Trials Of Fate

By Aisaacolie

1.2K 139 0

Yimnia Vicky Grearta has a goddess-like beauty and a mysterious aura. Throughout her life, she has always fol... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38

Chapter 3

36 7 0
By Aisaacolie

Chapter 3

Stay Away

Sunday, nakakaramdam ako ng pagkabored. Nandito ako sa aking kwarto nagbabasa ng libro. Naka-eye glasses ako habang busy sa pagbabasa.

Hinihintay ko din ang pagdating nila Naomi dahil mga ganitong oras sila darating.

"Yimnia! Hija! Nandito na mga kaklasi mo!" Sigaw sa akin ni Manang.

Nagmadali akong lumabas at bumaba sa hagdan.

Patakbong pumunta sa gawi ko si Naomi niyakap niya ako.

Nandito din si Basty.

"Nandito na kayo guys, sa sala tayo." Seryosong sambit ko.

Tumango sila nauna akong naglakad papunta sa sala.

"Grabi pres. Ang ganda pala ng bahay niyo." Manghang sambit ni Dean.

Maganda nga ang boring naman. Walang katao-tao puro mga kasambahay lang. Hanggang ngayon namamangha pa din si Dean sa bahay namin,

Buong maghapon wala kaming ginawa kung hindi mag practice. Gabi na noong natapos kami. Nautasan ko na si Yaya na mag hanap ng gagamitin para sa props na gagawin ko.

Akala ko mga madaling araw uuwi sila mommy pero nabigla ako ng lalabas na sana sila Sebastian.

Biglang pumasok sila mommy.

"Mommy, this is my classmate. Guys! Mommy ko at Daddy ko." Bored na sambit ko.

Nakita kong sumulyap si Mommy kay Sebastian kaya napataas ako ng kilay.

"Good evening mga hijo at hija, by the way. Baby, Zoey wants to celebrate her birthday dito sa Pilipinas. I think, sa susunod na araw sila darating." Pagbabalita sa akin ni Mommy.

Tumango na lamang ako. Sa totoo lang last quarter na namin ito. Sa susunod na week na ang exam.

Ngayong, mayo ay birthday ng pinsan ko.

Kailan kong maghanda sa pagdating ng kambal. Alam ko na mangyayari kukulitin na naman ako ng babaeng iyon. Lagi niyang tinatanong kong sino iyong crush ko pero hindi ko masabi.

Ang daldal nan baka sabihin niya sa kakambal niya na madaldal din.

"Wait hija, parang pamilyar la? Are you, zoey's best friend? Naomi?" Tanong ni Daddy kay Naomi.

Nanlaki mata ko what? Kaya ba pamilyar siya?

"Yes po, Tita." Malambing na sambit ni Naomi.

Hindi na nagsalita si Mommy kaya umalis na sila.

Aakyat na sana ako ng tawagin ako ni Mommy, "Sweetheart, sabay na tayo kumain."

Ganito minsan si Mommy. Minsan sweet, minsan strict.

"Busog na po ako mom! Kayo na lang mag aaral pa ako." Seryosong sambit ko.

"No, baby mamaya na iyan. Mag pahinga ka muna sa pagbabasa." Malambing na sambit ni Daddy.

"Dad! Mom! May gagawin pa po akong props eh. Sa susunod na lang po." Malambing na sambit ko.

Hindi na nagsalita sila mommy kaya umakyat na ako.

Habang nag sesearch ako ng mga gagawin kong proops sa Romeo and Juliet. Biglang may kumatok.

Binuksan ko ito at bumungad sa akin si Yaya.

"Ma'am Yim, heto na po pinapahanap niyo sa akin. " Binigay niya sa aking ang kariton, kaya tinanggap ko iyon.

"Salamat po, yaya." Malambing na sambit ko. Sinarado ko na ang pinto.

Madaling araw na ako natapos. Mga 3:30 am ako natapos ngayon lamang ako napuyat ng ganito. Dahil hindi ako marunong paulit-ulit ang ginagawa ko buti na lamang nagawa ko. Kaso nga lang mga 3:30 ako natapos, Wala pa akong tulog. Pabagsak akong humiga sa aking kama. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Tunog ng tunog ang alarm clock ko pero hindi ko pinansin. Inaantok pa ako. Sa pangatlong gising ko si Manang na gumising sa akin.

