming pangalan at may meaning pa ang bawat pangalan dito. Ayoko kasi na kapag nagpapangalan ako ng magiging baby boy namin eh walang ka meaning meaning.

Masasabi kong mahirap talaga makahanap at makabuo ng pangalan dahil gusto ko kasi bagay na bagay sa baby ko yung pangalan niya at eksaktong eksakto sa kaniya kapag lumabas siya.

"How about this one baby boy?" hinawakan ko sa isang kamay ang baby bump ko at sa isa naman ay sa isang papel na nakalista doon ang mga pangalan ng lalaki pero babanggitin ko lang ang final na name para sa kaniya. Sana magustuhan niya ito kasi nagpakahirap talaga ako at pinag-isipan ko pa talaga.

"Felix Gilbert. Felix for happy and fortunate while Gilbert means a bright lad. Gusto ko sa paglabas mo baby ay lagi kang nakangiti at kahit sa paglaki mo ay patuloy ka lang maging masaya. Isa ka sa mga maswerte na babies kapag nilabas ka na kasi makikita moa ng lahat ng creations ni God and for sure sabi nga ng Daddy mon a malakas ang genes nila kaya sure na sure ako na matalino ka." Paliwanag ko sa baby ko habang himihimas ko ito.

"Ano baby boy, do you like your name? Felix Gilbert." Pagkasabi ko sa kaniya iyon ay pinapakaramdam ko kung sisipa at oo nga sumipa nga siya ng tatlong beses. Hindi ko mapigilan na magulat dahil ito ang first time na sumipa siya sa sinapupunan ko. For sure mamaya magugulat at matutuwa si Stephen dahil gusto ng baby ko na nabuo kong pangalan sa kaniya.

"Nakakabored naman dito sa bahay noh baby? Punta tayo sa mall para magkaroon na rin ako ng idea kung ano ang dapat bilhin sa iyo." Pagkasabi ko iyon sa kaniya ay nagsimula na akong mag-ayos sa sarili ko.

Nakafloral dress ako ngayon na hanggang tuhod pero sa dahil may bump nga ang tiyan ko ay umangat lang ito ng konti. Pagkalabas ko sa bahay namin ay sumakay ako sa taxi at sinabi ko kung saan ako ibababa.

Isang oras rin ang naging paglalakbay namin kaya ng nakarating na kami sa destinasyon ay nagbayad na ako sa kaniya at bumaba. Malaki itong mall na napuntuhan ko at sigurado akong maliligaw ka talaga kung first time o second time mo pa lang dito pero dahil sa nagpupunta kami dito dati ng mga kaibigan ko nung mga college days ko ay naalala ko pa rin ang loob nitong mall.

Nakapasok na nga ako at masasabi kong madaming tao ang nagshoshopping at kung iba naman ay nagliliwaliw naman. Naisipan kong pumunta sa department store since yun naman talaga ang goal ang alamin at icheck ang mga dapat naming bilhin ni Stephen kapag bibili na kami ng baby stuffs para kay Felix.

Nang nakarating na ako sa department store ay hinanap ko ang shop na para sa mga babies. Sa labas pa lang ay nakikita mo pa lang sa glass nila dito ang mga mannequin na pang bata meron din naman ay para sa mga toddlers na nakasuot ng mga damit. Hindi ko mapigilan na mapangiti habang himihimas ko ang baby bump ko dahil sa mga susunod na taon ay makakasuot na rin siya ng mga ganito.

Inikot ko ang paligid ko at biglang tumama ang mata ko sa mag-ama. Sa tingin ko ay three years old pa lang ang batang lalaki at hinahabol siya nito ng kaniyang ama. Nakikita ko naman sa expression ng ama kung kagaano ito kasaya habang hinahabol niya ang kaniyang anak na lalaki samantala naman ang asawa nito ay nakaupo at katulad rin niya ay buntis rin pala ito.

What a happy family they are. Bulong ko sa aking isip. Sana ay maging ganyan rin kami ni Stephen. Masaya lang kami.

"Well look who's here." Boses pa lang niya ay hindi ko mapigilan na magulat at iniisip ko sa aking sarili kung mali lang ang pagkakarinig ko. Inikot ko ang aking sarili sa likod kung siya nga and yes she's here in front me, smiling.

