Obsession of Dela Fuente

By Aaelunamist

201K 5.5K 141

Leaving her hometown was never cross in Siah's mind. She love her town so much to the point that she beg her... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Final Chapter
Epilogue

Chapter 12

4.2K 129 1
By Aaelunamist


Chapter 12

"Dahil utos iyon ng senior!"



Napasinghap sina lolo sa sinabi ni Auntie. Samantalang kumunot naman ang noo ko. Bakit naman mag uutos ng ganon si Yue?



"Kahit na maghanap kami ng ibang trabaho ay walang tumatanggap samin!"reklamo ni Uncle Harvey at masama akong tiningnan.



Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay ni Mom sa braso ko. "Pumasok kana muna sa loob ng kwarto. Kami na ang kakausap sa kanila"bulong niya sa akin at iginaya ako papasok.



Kahit na naguguluhan ay sumunod narin ako. "Ika , samahan mo muna si Siah sa loob"utos ni lola sa tahimik kong pinsan. Tumango ito at lumapit sa akin.



Nang makapasok kami sa kwarto ay tahimik akong umupo sa kama ni Ika. "Sabi ko na mangyayari to eh"aniya. May alam ba siya?


"Ano?"taka kong tanong. Huminga siya ng bago naglakad patungo sa akin.

"Ang senior ang nag utos na tanggalin sa trabaho ang buong angkan natin"


"Bakit niya gagawin yon?"

"Kasi galit siya"walang buhay niyang saad. Dahil lang galit? Ang tarantado naman niya.

"Hindi naman yata tama yon"


"Ganon maglaro ang mga Dela Fuente. Masyado silang tuso , kaya ngayon palang ihanda mo na ang sarili mo. Siguradong may binabalak yon"aniya.



Kumabog tuloy sa kaba ang dibdib ko. "Wag mo nga akong takutin"pabiro kong saad.


"Hindi ako nag bibiro"



Dumaan ang mga araw na walang ibang ginawa sina Dad kung hindi ang maghanap ng trabaho pero lagi iyong nauuwi sa wala. Ganon din ang mga tiyahin at tiyuhin ko kaya laging mainit ang mata nila sa akin.



"Kasalanan mo to!"singhal sa akin Auntie Hendra. Napatungo naman ako. Pumupunta sila dito sa bahay tuwing hindi sila nakakahanap ng trabaho at isisisi sa akin ang lahat.



"Kapag hindi pa kami nakahanap ng trabaho ay mag balot-balot na kayo at lumayas rito! Mga letche!"galit na saad ni Auntie Heids.



Tumulo na ang luha ko. Lagi nalang nila akong pinagsasalitaan ng masama simula ng mawalan sila ng trabaho. Kahit na panay ang alo sa akin nina Mommy na hindi ko naman kasalanan pero hindi iyon umuubra.



Siguro nga kasalanan ko. Baka nagalit talaga si Yue kaya ang pamilya ko ang pinaparusahan niya. Huminga ako ng malalim. Maybe I need to do something right?



Inayos ko ang sarili ko sa loob ng kwarto. Nagsuot ako ng button down dress na may belt. Tapos flat na sandal. Sinuklay ko lang ang buhok ko at hindi na nag abala pang maglagay ng make up.



Hindi naman si Kiro ang pupuntahan ko para magpaganda pa ako. Huminga ako ng malalim at napatitig sa salamin. Tiningnan ko ang wrist watch ko at nakitang alas diyes na ng gabi. Tulog na si Ika at ang mga magulang ko.



Nagdesisyon kasi ako na kausapin at pakiusapan si Yue kahit na labag sa loob ko. Nung isang araw ko pa nga sana balak iyon pero ayaw akong payagan nina Mommy. Mas mabuti daw kasing dumito nalang ako sa bahay at sila na ang gagawa ng paraan.



Kaya lang ay hindi na kaya ng konsensiya ko lalo na pag sinisisi ako nina Uncle. Ayaw kong manahimik nalang sa isang tabi kung alam ko namang may magagawa ako.