"Yimnia! Jusko bata ka! May pasok kapa, Late kana hija!" Sigaw ni Manang kaya napapitlag ako.

Napatingin ako sa alarm clock ko.

"Shit!" Taranta akong bumangon dahil late na nga ako.

First time kong malate.

Nagmadali kong ginawa ang morning rituals ko, Pagkatapos bumaba na ako.

"Hija! Baon mo, o'siya, pumasok kana at late kana!" Sambit ni Manang.

Kinuha ko ang dalawang lunchbox. Iyong isa para sa akin iyong Isa para kay Aiden.

Nasabi ko kasi kay Manang na dalawahin ang lunchbox para kay Aiden at sa akin. Hindi ko sinabi kay Manang ang pangalan ni Aiden. Sinabi ko lang na dalawahin o damihan ang pagkain na lutuin niya para pangrecess ko.

Pinagbuksan ako ni Manong kaya pumasok na ako, "Manong sabihin mo po kay Manang, Nasa kwarto ko po iyong props na gagamitin namin. Mga pagkatapos po ng recess namin gagamitin, Manong dapat nandoon kana po ha?"

"Oo hija! Baka magalit ka pagnahuli ako ng dating." Sambit ni Manong.

Napangiti ako sa mga kasambahay namin ako close. Nakasanayan ko na na makipagbonding sa kanila.

Nilagay ko ang aking earpods sa dalawang tenga at nagpatugtog na lang, Iyong kinanta ni Aiden sa akin noong biyernes dinownload ko.

Nadarang, ang title.

Nagpaalam ako kay Manong at bumaba na, Nasa harap na ako ng gate ng campus.

The gate was closed so I ran in case I bumped into the man's back. Napaaray ako, The man's scent was familiar. So when he turned to me my heart beat faster.

Ngumiti siya sa akin.

Tinanggal ko isa kong earpods dahil parang may sinasabi siya. "Hala pres! first Late?"

"Don't talk to me." Malamig na sambit ko.

Lalakad na sana ako ng hawakan niya pulsunan ko.

"Ang sungit mo talaga pres! Napangit ka pagnagsusungit ka, ngumiti ka naman." Malambing na sambit sa akin ni Aiden.

Gosh! Felix Aiden Montero.

Huwag mo akong huntahin. Mala-late na ako sa kagagawan mo. Ayaw kong malate.

"Can you please stop talking to me? Mal-late na ako sa kakahunta mo sa akin. I hate you!" Inis na sambit ko sa kanya.

Napahawak sa dibdib si Aiden.

Ang over acting ha?

"Grabi ka pres, I hate you agad? Hindi ba pwedeng I love you?" Malambing na sambit niya.

Huwag mo muna akong landiin ngayon.

Bwesit ka!

Napatingin ako sa gate pasarado na ito. Magsasalita na sana ako para bungangaan siya kaso hinawakan niya isang pulsunan ko at hinala ako.

Nagpahila naman ako.

Ngayon ay tumatakbo kaming dalawa habang hawak niya pulsunan ko. Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko sa ginawa niya.

Manghang-mangha ako sa side view niya, His nose is piercing, Maganda ang kaniyang pilik mata, I look at his lips. He had kissable lips kaya madaming nagkakagusto sa kaniya because of his good looks and talented. Kaso deadma lahat ng mga babae sa kaniya.

Because all his attention concentrated on me.

Nararamdaman ko na gusto niya ako.

Yes, I like him but I will not admit it. I don't want to admit,

Hindi ko namalayan na nandito na kami sa tapat ng classroom namin, Nagkakaklasi na sila. Papasok na sana ako kaso may nakalimutan ako. Paglingon ko tumama ako sa dibdib niya.

Umatras ako.

Dahil mas matangkad siya tumingala ako sa kanya.

"Aiden, thank you." Malambing na sambit ko at nginitian siya.

Mabilis siyang umiwas dahil sa pagngiti ko.

Pumasok na ako sa classroom, "Ms. Grearta and Mr. Montero, late kayo ng ilang minuto." Mahinahong sabi ng adviser namin.

