Journey of Forgiveness

By _Isabelle_

160K 6.6K 1.7K

Forgiveness is a choice but for those who are badly hurt and tainted, forgiveness doesn't seem to be a better... More

Chapter 1 - Anger
Chapter 3 - The right to hate
Chapter 4 - A different turn
Chapter 5 - Birthday
Chapter 6 - Baby
Chapter 7 - Moments of Care
Chapter 8 - Sammy
Chapter 9 - Older Brother
Chapter 10 - Win or Lose
Chapter 11 - Love Story
Chapter 12 - Crushed Flowers
Chapter 13 - A little bit complicated
Chapter 14 - Inlove
Chapter 15 - Try
Chapter 16 - Tiny bits of heartfelt memories
Chapter 17 - Lovesick (Part 1)
Chapter 18 - Lovesick (Part 2)
Chapter 19 - Time is not
Chapter 20 - Closer
Chapter 21 - Choice
Chapter 22 - Wish
Chapter 23 - Past
Chapter 24 - Happy, Sad, Love
Chapter 25 - Goodbye
II Part - Chapter 1 - New People
II Part - Chapter 2 - First Day and First Impression
II Part - Chapter 3 - Sowing Seeds of Faith
II Part - Chapter 4 - Trust and Secrets
II Part - Chapter 5 - Hope, Love and Forgiveness
II Part - Chapter 6 - Two Years
II Part - Chapter 7 - Again
II Part - Chapter 8 - It's too late
II Part - Chapter 9 - Truths and Regrets
II Part - Chapter 10 - Love & Forgiveness (Part 1)
II Part - Chapter 11 - Love & Forgiveness (Part 2)
II Part - Chapter 12 - Sammy & Teo
II Part - Chapter 13 - Afresh
II Part - Chapter 14 - Teo's love
II Part - Chapter 15 - Third time

Chapter 2 - Unforgivable

6K 185 22
By _Isabelle_

Umuulan at nakadungaw lang ako sa labas. Gusto kong lumabas ng bahay pero ayaw akong palabasin ng mga tao sa bahay dahil baka raw ako madulas. Ganito sila ka-aware na pwede kong sadyain para mawala ang bata. Natatawa na lang ako. Umayon na ako sa kasunduan sa demonyo na iyon. Kahit hindi ko siya pinagkakatiwalaan ay wala na rin akong magagawa. Siya lang din naman ang daan para makalabas ako sa impyernong pinaghaharian niya.

"Mainit na gatas po, Ma'am Sam." Napatingin naman ako sa boses na narinig ko mula sa pinto. Bata pa ito, maaring kasing edad ko at ngayon ko lang nakita ang mukha niya sa bahay ng demonyo. Pumasok na siya sa kwarto ko at nilagay niya ang gatas sa may maliit na table ko. Tiningnan ko lang siyang mabuti at ngumiti ito na tila nahihiya sa akin. "Ma'am mainit na gatas po. Tamang-tama sa malamig na panahon." Ngiti pa nito sa akin.

"Alam ko. Iinumin ko iyan mamaya." Mataray kong sambit pero ngiti lang ang sinukli sa akin ng babae.

"Kasi po ma'am order po ni Ate Aida na makita kong ininom mo talaga ang gatas. Pasensiya na po." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Gusto ko siyang pagalitan pero naisip ko na namamasukan lang siya sa hayop na iyon at wala siyang kasalanan kundi ang sumunod. Napabuntong hininga ako.

Naglakad ako patungo sa may mesa at kinuha ang gatas. Naupo ako sa akin upuan at pinagmasdan lang ako nito habang umiinom.

"Ang ganda niyo po, ma'am." Tumingin lang ako rito at hindi nagsalita. "Kaya pala alagang-alaga kayo ni Sir Matthew." Nagsalubong ang kilay ko ng marinig ko ang pangalan ng demonyo na iyon. "At siyempre gwapo rin naman po si Sir Matthew kaya bagay na bagay kayo." Lalong nag-init ang ulo ko. Oo, dati hinahangaan ko ang demonyo na iyon dahil sa itsura niya at sa akala kong magandang ugali niya pero dahil sa ginawa niyang pambaboy sa akin nabura lahat iyon. Hindi ko nga alam bakit nakikita nilang gwapo at mabait ang tao na ito na ang kaluluwa ay naagnas na sa impyerno.