"V-Vienne, bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya. Hindi pa rin mawari ng aking sarili kung si Vivienne nga ang nasa harap ko at kahit anong pikit at bukas ng mata ko ay nandito pa rin siya sa harap ko. Biglang tumuko ito at sap ag-angat niya ay malungkot na expression ang pinapakita niya sa akin.

"Look Lucky, I want to tell you something." Bakas naman sa boses niya ang pagmamakaawa na kausapin niya ako at lungkot rin nito. Ano ba gusto niyang sabihin sa akin?

Ngayon ay dinala na niya ako sa isang fastfood chain at dito niya daw ako gustong kausapin. Pumayag naman ako dahil baka nga importante ang kaniyang sasabihin sa akin at para matigil na niya kaming dalawa ni Stephen dahil magbubuo na kami ng isang pamilya.

Pagkarating namin doon ay kumuha na muna kami ng mauupuan at nang nakahanap na kami ay iniwan na muna ako ni Vivienne para kumuha ng tubig. Kita ko naman na humingi siya ng baso sa counter at nang binigyan siya nito ay pumunta siya sa drinking fountain at nilagyan niya ito ng tubig.

Hindi ko alam pero ang pakiramdam ko ngayon ay kaba at dahil hindi ko nga alam kung bakit sa una pa lang ay sumama ako sa kaniya. Ang alam ko lang ay para matapos na rin namin ito ni Vivienne at para sabihin sa kaniya na wag na pa siyang gumawa ng paraan para lang makapagpasira sa relasyon namin ni Stephen dahil all I know is that Vivienne is a slut and a bad woman.

Nang napuno na ang baso ng tubig ay lumapit na siya sa kinauupuan ko. Umupo siya sa tapat ko at habang nilapag niya ang baso ng tubig sa harap ko ay kumunot ang kniyang noo at halatang itong nag-aalala.

"Hey are you okay? Mukha kang namumutla." Bago pa niya akong sabihan na magCR ay inunahan ko na siya dahil nararamdaman kong may masamang mangyayari pero hindi ko alam kung kailangan ko sundan ang instinct ko o hindi kasi baka amsyado lang ako naprapraning sa mga nangyayari sa amin ni Vivienne.

"MagC-CR lang ako. Excuse me." Tumayo na nga ako sa kinaupuan ko at nagtanong ako sa mga crew doon kung saan ang CR kaya tinuro niya sa akin kung saan iyon.

Nang nakapasok na ako sa CR ay naghilamos ako ng maraming beses at tinitigan ko ang aking mukha sa salamin. Wag kang kabahan Lucky, mag-uusap lang naman kayo ni Vivienne pagktapos non ay pwede ka na umuwi kahit gusto mo.

Hinawakan ko ang tiyan ko at napapansin rin ata ni Felix na nag-aalala masyado ang mommy niya. "Sorry baby." Bulong ko. Kumuha ako ng panyo ko sa bag ko at inayos ko na naman ulit ang sarili ko at nang ready na ako ay lumabas na ako.

Nadatnan ko naman si Vivienne na nakaupo lang ito at parang nakatitig ito sa baso kong tubig. Nang nakalapit na ako ay ngumiti muna ito sa akin at umupo na nga ako.

"I think you're not okay a while ago. Here, uminom ka muna ng tubig." Bigyan niya sa akin ng isang baso na tubig na nakalapag dito sa harap ko. Tinanggap ko naman iyon at ininom, nakatingin naman ako kay Vivienne at nakatitig ito sa akin. Nang naubos ko na ito dahil na rin sa uhaw ko at para mapakalma rin ng sistema ko.

Umayos ng upo si Vivienne at humarap sa akin. "Lucky, I'm sorry." Pagkasabi niya iyon sa akin ay ramdam ko ang paghihingi ng pasensiya niya sa akin. Yumuko muna ito at pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko na nakalapag sa lamesa.

"I'm sorry sa mga nagawa ko sa inyong dalawa ni Stephen. I'm sorry sa naging trato ko sa iyo nung nagmeet tayo sa bahay niyo. Alam kong iniisip mo na sisirain ko ulit yung relasyon niyo at natatakot ka dahil baka madamay pa ang anak niyo." Ngayon ay nakikita kong namumuo na ang kaniyang luha at ilang saglit lang ay bumagsak na ito sa kaniyang pisngi.