"I'm sorry, Ma'am." Seryosong sambit ko.

"It's okay, Yimnia. You may now sit and you, Mr. Montero umupo kana din." Sambit ni Ma'am.

Tumango si Aiden.

Bago siya umupo tumingin muna siya sa akin at mabilis na umiwas.

Late ako. First Late ko ito. Tapos makakasabay ko ang lalakeng iyon. Napatingin ako sa pulso ko.

Hindi ko mapigilang ngumiti.

Nabura ang ngiti sa labi ko ng sumulyap sa akin si Aiden pero mabilis ulit umiwas.

Anong nangyari? Bakit ganoon? Nginitian ko lang siya eh.

Napakibit-balikat na lamang ako at handa na sanang makinig kaso may binigay sa akin ang katabi ko. Isang papel, Mabilis ko iyong binuksan at binasa.

Lalong sumilay ang ngiti ko ng mabasa iyon.

'Ngiti mo pa lang pres! Pinapatunaw mo na puso ko. Ngumiti ka na lang kaya lagi? Para naman lagi kang maganda at cute. Pero kahit hindi ka ngumingiti ikaw pa din ang pinakamagandang babae sa paningin ko, Walang Iba.'

-F,A Montero

Namula ako sa sinabi niya.

Mabilis akong nagsulat at ipinapasa papunta sa gawi ni Aiden. Parang paulit-ulit na sinabi ng utak ko ang sinabi niya sa akin kanina, Parang naririnig ko ang boses niya habang sinasabi iyon. Felix Aiden Montero, Kailan mo ba ako titigilan? Nang dahil sa pagpapansin mo sa akin.

Lalo akong nahuhulog sayo.

Paano na iyan? hulog na hulog na talaga ako sayo kaso hindi ako makaamin.

Hanggang ngayon hindi ko pa din makalimutan iyon, breaktime na.

Napatingin ako sa lunchbox.

Ibibigay ko ba? Bakit parang nahihiya akong ibigay sa kanya?

Napabuntong hininga ako. Lalabas na sana ako ng humarang si Aiden sa may pintuan kami na lamang ang tao sa loob.

"Miss president, lunchbox ko?" Tanong niya sa'kin.

Binigay ko sa kanya ang kaniyang lunchbox.

Umalis siya sa may pinto. Bago pa ako makalabas hinawakan niya ang pulsunan ko kaya napatingin ako doon.

Tumaas ang kilay ko but deep inside kinikilig ako.

Ikaw ba naman iyong hawakan ng crush mo kikiligin ka talaga.

"Don't touch me." Malamig na sambit ko.

Habang seryosong nakatingin sa kanya.

Tumawa siya. "Sabi ko sayo pres, dapat ngumingiti ka. Nagseryoso na naman mukha mo. Ang cute mo kaya pagnakangiti." Malambing na sambit niya.

Tumibok ang puso ko. Hindi ko mapigilang mapangiti sa harap niya. Mabilis siyang umiwas.

May gayuma ba ngiti ko?

"Bakit ba ang cute mo? Lalo tuloy akong nahuhulog." Bulong niya but narinig ko naman.

"What?" Masungit na tanong ko.

Kaya nataranta siya. Rinig ko naman kasi ngunit nagbibingi-bingihan ako. Kunwari hindi ko naririnig.

Bakit hindi ko magawang ngumiti sa mga studyante na katulad ko? Pero pag kila Manang napapangiti ako.

"Wala pres! Halika, sabay na tayo kumain." Sambit niya.

Hindi na ako umimik at naglakad na lamang.

Nakasunod siya sa akin na parang bodyguard ko. Dala ko ang aking bag wala lang. Gusto ko lang dalhin.

Paakyat kami sa rooftop na walang tao.

Ayaw ko ng maingay pero bakit si Aiden maingay pero gusto ko?

Nilapag ko ang aking bag at umupo na. Umupo na din siya sa tabi ko. Nilabas ko ang aking sketchpad hindi muna ako kakain. Nakakatamad lalo na't nasa harap ko pa si Aiden. Isang beses ko lang siyang nakasabay kumain.