"Kung gusto mo siya pwede mo na siyang angkinin." Binaba ko na ang baso ko na ubos ang laman sa may mesa.

"Ma'am naman. Hindi po. Simpleng paghanga lang po ito. Kahit naman din po kayo ay hinahangaan ko dahil ang ganda-ganda niyo."

"Looks are deceiving. Mag-ingat ka sa mga kagaya ni Matt." Babala ko. Naisip ko naman kung ilan pa ba ang mabibiktama ng mga kagaya ng demonyo na iyon. "Ang mga kagaya niya ay mapagkunwari at naninira ng buhay. Lumayo ka sa mga kagaya niya."

"Ganoon po ba, Ma'am. Pero parang mabait naman po siya. Atsaka sabi ni Ate Aida mabait daw po si Sir."

"Well, hindi kasi nila nakita kung gaano kademonyo ito kaya wala silang alam." Tumahimik na ako at tiningnan lang ako nito. "Ano nga palang pangalan mo?"

"Simone po, Ma'am. Nice meeting you po." Nakangiti pa rin ito. Bumigat naman ang dibdib ko. Naalala ko naman ang panahon na kaya ko pang ngumiti ng ganoon. Naiinggit naman ako sa babaeng ito.

"Ilang taon ka na?"

"Twenty one na po, Ma'am." Tumango ako. Mas matanda pa siya sa akin. Kung hindi lang sana nangyari ito ay maaring kagaya rin ako ni Simone. Maaring nakakangiti ako kagaya niya at hindi ganito kasalimuot ang buhay ko. Nakuyom ko ang palad ko. I hate him so much! I really hope he dies and go to hell. I hope that all that he stole from me will be stolen from him in double portion. "Okey lang po kayo, Ma'am?"

"Sam. Kapag tayong dalawa lang tawagin mo akong Sam at hindi ma'am. Mas matanda ka pa nga sa akin." Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya sa sinabi ko. Mukhang walang kaalam-alam ito sa kung anong meroon sa pamamahay na ito. "Isipin mo na lang ang amo na may-ari ng bahay na ito ay ganoon kahayop para gawin sa isang bata ang ganito." Nahalata ko ang paglungkot nito.

"Si-sige po ma'am. Mauna na po ako." Tiningnan ko lang siya palabas. Hindi siguro inakala ni Simone na ganoon kasama ang amo niya. Mabuti na rin iyon para umalis na rin siya sa pamamahay na ito at baka siya naman ang pagsamantalahan ng hayop na iyon. Maganda pa naman siya.

...
Nagising ako ng may kumatok sa kwarto ko. Naupo ako sa kama pero hindi ko binuksan ang lamp shade. Nakita ko ang anino kung sino iyon at nakita kong ito ang demonyo. Binalot kong maiigi ang sarili ko ng kumot. Hindi, hindi ako papayag na may gawin siya sa akin.

Binuksan niya ang ilaw at nagliwanag ang buong kwarto. Nakasuot pa rin ito ng pang-opisina niya pero kahit kailan hindi na siya magmumukhang disente kahit gaano pa kamahal ang ipatong niya sa katawan niya. Sunog na ang kaluluwa niya. Napakaitim nito at hindi ito maitatago sa magagandang damit niya.

"A-anong ginagawa mo rito?" Hindi ko inaasahan na manginig ang boses ko. Ito ang unang beses na pinuntahan niya ako at pinasok sa kwarto at hindi ko gusto ang nangyayari.

"Nagising ba kita?" Nakangiti pa ito. Hindi mo na ako maloloko ng ngiti mo na iyan. "Nalate akong umuwi kasi may board meeting pa. Kumain ka na ba?"

