Obsession of Dela Fuente

Von Aaelunamist

200K 5.4K 141

Leaving her hometown was never cross in Siah's mind. She love her town so much to the point that she beg her... Mehr

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Final Chapter
Epilogue

Chapter 34

4.3K 118 3
Von Aaelunamist

Chapter 34


Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa muka ko. Galing iyon sa bintana ng kwarto. Babangon na sana ako ng maramdaman ang mabigat na bagay na nakapatong sa mga hita ko. Meron din akong nararamdaman na mainit na hininga sa leeg ko.


Bumaling ako sa aking tabi upang magulat sa gwapong muka ng isang lalaki. Agad nag flash back sa utak ko ang lahat. Dito natulog si Yue sa bahay at magkatabi kami.


Nakasiksik ang ulo niya sa leeg ko at mahigpit ang yakap sa akin. Ang isang paa niya ang nakapatong sa hita ko na para bang ayaw akong pakawalan.

Tinitigan ko ang maamo niyang muka habang natutulog. Totoo nga na kapag tulog lang ang tao mabait. Sinubukan kong alisin ang kamay niyang nakayakap sa akin para tumayo pero umungol lang siya at mas humigpit ang yakap.

Napabuga ako ng hangin at tinapik siya. "Mr. Dela Fuente let me go"aniko. Hindi siya sumagot sa halip ay mas lalong isiniksik ang muka sa leeg ko dahilan upang makiliti ako.

"Yue ano ba?"hinawakan ko ang braso niya sa may tiyan ko.

"Hmmm"inis na ungol niya. Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Mommy na gulantang na nakatingin sa amin.

"Shiela! Naku naman! Halika ka muna rito!"rinig kong tawag ni lola at hinila si Mommy palabas ng kwarto.

Nang sumara ang pinto ay malakas kong tinapik ang braso ni Yue. Malamang na kung ano ano na ang iniisip ni Mommy sa nakita niya. Lalo pa at boxer lang ang suot ng gagong katabi ko.

"Ouch baby. You're a savage!"reklamo niya. Inalis niya ang pagkakayakap sa akin kaya bumangon na ako.

"Ayusin mo na ang sarili mo. Pagkatapos ay umuwi ka na"aniko at iniwan na siya. Nadatnan ko sina Mommy at lola na nag uusap. Sabay pa silang tumingin sa akin.


"Hey guys , its not what you think"depensa ko agad. Bumaling ako kay Mommy at umiling.

"Nothing happened Mom"aniko.


"Normal lang sa mag asawa ang ganon anak"inis akong napatapik sa noo sa sinabi niya.

Dumiretso nalang ako sa Cr upang maligo. Nagbihis ako sa kwarto namin ni Ika pagkatapos ay pumunta sa kusina upang mag almusal. Inaasahan ko na makikita ko ron si Yue pero hindi. Umuwi na ba siya?

"Umuwi na ang senior hija. Ang sabi mo daw kasi ay pinaaalis mo na siya"ani lola.

"Wag kang ganon sa asawa mo anak"sabi naman ni Mom. Napaikot nalang ang mata ko sa kawalan.


After two days ay na discharge na si Dad sa ospital. Sobrang saya nga niya lalo na ng malaman na hindi na itinuloy ni Yue ang annulment. Nagpahinga lang siya ng mga ilang araw bago bumyahe sa maynila. Ayaw ko nga siyang payagan dahil kagagaling niya lang sa ospital pero nag pumilit siya.



Kaya naman sinamahan na muna siya ni Mom pansamantala. Ang sabi din ni Dad ay maaring makabalik na kami sa maynila. Tatapusin ko lang ang first semester ko. Natuwa pa nga ako kaso binawi niya ang sinabi niya.

Naalala kasi niyang may asawa na nga pala ako. Sinabi niyang mas mabuti na nandito lang ako at alagaan ang asawa ko 'kuno'.


"Siah , nasa labas ang senior"rinig kong ani lolo sa may garden. Nagbubungkal kasi siya ng lupa upang tamnan ng bulaklak. Tiningnan ko ang tatlong maletang nasa harapan ko.


Ngayong araw kami lilipat sa bahay niya. Ayaw ko man pero kasama iyon sa deal namin. Lalo na at nakagawa na siya ng kasulatan.

"Is that all?"I heard him asked when he entered my room. Hindi na ako nagulat kung paano siya nakapasok. Kinuha niya ang mga maleta ko.


"Yes"tumango ako. Hinila niya iyon palabas ng pintuan. Ipinasok niya ang mga ito sa compartment ng Lambo niya. Pagkatapos ay nagpaalam kami kay Lolo at lola bago umalis ng bahay.