"Pres, saan ka magbabakasyon? Malapit na end ng pasukan." Tanong niya sa akin habang busy sa pagkain.

"I don't know." Boring na sambit ko.

May kinuha ako sa aking bag. Kukunin ko ang aking phone.

Isasalpak ko na sana earpods ko sa aking tenga ng nagsalita si Aiden. "Miss pretty, magaling ka pala magdesign ng mga damit?"

Nanlaki mata ko.

Lumapit ako sa kanya kukunin ko na sana kaso tumayo siya at nilayo ang sketchpad ko.

Seryoso ko siyang tiningnan. "Hindi akin iyan." I denied.

"Talaga ba pres? Eh, bakit nasa bag mo?" Tanong niya.

Tumayo ako para kunin iyon kaso lumayo sa ulit.

What a importunate man?

I'll take it again in case he stays away. Ang kulit ng lalakeng ito.

"If you don't give that to me,"

"Ano pres? Hahalikan mo ako? Huwag bata pa tayo."

Makulit na nga assuming pa.

"No, huwag kang assuming." Malamig na sambit ko.

Napabuntong hininga siya at binigay sa akin ang sketchpad ko.

"Ang ganda mo pala mag design ng mga gown o dress, Pres?" Manghang tanong niya.

Hindi makaget over sa drawing ko na gown, dress at mga damit.

"Nope." Maikling sambit ko.

Sa totoo lang hindi pa nakikita nila Mommy mga design ko, Nakafocus sila sa trabaho. Siya lang ang unang nakakita nito. Hindi ko pinagpatuloy dahil focus ako sa pag aaral iyon ang gusto ni Mommy.

Wala akong magagawa.

"Deny ka pa pres," Natatawang saad niya sa'kin.

Napailing na lang ako at binuksan ko ang aking lunchbox at kumain na.

Tahimik lamang akong kumakain ng bumanat ulit siya.

"Pres, miss universe ka ba?" Tanong niya sa akin.

Ang korni ng banat niya sa totoo 'nan.

Bakit ba lagi siyang bumabanat sa akin? Eh, may iba naman diyang babae? Alam kong kikiligin sila sa korning banat nito.

"Bakit?" Malamig na sambit ko at sumubo ulit.

"Ikaw kasi miss universe ng buhay ko." Malambing na sagot niya.

Nasamid ako at naramdaman pamumula ng pisnge ko. Binuksan ko ang tubig na baunan ko at patalikod na uminom.

Narinig kong tumawa si Aiden. "Naku, pres! Kinikilig ka ano? Aminin muna kasi, Ikaw lang naman ang miss universe ng buhay ko. Ikaw lang ang natatanging diwata ko." Seryoso na ang salita niya.

Kaya lalong namula pisnge ko.

I felt butterflies in my stomach. Hindi ako makaharap sa kanya dahil sa pamumula ng aking pisnge.

Nagulat ako ng nasa harapan ko na siya. Nakangisi tila ba interesado kong bakit ako nakatalikod sa kanya.

"Pres! Namumula ka, ang dakilang class president namumula. Kinikilig ka ano?" Malambing na sambit niya.

Umiwas ako at tumalikod ulit ngayon ay nakatingin na ako sa lunchbox niya na nakalapag sa may upuan kong saan ako nakaupo.

"Pres, look at me." Seryoso na ang sambit niya.

Pero hindi ako tumingin at patuloy na lang sa pagkain.

"Ayaw ko." madiin na sambit ko.

Gosh! Nahahalata kana, Yim! Calm down okay? Wala lang ito, Naiinitan ka lang okay?

Huminga ako ng malalim at humarap sa kanya. Tiningnan ko siya ng seryoso nakaupo na siya sa tabi ko. Nilunok ko ang pagkain sa aking bunganga bago nagsalita.

"I'm not blushing. Hmm...uhm, it's hot." Seryosong sambit ko.

Pero pinigilan ko lamang huwag mautal.

"Weh? Totoo?" Tanong niya ulit.

"Why are you so naughty?" Malamig na tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya sa akin.

Hindi siya umimik. Yumuko ako at sumubo ng pagkain. Dere-deretsyo lang ang aking pagkain at hindi siya tiningnan.