"Itanong mo sa katiwala mo. Di ba siya naman ang mata mo kapag wala ka sa bahay na ito?" Nagtiim ang panga nito. Madaling gumala ang mata ko sa maari kong ipanakit sa kanya kung sakaling pagsamantalahan niya ako.

"Gustuhin ko man, Sam pero tulog na si Ate Aida. Kumain ka na ba? Kasi kung hindi pa may inuwi akong pagkain."

"Kumain na ako. Masaya ka na? Di ba pumayag ako sa kasunduan mo? Kaya huwag kang mag-alala at aalagaan ko ang anak mo."

"Ah ganoon ba. Thank you, Sam."

"Ginagawa ko ito para sa kalayaan ko hindi para sa anak mo. Iyon ang nasa isip ko."

"Okey, basta alagaan mo ang sarili mo." Inirapan ko pa ito. "Nakilala mo ba si Simone? Bago siya rito at siya ang mag-aalaga sa'yo at sa bata pag nanganak ka na."

"Bakit bata pa ang kinuha mo at hindi matanda? May balak ka rin bang gahasain siya? Hindi na ako magtataka kung ganoon nga ang rason bakit siya ang kinuha mo." Mas lalong nagtiim ang panga nito sa sinabi ko. Naapektuhan siya kaya ganoon. Dahil alam niya na may kasalanan siya. Alam niya na marumi siya.

"Sorry, Sam. I'm really sorry." Tugon niya. Kahit na ilang beses niyang sinabi na iyon sa akin ay walang kahulugan ang mga salita na iyon. Hindi sorry ang hinihingi ko. Ang hinihingi ko ay magdusa siya sa mga kasalanan niya. Pagbayaran niya ang ginawa niya.

Pinatay ulit nito ang ilaw at sinarado ang pinto. Hindi ko na naman mapigilan umagos muli ang luha ko.

...
Nagulat ako at walang tao sa may dining area pagkagising ko. Alas-nuebe na at kalimitang ganitong oras ay may pagkain ng nakahain pero wala pang pagkain sa hapag kainan at nagugutom na ako. Ang creature na nasa loob ko ay tila halimaw at nanghihingi na ng pagkain.

"Good Morning, ma'am! Sa bakuran po ang breakfast." Nakita ko na naman ang nakangiting si Simone. Sinundan ko lang ito at nakita ko naman na may nakahanda sa garden. May mesa, upuan at mga pagkain na nakahain. Tumunog ng malakas ang tiyan ko dahil sa masarap na amoy.

"Kain na, Sam, pasensiya ka na nauna na ako." Ngayon ko lang napansin na nakaupo sa isa sa mga upuan ang demonyo. Nakapambahay ito. Nawala na sa isip ko na Sabado ngayon. Kalimitan kasi pagkagising ko ay hindi ko na siya nakikita at kahit doon man lang ay sumaya ako. Pero ito ang unang Sabado na nandito siya. Sinimangutan ko lang siya.

Sinalinan ako ng gatas ni Simone na nakangiti at pinaglagyan pa ako ng tinapay at kung anu-anong nakahain. Binigyan rin ako ng prutas nito. Lahat iyon ay ginawa niya. Mukhang inutusan siya.

"Salamat, Simone." Nakangiti pa nitong sabi kay Simone. Ngumiti naman ang babae. Napailing na lang ako. Mukhang hindi siya naniniwala sa babala ko tungkol sa demonyo. "Kain na, Sam." Umismid na lang ako sa kanya.

Uminom muna ako ng gatas ko at nakangiti ang hayop sa akin sa ginawa ko.

"Ah!" Napaigtad ako.

"Sam?" Tumayo ito at mukhang lalapit pa sa akin.

"Aw..." May gumalaw sa tiyan ko at ramdam na ramdam ko iyon. Gumagalaw pa rin siya at hindi ako komportable.

"Sumipa po siya, ma'am?" Napatitig ako kay Simone sa sinabi niya. Sumipa ang nasa loob ko?

"Paanong sumipa?" Nagtataka ako sa sinabi nito.

"Opo, ma'am. Hindi naman po talaga sipa pero gumalaw po ang baby niyo sa loob. Ilan buwan na po ba kayo?" Natigilan ako.