Maayos naman kami nitong mga nakaraang araw ni Yue. Na realize ko na hindi naman pala siya ganon kasama. Infact , sobrang lambing niya sa akin. Naiinis na nga ako dahil sobrang pabebe niya. Akala ko ay magiging miserable ang buhay ko sa piling niya dahil lagi lang kaming mag aaway. But when I started to give him a chance. I saw how amazing he is.


Yue is the type of man that every woman could wish. He's gentle , caring and full of love. Nakikita ko kung paano siya sa ibang tao at kung paano siya sa mga taong mahal niya.


Ni hindi man lang sumagi sa isip ko na ganito siya. Oo at seloso siya pero hindi na iyon magbabago. Nasa lahi na kasi nila , possessive din siya at gustong nasa kaniya lang ang atensiyon ko. Ultimong papel or loptop ay pinag seselosan niya. Pero ni minsan ay hindi ako nainis. Bagkus ay sobrang cute niya kapag ganoon.

Ngunguso lang siya at magpapaawa. Kapag naman tao ang pinag seselosan niya ay yayakapin niya lang ako ng mahigpit at bubulong kung gaano niya gustong suntukin ang lalaki.


Hindi ko narin siya nakitang naging bayolente. Palagi siyang nakangiti kapag kaharap ako. Hindi rin humihiwalay ang kamay niya sa bewang ko tuwing magkasama kami. Para siyang takot na bata na ayaw mawala ang paborito niyang laruan.


Nag fa-flashback tuloy ang mga sinabi sa akin nina Vio at Don Feliza. Na hindi naman daw siya masama gaya ng iniisip ko. Kung bibigyan ko lang siya ng pagkakataon ay makikita ko kung gaano siya kahiwaga. I think they are right. Nagpabulag lang ako sa galit at pagkamuhi ko sa kaniya nuon kaya hindi ko magawang makita ang mabuti niyang kalooban.

"We're here baby"deklara niya. Tumigil ang sasakyan namin sa isang malaking bahay. Modern ang design nito. Sa malayo ay makikita ang malaki nilang mansion.


Nalaglag ang panga ko pagkalabas ng sasakyan. Sobrang ganda ng bahay. Salamin ang bintana at dalawa ang palapag. Naglakad ako papasok. Sa may gilid ako dumaan. Bumungad sa akin ang malawak na swimming pool. May mga bulaklak din sa gilid.

"Wow!"

"Do you like it?"napasinghap ako ng yakapin niya ako mula sa likuran. Ganito siya kalambing sa akin na hindi ko magawang masanay. Ang hilig niya kasing mangyakap ng bigla bigla.

"Maganda"sagot ko.

"Tingnan natin ang loob. Mas maganda ron"hinila niya ako papasok sa loob. Mas humanga pa ako sa ganda ng sala. May malaking tv sa harapan at mga sofa.


Sa kabila naman ay malaking kusina at dining table. Sa gitna ng bahay ay ang grand staircase. Sobrang laki din ng chandelier. Iginaya ako ni Yue sa taas. Binuksan niya ang isang kwarto. Bumungad sa aking ang king sized bed. May tv sa pader na kaharap nito. May maling balcony na nahaharang ng puting kurtina at pintong bubog.


Sa gilid ay may sofa set. Tapos  pintuan ng banyo sa may kanan. Meron ding walk in closet. Binuksan ko ang banyo at bumungad sa akin ang napakalaking bath tub. May shower rin sa gilid. Malaki ang salamin. Sumilip lang ako ron bago naglakad palapit sa kama.

Umupo ako ron. "Ang lambot"nakangiti kong saad. Nakasandal lang sa may pintuan si Yue at pinag mamasdan ako. Humiga ako sa kama. Ang sarap matulog rito.

"You like the bed?"he asked. I nodded my head. Bumangon ako sa kama at hinaplos iyon. "Yup! Sarap matulog dito"

Ngumiti siya sa narinig. Naglakad siya palapit sa akin habang busy ang mga mata ko sa paggala sa buong kwarto. Natigil lang ako sa pagmamasid ng iharang niya ang muka sa akin. Dumagundong ang puso ko sa kaba. Nitong mga nakaraang araw ay palaisipan na sa akin ang pagbilis ng tibok ng puso ko tuwing malapit siya. Dati naman ay hindi ko iyon pinag tutoonan ng pansin pero ngayon ay laging binabagabag niyon ang utak ko.

"I'm glad you like it"he said. Bumaba ang tingin niya sa labi ko kaya napalunok ako ng wala sa oras. Laging ganito ang nararamdaman ko simula palang. Tuwing nalalapit ang muka niya sa akin. Ayaw ko mang tanggapin pero mukang tama siya.

I was attracted with him from the very beginning.

Ang sagot kung bakit lagi nalang akong bumibigay sa mga halik niya ay dahil naakit ako sa kaniya. Mas luminaw na iyon sa akin ngayon dahil binigyan ko na siya ng pagkakataon. At natatakot ako sa magiging kahihinatnan ng atraksiyon ko sa kaniya.