"Alam ko sa past natin ay hindi tayo nagkaunawa and yeah I'm a bitch, slut, whore before. Nadiskubre mon a nilalandi ko lang si Stephen tapos ay nangangaliwa naman ako pero look nagsisi ako Lucky. Nagsisi ako sa naging desisyon ko. Alam kong napakasama kong babae dahil giinagawa ko iyon sa kaniya patalikod."

"I'm sorry kung nasabihan man lang kita ng msasakit na salita dati Lucky and yung pag-uwi ko dito. Napag-isipan kong mabuti na masyado akong naging desperada para lang umasa nab aka may mabalikan pa ako pero nagkakamali ako dahil kasal nap ala kayo at magkakaroon na rin kayo ng isang baby."

"Don't worry Lucky, pagkatapos nito ay hindi na ulit ako manggagambala pa sa relasyon niyo. Tanggap ko na mahal ka na niya at hindi na ako. Akala ko talaga kasi eh sa pagbalik ko ay magiging kami ayun pala hindi." Mapait na ngiti ang binigay niya sa akin pagkatapos niya sabihin ang huling kataga doon.

"Okay lang kung hindi mo ako ngayon mapapatawad dahil na rin sa mga kasalanan na nagawa ko sa inyong dalawa ni Stephen."

Ilang saglit lang ay nararamdaman kong nahihilo ako at sumama bigla ang pakiramdam ko kaya kahit gusto kong ngumiti sa kaniya ay hindi ko magawa. Tumayo na nga kaming dalawa ni Vivienne at nagshake hands.

"Well kailangan ko pang umalis eh so I think this will be our last meeting." Pagkasabi niya iyon sa akin ay niyakap niya ako at pagktapos ay umalis na ito sa harap ko. Nang nawala na siya sa paningin ko ay naisipan ko ng umuwi ng bahay dahil sobrang sama na talaga ng pakiramdam ko.

Nahihiya ako kay Vivienne dahil nakinig lang ako at hindi man lang ako nagsabi ng kahit anong bagay kung hindi ngiti lang ang maari kong maibigay sa kaniya. Sabagay, baka ngayon ay hindi ko siya mapapatawad pero feel ko naman ay mapapatawad ko naman siya sa tamang panahon.

Habang naglalakad ako ay hindi ko mapigilan na tumabi sa isang tabi dahil may isang batang lalaki ang tumakbo sa aking gilid, buti naman ay napahawak ako sa aking tiyan.

"Daddy!" tawag nung batang lalaki na sa tingin ko ay tatlong taong gulang na ito at dahil nakatalikod ang ama at halatang may kausap ito sa cellphone niya ay humarap ito sa kaniyang harap pero dahil sa unti-unti nitong pagharap niya ay unti-unti rin ako napatakip sa aking bibig.

Hindi ko alam unti-unti na rin dumadaloy ang luha ko sa aking pisngi dahil sa nasaksihan ko ngayon. Nagpapasalamat naman ako sa Diyos dahil malayo ako sa kanila at panigurado hindi ako nakikita ni Stephen. Binuhat ni Stephen ang bata at base sa expression niya ay tuwang tuwa siya.

May pamilya na siya? May anak na rin siya kung ganon sino ang ina ng bata? Ilang saglit lang ay bilging lumabas si Vivienne sa eksena.

"Mommy! Hinihintay po namin kayo ni Daddy eh kahit ako hinahanap kop o kayo." Pagtatampo ng bata kay Vivienne habang karga pa rin ito ni Stephen.

Hindi ko alam pero sa oras na iyon ay sobra sobra na ang tusok ng karayom dito sa puso ko. Hindi ko iniinda ang sama ng pakiramdam ko dahil ito ang mas masakit sa lahat na naranasan ko kasama si Stephen. How can I forgive him?

"Sorry baby ko may pinuntahan lang si Mommy." Pagsuyo naman dito sa bata na hanggang ngayon ay karga pa rin ni Stephen.

"Hmmm....I will forgive you if you will kiss Daddy." Hindi ko mapigilan na maiyak dito sa pwesto ko. Tama ba ang narinig ko sa bata? Halikan? Hahalikan ni Vivienne si Stephen?

"K-Kiel, are you sure?" natatarantang tanong ni Stephen sa batang karga niya. Tumango naman ang bata sa kaniya.

"Yep! You love Mommy naman diba Daddy?" inosenteng tanong nung bata kay Stephen pero nakita kong humahagikhik lang si Vivienne sa kaniya at kinuha ang bata kay Stephen pagkatapos ay binaba niya ito.