"Maglilimang buwan na." Tumitig sa akin ang lalake at ngumiti. Kaagad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. "Mararamdaman niya na ba iyon mga pagsipa na tinatawag kapag ganitong stage na siya?"

"Opo, sir. Iyon pangalawang anak ko mas maaga pa nga po eh. Tatlong buwan pa lang magalaw na." Napatingin naman ako kay Simone sa sinabi niya. May anak na siya? At dalawa na?

"Ah..." Nagulat naman ako ng kinuha ni Simone ang kamay ko at nilagay sa tiyan ko.

"Hawakan niyo po siya, ma'am. Mukhang nagpapakilala na siya sa inyo." Naramdaman ko naman ang mumunting paggalaw niya sa loob ko ng nilagay ko ang palad ko sa aking tiyan. Umupo naman sa tapat ko si Simone at nilapit pa ang mukha niya sa tiyan ko.

"Baby, huwag masyadong magalaw. Hindi pa masyadong sanay si Mommy mo kaya hinay-hinay lang. Huwag mo pahirapan si Mommy mo, baby." Nakatingin lang ako kay Simone kung paano niya kausapin ang nasa tiyan ko. Pakiramdam ko ay punong-puno ng affection ang pananalita nito kahit hindi naman niya nakikita ito at hindi ito kanya. "Kausapin niyo po siya ma'am. Makikinig siya sa boses niyo. Kayo ang ina niya eh." Napatingin ako sa kinalalagyan ng lalake na iyon at nakangiti siya sa akin. Mukhang tuwang-tuwa siya sa nangyayari sa akin. Hindi. Ayokong ibigay ang kaligayahan na iyon sa kanya.

"Simone pakidala na lang ang almusal ko sa kwarto. Ayokong kumain sa harap ng demonyo."

...
Buong araw akong nasa kwarto dahil alam kong nasa bahay lang ang demonyo. Dito ako kumain ng agahan at tanghalian. Wala akong ginawa kundi manuod ng telebisyon o kaya ay matulog. Napapagising na lang ako kapag may nararamdaman akong munting paggalaw sa tiyan ko na para bang hinahangin ito.

"Huwag kang magalaw, please?" Sabi ko. Hindi na ito gumalaw matapos noon. Napahawak ako sa lumalaking tiyan ko. At habang nakikita kong lumalaki ito ay napapaiyak na naman ako. Hindi ko gusto ang bata at mas lalong hindi ko gusto ang ganitong buhay. Hanggan hindi ko nailuluwal ang bata na ito hinding-hindi ko maiwasan na maalala ang mga nangyari.

May narinig naman akong pagkatok sa kwarto pero hindi ako gumawa ng effort na buksan iyon. Hindi ko naman ito nilolock kasi kahit ilock ko ito ay may susi sila para buksan kaya no point. Nagbukas ang pinto at sumama agad ang timpla ko. Ang demonyo.

"Mainit na gatas, Sam." Nilagay niya iyon sa may mesa matapos ay tumingin ito sa akin. Pinagmasdan ko lang siya pabalik habang kunot na kunot ang noo. Kahit pamamahay niya ito ay hindi siya welcome sa kulungan ko. "Kamusta ang pakiramdam mo?" Hindi ako nagsalita. Tinitigan ko lang siya ng masama. Mas lalong uminit ang ulo ko ng maupo siya sa upuan sa may mesa. Mukhang magtatagal ang demonyo. "Do you still feel uncomfortable with the baby's movements?" Of course he cares. Anak niya ito. Buwisit siya! I just stared at him. "Do you want to go out? Magmall tayo? Mamili tayo ng mga damit mo at...at damit ng bata."

"Iniisip mo talaga na normal na pamilya tayo? Na normal na asawa mo at normal na dinadala ko ang anak mo?" Sarkastikong tawa ko pa. "Sinabi kong aalagaan ko ang sarili ko para sa kalayaan ko at hindi kasama sa kasunduan na iyon ang pakikisama sa iyo. Naiintindihan mo ba?" Nakita ko siya napalunok. Wala akong pakialam kung masasakit ang mga salita ang binitiwan ko simula ng ibahay niya ako dahil mas masakit ang ginawa niya. Kulang na kulang ang salita ko sa kahuyapan ginawa niya sa akin.