"Baby?"tawag niya sa pangalan ko habang lumalapit ang muka niya sa akin. Parang nanghihingi ng permiso. Hindi ako nakasagot bagkus ay ipinikit ko ang aking mga mata hudyat upang ilapat niya ang mga labi niya sa akin.


Kumapit ako sa balikat niya ng simulan niyang igalaw ang kaniyang mga labi. Maingat ang mga labi niya sa akin. Ninanamnam ang bawat sandali. Halos mawalan na ako ng hininga ng tumigil siya.

"Siana"bulong niya sa pangalan ko. Pinaglapat niya ang noo naming dalawa.

"I love you"wika niya at muling siniil ng halik ang mga labi ko. Sa pagkakataong iyon ay agresibo na siya. Ang kamay niya ay nasa likod ko habang ang isa ay nakatuon sa kama upang bigyan kami ng suporta.

I gasped when he bit my lower lip causing his tongue to explore inside my mouth. I encircled my hands on his neck as I started to kiss him back.

"Yue"I called his name when his lips travelled down on my neck. I arched my jaw to give him more access. Wala na ako sa sarili ko ngayon. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang mga labi niya sa akin. Natigil lang siya sa paghalik ng pabalang na nabuksan ang pintuan.


Naitulak ko si Yue sa gulat. Samantalang nanlalaki naman ang mata ni Vio. Umiwas siya ng tingin at sumipol.

"Sorry brother. I didn't mean it"aniya at kumaripas ng takbo.

"Fuck that bastard!"rinig kong mura ni Yue na ngayon ay nasa sahig na. Nag iinit ang pisnging nilingon ko siya.

"Ayos kalang?"ilang na tanong ko. Tumango siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko.


"Mag ikot ikot ka muna sa sa buong bahay. Kakausapin ko lang ang gagong yon"paalam niya.

"Okay"pagpayag ko. Umalis siya ng kwarto kaya nakahinga na ako ng maluwag. Itinaas ko ang kamay ko upang hawakan ang labi ko. Nag init ang pisngi ko.


We kissed! Again..


Gaya ng sabi ni Yue ay nag ikot ikot muna ako sa loob ng bahay. Hindi ko alam kung saan sila nag usap ni Vio. Pumunta ako sa kusina at tiningnan ang ref. Maraming stock don. Napangiti ako. Marunong naman akong magluto kaya kumuha ako ng manok.

Nagluto ako ng adobo habang hinihintay na matapos sa pag uusap ang dalawang lalaki. Nagsaing din ako sa rice cooker. Habang hinihintay na maluto ang manok ay sumagi sa isip ko si Kiro.


Kamusta na kaya siya? Hindi na siya nagpakita sa akin simula ng ikasal ako kay Yue. Sumuko na ba siya?

Nabalik lang ako sa malalim na pag iisip ng maramdaman ang mga brasong pumulupot sa akin. Kahit na hindi ko iyon lingunin ay kilalang kilala ko na.

"Ang bango"rinig kong bulong niya. Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan. Dinungaw niya ang adobong nasa kaserola.


"It looks so delicious. Matagal pa ba bago maluto yan?"tanong niya. Umiling ako.

"Malapit na"aniko. Umalis siya sa pagkakayakap sa akin at naghayin sa lamesa.

"Nasan si Vio? Bakit hindi mo siya tawagin para makasabay sa atin?"tanong ko. Nagsandok ako ng ulam ng maluto ito.


"Umuwi na siya"aniya.

Nagsimula kaming kumain. Tahimik lang si Yue na parang may malalim na iniisip. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi siya tingnan. Ilang sandali pa ay nagsalita siya.

"I'll be gone for three days"panimula niya. Natigil ako sa pag inom ng tubig. Gone for three days? Bakit? San siya pupunta?

"Hah?"

"May importante akong gagawin"aniya. Binaba ko ang baso ng tubig.

"San ka pupunta?"

Tumigil siya sa pag kain. Sumeryoso ang muka niya kaya hindi ko maiwasang kabahan. Ano kayang pinag usapan nila ni Vio?

"I can't tell you. Basta babalik ako pagkatapos ng tatlong araw"he said. But he didn't came back after three days.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

389K 10K 47
STATUS: COMPLETED (UNDER REVISION AND EDITING) That sexy maid.
144K 3.5K 54
What will you do if you end up in someone else body?
34.3K 422 21
Maurene and Maxene are twins. Ikakasal na dapat si Maurene kay Geoffrey Anderson pero bigla siyang naaksidente at kailangang matuloy ang kasal, pero...
251K 5K 24
Maria Raphaella. A living doll, malamig at seryoso na akala mo talaga ay isang manika. Raphie lost her first boyfriend because of an accident. Simul...