"Masyado mahiyain yung Daddy mo Kiel." Pagkasabi niya iyon sa kaniyang anak ay siya ang nag-insist na halikan niya si Stephen, nakita ko naman na napatingin sa akin si Vivienne. Hindi ko alam kung nakatinign siya sa akin dahil nakatilokd sa akin si Stephen kaya hindi niya ako makikita dito sa pwestong ito.

Tama na. Tama na itong kahibangan ko. Tumakbo na ako sa lugar na iyon at hindi ko alam kung saan na ako dinadala ng mga paa ko dahil na rin sa nasaksihan ko. Mga walang hiya sila! Kaya pala umuuwi ng gabo at pumapasok naman ng maaga si Stephen para lang puntahan niya ang mag-ina niya at kasamaang palad dahil ang mag-ina niya pa ay ay yung dati niya pang girlfriend.

Habang tumatakbo ako ay wala masyadong makita sa dinadaanan ko dahil na rin sa mga luha kong patuloy pa rin ang agos nito sa pisngi ko. Ayoko pang makita ang pagmumukha nila. Kinasusuklaman ko na sila. Hindi ko mapigilan na mapaisip dahil sa mga nangyayari sa amin ni Stephen.

Kaya ba siya nagiging cold kasi mas mahal niya ang anak niya sa ibang babae kaysa sa amin ni Felix? Habang iniisip koi yon ay hindi ko na naman mapigilan na humikbi dahil sa lahat na naman na pinapakita sa akin ni Stephen ay isang kasinungalingan na naman. Pinipilit ko ata siya na alagaan ang anak namin baka narealized na nga niya na mahal niya pa rin si Vivienne.

Habang naghihintay ako dito sa pedestrian lane para umilaw ng go ay hindi ko mapigilan na ang lahat ng tao na nanduon ay mapatingin sa akin dahil sa bakas pa rin ang luha ko sa aking pisngi na kahit kanina pa ako umiiyak. May narinig naman ako na nag-aalala sa akin at yung iba naman ay nagpapanic na tinitingnan nila ako.

"M-Miss dumudugo po yung dalawang binti niyo." Pagkasabi sa akin ng babae ay bigla akong kinabahan at nagsimula na naman bumuhos ang luha ko dahil unti-unti ako tumignin sa pagitan ng dalawang binti ko at umaagos na nga ang dugo nito.

Bigla akong napahawak sa tiyan ko dahil sa sobrang kirot na nararamdaman ko sa sinapupunan ko. No baby! No baby! Kumapit ka muna baby, wag ka muna nila kunin sa akin. Patuloy pa rin akong umiiyak dahil sa sobrang hilo, taranta, at halong halong emosyon.

Dahil sa nawala na ako ng isip dahil na rin sa mga nagraradagsang emosyon at naiisip ko ngayon ay tumakbo ako sa pedestrian kahit nastop pa rin ang light nito. Hindi ko alam kung tama o mali ang ginagawa ko ngayon ang gusto ko lang ay makatakas sa isang sitwasyon na katulad nito nang biglang may naramdaman akong bumangga sa akin sa gilid ko at sa pagbangga ko doon ay alam kong may pinagsisihan ako sa buhay at yun ay mameet ko pa si Stephen.

Sa pagbasak ko sa kalsada ay ang tanging nakikita ko lang ay mga taong lumapit sa akin, tanging naririnig ko lang ay ang kanilang ingay, sigaw, at pagsasabi sa akin na magiging okay lang ang lahat pero hindi ko mapigilan na hindi matawa sa aking isipan na kung bakit magiging okay lang ang lahat kung wala naman sila sa sitwasyon ko at huli sa lahat ang tanging naiisip ko lang ngayon ay marami akong mapapagsihan sa buhay paggising ko nito.

Nilalabanan kong huwag ipikit ang aking mata dahil kapag minulat ko ito ay panigurado madaming pagbabago sa aking buhay at hindi na katulad pa dati pero dahil hindi na rin malabanan ng mata ko ay pinapabayaan ko na lang ito, sumunod nito ay ang dahan-dahan paglamon sa akin ng kadiliman.

piratim_

Continue Reading

You'll Also Like

754K 26.3K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2.1M 61.9K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
2.7M 46.1K 50
#26 in ROMANCE (05-29-17) #4 in Doctor #9 in heartaches #4 in operation Ryanalene Finch is a very happy person. Pero may isang bagay na hindi nya kay...