"Hindi ko naman sinasabi na pakisamahan mo ako. Ang gusto ko lang maibigay ang pangangailangan mo. Di ba sinabi ko sa'yo na ibibigay ko ang mga pangangailan mo hanggan nasa bahay kita. Wala na raw...maliit na raw ang mga damit mo sa'yo. Baka-baka wala ka ng maisuot."

"Hindi ko kailangan ng bagong damit. Kahit basahan susuotin ko." Matalim kong sagot at ramdam ko ang buntong hininga niya.

"Sam..." Nanlaki ang mga mata ko ng lumapit ito sa may kama ko at mabilis akong umusod sa edge ng kama. Tiningnan ko agad ang lamp shade ko kung saan ko ito mahahablot kung sakalin may gawin ito. "I won't do anything to you, Sam. I won't."

"Hindi ko alam ang takbo ng utak ng mga demonyong kagaya mo. Hinding-hindi." Umusod pa ako kahit hindi na naman siya lumapit. Alam kong mas mabilis at mas malakas siya kesa sa akin at kailangan kong maging handa.

"Sam, isang beses lang naman akong nagkamali. I was in the influence of alcohol and something... whatever that thing was that my cousins concocted. Sinabi ko na ito sa'yo at uulitin ko ulit. I was not myself during that time. I even passed out after what happened. But trust me iyon ang una at huli na mangyayari iyon. Hindi ako ganoon tao."

Napaiyak na naman ako sa alaala. Nandoon ako sa rest house nila dahil birthday niya. Magkaibigan ang pamilya namin kahit mahirap lang kami dahil kababata ni Papa si Tito Peter ang ama ng demonyo. Nagtatrabaho si Papa at Mama sa kumpaniya nila at malaki ang utang na loob namin sa pamilya nila dahil sila ang tumubos sa mga pinagkakautangan namin lalo noon nagkasakit si Papa.

Noon bata ako ay lagi akong nasa kanila dahil kalaro ko ang nakakabatang kapatid ng demonyo na si Micah. Bestfriends kami ni Micah pero nagkahiwalay na kami dahil nag-aral siya sa U.S. sa mga lola nila. Madalas pa rin naman ako sa kanila kahit wala na ito dahil lagi akong pinapapunta ni Tita Naomi. Kapag namimiss niya kasi si Micah ay ako ang gusto niyang makita. Para ko ng pangalawang ina si Tita Naomi.

Beach party ang theme ng birthday niya at maraming bisita. Nandoon ako kasi isinama ako ni Tita Naomi at dahil kilala ko si Kuya Matthew. Ang demonyo. Bihira umuwi na ng bahay nila ang demonyo at paminsan-minsan ko lang ito makita sa parent's house niya pero noon mga bata kami ay siya ang kasama namin ni Micah sa bahay kapag wala sila Tito at Tita. Inaamin kong hinahangaan ko siya noon mga bata pa kami. Wala kasi akong kuya at pakiramdam ko kapag nandoon kami sa bahay nila ay nagkaroon ako ng kuya. He was kind and gentle when I was younger. I always look up to him. Ayoko man aminin pero crush ko siya noon dahil sa ugali niya at dahil sa gwapo siya.

Sa Amerika rin siya nag-aral ng kolehiyo at inaamin kong nalungkot ako noon. I was ten years old that time and he was seventeen. He even gave me a white teddy bear with his initials as a goodbye gift. Pareho niya kaming binigyan ni Micah. Gusto ko ng sunugin ngayon ang stuffed toy na iyon kapag nakauwi na ako sa bahay namin.