Pinili ko nga lang na gabi pumunta dahil talagang hindi ako papayagan. Muli kong sinulyapan ang sarili sa salamin bago kinuha ang sling bag ko at dahan dahang lumabas ng kwarto.




Patay na ang ilaw ng buong bahay kaya madali akong nakalabas. Binuksan ko ang gate sa may bakuran. Malamig na simoy ng hangin ang agad na dumampi sa muka ko. Buti nalang at long sleeve ang suot kong dress.




Nang makalabas ako ay nagpalinga linga pa ako sa paligid. Ngayon ko lang naisip na hindi ko nga pala alam ang daan papunta sa mansion nila. At sana lang ay may tricycle na bumibiyahe sa gabi.




Kaya naglakad ako papunta sa plaza. Dun kasi maraming nag aabang na tricycle. Nang makarating ako ron ay konti nalang ang tao. Puro kabataan na nagcecellphone. Luminga ako sa paligid at ganon nalang ang pasasalamat ko ng makita ang mga nag aabang na tricycle sa paligid.




Lumapit ako roon at sumakay.

"San po tayo Miss?"tanong ng driver.

"Sa mansion po ng mga Dela Fuente"sagot ko. Natigilan ito at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.


"Ano po ulit?"

"Mansion ng mga Dela Fuente manong"

"Miss mukang nagkakamali ka yata ng lugar na nais puntahan"anang driver. I sighed. I know.



"Dun po talaga ang lugar"sabi ko. Tumango naman ito at pinaandar ang sasakyan.


"Kayo po ang bahala. Pero hanggang sa gate lang ako"aniya. Tumango ako. Nagsimula ang biyahe namin na pinag papawisan ako ng malamig. Paulit-ulit kong sinasabi sa utak ko ang mga linyang dapat kong sabihin.



Kinakabahan ako ng sobra. Tumigil ang tricycle sa labas ng malaking gate ng mansion. Lumabas ako ron matapos magbayad.


"Salamat ho"

"Sige hija. Mag ingat ka nalang"aniya at umalis na. Nanginginig ang katawan ko ng lumapit sa guard  na nagkakape. Nang makita ako nito lumabas siya ng kunot ang noo.


Pilit akong ngumiti. "Magandang gabi po"bati ko.


"Magandang gabi rin hija. Naligaw ka yata"aniya. Napangiwi ako sa sinabi niya.


Kung sana nga ay naliligaw ako pero hindi. "Hindi po"aniko.


"Gusto ko po sanang makausap si Yue. Nandiyan po ba siya?"kabado kong tanong. Sa totoo lang ay gusto ko ng kumaripas ng takbo palayo sa lugar na ito dahil sa sobrang kaba. Pakiramdam ko kasi ay pumapasok ako sa kulungan ng leon.


Mas lalong kumunot ang noo ni Manong guard. "Ang senior? Hija , masyado naman yatang gabi ang pagpunta mo rito. Tulog na ang mga tao sa mansion. Mas mabuting bukas ka nalang pumunta"aniya.




Oo nga naman Siah. Maghahating gabi na. Malamang na tulog na rin si Yue.



Pero hindi pwedeng ipag pabukas ito. Malamang na kung ano-ano na namang masasakit na salita ang matatanggap ko sa nga tiyahin ko. At isa pa , hindi nga ako papayagang umalis ng bahay at pumunta rito. Kaya wala ng atrasan.



Kung kailangang ipagising ko si Yue ay gagawin ko. Kailangan ko siyang makausap ngayon.



"Hindi po kasi pwede. Kailangan ko po siyang makausap"aniko. Umiling ang guard.




"Pasensya ka na hija. Hindi kami nagpapasok ng basta basta sa mansion. Lalo na sa gabi at walang pahintulot ng alin man sa mga Dela Fuente"anang guard.