Puno na bunganga ko. Kinuha niya ang baba ko at hinarap sa kanya.

Gosh! Puno pa ang bunganga ko ng pagkain e.

"Ang cute mo talaga pres! Kahit sa pagkain mo, Nalubo pisnge mo." Malambing na sambit niya.

Nang natapos na akong kumain, Nangungulit siya sa akin ngumiti daw ulit ako katulad kanina. "Pres naman, Ngingiti ka lamang ayaw mo pa at tsaka ako lang naman nakakakita eh."

"Can you please, stop? Naririndi na ako sa'yo, Aiden." Inis na sambit ko sa kanya.

Napatahimik siya sa sinabi ko. Yumuko siya kaya naman nakaramdam ako ng pagkaguilty.

"Hey, Aiden, sorry." Malambing na sambit ko.

Tumingin siya sa akin habang namumungay ang mata. "Alam mo, pres?"

"What?"

"Ang ganda mo, kaya nga ako nahulog sa iyo eh." Bulong niya sa panghuli.

Huwag ka ng bumulong rinig ko naman.

Ngumiti ako pero mabilis na nawala. Tumikhim ako at tinalikuran siya. Hindi pa time gusto kong pumunta sa tambayan. Sinalpak ko ang aking dalawang earpods at naglakad na.

Alam kong nakasunod siya sa akin, He matched me so we went down the stairs grabbing everyone's attention. My heartbeat quickened as Aiden grabbed one of my earpods and put it across his ear.

Ngumisi siya sa akin, "Miss president, mahilig ka pala sa love song?" Tanong niya.

"Yes." Maikling sambit ko.

Nagkakakanta siya habang naglalakad kami, Kaya napapatingin ang lahat sa amin iyong iba kinikilig.

Palihim akong umirap.

"Aiden, don't sing." Seryosong sambit ko sa kanya.

"Bakit, pres?"

"Nakakahiya." Mahinang sambit ko sa kanya.

Tumigil siya sa pagkanta.

Napatingin ako sa abandonadong room. Nandoon si Ares pinipilit niyang bukas ang pinto.

Anong nangyari?

Tumakbo ako papunta doon. Sumunod naman si Aiden sa akin.

"What are you doing here?" Malamig na tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot at pilit na binubuksan ang pinto, Nang mabukas na bumungad sa'min si Naomi na nag iiyak.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Nao."

"Ang sama nila, ang sama-sama nila." Naiiyak na sambit ni Naomi at doon nahimatay.

Bubuhatin sana siya ni Ares ng magsalita ako.

"Diyan ka lang." Malamig na sambit ko.

Sinenyasan ko si Aiden na masamang nakatingin kay Ares. Magsasalita na sana siya ng sinenyasan ko ulit siya.

Bumuntong hininga siya at binuhat si Naomi. "Stay away from her."

"Pakialam mo ba?" Galit na sambit niya.

Aalis na sana siya ng hinawakan ko ang braso niya.

"Oo may pakialam ako, she's my friend. Stay away from her. She will be ruined because of what you did. " I told him seriously.

Magsasalita na sana siya ng may dumaang studyante napatingin sila sa akin. Tiningnan ko lang sila sa malamig na tingin kaya nataranta ang babae.

"Nakakatakot naman si Ate Yim, Seth!" Nauutal na sambit ng babae. Nang nakalayo na sila tumingin ulit ako kay Ares.

"Stay away from her, did you get it?"

"What if ayaw ko?" Malamig na sambit niya.

Binatawan ko ang pagkakahawak ko sa kanya. Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa bulsa ng pants niya.

I puffed my cheek with so much annoyance, why doesn't he want to avoid Nao? When because of him my friend was ruined. What if Zoey finds out that something is happening to her best friend.

"Stay away from her! Mapapahamak siya ng dahil sayo." Sigaw ko at naglakad na.

Continue Reading

You'll Also Like

37.6K 1.2K 13
What will happen when two boys fall in love, nothing can stop them, even their very different school lives. But it was not the right time. This is a...
9.6K 602 17
YRKKH GEN 4 (Fan Fiction) A totally different perspective, Ruhi Birla's perspective about which no one talks.
2.5M 146K 48
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
2.9M 54.8K 17
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...