Wala pa siyang dalawang taon dito sa Pilipinas. Halata ko ang pagiging iba ni Matthew ng bumalik siya. Siguro iyon ang ginawa ng Amerika sa kanya. Noon una ko siyang nakita ay kaagad ko siyang niyakap. Niyakap niya rin ako at ramdam ko pa rin ang komportableng yakap niya. Matapos noon ay tiningnan niya ako na tila hindi makapaniwala sa kung anong tiningnan niya. Hindi ko man lang naisip iyon na warning. Hindi ko man lang naisip noon na maaring iba na si Matthew na kilala ko.

Pareho kami ng suot ni Tita Naomi noon araw na iyon. Siya kasi ang bumili at gusto niya ay terno kami. Hinayaan ko na ito dahil sa pangungulila niya kay Micah. Kahit first time kong magsuot ng two piece bikini at pinatungan lamang ng manipis na sundress. Sa buong gabi ay magkasama kami ni Tita Naomi dahil hindi ko rin naman kilala ang mga bisita. Maingay, maraming nagsasayawan at magulo ang party. Nakita ko rin ang mga lalakeng pinsan ni Micah at Matthew at malimit ay ito ang kasama ng demonyo.

Napahiwalay ako kay Tita Naomi dahil may kinausap siyang kakilala sa party. Sinabi ko rin kay Tita Naomi na aakyat na ako sa rest house dahil pagod na ako at pumayag na siya.

Parang mansyon ang rest house nila na malapit sa beach. Maganda ang view dito at overlooking talaga ng maganda beach. Nakatingin lang ako doon ng matagal ng may marinig naman akong kumalampag sa itaas. Kaagad akong tumaas para tingnan ito at sana doon pa lang ay tumigil na ako.

Nakita ko si Matthew at mukhang galing siyang toilet. Ngumiti ako ng maliit sa kanya at ngumiti ito sa akin at lumapit. Amoy na amoy ko ang alcohol ng lumapit siya at mapula ang mga mata niya.

"Sam? Why are you here?" Lumapit pa ito ng mas malapit at nacorner ako nito sa may pinto. Kinakabahan na ako ng mga oras na iyon pero wala akong ibang masamang inisip.

"Matutulog na ako kuya. Pagod na rin. Happy birthday nga pala." Mahinang sabi ko.

"Oh eh saan ang room mo?" Akala ko ay concerned siya noon. I should have known. Sinagot ko na hindi ko matandaan since sa dami ng kwarto. Nag-insist siya na tulungan ako na sinang-ayunan ko na rin. Hindi ko man lang napansin ang pagnanasa sa mga tingin niya noon.

Hindi ko alam kung pang ilang kwarto na iyon pero iyon lang ang kwarto na hindi nakalock. Kalimitan kasi ay nakalock at hindi mabuksan ng susi ko. Pumasok kami pareho at tumingin-tingin ako sa loob. Parang ganito rin kasi ang itsura ng kwarto namin ni Tita Naomi at hinanap ko na lang ang bag ko bilang palatandaan. May narinig naman akong tila paglock ng pinto at napasulyap ako. Nakita kong sinarado iyon ni Matthew at doon nagsimula na akong kabahan.

"Ku-kuya? Bakit niyo po nilock?" Kaagad akong pumunta sa pinto pero hindi ko narating iyon dahil hinigit niya ako sa bewang. "Kuya Matt?"

"You are so beautiful, Samuelle." Kaagad akong umiwas ng nilapit ni Matthew ang mukha niya sa mukha ko.

"Kuya Matt! Ano bang ginagawa mo?" I squirmed against him but he held me tighter.

"You still haven't give me your birthday present, baby." Sinabi niya iyon sa tenga ko at kinilabutan ako. Ginamit ko ang kamay ko para ilayo ang ulo niya sa ulo ko pero pinipilit niya.

"Kuya Matt! Tumigil ka na please! Pakawalan mo na ako."

"Later, baby, later. Right now, I want you as my birthday present." Nanigas ako sumandali sa sinabi niya at ng bumalik ako sa katinuan ko ay nagpupumiglas ako sa kanya pero binuhat niya ako at binaba sa kama. Tatayo na sana ako pero nahuli na naman niya ako at sa pagkakataon na ito ay dinagan na niya ang katawan niya sa akin.