Bumagsak ang mga balikat ko dahil don. Ano ng gagawin ko? Makikiusap pa sana ako ng tumunog ang telepono ng guwardiya. Sinagot niya iyon sa harap ko habang nag iisip ako ng paraan kung paano ako magpapaawa sa kaniya para makapasok sa loob.



"Opo......patawad po.....Masusunod"rinig kong anang guard at pinatay ang tawag. Tumikhim ito bago nagsalita sa akin.



"Pumasok kana hija"aniya. Namilog tuloy ang mata ko. Bakit ang dali namang nag-iba ang ihip ng hangin?



"Po?"

"Tumawag ang senior. Pumapayag siyang pumasok ka"aniya. Naglakad ito pabalik sa guard bago unti-unting bumukas ang malaking harang.



Paano nalaman ng lalaking iyon na nandito ako?


Luminga linga tuloy ako sa paligid. At nasagot ang tanong ko ng makita ang tatlong cctv camera na nakapalibot sa buong tarangkahan.


I sighed. So , he still awake huh?


Pumasok ako sa loob ng gate bago nagpasalamat sa guard. Sinalubong ako ng isang lalaking nakaitim na damit. Malaki ang katawan nito at may puting earphones sa tenga.




Mukang bodyguard ng mansion. Iginaya niya ako sa loob ng bahay. Gaya ng unang nagpunta ako rito ay hindi ko maiwasang humanga sa ganda. Kahit na puro dim nalang ang ilaw ay hindi niyon naitago kung gaano kaganda at kagalante ang lugar.



The bodyguard lead the way. Kumunot nga ang noo ko ng maglakad kami sa isang pasilyo. Ilang sandali pa ay tumigil kami sa isang elevator.


Elevator? Bakit may elevator? Ang galing naman ng mansion na ito. May elevator.



Pinapasok ako ng lalaki sa loob niyon samantalang naiwan naman siya sa labas.



"Sa pulang pinto ka pumasok. Naroon ng opisina ng senior"aniya. So hindi niya ako sasamahan?



Bigla akong kinabahan sa ideyang iyon. Para tuloy gusto ko nalang umatras at bumalik sa bahay. Pero wala na akong magagawa lalo na ng sumarado ang metal na pinto ng elevator.


Pinagdaop ko ang mga palad ko na nanlalamig sa kaba habang hinihintay na bumukas ang elevator.



Nang bumukas iyon ay naghabulan na  ang puso ko at laman loob sa sobrang kaba. Parang gusto ko ng masuka at mahilo.


Lumabas ako ng elevator at naglakad patungo sa pulang pintuan na sinabi ng bodyguard. Nangangatal ang kamay ko ng kumatok doon.



Bakit ba ako kinakabahan? Come on ,Siah! You can do this!


Dalawang katok ang ginawa ko pero hindi bumukas ang pintuan. Kumunot ang noo ko at hinawakan ang seradula. Pinihit ko iyon at bahagyang napaatras ng bumukas ito.


Hindi pala naka lock.



Tatlong beses muna akong huminga ng malalim  bago nilakihan ang pagkakabukas ng pinto upang makapasok ako.



Unang bumungad sa akin ang dim na ilaw ng kwarto. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid upang hanapin si Yue. Nang makita ko siya ay  nakaupo siya sa pang isahang sofa.



Nakatingin ito sa akin habang may hawak na baso ng alak. Naka de-kwatro din ito at sa harap ay isang glass table na may nakapatong na bote ng alak at bowl ng ice cubes.



Sa ayos niya ngayon ay parang kanina pa niya ako hinihintay. Napalunok ako sa kaba.



"What took you so long?"naiinip na tanong niya.

Continue Reading

You'll Also Like

48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
14.5K 346 41
[COMPLETED ✓] °°°°° "Love is not powerful. That's why I'm being obsessed with you so I can only have you. Accept your faith, Mary." . . . . . Dalmac...
252K 5K 24
Maria Raphaella. A living doll, malamig at seryoso na akala mo talaga ay isang manika. Raphie lost her first boyfriend because of an accident. Simul...
1.8M 36.5K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.