"Ku-ya Matt, please, pa-kawalan mo na ako. Ku-ya." Pagmamakaawa ko sa kanya kasabay ng pag-iyak ko.

"Don't struggle, baby. I don't want to hurt you so please don't struggle." Pinagpapalo ko siya at pinagkakalmot pero hindi pa rin siya tumigil. Pinipilit niyang halikan ang labi ko at nilalayo ko ang labi ko sa kanya.

"Pakawalan mo na ako! Ayoko!" Patuloy na sigaw ko pero walang nakakarinig dahil abala sa party at maingay. I was hoping Tita Naomi will save me but she didn't. Walanh tumulong sa akin.

Hinalikan niya ako at kinagat kong mabuti ang labi niya. Nasaktan ko siya at nakita ko ang dugo sa labi niya. Tumigil siya sa pagpilit na humalik sa akin sumandali pero hindi ko inaasahan na sasampalin niya ako. Natahimik ako sa gulat at sakit ng sampal niya sa akin. Nakatingin siya sa akin at pulang-pula ang mga mata niya. Ang mga mata ng demonyo.

"I told you don't struggle." Pero hindi ako nakinig sa kanya kaya sinampal niya ulit ako. He was rough and very forceful. Sigaw lang ako ng sigaw ng tulong hanggang mawala na ang boses ko pero walang nagpunta para tulungan ako. Umiyak na lang ako ng umiyak habang binababoy ako ng demonyo. Wala na akong nagawa. I felt so drained physically and emotionally. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako hindi lang sakit kundi sa pagiging helpless.

Pagkatapos niyang gawin lahat ng kahalayan na iyon ay nakatulog ito sa tabi ko. Hinila pa ako nito papalapit sa kanya at niyakap bago ito matulog at ubos na ang lakas ko para di sumang-ayon. At isa pa natatakot ako na baka saktan niya ulit ako.

I was wide awake kahit na pagod na pagod ako. Patuloy pa rin ang pagluha ko at nanginginig ako. Hindi ko alam kung paano ako natagpuan ni Tita Naomi pero nakita niya akong tulala at umiiyak. Nakita niya akong sira-sira ng damit na binili niya at walang saplot sa tabi ng anak niya na nakahubad rin.

Kinumutan ako ni Tita Naomi at kaagad dinala ako sa kwarto namin. Ni hindi ko nga alam pa noon una na nakarating na kami sa kwarto kung hindi lang pinaliguan at binihisan ako ni Tita Naomi. Kinakausap ako ni Tita Naomi noon pero tulala lang ako. Wala ako sa wisyo.

Sinira niya ang buhay ko noon araw na iyon. Mas sinira pa niya dahil nagbunga. Hayop! Demonyo ang taong nasa harapan ko.

"Hindi mo na ako mapapaniwala ng pagkukunwari mo, demonyo. Well, wala ka na rin gugustuhin sa katawan ko na ito. Buntis na ako at sirang-sira na ang katawan ko." Ngumiti ako sa realization. Hinding-hindi niya ako pagnanasahan ngayon dahil sa paglaki ko. May idinulot rin palang maganda ang pagbubuntis ko.

"Sam...wala akong intensyon na pagsamantalahan ka ngayon. Wala. Pero kahit ano naman paliwanag ko sa'yo--"

"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo dahil hindi ko iyon naririnig. Gaya lang noon nagmamakaawa ako sa iyo na hindi mo rin narinig. Hindi kita mapapatawad kahit kailan. Hinding-hindi."

...

Again if you find the scene disturbing, I am very sorry.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 550 43
Jonalise Esceva had a almost perfect life in her mind, in her heart and for herself but the word 'perfect' is shattered into pieces. God from above c...
65.2K 1.2K 53
Roa, a designer and boutique owner, wanted to move on from the man whom she courted and rejected her when she was in college. But years later, Nixon...
36.8K 1.7K 33
Define the Petrov family--- one of the most influencial family that owns the most distinguished business empire in the country. Now how they attaine...
46.5K 1K 49
"unang mahulog talo" ngumiti ako noong maalala ko ang mga sinabi nya matagal na akong talo..